This is the Araling Panlipunan 6, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 3 self-learning module, “Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino” (important events during the Philippine Revolution). It is written in Filipino for Grade 6 learners studying at home, and it explains how the Filipinos’ wish to be free from Spanish rule led to the revolt of the Katipuneros. After the module, learners can explain the events that started the 1896 revolution and what followed: the Tejeros Convention and the Pact of Biak-na-Bato.
The module was produced by DepEd Region VI as part of its Alternative Delivery Mode materials (first edition, 2020). It was written by Mitzel M. Alvaran.
What learners will learn
After studying the module, learners should be able to:
- Identify the events that stirred the Filipinos’ revolutionary feelings.
- Identify the historic places and events of the Sigaw sa Pugad Lawin (Cry of Pugad Lawin), the Kumbensiyon sa Tejeros (Tejeros Convention), and the Kasunduan sa Biak-na-Bato (Pact of Biak-na-Bato).
- Explain the events at the start of the revolution against Spanish colonial rule.
- Analyze the timeline of the 1896 revolution.
- Narrate what happened at the Tejeros Convention.
- Explain why the Katipuneros revolted.
- Infer what the lack of unity meant for the revolution.
- Explain what the Pact of Biak-na-Bato provided.
Lessons in this module
- Aralin 1: Sigaw sa Pugad Lawin – The founding of the Katipunan, its discovery by the Spanish, the tearing of the cedulas, and the first battles of 1896.
- Aralin 2: Kumbensiyon sa Tejeros – The conflict between Andres Bonifacio and Emilio Aguinaldo, the election at Tejeros, and the events that led to Bonifacio’s death.
- Aralin 3: Kasunduan sa Biak-na-Bato – The Republic of Biak-na-Bato, the peace pact with Spain, and why the peace did not last.
Key ideas: from the Katipunan to Pugad Lawin
Andres Bonifacio founded the secret society KKK (Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) on July 7, 1892, in a house on Calle Azcarraga (now Claro M. Recto), with Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, and Jose Dizon. Its main goal was to unite all Filipinos and fight Spain for freedom.
The module also introduces key figures:
- Gregoria de Jesus, Bonifacio’s wife, called the Lakambini ng Katipunan. Women members hid secret documents and held dances and songs during meetings so the guardia civil would not suspect anything.
- Melchora Aquino (Tandang Sora), called the Ina ng Balintawak and Ina ng Rebolusyon, who sheltered Katipuneros and treated the wounded.
- Emilio Jacinto, the Utak ng Katipunan (brains of the Katipunan) and editor of its newspaper, Kalayaan.
The module’s timeline of the 1896 revolution:
| Date | Event |
|---|---|
| July 7, 1892 | The KKK is founded |
| August 19, 1896 | Teodoro Patiño reveals the Katipunan’s secret to Padre Mariano Gil; suspected members are arrested and jailed in Fort Santiago |
| August 23, 1896 | The Katipuneros meet at Pugad Lawin, tear their cedulas, and shout “Mabuhay ang Pilipinas!” |
| August 25, 1896 | Bonifacio issues a manifesto urging the people to start the revolution |
| August 29, 1896 | First major battle at San Juan del Monte |
As fighting spread, the Governor-General placed eight provinces under martial law: Cavite, Maynila, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Tarlac, and Nueva Ecija. These are the eight rays of the sun on the Philippine flag.
Key ideas: Tejeros and Biak-na-Bato
On March 22, 1897, the revolutionaries met in Tejeros, San Francisco de Malabon, Cavite, and set up a revolutionary government to replace the Katipunan. The elected officials were:
| Position | Elected |
|---|---|
| President | Emilio Aguinaldo |
| Vice President | Mariano Trias |
| Captain General | Artemio Ricarte |
| Director of War | Emilio Riego de Dios |
| Director of the Interior | Andres Bonifacio |
Daniel Tirona objected to Bonifacio’s election, saying a lawyer should hold the post. Insulted, Bonifacio declared the election void and issued the Acta de Tejeros listing his reasons. He refused to cooperate with Aguinaldo’s government, was arrested in Barrio Limbon, Indang, Cavite, on April 28, 1897, and was tried with his brother Procopio. They were sentenced to death for sedition and treason and executed on May 10, 1897. The module uses these events to show the cost of disunity among leaders.
Aguinaldo later moved to Biak-na-Bato in San Miguel de Mayumo, Bulacan. A constitution written by Isabelo Artacho and Felix Ferrer was approved on November 1, 1897, and the Republic of Biak-na-Bato was established. Through Pedro Paterno, the pact was signed with Governor-General Fernando Primo de Rivera on December 14 and 15, 1897. Its provisions:
- The revolutionary leaders stop fighting and live in Hong Kong.
- Full pardon for all revolutionaries, who surrender their weapons.
- Spain pays Php1,700,000 to the revolutionaries and their families.
The peace was only temporary. Spain paid only Php600,000 (Php400,000 to Aguinaldo and Php200,000 to the soldiers), punished many Filipinos, and made no reforms. Many Filipino soldiers kept their weapons, and Aguinaldo saved the money for further fighting.
How to use this module
Each lesson follows the same parts: Balikan (review), Tuklasin (discover), Suriin (analyze), Pagyamanin (practice activities), Isaisip, Isagawa, Tayahin (assessment), and Karagdagang Gawain (additional activity). Start with the Subukin pretest before Lesson 1.
- Learners: Write all answers on a separate answer sheet; the module asks you not to write on or mark any page. Answer honestly before checking the answer key at the end, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Use the pretest to see where your child needs help, and guide them through the parts in order.
- Teachers: The Susi sa Pagwawasto (answer key) for all three lessons is on the last pages. Some answers there are hard to read or do not match the lesson text, so check them before using them for grading.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 6 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 3.
What lessons are in this module?
It has three lessons: Sigaw sa Pugad Lawin, Kumbensiyon sa Tejeros, and Kasunduan sa Biak-na-Bato.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto for all three lessons is at the end of the module, though some answers are illegible or do not match the lesson text, so teachers should check them.
What were the provisions of the Pact of Biak-na-Bato?
The revolutionary leaders would stop fighting and live in Hong Kong, all revolutionaries would be pardoned and surrender their weapons, and Spain would pay Php1,700,000 to the revolutionaries and their families.
What do the eight rays of the sun on the Philippine flag stand for?
According to the module, they stand for the eight provinces placed under martial law after they revolted: Cavite, Maynila, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Tarlac, and Nueva Ecija.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan – Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino
6
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino
[illustration: learners studying outdoors under a tree and at a desk, with a teacher, a globe, and a lamp]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_AP6_Module3
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mitzel M. Alvaran Editor: Marife E. Cajutol, Rejean L. Tibus, Venetia Anne A. Tropa, Jewelyn Q. Cadigal, Blas P. Tabayag, Jr. Tagasuri: Blas P. Tabayag, Jr., Mary Helen M. Bocol, Junry M. Esparar Tagaguhit: Krisha Marie T. Paltu-ob, Roland B. Tarrazona Tagalapat: Jewelyn Q. Cadigal Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Pedro T. Escobarte, Jr., Portia M. Mallorca, Nelly E. Garrote, Elena P. Gonzaga, Donald T. Genine, Celestino S. Dalumpines IV, Junry M. Esparar, Mary Helen M. Bocol, Blas P. Tabayag, Jr., Jewelyn Q. Cadigal, Emee Ann P. Valdez
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Region VI
Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816, (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
[transcriber’s note: this page is the half-title page and repeats the title and DepEd logo already given on the cover; not repeated]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ng SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo an gating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa ikauunlad ng iyong kaalaman. Tatalakayin dito ang pagnanais ng mga Pilipino na makalaya sa pananakop ng Español. Alam mo ba ang mga kaganapan na humantong sa pag-aalsa ng mga katipunero? Sa modyul na ito malalaman mo ang mga pangyayari na nagpasimula ng rebolusyong Pilipino laban sa mga Español.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong bahagi:
- Aralin 1 – Sigaw sa Pugad Lawin
- Aralin 2 – Kumbensiyon sa Tejeros
- Aralin 3 – Kasunduan sa Biak-na-Bato
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang magawa ang sumusunod:
- matutukoy ang mga pangyayaring nagpa-siklab sa damdaming mapanghihimagsik ng mga Pilipino;
- matutukoy ang mga makasaysayang lugar at kaganapan tulad ng Sigaw sa Pugad Lawin, Kumbensiyon sa Tejeros, at Kasunduan sa Biak-na-Bato;
- maipaliliwanag ang mga pangyayari sa pagsisimula ng himagsikan laban sa kolonyalismong Español;
- masusuri ang timeline ng himagsikang 1896;
- maisasalaysay ang naging makasaysayang kaganapan sa Tejeros Kumbensiyon;
- maipaliliwanag ang kadahilanan ng pag-aalsa ng mga katipunero;
- mahihinuha ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa himagsikan; at
- mabibigyang kahulugan ang itinadhana ng Kasunduan sa Biak-na-Bato.
Subukin
Panuto: Suriin at unawain ng mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat sa sagutang-papel ang letra ng tamang sagot.
Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang Cavite, Laguna, Maynila, Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, at _____.
- A. Romblon
- B. Quezon
- C. Batangas
- D. Mindoro Oriental
Ang kawalang pagkakaisa ng mga lider sa himagsikan ay nagdulot ng _____.
- A. katiwalian
- B. tagumpay
- C. kapangyarihan
- D. kabiguan
Isa sa mga probisyon sa Kasunduan sa Biak-na-Bato ay ang _____.
- A. pagtigil ng mga rebolusyonaryo sa labanan
- B. pilipino ang mamumuno sa bansa
- C. maging malaya na ang Pilipino
- D. pagtatapos ng pamamahala ng Español sa Pilipinas
Sa Kumbensiyon sa Tejeros naihalal si Andres Bonifacio bilang _____.
- A. pangulo
- B. kapitan-heneral
- C. direktor ng interior
- D. direktor ng digmaan
Nahatulang mamatay si Andres at Procopio Bonifacio sa kasalanang _____.
- A. pagtataksil sa bayan
- B. pagkampi sa Español
- C. pandaraya sa eleksiyon
- D. pagpapabaya sa tungkulin
Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay nagsasaad na ang mga Pilipinong nakipaglaban sa Español ay _____.
- A. papatawan ng parusa
- B. patatawarin sa kasalanan
- C. paaalisin lahat sa Pilipinas
- D. pagtatrabahuhin sa tanggapan
Layunin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato na _____.
- A. itigil ang labanan para sa katahimikan ng bansa
- B. ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas
- C. itago sa lahat ang mga anomalya sa pamahalaan
- D. ituloy ang labanan kahit may kasunduan
Ang kinikilalang Utak ng Katipunan ay si _____.
- A. Jose Rizal
- B. Emilio Aguinaldo
- C. Pio Valenzuela
- D. Emilio Jacinto
Ang kinikilalang Ama ng Himagsikan ay si _____.
- A. Emilio Jacinto
- B. Andres Bonifacio
- C. Emilio Aguinaldo
- D. Apolinario Mabini
Sino ang tumutol na bigyan ng puwesto si Andres Bonifacio sa Pamahalaang Rebolusyonaryo?
- A. Candido Tirona
- B. Daniel Tirona
- C. Mariano Trias
- D. Emilio Aguinaldo
Aralin 1: Sigaw sa Pugad Lawin
Alam mo ba ang mga kaganapan na nangyari na humantong sa pag-aalsa ng mga katipunero? Sa modyul na ito malalaman mo ang mga pangyayari na nagpasimula ng himagsikan laban sa mga Español upang makamit ang kalayaan.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang iyong:
- masusuri ang mga pangyayari sa paglaganap ng rebolusyon;
- matutukoy ang mga mahahalagang tao na may malaking kontribusyon sa himagsikan;
- masusuri ang timeline ng Himagsikang 1896; at
- maipaliliwanag ang makasaysayang kaganapan sa Sigaw sa Pugad Lawin.
Balikan
Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na tanong at isulat sa sagutang-papel.
- Kailan at saan itinatag ang “Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK”?
- Bakit itinatatag ang KKK?
- Sino ang mga nagtatag ng KKK?
- Ano ang pangunahing layunin ng samahan?
- Paano nabunyag ang KKK?
Tuklasin
Timeline ng Himagsikang 1896
[transcriber’s note: the table has no printed header row; the header below is added to label its two columns]
| Petsa | Pangyayari |
|---|---|
| Hulyo 7, 1892 | Itinatag ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan |
| Agosto, 1896 | Pambansang Paghihimagsik ng mga Pilipino |
| Agosto 19, 1896 | Dinakip ng mga guwardiya sibil ang maraming Pilipino na pinaghihinalaang katipunero. Dito na natuklasan ang KKK. |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Petsa | Pangyayari |
|---|---|
| Agosto 23, 1896 | Ang pagpunit ng sedula ng mga katipunero, ang pagsiklab ng himagsikan. |
| Agosto 23, 1896 | Sumang-ayon ang lahat kay Bonifacio at Jacinto na magkaroon ng himagsikan. |
| Agosto 25, 1896 | Nagpalabas ng manipesto si Bonifacio na gumanyak sa mamayan na simulan ang himagsikan. |
| Agosto 29, 1896 | Unang malaking labanan sa San Juan del Monte sa pagitan ng Pilipino at Español. |
Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang sumusunod na pangyayari ayun sa tamang pagkasunod-sunod nito. Ilagay ang sagot sa sagutang-papel.
- Sumang-ayon ang lahat kay Bonifacio at Jacinto na magkaroon ng himagsikan.
- Unang malaking labanan sa San Juan del Monte sa pagitan ng Español at Pilipino.
- Dinakip ng mga guwardiya sibil ang maraming Pilipino na pinaghihinalaang katipunero.
- Ang pagpunit ng sedula ng mga katipunero ang naging hudyat sa pagsiklab ng himagsikan.
- Itinatag ang Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Suriin
Itinatag ni Andres Bonifacio ang isang lihim na samahang KKK, Kataastasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan noong Hulyo 7, 1892 sa isang bahay sa 72 Kalye Azcarraga (Claro M. Recto ngayon) kasama sina Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at Jose Dizon. Pangunahing layunin ng samahan na mapagsama-sama ang lahat ng mga Pilipino at makipaglaban sa mga Español upang makamit ang kalayaan. Naniniwala ang samahan na matugunan ang layunin na ito sa malinis na pag-iisip at kagandahang asal. Naniniwala ang samahan na maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaisa ng lahat ng mga Pilipino sa ilalim ng matibay na hukbo at paglaban para sa kalayaan.
Sa simula, ang mga lalaki lamang ang mga kasapi ng Katipunan. Dala sa paghihinala ng kanilang mga asawa sa kanilang pag-alis-alis kung gabi, nababawasan ang kanilang sahod, napilitan silang itatag ang isang samahan para lamang sa mga asawa, kapatid, at anak ng mga katipunero.
Kabilang dito sina Gregoria de Jesus, ang kabiyak ni Andres Bonifacio na tinaguriang Lakambini ng Katipunan. Malaking tulong ang nagawa ng mga babaeng
katipunero, sila ang nagtatago ng mga mahalagang lihim na dokumento ng Katipunan. Kung may pagpupulong ang mga katipunero, ang kababaihan ay nagsasayawan, nagkakakantahan, at nagpasaya upang hindi mahalata ng mga guardiya sibil at isipin lamang na ang mga ito ay nagdiriwang.
Dahil sa mga patagong pagpupulong at pag-iwas sa mga Español, ang mga katipunero ay tumutungo sa bahay ni Melchora Aquino at siya ay tinagurian “Tandang Sora,” “Ina ng Balintawak,” “Ina ng Katipunan” at tinawag din siya na “Ina ng Rebolusyon.” Hanggang sa sumiklab ang himagsikan, siya ang nanggagamot sa mga sugatang Katipunero.
Gabi ng Agosto 19, 1896, habang abala ang mga katipunero sa paghahanda ng rebolusyon, isiniwalat ni Teodoro Patiño, isang katipunero, kay Padre Mariano Gil ang lihim ng Katipunan. Nagawa niya iyon dahil sa payo ng isang madre at kapatid niyang nakatira sa tahanan ng mga ulila sa Mandaluyong. Itinuro ni Patiño ang mga imprenta ng mga katipunero. Natuklasan dito ang ilang polyeto at dokumento ng Katipunan. Hinuli at ikinulong sa Fort Santiago ang mga pinaghihinalaang Pilipino na kasapi ng Katipunan.
Ang pagkatuklas ng Katipunan ay nagbunsod kay Bonifacio na tumawag ng pulong sa Balintawak, Caloocan kasama sina Jacinto, Procopio Bonifacio, at iba pang katipunero. Nagkita-kita ang mga Katipunero sa Pugad Lawin noong Agosto 23, 1896 matapos na matuklasan ng mga Español ang Katipunan. Nagkasundo silang simulan na ang himagsikan. Pagkatapos, sabay nilang inilabas ang kanilang mga sedula at pinunit ito. Sabay-sabay silang sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas!” Kinilala ito sa kasaysayan ng ating bansa na Sigaw sa Pugad Lawin.
Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay nagsimula ng maalab na labanan sa pagitan ng mga Español at mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Andres Bonifacio, ang Ama ng Katipunan. Ang kaniyang tagapayo ay si Emilio Jacinto, ang tinaguriang Utak ng Katipunan at siya rin ang patnugot ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan.
Lagablab ng Himagsikan
Pagkatapos ng makasaysayang pagpunit ng kanilang mga sedula, noong Agosto 23, 1896, sabay ding sumang-ayon ang lahat kay Bonifacio at Jacinto na magkakaroon ng himagsikan. Nagpalabas ng manipesto si Bonifacio na gumanyak sa mamamayan na simulan ang himagsikan noong Agosto 25, 1896. May dinakip ang mga Español na mga pinaghihinalaang katipunero at ikinulong sila sa Fort Santiago pagkatapos matuklasan ang Katipunan noong Agosto 19, 1896.
Ang unang sagupaan ng mga magkalabang tropa ng mga Español at Katipunan ay nangyari sa San Juan Del Monte noong Agosto 29, 1896. Pinamunuan ang mga katipunero nina Bonifacio at Jacinto. Ngunit napilitang umatras ang mga katipunero nang dumating ang mga dagdag na kawal ng mga Español. Wari’y isang hudyat ang paglalabang iyon. Nang mga sandaling iyon, sabay-sabay na nag-alsa at nakipaglaban ang mga Pilipino sa Sta. Mesa, Pandacan, Pateros, Taguig, Caloocan, Biak-na-Bato, San Francisco de Malabon, Kawit, at Cavite. Sa dakong hilaga naman
ang mga Pilipino ng San Isidro, Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac ay nakipaghamok din. Sa Laguna, Batangas, at Cavite, ang mga Pilipino ay sumalakay sa mga garrison ng mga Español na parang nagitla sa mga pagsasalakay. Ang makikitang walong sinag ng araw na makikita sa ating kasalukuyang watawat ay sumisimbolo sa walong lalawigan na unang nag-alsa laban sa mga Español.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan tungkol sa nabasa. Isulat ang mga sagot sa sagutang-papel.
[chart: graphic organizer; Pugad Lawin (star diagram with four question boxes)]
- Ano ang mga pangyayaring nagpapaalab sa damdaming mapanghimagsik ng mga katipunero?
- Bakit itinatag ang KKK?
- Bakit kailangang simulan ang labanan kahit hindi pa handa ang mga katipunero?
- Paano natuklasan ng mga Español ang lihim ng Katipunan?
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Kumpletuhin ang dayagram. Isulat sa sagutang-papel ang sagot.
[chart: flowchart; Gawain 1, sequence of events]
- Sigaw sa Pugad Lawin (Sanhi)
- 1._____ (Bunga)
- Agosto 30, 1896: Lumusob ang mga katipunero sa San Juan del Monte sa bodega ng pulbura ng mga Español
- 2._____ (Pangyayari)
- Ang mga lalawigang ito ang sinasagisag ng walong sinag ng araw na nag-alsa laban sa mga Español:
[illustration: sun with eight rays and a blank center circle]
- a. _____
- b. _____
- c. _____
- d. _____
- e. _____
- f. _____
- g. _____
- h. _____
Gawain 2:
Sagutan ang mga hinahanap na datos sa Graphic Organizer.
[chart: graphic organizer; Himagsikan 1896]
- Center box: Himagsikan 1896
- Branch: Layunin → 1.
- Branch: Mga Bayani ng Himagsikan → 2., 3., 4., 5., 6.
Ang Sigaw sa Pugad Lawin ang naging hudyat ng himagsikan ng 1896. Inilunsad ang mga pagsalakay sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan at karatig na lalawigan nito. Lumubha ang mga labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Español kaya inilagay ng Gobernador-Heneral sa ilalim ng Batas Militar ang walong lalawigang nag-alsa laban sa Espanya. Ang mga ito ay ang Cavite, Maynila, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Nueva Ecija. Sa bandilang Pilipino, ang mga lalawigang ito ang sumasagisag ng walong sinag ng araw na makikita sa kasalukuyang watawat ng Pilipinas.
Isagawa
A. Ikaw ba ay nakaranas ng pagkimkim ng galit sa ibang tao? Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang patlang kung ang pahayag ay dahilan sa pagkagalit ng isang tao at ekis ( X ) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
- Binu-bully ka
- Ikinahihiya ka
- Pinapagalitan ka
- Inaalagaan ka
- Ninakawan ka
B. Basahin ang tanong at sagutin ito sa sagutang-papel. Anong mangyayari sa isang tao kung hindi niya mapigilan ang kanyang galit?
Tayahin
Panuto: Hanapin ang inilalarawan ng mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra sa sagutang-papel.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| _____1. Tandang Sora | A. Andres Bonifacio |
| _____2. Ang pinunit ng mga katipunero | B. Agosto 23, 1896 |
| _____3. Dito ginanap ang pulong sa pagtatag ng KKK | C. Emilio Jacinto |
| _____4. Petsa ng hudyat ng himagsikan | D. Teodoro Patiño |
| _____5. Ama ng Katipunan | E. Fort Santiago |
| _____6. Ang petsa ng pagkatuklas sa samahang KKK | F. Balintawak, Caloocan |
| _____7. Utak ng Katipunan | G. Gregoria de Jesus |
| _____8. Ikinulong ang mga napagkamalang katipunero | H. Melchora Aquino |
| _____9. Lakambini ng Katipunan | I. Agosto 19, 1896 |
| _____10. Ang nagsiwalat sa samahan | J. Sedula |
Panuto: Isulat sa sagutang-papel ang tinutukoy ng sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot mula sa mga salitang nasa loob ng kahon.
Melchora Aquino Gregoria de Jesus Josefa Rizal Andres Bonifacio Emilio Jacinto
- Kapatid ni Rizal
- Asawa ni Andres Bonifacio; Lakambini ng Katipunan
- Tagagamot ng mga katipunero; “Ina ng Rebolusyon”
- Naging Utak ng Katipunan
- Ang tagatago ng mga sulat ng Katipunan
- Tinawag din na “Ina ng Himagsikan”
- Ang naging “Ama ng Katipunan”
- Kilala rin bilang “Ina ng Balintawak”
- Nagtatatag ng lihim na Kilusang KKK
- Ang namuno sa pagtatag ng lihim na kilusan na KKK
Aralin 2 Kumbensiyon sa Tejeros
Noong nakaraang aralin, iyong napag-alaman ang mga pangyayari na nagpa-alab sa damdamin ng mga katipunero upang simulan ang laban sa pagkamit ng kalayaan. Natutuhan mo din ang mga timeline ng himagsikan kung saan iyong naintindihan ang mga importanteng naganap sa kasaysayan.
Ngayon naman, tunghayan mo ang sumusunod na pangyayayari pagkatapos ng mga labanan sa pagitan ng mga katipunero at mga Español. Ano kaya ang mga plano laban sa mga Español? Kailangan bang gumawa ang mga pinuno ng hakbang upang matapos ang labanan? Ano kaya ito? Ano kaya ang mga pangyayaring nagpasidhi sa mga pinuno ng himagsikan?
Alam mo ba ang mga kaganapan na nangyari na humantong sa pag-aalsa ng mga katipunero? Sa modyul na ito malalaman mo ang tunay na pangyayari na humantong sa pagkamatay ni Andres Bonifacio. Bago mo simulan bigyang diin ang mga layunin ng modyul na ito:
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang iyong:
- masusuri ang mga pangyayari na naganap sa Kumbensiyon sa Tejeros;
- makikilala si Heneral Emilio Aguinaldo at ang mga hakbang na ginawa niya sa pagkamit ng Kalayaan;
- maisa-isa ang kaganapan sa buhay ni Andres Bonifacio; at
- malalaman ang bunga ng makasaysayang kaganapan sa Kumbensiyon sa Tejeros.
Balikan
Natatandaan mo pa ba ang mga aralin natin tungkol sa makasaysayang pangyayari ng Sigaw sa Pugad Lawin? Subukin mong gawin ang pagsasanay.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan at isulat sa sagutang-papel.
- Isalaysay ang makabuluhang pangyayari sa Sigaw sa Pugad Lawin sa panahon ng Himagsikang 1896.
- Bakit naging hudyat ng himagsikan ang pagpunit ng sedula ng mga katipunero?
- Bakit kailangang wakasan ng mga katipunero ang pagsakop ng Espanya sa paraan ng himagsikan?
Illustration on this page is made by Krisha Marie T. Paltu-ob
Tuklasin
Tingnan ang larawan ng Kumbensiyon sa Tejeros. Ano kaya ang mga pangyayaring naganap sa lugar na ito?
[illustration: meeting in a hall with men standing and seated around tables, with a crowd of people behind them]
Ang Kaganapan sa Kumbensiyon sa Tejeros
Suriin
Kumbensiyon sa Tejeros
Nang sumama sa walong lalawigan ang lahat ng mga lugar sa buong bansa sa pag-aalsa ay lalong napalubha ang labanan sa pagitan ng mga Español at ng mga Pilipino. Sa gitna nito, may namuong alitan laban sa pinuno ng Katipunan na si Andres Bonifacio at Heneral Emilio Aguinaldo. Dahil sa alitang ito, nagpatawag ng pulong ang mga rebolusyonaryo ng pulong upang palitan ang Katipunan ng Rebulosyonaryong Pamahalaan. Sa paghalal ng mga pinuno ng rebulosyonaryo nahalal si Andres Bonifacio bilang Direktor ng Interyor.
Noong Marso 22, 1897, ipinahayag ang pagkakatatag ng rebolusyunaryong pamahalaan sa pulong ng mga rebolusyonaryo sa Tejeros, San Francisco de Malabon sa Cavite. Ang pamahalaang rebolusyonaryong ito ang pumalit sa Katipunan sa pagtataguyod ng himagsikan. Nahalal bilang pangulo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Malolos si Emilio Aguinaldo. Ang iba pang nahalal na mga opisyal nito ay sina Mariano Trias, bilang pangalawang pangulo; Artemio Ricarte, Kapitan Heneral; Emilio Riego de Dios, Direktor ng Digmaan; at Andres Bonifacio, Direktor ng Interyor.
Tumutol sa pagkahalal kay Bonifacio si Daniel Tirona. Ayon kay Tirona, kailangang abogado ang dapat mahalal bilang Direktor ng Interyor. Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni Tirona, lalo pa’t napagkasunduan sa una pa lamang na igagalang ng lahat ang resulta ng halalan. Dahil dito, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang halalan na iyon. Kinabukasan matapos ang insidenteng ito, ipinalabas ni Bonifacio ang Acta de Tejeros kung saan iniisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit pinawalang bisa niya ang resulta ng halalan. Mula sa Naic, Cavite, ipinalabas niya ang ikalawang dokumento kung saan ipinahayag ang pagtatatag ng isa pang rebolusyonaryong pamahalaan na hiwalay at kaiba sa naitatag sa Tejeros.
Nalaman ni Aguinaldo ang ginawa ni Bonifacio. Sa pangambang magiging mabigat ang epekto nito sa pagtataguyod ng himagsikan, nagpadala siya ng delegasyon upang himukin si Bonifacio na makipagtulungan sa bagong tatag na rebolusyonaryong pamahalaan subalit tahasan itong tinanggihan ni Bonifacio. Dahil dito, kinasuhan siyang taksil at isang malaking panganib sa interes ng rebolusyonaryong pamahalaan ni Aguinaldo.
Iniutos ni Aguinaldo na dakpin si Bonifacio. Dinakip siya ng mga tauhan ni Aguinaldo, sa pangunguna ni Agapito Bonzon, sa Barrio Limbon, Indang, Cavite noong Abril 28, 1897. Isinailalim sa paglilitis si Bonifacio, kasama ang kaniyang kapatid na si Procopio. Hinatulan ang magkapatid ng parusang kamatayan sa salang sedisyon at pagtataksil, kahit walang nakitang ebidensiya laban sa dalawa noong 6 Mayo 1897. Iginawad ang parusang ito sa magkapatid noong Mayo 10, 1897 sa Cavite.
Samantala nagpalipat-lipat si Aguinaldo ng lugar matapos na matalo sa mga labanan sa mga Bayan ng Cavite tulad ng Mendez, Nuñez, Alfonso, Maragondon, Bailen, at Magallanes. Nakarating siya sa Biak-na-Bato sa San Miguel de Mayumo, Bulacan kung saan sila nagkampo at doon ipinagpatuloy ang kaniyang pakikipaglaban laban sa mga Español.
Handa ka na ba? Sa mga kaganapang nabasa sa pagsimula ng pulong hanggang sa sumunod na pangyayari, alamin mo ang kaganapan sa buhay ni Andres Bonifacio. Simulan mo na.
Panuto: Isa-isahin ang mga kaganapan sa buhay ni Andres Bonifacio sa pamamagitan ng pagpili sa loob ng kahon ng mga sagot. Gumawa ng sariling tsart. Tularan ang nasa kabilang pahina.
a. Walang pagkakasunduan sa panig ni Bonifacio at Emilio Aguinaldo. b. Ipinahayag ang pagkatatag ng rebolusyonaryong pamahalaan sa pulong sa Tejeros. c. Ipinautos ni Emilio Aguinaldo na dakpin si Andres Bonifacio. d. Napasailalim sa paglilitis si Andres Bonifacio pati ang kaniyang kapatid na si Procopio Bonifacio.
e. Walang pagkakasunduan sa panig ni Bonifacio at Emilio Aguinaldo. f. Ipinahayag ang pagkatatag ng rebolusyonaryong pamahalaan sa pulong sa Tejeros. g. Ipinautos ni Emilio Aguinaldo na dakpin si Andres Bonifacio. h. Napasailalim sa paglilitis si Andres Bonifacio pati ang kaniyang kapatid na si Procopio Bonifacio. i. Iginawad ang parusang kamatayan sa magkapatid na Andres Bonifacio at Procopio Bonfacio. j. Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni Daniel Tirona. k. Nalaman ni Aguinaldo ang ginawa ni Bonifacio na pag-alis sa pulong na walang pahintulot. l. Nahalal bilang Direktor ng Interyor si Andres Bonifacio.
Kaganapan sa Buhay ni Andres Bonifacio
| Pagpupulong sa Kumbensiyon sa Tejeros | Pagkatapos ng Pagpupulong sa Kumbensiyon sa Tejeros |
|---|---|
| 1. | 1. |
| 2. | 2. |
| 3. | 3. |
| 4. | 4. |
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at ekis ( X ) kung mali. Gawin ito sa sagutang-papel.
Ang pagtutol sa pagkahalal ni Andres Bonifacio ay naging sanhi ng pagpalabas ni Bonifacio ng Acta de Tejeros.
Ang Acta de Tejeros ay mga nakalistang kadahilanan kung bakit pinawalang-bisa ni Bonifacio ang resulta ng halalan.
Ang nabuong alitan sa panahon ng himagsikan ay nasa pagitan ni Daniel Tirona at Andres Bonifacio.
Ang anim na lalawigan na nag-alsa laban sa Espanya ay sumasagisag sa sinag ng araw sa watawat.
Noong Marso 21, 1897 ay ipinahayag ng rebolusyonaryong pamahalaan sa pulong ng mga rebulosyonaryo sa Tejeros, sa San Francisco sa Malabon sa Cavite ang kanilang hinaing.
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
- Bakit nagdamdam ng husto si Bonifacio sa pagtutol ni Tirona na siya ang maging Direktor ng Interyor?
- Ano ang ginawa ni Bonifacio upang tugunan ang ginawa sa kanya ni Daniel Tirona?
- Bakit nangamba si Aguinaldo sa ginawa ni Bonifacio?
- Bakit tumutol sa Daniel Tirona sa pagkahalal kay Andres Bomifacio?
- Ano ang naging epekto ng kaganapan sa pulong sa Tejeros?
Isaisip
Sinakop ng Espanya ang Pilipinas ng mahigit sa 300 taon at malaki ang naging impluwensiya nito sa politika, kabuhayan, lipunan, kultura, at relihiyon ng mga Pilipino.
Naging magulo sa huli ang Katipunan dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mga lider ng kilusan. Nang malaman ni Aguinaldo ang ginawa ni Bonifacio at nangamba siyang magiging mabigat ang epekto nito sa pagtataguyod ng himagsikan, nagpadala siya ng delegasyon upang himukin si Bonifacio na makipagtulungan sa bagong tatag na pamahalaan. Subalit tahasan itong tinanggihan ni Bonifacio, dahil dito, kinasuhan siyang taksil at isang malaking panganib sa interes ng rebolusyonaryong pamahalaan ni Aguinaldo.
Isagawa
Punan ng tamang impormasyon ang tsart upang maipakita mo ang kadahilanan ng mga kaganapan sa pagkamit ang kalayaan laban sa mga Español.
Panuto: Isulat ang bunga ng mga sanhing nakasulat. Isulat ang letra ng wastong sagot na makikita sa kahon.
| Sanhi | Bunga |
|---|---|
| 1. Matapos matuklasan ng mga Español ang Katipunan. | |
| 2. Lumubha ang mga labanan sa pagitan ng Pilipino at Español. | |
| 3. Tumutol sa pagkahalal ni Bonifacio si Daniel Tirona. | |
| 4. Dahil sa pagdamdam at pang-insulo ni Tirona | |
| 5. Ipinailalim sa paglilitis si Andres at Procopio Bonifacio |
A. Nagkita-kita ang mga katipunero sa pugad lawin. B. Idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang halalan. C. Iginawad ang parusang kamatayan sa kanila noong Mayo 10, 1897. D. Napailalim sa batas-militar ang walong lalawigang nag-alsa. E. Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio.
Tayahin
Panuto: Basahin ang pangungusap at isulat ang Tama kung nagsasaad ng katotohanan ito at Mali kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang-papel.
Tumutol sa pagkahalal kay Bonifacio si Daniel Tirona.
Noong Marso 22, 1896, ipinahayag ang pagkatatag ng rebolusyonaryong pamahalaan.
Matapos ang insidenteng pagtutol, ipinalabas ni Aguinaldo ang Acta de Tejeros kung saan inisa-isa niya ang mga dahilan upang ipawalang bisa ang halalan.
Mula sa San Francisco de Malabon, ipinalabas ni Andres Bonifacio ang ikalawang dokumento kung saan ipinapahayag ang pagtatatag pa ng isang rebolusyonaryong pamahalaan.
Dahil sa pangambang maging mabigat ang epekto ng alitan sa panig ni Andres Bonifacio sa pagtaguyod ng himagsikan, nagpawalang kibo na lamang si Aguinaldo.
Panuto: Isulat ang tsek ( ✓ ) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at ekis (X) kung mali. Gawin ito sa sagutang-papel.
- Nahalal bilang pangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan si Andres Bonifacio.
- Ang himagsikang 1896 ay ang pag alsa ng mga katipunero laban sa mapang-aping Español.
- Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay ang hudyat ng himagsikan laban sa mga Español.
- Ang nahalal na Direktor ng Digmaan sa Tejeros ay si Emilio Jacinto.
- Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni Daniel Tirona.
Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat ang tsek ( ✓ ) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at ekis (X) kung mali. Gawin ito sa sagutang-papel.
- Nahalal bilang pangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan si Andres Bonifacio.
- Ang himagsikang 1896 ay ang pag alsa ng mga katipunero laban sa mapang-aping Español.
- Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay ang hudyat ng himagsikan laban sa mga Español.
- Ang nahalal na Direktor ng Digmaan sa Tejeros ay si Emilio Jacinto.
- Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni Daniel Tirona.
Aralin 3 Kasunduan sa Biak-na-Bato
Ang ating mga mahal na bayani ay nagbuwis ng buhay upang ipahayag ang kanilang pagka-Pilipino, pagmamahal sa bayan, at pagpakita ng tapang sa mga pangyayaring napag-alaman mo sa na nakaraang modyul. Ito ay patungkol sa mga kaganapan sa pagkamit ng kalayaan ng mga katipunero. Ang mga pangyayari sa Sigaw sa Pugad Lawin at Kumbensiyon sa Tejeros ay mga pangyayaring nagpakita ng katapangan sa paggawa ng mga plano upang mapaalis ng tuluyan ang mga Español.
Handa ka na bang simulan ang susunod na pangyayari? Alamin mo muna ang mga layuning gustong maabot ng modyul na ito.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang iyong;
- masusuri ang mga pangyayari na naganap na humantong sa Kasunduan sa Biak-na-Bato;
- naipaliwanag kung bakit naging mapayapa ng panandalian ang bansa sa pagtatag ng Kasundaan sa Biak-na-Bato; at
- naisa-isa ang kontribusyon ng mga bayani na nagbahagi sa pakikipaglaban sa mga Español.
Balikan
Natatandaan mo ba ang aralin natin tungkol sa Kumbensiyon sa Tejeros? Subukin mong gawin ang pagsasanay na ito!
Panuto: Ibigay ang salitang tinutukoy ng bawat bilang patungkol sa nakaraang modyul sa Kumbensiyon sa Tejeros. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
Ano ang lugar kung saan isinailalim sa paglilitis si Bonifacio at Procopio Bonifacio?
Ano ang petsa ng paghatol kay Bonifacio at Procopio ng parusang kamatayan?
Ito ang isinigaw ng mga Katipunero habang pinupunit ang mga sedula.
Ito ang lugar kung saan ginanap ang pulong ng mga rebolusyonaryo matapos mabulgar ang katipunan.
Sino ang nahalal bilang pangulo ng Kumbensiyon sa Tejeros?
Sino ang nahalal bilang Pangalawang Pangulo sa Kumbensiyon sa Tejeros?
Sino ang nahalal bilang Kapitan-Heneral sa Kumbensiyon sa Tejeros?
Ano ang dokumentong ipinalabas ni Bonifacio kung saan inisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit pinawalang-bisa niya ang resulta ng halalan?
Ano ang pangalan ng nahalal na Direktor ng Digmaan?
Siya ang nahalal na Direktor ng Interyor.
Tuklasin
Basahin ang tula na isinulat ni Mitzel M. Alvaran.
Bayani sa Puso at Gawa
Bayaning tinuringang, nagpakita ng kamalayan,
Sa mga likas na katauhan, sila ay isinilang,
Dugo, pawis at karunugan, sama-samang nilinang,
Sa pagpayo, pagdamdam lubos na katarungan.
Bumuhos ang tapang pati ang kababaihan,
Mga Katipunero ay kusang lumaban,
Sa pagtatag ng Katipunan, kahit ito ay natuligsa man,
Minsan ay may kaguluhan sa pamumuno ay nagdamdam.
Lakas loob pa rin sinuportahan, pasakit at luha,
Sa pagkawala ni Andres Bonifacio tuluyang pasan,
Ngunit patuloy rin naman si Emilio Aguinaldo,
Na ilagay sa tamang kahantungan ang bayan.
Pilipinas, bansang malaya, kasarinlan nakuha,
Gat Jose Rizal, siya ang nagpasimula,
Malaya na, malaya na, itong bansang dakila,
Panatag ang loob, dahil sa mga bayaning hanga.
Panuto: Sagutin ang katanungan batay sa tulang nabasa.
- Sa tulang nabasa, ano-ano ang ipinakitang kagalingan nang mga bayani natin?
- Sino ang mga bayaning nagbuwis ng buhay sa panahon ng himagsikan?
- Ano ang tawag sa mga kasapi ng Katipunan?
- Ayon sa tula, si Gat Jose Rizal ang nagpasimuno ng paghihimagsik. Sa anong paraan niya ito ginawa?
- Paano naipakita ng mga bayani ang kanilang pagmamahal sa bayan?
Suriin
[illustration: pen drawing of a crowd gathered around a platform in front of a large thatched-roof hut, with trees behind]
Biak-na-Bato
Kaganapan sa Biak-na-Bato
Pinulong ni Aguinaldo ang kaniyang mga pinuno upang bumuo ng isang Saligang Batas. Sina Isabelo Artacho at Felix Ferrer ang sumulat ng Saligang Batas na pinagtibay noong Nobyembre 1, 1897.
Pagkatapos mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas, itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato. Ang mga nahalal na opisyal ay sina Emilio Aguinaldo bilang Pangulo; Mariano Trias, Pangalawang Pangulo; Antonio Montenegro, Kalihim ng Ugnayang Panlabas; Baldomero Aguinaldo, Kalihim ng Pananalapi; Emiliano Riego de Dios, Kalihim Pandigma, at Isabelo Artacho, Kalihim ng Interyor.
Habang patuloy ang mga labanan, nagpasiya si Pedro Paterno, isang mestizong Pilipino, na mamagitan upang mahinto na ang digmaan. Sa pamamagitan ni Paterno, nabuo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato. Lumagda sa Kasunduan sina Paterno bilang kinatawan ng mga rebolusyonaryo at si Gobernador-Heneral Fernando primo de Rivera noong 14 at 15 Disyembre 1897.
Ilan sa mga probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato:
- Pagtigil ng mga pinunong rebolusyonaryo sa labanan at maninirahan sila sa Hong Kong.
- Lubusang kapatawaran sa lahat ng rebolusyonaryo at pagsuko ng kanilang mga sandata.
- Pagkakaloob ng Espanya ng halagang Php1,700,000 bilang kabayaran sa mga rebolusyonaryo at mga pamilya nito.
Illustration on this page is made by Roland B. Tarrazona
Pansamantalang umiral ang kapayapaan dulot ng Kasunduan sa Biak na Bato. Nagtungo sa Hong Kong si Aguinaldo at ang ilang pinuno ng kilusan. Ngunit ipinagpatuloy rin niya ang pamahalaang rebolusyonaryo. Hindi tinupad ng Espanya ang pangakong pagbabayad sa mga Pilipino ng Php1,700,000. Tanging Php 600,000 lamang ang ibinayad nito, Php 400, 000 kay Aguinaldo at Php 200,000 sa mga kawal. Maraming Pilipino ang pinarusahan at walang repormang ipinatupad sa kolonya.
Hindi rin tumupad ang mga Pilipino sa kasundaan. Inihanda ni Aguinaldo ang salaping tinanggap para gamitin sa iba pang pakikipaglaban sa mga Español. Maraming kawal na Pilipino ang hindi nagsuko ng kanilang mga sandata. Samantala, nagpatuloy ang labanan sa Zambales, Ilocos Sur, Manila, Cebu, Bohol, Panay at sa ibang panig na lugar sa Mindanao.
Panuto: Ibigay ang kontribusyon ng mga bayaning naging bahagi ng pakikipaglaban sa mga Español.
| Bayani | Kontribusyon |
|---|---|
| 1. Isabelo Artacho | |
| 2. Emilio Aguinaldo | |
| 3. Felix Ferrer | |
| 4. Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera | |
| 5. Antonio Montenegro |
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang-papel.
- Isalaysay kung bakit naging mapayapa ang bansa dahil sa Kasunduan sa Biak-na-Bato.
- Sa iyong palagay, ano ang layunin ng Republika ng Biak-na-Bato?
- Isalaysay kung bakit hindi nahinto ang digmaan.
- Ibigay ang ilan sa probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato.
- Ano-ano ang mga pangakong hindi tinupad ng Espanya sa mga Pilipino?
Gawain 2
Panuto: Suriin at isulat sa sagutang-papel kung Tama o Mali ang sinasabi ng bawat pangungusap.
- Pagkatapos mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas, itinatag ang Republika ng Biak-na-Bato.
- Sa pamamagitan ni Antonio Montenegro nabuo ang kasunduan sa Biak-na-Bato.
- Lumagda sa kasunduan sina Paterno bilang kinatawan ng mga rebolusyonaryo at si Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera.
- Hindi tinupad ng Espanya ang pangakong pambabayad sa mga Pilipino ng Php1,600,000.
- Inihanda ni Aguinaldo ang salaping tinanggap para gamitin sa iba pang pakikipaglaban sa mga Español.
Isaisip
Napag-aralan mo ang pagbabago sa buhay ng mga rebolusyonaryong Pilipino dahil sa Kasunduan sa Biak-na-Bato. Buo ang loob ng mga pinunong Pilipino na pinamumunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo ng lumagda sa kasunduan sina Pedro Paterno at si Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera na pansamantalang iiral ang kapayapaan sa pagitan ng rebolusyonaryong Pilipino at Español.
Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita ng diwang makabansa o makabayan? Isulat mo ang ☺ kung nagpapakita ng diwang makabayan at ☹ kung hindi. Gawin mo ito sa iyong kuwadernong sagutan.
Isagawa
| Mga Gawain | ☺ | ☹ |
|---|---|---|
| 1. Iginagalang ang watawat ng Pilipinas. | ||
| 2. Bumibili ng produkto na yari sa bansa. | ||
| 3. Ikinahihiya ang pagiging kayumanggi. | ||
| 4. Nakikilahok sa mga proyektong “Operasyon Linis”. | ||
| 5. Ipinagtatanggol ang sariling bansa. |
Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang-papel.
- Ilan ang probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato ang ipinatupad ni Heneral Emilio Aguinaldo?
- A. 2
- B. 3
- C. 4
- D. 5
- Kailan nilagdaan ni Pedro Paterno at Gobernador-Heneral Primo de Rivera ang kasunduan?
- A. Disyembre 11-12, 1897
- B. Disyembre 14-15, 1897
- C. Disyembre 17-18, 1897
- D. Disyembre 19-20, 1897
- Ang sumulat ng Saligang Batas na ipinagtibay noong Nobyembre 1, 1897 ____
- A. Isabelo Artache
- B. Pedro Paterno
- C. Fernando Primo de Rivera
- D. Emilio Aguinaldo
- Matapos mapagtibay at maipahayag ang Saligang Batas, itinatag ang ____.
- A. Pamahalaang Komonwelt
- B. Pamahalaang Rebolusyonaryo
- C. Republika ng Biak-na-Bato
- D. Misyong Pangkalayaan
- Saan nagtungo si Aguinaldo at ilang pinuno ng kilusan pagkatapos mapairal ang kasunduan na pansamantalang nagdulot ng kapayapaan?
- A. Tsina
- B. Hong Kong
- C. Estados Unidos
- D. Hapon
- Magkano ang halaga na pinangako ng Espanya na ibigay sa Pilipinas upang mahinto ang labanan?
- A. Php1,500,000
- B. Php1,600.000
- C. Php1,700,000
- D. Php1,800,000
- Sino ang namagitan upang huminto ang labanan?
- A. Emilio Aguinaldo
- B. Pedro Paterno
- C. Daniel Tirona
- D. Andres Bonifacio
- Magkano lamang ang ibinayad ng Espanya sa mga Pilipino na naging dahilan ng hindi pagsunod ng mga Pilipino sa Kasunduan?
- A. Php 200.000
- B. Php 400,000
- C. Php 600,000
- D. Php 800,000
- Ano ang ginawa ng mga Pilipino sa hindi pagtupad sa kasunduan sa Espanya?
- A. Nagpakumbaba na lamang
- B. Hindi pagbalik ng mga armas sa Espanya
- C. Hindi pagbayad ng Php1,700,000
- D. Hindi pagbayad ng Php1,500,000
- Kailan ipinagtibay ang Saligang Batas?
- A. Nobyembre 1, 1897
- B. Nobyembre 2, 1897
- C. Nobyembre 3, 1897
- D. Nobyembre 4, 1897
Karagdagang Gawain
Panuto: Tingnan ang grapikong organiser at pag-aralan ang mga kaganapan sa Kasunduan sa Biak-na-Bato. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
[chart: graphic organizer; Kasunduan sa Biak-na-Bato]
- Espanya
- Pilipinas
- Kasunduan sa Biak-na-Bato
- Emilio Aguinaldo
- Pagkakaloob ng Espanya ng halagang 1,700,000 bilang kabayaran sa mga rebolusyonaryo at pamilya nito.
- Lubusang kapatawaran sa lahat ng rebolusyonaryo at pagsuko ng kanilang mga sandata
- Pagtigil ng mga pinunong rebolusyonaryo at nanirahan sa Hongkong
- Pedro Paterno
- Php 1,700,000
- Hindi tumupad sa kasunduan ang Espanya
- Tanging P600,000 lamang ang ibinayad ng Espanya
- Hindi rin tumupad ang mga Pilipino sa kasunduan
- Maraming kawal ang hindi nagsuko ng kanilang sandata
Handa kana ba? Isulat ang iyong sagot sa sagutang-papel.
- Ano-anong bansa ang nagkasundo upang tuluyang matigil ang rebulosyunaryong paghihimagsik?
- Ano ang napagkasunduan sa Kasunduan sa Biak-na-Bato na ipagkaloob ng mga Español bilang kabayaran sa mga rebulosyonaryo at mga pamilya nito?
- Ano kaya ang nangyari nang hindi pagsunod ng dalawang panig sa kasunduan?
- Ano naman ang ipinangako ng mga rebolusyonaryo na kabayaran sa ibibigay na pera ng mga Español?
- Nagtagumpay ba ang kasunduan? Oo o Hindi? Bakit?
Susi sa Pagwawasto: Aralin 1
[transcriber’s note: this answer key page is printed upside down; the columns are transcribed below in their reading order]
Subukin
- C
- D
- C
- C
- A
- B
- B
- D
- B
- B
Balikan
- Sa bahay sa Kalye Azcarraga, noong Hulyo 7, 1892
- Itinatag ang Katipunan upang pukawin ang damdaming nasyonalismo at ibalik ang kalayaan ng mga Pilipino.
- Andres Bonifacio, Ladislao Arellano, Diwa, Deodato Jose Dizon, Valentin Diaz at Teodoro Plata
- Makamit ang kalayaan laban sa mga Español.
- Pagsiwalat ni Teodoro Patiño.
Tuklasin
- 3
- 5
- 2
- 4
- 1
Suriin
- Ang pagdanas ng kalupitan ng mga Pilipino ang dahilan ng pag-alab sa damdamin ng mga Pilipino na makipaglaban sa mga Español.
- Itinatag ang KKK ng hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda.
- Kailangang simulan ang pakikipaglaban kahit hindi pa handa ang mga katipunero matapos matuklasan ng mga Español ang katipunan.
- Natuklasan ng mga Español ang katipunan ng isiniwalat ni Teodoro Patiño kay Padre Mariano Gil ang lihim.
Pagyamanin
Gawain 1
- Bunga: Inilunsad ang pakikipaglaban sa mga Español. [?]
- Pangyayari: Natalo ng mga Kastila ang mga Pilipino.
- (kahit hindi magkasunod-sunod)
- Bulacan a.
- Cavite b.
- Pampanga c.
- Maynila d.
- Nueva Ecija b.
- Laguna a.
- Tarlac b.
- Batangas c.
[transcriber’s note: the letters are printed beside each place; the pairing of places with the numbered items is not clear in the scan]
Gawain 2
Layunin:
- Makamit ang kalayaan ng bansa.
Mga Bayani ng Himagsikan:
- Andres Bonifacio
- Melchora Aquino
- Emilio Jacinto
- Gregoria de Jesus
- Josefa Rizal
- Marcela Agoncillo
Isagawa
A.
- ✓
- ✓
- ✓
- X
- ✓
B.
- Masasaktan ang loob;
- Magagalit;
- Makikipagaway o Magtanim ng galit
Tayahin
- H
- J
- F
- B
- A
- I
- C
- E
- G
- D
Karagdagang Gawain
- Josefa Rizal
- Gregoria de Jesus
- Melchora Aquino
- Emilio Jacinto
- Gregoria de Jesus
- Melchora Aquino
- Andres Bonifacio
- Melchora Aquino
- Andres Bonifacio
- Andres Bonifacio
Susi sa Pagwawasto: Aralin 2
[transcriber’s note: this answer key page is printed upside down; the columns are transcribed below in their reading order]
Balikan
- Matapos matuklasan ng mga Español ang lihim na kilusan ng Katipunan, nagkasundo ang mga katipunero na sisimulan ang himagsikan at sabay-sabay nilang inilabas ang kanilang mga sedula at sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas!”
- Nagpapakita ito na handa na silang lumaban sa mga Español ng buong kanilang kalooban.
- Upang maging malaya na ang bansa sa pang-aapi.
Tuklasin
Pagpupulong sa Kumbensiyon sa Tejeros
- Ipinahayag ang pagkatatag ng rebolusonaryong pamahalaan sa pulong sa Tejeros
- Nagdamdam at nainsulto si Bonifacio sa pagtutol ni Daniel Tirona.
- Nalaman ni Aguinaldo ang ginawa ni Bonifacio, na pag-alis sa pulong na walang pahintulot.
- Nahalal bilang Direktor mg Digmaan si Andres Bonifacio.
Pagkatapos ng Pagpupulong sa Kumbensiyon sa Tejeros
- Walang pagkakasunduan sa panig ni Bonifacio at Emilio Aguinaldo.
- Ipinautos ni Emilio Jacinto na dakpin si Andres Bonifacio.
- Napasailalim sa paglilitis si Andres Bonifacio pati ang kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio.
- Iginawad ang parusang kamatayan sa magkapatid na Andres Bonifacio at Procopio Bonfacio.
Pagyamanin
Gawain 1
- ✓
- ✓
- ✓
- X (walo)
- X (Marso 22,1897)
Gawain 2
- Dahil nainsulto si Andres Bonifacio sa pagtutol at pagmamaliit sa kanya ni Daniel Tirona.
- Gumawa ng kasulatan na ipinawalang bisa ang halalang naganap.
- Sa pangambang nagiging mabigat ang epekto ng ginawa ni Bonifacio sa pagtataguyod ng himagsikan.
- Kailangang abogado ang nahalal na Direktor ng Interyor at hindi ang isang taong walang pinag-aralan.
- Nahatulan ng kamatayan si Andres Bonifacio at Procopio Bonifacio.
Isagawa
- A
- D
- E
- B
- C
Tayahin
- Tama
- Tama
- Mali
- Tama
- Mali
Karagdagang Gawain
- X
- [illegible]
- [illegible]
- X
- [illegible]
[transcriber’s note: the check marks for items 2, 3, and 5 are not legible in the scan]
Susi sa Pagwawasto: Aralin 3
[transcriber’s note: this answer key page is printed upside down; the columns are transcribed below in their reading order]
Balikan
- Barrio Imbon, Indang, Cavite
- Mayo 10, 1897
- Mabuhay ang Pilipinas
- Tejeros, San Francisco, Malabon
- Emilio Aguinaldo
- Mariano Trias
- Artemio Ricarte
- Acta de Tejeros
- Emiliano Regio de Dios
- Andres Bonifacio
Tuklasin
- Katapangan, Pagmamahal sa Bayan at Pagkakaisa
- Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini
- Katipunero
- Sa pagsusulat naipahayag niya ang mga kasamaan ng mga Español.
- Sa pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan.
Suriin
- Sumulat ng Saligang Batas
- Naging pangulo ng Republika ng Pilipinas
- Sumulat ng Saligang Batas
- Lumagda ng Kasunduan
- Naging pangalawang pangulo
Pagyamanin
Gawain 1
- Dahil nagkasundo ang mga Español at mga Pilipino, at nakalagay ito sa mga probisyon na itigil ang labanan.
- Kasunduan na Kapayapaan at Pagbabago sa Pamumuno
- Dahil sa hindi pagtupad ng Español at mga Pilipino sa Kasunduan.
- Pagtigil ng mga pinunong rebolusyonaryo sa labanan at maninirahan sila sa Hong Kong. (a.)
- Lubusang kapatawaran sa lahat ng rebolusyonaryo at pagsuko ng kanilang mga sandata. (b.)
Pagkakaloob ng Espanya ng halagang P1,700,000 bilang kabayaran sa mga rebolusyonaryo at mga pamilya nito. (c.)- pagbabayad ng 1,700,000 pesos (a.)
- maraming Pilipino ang pinarusahan (b.)
- walang repormang ipinatupad (c.)
[transcriber’s note: the answers on this part of the page are scrambled in the scan; the lines are kept in the order they are legible and some letters and numbers may not match the original]
Gawain 2
- Tama
- Mali (Pedro Paterno)
- Tama
- Mali (P1,700,000)
- Tama
Isagawa
- ☺
- ☺
- [illegible]
- ☺
- ☺
Tayahin
- B
- B
- A
- C
- B
- C
- B
- C
- B
- A
Karagdagang Gawain
- Espanya at Pilipinas
- Pagkakaloob ng Espanya ng halagang 1,700,000 bilang kabayaran sa mga rebolusyonaryo at pamilya nito.
- Nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng mga Español at Pilipino
- Pagtigil ng mga pinunong rebolusyonaryo at naninirahan sa Hongkong.
- Hindi, dahil hindi tumupad ang Español sa kasunduan gayundin ang mga Pilipino.
Sanggunian
Alvenia P. Palu-ay. Makabayan Kasaysayang Pilipino 5: Quezon City: LG & M Corporation, 2010, 112-118.
Juan Alvin B. Tiamson. Pilipinas Serye ng Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika: Sampaloc, St.: Augustine Publications, Inc., 2009, 180-185.
Rosario M. Santiago, et. al. Pilipinas Perlas ng Silanganan 6: Manila: Innovative Educational Materials, Inc. 2002, 252-257.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


Leave a Reply