Araling Panlipunan 5 Quarter 4 Module 3: Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor (Katutubo at Kababaihan) sa Pakikibaka ng Bayan

This is the Araling Panlipunan 5 self-learning module for Quarter 4, Module 3: “Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor (Katutubo at Kababaihan) sa Pakikibaka ng Bayan” (the participation of different regions and sectors, including indigenous peoples and women, in the nation’s struggle). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020) for Grade 5 learners studying at home. It shows how Filipinos from many regions, including women, rose up against unjust Spanish colonial rule.

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • Assess the participation of indigenous peoples (katutubo) and women (kababaihan) from different regions and sectors in the nation’s struggle.
  • Record and list the participation of indigenous peoples and women from different regions and sectors in the struggle.

Why Filipinos revolted

The module explains that as Spanish colonial rule went on, the governors-general and friars who ran the government and the church became harsh and strict. Filipinos openly opposed:

  • high taxes
  • forced labor (polo y servicio)
  • discrimination in society
  • the cruel rule of friars and Spanish officials

These revolts were joined by indigenous Filipinos and by women from different sectors of society. The module’s key takeaway (Isaisip) is that this participation came from the unfair and abusive policies of the Spanish colonizers, which affected the lives of Filipinos.

Revolts discussed in the module

RevoltPlaceYearCause and result
Sulayman and LakandulaTondo1574The Spaniards took away rights Legazpi had granted the natives. The revolt stopped when those rights were restored.
BancaoCarigara, Leyte1621Datu Bancao and the babaylan Pagali opposed the Catholic Church and built shrines to the anito. The revolt was crushed and Bancao was beheaded.
SumuroySamar1649-1650Agustin Sumuroy, a Waray, opposed polo y servicio because Waray workers were sent to Cavite shipyards far from home. The revolt spread to other areas and ended when Sumuroy was captured and executed.
ManiagoPampanga1660-1661Francisco Maniago of Mexico, Pampanga led Kapampangans against forced labor on galleons and unpaid rice purchases. It ended when the government changed how it shared income and bought products.
TaparOton, Panay1663The babaylan Tapar founded a new religion resembling a changed form of Christianity. Government troops captured and executed him.
DagohoyBohol1744-1829Francisco Dagohoy, a former cabeza de barangay, was angered when a priest refused his brother a proper burial.
Basi RevoltPiddig, Ilocos Norte1807Pedro Ambaristo led Ilocanos against the Spanish ban on private making of basi, a sugarcane wine. It was put down within weeks.
Apolinario dela CruzTayabas, Quezon1840-1841Hermano Pule was refused priesthood and recognition of his Confradia de San Jose. He was captured and executed.

Women in the struggle

  • Gabriela Silang continued the revolt her husband, Diego Silang, started in 1762-1763, which opposed unjust taxes and sought to drive out the Spaniards. She was captured and executed.
  • The babaylan were early healers, fortune-tellers, and religious leaders of their communities. When the Spaniards forced them to accept Catholicism, they bravely defended their beliefs, even worshipping the saints as anito and diwata. The module says they defied traditional views of women and showed that women can bring change to society.

Parts and activities

  • Subukin (pretest): 10 statements to mark FACT or BLUFF.
  • Balikan (review): fill in blanks about the jihad, pangangayaw, the Moro Wars, Sultan Kudarat, and the tobacco monopoly.
  • Tuklasin and Suriin: the lesson discussion and revolt table.
  • Pagyamanin: “Sino Siya?” (Who is he or she?) identification.
  • Isagawa: matching leaders to related ideas.
  • Tayahin: word analogies and naming events shown in pictures.
  • Karagdagang Gawain: five extra multiple-choice questions.
  • Susi sa Pagwawasto: the answer key for all activities.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: The module comes with a guide for those helping learners at home. Let your child work on the activities independently, and step in when the pretest shows they need more help.
  • Teachers: The teacher’s note says the module is for learners who need extra help with lessons they missed. Let learners do the activities freely but keep the flow of work steady.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 5 Araling Panlipunan, Quarter 4, Module 3. The cover code is CO_Q4_AP 5_ Module 3.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, all activities, the assessment, and the additional activity.

Which revolts does the module discuss?

It covers the revolts of Sulayman and Lakandula, Bancao, Sumuroy, Maniago, Tapar, Dagohoy, the Basi Revolt, and Apolinario dela Cruz (Hermano Pule), plus the role of Gabriela Silang and the babaylan.

Who were the babaylan?

The module describes them as early healers, fortune-tellers, and religious leaders of their communities who bravely defended their beliefs when the Spaniards forced them to accept Catholicism.

What was the Basi Revolt about?

In 1807, Ilocanos led by Pedro Ambaristo in Piddig, Ilocos Norte revolted against the Spanish ban on private production of basi, a sugarcane wine, which forced them to buy it from the government at a higher price.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor (Katutubo at Kababaihan) sa Pakikibaka ng Bayan

[illustration: students reading under a tree, a teacher helping students at a desk, a child studying by lantern light, and a globe]

CO_Q4_AP 5_ Module 3

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor (Katutubo at Kababaihan) sa Pakikibaka ng Bayan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Loida Ladres-Castaños, Jilliane A. Deligero, Phoebe L. Gantala, Marlon D. Lopez, Bernard M. Ventenilla Jr.

Editor: Jaime Leon T. Cardona, Ma. Morena A. Bendulo

Tagasuri: Emmanuel A. Gerardo, Evangeline A. Gorduiz

Tagaguhit: Carlito B. Buctot

Tagalapat: Nadir M. Beringuel, Cherry Ann R. Varon

Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Bebiano I. Sentillas, Rosemarie M. Guino, Joy B. Bihag, Ryan R. Tiu, Nova P. Jorge, Pedro T. Escobarte Jr., Joel A. Zartiga, Liza L. Demeterio, Eduardo E. Legantin, Emmanuel A. Gerardo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte

Telefax: (053) 832-2997

E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor (Katutubo at Kababaihan) sa Pakikibaka ng Bayan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Alam mo ba kung ano ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sektor sa pakikibaka ng bayan? Ang modyul na ito ay dinisenyo upang tulungan kang mahanap ang kasagutan sa mga tanong na isinasaad.

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  • Natataya ang partisipasyon ng mga katutubo at kababaihan sa iba’t ibang rehiyon at sektor sa pakikibaka ng bayan; at
  • Naitatala ang partisipasyon ng mga katutubo at kababaihan sa iba’t ibang rehiyon at sektor sa pakikibaka.

Subukin

[illustration: pencil icon]

Panuto: Basahin ang bawat isang pangungusap. Isulat ang FACT kung nagpapahayag ito ng katotohanan, at BLUFF kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1.) Ang pag-aalsa ni Dagohoy ay isang pag-aalsang politikal.

_____2.) Ang mga salik ng pag-aalsa ay ang mga pag-aalsang panrelihiyon, pang-ekonomiko at politikal.

_____3.) Ang dahilan nang pag-aalsa ni Sumuroy ay ang pag-aklas laban sa polo y servicio sa Samar kung saan ang mga waray ay ipinadala sa mga pagawaan ng barko sa Cavite, malayo sa kanilang tirahan.

_____4.) Naging matagumpay ang mga naitalang pag-aalsa.

_____5.) Lubos na nakikiisa sa mga katutubo ang mga mayayamang angkan na nagtatamasa ng kaginhawaan sa ilalim ng mga Kastila.

_____6.) Ang pag-aalsa ni Lapu-Lapu ang kauna-unahang naitalang pagpapakita ng pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol.

_____7.) Si Gabriela Silang ang nagpatuloy sa sinimulang pag-aalsa ng kaniyang asawa.

_____8.) Labis na ikinatuwa ng mga Pilpino ang sapilitang paggawa, monopolyo at kalakalang galyon.

_____9.) Dahil sa pagpapalaganap ng mga Espanyol sa Kristiyanismo, maraming Pilipino ang tumalikod sa kanilang katutubong paniniwala at nagpabinyag bilang mga Kristiyano.

_____10.) Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika bilang pinakamataas na pinuno sa pamayanan.

Jihad Pangangayaw Sultan Kudarat Monopolyo sa tabako Katolisismo Digmaang Moro

Aralin 1

Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor (Katutubo at Kababaihan) sa Pakikibaka ng Bayan

Ang partisipasyon ng mga katutubo at kababaihan sa iba’t ibang rehiyon at sektor sa pakikibaka ng bayan ay hudyat sa hindi makatarungang pamamalakad ng mga Espanyol, mapang-abusong patakaran at mga pangyayari sa loob ng bansa na nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Balikan

[illustration: puzzle-piece icon]

Punan mo ng wastong salita ang bawat patlang. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

Jihad Pangangayaw Sultan Kudarat

Monopolyo sa tabako Katolisismo Digmaang Moro

1.) Ang ___________ ang banal na digmaan ng mga Muslim.

2.) Ang ___________ ay ang tradisyon ng pakikidigma at pamumugot ng mga katutubong Igorot.

3.) Ipinakita ng mga Muslim ang kanilang pagtanggi sa kolonyalismong Espanyol sa anim na digmaang tinatawag na ___________.

4.) Si ___________ ang Sultan na unang naglunsad ng banal na digmaan laban sa mga Espanyol.

5.) Sa ikatlong pagkakataon, tinangkang sakupin ng mga Espanyol ang mga Igorot bilang bahagi ng patakarang pang-ekonomiya ni Gobernador-Heneral Basco na ___________.

Mga Tala para sa Guro

[illustration: notepad and pencil icon]

Ang modyul na ito ay para sa ating mga mag-aaral na higit na nangangailangan ng tulong upang mas lalong maintindihan ang mga aralin sa panahong hindi sila nakadalo sa talakayan. Patnubay ng guro ay lubos na kailangan upang maihatid ang dunong na kinakailangan ng bawat mag-aaral upang maitawid ang pansariling kaunlaran at maging kapakipakinabang sa pamayanan.

Ang susunod na gawain ay taglay ang iba’t ibang kasanayan at bagong kaalaman upang matulungan ang ating mga mag-aaral na mapaunlad ang sarili at maipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan ng ating bansa.

Hayaan ang mag-aaral na gawin ang iba’t ibang kasanayan na walang pagkaantala. Ipagawa ang mga gawain nang malaya, subalit ang mabisang pagdaloy ay kailangan.

Tuklasin

[illustration: a group of Spanish men seated at a table with Filipinos standing and sitting beside them]

Mas makapangyarihan kami kaysa sa inyo, dapat kayong sumunod sa lahat ng aming mga utos!

Tama, lahat ng mga batas na ipinapataw ay dapat ninyong sundin!

Paano naman po ang aming mga pangangailangan at hanapbuhay?

Sa pag-usad ng kolonyalismong Espanyol, ang mga gobernador-heneral at mga paring namalakad sa pamahalan at simbahan sa Pilipinas ay naging malupit at mahigpit sa kanilang pamumuno sa mga katutubong Pilipino. Ang hindi makatarungang pamumuno ng mga Espanyol ay humantong sa tahasang pagtutol ng mga Pilipino sa kanilang mga patakaran at pamamahala. Ilan sa kanilang mga tinutulan ay ang mataas na buwis, sapilitang paggawa diskriminasyon sa lipunan, at malupit na pamamalakad ng mga prayle at pinunong Espanyol.

Suriin

Partisipasyon ng mga Katutubo at Kababaihan sa Iba’t Ibang Rehiyon

Sa panahon ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas ay nagkaroonng iba’t ibang pag-aalsa dahil sa hindi maayos na pamamalakad ng mga gobernador-heneral at mga pari. Humantong sa tahasang pagtutol ang mga Pilipino sa mataas na buwis, sapilitang paggawa, diskriminasyon sa lipunan, at malupit na pamamalakad. Ang mga pag-aaklas na ito ay nilahukan ng mga katutubo, maging ng mga kababaihang buhat sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ilan sa mga pag-aaklas na ito ay ang mga sumusunod:

Pag-aaklasTaonDahilan at Bunga
Pag-aalsang Sulayman at Lakandula TONDO1574Inalis ng mga Espanyol ang mga karapatan ng mga katutubo na ipinagkaloob sa kanila ni Legazpi at sila ay pinagmalupitan at pinagsamantalahan kaya naging matindi ang galit nina Sulayman at Lakandula at sila ay nagalsa. Naganap ito sa Tondo noong 1574. Natigil lamang ang pag-aalsa ng mga Pilipino nang ibalik ang kanilang mga karapatan.
Pag-aalsang Bancao ng Carigara LEYTE1621Pinamunuan ni Datu Bancao ng Carigara na lumaban sa Simbahang Katolika ng Leyte katuwang ang babaylan na si Pagali (na gumamit ng mahika). Sila ay nagtayo ng mga dambana para sa mga anito, at hinikayat ang ilang bayan na sumapi sa kanila at makilahok sa pag-aalsa. Nasupil ang kanilang rebelyon at pinugutan ng ulo si Bancao.
Pag-aalsang Sumuroy SAMAR1649-1650Pinamunuan ng Waray na si Agustin Sumuroy ang pag-aaklas laban sa polo y servicio sa Samar. Taliwas sa patakaran ng polo, ang mga Waray ay ipinadala sa mga pagawaan ng barko sa Cavite, malayo sa kanilang mga tahanan. Sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite, at umabot sa Mindanao, Bicol, Cebu, Masbate, Camiguin, Zamboanga at hilagang Mindanao. Natigil ang labanan nang madakip at ipapatay ng mga Espanyol si Sumuroy at iba pang lumahok sa pag-aalsa.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Pag-aaklasTaonDahilan at Bunga
Pag-aalsang Maniago PAMPANGA1660-1661Pinamunuan ni Francisco Maniago ng Mexico, Pampanga ang pagtutol ng mga Kapampangan sa sapilitang paggawa sa mga galyon at sa hindi pagbabayad ng pamahalaan sa mga biniling palay mula sa mga magsasaka. Natigil lamang ang pag-aalsa dahil sa tulong ni Gobernador-Heneral Sabiniano Manique de Lara dahil binago niya ang pamamaraan at pamamalakad sa paghahati ng kita at pagbili ng mga produkto.
Pag-aalsa ni Tapar PANAY1663Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang isang bagong relihiyon na parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663. Tinutulan ng mga paring Espanyol ang kilusang pangrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay siya kasama ng iba pa niyang kaibigan. Itinali ang kanilang labi sa poste upang makita ng mga taong bayan at hindi pamarisan.
Pag-aalsa ni Dagohoy BOHOL1744-1829Nagalit si Dagohoy, isang dating cabeza de barangay, dahil sa pagtutol ng pari na bigyan ng marangal na libing ang kanyang kapatid sa Bohol.
Pag-aalsang Basi ILOCOS1807Pinamumunuan ng isang Pedro Ambaristo sa kasalukuyang Piddig, Ilocos Norte. Nag-ugat sa paghihigpit ng mga Espanyol sa produksiyon at pagbebenta ng basi na isang uri ng alak mula sa tubo. Ipinagbabawal ang pribadong produksiyon nito, Dahit dito, napilitan ang mga Ilocano na bumili ng basi sa pamahalaan sa higit na mataas na halaga kaya nag-aklas ang mga ito subalit makalipas ang ilang lingo, nasupil din agad ito ng mga Espanyol.
Pag-aalsa ni Apolinario dela Cruz sa Tayabas QUEZON1840-1841Nagalit si Apolinario dela Cruz o Hermano Pule dahil tinanggihan siyang maging pari at kilalanin ang kanyang samahang Confradia de San Jose. Dinakip at pinatawan siya ng kamatayan sa Tayabas, Quezon.

Ilan sa mga kababaihan noon na nakipaglaban din upang isulong ang kalayaan ng bansa ay sina:

  1. Gabriela Silang – Ipinagpatuloy ng asawa ni Diego Silang ang pag-aalsang sinimulan taong 1762-1763. Nag-alsa ang mag-asawa dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis at pagnanais na palayasin ang mga Espanyol. Nahuli si Gabriela at binitay.


  2. Babaylan- Kilala ang mga Babaylan bilang mga sinaunang manggagamot, manghuhula, at pinuno ng pananampalataya ng komunidad. Inaasahan sila ng mga tao na maaring humingi ng ulan sa kanilang mga kinikilalalang Diyos at mga diwata lalo na sa panahon na kailangan ng mga ito sa pananim at ang mga babaylan rin ang tinatakbuhan ng mga tao sa panahon ng mga kalamidad. Nang dumating ang mga Espanyol, naging malaking hamon sa mga Babaylan ang kagustuhan nila na baguhin ang kanilang kinagisnang pananampalataya, kung kaya’t buong tapang nilang ipinagtanggol ang kanilang mga paniniwala na kaakibat ng ng kanilang pagkatao. Noong pinuwersa sila ng mga Espanyol na yakapin ang Katolisismo at sambahin ang mga santo na dala ay kinuha nila ito at sinamba bilang mga anito at diwata.


Sinuway nila ang tradisyonal na pananaw sa kababaihan. Sa pamamagitan ng tiyak na pagkilos, nagawa nilang ihatid ang mensahe na may magagawa ang kababaihan upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan.

Pagyamanin

Sino Siya? Tukuyin ang konseptong inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.) Siya ang nagpatuloy sa sinimulang pag-aalsa ng kaniyang asawa. Dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis at pagnanais na palayasin ang mga Espanyol.

2.) Pinamunuan niya ang pag-aalsa laban sa polo y servicio sa Samar.

3.) Pinamunuan niya ang mga taga Carigara na lumaban sa simbahang Katolika ng Leyte katuwang ang babaylan na si Pagali. Sila ay nagtayo ng mga dambana para sa mga anito, at hinikayat ang ilang bayan na sumapi sa kanila at makilahok sa pag-aalsa.

4.) Pinamumunuan niya ang pag-aalsang Basi. Nag-ugat sa paghihigpit ng mga Espanyol sa produksiyon at pagbebenta ng basi na isang uri ng alak mula sa tubo.

5.) Pinamumunuan niya ang pag-aalsa sa Tayabas dahil tinanggihan siyang maging pari at kilalanin ang kanyang samahang Confradia de San Jose.

Isaisip

Ang partisipasyon ng mga katutubo at kababaihan sa iba’t ibang rehiyon sa pakikibaka ng bayan ay dahil sa hindi patas na pamamalakad at mapang-abusong patakaran ng mga mananakop na Espanyol na nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Isagawa

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kaugnay na ideya ng mga tao na nasa Hanay A. Isulat ang wastong sagot sa patlang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hanay AHanay B
__________1. Francisco DagohoyA. Alak na mula sa tubo (Basi)
__________2. Hermano PuleB. Polo y servicio
__________3. Tapar, Babaylan at BancaoC. Pag-aalsang panrelihiyon
__________4. Pedro AmbaristoD. Confradia de San Jose
__________5. Agustin SumuroyE. Cabeza de barangay

Tayahin

A. Tumbasang Salita: Ibigay ang salita o mga salitang katumbas ng mga patlang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.) Pag-aalsang Sulayman at Lakadula : Manila ; Pag-aalsang Sumuroy: ________________________.

2.) Apolinario dela Cruz : _________________________ ; Francisco Dagohoy: cabeza de barangay.

3.) Pag-aalsang Basi : alak ; Pag-aalsang Sumuroy : ________________________.

4.) Datu Bancao : Carigara, Leyte ; Francisco Maniago : ____________________.

5.) Pag-aalsa ni Tapar : ______________________ ; Pag-aalsang Basi : Piddig, Ilocos Norte.

B. Panuto: Isulat ang tamang katawagan sa mga kaganapang ipinapakita ng mga larawan. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Pag-aalsang Basi Pag-aalsa nina Diego Silang at Gabriela Silang

Pag-aalsa ni Apolinario dela Cruz sa Tayabas

Labanan sa Mactan Pagtutol sa Monopolyo sa Tabako

1.) [illustration: a sign reading “ABOLITION OF TOBACCO MONOPOLY” above a block of small text]


2.) [illustration: a warrior with a raised spear standing over a fallen figure, with a group of people and a tree in the background; small caption at the bottom is [illegible]]


3.) [illustration: a man standing with a long object on top of a stone wall reached by a flight of steps]


4.) [illustration: a sketched portrait of a man’s head and shoulders]


5.) [photo: a plaque headed “THE BASI REVOLT” with a block of printed text below]


Karagdagang Gawain

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1.) Ang pag-aalsa ni Dagohoy ay tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa. Bakit kaya nagtagal ito?

  • A.) Dahil sa pagtutol ng pari na bigyan ng marangal na libing ang kanyang kapatid.
  • B.) Dahil maraming Espanyol na kampi sa kanya.
  • C.) Dahil sa makabagong armas.
  • D.) Dahil hindi siya nawalan ng loob at pag-asa sa pakikipaglaban.

_____2.) Ang sumusunod ay dahilan ng pagkakabigo ng mga unang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol maliban sa isa.

  • A.) Topograpiya ng Pilipinas
  • B.) Napamahal na ng mga Pilipino ang mga Espanyol
  • C.) Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
  • D.) Kakulangan sa pagkakaisa

_____3.) Pinagtrabaho ng mga mananakop na Espanyol ang mga katutubo nang walang pahinga at ipinadala sa malayong lugar. Kumokolekta din sila ng buwis sa mga bata, matatanda at sa mga alipin. Ano ang ipinahiwatig nito?

  • A.) pang-aabuso sa mga katutubo
  • B.) pagpatupad ng tuntunin
  • C.) pagbibigay laya sa mga katutubo
  • D.) pagdidisiplina sa mga katutubo

_____4.) Ang pagkamatay ni Diego Silang ay hindi naging sagabal upang matigil ang layunin na masugpo ang pagmamalabis ng Espanyol. Ito ay pinagpatuloy ng kanyang asawa na si?

  • A.) Gregoria de Jesus
  • B.) Teresa Magbanua
  • C.) Marcella Agoncillo
  • D.) Gabriela Silang

_____5.) Bakit nag-alsa ang mga babaylan laban sa mga Espanyol?

  • A.) Dahil sa laganap ang sapilitang paggawa
  • B.) Dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng buwis
  • C.) Dahil pinuwersa silang baguhin ang kanilang kinagisnang pananampalataya at yakapin ang relihiyong Katolisismo
  • D.) Dahil napamahal nila ang patakaran ng mga Espanyol

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matatag sa pagharap ng mga pagsubok at suliranin. Ang positibong katangian na ito ay napatunayan na mula sa ating mga ninuno na pilit bumangon at lumaban sa mga suliranin pagkatapos ng ikalawang digmaan. Tatalakayin at aalamin natin ang mga ito ngayon sa aralin na ito. Handa ka na ba? Magaling! Tara na!

[transcriber’s note: this page is printed upside down; its text is transcribed here in upright reading order]

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. FACT
  2. FACT
  3. FACT
  4. BLUFF
  5. BLUFF
  6. FACT
  7. FACT
  8. BLUFF
  9. FACT
  10. FACT
Balikan
  1. Jihad
  2. pangangayaw o headhunting
  3. Digmaang Moro
  4. Sultan Kudarat
  5. monopolyo sa tabako
Pagyamanin
  1. Gabriela Silang
  2. Agustin Sumuroy
  3. Datu Bancao
  4. Pedro Ambaristo
  5. Apolinario dela Cruz
Isagawa
  1. E
  2. D
  3. C
  4. A
  5. B
Tayahin A
  1. Samar
  2. Confradia de San Jose
  3. Polo y servicio
  4. Mexico, Pampanga
  5. Oton, Panay
Tayahin B
  1. Pagtutol sa Monopolyo sa Tabako
  2. Labanan sa Mactan
  3. Pag-aalsang Diego Silang at Gabriela Silang
  4. Pag-aalsa ni Apolinario de la Cruz sa Tayabas
  5. Pag-aalsang Basi
Karagdagang Gawain
  1. D
  2. B
  3. A
  4. D
  5. C

Sanggunian

Abinales, Patricio and Amoroso, Donna (2005). State and Society in the Philippines. Lanham, Maryland: Rowman & Littlefield Publishers, Inc.

Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado, Michael M., and Jose, Mary Dorothy dL., Pilipinas Bilang Isang Bansa, Vibal Group, 2016

Guerra, Restituta San Pedro, Ed.D., Ang Bayan Kong Mahal, Abiva Publishing House, Inc., 1999

Palu-ay, Alvenia P., Makabayan Kasaysayang Pilipino. LG&M., 2006

DepEd RO8, Regional Test Item Bank (Araling Panlipunan 5)

Center for Babaylan Studies, n.d.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *