Araling Panlipunan 5 Quarter 1 Module 8: Sinaunang Kabihasnang Asyano, Ang Pagkabuo ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino

This is the Araling Panlipunan 5 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 8: “Sinaunang Kabihasnang Asyano: Ang Pagkabuo ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino” (ancient Asian civilization: the forming of Filipino society and identity). It is written in Filipino for Grade 5 learners studying at home, with help from a parent or teacher. After the module, learners should be able to appreciate how ancient Asian civilization helped shape Filipino society and identity.

What learners will learn

The module explains that long before the colonizers arrived, Filipinos already had their own culture, beliefs, and practices. Some of these customs, such as their clothing and their beliefs about the Creator (Manlilikha) and the spirits in nature, are still practiced today.

By the end of the module, learners are expected to:

  • appreciate the contributions of ancient Asian civilization to the forming of Filipino society and identity (makapagpapahalaga sa mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Asyano).

The module has one lesson, Aralin 1, which has the same title as the module.

Key ideas in the lesson

What a civilization is

The module defines kabihasnan or sibilisasyon (civilization) as a stage in history when people have advanced knowledge of things such as science and mathematics. One measure of a rich civilization is the influence it passes on, which shapes history and affects the present and future generations.

Beliefs, religion, and burial

  • Animism (animismo): the ancestors believed in many gods and in spirits living in nature.
  • Care for the dead: the body was cleaned, dressed in special clothes, and buried with valuable belongings. Later, the dried bones were dug up and placed in a special jar (banga).
  • Islam: the religion spread in the country when early Filipinos traded with the Arabs. Its laws come from the Qur’an, its holy book. Its followers are called Muslims, and most of them live in Mindanao.

Writing

Early Filipinos wrote using Baybayin, their own alphabet. It has 17 characters: 3 vowels and 14 consonants.

Music, dance, literature, and art

AreaExamples from the module
Musical instrumentsgangsa (Cordillera), kalelang (Bontok), tambuli (Tagalog)
Songdallot, sung by Ilokanos during serenades
DancesTinikling, Pagdiwata of Palawan, Salisid of Kalinga, Bangibang of Ifugao
LiteratureDarangan of the Maranao, Ibalon of the Bicolanos
Arttools and objects made of metal

Homes

Filipinos chose their homes according to their surroundings: by rivers and seas, in caves, and in the mountains. The bahay-kubo became the best-known home. The module also names the Fayu or Fale of the Cordillera, the Torogan of Mindanao (a house with Islamic influence), and the stilt houses of the Badjao in Sulu, built above the water along the coast.

Parts and activities of the module

  1. Subukin (pretest): 10 multiple-choice questions on what learners already know.
  2. Balikan (review): mark items K if they are a contribution of the ancestors, HK if not.
  3. Tuklasin (discover): write how early Filipinos buried their dead.
  4. Suriin (discussion): the reading on civilization, beliefs, writing, the arts, and homes.
  5. Pagyamanin (practice): fill in the blanks.
  6. Isaisip (remember): choose the correct word in parentheses to complete each idea.
  7. Isagawa (apply): answer OO or HINDI on whether an act shows appreciation of these contributions.
  8. Tayahin (assessment): Gawain A has 5 multiple-choice questions; Gawain B asks learners to mark statements S (agree) or HS (disagree).
  9. Karagdagang Gawain (extra activity): “It’s Baybayin Time”, where learners use a Baybayin chart to read four handwritten words.
  10. Susi sa Pagwawasto (answer key): answers for all activities, including a sample answer for Tuklasin.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper or in your notebook, not on the module, so others can use it. Check your work with the answer key only after answering, and be honest. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Guide your child through each part and help with the Baybayin activity. The pretest shows whether your child needs extra help from you or the teacher.
  • Teachers: Use the pretest and the Tayahin to measure learning. The Gawain B items and the Tayahin questions on respecting people with different beliefs are good starting points for class discussion.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 5 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 8.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers to the pretest, all activities, the assessment, and the Baybayin reading activity.

How many characters does Baybayin have according to the module?

The module says Baybayin has 17 characters: 3 vowels and 14 consonants.

What is animism?

Animism (animismo) is the belief of the early Filipinos that things in nature have spirits.

How did Islam reach the Philippines according to the lesson?

Islam began to spread when early Filipinos traded with the Arabs. Its followers are called Muslims, and most of them live in Mindanao.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan – Unang Markahan – Modyul 8: Sinaunang Kabihasnang Asyano: Ang Pagkabuo ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino

5

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 8: Sinaunang Kabihasnang Asyano: Ang Pagkabuo ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino

[illustration: students reading and studying outdoors and at a table, a teacher, and a globe]

CO_Q1_AP5_Modyul8

Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Sinaunang Kabihasnang Asyano: Ang Pagkabuo ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Walang karapatang-sipi ang maaaring manatili sa anumang gawain o akda ng Pamahalaan ng Pilipinas . Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rosalio Garcia at Ramil P. Bingco Editor: Asuncion S. Barola, Aiene M. Molina, at Rosemarie M. Guino Tagasuri: Wilberto M. Peligro, Eloisa R. Zartiga, Arlene Jabonete, Catherine Dagami, at Rosemarie M. Guino Tagaguhit: Rosalio R. Garcia Tagalapat: Richie C. Blasabas Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Arnulfo M. Balane, Rosemarie M. Guino, Joy B. Bihag, Ryan R. Tiu, Nova P. Jorge, Genis S. Murallos, Francis Angelo S. Gelera, Rosemary S. Achacoso, Mario R. Orais, Roel C. Tugas, Regel C. Mullet

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

[transcriber’s note: this page repeats the module cover title, which is transcribed once on page 1]

5

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 8: Sinaunang Kabihasnang Asyano: Ang Pagkabuo ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

CO_Q1_AP5_Modyul8

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Mahalaga itong pag-aralan upang malaman mo ang ibat-ibang kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa pagbuo ng ating lipunan at pagkakilanlang Pilipino.

Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga Pilipino ay may sarili ng kultura, paniniwala, at mga gawaing nagpapakita at nagpapakilala sa kanilang pagka Pilipino. Sagana sa iba’t ibang kaugalian ang mga ninuno natin na maaaring ilan sa mga ito ay ginagawa pa natin hanggang ngayon. Iba’t ibang uri ng kasuotan ng mga lalaki at babae, iba’t ibang paniniwala tungkol sa Manlilikha at sa iba pang mga espirituwal na mga bagay na nasa kapaligiran.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahalaga sa mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Asyano sa pagkabuo ng lipunan at pagkakakilanlang Pilipino.

Subukin

Panuto: Kumuha ng isang pirasong papel at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

  1. Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa ibat-ibang _____.

    • A. espirito
    • B. kaugalian
    • C. sulat
    • D. wika
  2. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang _________ na maipagmamalaki natin ngayon.

    • A. Katapangan
    • B. Paraan ng pagsulat
    • C. Awit at sayaw
    • D. Kultura
  3. Ano ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?

    • A. Abakada
    • B. Alibata
    • C. Baybayin
    • D. Latin

CO_Q1_AP5_Modyul8

  1. Ilan sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon ay ang pag-alala at pagbibigay halaga sa mga yumaong pamilya. Ito ay isa sa mga _______ ng ating mga ninuno o sinaunang kabihasnan sa ating lipunan.

    • A. Ala-ala
    • B. Kaalaman
    • C. Kontribusyon
    • D. Simbolo
  2. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating mga ninuno sa ating lipunan ngayon?

    • A. Uri ng pananamit
    • B. Sistema ng pagsulat
    • C. Paraan ng makikipagdigma
    • D. Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha
  3. Ito ay katawagan ng isang tao na naniniwala sa Relihiyong Islam.

    • A. Kristiyano
    • B. Muslim
    • C. Budista
    • D. Hudyo
  4. May kaalaman na ang mga sinaunang Pilipino sa paggamit ng mga instrumento at sa paglikha ng musika. Sila ay may sariling ____________.

    • A. Awit at Sayaw
    • B. Pasalita at Pasulat
    • C. Panitikan at Sining
    • D. Paniniwala
  5. Ano ang magandang naidulot ng mga ibat-ibang sining at panitikan sa ating mga ninuno?

    • A. Naipahayag ang kanilang damdamin, paniniwala, at mga karanasan ng ating mga ninuno.
    • B. Naisalin nila sa mga sumunod na henerasyon ang mayaman nilang kultura
    • C. Naging makulay at kaaya-aya ang pamumuhay ng ating mga ninuno
    • D. Lahat ng nabanggit
  6. Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga sumunod na henerasyon?

    • A. Sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw, at panitikan
    • B. Sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga ibat-ibang barangay
    • C. Sa pamamagitan ng patuloy na paniniwala sa mga anito
    • D. Lahat ng nabanggit
  7. Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling kultura, paniniwala, wika at pagsulat.

    • A. Tama
    • B. Mali
    • C. Hindi ako sigurado
    • D. Hindi ako naniniwala

CO_Q1_AP5_Modyul8

Aralin 1

Sinaunang Kabihasnang Asyano: Ang Pagkabuo ng Lipunan at Pagkakakilanlang Pilipino

Balikan

Panuto: Sagutin ng K kung ang mga sumusunod ay kontribusyon ng ating mga ninuno o ng sinaunang kabihasnan, HK kung hindi kontribusyon. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

[illustration: two clay burial jars, one with a skull and bones inside, with writing on the jars]

  1. Baybayin
  2. Pagiging magalang sa mga magulang
  3. Pagiging mananakop
  4. Paniniwala sa mga espiritu
  5. Pagiging isang Katoliko
Tuklasin

Panuto: Kumuha ng isang pirasong papel at isulat ang paraan sa paglibing ng patay ng mga sinaunang Pilipino.




CO_Q1_AP5_Modyul8

Suriin

Ang kabihasnan o sibilisasyon ay isang yugto ng ating kasaysayan kung saan ang mga tao ay may mataas na kaalaman sa mga bagay-bagay katulad ng agham at matematika. Isang sukatan ng isang mayaman o mataas na kabihasnan o sibilisasyon ay ang impluwensyang naipamana nito na humubog ng kasaysayan at ang bunga nito sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon.

Malaki ang naging kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Asyano sa pagkakabuo ng lipunan at pagkakakilanlang Pilipino. Isang patunay sa mga kontribusyong ito ay ang paniniwala nila sa iba’t- ibang Diyos. Naniniwala din sila na may mga espiritu sa kalikasan na tinatawag nila ang paniniwalang ito na animism.

Mataas ang pagpapahalaga ng mga ninuno sa yumao, ito ay kanilang nililinis, dinadamitan ng espesyal na damit at pinababaunan ng mahahalagang gamit sa loob ng kabaong, at hinuhukay na muli, kinukuha ang tuyong mga buto at inilalagay sa espesyal na banga.

Ang Relihiyong Islam naman ay nagsimulang lumaganap sa bansa nang nakipagkalakalan ang mga sinaunang Pilipino sa mga Arabo. Mula sa Qur’an, ang banal na aklat ng Islam ang kanilang mga batas. Muslim ang tawag sa mga taong kaanib sa Relihiyong Islam. Ang mga Muslim ay maaaring makita natin sa iba’t- ibang bahagi ng bansa bagamat ang karamihan sa kanila ay nakatira sa Mindanao.

Nagkaroon ng ambag ang mga sinaunang Pilipino sa larangan ng pagsulat. Ginamit nila ang Baybayin bilang alpabeto ng mga sinaunang Pilipino. Binubuo ito ng 17 titik na may tatlong patinig at 14 na katinig.

Mayaman sa musika ang mga sinaunang Pilipino. Gumamit ang mga Pilipino sa Cordillera ng instrument gangsa, sa mga taga Bontok naman ay kalelang, at sa mga Tagalog tambuli. Ang dallot naman ay isang kilalang awit na inaawit tuwing naghaharana ang mga Ilokano. Ang sayaw na Tinikling, Pagdiwata ng Palawan, Salisid ng Kalinga at Bangibang ng Ifugao ay nagpapakilala din sa atin bilang Pilipino.

Sa panitikang Pilipino ay kilala ang Darangan ng mga Maranao at Ibalon ng mga Bicolano.Mayaman din sa larangan ng sining ang ating mga ninuno. Makikita ito sa mga kasangkapang gamit nila na yari sa mga metal.

Iniaayon ng mga Pilipino ang kanilang pagpili ng tirahan sa kanilang lugar. May nakatira sa tabing ilog, dagat, yungib, at kabundukan. Naging kilala ang bahay-kubo bilang tirahan nila sa pagdaan ng panahon. Tinatawag na Fayu o Fale ang tirahan ng mga taga Cordillera. Samantalang sa Mindanao ay makikita ang pamamahay na may impluwensyang Islam na kung tawagin ay Torogan. Ang mga Badjao sa Sulu ay kapansin-pansin ang mga tirahan na may tiyakad na nakaangat sa katubugan sa baybaying-dagat.

Pagyamanin

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita o mga salita upang makumpleto ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

  1. Ang paniniwala na ang mga bagay sa kalikasan ay may espiritu ay ________.
  2. Ang relihiyong namana ng mga ninuno sa sinaunang kabihasnan ng mga Arabo ay ang ________.
  3. Sa paraan ng paglilibing, ang natuyong buto ng namatay ay huhukayin at ilalagay sa isang _______.
  4. Ang tawag sa sariling paraan ng pagsulat ng mga ninuno ay _______.
  5. Ang pagiging relihiyoso ng mga Pilipino na kilala sa buong mundo ay namana natin sa mga __________.
Isaisip

Panuto: Pumili ng tamang sagot sa mga salitang nasa panaklong para mabuo ang kaisipan ng talata. Isulat ito sa papel.

  1. Ang (kabihasnan, kontribusyon) ay kung saan ang mga tao ay may mataas na kaalaman sa mga bagay-bagay katulad ng agham, matematika at iba pa ang siyang sukatan sa pagkilala kung gaano kayaman ang nakaraan.
  2. May paniniwala ang mgs ninuno natin na may espiritu ang kalikasan at mga pamahiin na tinatawag na (animismo, kristiyanismo).
  3. Ang Relihiyong Islam ay nagsimulang lumaganap sa bansa nang (nakipagkalakalan, nakipaglaban) ang mga sinaunang Pilipino sa mga Arabo.
  4. Ang (alibata, baybayin) ay ang alpabeto ng mga sinaunang Pilipino. Binubuo ito ng 17 titik na may tatlong patinig at 14 na katinig.
  5. Naging kilala ang (bungalow, bahay-kubo) bilang tirahan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahong Pre-Kolonyal.
Isagawa

Panuto: Isulat sa iyong inihandang papel ang salitang OO kung ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Asyano at HINDI kung ito ay hindi.

  1. Paggamit ng sariling wika
  2. Pagsuot ng mga katutubong kasuotan
  3. Paniniwala sa Manlilikha
  4. Paggamit ng mga instrumentong pangmusika
  5. Pagbigay-galang sa mga yumao
Tayahin

Gawain A.

Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Titik lamang ang isulat.

  1. Paano nakatulong sa pagbuo ng ating lipunan ngayon ang mga sinaunang Pilipino?


    a. Sa pamamagitan ng pananakop
    b. Sa pamamagitan ng pangagaya sa mga dayuhan
    c. Sa pamamagitan ng sobrang paggamit ng kalikasan
    d. Sa pamamagitan ng kanilang kultura, kagawian, paniniwala, at wika


  2. Paano mo pakikisamahan ang mga taong nagtataglay ng paniniwalang Animismo, Islam, at ibat-ibang paniniwala?


    a. Igagalang ko ang tao pero hindi ang kanilang paniniwala.
    b. Igagalang ko ang kanilang paniniwala pero hindi ako lalapit sa kanila.
    c. Igagalang ko ang kanilang paniniwala at makikipagkaibigan ako sa kanila.
    d. Hindi ako makikipagkaibigan sa kanila baka kombinsihin nila ako na umanib sa kanila.


  3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang pamahiin?


    a. Uminom ng tubig pagkatapos kumain.
    b. Kapag makapal ang ulap, maaaring umulan.
    c. Ang maagang pagtulog sa gabi ay nagdudulot ng malulusog na pangangakatawan.
    d. Ang isang bisita na nanatili sa labas ng bahay o sa may hagdanan ng tahanan na may isang buntis ay maaaring magdulot ito ng paghihirap sa panganganak.


  4. Ito ay naabot ng isang pamayanan kung saan ang mga tao ay may mataas na kaalaman sa mga bagay-bagay katulad ng Agham, Matematika, Sining, Panitikan, at iba pa.


    a. Awit at Sayaw
    b. Kabihasnan
    c. Pamahiin
    d. Relihiyon at ibat-ibang mga paniniwala


  5. Paano ka makatutulong sa patuloy na pagsasalin sa ating kultura sa mga susunod na mga henerasyon?


    a. Mamuhay na isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa
    b. Gagayahin ang mga paraan ng pamumuhay ng mga dayuhan
    c. Nababaduyan sa mga musika ng mga Pilipino at tinatangkilik ang mga musika ng mga dayuhan
    d. Lahat ng nabanggit


Gawain B.

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang S kung Sang-ayon, kung ito ay nagbibigay-halaga sa mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa pagbuo ng lipunang Pilipino, at HS kung Hindi Sang-ayon. Ito ay isulat sa ikaapat na bahagi ng papel.

  1. Ako ay naliligayahan kapag nakikita ko ang aking ina na nakasuot ng baro’t saya.
  2. Ang kultura, kagawian, paniniwala, at wika ng mga sinaunang Pilipino ay marapat na pahalagahan dahil ito ay nakatulong sa pagbuo ng ating lipunan ngayon.
  3. Hindi na dapat pag-aralan ang Baybayin dahil nasanay na tayo sa paraan ng ating pagsulat ngayon.
  4. Kinagigiliwan kong panoorin ang mga palabas sa telebisyon na nagkukuwento tungkol sa sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino.
  5. Ang pakikipagkaibigan sa mga taong nagtataglay ng paniniwalang Animismo, Islam, at iba pang paniniwala na iba sa akin ay nakapagdudulot ng kalituhan kaya marapat na hindi sila pansinin.
Karagdagang Gawain

Panuto: Ang larawang nasa ibaba ay ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino na tinatawag na Baybayin. Ito ay iyong gabay para sumulat ng mga salita gamit ang Baybayin.

[chart: table of Baybayin syllables; printed without a number or title]

Row 1: a, ba, ka, da, ga, ha, la, ma, na, nga, pa, sa, ta, wa, ya

Row 2: e / i, be / bi, ke / ki, de / di, ge / gi, he / hi, le / li, me / mi, ne / ni, nge / ngi, pe / pi, se / si, te / ti, we / wi, ye / yi

Row 3: o / u, bo / bu, ko / ku, do / du, go / gu, ho / hu, lo / lu, mo / mu, no / nu, ngo / ngu, po / pu, so / su, to / tu, wo / wu, yo / yu

Row 4 (final consonants marked with a cross): b, k, d, g, l, m, n, ng, p, s, t, w, y

[transcriber’s note: the Baybayin glyphs themselves are images and are not transcribed.]

“It’s Baybayin Time”. Kaya mo bang magbasa ng Baybayin? Tukuyin ang mga Baybayin karakter na nasa baba. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel. Huwag kang mag-aalala may Gabay sa Pagwawasto para sa tamang pagbasa kaya puwede mong itama ang iyong pagbasa. Sige umpisahan mo na ang pagbasa.

  1. [photo: handwritten Baybayin characters]



  2. [photo: handwritten Baybayin characters]



  3. [photo: handwritten Baybayin characters]



  4. [photo: handwritten Baybayin characters]



Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down. Its sections are transcribed below in the order they appear when the page is turned upright.]

Tayahin
Gawain A
  1. D
  2. C
  3. D
  4. B
  5. A
Gawain B
  1. S
  2. S
  3. HS
  4. S
  5. HS
Karagdagang Gawain
  1. Tao
  2. Babae
  3. Lalaki
  4. Simbahan
Isagawa
  1. OO
  2. OO
  3. OO
  4. OO
  5. OO
Isaisip
  1. kabihasnan
  2. animismo
  3. nakipagkalakalan
  4. baybayin
  5. bahay-kubo
Pagyamanin
  1. Animismo
  2. Islam
  3. Banga
  4. Baybayin
  5. Ninuno
Tuklasin

Posibleng sagot:

Ang ating mga ninuno ay mataas ang pagpapahalaga nila sa mga yumao. Bago pa ilibing ang patay, ito ay nililinis muna at damitan ng magagandang damit. Sa kanyang libingan, babaunan ang patay ng mga ibat-ibang kagamitang magagamit daw nito sa kabilang buhay. Matapos matuyo ang mga buto ng bangkay ay hinuhukay ito at inilalagay sa isang banga.

Balikan
  1. K
  2. K
  3. HK
  4. K
  5. HK
Subukin
  1. B
  2. D
  3. C
  4. C
  5. B
  6. B
  7. A
  8. D
  9. D
  10. A

Sanggunian

Gabuat, M. Mercado M. Jose M. Araling Panlipunan Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc. 2016

“Alibata Characters (With Images) | Baybayin, Filipino Words, Filipino Tattoos”. 2020. Pinterest. Accessed June 11. https://www.pinterest.ph/pin/511862313869036611/?nic_v1=1azXJLulBF0RJDRoWlm%2FPOAgCC0sp%2FTlGkyYBgOc2YajGIM6OQnmPkjd972VlObpmL.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *