This is the Self-Learning Module (SLM) for Araling Panlipunan 5, Quarter 1, Module 5: “Pang Ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal” (the economic life of Filipinos in the pre-colonial period). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020) for Grade 5 learners studying at home. After working through it, learners can explain how our ancestors made a living from their surroundings and how they traded with nearby countries.
What learners will learn
The module states that, after studying it, learners should be able to:
- Analyze the economic life of Filipinos in the pre-colonial period in terms of internal and external trade (panloob at panlabas na kalakalan).
- Analyze the kinds of livelihood (uri ng kabuhayan) of the time, such as pagsasaka (farming), pangingisda (fishing), panghihiram/pangungutang (borrowing and lending), pangangaso (hunting), slash and burn, pangangayaw, pagpapanday (metalworking), paghahabi (weaving), and others.
- Identify the countries that traded with the Philippines and the products they brought.
The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module.
Parts of the module
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Alamin | Reads what the module is about and what to expect |
| Subukin | Answers a 10-item multiple-choice pretest |
| Balikan | Reviews the previous lesson on pre-colonial society with 5 true-or-false items |
| Tuklasin | Looks at 7 pictures of livelihoods and names what each one produces |
| Suriin | Reads the main discussion of the lesson |
| Pagyamanin | Marks which jobs pre-colonial Filipinos did (smiling face) or did not do (sad face) |
| Isaisip | Marks the same kind of list with a check or a cross |
| Isagawa | Answers 5 true-or-false statements |
| Tayahin | Fills in a chart of economic contributions in farming, industry, and trade |
| Karagdagang Gawain | Cuts out and pastes pictures of early livelihoods on bond paper |
How pre-colonial Filipinos made a living
The module explains that the Philippines was already rich long ago, and that our ancestors adapted their livelihoods to their environment. Their work depended on the natural resources around them.
- Farming (pagsasaka or agrikultura). This was one of the main livelihoods. There were two methods. Pagkakaingin is the clearing and burning of a hillside before planting (slash and burn). The other method used irrigation for farms on flat land. Main crops included rice (palay), corn (mais), coconut (niyog), and other trees.
- Fishing and diving. Because the islands are surrounded by water, people near the sea and rivers became fishermen and divers for shells and pearls. The pretest notes that pearls (perlas) were used for ornaments such as bracelets and earrings.
- Crafts from raw materials. Ancestors learned to make products from raw materials, which gave rise to pottery (pagpapalayok), weaving (paghahabi), and boat-making (paggawa ng mga sasakyang-pandagat).
- Metalworking. Forging metals such as gold is called pagpapanday, and this work is known as metalurhiya (metallurgy). Filipinos were skilled at making metal products. A person who made weapons from iron was a panday (blacksmith).
Trade with other countries
- Near the end of the Iron Age (Panahon ng Bakal), our ancestors began trading with neighboring countries in Southeast Asia.
- Manila became the center of trade.
- At first, people exchanged goods directly. This exchange of products is called the barter system.
- China, Indonesia, and Saudi Arabia traded with the islands. Later, Thailand and Japan also traded with them.
- India traded only indirectly: Indian products such as crystals, beads (abaloryo), and bracelets reached the islands through Indonesia.
- Filipinos also learned customs and culture from these trading partners, which the module calls indirect influence (di-direktang impluwensya).
The Tayahin answer key sums up the contributions: in farming, people learned different farming methods, had their own food supply, and used idle land; in industry, weaving, pottery, boat-making, and metallurgy developed; in trade, many products reached the islands and Filipino culture and ways of life were influenced.
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest to see what you already know, then go through the parts in order. Write all your answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. The Tayahin chart goes in your notebook. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and be honest when you use it. Contact your teacher right away if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: Guide your child through each part and help find old magazines or printed pictures for the Karagdagang Gawain (fishing, hunting, weaving, planting, and barter).
- Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The module comes with a Teacher/Facilitator Guide (Gabay sa Guro/Tagapagdaloy) with reminders and strategies for those guiding learners at home.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 5 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan). It is Module 5 and has one lesson.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the Subukin pretest, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, and a sample answer for the Tayahin chart.
What is pagkakaingin?
Pagkakaingin is a farming method where a hillside is cleared and burned before it is planted, also called slash and burn. The module contrasts it with irrigated farming on flat land.
What was the barter system?
Barter was the exchange of goods for other goods, the way pre-colonial Filipinos first traded with other countries. The module says Manila was the center of this trade.
Which countries traded with pre-colonial Filipinos?
The module names China, Indonesia, and Saudi Arabia, and later Thailand and Japan. India traded only indirectly, with its products reaching the islands through Indonesia.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan – Unang Markahan – Modyul 5: Pang Ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal
CO_Q1_AP5_Modyul5
[illustration: students reading and studying under a tree, at a table, and on the floor, with a globe and a lamp]
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Pang Ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Edmund I. Tupas at Ramil P. Bingco Editor: Wilberto M. Peligro, Ronald B. Llaneta, at Rosemarie M. Guino Tagasuri: Asuncion S. Barola, Avelina S. Tupa Jocelyn Apolinario, Lorna Maga, at Rosemarie M. Guino Tagalapat: Earl Bennette A. Roz Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Genis S. Murallos Francis Angelo S. Gelera Rosemary S. Achacoso Mario R. Orais Roel C. Tugas Regel C. Mullet Wilberto M. Peligro
5
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 5: Pang Ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Matututunan mo sa modyul na ito kung ano ang paraang pang ekonomiko at pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal. Bukod sa pamumuhay, susuriin din ang naging kabuhayan ng ating mga ninuno at kung paano nila ito iniayon sa kanilang kapaligiran. Kabilang sa mga kabuhayang ito ang pagsasaka, pangingisda, panghihiram/pangungutang, pangangaso, slash and burn, pangangayaw, pagpapanday, paghahabi at iba pa.
Malalaman din sa modyul na ito ang mga bansang nakipagkalakalan sa Pilipinas at ang kani-kanilang mga produkto. Ang mga ito ang tumulong sa mga Pilipino upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at makapamuhay nang masagana noong sinaunang panahon.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makasusuri sa mga pang-ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal ayon sa panloob at panlabas na kalakalan at uri ng kabuhayan (pagsasaka, pangingisda, panghihiram/pangungutang, pangangaso/burn pangangayaw, pagpapanday, paghahabi at iba pa).
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
Anong paraan ng pagsasaka ang nililinis at sinusunog muna ang burol bago taniman?
A. pag-aararo
B. pagbabakod
C. pagkakaingin
D. pagnarnarseriAlin sa mga sumusunod ang HINDI hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
A. pagsasaka
B. pangingisda
C. pangangaso
D. pagiging katulong sa ibang bansaNaging tanyag ang mga Pilipino noon dahil sa mga gawaing ito maliban sa isa. Ano ito?
A. pagpapalayok
B. paghahabi
C. paggawa ng sasakyang pandagat
D. paggawa ng kasangkapang elektroniksAno ang tawag sa sistema ng pakikipagkalakalan noong pre-kolonyal?
A. barter
B. komunismo
C. open trade
D. sosyalismoAnong bansa ang HINDI tuwirang nakipagkalakalan sa Pilipinas noon?
A. Tsina
B. India
C. Indonesia
D. Saudi ArabiaAnong lugar ang naging tanyag at sentro ng kalakalan sa bansa noong pre-kolonyal?
A. Cebu
B. Davao
C. Leyte
D. ManilaAno ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga bagay na mula sa metal tulad ng ginto?
A. pangangaso
B. pangingisda
C. metalurhiya
D. pangangalap ng pagkainAng ___________ ay ginagamit sa paggawa ng mga palamuti tulad ng pulseras at hikaw noong pre-kolonyal.
A. bato
B. dahon
C. perlas
D. plastikAlin sa mga sumusunod ang HINDI dalang produkto ng mga Tsino sa bansa?
A. kristal
B. salamin
C. tapayan
D. timbanganKung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa ng mga sandata mula sa bakal, ano ang tawag sayo?
A. karpentero
B. latero
C. mason
D. panday
Aralin 1 Pang Ekonomikong Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal
Sa araling ito ay mapag-aaralan mo ang iba’t ibang uri ng mga gawaing pang ekonomiko ng mga Pilipino sa panahon ng pre-kolonyal. Masusuri mo rin kung ano anong mga bansa ang nakipagkalakalan sa atin at ang mga produktong dala nila bilang kapalit sa ating mga sariling produkto.
Balikan
Panuto: Suriin ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel kung ito ay TAMA o MALI.
- Natutong gumamit ng makinis na bato ang mga Pilipino noong Panahon ng Neolitiko.
- Ang datu ang pinakamababang antas ng tao sa lipunan.
- Ang kababaihan ay walang karapatan sa lipunan.
- Bukod sa pagiging tagapagbalita ay tagalitis din ang umalohokan.
- Mahalaga ang pakikipag-ugnayan ng bawat barangay noon para sa tahimik at matiwasay na pamumuhay.
Tuklasin
Panuto: Suriin at kilalanin nang mabuti ang mga uri ng kabuhayan na ipinapakita sa ibaba. Tukuyin kung anong produkto ang makukuha o magagawa nila. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
[illustration: black-and-white scene of people with spears and tools in a clearing]
https://kenh14cdn.com/thumb_w/620/2019/11/23/huntergatherlaketurkana2-1574490773609433827935.jpg
[photo: black-and-white scene of people planting rice in a flooded field]
[photo: black-and-white scene of a person in a bamboo boat on still water]
https://www.flickr.com/photos/leonbedista/3462569478
[photo: men and women in traditional dress trading goods at a riverside, with clay jars in the foreground]
http://www.elaput.com/portslam.htm
[photo: hands weaving cloth on a loom]
[photo: woman shaping a clay pot on a potter’s wheel]
<https://www.pexels.com/photo/woman-making-clay-jar-2166439/> [Accessed 11 June 2020].
[photo: two people working with materials under a shelter]
Suriin
Sinasabing mayaman ang bansang Pilipinas noon pa man. Ito ay makikita sa uri ng kabuhayan mayroon ang ating mga ninuno. Nakasalalay sa likas na yaman ang uri ng hanapbuhay nila sa kapuluan. Natuto ang mga Pilipino na iangkop ang kanilang kabuhayan sa kanilang kapaligiran.
Isa sa pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino ay ang pagsasaka o agrikultura. May dalawang paraan ng pagsasaka ang kanilang ginawa. Ang pagkakaingin o ang paghahawan at pagsusunog na paraan pagsasaka ay ginagawa sa burol. Ang isang paraan naman ay ang paggamit ng mga irigasyon patubig sa mga sakahang nasa patag na lugar Ang mga palay, mais, niyog, t iba pang mga punongkahoy ang ilan sa mga pangunahing pananim ng mga katutubong Pilipino.
Ang lokasyon ng bansa ay napapalibutan ng karagatan kaya iniaayon ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang pamumuhay. Sila ay naging mangingisda, at paninisid ng mga kabibe lalo na yung mga nasa malapit sa dagat at ilog.
Natuklasan din nila ang paggawa ng mga produktong gawa sa hilaw na materyal. Kaya nabuhay ang industriya ng pagpapalayok, paghahabi, paggawa ng mga sasakyang-pandagat, at iba pa.
Bukod sa agrikultura, gawain ng mga ninuno natin noon ay ang pagpapanday ng mga metal tulad ng ginto na kung tawagin ay metalurhiya. Mahusay gumawa ng mga produkto gawa sa metal ang mga Pilipino.
Sa huling bahagi ng Panahon ng Bakal, nagsimulang makipagkalakalan ang mga ninuno natin sa mga karatig bansa sa Timog Silangang Asya. Naging sentro ng kalakalan ang Manila. Sa simula ay nagpapalitan sila ng kani-kanilang produkto. Ang pagpapalitan ng produkto na ito ay tinatawag na sistemang barter. Ang mga bansang Tsina, Indonesia, at Saudi Arabia ang mga nakikipagkalakalan sa bansa.
Sinasabing ang bansang India ay hindi tuwiran ang pakikipagkalakalan sa bansa dahil ang mga produktong kristal, abaloryo at pulseras ay nakarating sa bansa mula sa Indonesia. Di kalaunan, may mga karatig bansa rin ang nakipagkalakalan tulad ng Thailand at Japan. Marami tayong natutunan sa kaugalian at kultura ng mga bansang nakipagkalakalan sa bansa. Ito ang tinatawag na di-direktang impluwensya sa atin.
Pagyamanin
Panuto: Lagyan ng mukhang nakangiti (😊) ang ginagawa o hanapbuhay ng mga Pilipino noon at malungkot na mukha (☹) naman kung hindi. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
_____ 1. Pagpapanday
_____ 2. Panghuhuli ng mga isda
_____ 3. Pagtatanim o pagsasaka
_____ 4. Paninisid ng perlas o kabibe
_____ 5. Pangangalakal ng mga kagamitang di-kuryente
Isaisip
Panuto: Lagyan ng tsek (✔) ang ginagawa o hanapbuhay ng mga Pilipino noon at ekis (✖) naman kung hindi. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
_____ 1. Paghahabi ng tela
_____ 2. Pagbebenta ng mga kalakal o produkto
_____ 3. Pagkukumpuni ng sirang kable ng koryente
_____ 4. Pagmimina ng ginto, pilak, at iba pang mineral
_____ 5. Paggawa ng kagamitang pinatakbo ng elektrisidad
Isagawa
Panuto: Suriin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Walang kaalaman sa pagmimina ang mga ninuno noon.
_____ 2. Ang kalakalan noon ay kilala sa tawag na sistemang barter.
_____ 3. Ang mga likas na yaman ay napakahalaga sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino.
_____ 4. Ang paghahanapbuhay ng mga Pilipino noon ay nakadepende sa katangian ng lugar na kanilang tinitirahan.
_____ 5. Ang mga palay, mais, niyog, at iba pang punongkahoy ang ilan sa mga pangunahing pananim ng mga katutubong Pilipino.
Tayahin
Gawain A.
Gamit ang tsart sa ibaba, sagutin. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno
Suriin ang mga naging kontribusyong pang-ekonomiko ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng pre-kolonyal.
| Kontribusyon sa Pagsasaka | Kontribusyon sa Industriya | Kontribusyon sa Pakikipagkalakalan |
|---|---|---|
Karagdagang Gawain
Panuto: Gumupit ng mga larawan at idikit sa bondpaper ang mga hanapbuhay noong unang panahon tulad ng:
- Pangingisda
- Pangangaso
- Paghahabi
- Pagtatanim
- Barter o kalakalan
transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the text below is transcribed in reading order.
Pagyamanin
😊 1. 😊 2. 😊 3. 😊 4. ☹ 5.
Isaisip
✔ 1. ✔ 2. ✖ 3. ✔ 4. ✖ 5.
transcriber’s note: a stray mark “X 6.” appears under the Isaisip key in the rendered page; no item 6 is printed in the activity on page 7.
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- C
- D
- D
- A
- B
- D
- C
- C
- A
- D
Balikan
- Tama
- Mali
- Mali
- Tama
- Tama
Tuklasin
- Pangangaso
- Pagsasaka
- Pangingisda
- Pangangalakal
- Paghahabi
- Pagpapalayok
- Pagpapanday
Isagawa
- Mali
- Tama
- Tama
- Tama
- Tama
Tayahin
| Kontribusyon sa Pagsasaka | Kontribusyon sa Industriya | Kontribusyon sa Pakikipagkalakalan |
|---|---|---|
| ➢ Nalaman ang iba’t-ibang uri ng pagsasaka ➢ Nagkaroon ng sariling suplay ng pagkain ➢ Nagamit ang mga nakatiwangwang na lupa | ➢ Nagkaroon ng paghahabi, pagpapalayok at paggawa ng mga sasakyang-pandagat ➢ Umusbong ang metalurhiya | ➢ Nakarating sa bansa ang iba’t-ibang produkto ➢ Naimpluwensyahan ang kultura at pamumuhay ng mga Pilipino |
Sanggunian
<https://www.pexels.com/photo/woman-making-clay-jar-2166439/> [Accessed 11 June 2020].
Wallpaperflare.com. 2020. HD Wallpaper: People Planting Rice, Labour Day, Work, Working Peoples, Lifestyle | Wallpaper Flare. [online] Available at: <https://www.wallpaperflare.com/people-planting-rice-labour-day-work-working-peopleslifestyle-wallpaper-zbysw> [Accessed 10 June 2020].
Flickr. 2020. Tularawan 06: Pag-Asa Sa Pangingisda (Ni Duane Mendoza). [online] Available at: <https://www.flickr.com/photos/leonbedista/3462569478> [Accessed 10 June 2020].
Slideshare.net. 2020. Mga Yugto Ng Pagunlad Ng Sinaunang Tao. (Paleolitiko,Meso,Neo At Meta…. [online] Available at: <https://www.slideshare.net/prettymycz/mga-yugto-ngpagunlad-ng-sinaunang-tao-paleolitikomesoneo-at-metal> [Accessed 10 June 2020].
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply