Araling Panlipunan 5 Quarter 1 Module 4: Paraan ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal

This is the Araling Panlipunan 5 (Grade 5 Social Studies) self-learning module for Quarter 1, Module 4, “Paraan ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal” (the ways of life of early Filipinos in the pre-colonial period). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode (ADM) module for learners studying at home. After working through it, learners should be able to analyze how early Filipinos lived before foreign colonizers arrived.

The module shows how our ancestors adapted to their surroundings. It also shows that they already had a social system that guided an orderly and prosperous way of life.

What learners will learn

The module states one learning goal. Learners are expected to:

  • Analyze the ways of life of early Filipinos during the pre-colonial period (“makasusuri sa mga paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Pre-Kolonyal”).

The module has one lesson, Aralin 1, which has the same title as the module.

The three periods of pre-colonial life

The module explains that the pre-colonial period is divided into stages named after the tools people used. They are the Stone Age, split into the Old and New Stone Ages, and the Metal Age.

PeriodYears given in the moduleHow people lived
Panahong Paleolitiko (Old Stone Age)500,000 to 6000 B.C.E.Lived in caves, used rough chipped stone tools, hunted and gathered food
Panahong Neolitiko (New Stone Age)6000 to 500 B.C.E.Polished their stone tools, lived by seas and rivers, farmed and raised animals
Panahon ng Metal (Metal Age)Not statedUsed copper and bronze tools, made weapons and ornaments, wove cloth on a backloom

Old Stone Age

People lived in caves (yungib) and used rough, chipped stones as tools. They survived by hunting and gathering food. The Tabon Man is believed to have lived in this period. The bones of wild boar and deer found in Guri Cave, part of the Tabon Complex in Palawan, are further proof. Anthropologists compare them and say the people of that cave were better hunters than the Tabon Man.

New Stone Age

Food ran short around them, so people left the caves. They sharpened and polished their rough stone tools and settled near seas and rivers. They began farming and raising animals. They used irrigation to grow rice, taro, nipa, and other crops. Fishing and farming gave them a steady food source, so they stayed in one place. The module calls this sedentary, or permanent, settlement. They also made jars (banga) and clay pots (palayok). These held extra food and the bones of their dead. As life improved, people began to specialize in work such as farming, fishing, hunting, weaving, boat-making, and pottery.

Metal Age

The Metal Age had two parts: the Early Metal Age and the Developed Metal Age. Anthropologists believe bronze came from Southeast Asian traders who traded with early Filipinos. Ornaments such as the ling-ling-o and some jade items were also dug up. In the Developed Metal Age, metal tools improved. Spear blades, kampit, gulok, knives, and other weapons were found in Kalanay, Masbate and in Novaliches, Quezon City. Backloom weaving also began in this period. Groups in Bontoc, Ifugao, and parts of Mindanao still weave this way.

Society, leaders, and laws

As life developed, people were divided into three social classes:

  1. Maginoo (Tagalog) or Datu (Bisaya): the highest class. A member of the barangay could become datu by being intelligent, brave, and having inherited wealth.
  2. Maharlika and Timawa: the second class. The maharlika helped the datu defend the barangay and keep the peace. Their skilled warriors were called bagani. The timawa were free people or people freed from slavery. They kept their harvest without paying tribute to the datu.
  3. Alipin (Tagalog) or Oripun (Bisaya): the lowest class. They were often given as payment for crimes, served the datu, and paid a yearly tribute or tax.

The barangay, led by the datu, enforced the laws. There were two kinds of law, written and unwritten. Written laws covered divorce, crime, property, and other matters. Women had equal rights with men. An umalohokan (town crier) announced the laws to the community at gatherings.

The activities add a few more terms. The word barangay comes from balanghai or balangay, a sea vessel. A sanduguan (blood compact) strengthened agreements between barangays. The katalonan were women who served as spiritual leaders. An aliping namamahay had their own house and served the datu only on special occasions.

How to use this module

The module follows the usual self-learning module parts, in this order:

  1. Alamin: what the module is about and its learning goal.
  2. Subukin: a 10-item multiple-choice pretest.
  3. Balikan: a matching review of the previous lesson on theories about the first people in the Philippines.
  4. Tuklasin: sort 10 statements into the Old Stone Age, New Stone Age, or Metal Age.
  5. Suriin: the main reading on the three periods and pre-colonial society.
  6. Pagyamanin: five multiple-choice questions.
  7. Isaisip: fill in the blanks of a summary paragraph using a word box.
  8. Isagawa: five true-or-false items (Tama or Mali).
  9. Tayahin: the final assessment, where learners place 10 ways of life under the correct period in a table.
  10. Karagdagang Gawain: five fill-in-the-blank items on extra terms.

An answer key (Susi sa Pagwawasto) is included for every activity.

  • Learners: Take the pretest first to see what you already know. Write all answers on a separate sheet of paper or in your notebook, not on the module, so others can use it later. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if a part is hard to understand.
  • Parents and guardians: Guide your child through the parts in order. Help them check their answers only after they have finished each activity.
  • Teachers: The Tuklasin and Tayahin tables work well for a quick review of the three periods. The pretest and final assessment show which learners need more help.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 5 (Ikalimang Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan). It is Module 4 of Araling Panlipunan.

What are the three periods of the pre-colonial era in this module?

They are the Panahong Paleolitiko (Old Stone Age), the Panahong Neolitiko (New Stone Age), and the Panahon ng Metal (Metal Age). Each period is named after the kind of tools people used.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, every activity, and the final assessment.

What were the social classes in pre-colonial Philippine society?

There were three classes. The highest was the Maginoo or Datu, then the Maharlika and Timawa. The lowest was the Alipin, called Oripun in Bisaya.

What is an umalohokan?

The umalohokan was the town crier. The datu tasked this person with announcing laws and news to the barangay at community gatherings.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4: Paraan ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal

[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher at a desk, and a student holding a globe]

CO_Q1_AP5_Modyul4

Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Paraan ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rosalina S. Jualo at Ramil P. Bingco Editor: Edna C. Malasaga, Aiene M. Molina, at Rosemarie M. Guino Tagasuri: Hilario B. Genovia, Jocelyn M. Apolinario, Lorna Maga, at Rosemarie M. Guino Tagalapat: Earl Bennette A. Roz Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balaness Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Genis S. Murallos Francis Angelo S. Gelera Rosemary S. Achacoso Mario R. Orais Roel C. Tugas Regel C. Mullet Wilberto M. Peligro

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

[transcriber’s note: page 3 repeats the cover title and DepEd logo already transcribed on page 1, so it is not repeated here]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Sa modyul na ito, malalaman mo kung paano pinatunayan ng ating mga ninuno ang kanilang kakayahan sa pag-angkop sa kanilang kapaligiran. Bago pa man dumating ang mga mananakop, may umiral ng sistema o kaayusan sa lipunan ang mga sinaunang Pilipino na gumabay sa kanilang maayos at masaganang pamumuhay.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makasusuri sa mga paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Pre-Kolonyal.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

  1. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong magaspang?
    A. Panahong Neolitiko
    B. Panahong Paleolitiko
    C. Maagang Panahon ng Metal
    D. Maunlad na Panahon ng Metal


  2. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong Bato?
    A. tumira sa mga yungib
    B. magsaka at mag-alaga ng mga hayop
    C. mangaso at mangangalap ng pagkain
    D. gumamit ng mga tinapyas na bato na magagaspang


  3. Ang mga sumusunod na kasangkapang metal ang mas higit na napaghusay sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino maliban sa isa. Ano ito?
    A. sibat
    B. kampit
    C. kutsilyo
    D. pinggan


  4. Ano tawag sa sistemang panlipunan, pampulitika, at pang ekonomiya ng mga Pilipino noong pre-kolonyal?
    A. siyudad
    B. barangay
    C. pamilya
    D. lalawigan


  5. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?
    A. aliping
    B. timawa
    C. maginoo o datu
    D. manggagawa


  6. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga maharlika?
    A. bagani
    B. bayani
    C. pulis
    D. sundalo


  7. Ang mga sumusunod ay mga natatamasang karapatan ng mga kababaihan sa Ifugao maliban sa isa. Alin sa mga ito?
    A. bomoto o pumili ng lider
    B. magkaroon ng kayamanan
    C. pagiging kapalit ng datu
    D. pumili ng mapangangasawa


  8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa batas na nakasulat noong panahong pre-kolonyal?
    A. ari-arian
    B. diborsyo
    C. krimen
    D. pag-aaral


  9. Alin dito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat barangay?
    A. pananakop
    B. pagbili o pagbabayad
    C. sanduguan
    D. pag eespiya


  10. Sino ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo na kung may mga pagtitipon?
    A. bagani
    B. gat
    C. lakan
    D. umalohokan


Aralin 1: Paraan ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre-Kolonyal

Balikan

Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy na pahayag sa Hanay A. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Hanay AHanay B
____ 1. Teoryang nagpapaliwanag na galing sa Timog-Tsina at Taiwan ang mga ninuno natin.A. Wika
____ 2. Ayon sa paliwanag na ito, ang unang tao sa Pilipinas ay sina Malakas at Maganda.B. Diyos o Allah
____ 3. Naging pangunahing basehan ng Teoryang Austronesyano.C. Mitolohiya.
____ 4. Siya’y naniniwalang galing sa katimugan ng Pilipinas ang unang taong nanirahan sa bansa.D. Wilhelm Solheim II
____ 5. Ang lumikha ng unang tao ayon sa Banal na Kasulatan ng mga Kristiyano at Muslim.E. Austronesyano
F. Peter Bellwood
Tuklasin

Panuto: Kilalanin ang mga pahayag kung itoy naglalarawan sa Panahong Paleolitiko at sa ikalawang hanay para sa Panahong Neolitiko at Ikatlong hanay para sa Panahon ng Metal. Isulat ang bilang sa bawat hanay. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Panahong PaleolitikoPanahong NeolitikoPanahon ng Metal
  1. Pag-unlad ng transportasyon
  2. Nanirahan ang mga tao sa mga yungib.
  3. Natututong magsaka at maghayupan ang mga Pilipino.
  4. Gumamit ang mga tao ng magaspang na kasangkapang bato.
  5. Nagawa nila ang mga talim ng sibat, kutsilyo at iba pang sandata.
  6. Paggamit ng backloom weaving para sa paghahabi ng tela
  7. Naging permanente o sedentaryo ang paninirahan ng mga tao
  8. Natutong gumawa ng banga at palayok ang mga sinaunang Pilipino.
  9. Gumawa ng mga alahas at kagamitang pandigma gamit ang tanso.
  10. Naninirahan ang mga tao sa tabi ng mga dagat at ilog.
Suriin

Isang malaking kayaman ng ating bansa ang balikan natin ang kasaysayan kung paano namuhay ang ating mga ninuno bago paman dumating ang mga dayuhan o tinatawag na pre-kolonyal. Mayaman sila sa kultura at ito ay napatunayan sa kanilang uri ng pamumuhay. Nahati sa iba’t-ibang yugto ang panahong pre-kolonyal. Tinawag ang mga yugtong ito ng kasaysayan bilang Panahon ng Bato na nahahati sa Panahong Paleolitiko o Lumang Bato at Panahong Neolitiko o Bagong Bato at Panahon ng Metal. Ibinatay ang katawagan ng panahong pre-kolonyal sa mga uri ng gamit na natuklasan ng mga tao. Natutunan ng mga sinaunang Pilipino ang paggamit ng mga kasangkapang yari bato.

Naninirahan sila sa mga yungib at gumamit ng mga tinapyas na batong magaspang bilang kasangkapan ang mga tao noong Panahon ng Paleolitiko o Panahon ng Lumang Bato (500 000-6000 B. C. E.). Nabuhay sila sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Pinaniniwalaang sa panahong ito nabuhay ang mga Taong Tabon. Isa pang patunay ng mga dalubhasa ay ang mga natagpuang buto ng malalaking hayop tulad ng baboy- ramo at usa (nabuhay may 4000-8000 taong nakalilipas) sa Guri Cave (Tabon Complex sa Palawan), at kung ihahambing ng mga antropologo ay higit na mahusay mangaso ang mga sinaunang tao sa naturang yungib kaysa Taong Tabon.

Nagsimulang paunlarin ang kanilang pamumuhay ayon sa kanilang pangangailangan at hamon sa kapaligiran noong Panahong Neolitiko o Panahon ng Bagong Bato (6000-500 B.C.E). Dahil sa kakulangan ng pagkain sa kanilang paligid, nilisan ng mga sinaunang tao ang mga yungib at hinasa at pinakinis nila ang dating magaspang na mga kasangkapang bato. Nagsimula silang nanirahan sa tabi ng mga dagat at ilog.

Nagsimula na silang magsaka at mag-alaga ng hayop. Gumamit sila ng irigasyon sa pagsasaka ng palay, taro, nipa, at iba pa. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka ang dahilan ng pagiging sedentaryo o permanente ng kanilang paninirahan.

Natuto ring gumawa ng mga banga at palayok ang mga sinaunang Pilipino sa panahong ito. Ginamit nila itong imbakan ng mga sobrang pagkain at sisidlan ng mga buto ng kanilang mga yumao.

Dahil sa pag-usbong ng kanilang uri ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino, nagkaroon sila ng mga espesyalisasyon sa paggawa, tulad ng pagsasaka, pangingisda, at pangangaso, gayun din ng paghahabi, paggawa ng bangka, at pagpapalayok.

Sa pagdaan ng panahon ay natuklasan ng ating mga ninuno ang paggamit ng metal. Tinatawag ang panahong ito na Panahon ng Metal. Nahati ito sa dalawa: ang Maagang Panahon ng Metal at ang Maunlad na Panahon ng Metal.

Samantala, pinaniniwalaan ng mga antropologo na ang mga bronse ay buhat sa mga mangangalakal ng Timog –Silangang Asya na nakipagkalakalan sa mga sinaunang Pilipino. Nahukay rin ang ilang palamuti tulad ng ling-ling-o at ilang yari sa jade.

Noong maunlad na Panahon ng Metal, higit na napaghusay ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang mga kasangkapang metal. Patunay rito ang mga nahukay na talim ng sibat, kampit, gulok, kutsilyo, at iba pang sandata sa Kalanay, Masbate at Novaliches, Quezon City.

Naganap sa panahon ng Metal ang pagsisimula ng paghahabi sa pamamagitan ng backloom tulad ng ginagawa ng mga pangkat sa Bontoc, Ifugao at ilang bahagi ng Mindanao.

Nagsimulang umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Nagkaroon ng antas o nahati ang mga mamayan sa iba’t-ibang pangkat na may iba’t-ibang katangian, tungkuling ginagampanan, at pribiliheyong tinatamasa sa pamayanang kinabibilangan.

Nahahati sa tatlong antas tao sa lipunan noon. Ang Maginoo sa mga Tagalog o Datu sa mga Bisaya ang pinakamataas na uri ng pangkat. Maaaring maging datu ang kasapi ng barangay kung siya ay matalino, matapang at nakapagmana ng kayamanan. Pangalawang uri ng tao sa lipunan ang mga Maharlika at Timawa. Ang mga maharlika ay tumutulong sa datu sa pagtatanggol at pagpapanatili ng kapayapaan sa barangay. Ilan sa kanila ay mga mahuhusay na mandirigma na tinatawag na Bagani. Ang mga Timawa naman ay mga malalayang at mga lumayang tao mula sa pagkakaalipin. Sila ay may karapatan sa kanilang ani nang hindi nagbabayad ng tributo sa datu.

Pinakamababang uri ng tao sa lipunan ang mga Alipin sa Tagalog o Oripun sa Bisaya. Sila ang karaniwang pambayad sa mga nagawang krimen. Naninilbihan sila sa datu at nagbibigay ng taunang tributo o buwis. Ang pamayanan o barangay na pinamumunuan ng datu ang nagpapatupad ng mga batas. May dalawang uri ng batas na umiiral sa barangay. Ang batas na nakasulat at hindi nakasulat. Saklaw ng batas na nakasulat ang usapin tungkol sa diborsyo, krimen, pagkakaroon ng ari-arian at iba pa. Natatamasa ng mga kababaihan ang pantay na karapatan sa mga kalalakihan. Ipinapaalam sa buong pamayanan ang mga batas na ito sa isang pagtitipon sa pamamagitan ng umalohokan o tagapagbalita.

Pagyamanin

Panuto: Subukan mong sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino nang matuto ang mga ito sa_____.

    • A. pamamangka at paglalayag
    • B. paggamit ng magaspang na bato
    • C. pagpalipat-lipat ng mga tirahan
    • D. pagtatanim ng iba’t ibang halaman at pagpapaunlad ng pagsasaka
  2. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao sa pamamagitan ng pangingisda at pagsasaka ay dahilan ng _____.

    • A. pagtira nila sa mga yungib
    • B. pagiging pagala-pagala nila
    • C. pagkakaroon nila ng maraming ginto
    • D. pagkakaroon nila ng permanenteng tirahan
  3. Ang mga sumusunod ay maaaring paraan para maging isang datu maliban sa isa. Alin ito?

    • A. pumasa sa pagsusulit ng datu
    • B. anak o galing sa angkan ng mga datu
    • C. nakapangasawa ng isang anak ng datu
    • D. matapang, matalino, at nagmana ng mga kayamanan
  4. Ang salitang barangay ay hango sa salitang balanghai o balangay na tumutukoy sa _____.

    • A. sasakyang panlupa
    • B. sasakyang pandagat
    • C. sasakyang panhimpapawid
    • D. wala sa nabanggit
  5. Paano magpasya ang datu kung nagbibigay ng hatol sa mga nagkakasalang kasapi ng barangay?

    • A. pinapatay agad
    • B. tumatawag sa diyos
    • C. kumukuha ng tagahatol
    • D. isinasailalim sa mga pagsubok
Isaisip

Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang para mabuo ang kaisipan ng talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa iyong kuwaderno.

mandirigmapaleolitikopangangasoyungibmaharlika
di-nakasulatalipinbangapagtatanimbahay
pinakinisneolitikotatlodatunakasulat

Nauugnay sa uri ng kagamitan ang panahong pre-kolonyal. Sa panahong (1)_____ sinasabing natutong mamuhay ang mga Pilipino ayon sa kanilang kapaligiran. Naging tahanan nila ang mga (2) _____. Nabubuhay sila sa (3) _____ gamit ang mga tinapyas na magagaspang na mga bato. Noong panahong ng (4) _____ ay nagbago ang kanilang pamumuhay ng matuto silang gumamit ng mga hinasa at (5) _____ na bato. Nagtayo na sila mga (6) _____ sa tabing dagat o ilog. Nadiskubre nila ang (7) _____ at paggamit ng irigasyon na naging dahilan ng kanilang pagtigil sa isang lugar para manirahan. Natuto silang gumawa ng mga (8) _____ at palayok na ginagamit nilang imbakan ng mga sobrang pagkain at sisidlan ng mga buto ng kanilang mga yumao.

Sa pagkabuo ng mga pamayanan, nahati ang mga Pilipino sa (9) _____ pangkat. Pinakamataas na uri sa mga Tagalog ang Maginoo o (10) _____ sa Bisaya. Pangalawa sa pangkat ay ang mga (11) _____ o Timawa. Tinatawag na Bagani ang kanilang mga mahuhusay na (12) _____. Pinakamababang uri ng tao sa lipunan ang mga (13) _____. May dalawang batas na ipinapatupad ang kanilang lider. Ang batas na (14) _____ at (15) _____.

Isagawa

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong kaisipan at Mali kung hindi. Isulat ito sa salitang papel.

  1. Ang mga kababaihan noon ay may mga karapatan sa lipunan.
  2. Ang Panahong Neolitiko ay tinatawag din na Panahon ng Bagong Bato.
  3. Naging maganda ang buhay ng mga alipin dahil sila ang pinakamataas na uri ng tao sa lipunan noon.
  4. Napayaman ang kulturang Pilipino dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan.
  5. Nagkaroon ng espesyalisasyon sa paggawa noon dahil sa pag-usbong ng kanilang uri ng pamumuhay.
Tayahin

Panuto: Suriin at pillin sa ibaba ang tamang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Pre-Kolonyal. Isulat ang wastong sagot sa talahanayan gamit ang sagutang papel.

  • Naninirahan ang mga tao sa mga yungib.
  • Gumamit ng irigasyon
  • Gumawa ng mga sibat, palaso, at kutsilyo gamit ang tanso at bronse
  • Hinasa at pinakinis nila ang dati ay magaspang na mga kasangkapang bato.
  • Nabuhay sa pangangalap ng pagkain
  • Natututong magsaka at maghayupan ang mga Pilipino.
  • Natututo silang gumawa ng mga banga at palayok.
  • Gumamit sila ng mga kasangkapang yari sa tanso at bronse.
  • Gumamit ang mga tao ng magaspang na kasangkapang bato.
  • Naninirahan ang mga tao sa tabi ng mga dagat at ilog.
Panahong Pre-KolonyalPamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
Panahong Paleolitiko1.
2.
3.
Panahong Neolitiko4.
5.
6.
7.
8.
Panahon ng Metal9.
10.
Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ng wastong sagot ang sumusunod na patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

katalonansanduguanneolitiko
saguiguilidtimawanamamahay
  1. Isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa bisig gamit ang punyal at pagpapatulo ng dugo sa kopang may alak _____.
  2. Mga kababaihang nagsisilbing mga espirituwal na pinuno sa sinaunang pamayanang Pilipino _____.
  3. Ang _____ ay mga lumayang tao mula sa pagkakaalipin.
  4. Nadiskubre ang pagtatanim ng mga halaman noong panahon ng _____na naging dahilan ng pagtira ng mga ninuno sa isang kumunidad.
  5. Ang aliping _____ may sariling bahay at naninilbihan lang sa datu kung may okasyon.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; its answer sections are transcribed below in module order]

Subukin
  1. A
  2. B
  3. D
  4. B
  5. C
  6. A
  7. A
  8. D
  9. C
  10. D
Balikan
  1. E
  2. C
  3. A
  4. D
  5. B
Tuklasin
  • Paleolitiko: 2, 4
  • Neolitiko: 3, 7, 8, 10
  • Metal: 1, 5, 6, 9
Pagyamanin
  1. D
  2. D
  3. A
  4. B
  5. D
Isagawa
  1. Tama
  2. Tama
  3. Mali
  4. Tama
  5. Tama
Isaisip
  1. lumang bato o paleolitiko
  2. yungib
  3. pangangaso
  4. bagong bato o neolitiko
  5. pinakinis
  6. bahay
  7. pagtatanim
  8. banga
  9. tatlo
  10. datu
  11. maharlika
  12. mandirigma
  13. alipin
  14. nakasulat
  15. di-nakasulat
Tayahin

Panahong Paleolitiko

  1. Naninirahan ang mga tao sa mga yungib.
  2. Gumamit ang mga tao ng magaspang na kasangkapang bato.
  3. Nabuhay sa pangangalap ng pagkain.

Panahong Neolitiko

  1. Naninirahan ang mga tao sa tabi ng mga dagat at ilog.
  2. Natututong magsaka at maghayupan ang mga Pilipino.
  3. Hinasa at pinakinis nila ang dati ay magaspang na mga kasangkapang bato.
  4. Natututo silang gumawa ng mga banga at palayok.
  5. Gumamit ng irigasyon.

Panahon ng Metal

  1. Gumamit sila ng mga kasangkapang yari sa tanso at bronse.
  2. Gumawa ng mga sibat, palaso at kutsilyo gamit ang tanso at bronse.
Karagdagang Gawain
  1. sanduguan
  2. katalonan
  3. timawa
  4. neolitiko
  5. namamahay

Sanggunian

(blank)

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *