Araling Panlipunan 5 Quarter 1 Module 3: Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas

This is the Araling Panlipunan 5 (Ikalimang Baitang) self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 3 (Module 3): “Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas” (origins of the first groups of people in the Philippines). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020) for Grade 5 learners studying at home. After working through it, learners can explain where the first Filipinos came from according to theory, mythology, and religion.

What learners will learn

The module states that by the end, learners should be able to discuss the origins of the first groups of people in the Philippines based on:

  • Teorya (theory): the Austronesian theory (Teoryang Austronesyano)
  • Mitolohiya (mythology): stories from Luzon, Visayas, and Mindanao
  • Relihiyon (religion): the teachings of Christianity and Islam

The module has one lesson, Aralin 1: “Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas,” which explains who the first people to live in the Philippines were according to these three sources of explanation.

Key ideas: the scientific theories

The Suriin (discussion) part presents several theories from scientists about where the first Filipinos came from.

TheoryProponentMain idea
Core PopulationFelipe Landa JocanoThe first people came from Southeast Asia, based on similarities in remains such as those of Tabon Man, a Homo sapiens. Studies show that Callao Man lived here even earlier.
Wave MigrationHenry Otley BeyerGroups of people arrived in waves from different parts of Asia, walking from Borneo over land bridges that once connected the Philippines to Asia.
Austronesian theoryPeter Bellwood, Australian archaeologistThe Austronesians are the ancestors of Filipinos. They came from Taiwan around 2500 B.C.E. but originally came from South China, traveling by balangay (boats).
Nusantao Maritime Trading and Communication Network HypothesisWilhelm Solheim II, American anthropologistThe Austronesians were the first people in the Philippines, and trade was the main reason they spread.

A few details from the module worth remembering:

  • Bellwood based his theory on similarities in language, culture, and physical traits between Southeast Asia and the Pacific.
  • According to Bellwood, some Austronesian groups kept traveling to Indonesia, Malaysia, New Guinea, Samoa, Hawaii, Easter Island, and as far as Madagascar.
  • Nusantao comes from the Austronesian words “nusa” and “tao,” meaning people from the south.
  • For Solheim, contact spread from Celebes and Sulu through trade, agreements, marriages, and migration across Southeast Asia until it reached the Philippines.

Key ideas: mythology and religion

Mythology (mitolohiya). The module retells the story of Malakas and Maganda. A king of the birds, flying across the sky, rested on a tall bamboo. He heard a voice from inside asking him to peck the bamboo open. After hesitating, he pecked it hard, and the bamboo split. A strong man and a beautiful woman came out: Malakas and Maganda. They were brought to a green island, lived in the Philippines, and became the father and mother of the brown-skinned race (lahing kayumanggi).

Religion (relihiyon). Christianity and Islam teach, through their holy scriptures, that God or Allah created the first man, Adam (Adan), and the first woman, Eve (Eba). They are the origin of all races in the world.

Activities in the module

  • Subukin: a 10-item multiple-choice pretest
  • Balikan: a true-or-false review (Tama o Mali) of the previous lesson on how the Philippine islands were formed
  • Tuklasin: a Loop-A-Word puzzle where learners circle the key terms
  • Pagyamanin: learners label statements M (mitolohiya), R (relihiyon), or T (teorya)
  • Isaisip: fill in the blanks to summarize the lesson
  • Isagawa: a 5-item multiple-choice exercise
  • Tayahin: a 10-item final test where learners unscramble letters to form the answers
  • Karagdagang Gawain: a graphic organizer where learners sort six statements under Teoryang Austronesyano, Mitolohiya, and Relihiyon

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest to see what you already know, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it after you. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and be honest when you do. Contact your teacher right away if a part is hard to understand.
  • Parents and guardians: The module is meant for home study with your guidance. The pretest shows whether your child needs extra help from you or the teacher.
  • Teachers: The module comes with a separate Gabay sa Guro/Tagapagdaloy (teacher or facilitator guide) with reminders and strategies for those supporting learners at home. Use the Tayahin results to measure what learners have learned.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 5 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 3.

What are the three explanations of the origin of the first Filipinos in this module?

The module explains the origin of the first Filipinos through theory (mainly the Austronesian theory), mythology (the story of Malakas and Maganda), and religion (Adam and Eve, created by God or Allah).

What does Nusantao mean?

According to the module, Nusantao comes from the Austronesian words nusa and tao, meaning people from the south. It is part of the name of Wilhelm Solheim II’s theory.

Where did the Austronesians come from according to Peter Bellwood?

Bellwood says the Austronesians came to the Philippines from Taiwan around 2500 B.C.E., but they originally came from South China. He based this on similarities in language, culture, and physical traits.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives the answers to the pretest, all activities, and the final test.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3: Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas

[illustration: children and a teacher studying under a tree and at a desk, with a globe and a lamp]

CO_Q1_AP5_Modyul3

Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lorena Diez,

Editor: Jessica Tan, Aiene M. Molina, Ramil P. Bingco, at Rosemarie M. Guino

Tagasuri: Joel Bragas, Marisa G. Martillo, Arlene S. Depaz, at Rosemarie M. Guino

Tagalapat: Richie C. Blasabas

Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Genis S. Murallos Francis Angelo S. Gelera Rosemary S. Achacoso Mario R. Orais Roel C. Tugas Regel C. Mullet Wilberto M. Peligro

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3: Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Matututunan mo sa modyul na ito ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas batay sa Teoryang Austronesyano, Mitolohiya at Relihiyon. Ayon sa teoryang Austronesyano, nagsimula ang lahing Pilipino sa Timog Tsina o Taiwan at naglakbay patungo sa ating bansa. Ayon sa mitolohiya, nagmula ang lahing Pilipino kay Malakas at Maganda. Samantala, sa relihiyon naman ay sinasabing ang lahing Pilipino ay nagmula kay Adan at Eba.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagtatalakay sa pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas batay sa Teorya (Austronesyano), Mitolohiya (Luzon, Visayas, at Mindanao), at Relihiyon.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

  1. Ito ay tumutukoy sa salitang Austronesian o Austronesyano na ang kahulugan ay tao mula sa timog.
    a. Indones
    b. Malayo
    c. Nusantao
    d. Polynesian


  2. Ang teoryang nagsasabi na ang unang pangkat ng tao sa Pilipinas ay nagmula sa Timog-Silangang Asya.
    a. Teoryang Austronesian Migration
    b. Teoryang Core Population
    c. Teoryang Nusanatao
    d. Teoryang Wave Migration


  3. Anong teorya ang ipinakilala ni Wilheim Solheim II na sinasabing galing sa katimugang bahagi ng Pilipinas ang ating mga ninuno?
    a. Teoryang Bigbang
    b. Teoryang Ebolusyon
    c. Teoryang Galactic
    d. Teoryang Nusantao


  4. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kasali sa pinuntahan ng ilang pangkat ng Austronesyano.
    a. Hawaii
    b. Madagascar
    c. New Guinea
    d. Palau


  5. Sino ang nagpakilala sa teoryang Wave Migration?
    a. F. Landa Jocano
    b. Peter Bellwood
    c. Otley Beyer
    d. Wilhelm Solheim II


  6. Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kanyang teorya?
    a. Ang pagkakatulad ng klima saTimog-Silangang Asya at sa Pasipiko
    b. Ang pagkakatulad ng pamahiin sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
    c. Ang pagkakatulad ng kulay ng balat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
    d. Ang pagkakatulad ng wika, kultura, at pisikal na katangian sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko


  7. Ang lumikha sa mga sinaunang Pilipino ayon sa relihiyon.
    a. Babaylan
    b. Datu
    c. Diyos o Allah
    d. Lakan


  8. Ayon sa Relihiyong Kristiyano at Islam, nilikha ng Diyos o Allah ang unang dalawang tao na sina __________.
    a. Adan at Eba
    b. Abraham at Sarah
    c. David at Ester
    d. Samson at Delilah


  9. Alin sa sumusunod ang pinaniniwalaang puno o halaman na pinagmulan ng sinaunang tao sa bansa batay sa mitolohiya?
    a. Gumamela
    b. Kawayan
    c. Narra
    d. Mangga


  10. Ano ang dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesyano?
    a. Pananakop
    b. Pakikipagkalakalan
    c. Pakikipagkaibigan
    d. Pagpapakilala ng relihiyon


Aralin 1: Pinagmulan ng mga Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas

Sa araling ito ay mauunawaan mo kung sino-sino ang mga unang taong nanirahan sa Pilipinas batay sa paliwanag ng teorya, mitolohiya, at relihiyon.

Balikan

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung ito’y nagsasaad ng katotohanan at MALI naman kung hindi nagsasaad ng katotohanan.

_______ 1. Tinatawag na Pangaea ang malaking masa ng kalupaang may 240 milyong taon na ang nakalilipas.

_______ 2. Gamit ang mga tulay na lupa, narating ng mga unang tao ang bansang Pilipinas.

_______ 3. Ang Teoryang Ebolusyon ay nagpapaliwanag na nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.

_______ 4. Naniniwala ang mga Igorot na nabuo ang Pilipinas mula sa libag ng katawan ng kanilang Diyos.

_______ 5. Ginawa ang daigdig kasama ang bansang Pilipinas ng isang makapangyarihang Diyos.

Tuklasin

Panuto: Maglaro ng Loop-A-Word. Bilugan sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

  1. Ang mga ninuno ng mga taga Timog-Silangang Asya kasama na ang bansang Pilipinas.
    [chart: word search; Loop-A-Word puzzle]
    A N V I E I J C M K I K S N
    Q A U S T R O N E S Y A N O
    B D J Y F L O P G S I T A F E


  2. Teoryang ipinakilala ni Wilheim Solheim II na sinasabing galing sa katimugang bahagi ng Pilipinas ang ating mga ninuno.
    B N V N U S A N T A O I X F
    Q A S S T R P N I S R A N O
    F D J Y F A O P G D I T A F


  3. Anong paniniwala ang nagpapaliwanag na si Malakas at Maganda ang unang tao sa bansa?
    C N V N U S A N T A O I X F
    Q A S S T R P N I S R A N O
    F M I T O L O H I Y A F E S


  4. Sino ang gumawa kina Adan at Eba batay sa paniniwalang relihiyon?
    D I Y O S O A L L A H I X F
    Q A Y S T R P N I S R A N O
    F M I T O D O A I A F D S


  5. Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kanyang Teoryang Austronesyano sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
    S I F H S S D A N T A O I X
    Q A S T R P N I W I K A O
    R M I T K L O J I Y A F E


[transcriber’s note: no document title is printed on these pages]

Suriin

Pinagmulan ng Unang Pangkat ng Tao sa Pilipinas

May iba’t ibang teorya na sinasabi ang mga siyentipiko ng pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas. May Teorya ng Core Population kung saan sinasabi ni Felipe Landa Jocano na nagmula sila sa Timog-Silangang Asya batay sa pagkakatulad ng mga labi ng Tabon Man, isang Homo Sapiens at iba pa. Ngunit ayon sa pag-aaral may nauna pang nanirahan dito at ito ay ang Callao Man.

Sa Teorya ng Wave Migration sinasabi ni Henry Otley Beyer na dumating sa bansa ang pangkat-pangkat na mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Naglakad sila mula sa Borneo gamit ang tulay na lupa na nagdurugtong sa Pilipinas at sa Asya.

Samantala, ang Teorya ng Austronesyano ay isa sa teorya na nabuo ng mga arkeologo na sinasabing nagmula sa Timog – Tsina. Ayon sa pag-aaral, maaring dumating sila sa ating bansa at nanatili dito hanggang sa kumalat na sila sa buong kapuluan. Sila ay nakasakay daw sa mga balangay upang makarating dito.

Ayon kay Peter Bellwood, isang arkeologong Australian, ang mga Austronesyano daw ang ninuno ng mga Pilipino. Dumating sila sa Pilipinas mula sa Taiwan noong 2500 B.C.E. ngunit orihinal na nagmula sa Timog-Tsina. Naglakbay ang ilang pangkat patimog mula sa kapuluan ng Indonesia, Malaysia, New Guinea, Samoa, Hawaii, Easter Island hanggang Madagascar. Ang pagkakatulad ng wikang ginamit, kultural, at pisikal na katangian sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko ang naging batayan ni Bellwood.

Si Wilhelm Solheim II, isang antropologong Amerikano, ay naniniwalang ang mga Austronesyano ang mga unang tao sa Pilipinas batay sa kanyang Nusantao Maritime Trading and Communication Network Hypothesis. Ang Nusantao ay mula sa salitang Austronesyan na “nusa at tao” na ang ibig sabihin ay tao mula sa timog. Sinasabi pa niya na ang pakikipagkalakalan ang pangunahing dahilan ng kanilang pagpapalawak ng teritoryo. Mula sa Celebes at Sulu lumawak ang kanilang pakikipag-ugnayan hanggang sa magkaroon ng pakikipagkasunduan, kasalan at migrasyon ng mga tao sa Timog-Silangang Asya hanggang sa makarating sa Pilipinas.

May paniniwala naman ang mga Pilipino batay sa mitolohiya kung sino ang unang tao sa Pilipinas. Ayon sa kuwento, may isang hari ng mga ibon ay lumipad at ginagalugad ang papawirin. Mula sa malayo kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin. Kanyang pinuntahan at dumapo sa kawayan upang magpahinga. May narining siyang katok na nagmula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narining! “Palayain mo ako, oh, makapangyarihang haring ibon!” ang hinaing. “Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapaloob ko. Hindi ako makahinga”.

Naisip ng ibon na baka ito ay patibong. Maya-maya’y may butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Palibhasa’y gutom, ito’y tinuka ngunit hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan. Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki at babaeng lumalabas na tinawag na sina Malakas at Maganda.

Sina Malakas at Maganda ay dinala sa pulong luntian. Dito sa Pilipinas namuhay ang mag-asawang Malakas at Maganda ang ama’t inang pinagmulan ng mga lahing kayumanggi.

Ang Relihiyong Kristiyano at Islam ay ipinaliwanag sa Banal na Kasulatan na nilikha ng Diyos o Allah ang unang lalaki na si Adan at ang unang babae na si Eba. Sila ang pinagmulan ng lahat ng lahi sa mundo.

Pagyamanin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag ukol sa pinagmulan ng sinaunang tao sa Pilipinas. Isulat ang M kung ito ay batay sa mitolohiya at R kung itoy batay sa relihiyon at T kung teorya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Isa sa mga dahilan kung bakit madaling kumalat ang mga Austronesyano sa bansa ay ang pakikipagkalakalan.

_____ 2. Si Peter Bellwood ay naniniwalang ang mga Austronesyano ay nagmula sa Timog-Tsina at Taiwan .

_____ 3. Si Adan at si Eba ang unang pinagmulan ng mga tao ayon sa Banal na Aklat ng mga Kristiyano at Muslim.

_____ 4. Nailuwal sa mundo ang tao sa pamamagitan ng kawayan.

_____ 5. Si Malakas at Maganda ang pinagmulan ng mga tao..

Isaisip

Ayon sa Teoryang _____ nanggaling sa Timog-Tsina ang mga ninuno ng mga Pilipino. Naging batayan ni Peter Bellwood sa teoryang ito ang pagkakatulad ng _____ gamit sa Timog-silangang Asya.

Ayon naman kay _____, isang antropologong Amerikano, ang mga Astronesyano ang unang tao sa Pilipinas batay sa kanyang teoryang _____.

Sa mitolohiya naman ay pinaniniwalaang sila _____ at _____ ang pinagmulan ng mga tao mula sa _____ na tinuka ng ibon.

Ipinapaliwanag sa relihiyon Kristiyano at Islam na nilikha ng _____ o _____ si Adan at Eba na pinagmulan ng tao sa daigdig.

Isagawa

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa malinis na papel.

  1. Ayon kay Peter Bellwood, ang mga Austronesyano ang mga ninuno ng mga Pilipinong nagmula sa_____.

    • A. Taiwan
    • B. Mexico
    • C. Amerika
    • D. Saudi Arabia
  2. Sino sino ang dalawang taong nagmula sa malaking kawayan?

    • A. Adan at Eba
    • B. Malakas at Maganda
    • C. Adan at Maganda
    • D. Malakas at Eba
  3. Ano ang tawag sa paniniwala at pagsamba ng Diyos?

    • A. mitolohiya
    • B. alamat
    • C. relihiyon
    • D. pabula
  4. Ayon sa Teoryang Austronesyano ni Bellwood, nagpatuloy sa paglalakbay sa ibat-ibang kapuluan ang mga Austronesyano maliban sa isa. Alin sa mga ito?

    • A. Samoa
    • B. Hawaii
    • C. Kiribati
    • D. Madagascar
  5. Ano ang tawag sa kuwentong pabula na nagpapaliwanag sa pangyayari at sumagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay?

    • A. mitolohiya
    • B. alamat
    • C. relihiyon
    • D. pabula

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at ayusin ang mga titik sa loob ng kahon para makabuo ng tamang sagot. Isulat ang tam,ang sagot sa sagutang papel.

  1. Siya ang naglikha ng mga unang tao sa mundo ayon sa Relihiyong Islam.

H A L A L

  1. Ayon sa mitolohiya, nailuwal sa mundo ang tao mula sa isang uri ng halaman.

Y A N W A K A

  1. Sila ang unang babae at lalaki na nailalang ng Diyos.

N A D A A T B A E

  1. Sila ang babae at lalaki na nailuwal mula sa malaking kawayan.

K A S L A M A T A G A N M A D A

  1. Pangunahing dahilan ng paglaganap ng taong Austronesyano.

L A K A L A N K A

  1. Siya ay isang antropologong Amerikano na nagsabing ang mga Austronesyano ang unang tao sa Pilipinas batay sa kanyang teoryang Nusantao.

M L E H W I L H E I M S O L I I

  1. Ayon sa teoryang ito, ang mga Austronesyano ay galing naman ng Indonesia na nagtungo sa Pilipinas hanggang makarating sa Timog-Tsina dahil sa pakikipagkalakalan.

T A O N U S A N R Y T H E O

  1. Ang salitang Austronesyano na nangangahulugang tao mula sa timog.

T A O N U S A N

  1. Ang naniniwalang ang mga Austronesyano ay nagmula sa Timog-Tsina at Taiwan?

T E R E P W D O O L E L B

  1. Isang banal na aklat ng mga Kristiyano na naglalaman ng kwento sa pinagmulan ng unang tao sa mundo.

Y A B I B L I

Karagdagang Gawain

Panuto: Ilarawan ang pinagmulan ng tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpili ng mga konsepto sa ibaba at ilagay sa tamang kahon ng balangkas para mabuo ang kaisipan ng aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Nagpatuloy sila sa paglakbay sa ibat-ibang kapuluan.
  2. Ang unang babae at lalaki ay nilalang ng Diyos o Allah.
  3. Galing sa Timog-Tsina ang ating mga ninuno.
  4. Sina Malakas at Maganda ang pinagmulan ng mga tao.
  5. Nailuwal sa mundo ang tao mula sa kawayan.
  6. Sina Adan at Eba ang unang pinagmulan ng mga tao.

[chart: flowchart; Pinagmulan ng mga Sinaunang Pilipino]

Pinagmulan ng mga Sinaunang Pilipino

Teoryang Austronesyano | Mitolohiya | Relihiyon

[transcriber’s note: the three boxes beneath the branch labels are blank in the printed page]

Susi sa Pagwawasto

Balikan

  1. Tama
  2. Tama
  3. Mali
  4. Mali
  5. Tama

Tuklasin

  1. Austronesyano
  2. Nusantao
  3. Mitolohiya
  4. Diyos o Allah
  5. Wika

Tayahin

  1. ALLAH
  2. KAWAYAN
  3. ADAN AT EBA
  4. MALAKAS AT MAGANDA
  5. KALAKALAN
  6. WILHELM SOLHEIM II
  7. NUSANTAO THEORY
  8. NUSANTAO
  9. PETER BELLWOOD
  10. BIBLIYA

Pagyamanin

  1. T
  2. T
  3. R
  4. M
  5. M

Isaisip

  1. Austronesyano
  2. Wika
  3. Wilhelm Solheim II
  4. Nusantao
  5. Malakas at Maganda
  6. Kawayan
  7. Diyos o Allah

Isagawa

  1. A
  2. B
  3. C
  4. C
  5. A

Subukin

  1. C
  2. A
  3. D
  4. D
  5. C
  6. D
  7. C
  8. A
  9. B
  10. B

Karagdagang Gawain

Teorya ng AustronesyanoMitolohiyaRelihiyon
Teorya ng Austronesyano ay naglalarawan sa pinagmulan ng mga Pilipino. Ayon kay Peter Bellwood dumating ang Austronesian sa Pilipinas mula Taiwan. Ayon naman kay Willhelm Solheim II Austronesian ang unang tao sa Pilipinas batay sa kanyang Nusantao Theory.Ayon sa mitolohiya ang pinagmulan ng mga tao sa Pilipinas ayon sa mito ay nailuwal ang mga tao mula sa malaking kawayan na tinuka ng malaking ibon at lumabas ang dalawang tao si Malakas at si MagandaAyon sa relihiyon nilikha ng Diyos/Bathala ang mga unang tao si Adan at si Eba. Sila ang pinagmulang ng mga tao ng mga tao sa buong mundo

Sanggunian

KapitBisig.com. 2009. Tagalog Version Of Mythologies “Mga Mitolohiya”. [online] Available at: <https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-mga-mitolohiya_1149.html> [Accessed 9 June 2020]. No Terms of Use.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *