This is the Araling Panlipunan 5 (Grade 5 Social Studies) self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 2: “Pinagmulan ng Pagkakabuo ng Pilipinas batay sa Teorya, Mitolohiya, at Relihiyon” (the origin of the Philippines based on theory, mythology, and religion). It was prepared by DepEd Region VIII for learners studying at home under the Alternative Delivery Mode. After the module, learners should be able to explain how the Philippines came to be according to the Tectonic Plate theory, mythology, and religion.
What learners will learn
The module states one main objective. Learners are expected to explain the origin of the Philippines based on:
- the Tectonic Plate theory, which is about the movement of land masses
- mythology (mitolohiya), the stories our ancestors believed about how the islands were formed
- religion (relihiyon), the belief that God created the world, including the Philippines
The module also notes that mythology and religion are related to each other.
Explanations based on theory
The module defines a theory (teorya) as an explanation of an event that is considered correct and can be used as a basis for explanation or prediction. It presents these theories:
- Continental Drift (Alfred Wegener): Pangaea, the single huge land mass of the world, began moving about 240 million years ago. This led to the idea of tectonic plates, the large, thick pieces of land. Heat moving under the plates in the asthenosphere (mantle) pushes the plates away from, toward, and alongside each other.
- Teoryang Bulkanismo or Pacific Theory (Bailey Willis, an American scientist): The Philippines formed from volcanoes erupting under the ocean.
- Teoryang Tulay ng Lupa or Land Bridges: The Philippines was once part of the continental shelf, pieces of land under the water attached to the continents. Land bridges connected the islands to each other and to nearby Southeast Asian countries. The low parts sank when ice melted and the sea rose, about 250,000 years ago.
Explanations based on mythology and religion
The module describes mythology as complex stories that explain the meaning of important parts of life. Its examples are:
- Three giants: Three giants fought using rocks and handfuls of soil. These fell into the sea and formed the Philippine islands.
- The Bagobo: They believe their god Melu made the Philippines from the dirt (libag) of his body.
- The Manobo: They believe the world came from the nails (kuko) of their god.
In the religious view, one all-powerful God (Diyos, also called Bathala in the module) created the whole universe, including the Philippines.
Parts of the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | 10 multiple-choice questions on Pangaea, the theories, and the myths |
| Balikan (review) | True or false (T or M) items on the location of the Philippines from the previous lesson |
| Tuklasin | Unscramble jumbled letters to form key words such as teorya, mitolohiya, and tectonic plate |
| Suriin | Read the discussion of theory, mythology, and religion |
| Pagyamanin | Label statements T (Tectonic plate), M (Mitolohiya), or R (Relihiyon) |
| Isaisip | Fill in the blanks of a summary paragraph using a word box |
| Isagawa | Answer five questions and find the answers in a word search grid |
| Tayahin | Write a paragraph on the origin of the Philippines, graded with a rubric |
| Karagdagang Gawain | Complete a crossword puzzle (pababa means down, pahalang means across) |
The Tayahin rubric scores Nilalaman (content), Presentasyon (presentation), and Organisasyon (organization) from 4 (Napakahusay) to 1 (Nagsisimula).
How to use this module
- Learners: Start with the pretest to see what you already know, then work through the parts in order. Write your answers on a separate sheet of paper or in your notebook, not on the module, so others can use it later. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) honestly, and contact your teacher if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: The module is designed for home study. Help your child read the Suriin section, and use the word lists in the Tayahin table as prompts when your child writes the paragraph.
- Teachers: The pretest shows whether a learner needs extra help. The paragraph in Tayahin can be scored with the printed rubric, and the answer key includes sample paragraphs for each of the three explanations.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 5 Araling Panlipunan, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 2.
What are the three explanations of the origin of the Philippines in this module?
The module explains the origin of the Philippines through theory (such as the Tectonic Plate and Continental Drift ideas), mythology (stories like the three giants and the Bagobo god Melu), and religion (the belief that God created the world, including the Philippines).
Who proposed the Pacific Theory according to the module?
The module says the American scientist Bailey Willis proposed the Teoryang Bulkanismo or Pacific Theory, which holds that the Philippines formed from underwater volcanic eruptions.
What is Pangaea?
According to the module, Pangaea is the single large land mass of the world that began to move about 240 million years ago, as explained by Alfred Wegener’s Continental Drift theory.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest and all activities, including sample paragraphs for the Tayahin writing task.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Pinagmulan ng Pagkakabuo ng Pilipinas batay sa Teorya, Mitolohiya, at Relihiyon
5
[illustration: students reading and studying under a tree, at a table with a globe, and by a lamp]
CO_Q1_AP5_Modyul2
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Pinagmulan ng Pagkakabuo ng Pilipinas batay sa Teorya Mitolohiya, at Relihiyon Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Carmel B. Maaslom
Editor: Edna C. Malasaga, Ronald B. Llaneta, Ramil P. Bingco, at Rosemarie M. Guino
Tagasuri: Joel M. Bragas, Marisa G. Martillo, Arlene S. Depaz, at Rosemarie M. Guino
Tagalapat: Richie C. Blasabas
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Nova P. Jorge
Genis S. Murallos
Francis Angelo S. Gelera
Rosemary S. Achacoso
Mario R. Orais
Roel C. Tugas
Regel C. Mullet
Wilberto M. Peligro
5
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Pinagmulan ng Pagkakabuo Pilipinas batay sa Teorya, Mitolohiya, at Relihiyon
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Matututunan mo sa modyul na ito ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teoryang “Tectonic Plate“, Mitolohiya, at Relihiyon. Ang teorya ng “Tectonic plate” ay nagsasabi tungkol sa paggalaw ng mga lupa. Ang mitolohiya (myth) ay nagpapaliwanag na ang bansang Pilipinas ay nabuo mula sa iba’t ibang mga kwento ng pinaniniwalaan ng ating mga ninuno. Samantala, sa relihiyon ay pinaniniwalaang ang Diyos ang lumikha ng mundo kasama ang bansang Pilipinas. Ang mitolohiya at relihiyon ay may kaugnayan sa isa’t-isa.
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagpapaliwanag sa pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teoryang Tectonic Plate, Mitolohiya, at Relihiyon.
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Ito ang tawag sa malaking masa ng kalupaang may 240 milyong taon na ang nakalipas.
A. Asthenosphere
B. Kontinente
C. Pangaea
D. TectonicTeoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa malalaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay ilang daang milyong taon na ang nakalipas.
A. Land Bridges o Tulay na Lupa Theory
B. Pacific Theory o Teorya ng Bulkanism
C. Continental Drift Theory
D. Tectonic PlateTeoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng Timog – Silangang Asya.
A. Teorya ng Continental Drift
B. Teorya ng Tulay na Lupa
C. Teorya ng Ebolusyon
D. Teorya ng BulkanismoAyon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
A. Teorya ng Tulay na lupa
B. Teorya ng Ebolusyon
C. Teorya na Continental drift
D. Teorya ng BulkanismoSiya ang naghain ng teoryang nabuo ang kalupaan ng daigdig mula sa isang Supercontinent.
A. Alfred Einstein
B. Alfred Wegener
C. Bailey Willis
D. Charles DarwinAlin sa ibaba ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay magpaliwanag ng sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay?
A. Mitolohiya
B. Relihiyon
C. Sitwasyon
D. TeoryaAyon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ang tao sa pamamagitan ng isang maykapangyahiran na tinatawag na _________.
A. Apoy
B. Diyos
C. Hangin
D. TubigSila ay naniniwala na ang Pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni Melu, na kanilang Diyos.
A. Badjao
B. Bagobo
C. Igorot
D. ManoboSino ang Amerikanong siyentista ang naghain ng Pacific Theory?
A. Alfred D. Wegener
B. Bailey Willis
C. Henry Otley Bayer
D. Robert FoxMga tipak ng lupa sa ilalim ng katubigang nakakabit sa mga kontinente.
A. Continental Shelf
B. Fossilized Materials
C. Tectonic Slate
D. Vulcanic materials
Aralin 1: Pinagmulan ng Pagkakabuo ng Pilipinas batay sa Teorya, Mitolohiya, at Relihiyon
Sa araling ito ay malalaman mo ang iba’t-ibang paliwanag tungkol sa pinagmulan ng pagkabuo ng Pilipinas.
Balikan
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali at isulat ito sa sagutang papel.
- Matatagpuan ang bansang Pilipinas sa Timog-Silangang Asya.
- Walang kinalaman ang estratehikong lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan nito.
- Ang bansang Tsina, Hapon, India, at Saudi Arabia ang mga bansang nakipagkalakalan sa Pilipinas.
- Malaki ang naging ambag ng lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan sa larangan ng paglalakbay at nabigasyon sa Asya.
- Naging tagatustos o suplayer ng mga hilaw na materyales ang Pilipinas sa bansang Amerika.
Tuklasin
Panuto: Isalin ang mga nagkahalong letra upang mabuo ang tamang salita. (Arrange the Jumbled Letters) sa pamamagitan ng “hint/clue” na nasa kabila. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
YAORET– itinuturing bilang tama o tumpak, na maaaring gamitin bilang mga prinsipyo ng paliwanag at prediksiyon
A. AREOTA B. TEORYA C. TOERYA D. THEORYAIMOTOLIHAY– sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay maipaliwanag ang sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay
A. IMOLOHIYA B. IMOTOLOHIYA C. MITOLOHIYA D. MITONICTOCET ATEPL – malalaki at makakapal na tipak ng lupa
A. TECTONIC PLATE B. PLATONIC PLATE
C. COASTAL PLATE D. ARIAL PLATEOBOGAB– mga katutubong naniniwala na si Melu, ang kanilang diyos ang gumawa ng Pilipinas.
A. BOGABO B. BAGOBO C. ABOGADO D. GOBOGASOYID– pinaniniwalaan ng relihiyon na siya ang gumawa ng daigdig kasama ang Pilipinas.
A. YIDSO B. DIYSO C. DIYOS D. SOYDI
Magaling! Kung nakuha mo ang mga tamang sagot ay maaari ka ng magpatuloy sa susunod na Gawain.
Suriin
Mayroong uri ng pagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng pagkakabuo ng Pilipinas. Ito ay ang teorya, mitolohiya, at relihiyon. Ang teorya ay isang paliwanag tungkol sa isang penomena o pangyayari na itinuturing bilang tama o tumpak na maaaring gamitin bilang prinsipyo ng paliwanag o prediksyon. Ipinaliwanag ni Alfred Wegener ang kanyang sa teoryang Continental Drift, na gumalaw ang pangaea o malaking masa ng kalupaan ng daigdig 240 milyong taon na ang nakalipas. Kaugnay nito ay nakabuo ng paniniwala sa pakahati-hati ng malalaki at makakapal na tipak ng lupa kung tawagin ay tectonic plate. Dulot ng pag-ikot at paggalaw ng init sa ilalim ng mga tectonic plate sa asthenosphere(mantle) ay napagalaw nito ang mga tectonic plate palayo, pasulong, at pagilid sa isa’t-isa.
Ayon kay Bailey Willis sa kanyang Teoryang Bulkanismo o Pacific Theory, ang Pilipinas ay nabuo bunsod ng pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan. Ang Teoryang Tulay ng Lupa o Land Bridges naman ay pinaniniwalaang dating kabahagi ang Pilipinas sa Continental Shelf o mga tipak ng lupa sa katubigan na nakakabit sa mga kontinenteng mga tulay na lupa ang mga pulo sa isa’t-isa at ang ilang karatig bansa sa Timog-silangan Asya. Lumubog ang mga mababang bahagi nito dahil sa pagkatunaw ng yelo, may 250 000 taon ang nakalipas ng umapaw ang karagatan.
Ang mitolohiya ay mga sali-salimuot na kwento na ang layunin ay maipaliwanag ang sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay. Ayon sa mitolohiya, may tatlong higanteng naglaban-laban gamit ang mga bato at mga dakot ng lupa. Nahulog ito sa dagat at siyang bumuo sa kapuluan ng Pilipinas. Sa paniniwala ng mga Bagobo, nilikha daw ng kanilang diyos na si Melu ang Pilipinas mula sa kanyang libag. Ayon naman sa paniniwala ng mga Manobo, ang daigdig ay mula sa kuko ng kanilang diyos.
Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ng isang makapangyarihang Diyos sang buong sanlibutan kasama na ang bansang Pilipinas.
Pagyamanin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag ukol sa pinagmulan ng sinunang tao sa Pilipinas. Isulat ang T kung ito ay batay sa Tectonic plate; M kung ito ay batay sa Mitolohiya at R kung itoy batay sa Relihiyon.
- Nilikha ng Diyos ang sanlibutan kasama ang bansang Pilipinas.
- Ang continental shelf ay mga tipak na lupa sa ilalim ng karagatan.
- Nilikha ni Melu ang daigdig ayon sa paniniwala ng mga Badjao.
- Dahil sa tatlong higanteng naglabanan gamit ang bato at dakot ng lupa nabuo ang bansang Pilipinas.
- Pinaniniwalaan ng mga Manobo na ang daigdig ay nilikha ng kanilang diyos mulas sa mga kuko nito.
Isaisip
Panuto: Punan ang patlang ng mga angkop na salita para mabuo ang kaisipan ng talata. Piliin ang sagot sa kahon.
Diyos Melu Mitolohiya Teorya Tectonic Plate Tatlong Kuko Bagobo Badjao
Ang (1) ay isang paliwanag tungkol sa isang penomena o pangyayari na itinuturing bilang tama o tumpak na maaaring gamitin bilang prinsipyo ng paliwanag o prediksyon. Ayon sa teorya, ang paggalaw ng kalupaan ng daigdig libong taon na ang nakalipas ay tinatawag na (2). Ang crust ay nahahati sa malalaki at makakapal na tipak ng lupa kung tawagin ay tectonic plate.
Ang (3) ay mga sali-salimuot na kwento na ang layunin ay maipaliwanag ang sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay. Ayon sa mitolohiya, may (4) higanteng naglaban-laban gamit ang mga bato at mga dakot ng lupa. Sa paniniwala ng mga (5), nilikha daw ng kanilang diyos na si (6) ang Pilipinas mula sa kanyang libag. Ayon naman sa paniniwala ng mga Manobo, ang daigdig ay mula sa (7) ng kanilang diyos.
Sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ng isang makapangyarihang (8) ang buong sanlibutan kasama na ang bansang Pilipinas.
Magaling at nakaabot ka sa gawaing ito!
Isagawa
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa pamamagitan ng paghanap ng mga salitang may KAUGNAYAN sa pinagmulan ng pagkakabuo ng Pilipinas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ano ang tawag sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay maipaliwanag ang sagisag ng mga mahahalagang balangkas ng buhay?
- Ano ang paniniwala sa pagkahati-hati ng malalaki at makakapal na tipak ng lupa?
- Ano ang paniniwalang nilikha ng isang makapangyarihang Diyos ang buong sanlibutan kasama na ang bansang Pilipinas?
- Sino ang dakilang lumikha sa sanlibutan kasama ang bansang Pilipinas?
- Ano ang tawag sa diyos ng mga Bagobo na lumikha ng Plipinas mula sa kanyang libag?
| D | W | B | T | P | A | P | T | W | R | U |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| E | D | R | E | L | I | H | I | Y | O | N |
| F | A | F | C | O | S | R | U | R | T | R |
| Y | S | K | T | K | D | U | D | U | Y | M |
| M | I | T | O | L | O | H | I | Y | A | D |
| E | T | G | N | T | E | Y | Y | N | I | Y |
| L | M | Q | I | G | T | S | O | T | E | E |
| U | G | U | C | H | O | R | S | Y | F | O |
Tayahin
Panuto: Sumulat ng isang talata na magpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Gamitin ang iba’t ibang pantulong na mga salita para mabuo ang iyong kaisipan at tingnan ang rubrik sa ibaba para sa iyong gabay sa pagsulat. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
| Teorya ng Tectonic Plate | Mitolohiya | Relihiyon |
|---|---|---|
| ⮚ paggalaw ng kalupaan ⮚ malalaki at makakapal na tipak ng lupa ⮚ palayo, pasulong, at pagilid | ⮚ may tatlong higanteng ⮚ paniniwala ng mga Bagobo ⮚ kuko ng kanilang diyos | ⮚ makapangyarihan ⮚ mundo ⮚ Diyos/Bathala |
Rubrik sa pagsulat ng Talata
| Kraytirya | Napakahusay (4) | Mahusay (3) | Nalilinang (2) | Nagsisimula (1) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Kumpleto at komprehensibo ang nilalaman at wasto ang lahat ng impormasyon | Kumpleto ang nilalaman at wasto ang lahat ng impormasyon | May ilang kulang sa nilalaman at may ilang mali sa impormasyon | Maraming kulang at mali sa nilalaman at impormasyon |
| Presentasyon | Malikhaing nailahad ang nilalaman at maayos ang daloy | Maayos na nailahad at naunawaan ang nilalaman | Hindi gaanong maayos na nailahad ang impormasyon | Hindi maayos na nailahad at hindi naunawaan ang nilalaman |
| Organisasyon | Organisa at malinaw ang nilalaman ng ideya | Organisado at malinaw, ang nilalaman ng ideya | Organisado na ideya pero may bahaging di gaanong malinaw | Hindi organisado ang ideya at marami ang bahagi na hindi malinaw ang paglalahad |
| Kabuuan |
Karagdagang Gawain
Panuto: Tukuyin ang hinihinging konsepto sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Pababa
- Ayon sa teoryang ito, nilikha ng isang makapangyarihang Diyos o Bathala ang buong sanlibutan kasama na ang bansang Pilipinas.
- Isang paliwanag tungkol sa isang penomena o pangyayari na itinuturing bilang tama o tumpak na maaaring gamitin bilang prinsipyo ng paliwanag o prediksyon.
- Siya ang gumawa ng daigdig kasama ang Pilipinas ayon sa relihiyon.
Pahalang
- Mga sali-salimuot na kwento na ang layunin ay maipaliwanag ang sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay
- Teorya na nagpapapaliwanag na ang Pilipinas ay nabuo batay sa paggalaw ng kalupaan ng daigdig libong taon na ang nakalipas.
[chart: crossword puzzle grid; Karagdagang Gawain] Printed clue numbers in the grid: 1 (top, vertical), 2 (top, vertical), 3 (upper left, vertical), 4 (horizontal row, left), 5 (horizontal row, lower left). Grid letters are not printed; the answer boxes are blank.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer blocks are transcribed in reading order]
Tuklasin
- B
- C
- A
- B
- C
Isaisap
- teorya
- tectonic plate
- mitolihiya
- tatlo (ng)
- Bagobo
- Melu
- kuko
- Diyos
Pagyamanin
- R
- T
- M
- M
- M
Balikan
- Tama
- Mali
- Tama
- Tama
- Tama
Isagawa
- Mitolohiya
- Tectonic
- Relihiyon
- Diyos
- Melu
Karagdagang Gawain
- Relihiyon
- Teorya
- Diyos
- Mitolohiya
- Tectonic
Tayahin
- Ang Teorya ng Tectonic Plate ay ang paggalaw ng kalupaan. Ayon dito, ang crust ay nahahati sa malalaki at makakapal na tipak na tinatawag ng mga tectonic plate. Dulot ng pag-ikot at paggalaw ng init sa ilalim ng mga tectonic plate sa asthenosphere(mantle) ay napagalaw rin ang mga tectonic plate palayo, pasulong, at pagilid sa isa’t isa. Dahilan [?] napagagalaw rin ang mga tectonic plate palayo, pasulong, at pagilid sa isa’t isa. Ang prosesong ito hindi lang sa paggalaw ng mga kontinente kundi maging sa iba pang prosesong pangheograpiya tulad ng paglindol, pagputok ng bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan [?].
- Ayon sa mitolohiya, may tatlong higanteng naglaban-laban gamit ang mga bato at mga dakot ng lupa. Nahulog ito sa dagat at siyang bumuo sa kapuluan ng Pilipinas. Sa paniniwala ng mga Bagobo, nilikha daw ng kanilang diyos na si Melu ang Pilipinas mula sa libag ng kanyang katawan. Ayon naman sa paniniwala ng mga Manobo, ang daigdig ay mula sa kuko ng kanilang diyos.
- Ayon sa relihiyon nilikha ng Diyos/Bathala ang mundo kasama ang bansang Pilipinas.
Subukin
- C
- D
- B
- C
- B
- A
- B
- B
- B
- A
Sanggunian
KapitBisig.com. 2009. Tagalog Version Of Mythologies “Mga Mitolohiya”. [online] Available at: <https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-mga-mitolohiya_1149.html> [Accessed 9 June 2020]. No Terms of Use.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply