This is the Araling Panlipunan (Social Studies) self-learning module for Grade 3 (Ikatlong Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan), Module 6: “Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at mga Karatig na Lalawigan Nito” (important landforms and bodies of water in your own province and its neighboring provinces). It was prepared by DepEd Region XI as an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020), so its examples come from the provinces of the Davao Region. After this module, learners can make a simple map and use it to find important landforms and bodies of water in their province and region.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module says that by the end of the lesson, the learner:
- makes a simple map (payak na mapa) that shows the important landforms and bodies of water in their own province and region; and
- uses a map to identify the important landforms and bodies of water in their own province and region (AP3-LAR-If-10).
The module explains that learning to read and make maps helps learners find places they want to visit or do not know yet, and helps them understand the physical features (katangiang pisikal) of their province, region, and neighboring provinces.
Lessons in this module
The module has one lesson, Aralin 1: “Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at mga Karatig na Lalawigan Nito.” It starts with a simple problem: a friend wants to visit the beautiful places in your area but does not know the way. The answer is to give the friend a map, so the lesson invites learners to make one.
Landforms and bodies of water in the Davao Region
The main reading (Suriin) says that every province in the region has beautiful landforms (anyong lupa) and bodies of water (anyong tubig) that people can be proud of. These are the examples it gives:
| Place | Province |
|---|---|
| Dahican Beach | Davao Oriental |
| Island Garden City of Samal | Davao del Norte |
| Little Boracay | Davao Occidental |
| Mt. Apo (Bundok Apo), the highest mountain in the Philippines | Davao del Sur |
| Maco Mainit Falls | Davao de Oro |
The module adds that all of these places can be found on a map with the help of symbols, which makes each place easy to locate.
Maps, symbols, and caring for nature
The activities show learners how maps are used in daily life:
- Map symbols and livelihoods. In Gawain B, learners look at symbols placed on a map of the Davao Region and name the livelihood each one stands for, such as panggagamot (healing or medical work), pangangahoy (gathering wood), pangingisda (fishing), pagtatanim (farming), and pag-aalaga ng hayop (raising animals).
- Using a map to travel. In Isagawa, three Grade 3 siblings, Marielle, Nice, and Verl, must visit their grandparents in San Isidro, Davao Oriental, without their parents. Their parents tell them to bring a map so they will not get lost. Learners answer questions about why a map is needed, which kind of map to use (such as a physical map, mapang pisikal), and what the map should show.
- Caring for landforms and waters. The review items remind learners that planting trees on mountains helps prevent landslides and that cleaning the areas around rivers keeps the water clean. In Isaisip, learners think about how they can help protect the landforms and bodies of water in their province.
How to use this module
Work through the parts in order:
- Subukin (pretest): match photos of places such as Mt. Apo, Balut Island, and Maco Mainit Falls to their provinces.
- Balikan (review): mark true statements with a check and false ones with an X.
- Tuklasin and Suriin: read the opening problem and the main lesson.
- Pagyamanin (practice): Gawain A (draw a sun if the sentence is correct and a moon if it is not) and Gawain B (map symbols and livelihoods).
- Isaisip and Isagawa: answer the reflection questions and the story-based multiple-choice items.
- Tayahin (assessment): use the map of the Davao Region to name the place each symbol shows.
- Karagdagang Gawain (extra activity): draw a simple map of your own province and add markers for its important landforms and bodies of water.
For learners: Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it after you. Contact your teacher right away if a part is hard to understand.
For parents and guardians: An answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end of the module. The module asks learners to be honest and to check their answers only after they finish. It has no printed answer for the map-making activity.
For teachers: The teacher’s note asks you to read and explain the directions for each step. Learners submit all answer sheets and projects, including their maps, to the teacher for grading.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?
It is for Grade 3 (Ikatlong Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan). It is Module 6 of the series.
What competency does this module cover?
It covers AP3-LAR-If-10: making a simple map that shows important landforms and bodies of water in one’s province and region, and using a map to identify them.
Which places does the module use as examples?
It uses places in the Davao Region: Dahican Beach (Davao Oriental), Island Garden City of Samal (Davao del Norte), Little Boracay (Davao Occidental), Mt. Apo (Davao del Sur), and Maco Mainit Falls (Davao de Oro).
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, practice activities, Isagawa, and the assessment. No answer is printed for the map-making activity, which is submitted to the teacher.
What do anyong lupa and anyong tubig mean?
Anyong lupa means landforms, such as mountains like Mt. Apo. Anyong tubig means bodies of water, such as beaches, seas, rivers, and waterfalls.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
CO_Q1_AP 3_ Module 6
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at mga Karatig na Lalawigan Nito
[illustration: students studying outdoors under a tree, a teacher with a student at a desk, and a student holding a globe]
CO_Q1_AP 3_ Module 6
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at mga Karatig na Lalawigan Nito Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Leonora S. Valera
Editor: Mailen D. Cabillan, Glee S. Cavan, Adelma D. Cudera,
Tagasuri: Edgardo D. Pamugas III, Rosemarie T. Realino, Archie E. Año, Alejandre S. Fernandez Jr., Guillesar P. Villarente, Jeneth D. Tabungar
Tagaguhit: Cris A. Aquino, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A. Caduyac, Eduardo, Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, Marvin P. Linogao, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos, Nylle Ernand D. Silayan
Tagalapat: Alpha Amor G. Mangulicmot, Patrick John P. Peresores
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Nelson C. Lopez, Mary Jeanne B. Aldeguer, Cheerylyn A. Cometa, Analiza C. Almazan, Christopher P. Felipe, Danilo R. Dohinog, Leonora Liza D. Dacillo, Ma. Cielo D. Estrada, Alicia I. Ayuste
3
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at mga Karatig na Lalawigan Nito
1 CO_Q1_AP 3_ Module 6
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
2 CO_Q1_AP 3_ Module 6
Alamin
[illustration: target with arrow icon]
Isang maligayang pagtuntong sa Ikatlong Baitang! Ang modyul na ito ay ginawa upang mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa mahahalagang anyong lupa at anyong tubig sa iyong lalawigan at maging sa mga karatig na lalawigan sa iyong rehiyon.
Ito ay makatutulong sa iyo kung papaano mo matutunton at makikilala ang iba’t ibang lugar, mga anyong lupa o anyong tubig ng iyong lalawigan at mga karatig nito sa tulong ng mapa. Mahalagang malaman mo ang paggawa ng mapa upang mapadali ang pagtunton o pagturo sa mapa ng mga lugar na nais mong mapuntahan o hindi mo kilala.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Sa pag-aaral ng lalawigan at rehiyon, mahalagang matutuhan ang paggamit at paggawa ng mapa. Ito’y magsisilbing gabay sa lubusang pagkilala ng katangiang-pisikal ng sariling lalawigan, rehiyon, at ng karatig nito.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahan na:
- Nagagawa ang payak na mapa na nagpapakita ng mahahalagang anyong lupa at anyong tubig sa sariling lalawigan at rehiyon; at
- nagagamit ang mapa sa pagtukoy ng mahahalagang anyong lupa at anyong tubig sa sariling lalawigan at rehiyon (AP3-LAR-If-10).
3 CO_Q1_AP 3_ Module 6
Subukin
[illustration: pencil icon]
Tukuyin ang kinaroroonang lugar ng mga mahahalagang anyong lupa at anyong tubig ng rehiyon. Isulat ang sagot mula sa loob ng kahon sa sagutang papel.
[photo: Dayang Beach Resort]
Photo credits to: Micah E. Arellano[photo: Dahican Beach Resort]
Photo credits to: Anna Marie V. Maynopas[photo: Balut Island]
Photo credits to: Christian Jay R. Pasana[photo: Mt. Apo]
Photo credits to: Vermel G. Valera[photo: Maco Mainit Falls]
Photo credits to: Grace D. Pontillas
Davao de Oro Davao Oriental Davao del Norte Davao del Sur Davao Occidental
4 CO_Q1_AP 3_ Module 6
Mayaman ang rehiyon natin sa mga mahahalagang anyong lupa at anyong tubig na maaaring maipagmalaki natin at makikita ito sa mapa.
Balikan
[illustration: puzzle icon]
Markahan ng tsek (✓) kapag nagsasaad ng katotohanan ang pangungusap at ekis (X) kapag hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ang hilagang kabundukan ng Davao del Norte ay nagsisilbing hangganan ng lalawigan sa ibang rehiyon.
- Madadaanan ang ilang bahagi ng lalawigan ng Davao del Sur at Davao Oriental kung aakyat sa Mt. Apo.
- Magtanim ng mga punongkahoy sa kabundukan upang maiwasan ang pagguho ng mga lupa.
- Lilinisin ang paligid ng mga ilog para manatiling malinis ang tubig patungong kanayunan.
- Pinagdugtong dugtong ng ilog ng Agusan ang mga lalawigan ng Davao del Norte, Davao de Oro at Davao Oriental.
Aralin 1: Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling Lalawigan at mga Karatig na Lalawigan Nito
5 CO_Q1_AP 3_ Module 6
Mga Tala para sa Guro
[illustration: note and pencil icon]
Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga proyekyong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.
Tuklasin
[illustration: sprouting plant icon]
Ang iyong kaibigan ay nais puntahan ang mga magagandang tanawin sa iyong lugar ngunit hindi niya alam ang papunta roon, Ano kaya ang mainam gawin? Kailangan natin siya bigyan ng mapa, Halika, gawa tayo ng mapa!
Suriin
[illustration: magnifying glass icon]
Ang bawat lalawigan sa ating rehiyon ay mayroong magagandang mga anyong lupa at anyong tubig na maaring nating ipagmalaki, kagaya na lang ng magandang dalampasigan ng Dahican Beach na matatagpuan sa lalawigan ng Davao Oriental, Dinarayo rin ng mga turista dahil sa malinis at magandang tanawin nito, ang Island Garden City of Samal na nabibilang sa lalawigan ng Davao del Norte
at hindi rin pahuhuli ang Little Boracay ng lalawigan ng Davao Occidental. Ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas, ang Bundok Apo na matatagpuan sa lalawigan ng Davao del Sur ay isa rin sa mga gustong akyatin na bundok ng mga turista at sa lalawigan naman ng Davao de Oro ay may tanyag na pasyalan ang Maco Mainit Fallls. Ang lahat ng mga ito ay maaring makita sa mapa sa tulong ng mga simbolo upang madali mong matagpuan ang lugar.
Pagyamanin
Gawain A
Iguhit ang araw ( ☼ ) kung tama ang pangungusap at buwan ( ☾ ) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- Sa lalawigan ng Davao del Norte ay matatagpuan ang Island Garden City of Samal at ito ay kilala dahil sa malinis at malinaw nitong baybayin at dagat.
- Ang Little Boracay ay isang Beach Resort na dinarayo rin ng mga tao at ito ay makikita sa lalawigan ng Davao Oriental.
- Isa sa mga anyong lupa ang Bundok Apo at ito ay makikita sa lalawigan ng Davao del Sur.
- Ang lalawigan ng Davao de Oro ay kilala sa kanilang Maco Mainit Falls.
- Ang tanyag na Aliwagwag Falls ay matatagpuan sa lalawigan ng Davao Occidental.
Gawain B
Tingnan ang mga simbolo sa lalawigang kinaroroonan. Isulat ang nararapat na hanap-buhay sa bawat simbolo ng bawat bilang sa sagutang papel.
Halimbawa: 1. panggagamot
pangangahoy pangingisda pagtatanim panggagamot pag-aalaga ng hayop
[chart: map; Gawain B, map of the Davao Region with numbered symbols 1 to 5 and arrows] Labels printed on the map: Davao del Norte; Davao de Oro; Davao City; Davao Oriental; Davao del Sur; Davao Occidental. Numbered symbols: 1, 2, 3, 4, 5. Values are not labeled on the chart.
Isaisip
- Ano- ano ang anyong lupa at anyong tubig na binanggit sa unahan?
- Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang mapangalagaan ang mga nabanggit na anyong lupa at anyong tubig sa kinabibilangang lalawigan?
Isagawa
Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na kalagayan at ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
Tapos na ang pasukan at buwan na naman ng Abril kung kaya’t panahon na naman ng bakasyon. Ang magkakapatid na sina Marielle, Nice at Verl ay mga mag-aaral na mula sa Ikatlong Baitang ng Guihing Central Elementary School. Nakagawian na ng tatlong bata na magbakasyon sa kanilang lolo at lola sa San Isidro, Davao Oriental. Subalit sa pagkakataon ngayon ay hindi sila masamahan ng kanilang mga magulang dahil abala ang mga ito sa paghahanap-buhay at hindi alam ng tatlong bata ang patungo roon. Tanging ang nakatatandang pinsan lamang nila na si Dhan ang maaaring sumama sa kanila. Sinabihan sila ng kanilang magulang na magdala ng mapa upang malaman ang daan patungo roon at hindi sila mawala.
Ano ang kinakailangan ng tatlong bata para matunton ang lugar na gusto nilang puntahan?
- A. mapa
- B. globo
- C. larawan
- D. simbolo
Alin sa mga mapang ito ang dapat nilang gamitin para mas madaling mapuntahan ang lugar na tinitirhan ng kanilang lolo’t lola?
- A. mapang pisikal
- B. mapang pangklima
- C. mapang pangkultura
- D. mapang pang-ekonomiya
Sa pagpunta nila Marielle, Nice at Verl sa kanilang lolo at lola sa San Isidro, Davao Oriental. Ano ang kailangan nilang makita sa mapa?
- A. simbolo ng mga anyong lupa at tubig sa bawat lalawigan
- B. pangalan ng mga mambabatas sa bawat lalawigan
- C. natatanging daanan papunta sa Davao Oriental
- D. magagandang tanawin ng mga madadaanang lugar
Paano nakatulong sa tatlong bata ang pagkakaroon nila ng mapa?
- A. gumaan ang kanilang pag-aaral
- B. nasiyahan ang kanilang mga kaibigan
- C. napuntahan ang kanilang lolo at lola
- D. napagaan ang hanapbuhay ng kanilang mga magulang
Alin sa sumusunod na lalawigan ang huling madadaanan ng mga magkakapatid bago marating ang San Isidro, Davao Oriental?
- A. Davao de Oro
- B. Davao Oriental
- C. Davao del Norte
- D. Davao Occidental
Tayahin
Gamitin ang mapa ng Davao Region. Banggitin ang mahahalagang anyong lupa at anyong tubig na tinutukoy ng bawat simbolo sa kinabibilangang lalawigan. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.
Little Boracay Bundok Apo Dahican Beach Pearl Farm Resort Maco Mainit Falls
[chart: map; Mapa ng Davao Region with numbered symbols 1 to 5 and arrows] Labels printed on the map: Mapa ng Davao Region; Davao del Norte; Davao City; Davao Oriental; Davao del Sur; Davao Occidental; Davao de Oro. Numbered symbols: 1, 2, 3, 4, 5. Values are not labeled on the chart.
Karagdagang Gawain
Gumawa ng payak na mapa ng iyong kinabibilangang lalawigan at lagyan ng pananda na nagpapakita sa mga mahahalagang anyong lupa at anyong tubig dito.
[transcriber’s note: empty bordered box for the learner’s map]
[transcriber’s note: this page is printed upside down (rotated 180 degrees); transcribed in reading order]
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- Davao del Norte
- Mati City
- Davao Occidental
- Davao del Sur
- Davao de Oro
Balikan
- X
- X
- /
- /
- X
Pagyamanin
Gawain A
- ☼
- ☾
- ☼
- ☼
- ☾
Gawain B
- panggagamot
- pangangahoy
- pag-aalaga ng hayop
- pagtatanim
- pangingisda
Isagawa
- A
- A
- C
- C
- A
Tayahin
- Little Boracay
- Bundok Apo
- Pearl Farm Resort
- Maco Mainit Falls
- Dahican Beach
Karagdagang Gawain
[transcriber’s note: no answer is printed for this section]
Sanggunian
Manalo, Thea Joy G., Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, and Rodel C. Sampang, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Pasig City Philippines: Book Media Press, Inc., 2015, 2-9.
Amboni, Ma. Lynie R., Archie E. Año, Rheex G. Castor, Myla A. Gerodias, Rosemarie T. Realino, Melfrie E. Gudmalin, Julieta V. Maluenda, Genelly A. Priagola, Ruth D. Salarda, Imelda T. Cardines, Jonathan B. Catubig, Gemma G. Daño, Iren C. Limit, Grace D. Pontillas, EdD, Rowena P. Flores, Lovelyrose Mary L. Sabuga-a, Rona T. Apique, Leonora Liza D. Dacillo, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Rehiyon XI – Rehiyon ng Davao. Pasig City Philippines: Studio Graphic Corp., 2019, 2-10.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply