This is the Araling Panlipunan (social studies) self-learning module for Grade 3, Quarter 1, Module 2: “Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Sariling Rehiyon” (location of the provinces in your own region). DepEd Region XI prepared it for home study, so all of its maps and examples use the Davao Region. By the end, learners can use the four main directions to tell where a province is in relation to the places around it.
On this page 7 sections
What learners will learn
After this module, learners will be able to:
- Identify where the provinces in the region are located, based on nearby places, using the main directions (pangunahing direksiyon).
- Describe the location of the provinces in the region, based on the places around them, using the main directions.
The compass rose and the four main directions
The module explains that a map, its symbols, and directions are the best tools for finding a place. One easy way to find a place is to check in which direction its neighboring places lie.
The compass rose is the symbol on a map that shows the four main directions. Each direction has a one-letter symbol in Filipino:
| Direction | Symbol | Where it points | Opposite |
|---|---|---|---|
| Hilaga (north) | H | Up | Timog |
| Timog (south) | T | Down | Hilaga |
| Silangan (east) | S | Right, where the sun rises | Kanluran |
| Kanluran (west) | K | Left, where the sun sets | Silangan |
The module also teaches the idea of a point of reference: the place you start from when you describe where something is. If the point of reference changes, the direction you give also changes.
To practice, learners first look at a sample map of Barangay Kalinisan. They use the park in the middle as the point of reference and find the church, hospital, houses, and school by direction.
Where the Davao Region provinces are
The module then applies the same skill to the map of the Davao Region. It shows Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, Davao del Sur, Davao Occidental, and Davao City. The region has five provinces, and Davao City is described as the center of trade.
The module gives these examples:
- Davao de Oro is east of Davao del Norte.
- Davao del Norte is north of Davao del Sur.
- Davao Oriental is east of Davao de Oro.
- Davao Occidental is south of Davao del Sur.
- Davao del Sur is north of Davao Occidental.
The module stresses that knowing the nearby places, structures, landforms (anyong lupa), and bodies of water around a place makes it faster to find.
Parts of the module
- Subukin (pretest): five multiple-choice questions, four of them based on the Davao Region map.
- Balikan (review): questions about symbols from the earlier lesson, such as Aliwagwag Falls and Mt. Apo, and placing them on the map.
- Tuklasin (discover): the compass rose, the point of reference, the Barangay Kalinisan map, and the Davao Region map.
- Suriin (analyze): five questions based on the two maps.
- Pagyamanin (enrichment): Gawain A, choosing the correct direction, and Gawain B, naming neighboring provinces.
- Isaisip (remember): fill-in-the-blank sentences that sum up the lesson.
- Isagawa (apply): drawing a simple map with a bahay-kubo (nipa hut) in the center for your own province, then writing the neighboring provinces in the correct directions.
- Tayahin (assessment): a five-item final test.
- Karagdagang Gawain (extra activity): drawing a simple map of your school on bond paper, with the flag pole in the center and the buildings around it in the correct directions.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so that other learners can use it. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Read the instructions with your child and help them find places on the maps using the compass rose. An answer key at the end lets you check the activities and tests. Please use it honestly, after your child has answered.
- Teachers: The teacher’s notes ask you to explain each instruction clearly. All answer sheets and finished projects, such as the drawn maps, are submitted to you for grading.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?
It is for Grade 3 (Ikatlong Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2. It was prepared by DepEd Region XI, First Edition, 2020.
What is a compass rose?
It is the symbol on a map that shows the four main directions: Hilaga (north, up), Timog (south, down), Silangan (east, right), and Kanluran (west, left).
What is a point of reference?
It is the place you start from when you describe the location of another place. In the module, the park in Barangay Kalinisan and the bahay-kubo in the Isagawa activity serve as points of reference.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, activities, Isaisip, and final test.
Which region does the module use as its example?
It uses the Davao Region and its provinces: Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, Davao del Sur, and Davao Occidental, together with Davao City.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
CO_Q1_AP 3_ Module 2
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Sariling Rehiyon
[illustration: children studying outdoors and indoors with a teacher, a student holding a globe, and a child studying by lamplight]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Sariling Rehiyon Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Lovelyrose Mary L. Sabuga-a
Editor: Adelma D. Cudera, Maximo R. Embodo, Riva P. Palma
Tagasuri: Rosemarie T. Realino, Kareen Jane P. Patarata, Jeneth D. Tabungar, Ame Grace Pamongcales, Edgardo D. Pamugas III, Guillesar P. Villarente
Tagaguhit: Cris A. Aquino, Khristely V. Ang, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A. Caduyac, Eduardo, Jr. A. Eroy, Marvin P. Linogao, Jules Bernard G. Guinita, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos, Nylle Ernand D. Silayan
Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Nelson C. Lopez, Mary Jeanne B. Aldeguer, Cheerylyn A. Cometa, Analiza C. Almazan, Christopher P. Felipe, Danilo R. Dohinog, Leonora Liza D. Dacillo, Ma. Cielo D. Estrada, Alicia I. Ayuste
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2: Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Sariling Rehiyon
3
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: bullseye target with an arrow]
Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang. Nakapaloob dito ang masusing pagsuri ng kinalalagyan ng mga lalawigan sa sariling rehiyon batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksiyon.
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:
- Natutukoy ang kinalalagyan ng mga lalawigan sa rehiyon batay sa mga kalapit na lugar gamit ang pangunahing direksiyon; at
- nailalarawan ang lokasyon ng mga lalawigan sa rehiyon batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksiyon.
1 CO_Q1_AP 3_ Module 2
Subukin
[illustration: pencil icon]
Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa sagutang papel.
- Ano ang pangunahing batayan upang madaling matunton ang kinaroroonan o lokasyon ng mga lugar sa mapa?
a. pagsunod sa usok
b. paggamit ng radyo
c. paggamit ng direksiyon
d. pagsukat sa sikat ng araw
Para sa bilang 2-5, gawing batayan ang mapa sa ibaba
[chart: compass rose and map; Mapa ng Davao Region]
Compass labels: H (north), K (west), S (east), T (south).
Map title: Mapa ng Davao Region
Provinces shown: Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, Davao City, Davao del Sur, Davao Occidental.
2 CO_Q1_AP 3_ Module 2
Anong lalawigan ang nasa kanluran ng Davao de Oro?
a. Davao del Sur
b. Davao Oriental
c. Davao del Norte
d. Davao OccidentalSaang direksiyon matatagpuan ang Davao City kung ang pagbabatayan ay ang lalawigan ng Davao del Norte?
a. Timog
b. Hilaga
c. Kanluran
d. SilanganKung pagbabatayan ang lalawigan ng Davao Occidental anong lalawigan ang nasa Hilagang bahagi nito?
a. Davao del Sur
b. Davao Oriental
c. Davao del Norte
d. Davao OccidentalAnong mga lalawigan ang mas malapit sa iyo kung ikaw ay nasa Davao City?
a. Davao del Norte at Davao del Sur
b. Davao del Norte at Davao Oriental
c. Davao del Sur at Davao Occidental
d. Davao Occidental at Davao Oriental
3 CO_Q1_AP 3_ Module 2
Aralin 1: Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Sariling Rehiyon
Maraming paraan sa pagtukoy sa kinalalagyan ng mga lugar sa mapa. Isa na rito ang paggamit ng pangunahin at pangalawang direksiyon. Sa paghahanap, kinakailangan na alam mo ang lokasyon ng mga nakapaligid nito. Mas mapabibilis ang pagtunton kung alam mo ang kinaroroonan ng mga karatig-lugar, anyong lupa, anyong tubig at iba pang mga impraestruktura na nakapalibot dito batay sa direksiyon.
Balikan
[illustration: puzzle-piece icon]
A.1. Gaano kahalaga ang Aliwagwag falls para sa mga tao sa Davao Oriental?
Ano ang simbolo ng Mt. Apo sa mapa na bahagi sa lalawigan ng Davao del Sur?
Mayroon bang simbolo ng paaralan na makikita sa lalawigan ng Davao del Norte?
B. Batay sa mapa ng Davao Region, ilapat ang mga simbolo ng Aliwagwag falls, Mt. Apo at paaralan sa Davao del Norte sa kinaroroonan nitong lalawigan ayon sa lokasyon ng mapa.
[chart: compass rose; no values]
4 CO_Q1_AP 3_ Module 2
Mga Tala para sa Guro
Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.
Tuklasin
Sa pagtukoy ng mga kinaroroonan ng mga lugar ay mainam gumamit ng mapa, mga simbolo, at direksiyon. Isa sa mga paraan para madaling makita ang kinalalagyan ng hinahanap na lugar ay ang pagtukoy kung saang direksiyon makikita ang mga kalapit-lugar na nakapaligid dito.
Ang Compass Rose ay ang simbolo na makikita sa itaas na bahagi ng mapa. Ito ay tumutukoy sa apat na pangunahing direksiyon. Ang Hilaga (H) ay nakaturo sa itaas, katapat nito ang Timog (T) sa ibaba. Sa kanan naman makikita ang Silangan (S) kung saan sumisikat ang araw, katapat naman nito ang Kanluran (K) sa kaliwa kung saan lumulubog ang araw.
Sa paghahanap gamit ang mapa, mahalagang alam mo ang batayan kung saan ang iyong kinaroroonan o tinatawag na point of reference.
Ang mga ito ay nagbibigay gabay upang mas mapabibilis ang pagtunton sa lugar na maaring mong gustong puntahan.
Tingnan ang compass rose sa ibaba. Basahin ang mga direksiyon mula sa itaas pababa, kaliwa pa kanan gamit ang gabay na talata na nasa ibaba nito.
[chart: compass rose diagram; Compass Rose]
Hilaga H
Kanluran K
Silangan S
point of reference
Timog T
Ang Hilaga ay nakaturo sa itaas. H ang simbolo nito. Katapat nito ang Timog na may simbolong T na nakaturo sa ibaba.
Ang Timog ay nakaturo sa ibaba. T ang simbolo nito. Katapat nito ang Hilaga na may simbolong H na nakaturo sa itaas.
Ang Silangan ay nakaturo sa kanan. S ang simbolo nito. Katapat nito ang Kanluran na may simbolong K na nakaturo sa kaliwa.
Ang Kanluran ay nakaturo sa kaliwa. K ang simbolo nito. Katapat nito ang Silangan na may simbolong S na nakaturo sa kanan.
Masdan ang halimbawang mapa ng Barangay Kalinisan. Gawing batayan ang parke sa gitna ng mapa bilang point of reference. Gamitin ang pangunahing direksiyon bilang gabay sa pagtunton ng mga lugar sa mapang ibinigay.
[chart: map of Barangay Kalinisan with compass rose (H, K, S, T); labels as printed on the map: KALINISAN ELEM. SCHOOL; KALYE MALIGAYA; KALYE MABAIT; BARANGAY KALINISAN; KALYE MALINIS; KALYE PAG-ASA; KALYE MAGANDA; KALYE MATIPID]
Saang direksiyon makikita ang simbahan?
Anong estruktura ang nasa Hilaga ng parke?
Saang direksiyon makikita ang ospital?
Ang mga kabahayan ay makikita sa anong direksiyon?
Davao Region
Pagmasdan nang mabuti ang mapa ng Davao Region. Mapapansin mo ang iba’t ibang kinaroroonan ng bawat lalawigan sa mapa. Kung paiba-iba ang ating pinagbabatayan, nagbabago rin ang pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar.
[chart: map titled “Mapa ng Davao Region” with compass rose (H, K, S, T); labels as printed on the map: Davao del Norte; Davao de Oro; Davao Oriental; Davao City; Davao del Sur; Davao Occidental]
- Ang Davao de Oro ay nasa Silangan ng Davao del Norte.
- Matatagpuan ang Davao del Norte sa Hilaga ng Davao del Sur.
- Nasa Silangan ng Davao de Oro ang Davao Oriental.
- Makikita ang Davao Occidental sa Timog ng Davao del Sur.
- Ang kinalalagyan ng Davao del Sur ay nasa Hilaga ng Davao Occidental.
Suriin
Pagbatayan ang dalawang mapang ipinakita sa naunang pahina. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
- Saang direksiyon makikita ang paaralan kung ang pagbabatayan ay ang ospital?
- Anong estruktura ang nasa harapan ng simbahan?
- Kung ang kabahayan ang pagbabatayan, saang direksiyon makikita ang parke?
- Anong lugar ang nasa Hilaga ng Davao del Sur?
- Saang direksiyon makikita ang Davao Oriental kung ikaw ay nasa Davao de Oro?
Pagyamanin
Gawain A
Tingnan muli ang mapa ng Davao Region. Tukuyin ang kinalalagyan ng bawat lalawigan sa mapa batay sa direksiyon ng lokasyon ng mga kalapit-lalawigan nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na sagutang papel.
Ang Davao del Sur ay nasa ___________ ng Davao Occidental.
- A. Timog
- B. Hilaga
- C. Kanluran
- D. Silangan
Makikita ang Davao Oriental sa ______________ng Davao de Oro.
- A. Timog
- B. Hilaga
- C. Kanluran
- D. Silangan
Nasa __________ ng Davao del Norte ang Davao del Sur.
- A. Timog
- B. Hilaga
- C. Kanluran
- D. Silangan
Kung ikaw ay nasa Davao City at ikaw ay patungong pahilaga, anong lalawigan ang iyong mapupuntahan?
- A. Davao del Norte
- B. Davao del Sur
- C. Davao Occidental
- D. Davao Oriental
Anong lalawigan ang kalapit-lugar ng Davao de Oro sa gawing Silangan?
- A. Davao del Norte
- B. Davao del Sur
- C. Davao Occidental
- D. Davao Oriental
Gawain B
Tukuyin ang mga magkakalapit na lalawigan o lungsod gamit ang mapa sa naunang pahina. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ang Davao del Norte ay nasa Kanluran ng _____________ at Hilaga ng ______________.
- Ang Davao Occidental ay nasa Timog ng ____________ at _____________.
- Ang Davao City ay nasa Hilaga ng _____________ at Kanluran ng ________________.
- Nasa gawing Silangan ang Davao de Oro ng____________ at _______________.
- Nasa Silangang bahagi ng lalawigan ng ____________ at _____________ ang Davao Oriental.
Isaisip
Ang simbolo na makikita sa mapa na ginagamit na pantukoy sa lokasyon ng mga kinaroroonan ng lugar ay tinatawag na___________________.
Ang apat na pangunahing direksiyon sa mapa ay ang ________________, ________________, ________________ at ________________.
Ang Davao Region ay binubuo ng limang lalawigan. Ito ay ang ________________, ________________, ________________ ________________at ________________. Davao City naman ang sentro ng kalakalan sa Rehiyon.
Isa sa mga mahahalagang paraan upang malaman ang kinalalagyan ng mga lugar ay ang pagtukoy sa lokasyon ng mga karatig-lugar, estruktura, ________________ at ________________ na nakapalibot nito.
Mas madaling matukoy ang nais puntahan o kinaroroonan ng mga lokasyon ng lugar kung alam mo na paano hanapin ang mga lugar na _______________ sa iba’t ibang direksiyon.
Isagawa
Gumuhit ng payak na mapa katulad ng inyong pamayanan. Ilagay sa gitna ang bahay-kubo bilang batayan ng sariling lalawigan. Isulat ang mga karatig lalawigan sa angkop na kinalalagyan nito batay sa direksiyon. Gawin ito sa hiwalay na papel.
[chart: compass diagram with a bahay-kubo at the center; labels: H (top), K (left), S (right), T (bottom)]
Tayahin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Ano ang ginagamit upang mapabilis ang pagtunton sa kinalalagyan ng isang lugar o karatig lugar ng isang rehiyon?
a. pangunahing kulay
b. pangunahing guhit
c. pangunahing direksiyon
d. pangunahing estruktura
Para sa bilang 2 – 4, gamitin ang mapa ng Davao Region bilang batayan sa pagsagot sa sumusunod:
Kung pagbabatayan ang Davao del Norte, saang direksiyon ang kinaroroonan ng Davao Occidental?
a. Timog
b. Hilaga
c. Kanluran
d. SilanganSi Jose ay nakatira sa lalawigan ng Davao de Oro. Gusto niyang pumunta sa Davao Oriental. Sa anong direksiyon siya tutungo?
a. Timog
b. Hilaga
c. Kanluran
d. SilanganKung ikaw ay nasa Davao de Oro at nais mong tumungo pakanluran, anong lugar o lalawigan ang mapupuntahan mo?
a. Davao del Sur
b. Davao Oriental
c. Davao del Norte
d. Davao OccidentalSa iyong palagay, nakatulong ba ang mga direksiyon ng mga karatig lalawigan sa pagtuntun ng nais mapuntahan na lugar?
a. Opo, upang madaling maiguhit ang lugar
b. Opo, upang madaling marating ang lugar
c. Hindi, dahil nagdudulot lamang ito ng kalituhan
d. Hindi, dahil nag-aaksaya lamang ito ng panahon
Karagdagang Gawain
Gumuhit ng payak na mapa ng iyong paaralan. Gawing batayan ang flag pole na nasa gitna kagaya ng larawan na nasa ibaba. Iguhit ang iba’t ibang gusali na nakapalibot nito ayon sa wastong direksiyon. Gawin ito sa bond paper.
[chart: map of a school with a flag pole at the center; labels: Hilaga (top), Kanluran (left), Silangan (right), Timog (bottom)]
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the boxes below are given in upright reading order]
Subukin
- C
- C
- A
- A
- A
Balikan
A.
- ito ay isa sa nagbibigay tanyag at hanapbuhay sa mga tao sa larangan ng turismo
- [illustration: V-shaped handwritten mark]
- meron
B.
- [illustration: handwritten f-like mark]
- [illustration: V-shaped handwritten mark]
- [illustration: funnel-like handwritten mark]
Suriin
- Hilaga
- Parke
- harapan
- Davao City
- Silangan
Pagyamanin
Gawain A
- B
- D
- A
- A
- D
Gawain B
- Davao de Oro,
Davao City - Davao del Sur,
Davao City - Davao del Sur,
Davao del Norte - Davao del Norte,
Davao City - Davao del Norte,
Davao de Oro
Isaisip
- Compass Rose
- Hilaga, Timog, Silangan, Kanluran
- Davao de Oro
Davao del Norte
Davao del Sur
Davao Occidental
Davao Oriental - Anyong Lupa
Anyong Tubig - nakapalibot/ nakapalig
Tayahin
- C
- A
- D
- C
- B
Sanggunian
Amboni Ma. Lynie R., Archie E. Año, Rheex G. Castor, Myla A. Gerodias, Rosemarie T. Realino, Melfrie E. Gudmalin, Julieta V. Maluenda, Genelly A. Priagola, Ruth D. Salarda, Imelda T. Cardines, Jonathan B. Catubig, Gemma G. Daño, Iren C. Limit, Grace D. Pontillas, EdD, Rowena P. Flores, Lovelyrose Mary L. Sabuga-a, Rona T. Apique, Leonora Liza D. Dacillo, Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Rehiyon XI – Rehiyon ng Davao. Pasig City Philippines: Studio Graphic Corp., 2019, 11 – 25.
Manalo, Thea Joy G., Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, and Rodel C. Sampang, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Pasig City Philippines: Book Media Press, Inc. 2015, 10 – 25.
Manalo, Thea Joy G., Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, and Rodel C. Sampang, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Guro. Pasig City Philippines: Book Media Press, Inc. 2015, 10 – 17.
Antonio, Eleanor D., Emilia L. Banglaygas, Sheryl D. Antonio, and Jocelyn L. Lagarto. Kayamanan Panrehiyon Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Quezon City: Rex printing Company Inc. 2016, 2 – 12.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply