Araling Panlipunan 3 Quarter 1 Module 3: Populasyon ng Iba’t ibang Pamayanan sa Sariling Lalawigan

Grade 3 AP Quarter 1 Module 3 on the population of Davao Region provinces by age, sex, ethnicity, and religion, with tables and an answer key.

This is the Self-Learning Module (SLM) for Araling Panlipunan 3, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 3: “Populasyon ng Iba’t ibang Pamayanan sa Sariling Lalawigan” (population of the different communities in your own province). It was prepared by DepEd Region XI for Grade 3 learners in the Davao Region who study at home. Learners read population tables for the five provinces of the region and describe the population by age, sex, ethnicity, and religion.

On this page 7 sections

What learners will learn

The Davao Region is divided into five provinces: Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, and Davao Oriental. They differ in location, size, shape, and population. By the end of the module, learners are expected to:

  1. Use a table to describe the population of the provinces in the Davao Region.
  2. Analyze the population of the communities in their own province based on age, sex, ethnicity, and religion.
  3. Write down important population information about their own province based on age, sex, ethnicity, and religion.
  4. Explain why the population of each province in the Davao Region matters.

Key terms

The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. It opens with two terms:

  • Pamayanan (community): a group of people living in one place.
  • Populasyon (population): the total number of people living in a place.

Every person matters because each one is part of the population of a province.

Population of the five provinces

The main table uses data from the Philippine Statistics Authority (PSA), 2015 Census of Population.

ProvinceCapitalPopulation (2015)Land area (km2)
Davao de OroNabunturan736,1074,479.77
Davao del NorteTagum City1,016,3323,426.97
Davao del SurDigos City632,5882,163.98
Davao OccidentalMalita316,3422,163.45
Davao OrientalMati City558,9585,679.64
Total3,260,32715,749.83

What the table shows:

  • The five provinces have a total population of 3,260,327.
  • Davao del Norte has the largest population, followed by Davao de Oro, Davao del Sur, and Davao Oriental.
  • Davao Occidental has the smallest population.

Population by age, sex, ethnicity, and religion

Age (gulang)

Based on the 2015 Census, children aged 0 to 4 are the largest age group, at 11% of the population. Next come ages 5 to 9 (10.9%), 10 to 14 (10.3%), and 15 to 19 (10.1%). The module explains that a large share of very young children means more babies are born each year than people die.

Sex (kasarian)

Males make up 51.4% of the population and females 48.6%.

Ethnicity (etnisidad)

Using 2010 data, the module lists Bisaya (27.2%) as the largest ethnic group in the region. Cebuano (25.4%), Boholano (8.8%), and Dabawenyo (4.4%) follow. A second table gives the number of people in each group per province. It shows, for example, more Dabawenyo in Davao Oriental than in Davao del Sur.

Religion (relihiyon)

Based on the 2015 Census, 74.5% of the region’s people reported being Roman Catholic. Next come other religions such as Seventh Day Adventist, Bible Baptist Church, and tribal religions (13.1%), then Evangelicals (6.7%) and Islam (3.4%).

The activities also teach respect. Learners choose to befriend and respect a classmate of a different ethnicity or religion.

How to use this module

The module follows the usual SLM parts, in this order:

  1. Alamin: the objectives.
  2. Subukin: a five-item pretest.
  3. Balikan: a review of the cardinal directions, using a map of the Davao Region.
  4. Tuklasin: the main discussion and tables.
  5. Suriin: fill-in-the-blank questions based on the population table.
  6. Pagyamanin: questions on the ethnicity table.
  7. Isaisip: a summary of the key facts.
  8. Isagawa: learners write P (keep doing) or H (do not continue) for each statement.
  9. Tayahin: a five-item final test.
  10. Karagdagang Gawain: an extra essay question on why it matters to know a place’s population by age, sex, ethnicity, and religion.

The Susi sa Pagwawasto (answer key) is at the end.

  • Learners: Write all answers on a separate sheet of paper, not on the module. Keep the module clean so others can use it. Check your work honestly with the answer key. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Help your child read the instructions and the tables. Encourage your child to do each part before looking at the answer key.
  • Teachers: Explain the instructions for each step and remind learners to use separate answer sheets. All answer sheets and projects are submitted to the teacher for grading.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 3 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 3. It was prepared by DepEd Region XI.

Which province in the Davao Region has the largest population in this module?

Davao del Norte, with 1,016,332 people based on the 2015 Census. Davao Occidental has the smallest, with 316,342.

What does populasyon mean?

Populasyon (population) is the total number of people living in a place. Pamayanan (community) is a group of people living in one place.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, activities, final test, and extra activity.

What population characteristics does the module cover?

It covers age, sex, ethnicity, and religion, using data from the Philippine Statistics Authority.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 3: Populasyon ng Iba’t ibang Pamayanan sa Sariling Lalawigan

3

[illustration: students reading outdoors under a tree, a teacher helping students at a desk, a child working by lamplight, and two students with a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q1_AP 3_ Module 3

Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Populasyon ng Iba’t ibang Pamayanan sa Sariling Lalawigan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ledie Lou C. Superales

Editor: Kimberly E. Dueñas, Grace C. Sapini, Nina Z. Young

Tagasuri: Michelle P. Disonglo, Rosemarie T. Realino, Angelica M. Mendoza, Guillear P. Villarente, Kareen Jane P. Patarata, Jeneth D. Tabungar

Tagaguhit: Cris A. Aquino, Khristely V. Ang, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A. Caduyac, Eduardo, Jr. A. Eroy, Marvin P. Linogao, Jules Bernard G. Guinita, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos, Nylle Ernand D. Silayan

Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Nelson C. Lopez, Mary Jeanne B. Aldeguer, Cheerylyn A. Cometa, Analiza C. Almazan, Christopher P. Felipe, Danilo R. Dohinog, Liza Leonora D. Dacillo, Ma. Cielo D. Estrada, Alicia I. Ayuste

3

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 3: Populasyon ng Iba’t ibang Pamayanan sa Sariling Lalawigan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Iba’t iba ang mga katangian ng bawat lalawigan ng Davao Region. Nakahati ang rehiyon sa sumusunod na lalawigan: Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, at Davao Oriental.

Naiiba ang bawat lalawigan sa kanilang lokasyong pangheograpiya. Magkakaiba sila sa laki, anyo at hugis. Naiiba rin sila sa kani-kanilang populasyon.

Sa modyul na ito, inaasahang:

  1. Nakagagamit ng talahanayan upang mailarawan ang populasyon ng mga lalawigan sa Davao Region;


  2. Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang pamayanan sa sariling lalawigan batay sa: a) edad; b) kasarian; c) etnisidad; at d) relihiyon;


  3. Naisusulat ang mga mahahalagang impormasyon ng populasyon sa sariling lalawigan batay sa: a) edad; b) kasarian; c) etnisidad; at d) relihiyon; at


  4. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng populasyon ng bawat lalawigan sa Davao Region.


Subukin

Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang kahulugan ng populasyon?
    A. Ito ay tumutukoy sa kalahating bilang ng mga naninirahan sa isang lugar o pook.
    B. Ito ay tumutukoy sa kabuoang bilang ng mga naninirahan sa isang lugar o pook.
    C. Ito ay tumutukoy sa kabuoang bilang ng mga nagtatrabaho sa isang lugar o pook.
    D. Ito ay tumutukoy sa bilang ng mga tao na mayroong alagang hayop na naninirahan sa isang lugar o pook.

Para sa bilang 2-3, gawing batayan ang talahanayan sa ibaba

LalawiganPopulasyon
Davao del Norte1,016,332
Davao del Sur632,588
Davao Occidental316,342
Davao Oriental558,958
Davao de Oro736,107
Kabuoan ng 5 lalawigan3,260,327

Talahanayan ng Populasyon ng mga Lalawigan (2015 Census)

  1. Kung ang pagbabatayan ay ang 2015 Census, anong lalawigan ang may pinakamalaking populasyon sa Davao Region?
    A. Davao de Oro
    B. Davao del Norte
    C. Davao del Sur
    D. Davao Occidental


  2. Ano ang kabuoang populasyon ng mga lalawigang bumubuo sa Davao Region ayon sa 2015 Census of Population?
    A. 2, 627, 739
    B. 2, 628, 789
    C. 3, 260, 327
    D. 4, 628, 789


  3. Bakit kailangan natin malaman ang populasyon ng bawat lalawigan?
    A. Dahil pinilit ako ng aking guro
    B. Dahil sa populasyon tayo nagmula
    C. Para maging bihasa ako sa leksyon tungkol sa populasyon
    D. Para malaman natin ang bilang ng tao sa isang lalawigan


  4. Bakit mahalaga ang bawat tao sa iba’t ibang pamayanan sa ating lalawigan?
    A. Dahil sila ang kaakibat sa paglilinis ng bakuran
    B. Dahil sila ang nagbibigay ng pagkain sa pamayanan
    C. Sapagkat sa kanila nagmumula ang pangangalakal
    D. Sapagkat ang bawat tao ay bumubuo sa populasyon ng isang lugar


Aralin 1: Populasyon ng Iba’t Ibang Pamayanan sa Sariling Lalawigan

Ang pamayanan ay ang pangkat o grupo ng mga tao na naninirahan sa isang lugar. Ang populasyon naman ay tumutukoy sa kabuoang bilang ng mga naninirahan sa isang lugar o pook. Mahalaga ang bawat tao dahil sila ang bumubuo ng populasyon ng isang lalawigan.

Balikan

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Bakit mahalagang matutuhan natin ang pangunahing direksyon?
    A. Dahil inutusan ako ng aking guro
    B. Dahil gusto ko maging sikat na estudyante
    C. Para malaman natin kung saan tayo pwede bumili
    D. Para malaman natin ang kinalalagyan ng isang bagay o lugar

Para sa bilang 2 – 5, gamitin ang mapa ng Davao Region bilang batayan sa pagsagot sa sumusunod:

[chart: map; Mapa ng Davao Region] Labels as printed: Davao del Norte; Davao de Oro; Davao City; Davao Oriental; Davao del Sur; Davao Occidental. Compass rose letters as printed: H (top), K (left), S (right), T (bottom). [transcriber’s note: the compass rose shows these four letters; the printed “K” on the left is transcribed as it appears]

  1. Ano ang lalawigang nasa Hilagang bahagi ng Davao City?
    a. Davao de Oro
    b. Davao del Norte
    c. Davao del Sur
    d. Davao Oriental


  2. Ikaw at ang nanay mo ay taga-Davao del Sur. Magbabakasyon sana kayo sa Davao Occidental. Sa anong direksyon ang papuntang Davao Occidental?
    a. Hilaga
    b. Kanluran
    c. Silangan
    d. Timog


  3. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang mga direksiyon ng mga karatig lalawigan sa pagtunton ng nais mapuntahan na lugar?
    a. Hindi nakatutulong sa pagtukoy ng lugar
    b. Hindi ito dapat pag-aksayahan ng panahon
    c. Opo, upang madaling maiguhit ang lugar
    d. Opo, upang madaling matunton ang pupuntahang lalawigan


  4. Nais mong tumungo papuntang Davao del Norte. Sino sa mga sumusunod ang inaasahan mong makakasalamuha palagi?
    a. Mga Dabawenyo
    b. Mga Ilonggo
    c. Mga Tagalog
    d. Mga Ilokano


Tuklasin

Suriin natin ang populasyon ng Davao Region sa pamamagitan ng isang talahanayan na nasa ibaba.

Talahanayan ng Laki ng Sukat ng Lupa at Populasyon ng mga Lalawigan sa Davao Region

LalawiganKapitalPopulasyon (2015 Census)Laki at Lawak (km2)
Davao de OroNabunturan736,1074,479.77
Davao del NorteLungsod ng Tagum1,016,3323,426.97
Davao del SurLungsod ng Digos632,5882, 163.98
Davao OccidentalMalita316,3422,163.45
Davao OrientalLungsod ng Mati558,9585,679.64
Kabuoan ng 5 lalawigan3,260,32715,749.83km2

Source: Philatlas (2007)

Mga Tala para sa Guro

Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.

Ating pag-aralan ang talahanayan. Ang talahanayan ng populasyon noong 2015 ay batay sa isang datos galing sa Philippine Statistics Authority. Makikita natin sa tahanayan ang populasyon, laki at lawak ng mga lalawigan sa Davao Region.

Ayon sa 2015 Census of Population (POPCEN 2015) ang limang lalawigan ng Davao Region ay may kabuoang populasyon na 3,260,327 katao. Makikita natin sa talahanayan na sa limang lalawigan ng Davao Region, ang Davao del Norte ang may pinakamalaking populasyon. Meron itong 1,016,332 na populasyon. Sumunod naman ay ang lalawigan ng Davao de Oro na may populasyon na 736,107, Davao del Sur na may populasyon na 632, 588 at ang lalawigan ng Davao Oriental na may 558,958 na populasyon. Ang pinakamaliit na populasyon ay ang lalawigan ng Davao Occidental na may populasyon na 316,342.

Ang Populasyon ng Davao Region Batay sa Gulang

Naisip mo ba kung ano kayang gulang ang may pinakamaraming populasyon? Tingnan ang talahanayan sa ibaba.

GulangBahagdan sa Populasyon
0-4 na taon11%
5- 9 na taon10.9 %
10-14 na taon10.3%
15-19 na taon10.1%

Ayon sa 2015 Census ng Philippine Statistics Authority, ang bata na may gulang na 0 hanggang 4 na taon ay binubuo ng pinakamalaking pangkat ng edad na may 11% na kabuoang populasyon. Sinusundan ng mga nasa pangkat ng edad na 5 hanggang 9 na taon na may 10.9%, 10 hanggang 14 taon na may 10.3% at 15 hanggang 19 taon na may 10.1%.

Ang Populasyon ng Davao Region Batay sa Kasarian at Etnisidad

Sa kabuoang populasyon, 51.4% ang lalake habang 48.6 % ay mga babae. Dahil alam na natin ang populasyon batay sa kasarian, tingnan naman natin ang populasyon batay sa etnisidad sa talahanayan sa ibaba.

EtnisidadBahagdan sa Populasyon ng Davao Region (2010)
Bisaya27.2%
Cebuano25.4%
Boholano8.8%
Dabawenyo4.4%

Source: 2017 Regional Social and Economic Trends Davao Region, PSA Region XI

Ano ang masasabi mo sa talahanayan na nasa itaas? Anong etnisidad ang may maraming populasyon? Ayon sa talahanayan, masasabi natin na ang etnisidad ng Bisaya ang pinakamarami sa rehiyon, sumunod ang Cebuano, Boholano at Dabawenyo.

Ang Populasyon ng Davao Region Batay sa Relihiyon

Ayon sa 2015 Census ng Philippine Statistics Authority (PSA) dito sa Davao Region, 74.5% ng kabuoang populasyon ang nag-ulat na Katoliko Romano ang kanilang relihiyon. Ang sumunod na pinakamalaking relihiyon ay ang ibang relihiyong kinaaaniban tulad ng Seventh Day Adventist, Bible Baptist Church, Tribal Religions at iba pa na binubuo ng 13.1%, sumunod ay ang Evangelicals na binubuo ng 6.7% ng kabuoang populasyon. Sinundan ito ng mga kaanib ng Islam na may 3.4% na bahagi.

Suriin

Tingnan ang talahanayan at sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Talahanayan ng Populasyon ng mga Lalawigan (2015 Census)

LalawiganKapitalPopulasyon
Davao del NorteLungsod ng Tagum1,016,332
Davao del SurLungsod ng Digos632,588
Davao OccidentalMalita316,342
Davao OrientalLungsod ng Mati558,958
Davao de OroNabunturan736,107
  1. Ang mga nakatira sa Lungsod ng Tagum ay bahagi ng kabuoang populasyon na _____________.


  2. May kabuoang ________ ang lamang ng Davao Oriental sa Davao Occidental mula sa talahanayang ipinakita.


  3. Ayon sa talahanayan, ang lalawigan ng ________ ay pangalawa sa pinakamaliit ng populasyon.


  4. Ang lalawigan ng ___________ ay may 632,588 na populasyon at ito ay pangatlo sa pinakamalaking populasyon.


  5. May kabuoang ________ ang lamang ng Davao del Sur sa Davao Oriental mula sa talahanayang ipinakita.


Pagyamanin

Pag-aralan ang talahanayan at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Populasyon ng mga Lalawigan ng Davao Region Base sa Etnisidad (2010 Census)

EtnisidadDavao del NorteDavao del SurDavao OrientalDavao de OroKabuoan
Bisaya273,993185,407116,328135,377711,105
Cebuano236,051294,32874,750217,408822,537
Boholano129,37421,23723,365101,585275,561
Dabawenyo23,2786,31344,33210,17684,099

Source: 2017 Regional Social and Economic Trends Davao Region, PSA Region XI

  1. Base sa talahanayan, anong lalawigan ang may malaking bilang ng mga Boholano?
    a. Davao del Sur
    b. Davao de Oro
    c. Davao Oriental
    d. Davao del Norte


  2. Mula sa talahanayan, anong etnisidad ang pinakamaliit sa Davao Oriental?
    a. Bisaya
    b. Boholano
    c. Cebuano
    d. Dabawenyo


  3. Kung ating pagbabasehan ang 2010 Census, paano mo nasabi na ang Cebuano ang nangungunang etnisidad sa Davao Region?
    a. Dahil sinabi ng guro
    b. Dahil ang aking magulang ay taga-Cebu
    c. Dahil marami akong nakikita na Cebuano dito sa aming lugar
    d. Dahil ang Cebuano ang may pinakamaraming bilang na naninirahan dito sa Davao Region


  4. Makikita sa talahanayan na maraming Dabawenyo sa Davao Oriental kaysa Davao del Sur. Bakit kaya?
    a. Dahil ito ay sariling desisyon nila
    b. Dahil sariwa ang hangin sa Davao Oriental
    c. Dahil nagmumula ang angkan ng mga Dabawenyo sa Davao Oriental
    d. Dahil mas gusto ng mga Dabawenyo na manirahan sa Davao Oriental


  5. Mayroon kang kaklase na isang Boholano. Siya ay naiiba sa iyo dahil ikaw ay isang Cebuano. Ano ang dapat mong gawin?
    a. Ayaw ko siyang maging kaibigan dahil magkaiba kami ng etnisidad.
    b. Tatawanan ko siya dahil alam ko na mas lamang ang etnisidad ko.
    c. Kakaibiganin ko siya para maging marami ang aking kaibigan.
    d. Kakaibiganin ko siya at bigyan ng respeto kahit magkaiba kami ng etnisidad.


Isaisip
  1. Sa limang lalawigan, ang Davao del Norte ang may pinakamalaking populasyong sa Davao Region.


  2. Ang lalawigan ng Davao Occidental naman ay may pinakamaliit ng populasyon sa Davao Region. Ito ay may populasyon na 316,342.


  3. Ang kabuoan ng populasyon sa limang lalawigan ng Davao Region ay 3,260,327.


  4. Ang gulang na 0 hanggang 4 na taon ay binubuo ng pinakamalaking pangkat ng gulang na may 11% na kabuoang populasyon.


  5. Ang etnisidad ng Bisaya ang pinakamarami sa Davao Region na may 27.2%.


  6. Ayon sa 2015 Census, mayroong 74.5% o 3,646,453 ka tao ang nag-ulat na Katoliko Romano ang kanilang relihiyon.


Isagawa

Piliin sa sumusunod ang dapat panatilihin at gawin ng bawat tao sa kaniyang lugar. Isulat ang titik P kung panatilihin ang gawain at titik H kung hindi dapat ipagpatuloy ang gawaing isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Ikasisiya ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng batang populasyon.

_____2. Pahalagahan ang mga relihiyong may maliliit na bilang sa populasyon.

_____3. Panatilihin ang pagbaba ng bilang ng populasyon sa bawat lalawigan.

_____4. Isabuhay ang programa ng pamahalaan na “Balik-probinsiya” at doon maghanap-buhay.

_____5. Mataas na pagtingin sa mga lalaki dahil sa nakakarami nitong bilang sa populasyon.

Tayahin

Pag-aralan ang talahanayan na nasa ibaba. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang tamang letra sa sagutang papel.

Ang Populasyon ng Davao Region Batay sa Gulang

GulangBahagdan sa Populasyon
0-4 na taon11%
5- 9 na taon10.9 %
10-14 na taon10.3%
15-19 na taon10.1%

Source: 2015 Census, PSA Region XI

  1. Base sa talahanayan, anong gulang ang may pinakamalaking bahagdan sa populasyon?
    A. 0-4
    B. 5-9
    C. 10-14
    D. 15-19


  2. Base sa datos na galing sa Philippine Statistics Authority, ang gulang na 0-4 na taon ay binubuo ng pinakamalaking <!– page 18 –>pangkat na may 11% na kabuoang populasyon. Ano ang ibig sabihin nito?
    A. Mas maraming matatanda ang namamatay taon-taon.
    B. Mas malakas ang mga tao na nasa pangkat ng 15-19 na gulang.
    C. Mas maraming sanggol ang pinapanganak kaysa namamatay taon-taon.
    D. Mas maraming sanggol ang namamatay kaysa pinapanganak taon-taon.


[chart: bar chart; Populasyon ng Iba’t Ibang Relihiyon o Paniniwala sa Davao Region]

Chart title as printed: Iba’t Ibang Relihiyon o Paniniwala. Y-axis label: Bilang ng Populasyon. Legend: Iba’t Ibang Relihiyon o Paniniwala. Axis ticks run from 0 to 4,000,000 in steps of 500,000.

Relihiyon o PaniniwalaBilang ng Populasyon
Katoliko Romano3,646,453
Islam167,879
Evangelicals329,510
Iglesia ni Cristo107,297
Iba pang Paniniwala (Seventh Day Adventist, Bible Baptist Church, at Iba pa)638,032

Source: 2015 Census, PSA Region XI

  1. Batay sa talahanayan,ano ang masasabi mo sa mga relihiyon sa Davao?
    A. Ang Iglesia ni Cristo ang pumapangalawa sa dami ng relihiyon sa Davao.
    B. Ang pinakamaraming bilang ng paniniwala ay ang Katoliko Romano.
    C. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa sa Evangelicals.
    D. Magkapantay ang bilang ng mga naniniwala sa Islam at Iglesia ni Cristo.

<!– page 19 –>4. Mayroon kang kaklase na naniniwala sa Islam at ikaw naman ay isang Katoliko Romano. Ang iyong kaklase ay pinagtatawanan dahil siya ay naiiba. Ano ang dapat mong gawin? A. Ayaw ko siyang maging kaibigan dahil magkaiba kami ng paniniwala. B. Kakaibiganin ko siya para may libreng pagkain galing sa kanya. C. Kakaibiganin ko siya at bigyan ng respeto kahit magkaiba kami ng paniniwala. D. Tatawanan ko siya dahil alam ko na mas nakakalamang ako kaysa sa kanya.

  1. Sa iyong opinyon, ano ang kahalagahan ng populasyon sa ating rehiyon?
    A. Para malaman natin kung anong pangkat ng populasyon ang pinakamarami at pinakamaliit.
    B. Para malaman natin kung ano ang bilang ng mga tao sa isang lugar, gaano man ito kaliit o kalaki.
    C. Para malaman natin kung ano ang lawak at laki ng lupain ng bawat lalawigan, gaano man ito kaliit o kalaki.
    D. Para malaman natin kung ano ang bilang ng mga babae at lalaki sa isang lugar, gaano man ito kaliit o kalaki.
Karagdagang Gawain

Ngayon, alam mo na ang tungkol sa populasyon ng Davao Region. Sagutin ang tanong sa ibaba at isulat ito sa sagutang papel.

Bakit mahalagang malaman natin ang populasyon ng isang lugar o lalawigan batay sa edad, kasarian, etnisidad at relihiyon?

<!– page 20 –>## Susi sa Pagwawasto

transcriber’s note: this page is printed upside down, with the answer-key boxes rotated 180 degrees beneath an upright heading. The sections below follow the order in which they read once the page is turned right-side up.

Tayahin
  1. A. 0-4
  2. C. Mas maraming sanggol ang pinapanganak kaysa namamatay taon taon.
  3. B. Ang pinakamaraming bilang ng niniwala ay ang Katoliko Romano.
  4. C. Kakaibiganin ko siya at bigyan ng respeto kahit magkaiba kami ng paniniwala.
  5. D. Para malaman natin ang bilang ng mga tao sa isang lugar, gaano man ito kaliit o kalaki.
Karagdagang Gawain

Mahalaga malaman natin ang populasyon ng isang lugar o lalawigan para malaman natin ang bilang ng mga tao sa ating lugar, malalaman din natin kung marami ba o maliit lang ang bilang ng mga tao sa isang lugar o isang lalawigan.

Pagyamanin
  1. D. Davao del Norte
  2. B. Boholano
  3. D. Dahil ang Cebuano ang may pinakamaraming bilang ng naninirahan dito sa Davao Region.
  4. C. Dahil nagmumula ang angkan ng mga Dabawenyo sa Davao Oriental
  5. D. Kakaibiganin ko siya at bigyan ng respeto kahit magkaiba kami ng etnisidad.
Isagawa
  1. P
  2. P
  3. H
  4. H
  5. H
Subukin
  1. B. Ito ay tumutukoy sa kabuoang bilang ng mga naninirahan sa pook o isang lugar.
  2. B. Davao del Norte
  3. C. 3,260,327
  4. D. Para malaman natin ang bilang ng tao sa isang lalawigan
  5. D. Sapagkat ang bawat tao ay bumubuo sa populasyon ng isang lugar
Balikan
  1. D. Para malaman natin ang kinalalagyan ng isang bagay olugar
  2. B. Davao del Norte
  3. D. Timog
  4. D. Opo, upang madaling matunton ang pupuntahang lalawigan
  5. A. Mga Dabawenyo
Suriin
  1. 1,016,332
  2. 242, 616
  3. Davao Oriental
  4. Davao del Sur
  5. 73,630

<!– page 21 –>## Sanggunian

Philippine Statistics Authority. “Population of Region XI (Based on the 2015 Census of Population).” Last modified June 6, 2016. https://psa.gov.ph/content/population-region-xi-davao-based-2015-census-population.

Philippine Statistics Authority. “Davao Population Almost 4.9 Million (Results from the 2015 Census of Population.” Last Modified August 4, 2017. http://rsso11.psa.gov.ph/article/davao-region-population-almost-49-million-results-2015-census-population.

Philippine Statistics Authority. “Religions in Mindanao.” Last Modified November 10, 2017. http://rsso11.psa.gov.ph/article/religions-mindanao.

Philippine Statistics Authority. “2018 Regional Social and Economical Trends Davao Region.” Last Modified October 2018. http://rsso11.psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/2018%20RSET%20Davao%20Region.pdf.

Philippine Atlas. “Davao Region (Region XI).” Date Accessed April 2020. https://www.philatlas.com/mindanao/r11/davao-city.html.

<!– page 22 –>Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district