Araling Panlipunan 10 Quarter 4 Module 4: Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan

This is the Araling Panlipunan 10 self-learning module for Quarter 4, Module 4: “Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan” (the role of citizens in having a good government). It is written in Filipino for Grade 10 learners studying at home under the Alternative Delivery Mode, and it was prepared by DepEd Region I (first edition, 2020). After working through it, learners should be able to name the qualities of a good citizen and explain why citizens are the key to good government.

What learners will learn

The module’s most essential learning competency is printed as:

  • Napapahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan (values the role of citizens in having a good government). (AP10Q4MELC4)

By the end of the module, learners are expected to:

  • identify the qualities a good citizen should have so that there is good government;
  • carry out these duties well to bring positive change to society; and
  • value the role of citizens as the key to achieving good government.

Key ideas: what citizenship means today

The module explains pagkamamamayan (citizenship) in a broader way than simply a legal status given by the state. In this wider view, citizenship is about people coming together for the good of society. A person’s citizenship shows in how they fulfill their duties and use their rights for the common good.

A good citizen is not just an observer. The module stresses that:

  • citizens assert their rights for the good of society, using ways allowed by law to bring their concerns to the proper authorities;
  • citizens are not mere followers of government orders, because the government has no monopoly on the policies of the state;
  • instead of leaving everything to the government, citizens enter into dialogue with it to build a shared response to the challenges society faces.

The module ties this to Article II, Section 1 of the 1987 Constitution, which says sovereignty resides in the people, and to John F. Kennedy’s line, “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”

Twelve little things every Filipino can do

The heart of the module is a list of twelve simple acts, taken from Alex Lacson, that can lead to wide change in society:

  1. Sumunod sa batas trapiko (follow traffic rules). This shows self-discipline; undisciplined driving wastes time, money, and even lives.
  2. Humingi ng resibo kapag bumibili (ask for a receipt). An official receipt makes sure the EVAT, a tax, reaches the government, which funds public programs.
  3. Tangkilikin ang sariling produkto (support local products). This raises demand and local producers’ income, increases tax collection, and opens jobs.
  4. Maging positibo sa pagpapahayag sa sariling bansa (speak positively about your country). Good word of mouth helps tourism and may attract investors.
  5. Igalang ang mga lingkod bayan (respect public servants). Respect gives dignity to their work and encourages better service.
  6. Itapon nang wasto ang basura (dispose of waste properly). Nature supplies our daily needs and the raw materials for products.
  7. Suportahan ang simbahan (support the church). Donations fund charity for people at the margins of society.
  8. Gampanan ang tungkulin tuwing eleksiyon (do your duty during elections). Vote for deserving candidates, guided by conscience and the good of the country.
  9. Maayos na maglingkod sa pinaglilingkuran (treat workers fairly). Fair wages and good treatment make workers efficient and loyal.
  10. Magbayad ng tamang buwis (pay the right taxes). Taxes are the “oil” that runs the vehicle of development.
  11. Tulungan ang mga batang kabilang sa maralitang angkan (help children from poor families). Lifting others lifts the whole nation, in the spirit of bayanihan.
  12. Maging mabuting magulang sa mga anak (be a good parent). The family shapes each person, so parents should be role models.

The module’s tests also refer to qualities of a good Filipino citizen such as maka-Diyos (God-fearing), makatao (humane), makakalikasan (caring for the environment), makatwiran (fair and reasonable), makabansa (patriotic), and produktibo (productive).

Activities in the module

The module follows the usual SLM parts: Alamin, Subukin, Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain. Its 13 activities include:

  • Gawain 1: a 15-item multiple-choice pretest.
  • Gawain 2 and 3: reacting to quotations, and listing civic activities you have done, plan to do, or cannot do, with reasons.
  • Gawain 4 to 6: a concept map of the qualities of a responsible citizen, a self-checklist (for example, asking for receipts and keeping surroundings clean), and an acrostic using the word AKO.
  • Gawain 7: analyzing the song “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” by Noel Cabangon, with four guide questions.
  • Gawain 8: sorting 15 statements as a right, marked NIA (Nararapat Ibigay sa Akin, what should be given to me), or a responsibility, marked NKG (Nararapat Kong Gawin, what I should do).
  • Gawain 9: choosing to write a poem, a slogan, or an essay, graded with a rubric.
  • Gawain 10: proposing solutions to issues such as bullying over religion, child abuse, illegal logging, and vote-buying.
  • Gawain 11 and 12: a summary chart and a “ladder” linking what you can do, what government should do, and the result for society.
  • Gawain 13: a 15-item post-test, followed by a reflection paper with a rubric.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write all answers on separate paper and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: The module is meant to be done at home with your guidance. Encourage your child to answer honestly before checking the answer key.
  • Teachers: The poem, slogan, essay, and reflection come with printed rubrics you can use for grading. Check the answer key against the questions before using it, since it lists only 10 answers for each of the 15-item tests and some labels do not match the activities.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 10 Araling Panlipunan, Quarter 4, Module 4. Its competency code is AP10Q4MELC4.

What are the twelve little things every Filipino can do?

They are: follow traffic rules, ask for receipts, support local products, speak positively about the country, respect public servants, dispose of waste properly, support the church, vote wisely, treat workers fairly, pay the right taxes, help poor children, and be good parents.

Why does the module say asking for an official receipt matters?

An official receipt makes sure the EVAT you pay actually goes to the government. Taxes fund the programs and projects that serve citizens.

Does the module have an answer key?

Yes, it has a Susi sa Pagwawasto at the end. However, it lists only 10 answers for each 15-item test, so teachers should check it against the questions.

What do NIA and NKG mean in the module?

In Gawain 8, NIA (Nararapat Ibigay sa Akin) marks a citizen’s right, and NKG (Nararapat Kong Gawin) marks a citizen’s responsibility.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan – Ikaapat na Markahan-Modyul 4: Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan

10

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan-Modyul 4: Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan

[illustration: students reading and studying outdoors, a teacher at a desk, a globe, a lamp, and a child writing]

CO_Q4_AP 10_ Module 4

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Module 4: Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

TungkulinPangalan
Mga Manunulat:Ronald P. Alejo
Editor:Edgar L. Pescador
Monabelle S. Ablog
Tagasuri:Gina A. Amoyen
Editha T. Giron
Tagaguhit:Ariel P. Peralta
Tagalapat:Vivian T. Del Castillo
Meynard Jerel T. Luczon
Melanie Mae N. Moreno
Tagapamahala:Tolentino G.
Aquino Arlene A.
Niro
Gina A. Amoyen
Editha T. Giron
Edgar L. Pescador
Elsie C. Amorin
Monabelle S. Ablog

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region I Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137 E-mail Address: region1@deped.gov.ph

[transcriber’s note: page 3 is a second title page that repeats the cover text]

10

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan-Modyul 4: Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: hand touching a circle, icon beside the section title]

Ang kagalingan at pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa kanyang mamamayan. Tungkulin ng bawat isa na gampanan nang maayos ang naiatang na tungkulin upang makamtan ang inaasam na pagbabago sa lipunan. Mahalagang pag-aralan at maunawaan mo ito upang sa hinaharap, ikaw ay maging kabahagi sa pagtugon sa mga hamong ito.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.

Maraming gawain ang inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Ang modyul na ito ay tatalakay sa Aralin 4: Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Napapahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan. (AP10Q4MELC4)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

  • natutukoy ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mabuting mamamayan upang magkaroon ng mabuting pamahalaan;
  • nagagampanan nang maayos ang mga tungkuling ito upang magdulot ng positibong pagbabago sa lipunan; at
  • napahahalagahan ang papel ng mamamayan bilang susi sa pagkamit ng mabuting pamahalaan.

Subukin

[illustration: hand holding a pencil, icon beside the section title]

Ngayon, subukan mong sagutin ang paunang pagsusulit na magtatakda kung ano na ang iyong alam sa mga aralin. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan nang wasto at alamin ang wastong kasagutan nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagsagot.

Gawain 1: Paunang Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

  1. Ano ang tawag sa katayuan o kalagayan ng isang tao bilang miyembro ng pamayanan?

    • A. Pagkamamamayan
    • B. Pagboto
    • C. Pag-aasawa
    • D. Pakikisama
  2. Sino ang mga kinikilalang miyembro sa sinaunang lipunan sa bansang Greece?

    • A. Babae lamang
    • B. Lalaki lamang
    • C. Lalaki at babae
    • D. Babae at ang kaniyang anak
  3. Ano ang tawag sa lungsod-estado sa bansang Greece na binubuo ng mga taong may iisang mithiin?

    • A. Polis
    • B. Punjab
    • C. Ziggurat
    • D. Sparta
  4. Ano ang katangian ng isang mamamayan kung ito ay nagpapakita ng katapatan sa Republika ng Pilipinas?

    • A. Makabayan
    • B. Makatao
    • C. Makatuwiran
    • D. Magalang
  5. Anong katangian ang ipinakikita kung ang isang tao ay itinatapon sa tamang paraan ang kanyang basura?

    • A. Makatuwiran
    • B. Makatao
    • C. Maka-Diyos
    • D. Makakalikasan
  6. Kung ang isang tao ay tinatangkilik ang mga produkto na gawa sa sariling niyang pamayanan o bansa, anong katangian ang ipinakikita nito?

    • A. Makatuwiran
    • B. Makatao
    • C. Makabansa
    • D. Makakalikasan
  7. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kanyang karapatan bilang mamamayan?

    • A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
    • B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay.
    • C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
    • D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
  8. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang mabuting mamamayan?

    • A. Ibinoboto ang isang sikat na kandidato.
    • B. Ibinoboto ang kandidatong iniisip ang kapakanan ng nakararami.
    • C. Ibinoboto ang kandidato dahil malapit na kamag-anak.
    • D. Ibinoboto ang kandidato dahil iniendorso ng paboritong artista.
  9. Alin sa sumusunod na katangian ang dapat taglayin ng isang mabuting mamamayan?

    • A. Sumasali sa mga gawaing pansibiko upang makinabang sa pondo ng gobyerno.
    • B. Tumutulong sa kapwa upang makilala.
    • C. Ibinoboto ang mga kaibigan at kakilala.
    • D. Nakikibahagi sa paghahanap ng kalutasan sa mga suliranin ng lipunan.
  10. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang lipunan?


  • A. Sapagkat maging aktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa.
  • B. Sapagkat makikita ang pagsasabuhay ng mga karapatang pantao ng mga mamamayan batay sa itinakda ng Saligang Batas.
  • C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
  • D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa.
  1. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F. Kennedy?
  • A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
  • B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng pamahalaan.
  • C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
  • D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.
  1. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:


    Walang sinuman ang nabubuhay pra sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang.
    Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa
    Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya


Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin tungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?

  • A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang kalagayan sa buhay.
  • B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na kanyang kinabibilangan.
  • C. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan.
  • D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.
  1. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
  • A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
  • B. Aktibo siya sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang barangay.
  • C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
  • D. Nakikinig sa suhestiyon ng kakilala at malalapit na kamag-anak.
  1. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang legalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
  • A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan.
  • B. Upang matiyak ang kanyang mga tungkulin at pananagutan.
  • C. Upang mabatid niya ang kanyang mga karapatan at tungkulin.
  • D. Upang maigawad sa kanya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa.
  1. Tungkulin ng isang mabuting mamamayang Pilipino na humingi ng opisyal na resibo tuwing bibili ng produkto. Ano ang kahalagahan nito sa bansa?
  • A. Upang malaman ang eksaktong halaga na babayaran.
  • B. Upang maipalit ang biniling kalakal.
  • C. Upang magkaroon ng patunay sa pagbili ng produkto.
  • D. Upang matiyak na ang binayarang buwis ay mapupunta sa gobyerno.

[transcriber’s note: the printed page numbers on these eight pages are 5 to 12]

Aralin 1 Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan

[illustration: pencil drawing of a globe surrounded by people, a smartphone, a tree, a bus, buildings, and waste bins]

Binabati kita at matagumpay mong nakamit ang mahahalagang kaalaman tungkol sa epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan.

Ngayon, matutunghayan mo na ang papel ng mamamayan para sa pagbabagong panlipunan. Bilang mahalagang bahagi ng estado, nasa kamay ng mamamayan ang pag-asa para sa ikauunlad ng bayan. Ang pagbabagong nais na makita sa lipunan ay nararapat na manggaling sa bawat mamamayan. Nakasalalay ang kaunlaran at katiwasayan ng lipunan sa bawat mamamayan. Upang matupad ang misyong ito, ang mamamayan ay kinakailangang may sapat na talino, kakayahan, at damdaming makabansa para paunlarin ang lipunang kanyang kinabibilangan.

Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang konsepto ng pagkamamamayan at ang pinagdaanan nitong pagbabago. Malalaman mo rin dito ang mga karapatang pantao na nagbibigay proteksiyon at kapangyarihan sa iyo bilang kasapi ng lipunan. Ipaliliwanag din sa modyul na ito kung ano ang mga paraan ng politikal na pakikilahok na nagbibigay kapangyarihan sa mamamayan para itakda ang kinabukasan ng ating bayan. Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang katanungang, “Ano ang iyong maaaring gawin para tugunan ang mga isyung panlipunan sa kasalukuyan?”

Balikan

Bago ka magpatuloy sa mga inihandang gawain para sa iyo, ating balikan ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gawain. Galingan mo!

Gawain 2: React On This

Ibigay ang iyong opinyon o interpretasyon sa sumusunod na pahayag. Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong sagot.

  1. “Ang Pilipinas ay isang Estadong Republikano at Demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan”.
    (Artikulo II, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987)



  1. “Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your country.”
    (John F. Kennedy)



Gawain 3: Past, Present, and Future

Panuto: Sa hiwalay na papel, buoin ang talaan ng mga gawaing pansibiko batay sa iyong sariling karanasan.

[chart: diagram; untitled, top box “Mga Gawaing Pansibiko” connected to the table below]

Nagawa Ko Na …Balak Kong Gawin …Hindi Ko Magagawa …
Mga DahilanMga DahilanMga Dahilan
Tuklasin

Bago ipagpatuloy ang pag-aaral tungkol sa katangian na dapat taglayin ng aktibong mamamayan at ang kahalagahan nito sa lipunan, subukin mong sagutin ang sumusunod na paunang pagtataya upang iyong masukat kung hanggang saan ang iyong kaalaman sa aralin.

Gawain 4. Concept Map

Panuto: Maglista ng mga katangian na dapat taglayin ng isang mapanagutang mamamayan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

[chart: concept map; “Mga Katangian ng Mapanagutang Mamamayan”] Values are not labeled on the chart. [transcriber’s note: the central box holds the printed text “Mga Katangian ng Mapanagutang Mamamayan”; the six linked boxes around it are empty]

Gawain 5. Checklist Tayo

Panuto: Gamit ang sariling sagutang papel,lagyan ng tsek (✔) ang hanay na naaayon sa iyong sagot.

Ikaw ba ang inilalarawan nito?AkoPaminsan -minsanBihiraHindi Ako
1. Humihingi ng opisyal na resibo kapag bumibili ng produkto.
2. Sinusunod ang lahat ng batas na ipinatutupad sa paaralan at lipunan.
3. Iginagalang at pinapakinggan ang payo ng aking mga magulang.
4. Tumutulong sa mga kapus-palad.
5. Pinapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.
Gawain 6: Akrostics

Panuto: Gamit ang mga letra ng salitang AKO, magbigay ng mga salita na may kaugnayan sa iyong tungkulin na dapat gampanan bilang isang mabuting mamamayan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

A – ____________________

K – ____________________

O – ____________________

Suriin

Sa bahaging ito lalawak pa lalo ang iyong kaalaman sa paksa sa pamamagitan ng pagbasa sa mga teksto tungkol sa iyong papel na dapat gampanan upang makamtan ng lipunang iyong kinabibilangan ang kapayapaan at kaunlaran.

Kahulugan ng Pagkamamamayan o Citizenship

Dapat mong tandaan na ang pagkamamamayan ay hindi na lamang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kanyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat. Mangyari pa, tinitingnan ng indibidwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao. Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan, inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito.

Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang mamamayan ang kanyang mga karapatan para sa ikabubuti ng lipunan. Kanyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang kanyang mga hinaing at saloobin. Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad sa isang estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.

Kung bawat isa sa atin ay ginagampanan nang maayos ang ating tungkulin bilang isang mapanagutang mamamayan, makakamtan ng lipunan ang pagkakaisa at kaunlaran. Ang sumusunod ay nararapat isabuhay:

Naglahad din si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating bansa. Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa sa atin. Ngunit sa kabila ng pagiging simple ng mga ito, maaaring magbunga ito ng malawakang pagbabago sa ating lipunan.

Ikaw ay kasapi sa lipunan at inaasahan na ikaw ay kaakibat hangaring ito upang makamtan ang inaasam na pagbabago. Ang mga iniatang sa iyong mga tungkulin ay kailangang gampanan nang maayos upang makamtan ang pambasansang kapayapaan at kaunlaran.

Labindalawang Maliliit na Gawain Upang Makatulong sa Bansa
1. Sumunod sa batas trapiko

Ang pagsunod sa batas trapiko ang pinakasimpleng batas na dapat matutuhan ng bawat Pilipino. Napakasimple subalit ito ay nagpapakita nang mataas na antas ng disiplina sa sarili. Disiplina ang kailangan sa ikauunlad ng bayan. Ang problema sa trapik ang dahilan kung bakit nasasayang ang oras ng mga mamamayan, hindi nagiging episyente ang mga manggagawa dahil naaantala ang kanilang mga gawain, maraming pera, at proyekto ang nasasayang at higit sa lahat may mga buhay na naisasakripisyo. Lumalala ang problema sa trapik dahil sa kawalan ng disipina ng mga motorista. Pansariling interes lamang ang kanilang tinitingnan na parang ang oras lang nila ang mahalaga. Nalilimutan nilang mahalaga ang bawat minuto sa tao. Sa kanilang pagmadali, nagiging sistema sa lansangan ang singit dito, singit doon, na nagdudulot ng lalong pagkakabuhol-buhol ang mga sasakyan.

2. Humingi ng resibo kapag bumibili

Ugaliin ang paghingi ng opisyal na resibo tuwing bumibili ng produkto o gumagamamit ng serbisyo. Ang paghingi ng opisyal na resibo ay isa sa paraan ng pagpapakita ng nasyonalismo. Sa paghingi ng opisyal na resibo, natitiyak natin na ang EVAT, isang uri ng buwis ay napupunta sa gobyerno. Napakahalaga ang papel ng buwis sa lipunan. Ito ang isa sa pinanggagalingan ng pondo ng pamahalaan. Ang nalikom na buwis mula sa mamamayan ang ginagamit ng gobyerno upang pondohan ang mga programa o proyekto para sa panlipunang kapakanan.

3. Tangkilikin ang sariling produkto

Walang mas hihigit na pagpapakita ng pagmamahal sa bansa kundi ang ipagmalaki ang kanyang sariling tatak o pagkakakilanlan at ang pagtangkilik nito sa sariling produkto. Kung bawat Pilipino ay prayoridad niya sa pagbili ang sariling produkto, hindi malayo na uunlad ang bansa natin. Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay nagbubunga ng: pagtaas sa demand ng lokal na produkto, pagtaas ang kita ng mga lokal na prodyuser, pagtaas ng buwis na malilikom ng gobyerno at higit

sa lahat, magbubukas ito ng oportunidad sa mga walang trabaho. Sa madaling salita, lalago ang ekonomiya ng ating bansa. Nararapat alalahanin ng bawat Pilipino na sa bawat pagtangkilik sa sariling produkto, ginagampanan niya ang kanyang tungkulin sa bayan; tinutulungan niyang umangat ang naghihingalong ekonomiya ng bansa.

4. Maging positibo sa pagpapahayag sa sariling bansa

Maging mabuting tagapagsalita sa sariling bansa. Sino pa nga ba ang magmamalasakit at maghayag nang positibo sa bansang Pilipinas kundi tayong mga Pilipino? Kung mabuting tagapagsalita ang bawat isa, magiging buhay na buhay ang turismo. Maaring makukumbinsi ang mga dayuhan na pasyalan at tuklasin ang nakatagong ganda ng ating bansa o maaring mahikayat silang magtayo ng negosyo rito.

5. Igalang ang mga lingkod bayan

Ang pagpapakita ng paggalang sa mga lingkod bayan ay pagpapakita ng pagsuporta sa lipunan. Tumataas ang kompiyansa nila sa kanilang sarili at nabibigyan ng dignidad ang kanilang propesyon kaya’t pinagbubuti nila ang kanilang paglilingkod sa bayan.

6. Itapon nang wasto ang basura

Napakahalaga ang kalikasan sa buhay ng tao at sa pagkamit ng kaunlaran. Sa kalikasan nagmumula ang pantustos sa pang-araw araw na pangangailangan. Ang mga hilaw na sangkap na isinasaproseso upang gawing kapaki-pakinabang na produkto ay nagmumula sa kalikasan. Wala kang maiiisip na anomang bagay na hindi produkto ng kalikasan.

7. Suportahan ang simbahan

Ang pagsuporta sa simbahan ay pagsuporta sa kapus-palad. Ang donasyon na ibinibigay natin sa simbahan ay ginagamit para sa mga kawanggawa kung saan nakikinabang ang sambayanang Pilipino na nasa laylayan ng lipunan.

8. Gampanan ang tungkulin tuwing eleksiyon

Ang pagboto ay proseso ng pagpili sa magiging lider o pinuno ng isang pamayanan o isang bansa. Ito ay karapatang ipinagkaloob ng estado sa bawat mamamayan upang mailuklok sa puwesto ang pinipili ng nakararami. Sa pagboto, nararapat na isaalang-alang ang kapakanan ng bansa; iboto ang kandidatong karapat dapat sa posisyon. Tandaan, ang kaunlaran ng ating bansa ay nakasalalay sa ating kamay. Gamitin ang kapangyarihan na baguhin ang lipunan at bumoto nang naayon sa dikta ng konsensiya.

9. Maayos na maglingkod sa pinaglilingkuran

Ibigay kay Juan ang dapat para kay Juan. Wala nang mas hihigit pang pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa kundi ang pagbibigay nang tamang pasahod sa manggagawa. Ang tagumpay ng bawat kompanya ay nakasalalay sa episyenteng kamay ng bawat manggagawa. Kung tama ang ibinibigay na pasahod at

mabuting pakikitungo sa mga manggagawa, nagiging episyente sila sa kanilang gawain at nagkakaroon ng pagmamalasakit hindi lamang sa kompanya kundi sa may-ari nito.

10. Magbayad ng tamang buwis

Buwis ang nagsisilbing langis upang umandar ang behikulo ng kaunlaran sa lipunan. Kung mas mataas ang nalikom na buwis ng pamahalaan, mas maraming programa o proyekto ng maisasakatuparan upang tugunan ang panlipunang pangangailangan ng mamamayan. Pananagutan ng bawat isa na magbayad nang tamang buwis sa gobyerno.

11. Tulungan ang mga batang kabilang sa maralitang angkan

Ang pag-angat ng kapwa ay pag-angat ng buong bansa. Likas sa ating mga Pilipino ang pagdadamayan. Isa ito sa kaugaliang hinahangaan ng ibang lahi sa atin. Makikita na buhay na buhay ang bayanihan sa panahon ng kalamidad at iba pang pagsubok kung saan, handang tumulong ang ilan para maibsan ang hirap ng kapwa Pilipino.

12. Maging mabuting magulang sa mga anak

Pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan. Pinakamaliit subalit napakahalaga ang papel na ginagampanan nito sa lipunan. Sa pamilya nahuhubog ang pagkatao ng bawat indibidwal. Ang mga magulang ay dapat magsilbing huwaran sa kanilang mga anak. Ang bawat anak ay nararapat din na igalang ang kanilang mga magulang.

Gawain 7. Awit-Suri

Panuto: Pakinggan ang awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon. Maaaring basahin ang titik ng awitin sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na mga gabay na tanong sa isang hiwalay na papel.

[transcriber’s note: the lyrics are printed in two side-by-side columns; each column is transcribed in full, left column first, then right column]

Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang Bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at hindi nakikipag-unahan At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan.

Bumababa at nagsasakay ako sa tamang sakayan ‘di na makahambalang parang walang pakialam. Pinagbibigyan ko ang mga tumatawid sa kalsada Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula.

Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan ‘di ako gumagamit ng bawal na gamot. O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di pumapasok.

Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan ‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan Ang boto ko’y aking pinahahalagahan.

Ako, bilang tapat at totoong lingkod ng bayan

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay Ticket lamang ang tinatanggap kong binibigay At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno.

‘Di ako nagkakalat nang basura sa lansangan. ‘di bumubuga ng usok ang aking sasakyan Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Inaalagan ko ang aking kapaligiran

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan Di ko binubulsa ang pera ng Bayan

Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino Mga karapatan nila’y kinikilala ko Ginagalang ko ang aking kapwa tao Pinaglalaban kong dangal ng bayan ko.

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin.

Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Sanggunian: Cabangon, N. (Composer). (2009). Ako’y Isang Mabuting Pilipino. [N. Cabangon, Performer] Manila, Philippines

Mga Gabay na Tanong:

  1. Ano ano ang katangian ng isang mabuting Pilipino ayon sa awitin?



  1. Sino sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino?



  1. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kanyang mga tungkulin at pananagutan?



  1. Paano makatutulong ang mamamayan sa pagsulong ng kabutihang panlahat at pambansang kapakanan?



Gawain 8. Konsepto – Suri

Panuto: Unawaing mabuti ang mga pahayag sa kahon. Suriin kung ito ay Karapatan o Pananagutan ng isang Mamamayang Pilipino. Kung Karapatan ng Mamamayan, isulat sa patlang bago ang bilang ang akronim na NIA (Nararapat Ibigay sa Akin) kung Pananagutan, isulat ang NKG (Nararapat Kong Gawin). Gawin ito sa hiwalay na papel.

_____1. Tangkilikin ang sariling produkto.

_____ 2. Pangalagaan ang kalikasan.

_____ 3. Panatilihing ligtas at maayos ang kapaligiran.

_____ 4. Magbayad ng tamang buwis sa gobyerno.

_____ 5. Maihayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa mga isyu.

_____ 6. Humingi ng opisyal na resibo sa binibiling produkto.

_____ 7. Palaging sumunod sa batas at panukala.

_____ 8. Positibong pagpapahayag sa sariling bansa

_____ 9. Makisali sa pagboto, referendum, at plebisito.

_____ 10. Tulungan ang kapus-palad at magkawanggawa.

_____ 11. Mapakinggan at matugunan ang mga hinaing.

_____ 12. Dumaan sa tamang proseso ng paglilitis.

_____ 13. Masiguro ang proteksiyon at pantay na pagtingin ng batas.

_____ 14. Mabigyan ng tamang impormasyon sa mga nangyayari sa lipunan.

_____ 15. I-ulat sa kinauukulan ang anumang nakikitang paglabag sa batas.

Pagyamanin

Gawain 9: Piliin ang Kayang Gawin

Panuto: Pumili ng gawaing iyong naiibigan sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Gawain 1Gawain 2Gawain 3
Lumikha ng isang tula na nagpapakita ng katangian ng isang mabuting mamamayan.Gumawa ng islogan tungkol nararapat gawin ng isang mamamayan sa lipunan.Sumulat ng sanaysay na tumatalakay sa papel ng mamamayan sa lipunan.

Susuriin ang iyong gawain sa sumusunod na pamantayan sa rubrik bilang pagtataya.

PamantayanNapakahusay (4)Mahusay (3)Katamtaman (2)Kailangan pang Magsanay (1)
NilalamanNaglalaman ito ng wastong impormasyon.May isa o dalawang mali sa mga nailahad na impormasyon.May ilang mali sa mga nailahad na impormasyon.Karamihan sa ibinigay na impormasyon ay mali.
Epektibo ng PaglalahadNapakalinaw at nauunawaan ang pagkakalahad ng mga datos.Malinaw at nauunawaan ang pagkakalahad ng mga datos.Hindi gaanong malinaw at nauunawaan ang pagkakalahad ng mga datos.Malabo at hindi nauunawaan ang pagkakalahad ng mga datos.
May Realismo ang MensaheLubhang makabuluhan ang mensahe.Makabuluhan ang mensahe.Hindi gaanong makabuluhan ang mensahe.Hindi makabuluhan ang mensahe.
MakatotohananLubhang makatotohanan ang mga mungkahi.Makatotohanan ang karamihan sa mga mungkahi.May mga bahagi na hindi makatotohanan sa mga mungkahi.Hindi kapani-paniwala ang mga mungkahi.
PahihikayatNakahihikayat nang lubos ang mga pahayag at mensahe.Nakahihikayat ang mga pahayag at mensahe.Bahagyang nakahikayat ang mga pahayag at mensahe.Hindi nakahikayat ang mga pahayag at mensahe.
Gawain 10: “Decision-Making”

Panuto: Unawaing mabuti ang mga isyu sa Kolum A. Isulat sa Kolum B ang iyong gagawing solusyon sa mga nailahad na isyu sa Kolum A. Gawin ito sa iyong sariling sagutang papel.

Kolum A: IsyuKolum B: Mungkahing Solusyon
Itinatakwil si ArBen ng inyong kaklase dahil siya lang ang may ibang relihiyon sa inyong lahat.
Halos araw-araw sinasaktan ang kapitbahay ninyong bata ng kanyang amain nang walang sapat na dahilan.
Malawakan na ang illegal na pagputol ng mga punong kahoy sa kabundukan malapit sa tahanan ninyo.
Niyayaya ka ng iyong kaklase na sumama sa isasagawang marahas na welga laban sa gobyerno.
Malapit na ang eleksiyon at laganap ang vote-buying sa inyong barangay.

Isaisip

Binabati kita! Narating mo na ang bahaging ito ng iyong modyul. Ibig sabihin malapit mo na itong matapos. Sa bahaging ito, kailangan mong patunayan na naunawaan mo na ang mga konsepto at mga kaalamang dapat maikintal sa iyong isipan batay sa layunin ng modyul na ito. Upang ipakita ang pagkaunawa sa paksa, tapusin ang gawain sa ibaba.

Gawain 11: Summary Chart

Panuto: Punan ng tamang sagot ang summary chart:

[chart: flowchart; Gawain 11: Summary Chart]

Ako ay Isang Mabuting Pilipino

Katangian ng Isang Mabuting Mamamayang Pilipino







12 Little Things Every Filipino Can Do













Mga Hamon ng Pagkamamamayan






Isagawa

Sa bahaging ito ng modyul ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman sa katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay rito upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong natutuhan at matanto ang ugnayan ng mga ito sa iyong buhay.

Gawain 12: Hagdan ng Pagsasakatuparan

Panuto: Gamit ang iyong sariling sagutang papel, isulat ang iyong magagawa bilang mabuting mamamayan sa unang baitang ng hagdanan, isulat din ang inaasahang gagawin ng pamahalaan sa ikalawang baitang upang makamtam ng lipunan ang inaasam na nasa ikatlong baitang ng hagdanan.

[chart: staircase diagram; Gawain 12: Hagdan ng Pagsasakatuparan]

Inaasahang Mangyayari sa Lipunan

Inaasahang Gagawin ng Gobyerno

Ano ang Aking Magagawa?

Magaling! Ngayong natapos mo na ang modyul at ang mga inihandang gawain para sa iyo. Ngayon naman, ay susukatin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng maikling pagsusulit sa susunod na gawain.

Tayahin

Gawain 13: Panghuling Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

  1. Ano ang tawag sa kapangyarihan na ipinagkakaloob ng Estado sa mamamayan upang piliin ang nararapat na pinuno o lider sa lipunan?
    A. Pagkamamamayan C. Pag-aasawa
    B. Pagboto D. Pakikisama


  2. Anong katangian ang ipinakikita kung ang isang tao ay may pagpapahalaga sa kapaligiran?
    A. Makabansa C. Makakalikasan
    B. Makatao D. Makatwiran


  3. Si Lemuel ay ipinanganak sa Amerika, bagamat parehong Pilipino ang kanyang magulang. Sa kabila na siya ay nakatira sa Amerika lubos ang kanyang pagpapahalaga sa mga produktong galing sa Pilipinas. Anong katangian ang ipinapakita ni Lemuel?
    A. Maka-Diyos C. Makatao
    B. Makatwiran D. Makabansa


  4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang mamamayang may pagpapahalaga sa lupang tinubuan?
    A. Handang ipagtanggol ang Estado.
    B. Tinitingnan ang kamalian ng mga pinuno.
    C. Ibinoboto ang kandidato dahil malapit na kamag-anak.
    D. Tinatangkilik ang produktong galing sa ibang bansa.


  5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mamamayang produktibo?
    A. Sinusunod ang Saligang Batas at mga panukala sa lipunan.
    B. Tapat sa Republika ng Pilipinas.
    C. Isinaalang-alang ang kapakanan ng nakararami.
    D. Nagtatrabaho at tinatapos nang maayos ang kanyang gawain.


  6. Sa panahon ng halalan, lumapit sa inyong ang isang representante ng isang kandito at pinipilit kang suhulan para iboto ang isang pulitiko sa inyong lugar. Natatakot kang tanggihan ang alok na pera sapagkat kilala ang naturang pulitiko na mainitin ang ulo at ayaw ang napapahiya. Ano ang dapat mon gawin?
    A. I-report sa kinauukulan ang panunuhol ng kandidato at huwag iboto ang naturang pulitiko.
    B. Tanggapin ang pera at iboboto ang naturang pulitiko.
    C. Lisanin ang lugar sa lalong madaling panahon.
    D. Tanggapin ang pera at huwag nang bumoto.


  7. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayang Pilipino?
    A. Humingi ng resibo sa tuwing bumibili ng produkto.
    B. Pahalagahan ang mga imported na produkto.
    C. Maging mabuting anak sa magulang at huwarang magulang sa mga anak.
    D. Tulungan ang mga kapus-palad lalo sa panahon ng sakuna.


  8. Bakit sinasabing nasa kamay ng mamamayan ang kagalingan at pag-unlad ng lipunan?
    A. Mas marami ang bilang ng ordinaryong mamamayan kaysa namumuno.
    B. Ang mga mamamayan ang nagpapabagsak sa mga tiwaling pinuno.
    C. Sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa mga lider nagkakaroon ng positibong pagbabago sa lipunan.
    D. Ang mga mamamayan ang nakikinabang sa mga programa at proyekto ng gobyerno.


  9. Ano ang epekto ng pagtangkilik ng mga mamamayan sa mga produktong gawa sa sarili nilang bansa?
    A. Tataas ang kita ng mga lokal na prodyuser at tataas ang buwis na malilikom ng gobyerno upang tustusan ang panlipunang programa at proyekto.
    B. Tataas ang halaga ng piso kontra dolyar kayat mabibili nang mura ang mga lokal na produkto.
    C. Bababa ang halaga ng piso at mabibili nang mura ang mga produkto na galing sa ibang bansa.
    D. Bababa ang halaga ng dolyar at tataas ang halaga ng lokal na produkto kayat tataas ang kita ng mga lokal na prodyuser.


  10. Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo?
    A. Upang magkaroon ng mabuting pamahalaan, nararapat na piliin ang pinakamayamang lider na mamumuno sa isang bansa.
    B. Upang magkaroon ng mabuting pamahalaan, nararapat na baguhin ang uri ng gobyerno.
    C. Upang magkaroon ng mahusay na pamahalaan, nararapat na makipagtulungan ang mamamayan sa gobyerno.
    D. Upang magkaroon ng mahusay na pamahalaan, nararapat na maging sunud sunuran ang mamamayan sa gobyerno.


  11. Ano ang maaaring mangyari kung ang mga mamamayan ay hindi humihingi ng opisyal na resibo?
    A. Uunlad ang bansa dahil tataas ang makokolektang buwis.
    B. Mas mabilis ang transaksiyon dahil sa hindi pagbibigay ng resibo ng bibilhing produkto.
    C. Makikinabang ang gobyerno dahil sa koleksiyon ng buwis.
    D. Mawawalan ng koleksiyong buwis mula sa sektor ng industriya at bababa ang pondo ng gobyerno.


  12. Ibinoto ni Joseph ang isang tapat at maaasahang lider sa halip na ang malapit na kamag-anak na wala namang nagawa sa kaniyang termino. Anong katangian ang ipinapakita ni Joseph?
    A. Makabansa C. Makatao
    B. Makakalikasan D. Makatwiran


  13. Nakikilahok sa tree-planting at coastal cleanup ang mga mamamayan. Anong katangian ng isang mabuting Pilipino ang ipinapakita nito?
    A. Makabansa C. Makatao
    B. Makakalikasan D. Makatwiran


  14. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
    A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
    B. Aktibo siya sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang barangay.
    C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
    D. Lahat ng nabanggit.


  15. Paano maipakikita ng isang mamamayan ang kanyang pagkamakabansa?
    A. Sumusunod sa mga batas at alituntunin ng lipunan.
    B. Ibinoboto ang mga sikat na personalidad.
    C. Tinatangkilik ang mga produktong imported.
    D. Nakikilahok sa mga welga na tumutuligsa sa pamahalaan.


Karagdagang Gawain

Pagsulat ng Repleksiyon

Panuto: Gamit ang iyong sariling sagutang papel, sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan sa paksang tinalakay sa modyul na ito: Ang Mahalagang Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamahalaan.

RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLEKSIYON

DimensyonNapakahusay 4 PuntosMahusay 3 PuntosKatamtaman 2 PuntosNangangailangan ng Pagpapabuti 1 Puntos
Buod ng aralin, paksa o gawainMaliwanag at kumpleto ang pagbuod ng araling tinalakay.Maliwanag subalit may kulang sa detalye sa paksa tinalakay.Hindi gaanong maliwanag at kulang sa ilang detalye sa paksang tinalakay.Hindi maliwanag at marami ang kulang sa mga detalye sa paksang stinalakay.
Presentasyon ng Pagkakasulat -Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
-Hindi paligoy-ligoy ang pagkakasulat
-Angkop ang mga salitang ginamit.
-Malinis ang pagkaaksulat
Lahat ng pamantayan ay matatagpuan sa kabuong repleksiyon.Tatlo lamang sa mga pamantayan ang matatagpuan sa kabuoang repleksiyon.Dalawa lamang ang pamantayan ang matatagpuan sa kabuoang repleksiyon.Isa lamang ang magtatagpuan sa kabuoang repleksiyon.

MAHUSAY! Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul.

Susi sa Pagwawsto

[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the answer blocks are listed below in their upright reading order, with each block placed under its printed heading]

Gawain 1: Panimulang Pagtataya
  1. B
  2. C
  3. D
  4. A
  5. D
  6. A
  7. B
  8. C
  9. A
  10. C
Gawain 4: I-Concept Map Mo
  1. Maka-Diyos
  2. Makatao
  3. Makakalikasan
  4. Makatwiran
  5. Produktibo
Gawain 5: Checklist Tayo
  1. NKG
  2. NKG
  3. NKG
  4. NKG
  5. NIA
  6. NKG
  7. NKG
  8. NKG
  9. NIA
  10. NKG
  11. NKG
  12. NIA
  13. NIA
  14. NIA
  15. NKG
Gawain 13: Panghuling Pagtataya
  1. A
  2. C
  3. D
  4. C
  5. B
  6. B
  7. D
  8. C
  9. C
  10. A

Sanggunian

A. Aklat:

Modyul ng Mag-aaral, Araling Panlipunan 10, Ang Kontemporaryong Isyu, pp. 377 – 388.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *