Araling Panlipuna 6 Unang Markahan – Modyul 6: Pakikibaka ng mga Pilipino sa Panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa ikauunlad ng iyong kaalaman. Sa pamamagitan ng modyul na ito, higit mong mauunawaan ang hangarin ni Aguinaldo na maging lubos na malaya ang bansa laban sa mga mananakop. Naging hamon sa mga pinunong Pilipino ang pagtatanggol sa bayan. Nagkaroon na rin ba ng pagkakataong ipinagtanggol mo ang iyong bayan? Ano ang iuyong ginawa? Basahin at pag-aralan ang nilalaman ng modyul na ito at lalo pang palalimin ang pagmamahal mo sa iyong bayan.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong bahagi:

• Aralin 1 – Unang Putok sa panulukan ng Silencio at Sociego, Sta. Mesa

• Aralin 2 – Labanan sa Tirad Pass

• Aralin 3 – Balangiga Massacre

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang magawa ang sumusunod:

1. masusuri ang mga pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano;

2. matutukoy ang mga pangyayaring naganap sa mga makasaysayang lugar tulad ng Kalye Silencio at Sociego sa Sta. Mesa, Pasong Tirad, Ilocos Sur, at Balangiga sa Samar;

3. maipaliliwanag kung paano nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano;

4. masusuri ang timeline ng Digmaang Pilipino-Amerikano;

5. maisasalaysay ang naging makasaysayang kaganapan sa Balangiga, Samar;

6. maipaliliwanag ang kinalaman ng Kasunduan sa Paris at katangiang pisikal ng Pilipinas sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas;

7. makikilala ang mga pinunong Pilipino na lumaban sa panahon ng digmaan;

8. mahihinuha ang mga kaganapang nagpamalas sa katapangan ng mga pinunong Pilipino na namuno sa labanan tulad nina Heneral Gregorio H. del Pilar at Heneral Antonio Luna.

AP6_q1_mod6_ang-pakikibaka-ng-mga-pilipino-sa-panahon-ng-digmaang-pilipino-amerikano_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment