This is the Araling Panlipunan 7 self-learning module for Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 9: “Mga Kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Kulturang Asyano” (contributions of East and Southeast Asia to Asian culture). It is a first-edition (2020) Alternative Delivery Mode module from DepEd MIMAROPA Region, written in Filipino for Grade 7 learners studying at home. It shows how Asian theater, martial arts, and athletes from East and Southeast Asia became part of Asian culture and earned the world’s respect.
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- List the different cultural contributions of East and Southeast Asia.
- Analyze these contributions in the fields of humanidades (humanities), panitikan (literature), and palakasan (sports).
- Value the contributions of East and Southeast Asia in different fields.
The module’s Most Essential Learning Competency is: “Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Kulturang Asyano” (values the contributions of East and Southeast Asia to Asian culture), code AP7KIS-IVj-1.26, set for Week 8.
It also prints the quarter’s content and performance standards. These ask learners to appreciate and critically analyze how Asians responded to change, development, and continuity in East and Southeast Asia during the transitional and modern periods (16th to 20th century).
Key ideas: Asian theater and performing arts
The humanities section covers dance, song, and theater, which the module classifies as performing arts. Much Asian theater draws on religion. The Hindu epics Mahabharata and Ramayana and the Buddhist Jataka stories have been staged across Southeast Asia. The module gives these examples by country:
| Country | Theater forms in the module |
|---|---|
| Japan | Noh (oldest, from the 13th century, led by Zeami Motokiyo; all-male, masked, slow movement), Kabuki (livelier and more colorful, often about love and revenge), Bunraku (3-foot puppets, from 1600) |
| China | Yuan Zaju (first Chinese theater, 13th century), Kunqu (16th century), Jing Xi or Peking Opera (19th century), Huaju (20th-century drama) |
| Korea | Kkoku Kaksi (puppet show with one singer), Sandae-Guk (outdoor mountain performance lasting all night) |
| Indonesia | Bidasari (first modern play, 1926, by Rustam Effendi), Wayang Kulit (puppet show from Hindu epics), Balinese dance drama such as the Legong |
| Thailand | Nang Yai (giant leather shadow puppets), Khon (masked dance drama), Lakhon Fai Nai (all-female dance drama) |
| Cambodia | Lakhon Khbac Boran (female dance drama) |
| Myanmar | Nat Pwe (trance dance), Zat Pwe (classical Buddhist dance drama) |
| Vietnam | Hat Boi or Hat Tuong (13th century), Mua Roi Nuoc (water puppetry, 12th century) |
| Philippines | Moro-moro (battle between Christians and Muslims), Zarzuela (play with song and dance about love and current issues, named after the Spanish zarzuela) |
The module also mentions Kalani of Sri Lanka and Mani Rimdu of Nepal, and the Japanese film director Akira Kurosawa, known for The Seven Samurai and Rashomon.
Key ideas: martial arts and sports
The module explains that martial arts, said to come from East Asia, are used for self-defense, peace of mind, and competition. They are less about fighting and more about improving one’s life: they reduce worry and build responsibility and self-confidence.
- Karate (Japan): “empty hand”; from Okinawa, brought to Japan in 1922 by Funakoshi Gichin, father of modern karate (Karate-Do).
- Jujitsu (Japan): “art of gentleness”; linked to samurai fighting.
- Judo (Japan): “gentle way”; from Jujitsu, started in 1882 by Jigoro Kano.
- Aikido (Japan): “way of harmony”; started in 1925 by Ueshiba Morihei.
- Sumo and Kendo (Japan): ring wrestling and Japanese fencing.
- Kung Fu (China): “skill”; uses punches, kicks, and weapons such as swords and staffs.
- Taekwondo (Korea): “way of hand and foot”; started in 1955 by Choi Hong Hi, later an Olympic sport.
- Kickboxing (Thailand): combines Western punching with Eastern kicking.
The module adds that sports unite Asians, citing the 30th SEA Games held in the Philippines from November 30 to December 11, 2019. It names Filipino athletes such as Lydia de Vega and Elma Muros (athletics), Paeng Nepomuceno (bowling), Eric Buhain (swimming), and Efren “Bata” Reyes and Francisco “Django” Bustamante (billiards).
How to use this module
The module has one lesson, worked through in these parts:
- Subukin (pretest): 10 multiple-choice questions.
- Balikan (review): identify forms of neocolonialism from the previous lesson.
- Tuklasin and Suriin: a word-building activity, then the main reading.
- Pagyamanin: a word-search puzzle, a true-or-false activity, and a fill-in table.
- Isaisip: a summary of five or more sentences (15 points).
- Isagawa: write a poem or song, including spoken poetry or rap, valuing Asian contributions (30 points).
- Tayahin: the same 10 questions as the pretest.
- Karagdagang Gawain: an album or clippings of famous East and Southeast Asians (25 points).
Learners: Write all answers on separate paper or in your notebook, not on the module, and check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end.
Parents: Help your child keep the module clean so others can use it, and contact the teacher if your child has trouble understanding the lesson.
Teachers: The teacher notes say the activities are planned for three-day sessions and invite you to adapt them to your learners’ interests and abilities.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 9. The competency is set for Week 8.
What is the competency code of this module?
The printed competency code is AP7KIS-IVj-1.26, for valuing the contributions of East and Southeast Asia to Asian culture.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and posttest, the review activity, the word-building task, and the three Pagyamanin activities.
What fields of contribution does the module cover?
It covers three areas: humanidades (dance, song, and theater), panitikan (literature), and palakasan (sports, especially martial arts).
What are the main martial arts named in the module?
The module’s summary names Karate, Kung Fu, and Taekwondo as the main martial arts, with Jujitsu, Judo, and Aikido as other well-known ones.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 9: Mga Kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Kulturang Asyano
7
[illustration: students reading outdoors and at a desk, a teacher, and a globe]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q4_AP 7_Modyul 9
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 9: Mga Kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Kulturang Asyano
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Corazon E. Peralta Editor: Jim Paul M. Belgado Tagasuri: Nimfa V. Alaska Tagaguhit: Karl Gabriel G. Buenafe Tagalapat: Liezl O. Arosio Tagapamahala: Benjamin D. Paragas Mariflor B. Musa Danilo C. Padilla Freddie Rey R. Ramirez Cyril C. Serador Ronald S. Brillantes Marites L. Arenio Eva Joyce C. Presto Rhea Ann A. Navila
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telefax: (02) 631-4070; 637-3093; 637-31-39 Email Address: region4b@deped.gov.ph
[transcriber’s note: this page repeats the title and DepEd logo of the cover page, shown with the large grade numeral 7; the cover text is transcribed once above]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Halina’t simulan natin!
Ang mga Asyano ay maipagmamalaki sa buong daigdig. Hindi nagpapahuli ang mga bansa sa Asya sa iba’t ibang larangan upang makapagbigay ng dangal at kasikatan. Ang nakagawiang mga katangiang ito ay naging bahagi na ng kulturang Asyano.
Ating tutuklasin ang mga salik na nagbigay daan para sa mga natatanging kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya. Ano nga ba ang nagpapalakas ng loob ng mga Asyano at hindi nagpapatinag kahit saang larangan pa iharap ang mga ito? Paanong nahubog ang katapangan, kahinahunan, kapanatagan ng isipan, ang pagiging responsable at pagtitiwala sa sarili? Saan kaya nanggagaling ang mga katangiang ito ng Asyano?
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:
- Naiisa-isa ang iba’t ibang kontribusyong kultural ng Silangan at Timog-Silangang Asya;
- Nasusuri ang mga kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa larangan ng humanidades, panitikan, at palakasan; at
- Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa iba’t ibang larangan.
Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang tiyak na matutuhan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)
Ang mag-aaral ay napahahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (Ika-16 hanggang ika-20 Siglo).
PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (Ika-16 hanggang ika-20 Siglo).
PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)
- Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Kulturang Asyano. (AP7KIS-IVj-1.26) (Week 8)
Subukin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan o pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.
Silangang Asya: North Korea; Timog Silangang Asya _____?
A. South Korea
B. Mongolia
C. Japan
D. IndonesiaPagpapares- paresin ang sumusunod. Alin ang tamang pares?
I. Kkoku Kaksi
II. Zarzuela
III. Moro-moro
IV. SumoA. I, II
B. II, IV
C. II, IV
D. III, IVSino ang Asyanong pinakatanyag, hinahangaan sa daigdig bilang manlalaro ng NBA na may taas na 7′ 6″, at nagmula sa China?
A. Wang Zhizhi
B. Mengke Bateer
C. Yao Ming
D. Mave RicksAng sumusunod ay ilan lamang sa halimbawa ng teatro ng Japan. Alin sa sumusunod ang HINDI kasama dito?
A. Noh
B. Kabuki
C. Bankuru
D. Yuan ZajuAng sumusunod ay pawang mga Asyanong kilala sa buong mundo. Ano ang iyong nahihinuha sa kaisipang ito?
I. Weshiba Morihei: Palakasan
II. Rustam Effendi: Teatro
III. Zeami Mookiyo : Teatro
IV. Katsushika Hokusai : sining “The Great Wave off Kanagawa“A. Ang Asyano ay magagaling at kilala sa buong mundo.
B. Ang Asyano ay hinahangaan sa buong mundo.
C. Ang Asyano ay maipagmamalaki sa buong daigdig sa iba’t ibang larangan.
D. Ang Asyano ay lumalaban at di umuurong sa anumang labanan.Ang larangan ng palakasan ay isa sa naging daan upang magkabuklod-buklod ang Asyano. Isang patunay ng pagpapahalagang binigay sa larangang ito ay ang nakaraang ika-30 South East Asian Games. Saan at kailan ito isinagawa?
A. Pilipinas: Nobyembre 30, 2019 – Disyembre 11, 2019
B. Japan:Nobyembre 30, 2019- Disyembre 11, 2019
C. South Korea: Nobyembre 11, 2019 – Disyembre 3, 2019
D. China: Nobyembre 11, 2019 – Disyembre 3, 2019Ang martial arts ng Japan ay hango sa wikang Hapones, tulad ng Ju-jitsu na ang ibig sabihin nito ay sining sa pagkamahinahon. Ano ang nililinang sa manlalaro nito?
A. Ang kakayahang harapin ang kalaban manalo man o matalo
B. Ang kakayahan ng manlalaro na makipagkasundo upang manalo
C. Ang kakayahang makipagkamay sa kalaban kapag nanalo sa laro
D. Ang kakayahan ng manlalaro na hindi magalit o mayamot sa kaniyang katunggali habang nakikipaglabanUnawain ang konseptong ito: Moro-moro : Pilipinas; Kkoku-Kaksi : _____
A. Korea
B. Myanmar
C. Thailand
D. IndonesiaAng Zarsuela ay isang dulang may kantahan at sayawan na nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ano ang halaga ng Zarsuela sa mga Pilipino?
A. Ang Zarsuela ay nakaaaliw sa damdamin.
B. Ang Zarsuela ay nakapagpapasigla ng katawan.
C. Ang Zarsuela ay nakapagpapadakila sa puso at kaluluwa.
D. Ang Zarsuela ay nagbibigay halaga sa larangan ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.Nakilala ang martial arts na ito dahil sa malawakang pagpapakita nito sa mga telebisyon at nagmula ito sa Thailand. Ito ay ginagamitan ng teknik na pagsuntok ng mga Kanluranin at teknik na pagsipa naman mula sa martial arts ng Silangan. Ano ang palakasang ito?
A. Kickboxing
B. Sumo
C. Karate
D. Judo
Aralin 1: Mga Kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Kulturang Asyano
Sa nakaraang aralin, ating tinalakay ang mga anyo, tugon, at epekto ng Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Ang mayayaman at makapangyarihang bansa ang nagpairal ng makabagong pamamaraan ng pananakop sa mahihirap at mahihinang bansa.
Makikita ang neokolonyalisasyon ng makapangyarihang bansa sa anyong pulitikal, militar, ekonomiko, at kultural. Naapektuhan din ng lubusan ang kalagayang pampulitika, pangmilitar, pang-ekonomiya at pangkultura ng mga mahihinang bansa sa Silangan at lalong lalo na sa Timog-Silangang Asya.
Sa pangkalahatan, ang pagtugon na ginawa ng mahihirap at mahihinang bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa patakarang Neokolonyalismo ay nakabatay din sa mga polisiyang pinairal ng mauunlad at makapangyarihang bansa.
Ano-ano pa ang iyong mga naalala sa nakaraang aralin? May nais ka pa bang sabihin o linawin? Ating sagutin ang inihandang gawain.
Balikan
Gawain: Anong Anyo Ako!
Panuto: Basahin ang nilalaman ng bawat sitwasyon. Tukuyin kung ito ba ay anyong PULITIKAL, MILITAR, EKONOMIKO, o KULTURAL bilang paraan ng makabagong pananakop ng mauunlad na bansa sa di-mauunlad na bansa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
| Sitwasyon | Anyo |
|---|---|
| 1. Nagkaroon ng Military Excercises sa bahagi ng karagatan ng West Philippine Sea sa pagitan ng US at Pilipinas. | |
| 2. Matagal ng pinairal ng Japan ang tulong pinansyal sa Cambodia upang palawakin ang kanilang pottery production. | |
| 3. Ipinakilala ng Amerika ang kahalagahan ng paggamit ng Wikang Ingles sa bansang East Timor. | |
| 4. Tinanggap ng Vietnam ang bilateral na kasunduan ng Russia upang mapalawig ang kanilang magandang samahan. | |
| 5. Tinangkilik ng bansang Laos ang mga produktong galing China. |
Mga Tala para sa Guro
Naglalaman ang modyul na ito ng mga mungkahing gawain upang malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng paggamit ng graphic organizer, puzzle box, teksto suri, pagbuo ng salita, pagsulat ng maikling talata, atbp. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon. Iminumungkahi na pagyamanin pa ng mga guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.
Tuklasin
Ang kulturang Asyano ay labis na naimpluwensiyahan ng iba’t ibang gawi o gawain sa iba’t ibang larangan. Nais mo bang malaman ang naging kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa kulturang Asyano?
Gawain: SALITA-BUUIN
Panuto: Buuin ang mga konsepto o salita sa tulong ng mga inilaang letra. Gawing gabay ang mga salita o pahayag na nasa kanang bahagi sa pagsagot nito. Gawin ito sa sagutang papel.
[transcriber’s note: the letter boxes are printed as empty squares; they are shown below as blanks, and the number of blanks per group is approximate]
- P _____ K _____ N -boxing, chess, martial arts, basketball
- _____ T _____ O -awit, sayaw, dula-dulaan
- _____ A _____ I K _____ N -tula, kwento, nobela, wika, damdamin
- P _____ I _____ -ikaw, ako, tayo, Pilipinas
- _____ L _____ U R _____ -paniniwala, tradisyon, gawi
Pamprosesong Tanong: (Isulat ang sagot sa kuwaderno)
- Ano-ano ang nabuo mong salita?
- Sino-sino ang Asyanong kilala mo sa mga larangang ito?
- Saang bansa galing ang mga kilala mo?
- Ano ang kaugnayan ng mga nabuong salita sa ikalimang sagot?
Suriin
Ang mayaman at kahanga-hangang kultura ng Asyano ay nasasalamin sa sining at literatura nito. Ito rin ang nag-udyok sa mga taga-Kanluran na makipagsapalaran sa Asya.
Ang kontribusyon ng mga Asyano sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, palakasan at iba pa ay hindi matatawaran. Ang mga ito ay naging bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga sinaunang Asyano. Ang kanilang kultura at tradisyon ay labis na naimpluwesyahan ng uri ng sining na umiiral sa iba’t ibang
bansa sa Asya na di naglaon ay naging sagisag na rin ng kanilang pagkakilanlan bilang isang bansa.
Ang larangan ng palakasan naman ang naging isang daan upang magkabuklod-buklod ang mga Asyano. Isang patunay ng pagpapahalagang binigay sa larangang ito ay ang nakaraang ika-30 South East Asian Games o ang 2019 SEA Games na ginanap dito sa Pilipinas noong ika-30 ng Nobyembre hanggang ika-11 ng Disyembre 2019. Hindi rin matatawaran ang bilang ng mga Asyanong naging matagumpay, hinangaan, at dinadakila sa iba’t ibang larangan.
(Pinagkukunan: Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan II: Module 16, Sining ng Teatro at ang Martial Arts sa Asya. Bureau of Secondary Education, DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City., 2)
Ang mga tagumpay at papuring nakamit ng mga kapwa natin Asyano ay dapat nating ipagpugay at ipagmalaki bilang pagpapahalaga. Nagsilbing inspirasyon sila upang patuloy na magkaisa at hangarin ang kapayapaan sa buong Asya o ng lahat ng mamamayan ng Asya.
Ang araling ito ay nakatuon sa ambag o kontribusyon ng mga Asyano sa tatlong mahahalagang aspeto: humanidades, panitikan, at palakasan.
Mga Kontribusyon sa Larangan ng Humanidades
Saklaw ng paksang ito ang sayaw, awitin, at dulaan o teatro. Kadalasan ang teatro ay hango sa mga paniniwalang panrelihiyon. Maraming relihiyon ang nakaimpluwensiya sa teatro ng mga Asyano. Ang mga epikong MAHABHARATA at RAMAYANA na umiinog sa mga diyos na sina KRISHNA at RAMA at sa mga bayaning tulad ni ADJUNA ay naipalabas na sa maraming teatro sa mga bansa ng Timog Silangang Asya. Gayundin ang kwento ng tagasunod ng Budismo na si JATAKA na naipalabas na rin sa iba’t ibang teatro sa Asya. Nangangailangan ng mahabang panahon ng paghahanda at pagsasanay ng mga artista. Sa pangkalahatan, ito ay nabibilang sa performing arts.
(Pinagkunan: Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan II: Module 16, Sining ng Teatro at ang Martial Arts sa Asya. Bureau of Secondary Education, DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City, 17.)
Ang Teatro sa Ilang Piling Bansa sa Silangan at Timog-Silangang Bansa
JAPAN
Noh at Kabuki, ang mga tradisyonal na dulaan ng Hapones na nananatiling popular para sa mga manonood. Noh ang siyang pinakamatandang dulaan ng Japan na tinatayang nagsimula noon pang ika-13 siglo sa pangunguna ni Zeami Motokiyo, isang actor na nagtatanghal sa teatro ng kaniyang ama na noon ay itinataguyod ng isang Shogun na si Yoshimitsu. Sa pagtatanghal na ito, pinagsama-sama ang musika, sayaw, at pagganap upang maihatid ang temang relihoyoso ng dula. Ang mga aktor ay nakasuot ng tradisyonal na mascara at magagarang kasuotan. Ang kanilang pagkilos ay mabagal na tila nagpapahiwatig ng mga emosyon at mga kaganapan. Tanging kalalakihan lamang ang maaaring magsiganap dito. Ang papel ng kalalakihan at kababaihan sa dula ay kapwa ginagampanan ng mga lalaking Hapones.
Kabuki. Tinatayang nagsimula ito sa Japan noong ika-6 hanggang ika-17 siglo. Ang mga pagtatanghal sa kabuki ay mas masigla at mas makulay kung ihahambing sa Noh. Ang kadalasang tema ng dula ay nakatuon sa pag-ibig at paghihiganti. Bunraku. Nagsimula rin noong taong 1600, itinatanghal gamit ang mga puppet na may sukat na 3 talampakan.
[illustration: woman in traditional kabuki costume holding a fan]
Sa larangan naman ng pelikula, isa sa mga hinahangaang direktor ng Japan ay si Akira Kurosawa. Ang kanyang The Seven Samurai ay patungkol sa kwento ng mga mandirigmang nagtatanggol sa isang pamayanan. Isa pa sa tanyag na pelikulang kaniyang ginawa ay ang Rashomon. Ang kaniyang estilo ng pagdidirehe, partikular sa mga tagpong may mga labanan, ay nakapukaw sa mga direktor sa Europe at United States.
CHINA
Pangkaraniwan na ang mga awit at sayaw sa teatro ng mga Tsino. Nagsimula ito noon pang ika-3 siglo BC. Sa pamumuno ni XUANZONG naitayo ang PEAR GARDEN, isang konserbatoryo kung saan na nagsasanay ang mga artista. May apat na pangunahing panahon ng pagsulong ng teatro sa China. Yuan Zaju. Kauna-unahang teatro sa China at nagsimula noong ika-13 siglo. Kunqu. Isang eleganteng pagsasadula na nagsimula noong ika-16 na siglo. Jing Xi. Ang pinakatanyag at kilala ng mga Kanluranin bilang Beijing o Peking Opera. Nagsimula noong ika-19 na siglo, at sumikat nang husto dahil sa makukulay na maskara at pampaganda ng mga artista. Kapunapuna rin ang mahusay na pagsama-sama ng sayaw, awit, at acrobatics. Kadalasan gumagamit din ng iba’t ibang musikang instrumento ang pagtatanghal sa teatro. Huajo. Drama at nagsimula noong ika-20 siglo
KOREA
Ang pagtatanghal ng puppet sa Korea ay nagsimula noong pang ika-7 siglo. KKoku Kaksi. Iisang tradisyonal na pagtatanghal ng puppet sa Korea. Isang tao ang umaawit habang pinapagalaw ang mga puppet. Sundae-Guk. Pagtatanghal sa kabundukan. Kadalasang itinatanghal sa labas at tumatagal ang katutubong drama na ito ng magdamag.
Bidasari. Ang pinakaunang makabagong dula (1926) ni RUSTAM EFFENDI isang talinghaga ng pagtuligsa ng mga Indonesian sa pananakop ng mga Dutch. Wtang-Kuut. Pagtatanghal sa pamamagitan ng puppet halaw sa kwento mula sa mga epikong Hindu. Balinese Dance Drama. Hango sa sinaunang tradisyon mula sa epikong Indian Hindu at ginagamitan ng mga awit at sayaw. Ang Legong ang pinakapopular na BALINESE Dance-Drama.
INDONESIA
THAILAND
Nang Yai. Tampok ang pinakamalaking aninong puppet sa buong mundo na yari sa balat at may sukat na 4-5 talampakan. Ito rin ay pinagagalaw ng mga puppeters at mananayaw. Khon. Isang nakamaskarang dance-drama na itinatanghal kasama ang Piphat Orchestra at mananalaysay mula sa Ramakien. Lakhon-Fai-Nai. Isang eleganteng dance-drama na binubuo ng pawang kababaihan at isinasayaw sa saliw ng Piphat Orchestra (gumagamit ng Xylophones, drums, gogns at cymbals).
CAMBODIA
Lakhon Khbac Boran. Dance drama na ipinapalabas ng mga kababaihan at halos katulad ng Lakhon Fai Nai tumatagal ito ng halos apat na araw noong unang panahon.
MYANMAR
Nat Pwe. Isang uri ng Trance Dance at hango sa pagsamba sa mga tinatawag na “spirit wives” na tuloy-tuloy na nagsasayaw hanggang sila ay saniban ng isa sa 37 ispiritu. Sila ay nagsasalita habang sila ay walang malay. Zat Pwe. Isang klasikong dance drama na hango sa paniniwalang Budismo kung saan may mga prinsipe at prinsesa na umaangat at sumasayaw habang nakikipaglaban sa mga kontrabida tulad ng mga halimaw.
VIETNAM
Hat Boi. Tinatawag din na Hat Tuong na nagsimula pa noong ika-13 siglo at isang klasikong drama. Mua Roi Nuoc. Nagsimula noon pang ika-12 siglo at gumagamit din ng puppet na nagtatanghal sa mga dagat-dagatan bilang entablado at pinapaandar ng mga Mechanical Nods.
SRI LANKA
Kalani. Isang nakamaskarang dance drama na kadalasang hango sa mga nakatatawang kwento.
Pinagkunan: Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan II: Module 16, Sining ng Teatro at ang Martial Arts sa Asya. Bureau of Secondary Education, DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City, 17-18.)
PHILIPPINES
Moro-moro. Palabas na nagpapakita ng labanan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim. Zarzuela. Isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Kadalasan ito ay nagtatapos palagi sa masayang tagpo hango sa kapanahunan ng mga kastila. Ito ay ipinangalan sa la Zarzuela ng Espanya.
[transcriber’s note: a rendering glyph appears inside the word “dulang” in the Zarzuela entry]
NEPAL
Mani Rimdu. Labing siyam na araw na pagdiriwang ang isinasagawa ng mga mongheng Mahayana Buddhist gamit ang makukulay na maskara. Nagtatanghal sila sa mga templo at bulwagan tanda ng pagdiwang ng pagkakatatag ng Budismo sa bansa.
(Pinagkunan: Project EASE (Effective Alternative Secondary School) Araling Panlipunan II: Module 16, Sining ng Teatro at ang Martial Arts sa Asya. Bureau of Secondary Education, DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City. 20-24
Pamprosesong Tanong: (Isulat ang sagot sa kuwaderno)
- Ano-anong bansa ang nagbigay ng kontribusyon sa larangan ng humanidades? Sa Silangang Asya? Sa Timog-Silangang Asya?
- Saan kadalasan hango ang kanilang teatro?
Martial Arts. Ang martial arts o ang sining ng pakikipaglaban na gumagamit man o hindi ng anumang armas ay sinasabing nagmula sa Silangang Asya. Isinasagawa ito bilang pagtatanggol sa sarili, pagtatamo ng kapanatagan ng isipan at bilang bahagi ng kompetisyon.
Para sa magsasagawa ng martial arts, ito ay hindi tungkol sa pakikipaglaban bagkus, ito ay nakatuon sa buhay at sa pagpapabuti nito. Sa pamamagitan ng martial arts nababawasan ang pag-aalala at madaragdagan ang pagiging responsable at pagtitiwala sa sarili.
Iba’t ibang uri ng martial arts ang sumibol sa bansang Asyano at di naglaon naging popular na rin sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang sumusunod ay ilan sa mga martial arts na karamihan sumibol sa Silangang Asya.
Kontribusyon sa Larangan ng Palakasan
Japan
Karate. Hango sa wikang Hapones na nangangahulugang “kamay na walang hawak”. Nagmula sa Okinawa Japan noong mga taong 1600’s bilang “te” o kamay na may impluwensya ng Kung Fu ng mga Intsik. Kinilala si FUNAKOSHI GOCHIN isang guro sa Okinawa, ang ama ng Makabagong Karate na siyang nagdala sa Japan noong 1922. Ang karate ay nilahukan niya ng pilosopiya ng pagpapaunlad ng kaisipan ng mga mag-aaral nito at tinatawag itong KARATE-DO. Ang pagsasanay ay ginagawa sa mga DOJO o bulwagan ng pagsasanay at ang gamit kasuotan nila ay tinatawag na GI-O, ang puting damit na ginagamitan ng iba’t ibang kulay ng sinturon depende sa ranggo ng may suot nito.
Jujitsu. Hango sa wikang Hapones na nangangahulugan ng “sining pagkamahinahon”. Hindi matukoy kung saan ito nagmula bagamat tinatayang bahagi ito ng paraan ng pakikipaglaban ng mga Samurai noong ika-15 at 16 na daan siglo.
Judo. Hango din sa salitang Hapones na nangangahulugan ng “daan sa kahinahunan”. Ito ay isang uri ng pagtatanggol ng sarili at nagmula sa Jujitsu. Nagsimula ito noong 1882 sa pangunguna ni JIGORO KANO. Tulad ng Jujitsu gumagamit din ang Judo ng kakayahan sa pakikipagbuno at paghagis upang talunin ang kalaban.
Aikido. Sa wikang Hapones din hango ang Aikido na nangangahulugang “daan tungo sa pagkakasundo”. Tulad ng Judo hango rin ito sa JUJITSU. Nagsimula ang Aikido noong 1925, sa pangunguna ni WESHIBA MORIHEI. Kalaunan, sinamahan niya ito ng ZEN. Ang Aikido ay di isang paraan ng pakikipaglaban, bagkus ito ay pakikipag-ugnayan sa kalikasan at naglalayong makasundo ang katunggali. Noong 1987 naging tanyag ito at tinawag na Combat Aikido sa pamamagitan ng pelikulang pinagbibidahan ni Steven Seagal, isang eksperto sa Aikido.
Sumo. Isa sa pinakatanyag na isport ay ang Sumo na nagmula sa Japan. Malalaking lalake ang mga manlalaro nito na nagbubuno sa loob ng ring. Layunin nito na matapon ang kalaban palabas ng ring o kaya ay mailapat ang ano mang bahagi ng katawan ng kalaban sa labas ng ring. Ang sumo ay hango sa sinaunang paraan ng pakikipagbuno na tinatawag na SUMAI (paglaban) na tinatayang nagmula noon pang 23 BC. Pwede sa isports na ito ang paghagis, paghila, pagpalo, pagbato at pagtapon sa kalaban.
[illustration: two sumo wrestlers grappling in a bout]
Kendo. Isa rin sa tradisyonal na martial art ng Hapones at kilala rin bilang Japanese Fencing. Ang mga kalahok noong unang panahon ay gumagamit ng armas na yari sa kawayan. Ang kendo ay may malaking impluwensiya sa martial art na tinatawag na Kenjetsu (sining sa paggamit ng espada) na ginagamit ng mga Samurai.
(Pinagkunan: Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan II: Module 16, Sining ng Teatro at ang Martial Arts sa Asya. Bureau of Secondary Education, DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City, 6, 8-10,12-13.)
China
Kung – Fu. Sinasabing nagmula sa China mga 2000 taon na ang nakalipas at hinihinalang ginamit din sa pamamaraan ng pakikipaglaban sa Sinaunang India. Ito ay nagmula sa China at nangangahulugang kasanayan, kakayahan at gawain. Ito ay ginagamitan ng suntok, sipa, hampas at pagbabato o paghahagis. Hindi tulad ng Karate ang Kung-Fu ay gumagamit ng Espada o polo (piraso ng kahoy).
Korea
Tae-Kwon-do. Hango sa wikang Koreano na nangangahulugang sa pamamagitan ng kamay at paa. Nagmula noong 1955 sa pangunguna ni CHOI HONGHI. Ito ay pambansang isports at libangan sa Korea at naging tanyag na rin sa iba’t ibang panig ng mundo. Ginagamitan ito ng mga natatanging pagsipa at nilalahukan ng paglundag at pag-ikot. Napili bilang isa sa mga opisyal na isport sa Olympic Summer Games sa Sydney, Australia.
[illustration: two people in martial arts uniforms, one performing a high kick]
Thailand
Kickboxing. Ito na marahil ang pinakatanyag na martial arts para sa mahilig sa isports dahilan na rin sa malawakang pagpapakita nito sa mga telebisyon. Ang isports na ito ay nagmula sa Thailand ilang daan taon na ang nakalipas at lumaganap sa America noong 1970’s kung saan ito ay naging tanyag nang husto. Gumagamit ng teknik na pagsuntok ang mga Kanluranin at teknik naman ng pagsipa mula sa martial arts ng Silangan.
(Pinagkunan: Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan II: Module 16, Sining ng Teatro at ang Martial Arts sa Asya. Bureau of Secondary Education, DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City, 9, 12.)
Iba Pang mga Palakasan
Maliban sa mga naunang isports at manlalarong nabanggit may ilan pa sa mga kinikilalang atletang nagmula sa Pilipinas, tulad nina Lydia de Vega at Elma Muros mula sa athletics; Paeng Nepomuceno sa bowling; Eric Buhain sa swimming; Jethro Dionisio para sa pistol schooling; at Efren ‘Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante sa billiards.
Malinaw na ang mga Asyano ay hitik sa mahuhusay sa iba’t ibang larangan. Gayundin, talagang dapat ipagmalaki ng mga Asyano ang kanilang mga tradisyunal na sayaw, awitin, at dulaan. Ang lahat ng mga ito ay pagpapatunay lamang na ang mga Asyano ay maaring makipagsabayan sa husay at galing sa iba’t ibang lahi sa buong mundo.
Pamprosesong Tanong: Sagutin at isulat sa inyong kuwaderno.
- Mula sa mga nabanggit na isports o laro, kung palalaruin ka alin ang gusto mong laruin? Bakit?
- Ano ang maitutulong nito sa iyo?
Tandaan!
- Ang mga pangunahing martial arts ay ang Karate, Kung-Fu, at Tae-Kwon-Do.
- Ang iba pang mga kilalang martial arts ang Jujitsu, Judo, at Aikido.
- May mga ilang martial arts na ginagawa ngayong isports na rin sa mga kompetisyon tulad ng Karate, Karate-Do, Tae-Kwon-Do, Judo, at Kickboxing.
Pagyamanin
Gawain 1: HANAP-SALITA (WORD Factory)
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Mula sa puzzle box hanapin ang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
- Nanguna sa Taekwando magmula pa noong 1955.
- Ito ay isa sa mga bansang matatagpuan sa Timog-Silangang Asya.
- Isa sa mahalagang aspeto na may malaking kontribusyon sa kulturang Asyano.
- Napabilang sa aspetong humanidades, pinakamatandang dulaan ng Japan
- Pinagmulan ng Martial Arts na Kung-Fu.
6.Kabilang sa pangunahing martial arts, hango sa wikang Hapones na nangangahulugang “kamay na walang hawak”.
Isang halimbawa ng palakasan na nagmula sa China at kabilang sa pangunahing martial arts .
Pinakamatandang dula-dulaan ng Japan.
Musikang Hapones na ginagamit sa mga solo at maramihang konsyerto.
Martial Arts ng Hapones na nangangahulugang daan sa kahinahunan.
C H O I H O N G H I
O K A R A T E D I E
N D O N E S I A N R
O E C H I N A L D O
H L A N D A H E O T
J U D O K N A N N O
I N D A U E N O E N
N O L I N O H D S Y
G A T E G O A T I E
P I L I F U K O A L
Gawain 2: S’yang TUNAY! Ay MALI!
Panuto: Unawaing mabuti ang salitang may salungguhit sa sumusunod na pahayag. Isulat ang S’yang Tunay kapag ang salita ay angkop sa pahayag, Ay Mali Kapag ang salita ay di-angkop sa pahayag at ibigay ang tamang salita nito. Gawin ito sa sagutang papel.
Madaling maunawan ang mga Asyano sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang kaalaman.
Ang larangan ng humanidades ay saklaw ang sayaw, awitin, at dulaan o teatro, at sa pangkalahatan, ito ay nabibilang sa performing arts.
Isa sa mga kontribusyon ng Hapones ang Aikido na nangangahulugang ”daan tungo sa pagkakasundo”. Ito ay kabilang sa panitikan.
Si Funakoshi Gochin ay isang Pilipino na nakilala sa larong martial arts.
Sa larong martial arts, hinuhubog nito ang manlalaro sa pagiging mahinahon, pagiging responsable, at pagtitiwala sa sarili.
Gawain 3: Konsepto – Punan Mo!
Panuto: Punan ang mga kahon ayon sa hinihinging konsepto. Gawin ito sa sagutang papel.
| Kontribusyon | Aspeto | Bansa | Rehiyon |
|---|---|---|---|
| Zarzuela | Humanidades | 1. | Timog-Silangan |
| Karate | 2. | Japan | 3. |
| Haiku | Panitikan | 4. | Silangan |
| Lakhon Fai Nai | Humanidades | Thailand | 5. |
| Aikido | 6. | Hapones | 7. |
| Moro-moro | 8. | 9. | Timog-Silangan |
| Sumo | 10. | Japan | Silangan |
Isaisip
Gawain: Ikahon-Wag Pakawalan!
Panuto: Sa loob ng kahon, magsulat ng limang pangungusap o higit pa para sa iyong pagbubuod ng katatapos na paksang aralin. Gamiting gabay sa pagsulat ang mga katanungan sa loob ng kahon. (Maaring gawin sa kuwaderno o sa kalahating bahagi ng papel.)
- Anong aral ang natutunan mo sa paksang mga kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya?
- Nararapat bang pahalagahan ang mga kontribusyong Asyano sa iba’t ibang larangan? Pangatwiranan!
- Ano-ano ang katangian na dapat taglayin ng mga nais magtagumpay sa larangan ng palakasan?
Pamantayan sa Pagbubuod
| Pamantayan | Puntos |
|---|---|
| Nilalaman (Kawastuhan ng ideya batay sa paksa) Organisado at nailalahad ng buong husay batay sa gabay na tanong | 10 5 |
| Kabuoang puntos | 15 |
Isagawa
Gawain: Aral Mo, Gawin Mo!
Panuto: Bilang isang mag-aaral at Asyano, magsulat ng isang tula o awitin (batay sa katatapos na aralin) na kung saan maipadadama mo ang iyong pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa kulturang Asyano. Isulat ito sa isang buong papel. Gawing batayan ang rubrics sa ibaba sa pagbuo ng tula o awitin.
Maaaring gumamit ng malayang tula/spoken poetry upang malaya mong mailalahad ang iyong damdamin sa pagpapahalaga ukol sa paksa. Ang awitin naman ay maaring Rap/Hiphop Music.
Rubrics sa Paggawa ng Tula o Awitin.
| Krayterya | Puntos |
|---|---|
| Nilalaman (Kaugnayan sa konsepto) | 10 |
| Paglalahad ng saloobin/damdamin | 8 |
| Mahusay na paggamit ng salita | 7 |
| Bigat ng mensahe na naiparating | 5 |
| Kabuuan | 30 |
Tayahin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan o pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.
- Silangang Asya: North Korea; Timog Silangang Asya _____________?
- A. South Korea
- B. Mongolia
- C. Japan
- D. Indonesia
- Pagpapares- paresin ang sumusunod. Alin ang tamang pares?
I. Kkoku Kaksi II. Zarzuela III. Moro-moro IV. Sumo
A. I, II B. II, IV C. II, IV D. III, IV
- Sino ang Asyanong pinakatanyag, hinahangaan sa daigdig bilang manlalaro ng NBA na may taas na 7’ 6”, at nagmula sa China?
- A. Wang Zhizhi
- B. Mengke Bateer
- C. Yao Ming
- D. Mave Ricks
- Ang sumusunod ay ilan lamang sa halimbawa ng teatro ng Japan. Alin sa sumusunod ang HINDI kasama dito?
- A. Noh
- B. Kabuki
- C. Bankuru
- D. Yuan Zaju
- Ang sumusunod ay pawang mga Asyanong kilala sa buong mundo. Ano ang iyong nahihinuha sa kaisipang ito?
I Weshiba Morihei: Palakasan
II. Rustam Effendi: Teatro
III. Zeami Mookiyo : Teatro
IV. Katsushika Hokusai : sining ”The Great Wave off Kanagawa”
- A. Ang Asyano ay magagaling at kilala sa buong mundo.
- B. Ang Asyano ay hinahangaan sa buong mundo.
- C. Ang Asyano ay maipagmamalaki sa buong daidig sa iba’t ibang larangan.
- D. Ang Asyano ay lumalaban at di umuurong sa anumang labanan.
- Ang larangan ng palakasan ay isa sa naging daan upang magkabuklod-buklod ang Asyano. Isang patunay ng pagpapahalagang binigay sa larangang ito ay ang nakaraang ika-30 South East Asian Games. Saan at kailan ito isinagawa?
- A. Pilipinas: Nobyembre 30, 2019 – Disyembre 11, 2019
- B. Japan:Nobyembre 30, 2019- Disyembre 11, 2019
- C. South Korea: Nobyembre 11, 2019 – Disyembre 3, 2019
- D. China: Nobyembre 11, 2019 – Disyembre 3, 2019
- Ang martial arts ng Japan ay hango sa wikang Hapones, tulad ng Ju-jitsu na ang ibig sabihin nito ay sining sa pagkamahinahon. Ano ang nililinang sa manlalaro nito?
- A. Ang kakayahang harapin ang kalaban manalo man o matalo
- B. Ang kakayahan ng manlalaro na makipagkasundo upang manalo
- C. Ang kakayahang makipagkamay sa kalaban kapag nanalo sa laro
- D. Ang kakayahan ng manlalaro na hindi magalit o mayamot sa kaniyang katunggali habang nakikipaglaban
- Unawain ang konseptong ito: Moro-moro : Pilipinas; Kkoku-Kaksi : _________
- A. Korea
- B. Myanmar
- C. Thailand
- D. Indonesia
- Ang Zarsuela ay isang dulang may kantahan at sayawan na nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ano ang halaga ng Zarsuela sa mga Pilipino?
- A. Ang Zarsuela ay nakaaaliw sa damdamin.
- B. Ang Zarsuela ay nakapagpapasigla ng katawan.
- C. Ang Zarsuela ay nakapagpapadakila sa puso at kaluluwa.
- D. Ang Zarsuela ay nagbibigay halaga sa larangan ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.
- Nakilala ang martial arts na ito dahil sa malawakang pagpapakita nito sa mga telebisyon at nagmula ito sa Thailand. Ito ay ginagamitan ng teknik na pagsuntok ng mga Kanluranin at teknik na pagsipa naman mula sa martial arts ng Silangan. Ano ang palakasang ito?
- A. Kickboxing
- B. Sumo
- C. Judo
- D. Karate
Karagdagang Gawain
Gawain: Hahanapin, Iipunin at Ipakikita Mo!
Panuto: Gumawa ng isang album o clippings ng mga Asyano mula sa Silangan at Timog-Silangang Asya na nagpatanyag sa larangan ng panitikan, performing arts, at palakasan. Gawin ito sa sagutang papel.
Pamantayan sa Pagmamarka ng Album/Clippings
| Pamantayan | Puntos |
|---|---|
| • Nilalaman (Kompleto at komprehensibo ang nilalaman) • Presentasyon (Malinaw, organisado, simple at tamang pagkasunod-sunod ng presentasyon ng mga larawan) • Pagkamalikhain (Malikhain, komprehensibo ang nabuong album/clippings) | 15 10 5 |
| Kabuoang Puntos | 25 |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer key is transcribed in reading order from the three columns]
Subukin at Tayahin
- D
- D
- C
- D
- C
- A
- D
- A
- D
- A
Balikan
- Militar
- Ekonomiko
- Kultural
- Pulitikal
- Ekonomiko
Tuklasin
Gawain 1: SALITA-BUUIN
- PALAKASAN
- TEATRO
- PANITIKAN
- PILIPINO
- KULTURA
Pagyamanin
Gawain 1
- Choi Hong Hi
- Indonesia
- Palakasan
- Noh
- China
- karate
- Kung Fu
- Noh
- Kato
- Judo
Gawain 2
- Ay mali – kultura
- Syang tunay
- Ay Mali – martial arts
- Ay Mali – boksing
- Syang Tunay
Gawain 3
- Pilipinas
- Palakasan
- Silangan
- Japan
- Timog-Silangang Asya
- Palakasan
- Timog-Silangang Asya
- Humanidades
- Pilipinas
- Palakasan
[transcriber’s note: a stray “3.” appears near the end of the printed Gawain 3 column and is not part of the answer list]
Sanggunian
A. Modyul
Project Ease ( Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan II, Module 16, Sining ng Teatro at ang Martial Arts Asya, Bureau of Education,DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply