This is the Araling Panlipunan 6 self-learning module for Quarter 4, Module 7: “Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran” (the roles of government and citizens in achieving progress). It is written for Grade 6 learners studying at home and has one lesson. After working through it, learners should be able to discuss how the government and its citizens each help the country develop.
The module is in Filipino. It was prepared by the Schools Division of Sagay City, DepEd Region VI (Western Visayas), as an Alternative Delivery Mode (ADM) material, first edition 2019.
What learners will learn
The module states one objective. Learners will be able to:
- Discuss the roles (gampanin) of the government and citizens in achieving the country’s progress.
Along the way, the module explains why taking part in government programs and projects matters. It also covers the duties of citizens in keeping peace and order in the country.
Lessons in this module
- Aralin 1: Tungkulin ng Mamamayan sa Kaunlaran (duties of citizens in progress). The lesson explains that a country develops when its citizens work together and its leaders serve honestly. It then describes eight duties of a good citizen.
Eight duties of a citizen
The module says that discipline, honesty, and obeying rules and laws help the country progress. It lists these duties:
- Pagtupad sa mga tungkuling panlipunan at pansibiko (fulfilling social and civic duties). Citizens should care for natural resources, care for others, and avoid harmful acts. Examples are joining tree planting, coastal clean-ups, and community outreach programs, or helping groups such as World Vision Foundation, Bantay Bata Foundation, and other accredited NGOs.
- Matapat at maagap na pagbabayad ng buwis (paying taxes honestly and on time). The module calls taxes the “dugo ng ating bayan” (lifeblood of the nation) because all government projects come from them. Without taxes, public works stop, public buildings go unpaid, people in need go without help, and public workers lose their pay.
- Pagtitiwala sa sariling kakayahan (self-reliance). Every person has abilities that can help the country, and confidence in them keeps people from always depending on others.
- Pagiging kapaki-pakinabang na mamamayan (being a productive citizen). Education is key here, as in the saying “Ang pag-aaral ang susi sa kaunlaran” (education is the key to progress).
- Paggalang sa batas at sa may kapangyarihan (respect for the law and for authority). “No one is above the law”; when everyone follows the law, society is peaceful.
- Paggalang sa karapatan ng kapwa (respecting the rights of others). The module cites Confucius: do not do to others what you do not want done to you.
- Maayos na paggamit ng kagamitang pambayan (proper use of public property). Public buildings are paid for with the people’s money, so citizens should take care of them and report anyone who damages them.
- Maayos na paggamit ng kapangyarihan (proper use of power). Leaders should serve honestly and not use power for personal gain. Citizens should watch how leaders govern and report human rights violations and corruption.
The Isaisip (summary) part adds that saving money, buying local products, and using natural resources wisely also help the country.
Activities in the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Write duties of a citizen in a graphic organizer |
| Balikan (review) | Mark each statement S for cause (sanhi) or B for effect (bunga), e.g. illegal logging and flooding |
| Tuklasin (discover) | Study a picture of a developed community and answer two questions |
| Suriin (lesson) | Read about the eight duties |
| Pagyamanin (practice) | Suggest solutions to three problems: trash in rivers, ignoring social distancing, classmates damaging school property |
| Isagawa (apply) | Make a poster on fulfilling one’s duties as a citizen, scored with a rubric |
| Tayahin (assessment) | Five multiple-choice questions |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Write a journal on the importance of joining government activities, scored with a rubric |
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin, then follow the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. Ask your teacher right away if a part is unclear.
- Parents and guardians: The module’s answer key (Susi sa Pagwawasto) lets you check the Tayahin answers. The module asks that it be used honestly, so let your child answer first before checking.
- Teachers: The poster and journal tasks come with rubrics (for example, informativeness, creativity, and accuracy for the poster) that you can use for scoring. The Subukin has no fixed answers.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 6 Araling Panlipunan, Quarter 4, Module 7.
What does the module teach?
It teaches the roles of the government and citizens in national progress, focusing on eight duties of citizens such as paying taxes, respecting the law, and taking care of public property.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers to the Tayahin (1 D, 2 B, 3 C, 4 B, 5 D) and notes that Subukin answers may vary.
Why does the module call taxes the lifeblood of the nation?
Because all government projects are funded by taxes. Without them, public works, aid for people in need, and the salaries of public workers could not be paid.
How many lessons are in this module?
It has one lesson: Aralin 1, Tungkulin ng Mamamayan sa Kaunlaran (duties of citizens in progress).
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 7 Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran
6
[illustration: students reading, writing, and studying with a globe and a lantern; a teacher in a red blouse helps a learner at a desk]
CO_Q4_AP6_Module7
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Module 7: Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran
First Edition, 2019
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Secretary: Leonor Magtolis Briones Undersecretary: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo ng Modyul
Manunulat: Jozel G. Monotilla Mga Tagaguhit: Meljune Nufable Grapikong Taga Disenyo: Joeval P. Romelo, Mayo P. Villamor Editor: Jordan T. Beleganio, Joy B. Fernandez, Rizza Mae E. Flores, Ryan Alvarez Tagasuri: Marlon C. Dublin, Mayo P. Villamor, Bella P. balandra, Analee B. Alingco Mga Tagasuri at Editor: Jordan T. Beleganio, Joy B. Fernandez, Rizza Mae E. Flores, Ryan Alvarez Mga Tagapangasiwa: Ramir B. Uytico, Arlene G. Bermejo, Pedro T. Escobarte, Ruby Therese P. Almencio, Elina D. Gonzaga, Nenita P. Gamao, Donald T. Genine, Jordan T. Beleganio, Celestino Dalumpines, Mary Hazel Vivien Pineda, Marlon C. Dublin
Printed in the Philippines by _____________________ Department of Education – Region VI- Western Visayas
Office Address: Schools Division of Sagay City, Quezon St.,Brgy Poblacion 1, Sagay City, Neg. Occ, 6122 Telefax: (034) 488-0415; 488-0416 E-mail Address: sagay.city001@deped.gov.ph
6
Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan–Modyul 7 Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan sa Pagkamit ng Kaunlaran
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target with an arrow, decorative icon]
Kumusta? Alam mo ba kung paano makakamit ang kaunlaran ng isang bansa? Sa panahong ito kung saan ay may napakaraming suliraning pang-ekonomiya, nakapag-isip ka na ba kung paano makakatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa? Nakikilahok ka ba sa mga programa at proyekto ng ating pamahalaan? Alam mo ba na malaki ang maitutulong nito sa pag unlad ng ating bansa?
Sa modyul na ito, malalaman mo ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga programa o proyekto ng pamahalaan sa pag unlad ng bansa. Atin ring tatalakayin ang mga tungkulin ng isang mamamayan sa pagkamit ng kaayusan at katahimikan ng isang bansa.
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin:
➢ Aralin 1- Tungkulin ng Mamamayan sa Kaunlaran
Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makakagawa:
- Natatalakay ang mga gampaning ng pamahalaan at mamamayan sa pagkamit ng kaunlaran ng bansa.
Subukin
[illustration: sprouting plant, decorative icon]
Isulat sa organizer ang sa palagay mong TUNGKULIN ng isang mamamayan upang makatulong sa pag-unlad ng ating bansa. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Aralin 1 Tungkulin ng Mamamayan sa Kaunlaran
[chart: graphic organizer; a central oval labeled “TUNGKULIN” with four arrows pointing to four empty rounded boxes (top, left, right, bottom). The boxes have no printed text; transcriber’s note: the boxes are blank for the learner to fill in]
Upang makatulong tayo sa pag-unlad ng ating bansa, kailangan nating maging aktibo sa pakikilahok sa iba’t-ibang gawain na magpapaunlad sa ating bansa. Marami tayong magagawa kung bukal sa puso natin ang hangaring tumulong sa ating kapwa at sa ating bayan. Sa Araling ito ay matutunghayan mo ang iba’t-ibang tungkulin ng isang mamamayan upang makamit ang kaunlaran ng ating bansa.
Balikan
[illustration: puzzle pieces, decorative icon]
Panuto: Basahin ang mga pangungusap o parirala sa bawat bilang. Isulat ang titik S sa sagutang papel kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sanhi at B kung tumutukoy sa Bunga o Epekto.
- Lumalala ang suliranin sa pagkagumon sa droga ng maraming tao.
- May mga bawal na gamut na naipapasok nang ilegal sa bansa.
- Natatakot mangisda ang mga Pilipino sa West Philippine Sea.
- May mga barkong pandagat ang Tsina ang nagpapatrolya sa West Philippine Sea.
- Maraming kagubatan ang nakakalbo dahil sa ilegal na pagtotroso (illegal logging).
- Naging malala ang pagbaha sa ilang mga probinsiya sa panahon ng bagyo.
Tuklasin
[illustration: sprouting plant, decorative icon]
Ang pag-unlad ng isang bansa ay bunga ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan dahil sa maayos at tapat na paglilingkod ng mga pinuno ng pamahalaan. Masdan ang larawan at isulat ang sagot sa kwaderno ang mga kaugnay na tanong sa ibaba.
[illustration: black-and-white scene showing farmland with a palm tree and crops, a fishing boat with baskets, factories with smokestacks, a teacher at a blackboard marked “ABC”, a uniformed police officer, students in uniform, and a farmer with a hat and a bundle of produce]
Pag-isipan Mo!
- Batay sa larawan, ano -ano ang mga katangian ng isang bansang maunlad? Magbigay ng 2 -3 katangian.
- Bilang isang mamamayan ano ang maaari mong gawin upang makatulong ka sa pag-unlad ng ating bansa?
Suriin
[illustration: magnifying glass with a question mark, decorative icon]
Bawat mamamayan sa ating bansa ay may kani-kaniyang tungkulin na dapat gampanan. Sinasabi na ang pagkakaroon ng disiplina, pagiging tapat at ang pagsunod sa mga patakaran at batas ay makatutulong sa pag-unlad ng ating bansa.
Ikaw, taglay mo ba ang mga katangiang ito? Kung oo ang sagot mo, siguradong makatutulong ka sa ating bansa.
May mga tungkuling ginagampanan ang isang matapat na mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
A. Pagtupad sa mga tungkuling Panlipunan at Pansibiko ng Mamamayan
- Bilang isang mamamayan, tungkulin nating makilahok sa mga gawaing pansibiko tulad ng pangangalaga ng likas na yaman ng bansa, pagmamalasakit sa kapwa, at pag-iwas sa mga gawaing nakasasama sa kapwa. Ilan lamang ito sa mga gawaing makatutulong sa pag-unlad ng bansa. Ito ang magiging daan upang maibsan ang suliraning kinakaharap ng ating pamahalaan lalo na’t tayo’y nasa kasalukuyang sitwasyon ng pandemya. Kailangan nating makiisa sa mga programa ng pamahalaan at maaari ring mag-organisa ng mga programa na may kaugnayan sa pagtulong sa ating kapwa. Halimbawa na lamang dito ay ang mga programang may kaugnayan sa kapaligiran gaya ng tree planting, coastal clean-up, at mga community outreach program. Maaari tayong makiisa sa mga samahan na naglalayong tulungan ang mga mamamayan gaya ng World Vision Foundation, Bantay Bata Foundation, at iba pang mga accredited na Non-Government Organizations (NGOs) sa bansa.
B. Matapat at maagap na pagbabayad ng buwis
- Isa pang tungkulin ng mamamayan ay ang matapat at maagap na pagbabayad ng buwis. Tungkulin ng bawat mamamayang kumikita at may ari-arian ang magbayad ng tamang halaga ng buwis. Ang buwis ang itinuturing na “dugo ng ating bayan” sapagkat nagbibigay buhay ito sa ating bansa. Ang lahat na mga proyektong ipinatutupad ng pamahalaan ay nagmumula sa buwis. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng taong-bayan ang magbayad nito. Ang hindi pagbabayad ng buwis ay maraming negatibong epekto sa pag-unlad ng bansa. Ilan sa mga ito ay mga sumusunod:
a. Hindi maipapatupad ang mga gawaing bayan b. Hindi mababayaran ang mga bayarin ng pampublikong gusali c. Hindi matutulungan ang mga nangangailangan ng tulong d. Mawawalan ng sahod ang mga pampublikong manggagawa
C. Pagtitiwala sa sariling kakayahan
- Ang bawat indibidwal ay may angking kakayahan na makatutulong sa pag-unlad ng bansa. Kailangan lamang ng bawat isa ang tiwala sa kanyang sarili. Ang pagkakaroon ng pagtitiwala sa sariling kakayahan ay magbubunsod sa isang tao na huwag umasa sa ibang tao na paggambala sa kanila sa paghingi ng tulong. Ang mamamayang may maraming kakayahan ay kailangan sa pagsulong at pagpapabuti ng pangkalahatang kalagayan ng pangkabuhayan ng bansa.
D. Pagiging kapaki-pakinabang na mamamayan
- Ang bawat mamamayan ay kinakailangang maging produktibo. Magiging madali ang pag-unlad ng isang bansa kung ang lahat ng tao ay may naitutulong sa pag-unlad ng bansa. Upang maisakatuparan ito, ang bawat isa ay kinakailangang makapagtamo ng tamang edukasyon. Lagi nating maririnig ang kasabihan ng mga matatanda na “Ang Pag-aaral ang susi sa kaunlaran“. Tama ang kasabihang ito, dahil kapag ang lahat ng mamamayan ay nakapag-aral, lahat ay magiging produktibo at makakapag-ambag sa kaunlaran ng bansa. Lahat ay may trabaho at hindi kailangan laging umasa sa tulong ng pamahalaan.
E. Paggalang sa batas at sa may kapangyarihan
- “No one is above the law“. Isang kasabihan na palagi nating naririnig. Isang katotohanan na dapat sundin at respetuhin ng sambayanan.
Kung ang lahat ng tao ay marunong sumunod sa batas, makakamit natin ang katahimikan sa ating lipunan.
F. Paggalang sa karapatan ng kapwa
- Ayon sa kasabihan ni Confucius, “Huwag mong gawin sa iyong kapwa, ang mga bagay na ayaw mong gawin ng kapwa mo sa iyo“. Nangangahulugan na kinakailangan nating igalang ang karapatan ng ibang tao. Ang paggalang ng karapatan ng ibang tao ay magdudulot ng katahimikan at kaayusan sa isang lipunan. Subalit kung patuloy ang pagyapak natin sa karapatan ng iba, magiging magulo ang lipunan na magiging hadlang sa kaunlaran ng bansa.
G. Maayos na paggamit ng kagamitang pambayan
- Ang ating pamahalaan ay nagpapatayo ng mga gusaling pambayan at mga pampublikong tanggapan. Ito ay upang maging maayos ang serbisyo ng ating pamahalaan at maging matiwasay ang pamumuhay ng sambayanan. Bilang ganti, ang bawat kasapi ng lipunan ay kailangan pag-ingatan ang lahat ng proyektong ito sa pamamagitan ng tamang paggamit nito. Laging isipin na pera ng taong bayan ang ginastos sa pagpapagawa ng mga ito kung kaya’t obligasyon nating ingatan ang mga bagay na nagawa ng pamahalaan. Ang bawat kasapi ng lipunan ay nararapat na magbantay upang mapangalagaan ang pampublikong proyekto. Nararapat na isumbong sa mga kinauukulan ang sinumang nakita na sumisira sa mga proyektong ito.
H. Maayos na Paggamit ng Kapangyarihan
Ang ating bansa ay isang bansang malaya. Tayo ang pumipili ng mga pinunong mamamahala sa ating bansa. Bilang pinuno, nararapat na maglingkod siya ng tapat sa taong bayan. Hindi niya dapat gamitin ang kapangyarihang ibinigay sa kanya para sa pansariling kapakanan. Ang mabuting pinuno ay matapat sa kanyang tungkulin sa bansa, malinis at may dangal at pinagkakatiwalaan ng taong bayan. Modelo rin siya sa pagsunod sa batas.
Bilang ordinaryong mamamayan, obligasyon rin nating bantayan ang uri ng pamamalakad ng ating mga pinuno. Kailangan nating isumbong sa may kinauukulan kung may mga paglabag sa karapatang pantao at kurapsyon na nagaganap sa pamahalaan, lokal man o nasyonal.
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Bumuo ng posibleng solusyon sa problema. Isulat ang sagot sa papel.
- Patuloy ang pagtapon ng mga basura sa ilog na naging daan ng matinding pagbaha sa komunidad.
Solusyon:
_____.
- Hindi sumusunod ang mga tao sa Social Distancing na ipinatutupad ng kanilang lokal na pamahalaan. Dahil dito, patuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa kanilang lugar.
Solusyon:
_____.
- Nakita mong sinisira ng iyong mga kaklase ang pampublikong kagamitan kagaya ng aklat at mga silya ng paaralan.
Solusyon:
_____.
Isaisip
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng tao sa pag unlad ng bansa. Ang kaunlaran nito ay nakasalalay sa mga mamamayan. Mahalagang alam natin ang ating mga tungkulin at mga dapat gawin. Makakatulong ang pagtitipid at pagtangkilik ng mga produktong sariling atin. Dapat alam natin ang wastong paggamit ng ating likas na yaman at pahalagahan natin ito.
Ilan sa mga tungkulin ng mga mamamayan ay ang mga sumusunod:
A. Pagtupad sa mga tungkuling Panlipunan at Pansibiko ng Mamamayan B. Matapat at maagap na pagbabayad ng buwis C. Pagtitiwala sa sariling kakayahan D. Pagiging kapaki-pakinabang na mamamayan E. Paggalang sa batas at sa may kapangyarihan F. Paggalang sa karapatan ng kapwa G. Maayos na paggamit ng kagamitang pambayan H. Maayos na Paggamit ng Kapangyarihan
Isagawa
Panuto: Gumawa ng poster tungkol sa kahalagahan ng pagtupad ng tungkulin bilang isang mamamayan. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba.
[transcriber’s note: empty box on the page, for the learner’s poster; no printed text inside]
RUBRIK SA PAGGAWA NG POSTER
| Mga Kraytirya | Napakagaling (5 puntos) | Magaling (4 puntos) | May Kakulangan (3 puntos) | Nakuhang Puntos |
|---|---|---|---|---|
| IMPORMATIBO/ PRAKTIKALIDAD | Ang nabuong poster ay nakapagbibigay ng kompleto, wasto, at napakahalagang impormasyon tungkol sa ……… | Ang nabuong poster ay nakapagbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa ……… | Ang nabuong poster ay kulang sa sapat na impormasyon tungkol sa ……… | |
| MALIKHAIN | Ang pagkakadesenyo ng poster ay angkop sa paksa. | Ang pagkakadesenyo ng poster ay may kakulangan ng impormasyon. | Ang pagkakadesenyo ng poster ay hindi angkop sa paksa. | |
| KATOTOHANAN | Ang poster ay nagpapakita makatotohanang pangyayari. Ang nilalaman nito ay may bias o dating sa madla. | Ang poster ay nagpapakita ng pangyayari. Ang nilalaman nito ay may dating sa madla. | Ang poster ay nagpapakita ng iilang pangyayari. Ang nilalaman nito ay walang dating sa madla. | |
| Kabuuang Puntos |
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
- Bakit kinakailangang magbayad ng buwis ang bawat mamamayan?
A. dahil ito ang magpapayaman sa ating bansa B. dahil ito ang susi ng karunungan C. dahil mahal natin ang ating bayan D. dahil dito kinukuha ang gastos sa mga proyekto ng pamahalaan at iba pang pangangailangan ng bansa
- Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tungkulin mo sa ating kapaligiran?
A. Pagrespeto sa karapatan ng ibang tao B. Pagtapon ng basura sa tamang kinalalagyan C. Pagboto ng tamang kandidato D. Pagsunod sa curfew
- Ano ang maaaring maging epekto kung hindi natin sinusunod ang batas ng pamahalaan?
A. Magkakaroon ng pagbaha B. Masisira ang ating kabundukan C. Magkakagulo sa ating lipunan D. Magiging maunlad ang ating bayan
- Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa paglutas ng mga suliranin sa kapaligiran?
A. Magbayad ng buwis B. Magtanim ng mga punong kahoy sa bundok C. Magsimba tuwing araw ng linggo D. Makinig sa mga balita sa radio
- Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng mamamayan maliban sa isa. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang.
A. Pagtupad sa mga tungkuling panlipunan at pansibiko ng mamamayan B. Matapat at maagap na pagbabayad ng buwis C. Paggalang sa batas at sa may kapangyarihan D. Pagsali sa mga organisasyong may taliwas na hangarin sa pamahalaan
Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng isang journal sa hiwalay na papel tungkol sa kahalagahan ng pakikiisa sa mga gawain ng Pamahalaan. Gawing batayan ang rubriks sa ibaba.
| Pamantayan | Katangi-tangi 12-15 | Mahusay 11-8 | Kailangan pa ng Dagdag na Pagsasanay 5-7 | Nakuhang Puntos |
|---|---|---|---|---|
| Impormasyon | Tiyak at kompleto ang mga Impormasyon | Tiyak ngunit may ilang kulang sa mga impormasyon | Hindi tiyak at maraming kulang sa mga impormasyon | |
| Paglalahad ng mga Reaksiyon o Opinyon | Malinaw at nakatwiran ang lahat ng mga reaksiyon o opinion. | Malinaw ngunit hindi makatwiran ang ilang mga reaksiyon o opinyon | May kalabuan ang ibinigay na reaksiyon, opinion at katwiran | |
| Ilustrasyon o Halimbawa | Sapat, angkop, at maayos na naihanay ang mga ilustrasyon at halimbawa upang mabigyang diin ang mga punto | May ilang angkop na ilustrasyon at halimbawa upang mabigyang diin ang mga punto | Hindi gumamit ng ilustrasyon o halimbawa |
Susi sa Pagwawasto
Subukin
(Answer may vary)
Tayahin
- D
- B
- C
- B
- D
Balikan
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed sideways and upside down; the letters below are my best reading and the item pairing is uncertain]
- B
S - B
S - S
B
Sanggunian
Florencia C. Domingo, PhD., et. al., Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan I (Makati City: EdCrisch International, Inc. Binagong Edisyon 2010), 233-241
Dulay, S. (2014), “Tungkulin ng Mamamayan”, slideshare.net, July 24, 2014 https://www.slideshare.net/dulaysherwin72/tungkulin-ngmamamayan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply