This is the Araling Panlipunan 6, Quarter 4, Module 5 self-learning module (Alternative Delivery Mode, First Edition 2020), prepared by the Schools Division of Sagay City, DepEd Region VI – Western Visayas. Its title, “Mga Patakaran, Programa at Kontribusyon ng Bawat Pangulo Tungo sa Pag-unlad ng Bansa,” means the policies, programs, and contributions of each president toward the nation’s progress. It is for Grade 6 learners studying at home and covers the five presidents who served after the 1986 EDSA People Power Revolution, from Corazon Aquino to Benigno Aquino III.
The module is written in Filipino. It opens with a simple idea: the country needs a leader who can carry out the people’s needs and hopes and who protects their rights and welfare.
In this article 6 sections
What learners will learn
After the lesson, learners are expected to:
- Discuss the policies, programs, and contributions of each president toward the country’s progress
- List the accomplishments of each president
- Appreciate what each president did for the country’s development
Lessons in this module
The module has one lesson, “Mga Patakaran, Programa at Kontribusyon ng Bawat Pangulo Tungo sa Pag-unlad ng Bansa.” It looks at the problems each president faced and the programs and policies they used to address them.
Presidents and their programs
The lesson covers one administration at a time. Here are the main programs and contributions the module names.
Corazon C. Aquino (1986–1992)
President Cory faced hard problems as the country moved from dictatorship back to democracy. These included a weak economy, more rebels, peace and order, and reorganizing the government. Her programs included:
- Regional Development Councils, to develop the economy and social activities in each region
- Philippine National Police (formerly the Philippine Constabulary), to fight rising crime and disorder
- Omnibus Investment Code, to give businesses an orderly process for entering the country
- Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), to give farmers and landowners fair rights to the land they farm
- Generic Drug Law of 1988, to help people who cannot afford expensive medicine
- Education for All 1988, to give education to everyone, including adults who never went to school
- National Shelter Program, to give housing to people without homes
The module also highlights the return of democracy, free secondary education, and the Philippine Commission on Human Rights.
Fidel V. Ramos (1992–1998)
Ramos was a general of the Armed Forces of the Philippines and one of the leaders who removed the Marcos regime. His government focused on unity, stability, and cooperation. He led the Build-Operate-Transfer (BOT) scheme, in which private investors build and run infrastructure such as tollways, power plants, and railways, then turn control over to the government after a set period. His Philippines 2000 program aimed to tackle the country’s problems, give equal opportunity to all, and clean up anomalies in government. The module lists results such as a drop in inflation from 18.7% in 1992 to 4.6% in 1996 and a rise in tourists from 2.7 million to 10 million in 1996.
Joseph E. Estrada (1998–2001)
Estrada’s government centered on the “masang Pilipino” (the Filipino masses) and the welfare of the poor. His programs were JEEP ni Erap, a TV and radio program where he answered national issues, and the Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) against crimes like kidnapping and bank robbery. His term was cut short by the jueteng scandal, an impeachment trial, and the protests called EDSA II. The module credits him with modern teaching methods using instructional media, more computers in public schools, and stronger vocational and technical schools.
Gloria M. Arroyo (2001–2010)
Arroyo called for unity to build a “Matatag na Republika” (strong republic). Her programs were the Roll-on Roll-off System to lower the cost of moving people and goods between islands, the Expanded Value Added Tax (EVAT) to raise government income and reduce debt, and the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) to help poor families keep their children in school.
Benigno Simeon C. Aquino III (2010–2016)
The son of President Cory, he introduced the No “wang-wang” policy against the illegal use of sirens and the Enhanced Basic Education Act of 2013 (RA 10533), the K to 12 curriculum, because the Philippines was among the few countries with only ten years of basic education. The module also mentions the AFP Modernization Program and challenges such as the August 2010 Manila hostage crisis and the slow relief after typhoon Yolanda.
How to use this module
The module follows the usual SLM parts: Subukin (pretest), Balikan (review of the 1986 EDSA People Power Revolution), Tuklasin, Suriin (the discussion above), Pagyamanin (a timeline of presidents), Isaisip (summary table), Isagawa, Tayahin (final test), and Karagdagang Gawain (a chart to complete). An answer key is at the end.
- Learners: Take the pretest first, then work through each part in order. Write all answers on separate paper and do not mark the module. For Isagawa, write an essay on the theme “Pangulo Ako, Lider ng Bansa Ko” (I am president, leader of my country) about a problem you would solve. It is scored on content (45%), relevance to the theme (30%), and word use (25%).
- Parents: Help your child stay honest when checking answers with the key, and contact the teacher if your child has trouble understanding the lesson.
- Teachers: Use the pretest results to see who needs more help, and use the rubric to score the essay, since the answer key refers you to it.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 6 Araling Panlipunan, Quarter 4, Module 5.
Which presidents does the module cover?
It covers Corazon C. Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph E. Estrada, Gloria M. Arroyo, and Benigno Simeon C. Aquino III, the presidents after the 1986 EDSA People Power Revolution.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the pretest, review, timeline, final test, and extra activity. The essay is scored with the rubric instead.
Which president started the 4Ps and the K to 12 program?
According to the module, Gloria M. Arroyo implemented the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), and Benigno Aquino III implemented K to 12 through RA 10533.
What is the Build-Operate-Transfer scheme?
It is a Ramos-era scheme in which private investors build and run infrastructure such as tollways, power plants, and railways, then hand control to the government after a set period.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 5 Mga Patakaran, Programa at Kontribusyon ng Bawat Pangulo Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
6
[illustration: students reading and studying outdoors, at a table with a teacher, beside a child reading by lamplight, and a student with a globe]
CO_Q4_AP6_Module 5
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Quarter 4 – Module 5: Mga Patakaran, Programa at Kontribusyon ng Bawat Pangulo Tungo sa Pag-unlad ng Bansa First Edition, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Printed in the Philippines by ________________________ Department of Education – Region VI- Western Visayas Office Address: Schools Division of Sagay City, Quezon St., Brgy Poblacion 1, Sagay City, Neg. Occ, 6122 Telefax: (034) 488-0415; 488-0416 E-mail Address: sagay.city001@deped.gov.ph
Mga Bumuo ng Modyul
| Tungkulin | Pangalan | Pangalan |
|---|---|---|
| Manunulat: | Mark Twain V. Patiño | |
| Mga Tagaguhit: | Lovely Salve | |
| Grapikong Taga- disenyo: | Joeval P. Romelo | Mayo P.Villamor |
| Mga Naglapat: | Ma. Analyn V. Villamor | Bella P. Balandra |
| Analee B. Alingco | Mayo P. Villamor | |
| Florendo S. Galang | ||
| Mga Tagasuri at Editor: | Jordan T. Beleganio | Joy B. Fernandez |
| Rizame E. Flores | Ryan Alvarez | |
| Mga Tagapangasiwa: | Ma. Gemma M. Ledesma | Josilyn S. Solana |
| Elena P. Gonzaga | Arlene G. Bermejo | |
| Jerry A. Oquendo | Nenita P. Gamao | |
| Donald T. Genine | Marlon C. Dublin |
[transcriber’s note: the header row “Tungkulin | Pangalan | Pangalan” was added because the printed box has no column headers; the box title is “Mga Bumuo ng Modyul”]
6
Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 5 Mga Patakaran, Programa at Kontribusyon ng Bawat Pangulo Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
CO_Q4_AP6_MODULE 5
Alamin
Kailangan ng isang pinuno na magkakasakatuparan ng mga hinaing at mga hangarin ng taong bayan para sa ikauunlad ng bansa. Ang pinuno rin ang tumataguyod sa mga karapatan at kapakanan ng taong bayan.
Sa modyul na ito ay maiisa-isa mo ang mga patakaran, programa at kontribusyon ng bawat pangulo tungo sa pag-unlad ng bansa.
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin:
- Aralin 7: Mga Patakaran, Programa at Kontribusyon ng Bawat Pangulo Tungo sa Pag-unlad ng Bansa.
Pagkatapos mong gawin ang aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makakagawa ng mga sumusunod:
- Matatalakay ang mga patakaran, programa at kontribusyon ng bawat pangulo tungo sa pag-unlad ng bansa;
- Maiisa-isa ang mga nagawa ng bawat pangulo tungo sa pag-unlad ng bansa;
- Mabibigyang halaga ang mga nagawa ng bawat pangulo tungo sa pag-unlad ng bansa.
Subukin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang √ kung tama ang ipinahahayag na kaisipan at X naman kung ito ay mali.
_____ 1. Maraming pagbabago ang naganap sa ating bansa pagkatapos ng Batas Militar.
_____ 2. Walang pagbabago sa sistema ng edukasyon pagkatapos ng Batas Militar.
_____ 3. Si Cory Aquino ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas.
_____ 4. Naging senador muna ng ating bansa si Benigno Simeon C. Aquino III bago naging pangulo.
_____ 5. Si Pangulong Fidel V. Ramos ay dating pulis.
Aralin 1: Mga Patakaran, Programa at Kontribusyon ng Bawat Pangulo Tungo sa Pag-unlad ng Bansa
Pagkatapos ng 1986 EDSA People Power Revolution ay sari-saring patakaran at programa ang ipinatupad ng iba’t- ibang pangulo. Alamin natin kung anu-ano ang mga programang ito.
Balikan
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI naman kung kabaliktaran.
_____ 1. Isa sa mga nagpasimuno ng 1986 EDSA People Power Revolution si Fidel V. Ramos.
_____ 2. Naging madugo ang 1986 EDSA People Power Revolution.
_____ 3. Pagkakaisa ang susi ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution.
_____ 4. Malaki ang ambag ng simbahan sa tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution.
_____ 5. Isa sa mga pangyayaring nagtulak upang magkaroon ng 1986 EDSA People Power Revolution ay ang pagpatay kay Ninoy Aquino.
Tuklasin
[illustration: cartoon of a city skyline, a police badge, houses, a woman speaking to seated people, pill packs, and two workers at a road; banner labels read as follows]
Banner labels: PHILIPPINE NATIONAL POLICE; PNP; REGIONAL DEVELOPMENT COUNCIL; NATIONAL SHELTER PROGRAM; EDUCATION FOR ALL; OMNIBUS INVESTMENT CODE; GENERIC DRUG LAW; COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM (CARP)
“Ang isang pinuno ang nakakaalam ng tama, gumagawa ng tama at nagpapakita ng tama” mula kay John C. Maxwell. Ito ang hamon sa mga naging pangulo ng ating bansa. Anu-ano kaya ang mga suliranin na kinaharap ng ating mga pangulo sa panahon ng kanilang panunungkulan? Anu-ano kaya ang kanilang mga naging patakaran at programa upang masolusyunan ang mga suliraning ito?
Suriin
[photo: Corazon C. Aquino seated and speaking at a table in front of a backdrop with a seal; caption: https://www.google.com/search?q=cory+aquino&tbm=isch&ved=2ahUKEwiukJrO7p3wAhUENqYKHUsgAeoQ2cCegQIABAC&oq=cory&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQARgAMgcIABCxAxBDMgUIABCxAzICCAAyAggAMgUIABCxAzoECAAQQzoGCAAQBxAeOgQIABAYOgYIABAFEB46CAgAELEDEIMBUKOCA1jHmQNgg6wDaABwAHgDgAHuAYgB_BaSAQUwLjguN5gBAKABAbABAMABAQ&sclient=mobile-gws-wizimg&ei=KLiHYK7cGITsmAXLwITQDg&bih=560&biw=360&client=ms-android-samsung-gjrev1&prmd=inv#imgrc=hVInlhwdg_Y8LM]
Ang Administrasyon ni Pangulong Corazon C. Aquino (1986- 1992)
Hindi naging madali ang mga unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Cory sapagkat siya’y humarap sa matitinding suliranin sa pagbabago ng pamamahala mula sa diktadurya patungong demokrasya. Kabilang na sa mga problemang ito ay ang hindi matatag na ekonomiya ng bansa, pagdami ng mga rebelde, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at pagsasaayos ng sangay ng pamahalaan.
Narito ang ilan sa mga programa at patakaran ni Pangulong Cory.
| Programa / Patakaran | Layunin |
|---|---|
| Pagtatatag ng mga Regional Development Council | Paunlarin ang ekonomiya at panglipunang gawain sa bawat rehiyon. |
| Paglikha ng Philippine National Police (dating Philippine Constabulary) | Pag-ibayuhin ang pagsugpo sa lumalalang krimen at kaguluhan sa bansa. |
| Omnibus Investment Code | Mabigyan ng maayos na proseso ang pagpasok ng negosyo sa bansa. |
| Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) | Magkaroon ng pantay na karapatan ang mga magsasaka at mga may-ari ng lupa na kanilang sinasaka. |
| Generic Drug Law ng 1988 | Matugunan ang pangangailangan ng mamamayang hindi kayang makabili ng mamahaling gamot. |
Education For All 1988 | Mabigyan ng edukasyon ang lahat ng mamamayan maging ang matanda na di nakapag-aral. National Shelter Program | Mabigyan ng sapat na pabahay ang mga mamamayang walang sariling tirahan.
Ang pagbabalik ng demokrasya at libreng edukasyon sa sekondarya ay ilan lamang sa mga mahalagang kontribusyon ng Pangulong Cory sa pag-unlad ng ating bansa.
[photo: portrait of Fidel V. Ramos]
Ang Administrasyon ni Pangulong Fidel V. Ramos (1992-1998)
Si Pangulong Fidel V. Ramos ay isang heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at isa sa mga nangunang magpatalsik sa rehimeng Marcos.
Nakatuon ang kanyang pamamahala sa konseptong pagkakaisa, katatagan, at pagtutulungan. Ninais ni Pangulong Ramos na makasabay ang Pilipinas sa mga karatig bansa nito kaya siya bumuo ng mga sumusunod na programa at patakaran.
[transcriber’s note: the table has no printed header row; the header cells are left empty]
| Programa / Patakaran | Layunin |
Nanguna sa pagpatupad ng Build-Operate-Transfer (BOT) | Ito ay isang scheme na kung saan ang pribadong mamumuhunan ay aanyayahang gumawa ng mga imprastraktura (tollways, powerplants, railways at marami pa). Sila rin ang magpapatakbo at ililipat sa pamahalaan ang pagkontrol nito makalipas ang takdang panahon upang maakit ang mga pribadong mamumuhunan sa ating bansa. Philippines 2000 | Mga layunin ng programang ito ay ang matalakay ang mga suliranin ng bansa, maibigay ang pantay na pagkakataon sa lahat at maisakatuparan ang isang bagong uri ng moralidad upang malinis ang mga anomaliya sa pamahalaan.
Sa loob ng kanyang panunungkulan ay naitala ang mga sumusunod:
- Napataas ang GNP (Gross National Product) nang 1.5%.
- Napalaki ang per capita income mula $840 noong 1992 sa $1,250 noong 1996.
- Napababa ang inflation rate mula 18.7% noong 1992 hanggang 4.6% noong 1996.
- Napataas ang halaga ng export products mula 4.3% noong 1991 sa 23.9% noong 1996.
- Maparami ang dayuhang mamumuhunan nang 20%.
- Napataas ang bilang ng mga turista mula 2.7 milyon sa 10 milyon noong 1996.
Ang Administrasyon ni Joseph E. Estrada (1998 – 2001)
Bukambibig ni Pangulong Estrada ang “masang Pilipino” sa kanyang panunungkulan. Ang kanyang programa ay nakatuon sa pagtugon sa mga kapakanan ng mga mahihirap. Sinikap niya na maiaangat ang pamumuhay ng mga Pilipino upang mabawasan ang pasanin ng mamamayan lalo na ang mahihirap.
[photo: portrait of Joseph E. Estrada]
| Programa / Patakaran | Layunin |
|---|---|
| JEEP ni Erap | Programa sa telebisyon at radyo na kung saan may pagkakataon ang Pangulo na sagutin ang mga isyung nakaaapekto sa bansa. |
| Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) | Tugunan ang lumalalang kriminalidad tulad ng kidnapping at bank robery sa bansa. |
Naging maikli ang panunungkulan ni Pangulong Estrada sapagkat siya ay nadawit sa jueteng scandal na humantong sa isang impeachment trial at pagpoprotesta ng mga tao na tinawag na EDSA II. Siya ay nahatulang nagkasala sa kasong pandarambong at nahatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ngunit pinatawad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2007.
Narito ang ilan sa mga naging kontribusyon ni Pangulong Estrada sa ating bansa:
- Pagtaguyod sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo gamit ang instructional media at educational technology.
- Tumaas ang bilang ng mga computers sa mga pampublikong paaralan at tumaas ang bilang ng mga gumagamit ng internet.
- Napasigla ang mga institusyong bokasyonal at teknikal lalo na ang mga politeknikong kolehiyo at unibersidad.
Ang Administrasyon ni Gloria M. Arroyo (2001- 2010)
Si Gloria M. Arroyo ang ika-labing-apat na pangulo ng bansa. Malakas ang kanyang panawagan na magkaisa ang mga Pilipino upang maitaguyod ang isang “Matatag na Republika”.
| Programa / Patakaran | Layunin |
|---|---|
| Roll-on Roll-off System | Mapababa ang gastusin ng pagbiyahe ng mga tao at kalakal sa iba’t-ibang pulo. |
| Expanded -Value Added Tax (EVAT) | Upang madagdagan ang kita ng pamahalaan at mabawasan ang utang ng bansa. |
| Pantawid Pamilyang Pilipino Program | Bigyan ng ayuda ang mahihirap na pamilya upang makapag-aral ang mga anak. |
[photo: portrait of Gloria M. Arroyo]
Naitala ang mga sumusunod:
- Pumalo sa average na 4.5% ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa panahon ng kanyang panunungkulan na higit na mataas sa mga nagdaang pangulo.
- Tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) ng 7%.
Ang Administrasyon ni Benigno Simeon C. Aquino III (2010- 2016)
Anak ng dating Pangulong Cory at nahalal bilang ika-labinlimang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nanumpa ang Pangulong Noynoy kay Conchita Carpio Morales, isang Associate Justice, dahil itinuring niyang midnight appointment ang pagkaluklok kay Chief Justice Renato Corona na kalauna’y napatalsik sa pwesto.
[photo: portrait of Benigno Simeon C. Aquino III]
| Programa / Patakaran | Layunin |
|---|---|
| No “wang-wang” policy | Upang maiwasan ang iligal na paggamit ng “wang-wang” ng ilang pribadong mamamayan. |
| Enhanced Basic Education Act of 2013 (RA 10533) o ang K-to-12 Curriculum ng Pilipinas | Upang mabago ang sistema ng edukasyon sa bansa dahil ang Pilipinas ay kabilang sa iilang bansa na sampung taon pa rin ang basic education. |
Maraming suliranin ang administrasyong Noynoy tulad ng Manila Hostage Crisis noong Agosto 2010 kung saan walong Hong Kong nationals ang namatay at humantong din sa pagkakapatay sa nag-hostage na si Rolando Mendoza. Ang pag-iwan ng malaking pinsala ng bagyong Yolanda na pinuna dahil sa mabagal na pagdating ng mga tulong sa mga biktima nito.
Ngunit sa kabilang banda marami ring naitalang magandang kontribusyon ang Pangulong Noynoy. Kabilang sa mga ito ang sumusunod:
- Ang AFP Modernization Program na ang layunin ay mapabilis ang pagtugon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mga suliranin gaya ng rebelyon, bagyo at kalamidad at iba pa;
- Pagtaas ng bilang ng mga may trabaho mula 92.7% noong 2010 sa 94.2% noong 2016.
Pagyamanin
Panuto: Kumpletuhin ang timeline sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay na papel.
[chart: timeline; Mga Pangulo ng Republika ng Pilipinas]
The timeline has six empty boxes, each with an upward arrow pointing to a year:
| 1986 | 1992 | 1998 | 2001 | 2010 | 2016 |
|---|---|---|---|---|---|
Isaisip
Narito ang mga naging pangulo ng Pilipinas at ang kanilang mahalagang nagawa:
| Pangulo | Taon ng Panunungkulan | Programa o Patakaran |
|---|---|---|
| Corazon C. Aquino | 1986- 1992 | Kabilang sa mga nagawa niya ang pagkakaroon ng Philippine Commission on Human Rights, libreng pansekondaryang pag-aaral. |
| Fidel V. Ramos | 1992- 1998 | Unti-unti niyang napaganda ang takbo ng ekonomiya sa kanyang programang Philippines 2000, napadami ang dayuhang mamumuhunan dahil sa Build-Operate-Transfer (BOT) Scheme. |
| Pangulo | Taon ng Panunungkulan | Programa o Patakaran |
|---|---|---|
| Joseph E. Estrada | 1998- 2001 | Naging sentro ng pamamahala niya ang “Masang Pilipino”. Inilunsad niya ang JEEP ni Erap ngunit siya ay nadawit sa Jueteng scandal at napatalsik sa pwesto sa pamamagitan ng People Power II. |
| Gloria M. Arroyo | 2001- 2010 | Ipinatupad niya ang E-VAT at naibsan ang utang ng bansa. Ipinatupad din ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program. |
| Benigno C. Aquino III | 2010- 2016 | Sa kaniyang panunungkulan naipatupad ang K to 12 Education Curriculum at naaisakatuparan ang AFP Modernization Program. |
Isagawa
Panuto: Kung ikaw ay magiging pangulo ng ating bansa, anong suliranin ang nais mong mabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng isang programa o patakaran? Gumawa ng sanaysay tungkol dito na may temang “Pangulo Ako, Lider ng Bansa Ko.” Gawin ito sa hiwalay na papel.
| KRAYTIRYA SA PAGSUSULAT NG SANAYSAY | |
|---|---|
| Nilalaman | 45% |
| Kaugnayan sa Tema | 30% |
| Paggamit ng Salita | 25% |
| Kabuuan | 100% |
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong papel.
Alin sa mga sumusunod ang programa ni Pangulong Cory?
- A. No “Wang-wang” Policy
- C. Education for All
- B. 4Ps
- D. JEEP
Alin sa mga sumusunod ang programa ni Pangulong Ramos?
- A. Philippines 2000
- C. Expanded Value Added Tax
- B. JEEP
- D. 4Ps
Sinong pangulo ng Pilipinas ang humarap sa impeachment trial?
- A. Joseph Estrada
- C. Cory Aquino
- B. Benigno “Noynoy” Aquino
- D. Fidel V. Ramos
Sinong pangulo ang nagpatupad ng K-to-12 Program bilang reporma sa edukasyon?
- A. Joseph Estrada
- C. Cory Aquino
- B. Benigno “Noynoy” Aquino
- D. Fidel V. Ramos
Sino sa mga sumusunod ang may programang 4Ps?
- A. Joseph Estrada
- C. Gloria Macapagal Arroyo
- B. Cory Aquino
- D. Fidel V. Ramos
<!– transcriber’s note: the printed page numbers on these pages are 13 to 16, and the last page is the back cover. –>
Karagdagang Gawain
Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa ibaba.
| Pangulo | Mga Nagawa |
|---|---|
| Cory C. Aquino | 1. |
| 2. | Ipinatupad niya ang K to 12 Program. |
| 3. | Ipinatupad ang Philippines 2000 |
| Gloria M. Arroyo | 4. |
| 5. | Naisakatuparan ang AFP Modernization Program. |
| Joseph E. Estrada | 6. |
Susi sa Pagwawasto
Pagyamanin
- Corazon C. Aquino – 1986
- Fidel V. Ramos – 1992
- Joseph E. Estrada – 1998
- Gloria Macapagal Arroyo – 2001
- Gloria Macapagal Arroyo – 2010
- Benigno C. Aquino III – 2016
Balikan
- Tama
- Mali
- Tama
- Tama
- Tama
Subukin
- √
- X
- √
- √
- X
Isagawa
Sumangguni sa rubriks.
Tayahin
- C
- A
- A
- B
- C
Karagdagang Gawain
- Education for All
- Benigno C. Aquino III
- Fidel V. Ramos
- Ipinatupad ang 4Ps
- Benigno C. Aquino III
- JEEP ni Erap
Sanggunian
Ailebe G. Baisa- Julian at Nestor S. Lontoc, Bagong Lakbay ng Lahing Filipino 6, pp. 356 – 367
Florencia C. Domingo, Ph.D., et.al., Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap 6, pp. 244 to 256
Mga Pinagkunan ng mga Larawan
ARgBMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIABBDMgUIABCxAzIFCAAQsQM6CggAELEDEIMBEENQ6YEGWPmLBmDslwZoAHAAeACAAYkCiAGlCZIBBTAuNC4ymAEAoAEBsAEAwAEB&sclient=mobile-gws-wiz-img&ei=YbiHYIqjGIrI0wS_vKaQCw&bih=560&biw=360&client=msandroid-samsung-gj-rev1&prmd=inv#imgrc=iWgSoXXJoWhOaM
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1072; 634-1054 o 631-4985
E-mail Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply