Araling Panlipunan 6 Quarter 4 Module 2: Pagkilos at Pagtugon ng mga Pilipino na Nagbigaydaan sa Pagwawakas ng Batas Militar

This is the Araling Panlipunan self-learning module for Grade 6, Quarter 4, Module 2: “Pagkilos at Pagtugon ng mga Pilipino na Nagbigaydaan sa Pagwawakas ng Batas Militar” (how Filipinos acted and responded to bring Martial Law to an end). It explains the events that led to the 1986 EDSA People Power Revolution and how the Filipino people peacefully ended the dictatorship. The module is written in Filipino for learners studying at home, with guidance from parents or teachers.

The module was prepared by the Schools Division of Sagay City, DepEd Region VI (Western Visayas), as an Alternative Delivery Mode material (First Edition, 2020). It is marked for MELC Week 2/3 of the fourth quarter.

What learners will learn

After finishing the module, learners are expected to:

  1. Give the events that led to the formation of People Power I (“Nakakapagbigay ng mga pangyayaring nagbigay daan sa pagbuo ng People Power I”).
  2. Discuss how the Filipino people regained democracy (“Nakakatalakay kung paano natamo ng sambayanang Pilipino ang demokrasya”).

Lessons in this module

The module has one lesson:

  • Aralin 1: Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pagbuo ng People Power I (events that paved the way for People Power I). It traces the path from the killing of Ninoy Aquino in 1983 to the peaceful revolution at EDSA in February 1986.

Key events that led to People Power I

The module opens with a question: how strong are citizens when they unite for one goal? It then explains that the longer Martial Law lasted, the more Filipinos wanted democracy back, especially because of President Marcos’s abuse of power. It highlights these events.

The killing of Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

  • Ninoy Aquino was one of Marcos’s strongest political rivals. He was jailed at Fort Bonifacio for seven years and seven months.
  • He was allowed to go to the United States for heart treatment. After three years in Boston, he decided to come home to help restore democracy, even though the government objected.
  • On August 21, 1983, he was shot and killed on the tarmac of the Manila International Airport (now Ninoy Aquino International Airport). Soldiers also shot Rolando Galman, who was blamed for the killing, but the soldiers themselves were accused of the murder.
  • Marcos formed the Agrava Fact-Finding Board. Its investigation linked the Armed Forces Chief of Staff, General Ver, and 25 soldiers to the killing. The Sandiganbayan acquitted them for lack of evidence, and General Ver’s return to his post angered many and led to widespread protests.

The fall of the economy

  • After Ninoy’s death, many investors moved their businesses to safer places such as Hong Kong and the United States. The module calls this capital flight.
  • Local businesses weakened, many people lost their jobs, and the country’s income fell.
  • The government could not pay its large foreign debt. It asked the International Monetary Fund (IMF) and the World Bank for more time, but in return they meddled more strictly in the economy and in how the government was run.
  • Prices rose sharply, and people lost trust in the government because of severe poverty.

The 1986 Snap Election

  • Because the IMF wanted a stable government before lending again, a snap (sudden) election was held on February 7, 1986.
  • Marcos ran for president with Arturo Tolentino for vice president under the KBL (Kilusang Bagong Lipunan). The opposition backed Cory Aquino, Ninoy’s widow, for president and Salvador Laurel for vice president.
  • Cheating was reported: vote buying, threats and violence, and tampering with election returns. The COMELEC counted Marcos as the winner by more than 1.5 million votes, while NAMFREL counted Aquino as the winner. Twenty-nine computer workers walked out because the data had been changed.
  • On February 15, 1986, the COMELEC proclaimed Marcos. Both “winners” took their oath: Marcos in Malacañang and Cory at Club Filipino. Cory called for a boycott and strikes against businesses of Marcos’s cronies.

The peaceful EDSA Revolution

DateWhat happened
February 22, 1986Defense Minister Juan Ponce Enrile and Lt. Gen. Fidel V. Ramos stayed in Camp Aguinaldo and announced they were breaking away from the Marcos government. Jaime Cardinal Sin asked the public, through Radyo Veritas, to bring food, medicine, and supplies.
February 23, 1986Thousands of people linked arms around Camp Crame and Camp Aguinaldo. Nuns, priests, unarmed men, and women with their children blocked Marcos’s tanks and gave food and flowers to soldiers.
February 24, 1986Many troops ordered to break up the crowds refused and sided with the people.
February 25, 1986The revolution ended, and Cory Aquino was proclaimed the first woman president of the Philippines. The Marcos family left Malacañang at about 9:30 p.m. by helicopter to Clark Air Base, then flew to Hawaii.

The people ousted Marcos in 77 hours. The module notes that this peaceful revolution was admired and became a model for other countries. The EDSA Shrine and the People Power Monument were built to honor it.

How to use this module

The module follows the usual DepEd self-learning module parts. Write all answers on a separate sheet of paper, and do not write on the module so others can use it.

  1. Subukin (pretest): four multiple-choice questions on Martial Law, the warrant of arrest, and the writ of habeas corpus.
  2. Balikan (review): five questions about people affected by Martial Law from the previous lesson, such as Ninoy Aquino, Jovito Salonga, Lino Brocka, and Geny Lopez Jr.
  3. Tuklasin and Suriin (discover and discuss): the reading on the events above.
  4. Pagyamanin (practice): three essay questions, such as why the Snap Election happened and why EDSA is called a peaceful revolution.
  5. Isaisip (remember): a summary of the key events.
  6. Isagawa (apply): a bubble organizer naming the people who started People Power I.
  7. Tayahin (assessment): five multiple-choice questions.
  8. Karagdagang Gawain (extra activity): a timeline of five events from 1983 to 1986, in order.

An answer key (Susi sa Pagwawasto) is included for the pretest, review, organizer, assessment, and timeline; the Pagyamanin answers are to be checked against the lesson.

  • Learners: take the pretest first, read the lesson, then answer the activities honestly before checking the key. Contact your teacher if a part is unclear.
  • Parents: guide your child through the parts in order and check answers only after the activities are done.
  • Teachers: use the pretest to see who needs extra help, and the Tayahin and timeline to check mastery.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 6, Quarter 4, Module 2. The module marks it for MELC Week 2/3 of the fourth quarter.

What events led to People Power I according to the module?

The module lists the killing of Ninoy Aquino on August 21, 1983, the fall of the economy due to capital flight, the disputed Snap Election of February 7, 1986, and the break of Enrile and Ramos from the Marcos government.

What is capital flight?

In the module, capital flight means investors moving their businesses out of the country to safer places, such as Hong Kong and the United States, after Ninoy Aquino’s killing.

How long did the EDSA People Power Revolution take?

The module says the people ousted Marcos in 77 hours, from February 22 to February 25, 1986, when Cory Aquino was proclaimed president.

Does the module have an answer key?

Yes. It includes answers for the pretest, review, bubble organizer, assessment, and timeline. Answers for the Pagyamanin essay questions are to be checked against the lesson.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pagkilos at Pagtugon ng mga Pilipino na Nagbigaydaan sa Pagwawakas ng Batas Militar

CO_Q4_AP6_ Module 2

[illustration: students and a teacher studying, with a globe, a lamp, and a tree]

Araling Panlipunan- Ikaanim na Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikaapat na Markahan – Module 2: Pagkilos at Pagtugon ng mga Pilipino na Nagbigaydaan sa Pagwawakas ng Batas Militar

First Edition, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Secretary: Leonor Magtolis Briones Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – Region VI- Western Visayas

Office Address: Schools Division of Sagay City, Quezon St., Brgy Poblacion 1, Sagay City, Neg. Occ, 6122 Telefax: (034) 488-0415; 488-0416 E-mail Address: sagay.city001@deped.gov.ph

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Mark Twain V. Patiño Mga Tagaguhit: Lovely Salve Grapikong Taga-disenyo: Joeval P. Romelo; Mayo P. Villamor Mga Naglapat: Ma. Analyn V. Villamor; Bella P. Balandra; Analee B. Alingco; Mayo P. Villamor; Melanie Mae N. Moreno Mga Tagasuri at Editor: Jordan T. Beleganio; Joy B. Fernandez; Rizza Mae E. Flores; Ryan Alvarez Mga Tagapangasiwa: Ma. Gemma M. Ledesma; Josilyn S. Solana; Elena P. Gonzaga; Arlene G. Bermejo; Jerry A. Oquendo; Nenita P. Gamao; Donald T. Genine; Marlon C. Dublin

6

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan – Modyul 2 Pagkilos at Pagtugon ng mga Pilipino na Nagbigaydaan sa Pagwawakas ng Batas Militar

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Gaano nga ba kalakas ang mamamayan kapag nagbuklod ang mga ito? Ano-ano kaya ang makakamit ng isang mamamayang nagkakaisa tungo sa isang layunin?

Sa modyul na ito ay tatalakayin at ipapaliwanag natin ang iba’t-ibang pangyayari kung bakit nabuo ang 1986 EDSA People Power Revolution. Ilalahad at aalamin natin kung paano winakasan ng sambayanang Pilipino ang diktatorya. (MELC Week 2/3 4th Q)

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin:

➢ Aralin 1- Mga Pangyayaring Nagbigay Daan sa Pagbuo ng People Power I

Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makakagawa ng mga sumusunod:

  1. Nakakapagbigay ng mga pangyayaring nagbigay daan sa pagbuo ng People Power I.
  2. Nakakatalakay kung paano natamo ng sambayanang Pilipino ang demokrasya.

Subukin

[illustration: pencil icon]

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat aytem. Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong papel.

  1. Ano ang Batas Militar?
    a. Ito ay pagtatalaga sa militar na mamuno sa bansa.
    b. Ito ay espesyal na kapangyarihan ng estado na maaring ipatupad kung ang bansa ay nasa ilalim ng rebelyon, pananakop at iba pa.
    c. Ito ay pagsuspinde sa mga kilos at operasyon ng militar sa bansa.
    d. Ito ay batas para sa mga militar.


  2. Sinong pangulo ng bansa ang nagdeklara ng Batas Militar noong 1972?
    a. Diosdado Macapagal
    b. Ferdinand Marcos
    c. Manuel A. Roxas
    d. Ramon Magsaysay


  3. Ano ang warrant of arrest?
    a. Ito ay inilalabas ng huwes ng korte na nagpapahintulot sa pag-aresto sa indibidwal.
    b. Ito ay inilalabas ng pulis na nagpapahintulot sa pag-aaresto sa indibidwal.
    c. Ito ay inilalabas ng barangay kapitan na nagpapahintulot sa pag aaresto ng indibidwal.
    d. Ito ay isang imbitasyon para sa pagtitipon.


  4. Ano ang writ of habeas corpus?
    a. Ito ay isang proteksiyon ng bawat mamamayan mula sa ilegal na pagkakakulong o detensyon nang walang ipinapakita na warrant of arrest.
    b. Ito ay pagpapakulong sa mga nagkasalang mamayan.
    c. Ito ay ang pag-aresto sa isang indibidwal.
    d. Ito ay pagpapalaya sa mga nakakulong.


Aralin 1: Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pagbuo ng People Power I

[illustration: “Aralin 1” label]

Tatalakayin sa modyul na ito ang mga pangyayaring tumulak sa mga Pilipino upang magkaroon ng People Power. Malalaman mo rin kung papaano natamong muli ng mga Pilipino ang demokrasya.

Balikan

[illustration: puzzle-piece icon]

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat aytem. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot.

  1. Sinong biktima ng Batas Militar ang pataksil na binaril sa tarmac ng Manila International Airport?
    a. Behn Cervantes
    b. Jovito Salonga
    c. Lino Brocka
    d. Ninoy Aquino


  2. Tinawag siyang “Nation’s Fiscalizer“. Sino ang tinutukoy ng pangungusap?
    a. Jovito Salonga
    b. Jose Diokno
    c. Ninoy Aquino
    d. Geny Lopez Jr.


  3. Sinong direktor ang may likha ng pelikulang “Sakada” na tinuring na subersibo ng Pangulong Marcos?
    a. Behn Cervantes
    b. Lino Brocka
    c. Ninoy Aquino
    d. Jovito Salonga


  4. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting epekto ng Batas Militar sa bansa?
    a. Umunlad ng bahagya ang imprastraktura.
    b. Umuuwi ng maaga ang kabataan.
    c. Maraming tao ang ikinulong.
    d. Bumaba ang kriminalidad.


  5. Sinong anak ng may-ari ng isang TV network sa bansa ang ikinulong sa Fort Bonifacio?
    a. Behn Cervantes
    b. Geny Lopez Jr.
    c. Jovito Salonga
    d. Ninoy Aquino


Tuklasin

[illustration: sprout icon]

[illustration: line drawing of people with a flower and a megaphone, beside a drawing of a figure lying on the ground near a staircase]

Kailanman, hindi maaaring manaig ang diktatorya sa isang bansang demokrasya. Patunay nito ang natunghayan ng mundo na mapayapang pagpanumbalik ng kapayapaan at demokrasya sa ating bansa. Ito ang tinaguriang People Power I o ang 1986 EDSA (Epifanio Delos Santos Avenue) People Power Revolution.

Suriin

[illustration: magnifying glass with question mark icon]

Sa pagtagal ng Batas Militar sa ating bansa ay lalong tumindi ang pagnanais ng mga Pilipino na manumbalik ang demokrasya. Ang pagmamalabis sa kapangyarihan ni Pangulong Marcos ay nagpasidhi sa hangarin ng mga Pilipinong wakasan ang diktatorya. Narito ang ilan sa mga pangyayaring nagbigay-daan upang mabuo ang People Power.

Ang Pagpatay kay Senador Benigno “Ninoy” Aquino

Isa sa pinakamahigpit na kalaban ni Marcos sa pulitika ay si Senador Benigno Aquino Jr. Isa siya sa mga ikinulong sa Fort Bonifacio sa loob ng pitong taon at pitong buwan. Pinahintulutan siyang pumunta sa Amerika upang magpagamot sa sakit sa puso. Makalipas ang tatlong taon na pamamalagi sa Boston kasama ang kanyang pamilya ay nagpasya siyang bumalik sa Pilipinas dahil nais niyang tulungan ang bansa na mapanumbalik ang demokrasya. Sa kabila ng pagtutol ng pamahalaan ay bumalik pa rin siya. Noong Agosto 21, 1983, lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa Manila International Airport (Ninoy Aquino International Airport ngayon). Habang pababa sa tarmac ng eroplanong kanyang sinakyan ay pataksil siyang binaril at namatay. Binaril din ng mga sundalong kasama ni Ninoy ang pinaghinalaang si Rolando Galman. Ngunit pinagbintangan ang mga sundalo na sila mismo ang pumatay sa senador at ginamit lamang si Galman para mapaghinalaan.

Dahil dito binuo ni Pangulong Marcos ang Agrava Fact-Finding Board para magsiyasat sa pagpatay sa senador. Lumitaw sa imbestigasyon na si Hen. Favian Ver, Chief of Staff ng Sandatahang Lakas kasama ang 25 na sundalo ang may kinalaman sa traydor na pagpatay kay Senador Benigno Aquino Jr. kaya’t sinampahan sila ng kaso ng Sandiganbayan subalit pinawalang-sala din dahil sa kakulangan ng katibayan. Nakabalik sa tungkulin si Hen. Favian Ver samantala ikinulong naman ang 25 na sundalo habang nililitis ang kaso. Ang pagbabalik sa tungkulin ni Heneral Ver ay ikinagalit ng marami at nagbunga ng malawakang protesta.

Ang Pagbagsak ng Ekonomiya

Ang pagkapaslang kay Ninoy ay may hindi mabuting dulot sa ekonomiya ng bansa. Maraming namumuhunan ang lumipat ng kanilang negosyo sa lugar na walang panganib tulad ng Hongkong at United States. Sa maikling salita ay nagkaroon ng capital flight. Humina ang mga negosyong lokal lalo na iyong umaasa sa mga dayuhang namumuhunan. Marami ang nawalan ng trabaho at lumiit ang kita ng bansa.

Dahil sa paghina ng ekonomiya ay hindi nakabayad ang pamahalaan ng malaking utang nito sa institusyong pandaigdig na umaabot sa $127 bilyon noong 1983. Humingi ng palugit ang pamahalaan sa International Monetary Fund (IMF) at World Bank ngunit higit na mahigpit na pakikialam sa ekonomiya ng bansa ang kapalit nito. Ang pamamalakad ng pamahalaan ay pinakialaman din. Bumagsak nang patuloy ang ekonomiya ng bansa. Marami ang walang trabaho at sobrang taas ng presyo ng mga bilihin. Nawalan ng tiwala ang mamamayan sa pamahalaan dahil sa labis na kahirapan.

Ang “Snap Election” ng 1986

Nais ng IMF na magkaroon ng matatag na pamahalaan ang Pilipinas bago ito pautangin muli kaya nagkaroon ng Biglaang Halalan o Snap Election noong Pebrero 7, 1986. Tumakbo si Pangulong Marcos sa pagkapangulo at si Arturo Tolentino naman bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng partidong KBL (Partidong Kilusang Bagong Lipunan). Ang biyuda ni Ninoy Aquino na si Cory Aquino ay itinaguyod naman ng partido ng oposisyon ang Lakas ng Bayan (LABAN) bilang pangulo at si Salvador Laurel naman bilang pangalawang pangulo.

Sinaksihan ng buong mundo ang pangyayaring ito dahil sa malawakang pagbabalita. Iniulat ang mga insidente ng pandaraya tulad ng pagbili ng mga boto, pananakot at karahasan at pakikialam sa mga election returns. Ayon sa COMELEC (Commission on Elections) ay panalo si Marcos na may lamang na mahigit 1.5 milyong boto subalit ayon naman sa NAMFREL (National Movement for Free Elections) ay panalo si Aquino. Umalis sa kanilang trabaho ang 29 computer workers dahil sa napalitan o nabago ang mga datos na ipinadala ng COMELEC sa kanila.

Noong Pebrero 15, 1986 ay inihayag ng COMELEC na si Marcos bilang nanalo sa gitna ng kontrobersiya. Ang parehong “mga nanalo” sa pagkapangulo ay nanumpa sa magkaibang lugar. Si Marcos ay nanumpa sa Malacañang samantala sa Club Filipino naman nanumpa si Cory. Nanawagan si Cory ng pagboboykot at strike ng mga mamamayang Pilipino laban sa mga negosyo ng mga crony ni Marcos.

Ang Mapayapang EDSA Revolution

Nagsimula ang mapayapang rebolusyon noong Pebrero 22,1986 ng sina Ministro Juan Ponce Enrile ng Tanggulang Pambansa at Tenyente Heneral Fidel V. Ramos ay nanatili sa Camp Aguinaldo at nagpatawag ng press conference upang ibalita ang kanilang pagkalas sa rehimeng Marcos. Pinangunahan ni Enrile ang hindi pagkilala kay Marcos bilang Commander–in-Chief at pagsiwalat sa katiwaliang naganap sa halalan. Inihayag din ni Enrile na ang pagtambang sa kanya noong 1972 ay gawa-gawa lamang ni Marcos para maisakatuparan ang Batas Militar. Sinuportahan ng mga pari, seminarista at madre sa pamumuno ni Jaime Cardinal Sin at mga taong-bayan kabilang na ang mga Aquino ang pagtiwalag nina Enrile at Ramos kay Marcos. Humingi ng suporta si Cardinal Sin sa mga tao tulad ng pagkain, gamot at mga suplay sa pamamagitan ng broadcast ng Radyo Veritas.

Pebrero 23, 1986, libu-libong tao ang nagkapit-bisig sa palibot ng Camp Crame at Aguinaldo upang ipadama ang kanilang suporta at pakikiisa sa panawagan nina Cardinal Sin, Enrile, Ramos at iba pa. Ang mga madre, pari, kalalakihang walang armas, mga kababaihan kasama ang kanilang mga anak ay nagsama-sama sa EDSA. Hinarang nila ang mga tangkeng ipinadala ni Marcos, umupo sa harap nito at nagbigay ng mga pagkain at bulaklak sa mga sundalo nang hindi alintana ang panganib na mangyayari.

Kinaumagahan ng Pebrero 24 ay ramdam na ang katapusan ng rehimeng Marcos. Marami sa mga tropang sundalong inutusan niyang paalisin ang mga nagpoprotesta sa paligid ng kampo ay hindi sumunod sa kanya sa halip ay pumanig sa mga taong-bayan.

Ang mapayapang rebolusyon ay nagwakas noong Pebrero 25 at ito rin ang araw na pagproklama kay Ginang Cory Aquino bilang kaunaunahanag babaeng pangulo ng Pilipinas.

Ang pamilyang Marcos ay lumisan sa Malacañang tinatayang 9:30 ng gabi sakay ng tatlong helicopter patungong Clark Air Base at kung saan inilipad sila ng isang eroplanong papuntang Hawaii.

Nagtagumpay ang taong-bayan sa pagpapatalsik kay Marcos sa loob ng 77 oras. Ang mapayapang rebolusyong ito ay hinangaan at naging modelo ng ibang bansa na may kaparehong karanasan sa Pilipinas. Itinayo ang simbahan ng EDSA Shrine at People Power Monument bilang parangal at simbolo ng mapayapang himagsikan.

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Bakit nagkaroon ng Snap Election?



  2. Bakit tinaguriang mapayapang rebolusyon ang EDSA People Power I?



  3. Paano nakatulong ang EDSA People Power I sa pagkamit ng demokrasya?



Isaisip

Ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagkakabuo ng People Power I ay ang mga sumusunod:

  • Ang pagpatay kay Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Noong Agosto 21, 1983 sa tarmac ng Manila International Airport na kinasasangkutan ng mga sundalong nagsilbing bantay niya.
  • Ang pagbagsak ng ekonomiya bunsod ng capital flight dahil sa mga karahasang naganap sa bansa.
  • Ang Snap Election o Biglaang Halalan noong Pebrero 7, 1986 na humantong sa panunumpa ng dalawang pangulo na sina Marcos at Cory kung saan panalo ang una sa canvass ng COMELEC samantalang panalo naman ang huli sa canvass ng NAMFREL. Nagkaroon ng pagboykot sa halos lahat ng mga negosyong pag-aari ng mga cronies ni Marcos.
Isagawa

Kumpletuhin ang bubble topical organizer sa ibaba.

[chart: bubble topical organizer; Isagawa]

Center bubble: Mga Taong Nagpasimula ng People Power I

transcriber’s note: the four outer bubbles (top, left, right, and bottom) are blank.

Tayahin

Basahin at unawain ng mabuti ang bawat bilang pagkatapos ay bilugan ang titik ng wastong sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

  1. Sino ang pinakamahigpit na kalaban ng rehimeng Marcos na pinatay sa tarmac ng MIA?

    • A. Sen. Benigno Aquino Jr.?
    • B. Pangulong Cory Aquino
    • C. Juan Ponce Enrile
    • D. Fidel V. Ramos
  2. Ito ay isang matahimik na paraan ng pagkamit ng demokrasya sa Pilipinas.

    • A. People Power I
    • B. People Power II
    • C. Pakikibaka 1986
    • D. War on Drugs
  3. Bakit nagkaroon ng capital flight sa bansa?

    • A. Nawalan ng pera ang mga negosyante.
    • B. Huminto ang mga negosyante dahil mayaman na sila.
    • C. Inilipat ng mga negosyante ang kanilang negosyo sa ibang bansa.
    • D. Ipinasara ng pamahalaan ang lahat ng nagnenegosyo.
  4. Ano ang naging kapalit ng pagpapautang muli ng IMF sa Pilipinas?

    • A. Magkaroon ng People Power I.
    • B. Magkaroon ulit ng batas militar.
    • C. Magbayad muna ng utang ang Pilipinas.
    • D. Magkaroon ng Snap Election.
  5. Paano ipinakita ng mga Pilipino na ninais nilang makamit muli ang demokrasya?

    • A. Nagkaisa sila sa pagtitipon sa mga kalsada.
    • B. Nagpadala sila ng suporta tulad ng pagkain, gamot at tulong sa mga nagpoprotesta.
    • C. Nag-aalay sila ng dasal para sa mga nagpoprotesta.
    • D. Lahat ng nabanggit ay tama.
Karagdagang Gawain

Panuto: Kumpletuhin ang timeline sa ibaba gamit ang mga pangyayaring makikita sa loob ng kahon.

  • Ang pagkalas nina Ministro Juan Ponce Enrile at Tinyente-Heneral Fidel V. Ramos sa rehimeng Marcos.
  • Pagtitipon ng libu-libong tao sa EDSA.
  • Pandaraya sa Snap Election.
  • Ang pagpatay kay Ninoy Aquino.
  • Ang pagbagsak ng ekonomiya.

Mga Panyayaring Nagbigay-daan sa Pagbuo ng People Power I

[chart: timeline; Mga Panyayaring Nagbigay-daan sa Pagbuo ng People Power I]

Taong 1983 | Taong 1986

Numbered boxes, in order: 1. | 2. | 3. | 4. | 5.

transcriber’s note: the five boxes are blank, and each has an upward arrow beneath it. The “Taong 1983” label covers boxes 1 and 2, and the “Taong 1986” label covers boxes 3, 4, and 5.

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. B
  2. B
  3. A
  4. A
Balikan
  1. D
  2. A
  3. A
  4. C
  5. B
Pagyamanin

(Sumangguni sa modyul.)

Isagawa
  • *Fidel V. Ramos
  • *Juan Ponce Enrile
  • *Cory Aquino
  • *Jaime Cardinal Sin
Tayahin
  1. A
  2. A
  3. C
  4. D
  5. D
Karagdagang Gawain
  1. Ang pagpatay kay Ninoy Aquino.
  2. Ang pagbagsak ng ekonomiya.
  3. Pandaraya sa Snap Election.
  4. Ang pagkalas nina Ministro Juan Ponce Enrile at Tinyente Heneral Fidel V. Ramos sa rehimeng Marcos.
  5. Pagtitipon ng libu-libong tao sa EDSA.

Sanggunian

Florencia C. Domingo, PhD., et. al., Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan I (Binagong Edisyon 2010), 233-241

CultureEd Philippines https://philippineculturaleducation.com.ph/aquino-benigno-jr/ November 21, 1983

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1072; 634-1054 o 631-4985 E-mail Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

2 responses to “Araling Panlipunan 6 Quarter 4 Module 2: Pagkilos at Pagtugon ng mga Pilipino na Nagbigaydaan sa Pagwawakas ng Batas Militar”

  1. Raven balagtas

    Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino nagbigay-daan sa pagwawakas ng batas militar People Power

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *