This is the Araling Panlipunan 5 self-learning module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 1: “Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol” (reasons and goals of the Spanish conquest). It was prepared under the Alternative Delivery Mode by DepEd Region VIII (First Edition, 2020) for Grade 5 learners studying at home. It starts with Ferdinand Magellan’s arrival in 1521 and explains why Spain wanted to conquer the Philippines and how it did so.
What learners will learn
The module states one main goal. By the end, learners should be able to:
- Explain and appreciate the reasons and goals of the Spanish conquest of the Philippines.
Along the way, learners find out how the Spaniards took control of the country, the different goals behind their conquest of new lands, and the methods they used to bring the Philippines under their rule.
Lessons in this module
The three lessons follow the well-known “Gold, God, and Glory” reasons for colonization.
- Aralin 1: Kayamanan (Gold): Sukatan ng Kapangyarihan (wealth as the measure of power). The economic goal of the conquest: gaining riches such as gold, silver, and spices.
- Aralin 2: Kristiyanismo (God): Sandalan ng Paniniwala (Christianity as the foundation of belief). The religious goal: spreading Roman Catholicism and the church’s role in it.
- Aralin 3: Karangalan (Glory): Susi ng Kapangyarihan (glory as the key to power). The political goal: being first to claim new lands and building Spanish settlements.
Key ideas: Gold, God, and Glory
Gold: wealth and merkantilismo
European countries believed that a nation became richer and more powerful by collecting precious metals such as gold and silver. This belief is called merkantilismo (mercantilism). The Philippines was close to the Spice Islands, or Moluccas, where Europeans went for spices. Europeans needed spices such as pepper, ginger, chili, garlic, oregano, cinnamon, and nutmeg to flavor food, to preserve it, and to make medicine. The module adds that the Philippines became a trading center for goods from Southeast Asia because ships from many parts of the world passed through it.
God: spreading Christianity
The module calls the religious goal the one where Spain succeeded most, since most Filipinos became Christian. Key events in the lesson:
- 1521, Magellan’s expedition. Padre Pedro Valderrama held the first Mass in Limasawa and baptized natives.
- Cebu. Magellan set up a cross. Raja Humabon and his wife were baptized and named Carlos and Juana, and Juana received an image of the Sto. Niño.
- Mactan. Lapu-Lapu’s warriors fought the Spaniards, and Magellan was killed.
- Second expedition. Miguel Lopez de Legazpi came with Padre Andres de Urdaneta, who baptized natives in Bohol led by Raja Sikatuna and Raja Sigala.
In each conquered land, government leaders and friars (prayle) worked together. Laws followed the rules of the Roman Catholic Church:
| Law | What it meant |
|---|---|
| Baptism in the church | Formal entry into the church; a first name from a saint or from religion and a surname were required |
| Church wedding | Marriage was for life; separation was not allowed |
| Opposing religious revolts | Anyone who returned to native beliefs or formed a non-Catholic group was punished |
| Naming towns and barrios | Places were named after saints, such as San Esteban and Santa Ana, with patron saint fiestas |
| Parish schools | Religion, prayers, and church rules were the most important subjects |
Glory: colonies and colonyalismo
Being first to explore and claim new lands brought honor and power. Lands that Spain directly controlled, governed, and developed were colonies, and this system is called kolonyalismo (colonialism). Main points from the lesson:
- On April 27, 1565, Legazpi’s expedition reached the Philippines.
- Legazpi made Cebu the first Spanish settlement and named it La Villa del Santisimo Nombre de Jesus. Calle Colon in Cebu is considered the oldest street in the Philippines.
- In 1569 he set up settlements in Panay, followed by Masbate, Ticao, Burias, Mindoro, Mamburao, and Albay.
- On June 24, 1571, Manila was recognized as a new city of Spain, and the Spanish government was set up over the Filipinos.
- One reason Spain conquered most of the country easily was the lack of unity among Filipinos. Some areas of Mindanao were never conquered and kept their own government, the Sultanato (sultanate).
How to use this module
The module follows the usual DepEd self-learning module parts: Subukin (pretest), then for each lesson Balikan (review), Tuklasin (discover), Suriin (discussion), and Pagyamanin (practice), followed by Isaisip, Isagawa, Tayahin (final test), and Karagdagang Gawain (extra activity). The answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end.
- Learners: Take the 10-item pretest first to see what you already know. Read each lesson in order, and write all answers on a separate sheet of paper or in your notebook. Do not write on the module, so others can use it later. Check your work honestly with the answer key.
- Parents and guardians: The module says a teacher’s or facilitator’s guide comes with it, with tips for helping your child at home. Encourage your child to contact the teacher when a lesson is hard to understand.
- Teachers: Use the pretest results to see which learners need extra help, and the Tayahin to check what they learned. The graphic organizers in Pagyamanin work well for reviewing Gold goals and Legazpi’s settlements.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 5 Araling Panlipunan, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 1.
What are the three lessons in this module?
Aralin 1 covers Kayamanan (Gold), Aralin 2 covers Kristiyanismo (God), and Aralin 3 covers Karangalan (Glory), the three main reasons for the Spanish conquest.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end of the module has answers for the pretest and the activities of all three lessons.
What is merkantilismo?
Merkantilismo (mercantilism) is the belief that a country becomes stronger and more powerful by collecting wealth, especially precious metals like gold and silver.
Where and when was the first Mass in the Philippines, according to the module?
The module says Padre Pedro Valderrama held the first Mass in Limasawa during Magellan’s 1521 expedition, and its answer key gives March 31, 1521 as the date.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan – Ikalawang Markahan – Modyul 1: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
5
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
[logo]
[illustration: students reading and writing outdoors and at a desk, with a globe and a lantern]
[logo: ALTERNATIVE DELIVERY MODE]
[stamp: PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI]
CO_Q2_AralPan5_Modyul1
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ramil P. Bingco, Charie B. Sauro, at Irish Gay G. Solana
Editor: Myrna D. Gerardo at Rosemarie M. Guino
Tagasuri: Engelyn P. Achacoso at Narcisa Verano
Tagalapat: Richie C. Blasabas, Earl Bennette A. Roz
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu EdD.
Nova P. Jorge EdD
Genis S. Murallos
Francis Angelo S. Gelera
Rosemary S. Achacoso
Mario R. Orais
Roel C. Tugas
Regel C.Mullet
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
[logo: DepEd, Department of Education]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Nagsimulang magkaroon ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng Pilipinas noong dumating si Ferdinand Magellan sa bansa noong taong 1521. Ang pangyayaring ito ay nagbunga ng isang malaking hamon sa mga Pilipino dahil nagsimulang magka-interes ang mga Europeo sa mga bansang nasa Far East o Malayong Silangan na kinabibilangan ng bansang Pilipinas.
Sa araling ito ay malalaman mo ang paraan ng pagsakop ng mga Espanyol sa ating bansa. Mauunawaan mo rin ang iba’t ibang layunin ng pananakop nila ng mga lupain. Malalaman mo ang mga paraang ipinatupad ng dayuhang mananakop upang mapasailalim and Pilipinas sa kamay nila.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang maipapaliwanag at mapapahalagahan mo ang mga dahilan at layunin ng pananakop ng mga Espanyol.
Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na aralin:
Aralin 1- Kayamanan: Sukatan ng Kapangyarihan Aralin 2- Kristiyanismo: Sandalan ng Paniniwala Aralin 3- Karangalan: Susi ng Kasikatan
Alamin
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
Ano ang tawag sa pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa?
- A. kapitalismo
- B. kolonyalismo
- C. komunismo
- D. sosyalismo
Kailan naganap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas?
- A. Marso 2,1521
- B. Marso 6,1521
- C. Marso 16,1521
- D. Marso 31,1521
Sino ang pinuno ng Cebu na bininyagan bilang tanda ng pagiging Kristiyano?
- A. Lapu-Lapu
- B. Rajah Humabon
- C. Rajah Kolambu
- D. Rajah Sulayman
Sino ang pinuno ng mga Espanyol na nagwagi sa labanan sa Cebu at Maynila?
- A. Juan Garcia
- B. Miguel Lopez de Legazpi
- C. Ruy Lopez de Villalobos
- D. Saavedra Ceron
Ang mga sumusunod ay ang mga lugar na napasailalim sa kapangyarihan ni Legazpi maliban sa isa. Ano ang lugar na ito?
- A. Albay
- B. Cavite
- C. Masbate
- D. Mindoro
Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag na ang kayamanan ay isa sa mga layunin ng Espanya sa pagtuklas at pagsakop ng bagong lupain?
- A. maipalaganap ang kristiyanismo
- B. makamit ang katanyagan ng bansa
- C. mapaunlad ang ekonomiya ng kolonya
- D. maangkin ang mga likas na yaman ng bansa
Alin ang isa sa mga dahilan kung bakit nabigo ang mga katutubong Pilipino sa pagpigil sa mga dayuhang Espanyol na sakupin ang kanilang mga pamayanan?
- A. Hindi nagkakaisa ang mga katutubo.
- B. Itinatag ng mga Espanyol bilang isang lungsod ang Maynila.
- C. Muntik nang matalo ng mga katutubong Pilipino ang mga Espanyol.
- D. Mas kakaunti ang bilang ng mga mandirigmang Pilipino laban sa Espanyol
Alin dito ang pangunahing dahilan ng paglalakbay ng mga Europeo sa Malayong Silangan?
- A. Hanapin ang pulo ng Moluccas
- B. Makipagkaibigan sa mga Pilipino
- C. Maipalaganap ang Kristyanismo sa bansa
- D. Ang pakikipagkalakalan ng mga Espanyol sa mga bansang Asyano
Alin sa mga sumusunod ang mahalagang nangyari sa ating pananampalataya nang dumating si Magellan sa Pilipinas noong 1521?
- A. Natakot ang mga Pilipino.
- B. Narating ni Magellan ang Limasawa.
- C. Nakilala ni Magellan ang mga katutubong pinuno ng mga isla.
- D. Nagkaroon ng labanan ang grupo nina Magellan at Lapu-lapu sa Mactan.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagtuklas at pananakop ng mga Espanyol?
- A. Maging tanyag at makapangyarihan
- B. Maipalaganap ang Relihiyong Kristiyanismo
- C. Upang palakasin ang mga mahihinang bansa
- D. Makuha ang kayamanan ng mga masasakop na lupain
Aralin 1 Kayamanan (Gold): Sukatan ngKapangyarihan
Sa araling ito ay malalaman mo ang layuning pangkabuhayan bilang isa sa mga pangunahing dahilan ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Isang batayan ng kapangyarihan ng isang mananakop ay ang dami ng kayamanan na kanilang nasasamsam o nakukuha sa mga nasakop na bansa. Ito ang namayaning kaisipan noong Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas na naganap mula ika-15 hanggang ika-17 siglo.
Balikan
Panuto: Kumuha ng isang pirasong papel at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamangsagot.
Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa ibat-ibang _____.
- A. espirito
- B. kaugalian
- C. sulat
- D. wika
Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang mga sumusunod na maipagmamalaki natin ngayon maliban sa isa. Ano ito?
- A. Awit at sayaw
- B. Katapangan
- C. Kristiyanismo
- D. Paraan ng pagsulat
Ilan sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon ay ang pag-alala at pagbibigay halaga sa mga yumaong pamilya, ito ay isa sa mga _____ ng ating mga ninuno o sinaunang kabihasnan sa ating lipunan.
- A. Ala-ala
- B. Katuwaan
- C. Kontribusyon
- D. Simbolo
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating mganinuno sa ating lipunan ngayon?
A. Uri ng pananamit
B. Sistema ng pagsulat
C. Paraan ng pakikipagdigma
D. Malalim na pagtitiwala sa ManlilikhaBago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling kultura, paniniwala, wika, at pagsulat.
A. Tama
B. Mali
C. Hindi ako sigurado
D. Hindi ako naniniwala
Tuklasin
Panuto: Tukuyin kung ano ang pangalan ng larawan ng mga sumusunod:
- G_N_ _ [photo: gold bar]
- PA_P_ AS O S_IC_S [photo: assorted spices with onions, garlic, and leafy herbs]
- P_M _N_A [photo: peppercorns]
- B_W_N_ [photo: garlic bulbs and cloves]
- PR_D_K_O [photo: collage of a gold bar, a silver bar, garlic, onions, and spices]
Suriin
Ninais ng mga bansa sa Europa na madagdagan ang kanilang kayaman at kabuhayan dahil ito ang isang batayan ng pagiging mayaman o makapangyarihang bansa noon. Ang paniniwalang ito ang tinatawag na merkantilismo. Lumaganap ang konseptong merkantilismo sa paniniwalang ang mga bansa ay mas lalakas at mas magiging makapangyarihan kung magkakaroon ito ng maraming nalikom na kayaman sa anyo ng mamahaling metal tulad ng gintoat pilak.
Nais ng mga Espanyol na palawakin ang kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng panggagalugad ng mga bansa. Dahil sa estratehikong lokasyon ng Pilipinas na malapit sa islangtinatawag na Spice Islands o Moluccas na hinahanap ng mga Europeo para kumuha ng mga rekado o pampalasa, ito ay nagbigay-daan sa pagkadiskubre at pagdating ng mga Espanyol sa bansa. Ang mga rekado o mga sangkap na nagpapasarap sa pagluluto tulad ng paminta, luya, sili, bawang ,oregano, cinnamon, at nutmeg ay mahalaga sa mga taga-Europa.Sa paglipas ng panahon, lumaki ang pangangailangan ng taga-Europa sa mga pampalasa ng pagkain, mga sangkap sa pag-iimbak ng pagkain, at sangkap sa panggagamot. Ang Pilipinas ang naging sentrong pamamahagi ng iba’t ibang produkto mula sa Timog-Silangang Asya dahil daanan ito ng mgasasakyang pandagat buhat sa maraming panig ng mundo. Bunga nito, umunlad din ang ekonomiya ng bansa pati na rin ang kultura nito.
Pagyamanin
Panuto: Kumpletuhin ang Graphic Organizer. Anu-ano ang kayamanan o pangkabuhayan ang nais makuha ng mga Espanyol sa Pilipinas? Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
A. mamahaling metal tulad ng ginto at pilak B. mga sangkap sa pagluluto C. sangkap sa panggagamot D. simbahan E. sangkap sa pag-iimbak ng pagkain F. pampalasa ng pagkain o spices
[chart: graphic organizer; Pagyamanin]
Center box: Mga kayamanan/pangkabuhayan na nais likomin ng mga Espanyol upang palawakin ang kanilang kolonya.
[transcriber’s note: the chart has one empty rounded box above the center, one at upper left, one at upper right, and two at the bottom left and bottom right, all for the learner’s answers. The boxes contain no printed text.]
Aralin 2 Kristiyanismo (God): Sandalanng Paniniwala
Sa layuning panrelihiyon nagtagumpay ang bansang Espanya. Naging Kristiyano ang nakararaming Pilipino. Ang naging bunga ng Kristiyanismo sa buhay ng mga Pilipino ay mahalagaat panghabambuhay. Sa modyul na ito, inaasahang masasabi mo ang bahaging ginampanan ngsimbahan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Balikan
Panuto: Naaalala mo pa ba ang mga kaalaman tungkol sa pananampalataya ng mga unang Pilipino? Sagutin ang mga tanong sa tulong ng mga salitang nakapaloob sa mga kahon. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.
| B | K | A | M | B | N | T | I | R | D |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| S | O | D | R | A | Y | X | S | F | Z |
| D | R | M | T | T | B | F | L | T | Q |
| F | A | T | Y | H | I | F | A | Y | A |
| G | N | X | C | A | H | U | M | K | L |
| H | Y | W | H | L | Y | V | R | I | L |
| N | R | T | I | A | O | Q | P | Y | A |
| P | A | G | A | N | O | T | O | F | H |
- banal na kasulatan ng Islam
- panginoon ng mga Muslim
- tawag ng mga Tagalog sa Dakilang Lumikha
- salitang Arabe na Salam na ang kahulugan ay kapayapaan
- pananampalataya ng mga ninunong Pilipino sa isang Dakilang Makapangyarihanglumikha ng daigdig, tao, pamayanan
Tuklasin
Panuto: Tukuyin ang konseptong inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagotsa iyong sagutang papel.
A. Ferdinand Magellan B. Lapu-Lapu C. Raja Humabon D. Cebu E. Limasawa F. Sto. Niño
_____1. Isang pulo sa Pilipinas na pinaniniwalaang lugar kung saan ginanap angunang misa.
_____2. Siya ay isang katutubong pinuno sa Cebu na tumanggap kay Magellan atnagpabinyag sa Kristiyanismo noong 1521.
_____3. Isang tanyag na manlalayag na nakarating sa Pilipinas noong 1521 na unangnagpatunay na bilog ang daigdig.
_____4. Isang Imahen ng batang Hesus na tanda ng pagiging Kristiyano na inihandogni Magellan kay Humabon.
_____5. Pinuno ng mga katutubo sa Mactan na nakipaglaban at nagtagumpay labansa mga Espanyol kung saan nasawi si Magellan.
Suriin
Isa sa mga layunin o misyon ng mga Espanyol sa kanilang pananakop ay ang pagpalaganap ng Kristiyanismo. Nagsimula ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pagdatingng ekspedisyon na pinamunuan ni Ferdinand Magellan noong 1521. Kasama niya si Padre Pedro Valderrama na nagsagawa ng unang misa sa Limasawa at bininyagan niya ang mga katutubo. Ito ay nasundan nang tumuloy sina Magellan sa Cebu. Pagkatapos ng misang naganap, nagtayong krus si Magellan at sinundan ito ng pagbibinyag sa mga katutubo na pinamunuan ni Raha Humabon at ng kanyang asawa. Sila ay binigyan ng pangalang Carlos at Juana. Isang imahen ng Sto. Nino ang ibinigay kay Juana. Nang tumuloy sila sa Mactan ay sinalubong sila ng mga kawal ni Lapu-lapu, ang pinuno ng Mactan at naganap ang labanan na ikinasawi ni Magellan at mga kawal nito.
Ang ikalawang ekspedisyon ay pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi at kasama niya si Padre Andres de Urdaneta. Nagtuloy sila sa Bohol at bininyagan ni Padre Andres ang mga katutubo na pinamunuan nina Raja Sikatuna at Raja Sigala. Tumuloy sina Legazpi sa Cebu at nang masakop nila ito ay itinatag ang kauna-unahang panirahan ng mga Espanyol sa Pilipinas. Sa bawat lupain na sinakop ng mga Espanyol, nagtulungan ang mga pinuno ng pamahalaan at mga prayle o pari. Pinalaganap ng mga prayle ang Relihiyong Romano Katoliko sa pamamagitan ng kanilang mabisang pananalita at makukulay na seremonya at ang mga pinuno ay nagpairal ng mga batas sa pamahalaan na umayon sa mga alituntunin ng relihiyon.
Ipinakilala ng mga Espanyol ang pananampalatayang Kristiyanismo na naniniwala sa iisang Diyos na may likha ng tao at ng lahat ng bagay sa mundo. Si Jesus ay ang Diyos Anak attagapagligtas ng sanlibutan. Ang pagkakaiba ngKristiyanismo sa Paganismo ay nasa paniniwala, aral, katawagan, at seremonya o ritwal. Maraming sekta ang Relihiyong Kristiyano. Ang RomanoKatoliko ang dala ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang pinakamataas na pinuno ng Katoliko ay nasa Roma at siya ay tinatawag na Pope o Papa. Ang mga batas sa pamahalaan ay umayon samga alituntunin ng Relihiyong Romano Katoliko tulad ng mga sumusunod:
| Batas | Mga Dapat Tandaan |
|---|---|
| 1. Pagpapabinyag sa simbahan | Ito ay pormal na pagtanggap bilang kasaping simbahan Dapat may unang pangalan na hango sa mga Santo o may kinalaman sa relihiyontulad ng Maria, Lucas at iba pa Dapat may huling pangalan o apelyido tulad ng Cruz, Lamadrid, Santos, at Torres |
| 2. Pagpapakasal sa simbahan | Ang kasal ay sakramentong panghabambuhay Pinagbabawal ang paghihiwalay ng mag-asawa |
| 3. Pagtutol sa pag-aalsang panrelihiyon | Pinaparusahan ang sinumang magbabaliksa katutubong pananampalataya Pinaparusahan ang sinumang magtatatag ng samahang pangrelihiyon na hindi sang-ayon sa Relihiyong Katoliko |
| 4. Pagbibigay ng pangalan sa bawat bayan o baryo | Ang pangalan ng lugar ay parangal sa isang Santo tulad ng San Esteban, SantaCatalina, at Santa Ana Ang kapistahan ng Patrong Santo |
| 5. Pagtuturo sa mga paaralan sa parokya | Ang pinakamahalagang asignatura ay angpag-aaral ng relihiyon, mga dasal, at kautusan ng Simbahang Katoliko. |
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang pahayag at isulat sa kuwaderno ang titik ng tamang sagot.
Kailan nagsimulang palaganapin ang Relihiyong Kristiyanismo sa bansa?
A. pagdating ng mga Hapon
B. pagdating ng mga Espanyol
C. pagdating ng mga Amerikano
D. pagdating ng mga AustronesyanoAng nanguna sa pagpapalaganap ng Relihiyong Romano Katoliko sa Pilipinas ay mga
.
A. katutubong bininyagan
C. misyonerong Espanyol
B. pinunong Espanyol
D. sundalong EspanyolIto ay isang maliit na isla sa Samar na kauna-unahang napuntahan nila Magellan.
A. Bohol
B. Cebu
C. Homonhon
D. LimasawaSa ilalim ng kapangyarihang panghukuman, ang prayle ay may kapangyarihang _____.
A. magpasya kung sino ang ititiwalag sa simbahan
B. mamahala sa halalang lokal at gawaing pambayan
C. magtala ng bilang ng mga ipinanganganak at inililibing
D. mangasiwa sa sakramento tulad ng binyag, kumpil, at kasalAng mga sumusunod ay mga batas na dapat sundin sa pagpapabinyag maliban sa isa.
A. dapat may pangalan na hango sa santo
B. dapat pormal na tinatanggap bilang kasapi ng relihiyon
C. dapat may dugong Espanyol ang pamilya ng nagpapabinyag
D. dapat may huling pangalan o apelyido ng Espanyol ang bibinyagan
[transcriber’s note: printed page numbers on these pages read 13 to 20]
Aralin 3 Karangalan (Glory): Susi ngKapangyarihan
Hindi lamang ang kayaman na makukuha sa isang sakop na bansa o maging ang pagpapakilala sa bagong pananampalataya o relihiyon kundi karangalan din ang mauna at makapagpalawak ng mga nasasakupan nito. Sa araling ito ay mauunawaan mo ang isa pang basehan kung paano maging tanyag o makapangyarihan ang isang bansa noon. Kinakailangangmauna ang isang bansa sa pananakop ng ibang bansa para mapalawak ang kanilang teritoryo.
Balikan
Panuto: Itugma ang mga pangyayari sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutangpapel.
| A | B |
|---|---|
| _____ 1. Naganap ang labanan nina Magellan at Lapu-Lapu | A. Pedro Valderrama |
| _____ 2. Ginanap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas | B. Limasawa |
| _____ 3. Lugar na kilala bilang Spice Island | C. Mactan |
| _____ 4. Lugar na pinamumunuan ni Rajah Humabon | D. Moluccas |
| _____ 5. Kauna-unahang pari na nagdaos ng misa sa Pilipinas | E. Cebu |
Tuklasin
Panuto: Tukuyin ang konseptong inilarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot saiyong sagutang papel.
_____ 1. Itinuring bilang pinakamatandang kalye sa Pilipinas.
_____ 2. Kauna-unahang pamayanang Espanyol naitinatag sa Pilipinas.
_____ 3. Tawag sa lugar o bansang direktang kinontrol,pinamahalaan at nilinang ng isang makapangyarihang bansa.
_____ 4. Kinilala bilang isang Lungsod ng Espanyanoong Hunyo 24, 1571.
_____ 5. Pangalang ibinigay ni Villalobos sa Kapuluan ng Leyte upang parangalan ang susunod na haring Spain o Espanya.
Mga pagpipilian:
A. Colon B. Manila C. Cebu D. Kolonya E. Felipina
Suriin
Bilang nangungunang bansa sa paggalugad ng mga bagong lupain, ninais ng mga Espanyol na makamit ang karangalan at kapangyarihan nito para simulan ang pagpapalawak ngkanilang teritoryo. Ang lahat ng mga bansa o lupaing nasakop nila ay tuwirang kinontrol, pinamahalaan, at nilinang. Ang pamamahalang ito ay tinatawag na kolonyalismo.
Muling nagpadala ang Espanya ng iba pang ekspedisyon upang balikan ang Pilipinas ngunit nabigo ang mga ito..Noong Abril 27, 1565, pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi ang panibagong ekspedisyon at narating nila ang Pilipinas. Sa Cebu ay nagsimulang magtatag ng pamayanang Espanyol si Lepazpi. Itinakda ni Legazpi ang Cebu bilang kauna-unahang pamayanan Espanyol sa Pilipinas at pinangalanan niya itong La Villa del Santisimo Nombre de Jesus. Ang Kalye Colon sa Cebu ay itinuring bilang pinakamatandang kalye sa Pilipinas. Noong1569 ay nagtayo ng mga pamayanan si Legazpi sa Panay at sinundan ito sa pagtatag ng pamayanan sa Masbate, Ticao, Burias, Mindoro, Mamburao, at Albay. Nakapagtatag din ng pamayanan ang mga Espanyol noong Hunyo 24, 1571 na kinilala ang Maynila bilang isang bagongLungsod ng Espanya. Dito nagsimulang matupad ang hangaring pampolitika ng bansang Espanya. Itinatag ang Pamahalaang Espanyol sa bansa na kung saan ang mga Pilipino ay napasailalim nito. Isa sa nakikitang dahilan kung bakit madaling nasakop ng mga Espanyol ang halos buong bansa ay dahil sa kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino noon. Ngunit may mga lugar sa Pilipinas tulad ng ilang lugar sa Mindanao ang hindi napasailalim sa pamamahala ng mga Espanyol bagkus nagpatuloy ang kanilang sistema ng pamahalaan na tinatawag na Sultanato.
Pagyamanin
Panuto: Kumpletuhin ang Graphic Organizer. Ang paglalayag ni Miguel Lopez de Legazpi. Ano-anong lugar sa Pilipinas ang naitayong pamayanan? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
[chart: graphic organizer; Ang paglalayag ni Miguel Lopez de Legazpi] Center oval: “Miguel Lopez de Legazpi”. Five surrounding ovals with arrows pointing outward from the center, all left blank for the learner to complete.
Isaisip
Panuto: Piliin ang salitang makakabuo ng talata. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
Nagsimula ang pagtungo ng mga Espanyol sa Pilipinas nang hindi sinasadyang makarating ang ekspedisyon ni (Magellan/Legazpi) sa pulo ng Homonhon noong 1521. Naipakilala ang Relihiyong (Islam/Kristiyanismo) sa mga katutubo ng mga Espanyol. Hindi nagtagumpay sa pagsakop si Magellan dahil sa pagkamatay nito sa (Limasawa/Mactan) na nagdulot ng (pagkakaroon ng interes/kawalan ng interes) ng Hari ng Espanya na sakupin angPilipinas. Noong 1564, ipinadala ni Haring Felipe si (Legazpi/Villalobos) upang tuluyang sakupinang Pilipinas. (Nagtagumpay/Nabigo) ang mga Espanyol na masakop ang Pilipinas. Nagtatag si Legazpi ng unang pamayanang Espanyol sa (Bohol/Cebu) at naging pangunahing lungsod ang (Maynila/Cavite) noon 1571.
Isagawa
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa isangpapel.
Ito ay bahagi ng kanilang misyon sa pananakop ng mga lupain ang paglaganap ngRelihiyong Kristiyanismo.
a. Gold
b. God
c. GloryItinuturing na kayamanan ang mga lupaing nasakop ng Espanyol sapagkatnapapakinabangan nila ang yamang tao at kalikasan nito.
a. Gold
b. God
c. GloryIsang karangalan ng mga mananakop ng makapangyarihang na bansa ang pagkakaroon ngmga kolonya o mga sakop na lupain.
a. Gold
b. God
c. GlorySiya ang itinalaga ng mga Espanyol sa paglaganap ng Kristiyanismo sa mga lungsod.
a. Datu
b. Prayle
c. AlipinLugar kung saan naganap ang kauna-unahang misa sa Pilipinas.
a. Cebu
b. Bohol
c. Limasawa
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Suriin kung ito ay pampulitikang hangarin/ Karangalan, pagpapalaganap ng Kristiyanismo at pangkabuhayan/Kayamanang layunin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Kristiyanismo | Karangalan | Kayamanan
_____ 1. Hangarin ng Espanyol na makamit ang karangalan at kapangyarihan sabuong mundo.
_____ 2. Hangarin ng Espanyol na ipalaganap ang Kristyanismo sa Pilipinas.
_____ 3. Ang Espanyol ay naglikom ng kayaman sa Pilipinas kagaya ng ginto at pilak.
_____ 4. Ang kasunduan ng Espanyol at Simbahang Katoliko na ipalaganap, panatilihin at ipagtanggol ang Relihiyong Romano sa Pilipinas.
_____ 5. Nagpapalaganap ng merkatilismo sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Espanyol.
_____ 6. Nagtatayo ng mga pamayanan sa Pilipinas si Miguel Lopez de Legazpi.
_____ 7. Ginanap ang kauna-unahang misa sa Limasawa noong Marso 31, 1521.
_____ 8. Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan noong Abril 27,1521.
_____ 9. Ang pagbibinyag ng mga katutubo sa Cebu ay pinangungunahan ni RajaHumabon.
_____ 10. Nais sakupin ng Espanyol ang Pilipinas dahil sa likas na yaman nito.
Karagdagang Gawain
Panuto: Natatandaan mo pa ba ang mga dahilan at layunin ng Espanyol sa pagsakop sa Pilipinas? Isulat ang T kung ang sinasaad ng pangungusap ay tama at M kung mali. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.
Natuwa ang mga Pilipino sa pagdating ng mga Espanyol sa bansa.
Nangyari ang unang misa sa Pilipinas noong Marso 20, 1521 na pinangungunahan ni Padre Pedro de Valderrama.
Ang ibig sabihin ng “kolonyalismo” ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrolng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas upang maging tanyag ang Espanya at Europa.
Layunin ng mga Espanyol na kaibiganin ang mga Pilipino upang sakupin ang Pilipinas at makuha ang kanilang mga likas na yaman.
[transcriber’s note: the printed page numbers on these pages read 21 to 24, followed by the contact page; the markers 25 to 29 are the PDF page numbers]
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1
Subukin
- B
- D
- B
- B
- B
- D
- A
- A
- D
- C
Balikan
- B
- C
- C
- D
- TA[?]
Pagyamanin
- A
- B
- C
- D
- E
- F
Tuklasin
- Ginto
- Pampalasa/Spices
- Paminta
- Bawang
- Produkto
Susi sa Pagwawasto
Aralin 2 | Aralin 3
Balikan (Aralin 2)
- Koran
- Allah
- Bathala
- Isla
- Pagano
Balikan (Aralin 3)
- C
- B
- D
- E
- A
Tuklasin (Aralin 2)
- E
- C
- A
- F
- B
Tuklasin (Aralin 3)
- A
- C
- D
- B
- E
Pagyamanin (Aralin 2)
- B
- C
- C
- A
- C
Pagyamanin (Aralin 3)
Cebu, Manila, Masbate, Tocao, Bunas, Mindoro, Mambulao, at Albay
Susi sa Pagwawasto
Aralin 4
Isagawa
- B
- A
- C
- B
- C
Tayahin
- Karangalan
- Kristiyanism
- Kayamanan
- Kristiyanism
- Kayamanan
- Karangalan
- Karangalan
- Kristiyanism
- Karangalan
- Kayamanan
Isaisip
- Magellan
- Kristiyanism
- Mactan
- Pagkakaroon ng Interes
- Legazpi
- Ngtagumpay
- Cebu
- Maynila
Karagdagang Gawain
- M
- M
- T
- T
- M
Sanggunian
- Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
- Govan, D., 2005. File:Garlic.Jpg – Wikimedia Commons. [online] Commons.wikimedia.org. Available at: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Garlic.jpg [Accessed 15 June 2020].
- Hubertl, 2014. File:Black Pepper IMG 4866.Jpg – Wikimedia Commons. [online] Commons.wikimedia.org. Available at: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Black_Pepper_IMG_4866.jpg [Accessed 15 June 2020].
- Mczuniga26, 2018. File:Magellan Cross, Cebu City.Jpg – Wikimedia Commons. [online] Commons.wikimedia.org. Available at: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Magellan_Cross,_Cebu_City.jpg [Accessed 15 June 2020].
- Heralder, 2010. File:Heraldic Royal Crown Of Spain.Svg – Wikimedia Commons. [online] Commons.wikimedia.org. Available at: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Heraldic_Royal_Crown_of_Spain.svg [Accessed 15 June 2020].
- Kübelbeck, A., 2010. Silver Bar 01.Jpg. [online] Tl.m.wikipedia.org. Available at: https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Silver_Bar_01.jpg [Accessed 15 June 2020].
- Pholikhaz, 2019. File:Gold Bar.Png – Wikimedia Commons. [online] Commons.wikimedia.org. Available at: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Gold_Bar.png [Accessed 15 June 2020].
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


Leave a Reply