Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na makatutulong sa mag-aaral upang maunawaan ang mga paksa tungkol sa panahon at kalamidad na nararanasan sa sariling komunidad.
Inaasahan na maipamamalas ng mag-aaral ang mga sumusunod:
1. nailalarawan ang panahon at kalamidad na nararanasan sa sariling komunidad;
2. natutukoy ang iba’t ibang uri ng panahong nararanasan sa sariling komunidad;
3. nakabubuo ng simpleng ulat ukol sa kalagayan ng panahon sa sariling komunidad;
4. maging responsableng mag-aaral at handa sa anumang panahon at kalamidad sa maaaring maranasan sa hinaharap.