This is the Araling Panlipunan Grade 4 self-learning module for Quarter 3, Module 6: “Ang Pamahalaan sa Pagtataguyod ng Kapayapaan at Edukasyon sa Bansa” (how the government promotes peace and education in the country). It was prepared by DepEd Region V (Bicol) for learners studying at home. After this module, learners should be able to analyze the government’s programs for education and for peace.
The module follows the previous lesson on the government’s health programs and services. It now turns to education and peace.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module lists three standards.
- Pamantayang Pangnilalaman (content standard): Learners show understanding of the role of the government, its leaders, and others who serve the unity, order, and progress of the country.
- Pamantayan sa Pagganap (performance standard): Learners actively take part in the projects and activities of the government and its leaders for the common good.
- Pamantayan sa Pagkatuto (learning competency): Learners analyze the government’s programs on education and peace.
Government programs for education
The module says that education is an important factor in the growth of each citizen and the progress of the nation. The Philippines supports Edukasyon para sa Lahat (Education for All), which aims to improve the quality of education of every Filipino, young or old. The Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education, or DepEd) is the agency that leads efforts to improve education.
| Program | What it does |
|---|---|
| K to 12 Program (Enhanced Basic Education Program) | Gives learners full, continuous learning of basic skills and prepares them for college or work |
| Day Care Center | Day care centers in every barangay care for young children who are just starting to learn |
| Abot-Alam | Aims to reduce the number of out-of-school youth (OSY) and prepare them for business or work |
| Alternative Learning System (ALS) | Lets out-of-school youth study on the days and hours when they are free or not working |
| Iskolarsyip (scholarships) | Supports bright learners who cannot afford their studies |
| Program for Indigenous Peoples (IPs) | Strengthens literacy for indigenous peoples and helps preserve and enrich their culture |
Government agencies and programs for peace
The module explains that peace exists in a community when its members understand one another and share the same goals. A peaceful community helps every person grow well and progress. These agencies keep order and safety:
- Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), the Armed Forces of the Philippines: defends the country against local or foreign enemies and helps people during disasters. It is made up of the Army (Hukbong Katihan), Navy (Hukbong Dagat), and Air Force (Hukbong Himpapawid).
- Department of National Defense (DND), or Kagawaran ng Tanggulang Pambansa: keeps peace inside and outside the country and protects its security against threats.
- Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), the Philippine National Police: works with local governments to stop crime and arrest lawbreakers.
- Lokal na Pamahalaan (LGU), the local government: keeps order in its area by carrying out ordinances for peace.
The module also names these peace programs:
- ZAMBASULTA (Zamboanga-Basilan-Sulu-Tawi-Tawi): improves livelihood and job opportunities in vulnerable and conflict-affected areas.
- PAMANA (Payapa at Masaganang Pamayanan, or peaceful and prosperous communities): a framework and program for peace and development in areas affected by conflict.
- Other peace efforts: negotiations between the government and armed groups, ways for people to take part in an accountable peace process, support for international peace laws, and national and local laws on peace and security.
Parts and activities of the module
- Subukin (pretest): 10 multiple-choice questions.
- Balikan (review): fill in the names of health programs from the previous module.
- Tuklasin (discover): study two pictures and name the education and peace programs shown.
- Suriin (discussion): the education and peace programs explained above.
- Pagyamanin (practice): match situations to education programs, match duties to peace agencies, and mark actions that help keep peace.
- Isaisip (key ideas): fill in the blanks and write a short paragraph about what you learned.
- Isagawa (apply): suggest government programs for real-life situations, such as a working student who stopped school or a neighborhood with frequent theft.
- Tayahin (post-test): 10 multiple-choice questions.
- Karagdagang Gawain (extra activities): make a slogan about the benefits of education or peace programs, and draw a program carried out in your community. Both come with rubrics.
How to use this module
- Learners: Take the pretest first, then go through each part in order. Write all your answers on a separate sheet of paper or in your notebook. Do not write on the module, so that others can use it later. Each activity has a suggested time limit, from 2 to 5 minutes.
- Parents and guardians: Guide your child through the activities. The module invites family members to grade the slogan and drawing using the rubrics provided.
- Teachers: An answer key (Susi sa Pagwawasto) is included at the end for all activities and both tests. Please check the pretest key against the questions before sharing it, since some answers in the key do not match the choices given. Remind learners to use the key honestly and to contact you if they have trouble understanding the lessons.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?
It is for Grade 4 Araling Panlipunan, Quarter 3, Module 6. It was prepared by DepEd Region V (Bicol) as a self-learning module, first edition 2020.
What education programs of the government does the module discuss?
It covers Education for All, the K to 12 Program, Day Care Centers, Abot-Alam, the Alternative Learning System (ALS), scholarships, and a literacy program for Indigenous Peoples.
Which agencies keep peace and order according to the module?
The Armed Forces of the Philippines (AFP), the Department of National Defense (DND), the Philippine National Police (PNP), and local government units (LGU).
What are PAMANA and ZAMBASULTA?
PAMANA (Payapa at Masaganang Pamayanan) is a framework and program for peace and development in conflict-affected areas. ZAMBASULTA (Zamboanga-Basilan-Sulu-Tawi-Tawi) aims to improve livelihood and job opportunities in vulnerable areas with conflict.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, all activities, and the post-test, and refers to the rubrics for the slogan and drawing tasks.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6 Ang Pamahalaan sa Pagtataguyod ng Kapayapaan at Edukasyon sa bansa
4
[illustration: students reading and studying under a tree and in a classroom, with a globe and a lantern]
CO_Q3_AP4_Module6
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 6: Ang Pamahalaan sa Pagtataguyod ng Kapayapaan at Edukasyon sa bansa Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Iren A. Nuňez Editor: Jerry P. Ramirez at Ma. Leilani R. Lorico Tagasuri: Ana N. Calisura Tagaguhit: Tagalapat: Edsel D. Doctama, Florendo S. Galang Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr., Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Imelda R. Caunca, Marites B. Tongco
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region V BICOL
Office Address: Regional Site, Rawis, Legazpi City 4500 Telefax: 0917-178-1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph
4
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Ang Pamahalaan sa Pagtataguyod ng Kapayapaan at Edukasyon sa bansa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target with arrow]
Sa nakaraang modyul, nasuri mo ang iba’t ibang programa at serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan. Tinukoy din natin ang pangunahing kagawaran na siyang namumuno sa mga programa at serbisyong pangkalusugan. Gayundin, binigyang-diin din natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na mamamayan.
Sa modyul na ito, matututunan mo naman kung paano tinataguyod ng pamahalaan ang edukasyon at kapayapaan sa bansa.
Pamantayang Pangnilalaman
Ikaw ay makapagpapamalas ng pang-unawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng bansa.
Pamantayan sa Pagganap
Ikaw ay makapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat (common good).
Pamantayan sa Pagkatuto
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Masusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa pang edukasyon at pangkapayapaan.
Subukin
[illustration: pencil icon]
PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Pagkatapos ay piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 4 minuto.
Aling ahensya ng pamahalaan ang siyang nangangasiwa upang maisulong ang mas mahusay na edukasyon ng bansa?
- A. Kagawaran ng Kalusugan
- B. Kagawaran ng Edukasyon
- C. Kagawaran ng Pananalapi
- D. Kagawaran ng Turismo
Isa sa mahalagang salik sa pag-unlad ng kaisipan ng mamamayan bilang isang indibiduwal at sa pagsulong ng isang bansa ang maayos at dekalidad na sistema ng _____.
- A. Turismo
- B. Kapaligiran
- C. Edukasyon
- D. Pamahalaan
Alin sa mga sumusunod ang pandaigdigang program na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat mamamayan?
- A. Edukasyon Para sa Lahat
- B. Programang K to 12
- C. Day Care Center
- D. Abot-Alam
Aling programang pang-edukasyon ang naglalayong magkaroon ang bawat mag-aaral nang lubos at tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga batayang kasanayan at kahandaan sa kolehiyo o sa paghahanapbuhay?
- A. Edukasyon Para sa Lahat
- B. Programang K to 12
- C. Day Care Center
- D. Abot-Alam
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing lakas at tagapagtanggol ng bansa laban sa mga mananakop?
- A. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
- B. Pambansang Pulisya ng Pilipinas
- C. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
- D. Lokal na Pamahalaan
Alin sa mga sumusunod na ahensya ang kaakibat ng lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa mga krimen at paghuli sa mga taong lumalabag sa batas?
- A. Hukbong Katihan ng Pilipinas
- B. Pambansang Pulisya ng Pilipinas
- C. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
- D. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Ang mga sumusunod ay ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan MALIBAN sa isa. Alin ito?
- A. Kagawaran ng Turismo
- B. Pambansang Pulisya ng Pilipinas
- C. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
- D. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Ito ang balangkas at programa para sa kapayapaan at pag-unlad sa mga lugar na apektado ng kaguluhan.
- A. PAMANA
- B. ZAMBASULTA
- C. Edukasyon Para sa Lahat
- D. Programang K to 12
Layunin ng programang ito na mapaunlad ang kabuhayan at pagkakataon para makapagtrabaho sa mga lugar na may kaguluhan.
- A. PAMANA
- B. ZAMBASULTA
- C. Edukasyon Para sa Lahat
- D. Programang K to 12
Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Natutunan mo sa paaralan na may programa sa edukasyon para sa mga nahinto sa pag-aaral. Alin sa mga sumusunod na programa ng pamahalaan ang maaaring makatulong sa iyong kuya?
- A. Abot-Alam
- B. Programang K to 12
- C. Edukasyon Para sa Lahat
- D. Alternative Learning System (ALS)
Module 1
ANG PAMAHALAAN SA PAGTATAGUYOD NG KAPAYAPAAN AT EDUKASYON SA BANSA
Balikan
PANUTO: Tukuyin ang inilalarawang programang pangkalusugan. Gamitin ang gabay na titik sa bawat bilang. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 3 minuto.
Ang (puwang sa ibaba) ay naglalayong marating ang pinakamahihirap na mmamayan at mabigyan ng kompletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit sa bansa.
C_____Itinataguyod at higit na pinalawak na (puwang sa ibaba) para sa mga bata laban sa mga sakit gaya diarrhea, polio, tigdas at trangkaso.
P_____Itinatag ang (puwang sa ibaba) upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan at mapagkalooban ng may kalidad na mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan.
P_____Ang (puwang sa ibaba) ay ang ahensiyang naatasan ng pamahalaan na mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan ng buong bansa.
K_____Kasama sa binibigyang pansin ng pamahalaan ang kalagayan ng mga (puwang sa ibaba) at kababaihan . Hinihikayat sila na regular na magpatingin sa sentrong pangkalusugan para sa libreng bitamina at bakuna laban sa sakit gaya ng neo tetanus.
I_____
Kumusta? Naalala mo pa ba ang nakaraang aralin? Nakuha mo ba lahat ng sagot? Sige magpatuloy ka pa.
[illustration: cartoon mushroom character speaking]
Tuklasin
Pag-aralan at suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang tanong kaugnay ng iyong pagsusuri. Gawin ito sa loob ng 3 minuto sa iyong sagutang papel.
[illustration: A — classroom with a teacher at a blackboard listing “A” is for “abroad”, “B” is for “balikbayan box”, “C” is for “call center”, “D” for “doctor”; students seated in front]
[illustration: B — soldier saluting above open hands holding small figures of people, with documents and a building in the background]
A B
Anong programang pang-edukasyon ang ipinapakita sa larawan A?
Anong programang pangkapayapayapaan ang ipinapakita sa larawan B?
Ano kayang mga programa ng pamahalaan para sa edukasyon at kapayapaan ng ating bansa? Tara, at sabay nating alamin sa modyul na ito.
[illustration: cartoon mushroom character giving a thumbs-up]
Suriin
MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN SA EDUKASYON AT KAPAYAPAAN
Ang edukasyon ay isang mahalagang salik sa pag-unlad ng bawat mamamayan at sa pagsulong ng isang bansa. Bukod sa kalusugan ng bawat tao, may mga programa at serbisyong pang-edukasyon din na ipinatutupad ang ating pamahalaan upang mapataas ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino.
Ang Pilipinas ay kaisa sa mga bansang nagtataguyod ng programang Edukasyon para sa Lahat (Education for All) na naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino, bata man o matanda. Ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd ay ang ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Nangunguna sa mga programang ito ang Enhanced Basic Education Program o kilalang programang Kinder to Grade 12 (K to 12), pagtataguyod ng iba pang mga programa tulad ng Day Care Centers, Abot-Alam, Alternative Learning System o ALS, mga iskolarsyip at marami pang iba.
[photo: four black-and-white photos of students reading aloud in a classroom, one beside a globe and maps, one speaking into a microphone, and one with an adult reading beside a globe]
Mga programa ng pamahalaan sa edukasyon
[chart: flowchart of education programs; untitled]
| Program | Description |
|---|---|
| KTO 12 Program | • Tinatawag na Enhanced Basic Education Program . Nilalayon nitong magkaroon ang mga mag-aaral ng lubos at tuloy- tuloy na pagkatuto ng mga batayang kasanayan, at magkaroon ng kahandaan sa kolehiyo o paghahanapbuhay. |
| Day Care Center | • Pagpapatayo ng mga Day Care Center sa bawat barangay para mangalaga sa mga batang nag-uumpisa pa lamang matuto. |
| Abot-Alam | • Layunin ng programang ito na mabawasan ang mga OSY at maihanda sila sa pagnenegosyo o paghahanpbuhay. Sa pamamagitan ng Alternative Learning System ( ALS) binibigyan sila ng pagkakataon na makapag-aral sa mga oras at araw na libre sila o di naghahanapbuhay. |
| ISKOLARSYIP | • binibigay ang programang ito para sa mahuhusay na mag-aaral ngunit walang sapat na panustos sa pagaaral. |
| Programa para sa IP | • Pinaigting na Literasi para sa mga Indigenous Peoples o mga katutubong mamamayan. Layunin din ng pamahalaan na mapangalagaan at mapagyaman ang kultura ng mga IPs. |
MGA PROGRAMANG PANGKAPAYAPAAN
Ang kapayapaan ay nararanasan sa isang komunidad kung ang mga kasapi nito ay nagkakaunawaan at nagkakaisa ang kanilang mga mithiin. Upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan, may mga ahensya ang pamahalaan na tumutugon sa pangangailangang ito
Mahalaga ang pagkakaroon ng isang payapang pamayanan upang lumaki nang maayos ang bawat tao at upang umunlad ang mga ito.
Naririto ang mga ahensya ng pamahalaan na naatasang magtaguod ng kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan.
[chart: four-box diagram of peace agencies around a center label; “Mga Ahensyang Pangkapayapaan”]
| Ahensya | Paglalarawan |
|---|---|
| Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) | tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa mga kaaway o mananakop lokal man o banyaga.Sila rin ang tumutulong sa mga tao sa oras ng sakuna. Binubuo ito ng Hukbong Katihan( Army), Hukbong Dagat ( Navy), Hukbong Himpapawid ( Airforce) |
| Department of National Defense ( DND) | Tungkulin ng ahensyang ito na pangalagaan ang katahimikan sa loob at labas ng buong bansa at tiyakin ang seguridad nito laban sa mga panganib. |
| Pambansang Pulisya ng Pilipinas ( PNP) | Ang PNP ay ang lakas ng hanay ng mga kapulisan sa bansa. Ito ang kaakibat ng mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo ng mga krimen at paghuli ng mga taong lumalabag sa batas. |
| Lokal na Pamahalaan ( LGU) | Tumutulong ang lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan ng kanilang nasasakupan sa pagpapatupad ng mga ordinansa para sa kapayapaan ng lugar na nasasakupan. |
Iba Pang Programang Pangkapayapaan
May iba’t ibang mga programa at serbisyong pangkapayapaan at seguridad na siyang ipinatutupad ng mga ahensyang pangkapayapaan. Kabilang dito ang mga sumusunod:
ZAMBASULTA
(Zamboanga-Basilan-Sulu-Tawi-Tawi) – layunin nito na mapaunlad ang kabuhayan at pagkakataon para makapagtrabaho sa mga lugar na mahihina at may kaguluhan.
PAMANA
(Payapa at masaganang Pamayanan) – balangkas at programa para sa kapayapaan at pag-unlad sa mga lugar na apektado ng kaguluhan.
Iba Pang Programang Pangkapayapaan
- Negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ibang armadong grupo.
- Pagkakaroon ng mga paraan para sa pakikilahok at mapanagutang prosesong pangkapayapaan
- Pagsuporta sa pagpapatupad ng mga pandaigdigang batas Pangkapayapaan.
- Pagkakaroon ng mga pambansa at lokal na batas pangkapayapaan at seguridad.
[chart: flow diagram; “PROGRAMANG PANGKAPAYAPAAN” with arrows to three boxes: “PAMANA”, “ZAMBASULTA”, “Iba Pang Programang Pangkapayapaan”]
Pagyamanin
A. PANUTO: Tukuyin kung anong programang pang-edukasyon ang nararapat sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon sa ibaba at isulat ito sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 3 minuto.
- Namatay ang tiyahin ni Lisa na siyang nagpapa-aral sa kanya. Dahil dito hindi na siya makakapagpatuloy ng pag-aaral kahit mahusay siya sa kanilang klase.
- Maraming bata ang nangangailangan ng pangangalaga sa inyong lugar.
- Nahinto sa pag-aaral si Allan ng 3 taon dahil nagkasakit siya.
- Nais makapagtapos ng pag-aaral si Juan ngunit wala na siyang panahon dahil nagtatrabaho na siya.
- Gustong magkaroon ng batayang kasanayan at kahandaan si Alvin sa pagpasok niya sa kolehiyo.
Kumusta? Naintindihan mo ba ang mga aralin sa modyul na ito? Sige, humanda ka ng sagutin ang mga susunod na gawain.
Tara, subukin nga natin ang iyong kaalaman.
[illustration: cartoon mushroom character; ABC blocks icon beside the heading]
Options:
- A. Programang K to 12
- B. Iskolarsyip
- C. Abot-Alam
- D. Alternative Learning System
- E. Edukasyon Para sa Lahat
- F. Day Care Center
B. PANUTO: Tukuyin kung anong ahensiyang pangkapayapaan ang may gampanin ng mga sumusunod na tungkulin. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 3 minuto.
| Mga Ahensya sa Kapayapaan |
|---|
| A. Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines, AFP) B. Department of National Defense (DND). C. (Local Government Units, LGU) D. Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine National Police, PNP) |
_____1. Tungkulin ng ahensyang ito ang pangalagaan ang katahimikan sa loob at labas ng buong bansa at tiyakin ang seguridad nito laban sa mga panganib.
_____2. Tumutulong ang ahensyang ito sa pagpapanatili ng kaayusan ng kani-kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga ordinansa na naglalayon ng kapayapaan sa lugar na nasasakupan. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga ordinansang pangkapayapaan ay napapanatili ng ahensyang ito ang kaayusan ng kanilang nasasakupan.
_____3. Ang ahensyang ito ang kaakibat ng mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa mga krimen at paghuli sa mga taong lumalabag sa batas.
_____4. Tungkulin ng ahensyang ito na tumulong sa mga tao sa oras ng sakuna.
_____5. Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa mga kaaway o mananakop, lokal man o banyaga upang mapanatiliang kaayusan ng bansa.
C. PANUTO: Lagyan ng tsek (/) kung nakatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 2 minuto.
( ___) 1. Pagsunod sa mga batas sa pamayanan.
(____) 2. Pakikipagsabwatan sa mga magnanakaw at NPA.
(____) 3. Paglalagay ng mga ilaw trapiko sa kalye.
(____) 4. Pagpapatupad ng mga polisiya hinggil sa kapayapaan.
(____) 5. Pakikilahok sa pagbuo ng ordinansang pangkapayapaan sa pamayanan.
Kumusta? Nasiyahan ka ba sa pagsagot sa mga gawain? Sige magpatuloy ka pa.
Isaisip
A. PANUTO: Punan ng tamang salita ang puwang upang mabuo ang kaisipang inilalahad sa bawat bilang. Piliin ito sa mga salitang nasa ibaba ng kahon. Gawin sa loob ng 5 minuto.
- May mga programa at serbisyong pang-edukasyon ang itinataguyod ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangang pampagkatuto ng mga mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang _____, _____, _____.
Edukasyon Para sa Lahat, PAMANA, Imunisasyon, Programang K to 12, Abot-Alam
- May mga _____ ang pamahalaan na tumutugon sa pagpapaunlad ng _____, maging pagpapanatili ng _____ at _____ ng buong bansa.
Edukasyon, kaligtasan, ahensya, katahimikan, pag-unlad
- Ang _____, _____at _____, ay ilan lamang sa mga nangangalaga sa kapayapaan ng bansa.
Hukbong Sandatahan, Pambansang Pulisya ng Pilipinas, mga lokal na pamahalaan , New Peoples Army, Zambasulta
**B.**PANUTO: Sumulat ng maikling talata tungkol sa iyong natutunan sa paksang tinalakay sa modyul na ito. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 3 minuto.
[transcriber’s note: empty writing box for the learner’s answer]
Nakuha mo ba ang mensahe ng modyul na ito? Kung gayon ay magpatuloy ka pa sa susunod na gawain.
Isagawa
**A.**PANUTO: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang papel ang hinihingi sa bawat bilang. Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
Maagang nahinto sa pag-aaral si Rico. Gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi niya ito magawa dahil nagtatrabaho siya. Anong programa ng pamahalaan ang maaaring tumulong sa kanya?
Madalas magkaroon ng nakawan sa inyong lugar lalo na tuwing sasapit ang gabi. Anong serbisyo ng pamahalaan ang maaaring makatulong sa inyong lugar?
May angking galing si Rob ngunit dahil sa kahirapan hindi na siya makapagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Anong programa o serbisyo ng pamahalaan ang maaaring makatulong sa kanya?
Sa iyong palagay alin sa mga programang pang-edukasyon at pangkapayapaan ang kailangan mo at ng iyong pamayanan? Bakit?
Nasagot mo ba ang mga gawain? Sige subukan mo ngayon ang mga natutunan mo sa modyul na ito.
Tayahin
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
- Si Adi ay matalinong bata at kabilang sa Indigenous People (IP) na nakitira sa inyong lugar. Nahinto ito sa pag-aaral dahil na rin sa kahirapan. Paano matutulungan si Adi ng pamahalaan?
- A. Isali ito sa 4Ps beneficiary.
- B. Hayaan na lang si Adi sa kanyang kalagayan.
- C. Bigyan ang pamilya ni Adi ng tulong galing sa pamahalaan
- D. Ipaalam sa pamilya ni Adi ang programa ng pamahalaan para sa mga Indigenous Peoples (IPs).
- Anong programa ng pamahalaan ang nagbibgay ng pagkakaton na makapag-aral muli ang mga Out-ofSchool Youth sa mga oras at araw na libre sila o di naghahanapbuhay?
- A. Day Care
- B. TESDA
- C. Alternative Learning System (ALS)
- D. K-12 Basic Education Program
- Isa ito sa mga programang edukasyon ng pamahalaan sa bawat barangay na mangangalaga sa mga batang nag-uumpisa pa lamang matuto.
- A. Day Care
- B. Alternative Learning System (ALS)
- C. Indigeneous People
- D. Out of School Youth (OSY)
- Si Gregor ay magaling gumuhit ngunit hindi siya kayang pag-aralin ng kanyang pamilya. Alin sa mga sumusunod na tulong ang maaaring ibigay sa kanya ng pamahalaan?
- A. Bigyan siya ng abogado na magtatanggol sa kanya
- B. Tulungan siya na magkaroon ng sariling trabaho
- C. Bigyan siya ng iskolarship galing sa pamahalaan
- D. Pagkalooban siya ng pabahay
- Bakit kailangang magpatupad ang pamahalaan ng mga serbisyo at proyektong pangkapayapaan?
- A. Para makilala sila ng mga tao sa kanilang paglilingkod.
- B. Maipakita ang kanilang mga ginagawa sa bayan
- C. Para sa kabutihan at kaayusan ng bawat mamamayan
- D. Malaman ng mamamayan na sila ang may kapangyarihan
- Ang mga sumusunod ay programa ng pamahalaan para mapanatili ang kapayapaan sa buong bansa, MALIBAN sa isa. Alin ito?
- A. PAMANA
- B. ZAMBASULTA
- C. Negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ibang armadong grupo
- D. Edukasyon Para sa Lahat
- Anong ahensiya o kagawaran ng pamahalaan ang nangangasiwa at nagpapatupad ng mga programa para sa kapayapaan at kaayusan ng buong bansa.
- A. Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
- B. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
- C. Kagawaran ng Katarungan
- D. Kagawaran ng Kalusugan
- Bakit kailangang magpatupad ang pamahalaan ng mga serbisyo at programang pangkapayapaan sa bansa?
- A. Para maging ligtas ang buhay ng mga pinuno ng bansa.
- B. Maipatupad nila ang mga proyekto sa mamamayan.
- C. Para sa kaligtasan at katahimikan ng buong bansa.
- D. Makita ng mga mamamayan ang kapangyarihan ng mganamumuno sa bansa.
- Bakit itinataguyod ng Pilipinas ang Edukasyon para sa Lahat (Education for All)?
- A. Upang mayroon silang programang naitaguyod
- B. Upang ipagmayabang na ang lahat na Pilipino ay nakapag-aral.
- C. Upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino, bata o matanda.
- D. Upang ipakita na matalino at magaling ang mga Pilipino pagdating sa edukasyon.
- Alin sa mga sumusunod ang programang pang edukasyong naglalayong mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mahuhusay na mag-aaral ngunit walang sapat na panustos sa pag-aaral?
- A. Day Care
- B. Iskolarsyip
- C. Abot-Alam
- D. K to 12 Program
Nakuha mo ba ang mga sagot sa Tayahin? Kumusta ang iskor mo? Sige subukin pa natin ang natutunan mo.
Karagdagang Gawain
GAWAIN 1
PANUTO: Gumawa ng slogan tungkol sa kabutihang dulot ng mga programang pang-edukasyon o pangkapayapaan sa iyong pamayanan. Gawin ito sa kuwaderno sa loob ng 3 minuto.
[transcriber’s note: an empty bordered box for the slogan]
Maaari mong tanungin ang iyong mga kasambahay na bigyan ka ng grado sa nagawang slogan gamit ang rubriks sa ibaba.
Rubriks sa Paggawa ng Slogan
| Rubriks sa Paggawa ng Slogan | Puntos |
|---|---|
| Kaangkupan sa tema | 5 |
| Orihinalidad | 5 |
| Mensahe ng slogan | 5 |
| Pagkakabuo | 5 |
5- napakahusay……Pinag-isipan, napaganda ng ginawa, angkop na angkop sa mga pamantayan.
4- mahusay ……….Angkop sa tema, sariling gawa, angkop sa mensahe, angkop sa pamantayan
3- katamtaman …….Maayos na ginawa, medyo angkop sa binigay na pamantayan
2- di- gaanong mahusay … Hindi angkop sa mga pamantayan
1- sadyang di mahusay …. Gumawa lang para makapasa
GAWAIN 2
PANUTO: Anong programa o serbisyong pang-edukasyon o pangkapayapaan ang ipinatutupad ng pamahalaan sa inyong pamayanan? Iguhit ito sa iyong kuwaderno sa loob ng 3 minuto.
[transcriber’s note: an empty bordered box for the drawing]
Maaari mong tanungin ang iyong mga kasambahay na bigyan ka ng grado sa nagawang larawan gamit ang rubriks sa ibaba.
Puntos
5— Maayos at madetalyeng nakaguhit ng programa o serbisyong pang-edukasyon o Pangkapayapaan.
4— Maayos na nakaguhit ng programa o serbisyong pang-edukasyon o Pangkapayapaan.
3— Nakaguhit ngunit hindi gaanong maayos
2— Nakaguhit ngunit hindi maayos
[illustration: cartoon mascot character beside a speech bubble]
Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; transcribed in reading order]
SUBUKIN
- C 2. C 3. A 4. C 5. A 6. B 7. A 8. A 9. B 10. D
BALIKAN:
- Complete Treatment Pack
- Pagbabakuna
- NHIP
- Kagawaran ng Kalusugan
- Ina
TUKLASIN
Larawan A—K to 12 , ,Larawan B—Maunlad at tahimik na Pamayanan
PAYAMANIN
A. 1. B 2. F 3. C 4. D 5. A
B. 1. B 2. C 3. D 4. A 5. A
C. 1. / 2. X 3. / 4. / 5. /
ISAISIP
A. 1. Edukasyon Para sa Lahat, K to 12 , Abot-Alam 2. ahensya, edukasyon, katahimikaan, kaligtasan 3. Hukbong Sandatahan, Pambansang Pulisya ng Pilipinas, mga lokal na pamahalaan
B. Depende sa sagot ng bata
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; transcribed in reading order]
ISAGAWA
A. 1. ALS— Bibigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral sa mga oras at araw na libre siya o walang trabaho.
LGU- Ireport sa kinauukulan, lalo na sa may kapangyarihan sa lugar.
ISKOLARSYIP- para mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ng Libre.
B. Depende sa sagot ng bata.
TAYAHIN
- D 2. C 3. A 4. C 5. C 6. D 7. B 8. C 9. C 10. B
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 1. Tingnan ang Rubriks sa paggawa ng slogan
Gawain 2. Tingnan ang Rubriks
Sanggunian:
Department of Education. Araling Panlipunan 4, Learner’s Materials. Pasig City: Instructional Materials Secretariat (DepEd-IMCS), 2015.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply