Sa modyul na ito ay matututunan mo ang pag-iingat at pagmamalasakit na kailangang gawin upang mapanatiling maayos ang kapaligiran. Matutukoy ang mga dapat isaalang – alang na mga dahilan upang magkaroon ng patuloy na pag – unlad ang ating kapaligiran.
• Naibabahagi ang mga pag–iingat at pagmamalasakit sa kapaligiran sa pagpaplano at pagbuo ng produkto tungo sa patuloy na pag–unlad.
• Naisasaalang-alang ang pag-iingat at pagmamalasakit sa kapaligiran sa pagpaplano at pagbuo ng produkto tungo sa patuloy na pag- unlad.
• Napapahalagahan nang may pagmamalasakit sa kapaligiran sa pagpaplano at pagbuo ng produkto tungo sa patuloy na pag- unlad.