This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 3 MAPEH (Arts), Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Second Edition, 2021, published by DepEd Region 4A CALABARZON. It covers eight weeks of lessons on printmaking: making marks with everyday objects, printing tools and designs, repeated printing, stencils, environmental slogans, and National Arts Month. The module is written in Filipino and is meant for Grade 3 learners working at home with help from parents or older family members, and for teachers who guide them.
On this page 6 sections
What learners will learn
Each lesson states what the learner should be able to do:
- Explain that a stamp made from objects in nature can create realistic or non-realistic marks in a print (Week 1).
- Explain the importance and variety of printmaking tools, and the meaning of print designs (Weeks 2 to 3).
- Make prints many times by hand or with simple tools, in a way other people can also use (Week 4).
- Make a stencil from paper or plastic and use it to print on cloth or stiff paper (Weeks 5 to 6).
- Write a slogan about caring for the environment that is suitable for printing on different materials (Week 7).
- Take part in a school or district program or activity for National Arts Month (Week 8).
Lessons in this module
| Week | Lesson | What it covers |
|---|---|---|
| 1 | Mga Karaniwan at Kakaibang Marka (common and unusual marks) | Stamps from nature and man-made objects, and realistic versus non-realistic marks |
| 2 to 3 | Mga Kagamitan at Disenyo ng Imprenta (printmaking tools and designs) | The job of each printing tool, and how print designs can be symbols |
| 4 | Maramihang Pagtatatak (repeated printing) | Handprint records and making a wax seal |
| 5 to 6 | Ang Istensil (the stencil) | Making shape and letter stencils and printing with them |
| 7 | Islogan para sa Kapaligiran (slogan for the environment) | Writing and lettering a slogan about nature |
| 8 | Maligayang Buwan ng Sining (happy Arts Month) | National Arts Month and festivals of CALABARZON |
Key ideas in the module
Marks, stamps, and printing tools
Many objects can serve as a pantatak (stamp). The mark a stamp leaves depends on the shape, carving, or texture of its surface. Stamps can come from nature, such as leaves, stones, or a cut fruit, or be made by people. A mark is realistic (makatotohanan) when it keeps the look of the object, so you can tell what was used just by looking at the print. In the module’s answer key, a leaf, a dog’s paw, and a cut onion give realistic marks, while a stone and cotton do not.
In Weeks 2 to 3, learners match each tool with its job: a pencil for drawing guide lines, paper as the surface that shows the print, the stamp that transfers the mark, color that brings the mark to life, scissors for cutting outlines and stencils, and a hard, sharp object for carving. Helpers include a ruler as a writing guide, an eraser for corrections, fruit as a stamp, a small plate (platito) to hold color, and sun and wind to dry the work.
The module also shows that designs carry meaning. Learners make puppy paw prints with their thumb and little finger, then match symbols to ideas, for example a heart for love, a fist for courage, a tree for nature, a cross for God, and a house for family. They cut a symbol out of cardboard and carve a symbol into an eraser or small piece of wood, then make a pencil rubbing of it.
Repeated printing and stencils
Prints can be made by hand alone or with other objects. Learners record their palm size by pressing a wet, soil-covered hand on paper, then do the same with family members, writing each person’s name and the date to see how they grow over the years. A selyo (seal) is a mark of originality or ownership; learners make one by pressing a fork into a drop of candle wax.
A stencil (istensil) is a thin object with holes that guides you in making shapes or letters by coloring inside the holes. It is often made of flat paper, plastic, wood, or metal. Hard, wide objects such as a ruler, a book, or a drinking glass help in drawing clean outlines. Learners cut a triangle and a circle, then a large letter, and print with them by dabbing cotton or tissue dipped in soy sauce or coffee inside the stencil. The module advises using stiff paper such as cardboard so the stencil lasts longer.
Slogans and National Arts Month
A slogan (islogan) is a statement from a person or group that expresses an idea, feeling, or message, written in an eye-catching way on a sign or poster to reach and persuade the public. Learners collect sayings about nature, practice big creative lettering, and make their own slogan on large paper using pencil guide lines one inch apart.
National Arts Month (Pambansang Buwan ng Sining) is held every February to show the country’s art and the talent of Filipino artists. Its biggest celebration is held each year at the Cultural Center of the Philippines (CCP). The module features five CALABARZON festivals: Kawayan Festival of Cavite (bamboo products), Anilag Festival of Laguna (thanksgiving for the harvest), Sublian Festival of Batangas (honoring the Holy Cross and Sto. Niño), Higantes Festival of Rizal (giant paper mache puppets), and Pahiyas Festival of Quezon (thanksgiving to San Isidro Labrador for the harvest).
How to use this module
Each lesson opens with guide questions, explains the topic, and then gives numbered activities (Gawain sa Pagkatuto). Answers go on a separate answer sheet (sagutang papel). Each lesson ends with a fill-in-the-blanks paragraph that sums up the main idea, using words from a box.
- Learners: Follow the steps of each art activity in order. Most art tasks come with a rubric, usually worth 15 points (following the steps, neat work, and creativity). After the lessons, rate yourself on the PIVOT Assessment Card using a star (did it well), a check (did it with some difficulty), or a question mark (needs more help).
- Parents: Several activities ask for an adult’s help, especially carving with a knife or scissors and lighting a candle for the wax seal. The Week 8 festival research activity also asks learners to interview family members.
- Teachers: The Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end covers the objective activities of Weeks 1, 2 to 3, 5 to 6, and 8. Art outputs are scored with the rubrics printed in each lesson.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this MAPEH Arts module for?
It is for Grade 3 MAPEH (Arts), Quarter 3. It is the PIVOT 4A Learner’s Material, Second Edition, 2021, from DepEd Region 4A CALABARZON.
What topics does the module cover?
It covers printmaking over eight weeks: marks from natural and man-made objects, printing tools and designs, repeated printing, stencils, environmental slogans, and National Arts Month.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the objective activities in Weeks 1, 2 to 3, 5 to 6, and 8. Art outputs are graded with the rubrics in each lesson.
What is a stencil according to the module?
A stencil (istensil) is a thin object with holes that guides you in making shapes or letters by coloring inside the holes. It is usually made of flat paper, plastic, wood, or metal.
When is National Arts Month celebrated?
The module says National Arts Month is held every February, with its biggest celebration each year at the Cultural Center of the Philippines (CCP).
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL
GRADE 3 – MAPEH (Arts)
[illustration: children doing different activities, including reading, gardening, playing with a doll, playing a xylophone, and watching a TV showing numbers]
QUARTER 3
PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021
MAPEH (Arts) Ikatlong Baitang
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Catherine Joyce F. Ledesma Content Creator & Writer
Eugene Ray F. Santos & Angela A. Morando Internal Reviewer & Editor
Fe M. Ong-ongowan & Katrina Marie C. Unida Layout Artist & Illustrator
Jeewel L. Cabriga, Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Ephraim L. Gibas IT & Logistics
Kirt John Segui, Komisyon ng Wikang Filipino External Reviewer & Language Editor
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas
WEEK 1
Mga Karaniwan at Kakaibang Marka
Aralin
I
Ano-ano ang mga bagay na maaaring gamitin sa pagtatatak? Alin dito ang nag-iiwan ng makatotohanan at di-makatotohanang marka? Paano ito ginagamit sa imprenta?
Sa araling ito, matatalakay mo na ang isang tatak gamit ang mga bagay mula sa kalikasan ay maaaring lumikha ng makatotohanan o di-makatotohanang marka sa imprenta.
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin kaya rito ang mga markang gawa ng bagay mula sa kalikasan? Alin naman dito ang mga markang mula sa bagay na gawa ng tao?
[illustration: shoe print]
[illustration: two bird footprints]
[illustration: leaf]
[illustration: key]
D
Maraming bagay ang maaaring gamitin sa imprenta upang magsilbing pantatak. Ang mga bakas o markang iniiwan nito ay batay sa hugis, ukit, o pagkakayari ng isang panig ng pantatak. Ang mga bagay na ito ay maaaring magmula sa kalikasan o kapaligiran, o di kaya naman ay mga kagamitan o bagay na gawa ng tao.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang titik K kung ang bagay sa larawan ay mula sa kalikasan. Isulat naman ang T kung ang bagay sa larawan ay gawa ng tao. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- plastic na bote [illustration: plastic bottle]
- bulaklak [illustration: flower]
- kahon [illustration: box]
- sisiw [illustration: chick]
- cellphone [illustration: hand holding a cellphone]
- bato [illustration: rock]
Kung gagamitin bilang pantatak, ang mga bagay mula sa kalikasan ay maaaring lumikha ng mga markang mukhang totoo at hindi totoo. Halimbawa, kapag nilagyan ng tinta o pangkulay ang panig ng isang prutas, makikita ang anyo o hugis nito sa iiwanang marka sa papel.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat ang M kung ang pantatak sa larawan ay mag-iiwan ng markang makatotohanan. Isulat naman ang D kung ang pantatak sa larawan ay mag-iiwan ng markang hindi makatotohanan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- dahon [illustration: leafy branch]
- bato [illustration: rock]
- bulak [illustration: cotton bag labeled “Cotton” with cotton balls]
- talampakan ng aso [illustration: dog paw print]
- hiniwang sibuyas [illustration: two halves of onion]
- hiniwang patatas [illustration: two halves of potato]
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sundin ang mga hakbang ng pag-imprenta sa ibaba.
Mga kailangan:
- 2 – 3 uri dahon maliliit na bato o piraso ng kahoy
- pangulay (kape, lupa, toyo, o mga likidong pangkulay)
- papel o malinis na karton
A
Masasabing _____ ang tatak o marka kung nananatili ang _____ ng pantatak sa imprenta, at matutukoy pa rin ang bagay na ginamit sa pamamagitan lamang ng naiwang tatak o marka nito. Hindi makatoohanan ang isang _____ kung mahirap tukuyin ang bagay na ipinantatak dito. Tandaan, ang itsura ng imprenta ay batay sa hugis, ukit, o _____ ng bagay na lumikha nito.
Mga hakbang:
- Idampi sa pangkulay ang mga dahon, at lumikha ng mga marka nito sa pamamagitan ng pagtatak sa papel.
- Ulitin ang nakaraang hakbang gamit ang naman maliliit na bato o kahoy bilang pantatak.
- Maaaring damihan ang mga marka sa iba’t ibang bahagi ng papel o karton, gamit rin ang iba pang pangkulay.
- Patuyuin ang iyong bagong likhang-sining sa maaraw na lugar.
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Pumili ng sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.
Kahon ng mga salita:
- itsura
- makatotohanan
- tatak o marka
- pagkakayari
Narito ang rubrik bilang gabay sa mas mahusay na gawa.
[transcriber’s note: the rubric has no printed header row; the header cells below are added to form the table]
| Pamantayan | Puntos |
|---|---|
| Nakasunod sa mga hakbang | 5 pts. |
| Maayos at malinis na pagmamarka | 5 pts. |
| Naipakita ang pagiging malikhain | 5 pts. |
| Kabuoan: | 15 pts. |
[illustration: three pressed leaf prints]
WEEKS 2-3
Mga Kagamitan at Disenyo ng Imprenta
Aralin
I
Ano ang paborito mong disenyo ng imprenta? Paano mo kaya ito magagawa? Ano-ano ang mga kagamitan na kailangan upang makagawa ng magagandang disenyo ng imprenta?
Sa araling ito, maipaliliwanag mo ang halaga at pagkakaiba-iba ng mga kagamitan sa imprenta, gayundin ang kahulugan ng mga disensyo nito.
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin sa mga bagay na ito ang maaaring gamitin para sa imprenta? Ano ang kanilang gamit sa paglikha ng isang imprenta?
lapis [illustration: pencil]
papel [illustration: sheet of paper]
gomang pantatak [illustration: rubber stamp reading “Very Good” stamping onto paper]
likidong pangkulay [illustration: ink bottle with spilled ink]
gunting [illustration: scissors]
bakal na pang-ukit [illustration: carving tool]
Mahalaga ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng isang likhang-sining. Tayo ay nakalilikha lamang ng isang bagay mula rin sa mga bagay na mayroon tayo. Kinakailangang sundin ang wastong hakbang sa paggawa ng sining upang hindi masayang ang mga kagamitang nakalap.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin ang mga kagamitan sa imprenta na inilalarawan ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay nagsisilbing panulat. Nakatutulong ito upang gumuhit ng mga linya at hugis bilang gabay sa pag-ukit ng pantatak, at mga sukat, at bahagi ng tatatakan.
- A. lapis
- B. ruler
- C. karton
2. Ito ang nagsisilbing markahan ng imprenta kung saan nabubuo at nakikita ang resultang disenyo o larawan. Dito gumuguhit, nagsusulat, naglalapat at nagbabakas, o nagbabakat ng iba’t ibang marka, linya, o hugis.
- A. bato
- B. papel
- C. lupa
3. Ito ang naglilipat ng marka sa isang patag na bagay. Maaari itong hulmahin o ukitan ng disenyo, bago lagyan ng pangkulay at ilapat sa ibang bagay.
- A. pantatak
- B. pangkulay
- C. pang-ukit
4. Ito ang nagbibigay-buhay sa marka ng isang imprenta. Inilalagay ito sa pantatak upang mag-iwan ng bakas o markang nagtatagal sa isang patag na bagay. Kung wala ito, ay hindi makikita ang larawan o anyong nais mabuo sa imprenta.
- A. tubig
- B. pambura
- C. kulay
5. Ito ay ginagamit upang mabuo ang isang balangkas ng hugis o disenyo sa papel o karton. Sa pamamagitan nito ay maaari kang lumikha ng istensil bilang gabay sa paulit-ulit na imprenta.
- A. kutsilyo
- B. gunting
- C. hangin
6. Ito ay ginagamit upang lumikha ng iba’t ibang ukit o hulma sa bagay na pantatak. Sa tulong nito, lilitaw ang mga bahaging dapat malagyan ng kulay, upang mag-iwan ng markang nais mabuo sa imprenta.
- A. bagay na matigas at matalas
- B. bagay na mahaba at matigas
- C. bagay na maikli at malambot
Ngayon ay alam mo na ang halaga ng iba’t ibang kagamitan sa paglikha ng imprenta. Tandaan na ang bawat isa rito ay may kaukulang gamit sa proseso ng imprenta.
Ano-ano pa kaya ang ibang bagay o kasangkapan na maaari mong gamitin sa pagguhit, pagbakas, o paglapat ng marka? Ano-ano naman ang iba pang kagamitan sa pagtatak, paggupit, o pagkulay?
Narito ang iba pang mga bagay na maaaring maging kaagapay sa pagpapahusay ng isang imprenta.
| ruler | pambura | araw |
|---|---|---|
| [illustration: ruler] | [illustration: eraser] | [illustration: sun] |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin ang gamit ng mga sumusunod na bagay sa proseso ng imprenta. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. ruler
- A. nagsisilbing gabay sa panulat
- B. nagsisilbing pang-ukit
- C. nagsisilbing pambakat
2. pambura
- A. nagsisilbing pangkulay
- B. nagsisilbing pangwasto
- C. nagsisilbing pambakas
3. prutas
- A. nagsisilbing panggupit
- B. nagsisilbing panulat
- C. nagsisilbing pantatak
4. platito
- A. nagsisilbing lalagyan ng pangkulay
- B. nagsisilbing pampabigat
- C. nagsisilbing panggupit
5. araw at hangin
- A. nagsisilbing liwanag
- B. nagsisilbing pampatuyo
- C. nagsisilbing pampalamig
Maraming disenyo ang maaaring likhain sa sining ng imprenta. Sa pamamagitan ng iba’t ibang linya o hugis ay makabubuo ka ng samu’t saring disenyong naisin mo.
Halimbawa, ang mga marka ng iyong daliri ay maaaring makabuo ng bakas ng paa ng tuta. Ang tatak ng iyong hinlalaki sa papel ay magmumukhang palad ng tuta, at ang tatlong tatak ng iyong hinliliit sa ibabaw ng tatak ng hinlalaki ay magmimistulang mga daliri ng tuta. Tingnan ang sumusunod na proseso nito.
Mga kailangan:
- papel
- likidong pangkulay
Mga hakbang:
1. Idampi ang hinlalaki sa pangkulay. 2. Itatak ng marka nito sa papel. 3. Idampi naman ang hinliliit sa pangkulay. 4. Itatak ng marka nito ng tatlong beses sa ibabaw ng marka ng hinlalaki. 5. Ulit-ulitin ang hakbang 1-4 sa iba’t ibang bahagi ng papel.
[illustration: paw-like prints made of thumb and little-finger marks]
Ang bawat linya, hugis, o disenyo ng imprenta ay maaaring magbigay ng kahulugan o kuwento sa nakakikita nito. Ang iba’t ibang anyo o larawang nabubuo ng mga marka ay maaari ding maging simbolo ng isang damdamin, kaisipan, o mensahe mula sa gumawa patungo sa nakakikita.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Pagtugmain ang mga sumusunod na simbolismo sa naaangkop na salita o tema. Isulat ang ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
| 1. simbolo ng pag-ibig at pagmamahalan | A. bahay |
| 2. simbolo ng tapang | B. krus |
| 3. simbolo ng kalikasan | C. puno |
| 4. simbolo ng Panginoong Diyos | D. kamao |
| 5. simbolo ng pamilya | E. puso |
| 6. simbolo ng kasiyahan | F. eroplano |
| 7. simbolo ng kalungkutan | G. araw at bituin |
| 8. simbolo ng dagat | H. alon |
| 9. simbolo ng Pilipinas | I. nakasimangot na mukha |
| 10. simbolo ng paglipad | J. nakangiting mukha |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa tulong ng iyong mga magulang o nakatatandang miyembro ng pamilya, sundin ang mga sumusunod na hakbang upang makalikha ng imprenta galing sa iyong sariling disenyo na simbolo.
Mga kagamitan:
- lapis
- gunting o cutter
- karton
[illustration: hands cutting a crescent moon shape out of cardboard with scissors]
Mga hakbang:
1. Umisip ng tatlong simbolo na gagamitin sa paglikha ng iyong imprenta. Maaaring gamitin ang mga simbolo sa ibaba. 2. Iguhit ang balangkas ng simbolo na iyong napili sa karton. 3. Maingat itong gupitin sa pamamagitan ng pagsunod sa linya.
| simbolo ng gabi [illustration: crescent moon] | simbolo ng umaga [illustration: sun] | simbolo ng kapayapaan [illustration: peace sign] |
| simbolo ng tubig [illustration: water drop] | simbolo ng apoy [illustration: flame] | simbolo ng kuryente [illustration: lightning bolt] |
| simbolo ng katanungan [illustration: question mark] | simbolo ng diretsong direksyon [illustration: upward arrow] |
Narito ang rubrik bilang gabay sa mas mahusay na gawa.
- Nakasunod sa mga hakbang 5 pts.
- Maayos at malinis na paggawa ng imprenta 5 pts.
- Naipakita ang pagiging malikhain 5 pts.
- Kabuoan: 15 pts.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Sundin ang mga hakbang sa pagtatatak ng isang simbolo. Gawin ito sa tulong ng nakatatandang kasama sa bahay.
Mga kailangan:
- pambura o maliit na kahoy
- kutsilyo o gunting
- lapis
- papel
Mga hakbang:
1. Sa isang pambura o maliit na kahoy ay umukit ng kahit anong simbolo gamit ang kutsilyo o gunting. 2. Ilapat ang papel sa ibabaw ng pambura o kahoy na may ukit at hawakan ito nang mahigpit. 3. Kiskisin ng lapis ang bahagi ng papel na nakalapat sa kahoy o pambura. 4. Hipan at dahan-dahang pagpagin ang mga sobra o tira-tirang pulbos ng lapis mula sa papel.
Narito ang rubrik bilang gabay sa mas mahusay na gawa.
- Nakasunod sa mga hakbang 5 pts.
- Maayos at malinis na pag-uukit 5 pts.
- Naipakita ang pagiging malikhain 5 pts.
- Kabuoan: 15 pts.
[illustration: hand rubbing a pencil over paper placed on a carved eraser]
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Pumili ng sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.
Ang sining ay may kapangyarihang magpahayag ng _____________ nang hindi gumagamit ng mga salita. Sa katunayan, may mga bagay na hindi kayang sabihin ng mga _____________ na kayang ipahayag sa sining. Mabisang paraan ang sining upang maipahatid ang kahulugan o ibig sabihin ng isang damdamin o _____________ , sa pamamagitan ng kaakit-akit, nakahahalina, at makatawag-pansing mga _____________ .
mensahe salita kaisipan disenyo
WEEK 4
Maramihang Pagtatatak
Aralin
Paano makalilikha ng imprenta gamit lamang ang kamay? Paano naman makagagawa nito gamit ang mga simpleng makinarya? Maaari ba itong gamitin ng higit sa isang beses at ng iba’t-ibang tao?
Sa araling ito, iyong maisasagawa ang pagtatatak gamit ang kamay o makinarya ng maraming beses, at magagamit din ito ng ibang tao.
Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alin kaya sa mga markang ito ang gawa lamang sa kamay? Alin naman ang mga markang gawa ng ibang bagay?
| [illustration: fingerprint] | [illustration: handprint] |
| [illustration: two framed tree prints] | [illustration: letters A, B, C in outlined print] |
Mayroong imprentang nilikha gamit lamang ang kamay, at mayroon namang gumamit ng iba pang bagay. Dahil sa kombinasyon ng mga ito, maaaring makalikha ng samu’t saring disensyo sa imprenta.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa paglikha ng talaan ng sukat ng palad.
Mga kailangan:
papel, platong may tubig, lupa
Mga hakbang:
- Ilublob ang isang palad sa platong may tubig.
- Mariing ilapat ang basang palad sa lupa at bahagyang ikiskis ito.
- Idikit ang palad sa papel at panatilihin ito ng mga limang segundo.
- Dahan-dahang tanggalin ang kamay mula sa papel.
- Ulitin ang hakbang bilang 1—4. Siguraduhing ilapat muli ang kamay sa naunang marka nito sa papel upang madoble ang marka nito.
- Patuyuin ang papel sa maaraw na lugar.
[illustration: a hand pressed onto a surface, leaving a grey handprint beside the printed hand]
Maaari mong gawin ang pagtala ng sukat ng iyong palad sa maraming papel o iba pang bagay na patag tulad ng karton, sahig, o dingding, gamit ang iba’t ibang pangkulay. Maaari ding gawin ito ng ibang tao upang makabuo ng imprenta na may iba’t ibang laki ng palad.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa pamamagitan ng mga hakbang sa Gawain bilang 1, ipasubok ang pagmarka ng mga palad sa iyong mga kasama sa bahay. Maaari kang magpatulong sa iyong magulang, kapatid, o kaibigan, gamit ang iba pang makukuha mong pangkulay at mga patag na bagay.
[illustration: two grey handprints, labeled “Erick, January 21, 2001” (larger hand) and “Jen, January 21, 2001” (smaller hand)]
Isulat sa ilalim ng marka ng palad ang pangalan ng may-ari ng kamay na ginamit, at ang petsa. Ito ay magsisilbing katibayan ng hugis o laki ng palad ng bawat isa. Itago mo ang mga ito at gawing muli makalipas ang ilang taon. Ito ay isang paraan upang makita mo ang iyong paglaki at maalala rin ang nakaraan.
Ang selyo ay ginagamit bilang tanda ng orihinalidad ng isang bagay, akda, o pag-aari. Ito ay nalilikha rin gamit ang proseso ng imprenta.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sundin ang mga sumusunod na hakbang upang makalikha ng selyo gamit ang simpleng makinarya.
Mga kailangan:
kandila, posporo o lighter, tinidor
Mga hakbang:
- Sindihan ang kandila. Magpatak ng kandila sa napiling patag na bagay.
- Habang ang patak ay mainit-init pa, ilapat dito ang ulo ng tinidor.
- Dahan-dahang tanggalin ang ulo ng tinidor, at hipan ang patak ng kandila upang lumamig, matuyo at tumigas.
- Maaari kang gumawa ng iba pang disenyo ng selyo gamit ang ibang matigas na bagay na may ukit bilang pantatak. Maari mo ring damihan ang mga patak ng kandila sa iisang bahagi upang lumaki ang selyo.
Narito ang rubrik bilang gabay sa mas mahusay na gawa.
Nakasunod sa mga hakbang 5 pts. Maayos at malinis na paggawa ng selyo 5 pts. Naipakita ang pagiging malikhain 5 pts. Kabuoan: 15 pts.
[illustration: a grey wax seal impression with a fork-tine mark]
A
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Pumili ng sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.
Ang mga makabagong ____________ ngayon ay gumagamit ng proseso ng imprenta upang ____________ ang paglikha ng mga bagay na may magkakaparehong ___________ , at magawa rin ito ng ibang ___________ . Ginagamit ito sa paglimbag ng mga aklat, paskil, karatula, at iba pang mga bagay na may tatak at selyo.
disenyo | teknolohiya | tao | mapabilis
Ang Istensil
Aralin
Nakagawa ka na ba ng istensil? Ano ang gamit nito? Paano makatutulong ang istensil sa paglikha ng imprenta?
Sa araling ito, makalilikha ka ng istensil sa papel o plastik, at magagamit mo ito sa pag-imprenta sa tela o matigas na papel.
Tingnan ang mga sumusunod na larawan. Alin sa mga ito ang may kaugnayan sa istensil?
| pagbabakas ng hugis ng isang bagay sa papel gamit ang lapis [illustration: a hand tracing a heart shape with a pencil] | paggupit sa balangkas gamit ang gunting [illustration: scissors cutting out a heart shape] |
|---|---|
| pagbabakas ng istensil sa ibang papel [illustration: a notebook page with a heart-shaped stencil placed on it] | pagkulay ng papel na nasa loob ng balangkas ng istensil [illustration: a hand coloring inside a heart-shaped stencil on a notebook page] |
Tama! Ang lahat ng mga nasa larawan sa itaas ay bahagi ng proseso ng imprenta gamit ang istensil.
Ang istenstil ay isang manipis na bagay na may butas, na siyang gabay sa paglikha ng mga hugis o titik sa pamamagitan nang pagkulay sa loob ng mga butas na ito. Kadalasan, ang istensil ay gawa sa patag at manipis na papel, plastik, kahoy, o bakal, at may mga disenyo ang balangkas ng butas nito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Lagyan ng tsek ✔ kung ang bagay sa larawan ay isang istensil. Lagyan naman ng ekis ✘ kung ito ay hindi istensil. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- [illustration: a stone or clay slab with the letters ABC cut into it]
- [illustration: a ruler]
- [illustration: a pitcher or jug]
- [illustration: a slab with a triangle, a circle, a heart and a square cut into it]
- [illustration: a slab with the numbers 1, 2 and 3 cut into it]
- [illustration: a spiral notebook with a label reading “NOTEBOOK” [?]]
Makatutulong sa paglikha ng istensil ang mga kagamitang matitigas at malalapad. Tulad ng ruler, maaaring gamitin ang mga bagay na may deretso o kurbadong balangkas. Ito ay magsisilbing gabay sa pagguhit ng malinaw at perpektong linya na susundan ng gunting sa paggupit.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Isulat ang titik S kung ang bagay ay makatutulong sa paglikha ng balangkas sa istensil. Isulat naman ang titik D kung hindi ito makatutulong sa paglikha ng balangkas sa istensil. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- aklat [illustration: a book labeled “BOOK”]
- unan [illustration: a pillow]
- baso [illustration: a drinking glass]
- bigas [illustration: a bowl of rice]
- ruler [illustration: a ruler]
- damit [illustration: a dress with a polka-dot pattern]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sundin ang mga sumusunod na hakbang upang makalikha ng balangkas ng mga hugis sa istensil.
Mga kailangan:
- lapis at papel
- ruler
- baso
- gunting
Mga kailangan:
- Gumuhit ng hugis tatsulok sa papel gamit ang ruler.
- Gumuhit naman ng hugis bilog sa isa pang papel gamit ang baso.
- Gupitin ang nabuong balangkas ng mga hugis upang magkaroon ng butas sa loob ng papel.
- Maaari ka ring gumawa ng iba pang hugis gamit ang iba pang matigas na bagay bilang gabay sa pagbabakas.
Narito ang rubrik bilang gabay sa mas mahusay na gawa.
Nakasunod sa mga hakbang 5 pts. Maayos at malinis na paggawa ng istensil 5 pts. Naipakita ang pagiging malikhain 5 pts. Kabuoan: 15 pts.
[illustration: a circle and a triangle drawn on paper, with scissors cutting out the shapes]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Sundin ang mga sumusunod na hakbang upang makalikha ng balangkas ng mga letra sa istensil.
Mga kailangan:
- lapis
- papel o plastik
- ruler
- baso
- gunting
Mga hakbang:
- Pumili ng isang letra. Isulat ito nang malaki sa papel.
- Kapalan ang marka ng mga linya nito sa pamamagitan ng pagsulat ng karagdagang mga guhit na bumubuo ng letra.
- Gamit ang ruler o baso, bakasin ang balangkas na nabuo ng letra.
- Gupitin ang nabuong balangkas upang magkaroon ng butas sa loob ng papel, na ayon sa hugis at laki ng titik.
Narito ang rubrik bilang gabay sa mas mahusay na gawa.
Nakasunod sa mga hakbang 5 pts. Maayos at malinis na paggawa ng istensil 5 pts. Naipakita ang pagiging malikhain 5 pts. Kabuoan: 15 pts.
[illustration: a hand cutting out the letters ABC from a sheet of paper with scissors]
Maaari mong gawin ang mga hakbang na ito gamit ang iba’t ibang nagawa o napili mong istensil.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Sundin ang mga sumusunod hakbang sa pag-imprenta gamit ang istensil.
Mga kailangan:
- mga nagawang istensil
- puting tela o matigas na papel
- bulak o tisyu
- toyo o kape
[illustration: a hand dabbing inside a triangle-shaped stencil on paper, with a grey circle beside it]
Mga hakbang:
- Ilapat ang napiling istensil sa tela o papel. Ingatan hindi ito magalaw.
- Bahagyang isawsaw ang bulak o tisyu sa toyo o timpladong kape.
- Dahan-dahan itong idampi sa loob ng balangkas ng istensil bilang pangkulay.
- Ingatang hindi kumalat ang likido upang hindi ito lumampas sa balangkas.
- Dahan-dahang tanggalin ang istensil upang makita ang nabuong marka.
A
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Pumili ng sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.
Ang _____________ ay ginagamit upang makalikha ng mga magkakaparehong imprenta ng higit sa isang beses. Ang balangkasang ito ay maaaring gamitin nang paulit-ulit sa iba’t ibang bagay, gamit ang iba’t ibang panulat o _____________ . Sa pamamagitan ng istensil, mas mabilis makagawa ng mga marka o disenyong malinis at _____________. Mas eksakto ang resulta ng hugis nito kung ikokompara sa mano-manong pagguhit ng kamay.
Sa tulong ng istensil, maaari kang gumawa ng sarili mong modelo bilang gabay sa pag-imprenta. Sa pamamagitan nito, mapauunlad mo ang iyong orihinalidad, pagiging _____________ , at mapamaraan. Maaari mo ring gamitin ang iba’t ibang bagay sa _____________ bilang inspirasyon sa pagdisenyo, at bilang sangkap sa proseso ng imprenta.
Tandaang mas mainam gamitin ang matitigas na papel tulad ng karton, upang maging _____________ ang pambakas at magtagal pa ang paggamit nito sa mga susunod na likhang-sining sa hinaharap.
| magkakamukha | pangkulay | istensil |
| matibay | paligid | malikhain |
WEEK 7
Islogan para sa Kapaligiran
Aralin I
Ano ang isang islogan? Para saan ito? Kaya mo bang gumawa ng isang islogan?
Sa araling ito, ikaw ay makasusulat ng islogan ukol sa pagpapahalaga ng kapaligiran, na angkop pang-imprenta sa iba’t ibang kagamitan.
Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa ng islogan. Tungkol saan ang mensahe ng bawat isa?
[illustration: four slogan panels in decorative lettering: “Ang Kalusugan ay Kayamanan na dapat nating Ingatan”; “Wika ay gamitin, ipagmalaki, at linangin”; “Pagmamahalan ang susi sa Kapayapaan ng isang Pamilyang Kinabibilangan”; “Disiplina sa Sarili ang iyong Susi sa pag-kamit ng iyong minimithi”]
D
Ang islogan ay isang pahayag mula sa isang tao o pangkat upang magpahayag ng ideya, saloobin, mensahe, o damdamin. Ito ay nakapaskil sa makatawag-pansing pagkakasulat sa karatula o poster, upang maiparating sa madla at manghikayat ayon sa nilalaman nito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Magsulat ng tatlong halimbawa ng mga kasabihan o salawikain ukol sa kalikasan. Maaari kang mag-isip ng sarili mong salita, gamiting basehan ang mga halimbawa ng islogan sa ibaba, magpatulong sa mga nakatatanda o humanap ng mga halimbawa sa internet. Gawin ito sa iyong sagutan papel.
| Kagandahan ng kalikasan, ating pangalagaan Para sa malinis at maunlad na Kinabukasan |
| Sugpuin ng polusyon, ‘yan ang solusyon! |
| Wala na tayong ibang tirahan, kaya’t kalikasan ay ating ingatan |
| Ano ang magagawa mo, kung wala na ang mga puno? |
| Hindi tayo kailangan ng kalikasan, tayo ang may pangangailangan |
Upang maging kaaya-ayang tingnan ang islogan, kinakailangang iguhit ang mga titik nito sa malaki at malikhaing paraan.
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Mag-ensayo sa paggawa ng malalaki at malikhaing pagsusulat ng mga titik. Maggalugad at tumuklas ng iba’t ibang estilo o disenyo ng mga letra. Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba:
| Alagaan ang ating inang Kalikasan, Linisin ang Kapaligiran |
| Alagaan ang ating inang Kalikasan, Linisin ang Kapaligiran |
| Alagaan ang ating inang Kalikasan, Linisin ang Kapaligiran |
| Alagaan ang ating inang Kalikasan, Linisin ang Kapaligiran |
| Alagaan ang ating inang Kalikasan, Linisin ang Kapaligiran |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
Pagsamahin ang nalalaman sa mga kasabihan o salawikain ukol sa kalikasan, at ang pagsusulat ng mga malalaking titik na may estilo o disenyo, upang makagawa ng isang islogan.
Mga kailangan:
- malaking papel
- ruler
- lapis at pambura
- pangkulay
[illustration: sample slogan card reading “Kalikasan ay ingatan / Para sa kinabukasan ng kabataan.” with a sun and a heart drawn beside it]
Mga kailangan:
- Ihanda ang iyong naisip na nilalaman ng islogan. Isulat ito sa isang kodigo o maliit na papel.
- Guhitan ng mga linyang pahalang ang malaking papel nang may tig-iisang pulgada ang pagitan. Ito ay magsisilbing gabay upang magpantay pantay ang mga titik.
- Planuhin ang pagkakaposisyon ng bawat salita sa buong papel gamit ang imahinasyon.
- Gawin ang burador o draft ng islogan sa pamamagitan ng magaang pagsulat ng mga titik gamit ang lapis.
- Kung mayroong pagkakamali sa iyong pagtantiya, ay maaari itong burahin at isaayos muli ang mga pagitan ng mga salita.
- Lagyan ito ng kulay upang lumitaw ang titik.
| Narito ang rubrik bilang gabay sa mas mahusay na gawa. | |
| Nakasunod sa mga hakbang | 5 pts. |
| Maayos at malinis na paggawa ng islogan | 5 pts. |
| Naipakita ang pagiging malikhain | 5 pts. |
| Kabuoan: | 15 pts. |
A
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Pumili ng sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.
Ang _____________ ay isang paraan ng komunikasyon sa masa. Hindi lamang ito ginagamit para sa mga poster at _____________. Maaari din itong gawin sa mga damit, bandila, o bag upang makita at mabasa ng mas maraming _____________ . Makakikita rin ng maraming islogan sa dyaryo, telebisyon at _____________ .
| tao | islogan | internet | karatula |
|---|
WEEK 8
Maligayang Buwan ng Sining
Aralin I
Ano ang National Arts Month o Pambansang Buwan ng mga Sining? Bakit ito idinaraos? Ano-ano ang mga kaganapan tuwing ito ay sasapit?
Sa araling ito, ikaw ay makikilahok sa palatuntunan, programa, o gawaing pampaaralan o pandistrito ukol sa Pambansang Buwan ng mga Sining.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Ano-ano ang iyong nakikita? Ito ba ay may kinalaman sa sining?
[illustration: line drawing of a boy painting at an easel-like surface, a framed-picture gallery wall, a guitar, and a dancer in a long dress with a carnival-style mask above her]
Ang Pambansang Buwan ng Sining o National Arts Month ay idinaraos tuwing buwan ng Pebrero. Ito ay ipinagdiriwang upang ipakita ang iba’t ibang uri ng likhang sining ng ating bansa at ipamalas ang husay ng mga Filipino sa kani-kanilang paglikha.
Sa pamamagitan ng Arts Month, naipahahayag ng iba’t ibang tao ang kanilang damdamin o saloobin. Natutunghayan ang mayamang kultura ng Pilipinas at pati na rin ang kahanga-hangang talento ng mga Filipino sa paglikha ng sining.
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
Gumuhit ng masayang mukha kung ang larawan ay may kinalaman sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining. Gumuhit naman ng malungkot na mukha kung wala itong kinalaman sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining.
| 1. parada [illustration: people in a parade carrying a banner and drums] | 2. pagpipinta [illustration: boy painting at an easel] |
|---|---|
| 3. pagtulog [illustration: a mother and child sleeping under a blanket] | 4. paglangoy [illustration: a swimmer in a cap and goggles] |
Ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay may kani-kaniyang padiriwang ng iba’t ibang kapistahan. Ito ay isang impluwensiya ng mga mga Kastila sa ating kultura. Sa mga pistang ito ipinakikita ang katutubong sining at kultura ng isang bayan, lungsod, lalawigan, o rehiyon.
Narito ang iba’t ibang halimbawa ng mga malalaking pista o festival sa rehiyong CALABARZON.
| 5. paglililok [illustration: a woman carving a small statue] | 6. pagtatanghal ng sayaw [illustration: a row of dancers in skirts] |
|---|
Kawayan Festival ng Cavite
[illustration: four children in wide hats holding bamboo poles]
Masayang selebrasyon ng pagpapakita ng iba’t ibang produktong gawa sa kawayan.
Anilag Festival ng Laguna
[illustration: four children in festival costumes with headdresses, each with a large letter “A” on their clothing]
Taunang pagdiriwang ng pagpapasalamat sa masaganang ani at pagpapakita ng iba’t ibang produkto sa Laguna.
Sublian Festival ng Batangas
[illustration: two girls in traditional dresses holding garlands of flowers in arched frames]
Bawat taon na masayang pagdiriwang na nagbibigay ng parangal sa Holy Cross at Sto. Niño.
Higantes Festival ng Rizal
[illustration: three giant paper mache puppets (higantes) in traditional dress]
Taon-taong parada ng iba’t ibang nakamamanghang matataas na paper mache’ puppet o higantes.
Pahiyas Festival ng Quezon
[illustration: a house front decorated with kiping and produce, with a sign reading “PAHIYAS FESTIVAL” and three children at a window]
Parangal at pagpapasalamat kay San Isidro Labrador sa masaganang ani.
Ano-ano pa ang mga festival na iyong nalalaman? Ano ang pakiramdam sa pagdalo ng mga ito?
Sa ibang bahagi ng Pilipinas ay mayroon ding kani-kanilang kilalang kapistahan. Ang mga tampok na likhang-sining sa mga pagdiriwang na ito ay nakikita rin sa pagdaraos ng Buwan ng Sining.
Taon-taon, ang pinakamalaking selebrasyon nito ay ginaganap sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o CCP. Dito natutunghayan ang iba’t ibang sining at kultura ng bawat rehiyon sa bansa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Magsaliksik tungkol sa napiling festival. Magtanong-tanong sa iyong mga magulang, kapatid, kamag-anak, o kaibigan sa paghahanap ng sagot sa sumusunod na katanungan. Isulat ang datos na iyong nakalap sa sagutang papel.
- Ano ang pangalan ng Festival o Kapistahan?
- Saang lugar ito ipinagdiriwang?
- Kailan ang petsa ng pagdaraos nito?
- Bakit ito ipinagdiriwang?
- Ano-ano ang makikita sa selebrasyon nito?
Narito ang rubrik bilang gabay sa mas mahusay na gawa.
Nasagutan ang mga katanungan 5 pts. Naibigay ang detalye ng napiling festival 5 pts. Kabuoan: 10 pts.
Dahil sa mga makabagong _____ , unti-unting naglalaho ang iba’t ibang katutubong gawi at sining ng _____. Ang pagdaraos ng Buwan ng mga _____ ay isang paraan upang mapanatiling buhay ang mga katutubong _____ at likhang-sining na ito, sa pamamagitan ng masaya at makulay na pambansang kaganapan. Ito ay nagpapaunlad ng kamalayan ng ating pagkakakilanlan at nagpapayabong ng _____ .
Punan ang mga patlang ng wastong salita upang makabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa aralin. Pumili ng sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.
Kahon ng mga salita: teknolohiya | bansa | Sining | gawi | pagkakaisa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Gumuhit ng isang larawan ng iyong napiling festival. Maaari mo itong kulayan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[illustration: a hand drawing with a pencil on paper, beside a figure wearing a sash reading “HIGANTE FEST”]
Narito ang rubrik bilang gabay sa mas mahusay na gawa.
Malinis at maayos ang pagkakaguhit 5 pts. Nailarawan ang detalye ng napiling festival 5 pts. Naipakita ang pagiging malikhain 5 pts. Kabuoan: 15 pts.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer keys are transcribed in reading order, and check marks printed as rotated symbols are shown as ✓ and ✗]
Week 1
Gawain sa Pagkatuto 1
- T
- K
- T
- K
- T
- K
Gawain sa Pagkatuto 2
- M
- D
- D
- M
- M
- D
Week 2-3
Gawain sa Pagkatuto 1
- A
- B
- C
- C
- B
- A
Gawain sa Pagkatuto 2
- A
- B
- C
- B
- B
Gawain sa Pagkatuto 3
- E
- D
- C
- B
- A
- J
- I
- H
- G
- F
Week 5-6
Gawain sa Pagkatuto 1
- ✓
- ✗
- ✗
- ✓
- ✓
- ✗
Gawain sa Pagkatuto 2
- S
- D
- S
- D
- S
- D
[transcriber’s note: this box has no week label printed beside it]
Week 8
Gawain sa Pagkatuto 2
- ☺
- ☺
- ☺
- ☺
- ☺
- ☺
Gawain sa Pagkatuto
[banner: PIVOT Assessment Card for Learners]
[illustration: two children reading a book together]
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang
☆ Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.
Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON
Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal
Landline: 02-8682-5773, locals 420/421
[logo] [logo] [logo]
Leave a Reply