Dinisenyo at nilikha ang modyul na ito upang maging dalubhasa ang mga mag-aaral sa kursong Pansariling Kaunlaran. Saklaw rin ng modyul na ito na linangin at hubugin ang mga mag-aaral na maging katuwang sa pag-unlad ng bansa. Sa tulong ng modyul, mabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magtamasa ng kaalaman, at kasanayan gamit ang talino, kahusayan, at angkop na pagkilos upang ilapat ang natutuhan sa pamamagitan ng epektibong pagkatuto. Ang bawat aralin ay nakaayos at nakasunod sa pagkasunod-sunod ng pamantayan ng kurso.
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:
1. Naipaliliwanag na ang pagkilala sa sarili ay isang paraan upang matanggap ang kanyang mga kalakasan at limitasyon at pagkakaroon ng mas maayos na pakikipagkapwa; (Explain that knowing oneself can make a person accept his/her strengths and limitations and dealing with others better) EsP-PD11/12KO-Ia-1.1
2. Nakagagawa ng dyornal ng pagkilala sa sarili; (Maintain a journal) EsP-PD11/12KO-Ib-1.3
3. Naipakikita ang koneksyon ng iniisip, nadarama, at kinikilos sa isang kongkretong pangyayari sa buhay, (Show the connections between thoughts, feelings, and behaviors in actual life situations) EsP-PD11/12DWP-Ic2.3
Pansariling-Kaunlaran12_Q1_Mod-1_Pagkilala-sa-Sarili-sa-panahon_v1