Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Industrial Arts Module 5: Paggawa ng Extension Cord

Grade 5 EPP Industrial Arts Module 5 teaches learners the tools, safety rules, and steps for making an extension cord, with activities and an answer key.

This is the Grade 5 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) self-learning module for Industrial Arts, Module 5: “Paggawa ng Extension Cord” (making an extension cord). It is written in Filipino for learners studying at home, with guidance from parents or teachers. By the end, learners should be able to make a working extension cord from materials found at home or in the community, and know how to do it safely.

The module is a first edition (2020) from DepEd Region VIII, written by Warren L. Lugapo. It has one lesson, a pretest, practice activities, a hands-on project with rubrics, and an answer key.

On this page 9 sections

What learners will learn

The module states one objective:

  • Make an extension wire project that uses electricity, designed from materials found at home or in the community, that can be used in the home (EPP5IA-0c-3).

The module also points out that knowing how to make an extension cord can be useful at home and can even be a way to earn money.

Why the steps matter

The lesson, Aralin 1: “Paggawa ng Extension Cord,” stresses that knowing the steps is the first thing to consider before starting any project, especially one that uses electricity. The steps guide you so the work is done correctly and no accidents happen.

The story “Ang Papel ni Extension Wire sa Pamilya Cruz” (the role of the extension wire in the Cruz family) shows why the skill is useful. The family of six has many phones, two laptops, and a tablet, and every outlet is in use. When the father, Mang Alex, urgently needs to charge his phone, he makes an extension cord and solves the problem.

Safety reminders before you start

The module lists what to keep in mind before doing a project that uses electricity:

  1. Wear proper work clothes.
  2. Keep tools in a sturdy, clean, and safe container.
  3. Make sure tools are in good condition and that you know how to use them.
  4. Work in a bright, safe, and clean place.
  5. Follow the project instructions.
  6. Ask an adult or your teacher for advice if you are unsure.
  7. Avoid chatting and focus on the work.
  8. Never put sharp or pointed tools in your pocket.
  9. Cover the sharp parts of tools.
  10. Be careful when using sharp tools.
  11. Eat and rest well before starting.
  12. Keep the work area clean, and put away scraps and tools afterward.

The module also warns, in capital letters: never make or test the extension cord alone, and do not play with it.

Tools and materials

  • Side cutting pliers
  • Phillips screwdriver
  • Male plug
  • Combination pliers
  • Flat cord
  • Convenience outlet (female outlet)

The practice activities also mention electrical tape, used to wrap stripped wires and wire joints.

Steps in making an extension cord

  1. Strip a little of the rubber covering at both ends of the flat cord using side cutting pliers, so the copper wire shows.
  2. Twist the four ends of the copper wires.
  3. Open the male plug with a Phillips screwdriver and attach two side-by-side copper wires to the plug’s terminals.
  4. Screw the male plug cover back on.
  5. Open the convenience (female) outlet with the Phillips screwdriver and attach the remaining two copper wires to its terminals.
  6. Screw the outlet cover back on.

The module includes a series of eleven photos showing the process from cutting the cord to plugging in the finished extension cord.

Parts of the module

PartWhat it contains
SubukinFive-item multiple-choice pretest on tools and industrial arts
BalikanFive-item review on materials like wood, coconut, rattan, and buri
TuklasinThe Cruz family story with three questions
SuriinSafety reminders, tools, and steps
PagyamaninA reading passage, a true-or-false test on the steps, and a matching test on tools
IsaisipFill-in-the-blanks summary on knowledge and safety
IsagawaArrange 11 photos in order; make an extension cord with adult help, scored by rubric
TayahinTest the cord with adult help, scored by rubric; match tools to pictures
Karagdagang GawainResearch how to make a bulb socket extension cord

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write all answers in your notebook or on separate paper, not on the module. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if you have trouble.
  • Parents and guardians: The hands-on project and the testing of the cord must be done with an adult, a parent, or an electrician. Supervise closely and do not let the child work alone.
  • Teachers: The project rubric scores creativity, effort and perseverance, skill and knowledge, and attitude and responsibility. The testing rubric scores neatness, correctness, and whether the cord works. Both use a 5-to-1 scale, and the project sheet has spaces for start and end dates and the teacher’s signature.

Frequently asked questions

What grade is this extension cord module for?

It is for Grade 5 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP), Industrial Arts, Module 5.

What tools are needed to make an extension cord?

The module lists side cutting pliers, a Phillips screwdriver, a male plug, combination pliers, a flat cord, and a convenience (female) outlet.

Can a learner make the extension cord alone?

No. The module clearly warns that the extension cord must not be made or tested alone. Learners should work with a parent, an electrician, or another adult.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, practice tests, fill-in-the-blanks, the photo-ordering activity, and the matching test.

How is the extension cord project graded?

Two rubrics are used. One scores creativity, effort, skill, and attitude, and the other scores neatness, correctness, and whether the cord works, each on a scale of 5 to 1.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

5

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Industrial Arts – Modyul 5 Paggawa ng Extension Cord

[illustration: group of students reading, studying, and working with a globe, a lamp, and books]

ALTERNATIVE DELIVERY MODE

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Industrial Arts – Modyul 5: Paggawa ng Extension Cord Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Warren L. Lugapo

Editor: Gary B. Mosquito, Gina J. Galvez

Tagasuri: Elizabeth V. Ballais, Gary B. Mosquito

Tagalapat: Joy B. Bihag

Tagapamahala: Ramir B. Uytico
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino
Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu
Judella R. Lumpas
Margarito A. Cadayona, Jr.
Jose B. Mondido
Francisco L. Bayon-on, Jr.
Amer L. Santolorin
Medarlou A. Genoguin

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – SDO – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 832 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Industrial Arts – Modyul 5: Paggawa ng Extension Cord

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Sa Modyul na ito, malalaman ng mga mag-aaral ang mga hakbang sa paggawa ng extension cord na nakadesinyo mula sa mga materyales na makikita sa bahay o pamayanan na maaaring magamit sa ating mga tahanan at pagkakataon na mapagkakakitaan.

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

Layunin:

  • Nakagagawa ng proyektong extension wire na ginagamitan ng elektrisidad na nakadesinyo mula sa mga materyales na makikita sa bahay o pamayanan na maaaring magamit sa ating mga tahanan. EPP5IA-0c-3

Subukin

Gawain 1

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

  1. Ito ay nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente.


    a. lamp holder


    b. male plug


    c. switch


    d. fuse


  2. Dito ipinagkakabit- kabit ang mga wire.


    a. Connectors


    b. circuit breaker


    c. utility box


    d. junction box


  3. Si Mang Aldos ay kilala sa pagiging mahusay na karpintero sa Brgy. Magallanes. Sa anong gawaing pang – industriya nabibilang ang kanyang propesyon?


    a. gawaing – kahoy


    b. gawaing – metal


    c. gawaing – elektrisidad


    d. lahat ng nabanggit


  4. Ito ay isang uri ng pang – ipit na mainam gamitin kung walang gato.


    a. martilyo


    b. rip saw


    c. c- clamp


    d. kikil


  5. Isang kagamitang pang- elektrisidad na ginagamit para luwagan o higpitan ang tornilyo na ang dulo ay hugis krus.


    a. flat screwdriver


    b. Philips screwdriver


    c. stubby screwdriver


    d. claw hammer


Aralin 1: Paggawa ng Extension Cord

Mahalagang malaman ng bawat isa ang mga hakbang ng proyekto lalong-lalo na sa paggawa ng extension wire upang maging ligtas, madali at matagumpay itong maisasagawa. Ang kaalaman sa mga hakbang ang unang dapat isaalang-alang sa anumang gawaing sisimulan. Ito ay nakatutulong para masunod nang wasto at higit sa lahat walang sakunang mangyari habang ginagawa ang napiling proyekto. Kailangan din na ang mga kagamitan at materyales na gagamitin ay madaling makikita sa ating bahay at komunidad.

Balikan

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

  1. Ang yakal, molave at narra ay nakapaloob sa anong materyal na industriya?
    a. katad b. niyog c. kabibe d. kahoy


  2. Anong bahagi ng niyog ang kapaki-pakinabang sa mga mamamayan?
    a. dahon b. bunga c. kahoy d. lahat ng nabanggit


  3. Ito ay mga materyal na ginagamitan sa pagsusuplay ng kuryente, sa pag- init a pag – iilaw.
    a. metal b. seramika c. elektrisidad d. katad


  4. Ito ay isang uri ng halaman na tumutubo mula 250 m. hanggang 650 m. Ito ay gingamit sa paggawa ng duyan, higaan at iba pa.
    a. himaymay b. rattan c. kawayan d. niyog


  5. Ito ay isa sa pinakamalaking halamang palmera. Ang midrib ng dahon nito ay ginagamit sa paggawa ng walis, basket, at iba pang kasangkapan.
    a. Buri b. rami c. abaka d. pinya


Tuklasin

Panuto: Basahin nang mabuti ang kwento at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Ang Papel ni Extension Wire sa Pamilya Cruz

Ang pamilya Cruz ay nakatira sa isang maliit na bahay na binubuo ng anim na miyembro. Bawat isa sa kanila ay nagmamay – ari ng cellphone at mayroon din silang dalawang laptop at isang tablet. Dahil sa dami ng gadget nila, minsan may mga pagkakataon na nag-uunahan ang mga ito sa pagkabit ng charger sa female outlet kung ang kanilang cellphones at ibang gadgets ay na-low bat. Isang araw, na-low bat ang cellphone ng kanilang haligi ng tahanan kung kaya ay nagmadali siyang kumuha ng charger dahil may ipinadalang napaka importanteng mensahe ang kanyang kliyente na dapat niyang matugunan kaagad. Ngunit sa kasamaang palad ay wala nang bakanteng outlet para sa kanya. Ang kanyang mga anak ay nag cha-charge din ng kani-kanilang mga cellphone. Ang isa pang outlet ay puno rin dahil nakasaksak ang plug ng T.V. at nakacharge din ang laptop ng kanyang anak. Sa pagkakataong ito ay naisipan niyang gumawa ng isang extension cord gamit ang mga kagamitan na binili niya noon. Dahil may kaalaman naman sa paggawa ng extension cord, nasolusyunan ang kanyang suliranin.

  1. Ano ang suliranin ni Mang Alex?
  2. Ano ang naging papel ng extension wire sa paglutas ng suliranin ni Mang Alex?
  3. May kaalaman rin ba kayo sa paggawa ng extension cord tulad ni Mang Alex?

Suriin

Ang kaalaman sa mga hakbang sa paggawa ng isang proyekto ay isang mahalagang paghahanda o katangian na dapat malaman ng bawat isa sa anumang gagawing proyekto lalo na kung ito ay ginagamitan ng elektrisidad. Nagsisilbi itong gabay upang matapos ng maayos ang proyekto. Nakatutulong din ito upang masunod ng tama at higit sa lahat walang kapahamakang magaganap habang ginagawa ang napiling proyekto.

Mga dapat isaalang-alang bago gawin ang proyekto na ginagamitan ng elektrisidad;

  1. Tiyaking nakasuot ng angkop na kasuotan sa paggawa.
  2. Ilagay ang mga kagamitan sa matibay, malinis at ligtas na lalagyan.
  3. Tiyaking na nasa maayos na kondisyon ang mga kagamitan at alam ang tamang paggamit nito.
  4. Pumili ng isang maaliwalas, ligtas at malinis na lugar kung saan isasagawa ang proyekto.
  5. Sundin ang panuto sa paggawa ng proyekyo.
  6. Humingi ng payo sa nakatatanda at guro kung nag – aalangan sa proseso ng paggawa.
  7. Iwasan ang pakikipag- usap at ituon ang atensiyon sa gingawang proyekto.
  8. Iwasan ang paglalagay ng matutulis at matatalas na kagamitan sa bulsa upang maiwasan ang aksidente.
  9. Balutin ang matulis at matalas na bahagi ng mga kasangkapan.
    10.Maging maingat sa paggamit ng matutulis at matatalas na mga kagamitan.
    11.Tiyaking kumain at nakapagpahinga ng maayos bago gawin ang proyekto.
    12.Panatilihing malinis ang lugar na pinaggagawaan ng proyekto. Iligpit ang mga kalat at ang mga kasangkapang ginamit.

Mga Kagamitan sa Paggawa ng Extension Cord

  1. side cutting pliers
  2. Philip screwdriver
  3. male plug
  4. Combination plier
  5. Flat chord
  6. Convenience outlet/female outlet

Mga Hakbang sa Paggawa ng Extension Cord

  1. Balatan ng kaunti ang magkabilang dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang side cutting plier nang sa gayon ay makita ang cooper wire.
  2. I-twist ang apat na dulo ng mga copper wires.
  3. Gamit ang Philip screwdriver, buksan ang male plug at ikabit ang magkatabing dalawang copper wires sa kabitan ng male plug.
  4. I-screw/takpan pabalik ang male plug gamit ang Philip screwdriver.
  5. Buksan ang convenience outlet/female outlet gamit ang philip screwdriver at ikabit ang natitirang magkatabing dalawang copper wires sa kabitan nito.
  6. I-screw/takpan pabalik ang convenience outlet/female outlet gamit ang philip screwdriver.

Narito ang mga pagkakasunod – sunod ng mga larawan sa paggawa ng “Extension Cord”.

Unang Hakbang | Ikalawang Hakbang | Ikatlong Hakbang

[photo: pliers cutting the rubber sheath of a cord] Unang Hakbang

[photo: copper wire ends being twisted] Ikalawang Hakbang

[photo: screwdriver opening a plug] Ikatlong Hakbang

[photo: wires being attached to a plug] Ikaapat na Hakbang

[photo: wires being attached with a yellow screwdriver] Ikalimang Hakbang

[photo: wired plug seen from the front] Ikaanim na Hakbang

[photo: plug with its cover being closed] Ikapitong Hakbang

[photo: outlet box with wires being connected] Ikawalong Hakbang

[photo: wired outlet box interior] Ikasiyam na Hakbang

[photo: screwdriver fastening the outlet cover] Ikasampung Hakbang

[photo: cord plug being inserted into an outlet] Ikalabing isang Hakbang

Pagyamanin

Gawain 1: Basahin ang talata at sagutin ang mga pagtatasa sa ibaba.

Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Pang – Elektrisidad – Extension Cord.

Ang elektrisidad ay isa sa mga mahahalagang yaman na kailangang matutunan ng bawat isa sa atin. Sa pamamagitan nito, ang mga pangunahing kagamitan sa ating tahanan gaya ng radyo, telebisyon, plantsa, at bentilador ay ating nagagamit. Ang extension cord ay may isang mahalagang papel upang mapagana ang radyo, telebisyon, plantsa, at bentilador kahit malayo ito sa main convenience outlet na nakakabit sa dingding. Upang maging ligtas at maayos ang bawat gawaing may kinalaman sa elektrisidad, nararapat na alamin ang mga hakbang at isaalang-alang ang paggamit ng personal na kagamitang pangkaligtasan.

Pagtatasa 1

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at MALI kung ito ay mali.

_____ 1. Balatan ng kaunti ang magkabilang dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang philip screwdriver nang sa gayon ay makita ang cooper wire.

_____ 2. Itwist ang apat na dulo ng mga copper wires.

_____ 3. Gamit ang combination plier, buksan ang male plug at ikabit ang magkatabing dalawang copper wires sa kabitan ng male plug.

_____ 4. Iscrew/takpan pabalik ang male plug gamit ang Philip screwdriver.

_____ 5. Buksan ang convenience outlet/female outlet gamit ang Philip screwdriver at ikabit ang natitirang magkatabing dalawang copper wires sa kabitan nito.

Pagtatasa 2

Panuto: Pagtambalin ang mga kagamitan sa hanay A sa angkop na sagot sa hanay B. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

HANAY AHANAY B
1. Philip screwdrivera. dito ipinadadaan ang kuryente papunta sa mga kagamitan.
2. Combination plierb. ginagamit para luwagan o hugpitan ang turnilyo na ang dulo ay hugis krus.
3. Flat cordc. ginagamit na pangkawak o pamputol ng wires, kable o maliit na pako.
4. Male Plugd. isinasaksak sa convenience outlet.
5. Electric tapee. nagsisilbing pinakamadaling pinagkukunan ng kuryente para sa mga dekuryenteng kasangkapan.
f. gingamit upang balutan ang mga wires na nabalatan pati ang mga dugtungan ng wires.

Isaisip

Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang kaisipan sa aralin na ito. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

kapakinabangan | elektrisidad | kaalaman | ligtas | pangkaligtasan

Ang tamang _____ sa paggamit at pangangalaga ng iba’t ibang kagamitan at kasangkapang pang- elektrisidad ay isang mahahalagang salik upang mapanatili ang gamit at _____ ang mga ito. Bawat isa sa atin ay dapat may kaalaman sa mga ito upang maging _____ at maayos ang bawat gawaing may kinalaman sa _____, nararapat na alamin ang mga hakbang at isaalang-alang ang paggamit ng personal na kagamitang _____.

Isagawa

Gawain 1

Panuto: Pagsunod – sunurin ang mga sumusunod na mga larawan batay sa hakbang sa pagbuo ng extension cord. Lagyan ng bilang ang bawat patlang ng larawan batay sa kung ano ang una hanggang huli. (1-11) Gawin ito sa iyong kuwaderno.

[transcriber’s note: a stray mark appears before the first blank]

[photo: copper wire ends being stripped and twisted]


[photo: pliers cutting a wire end]


[photo: wired plug with two prongs]


[photo: outlet box with wires connected inside]


[photo: plug being fastened with a screwdriver]


[photo: wires being attached with a yellow screwdriver]



[photo: plug with prongs held in hand]


[photo: plug being inserted into an outlet]


[photo: wired plug with exposed wires]


[photo: screwdriver fastening the outlet cover]


[photo: screwdriver fastening the outlet box]


Gawain 2

Panuto: Sa gawaing ito, humingi ng tulong sa mga magulang/electrician o kahit na sinong nakatatanda sa paggawa ng extension cord gamit ang mga kagamitan na kailangan at isaalang – alang ang tamang pagkakasunod-sunod gamit ang mga wastong hakbang sa paggawa nito.

Babala: HUWAG GAWING MAG-ISA ANG PAGGAWA NG EXTENSION CORD AT IWASANG PAGLARUAN ANG BAGAY NA ITO.

Rubric para sa Gagawing Proyekto – Extension Cord

PAMANTAYANPuntos 5 NapakahusayPuntos 4 MahusayPuntos 3 Mahusay-husayPuntos 2 Hindi Gaanong MahusayPuntos 1 Kailangan pang Paghusayin
1.Pagkamalikhain
2. Pagsisikap at Pagtitiyaga
3. Kasanayan at kaalaman sa pagbuo
4. Saloobin at responsibilidad.

Petsa ng Pagsisimula ng Paggawa: ______ Petsa ng Pagkatapos sa Paggawa: ______

Inihanda ni: Binigyan Pansin ni:


Baitang 5 Guro

Pagpapakahulugan:

  • 1-5 – Kailangan pang Paghusayan
  • 6-9 – Hindi Gaanong Mahusay
  • 1-12 – Mahusay husay
  • 12-14 – Mahusay
  • 15-20 – Napakahusay

Tayahin

Gawain 1

Panuto: Sa pamamagitan ng TULONG ng iyong mga magulang o kahit na sinong nakatatanda sa bahay, subukang gamitin ang inyong ginawang extension cord. Gamitin ang Rubric sa ibaba bilang pamantayan sa pag- iskor ng iyong output. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Babala: HUWAG GAWING MAG-ISA ANG PAGSUBOK SA GINAWANG EXTENSION CORD AT IWASANG PAGLARUAN ANG BAGAY NA ITO.

PAMANTAYANPuntos 5 NapakahusayPuntos 4 MahusayPuntos 3 Mahusay-husayPuntos 2 Hindi Gaanong MahusayPuntos 1 Kailangan pang Paghusayin
1.Kalinisan
2. Kawastuhan
3. Paggana ng Extension Cord

Pagpapakahulugan:

  • 1-3 – Kailangan pang Paghusayan
  • 4-6 – Hindi Gaanong Mahusay
  • 7-9 – Mahusay husay
  • 10-12 – Mahusay
  • 12-15 – Napakahusay
Gawain 2

Panuto: Pagtambalin ang mga kagamitan sa hanay A sa angkop na larawan nito sa hanay B. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Hanay AHanay B
1. Philip screwdrivera [photo: wall electrical outlet]
2. Combination plierb [photo: cutting pliers]
3. Flat cordc [photo: flat cord with copper wire ends]
4. Male Plugd [photo: combination pliers]
5. Female outlete [photo: male plug with copper prongs]
f [photo: screwdriver with yellow handle]
Karagdagang Gawain

Magsaliksik sa pamamagitan ng pagtatanong o sa tulong ng internet tungkol sa tamang hakbang sa paggawa ng bulb socket extension cord. Isulat sa kuwaderno ang iyong mga kasagutan.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer boxes on this page are printed upside down, and their sequence has been arranged in the order the sections are labeled]

Subukin
  1. c
  2. d
  3. a
  4. c
  5. b
Balikan
  1. d
  2. d
  3. c
  4. b
  5. a
Pagyamanin

Pagtatasa 1

  1. Mali
  2. Tama
  3. Mali
  4. Tama
  5. Tama

Pagtatasa 2

  1. b
  2. c
  3. a
  4. d
  5. f
Isaisip
  1. kaalaman
  2. kapakinabangan
  3. ligtas
  4. elektrisidad
  5. pangkaligtasan
Isagawa: A

[photo: row of 11 photos of an extension cord being assembled, numbered 1 to 11; shown in order 2, 1, 4, 9 / 3, 5, 7, 11 / 6, 8, 10]

Isagawa: B

Rubric para sa Gagawing Proyekto – Extension Cord

PAMANTAYANPuntos: 5 NapakahusayPuntos: 4 MahusayPuntos: 3 Mahusay husayPuntos: 2 Hindi Gaanong MahusayPuntos: 1 Kailangan pang Paghusayan
1. Pagkamalikhain
2. Pagsisikap at Pagtitiyaga
3. Kasanayan at kaalaman sa pagbuo
4. Saloobin at responsabilidad.

Pagpapakahulugan:

  • Kailangan pang Paghusayan – 3- 1
  • Hindi Gaanong Mahusay – 6- 4
  • Mahusay husay – 9- 7
  • Mahusay – 12 – 10
  • Napakahusay – 15 – 12
Tayahin: B
  1. f
  2. d
  3. c
  4. e
  5. a

Sanggunian

Curriculum Guide, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5, EPP5IA-0c34

https://www.canstockphoto.com/phillips-head-screwdriver-1194815.html
https://www.bhphotovideo.com/c/product/1238422-REG/platinum_tools_12206c_6_lineman_s_pliers.html
https://www.google.com/search?q=copper+wire&tbm=isch&hl=en&chips=q:copper+wire,g_1:electrical:hw9MJED5OHM%3D&sa=X&ved=2ahUKEwjG7OR6ebxAhUCy5QKHUcAAzMQ4lYoAnoECAEQFA&biw=1349&bih=657#imgrc=OZjNZNIckuC1AM
https://www.stanleytools.com/products/hand-tools/pliers/3-pc-pliers-set/stht84405
https://www.aliexpress.com/i/32976718800.html

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district