Grade 6 Filipino Modyul: Paggamit ng Iba’t Ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Nagiging makulay ang ating pagpapahayag sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit natin. Nakatutulong ang mga salitang ito para maipahayag natin ang ating mga ideya o nais sabihin.

Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang paggamit ng iba’t ibang salita bilang pang-uri at pang-abay sa pagpapahayag ng sariling ideya.

Pagkatapos ng aralin, inaasahang taglay mo ang kasanayang:

  • nagagamit ang iba’t ibang salita bilang pang uri at pang-abay sa pagpapahayag ng sariling ideya.

Paalala kaibigan na ang bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain na susubok sa iyong kakayahan. Huwag kang mag-alala dahil naririto naman ako at nakahandang gumabay sa iyo. Sundin mo lang ang aking mga panuto at gawin nang buong husay ang mga gawain. Handa ka na ba? Tayo na!

Grade 6 Filipino Ikalawang Markahan Modyul: Paggamit ng Iba’t Ibang Salita Bilang Pang-uri at Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya

Filipino6_Q2_Mod12_Paggamit-ng-Ibat-Ibang-Salita_v.2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment