Grade 6 Araling Panlipunan Modyul: Mga Programang Ipinatupad ng Iba’t ibang Administrasyon mula 1946 hanggang 1972

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Nalaman mo na ang Pilipinas ay naging isang ganap na estado o republika noong Hulyo 4, 1946. Bilang isang republika maraming mga suliranin at hamon ang hinarap ng mga Pilipino.Sa modyul na ito ay malalaman mo ang naging kalagayan ng Pilipinas sa Ikatlong Republika sa pamamahala nina Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal, at Ferdinand E. Marcos. Tatalakayin dito ang mga hamon at suliranin na kanilang hinarap at ang mga hakbang na kanilang ginawa upang mapabuti at maiayos ang kalagayan ng bansa. Nararapat lamang na bigyan pagpapahalaga ang kanilang mga ginawa sa bayan at maiugnay sa ating mga tinatamasa sa kasalukuyan.

May tatlong aralin sa modyul na ito:

  • Aralin 1- Mga Patakaran at Programa ni Pangulong Carlos P. Garcia (Marso 17, 1957-Disyembre 30, 1961)
  • Aralin 2 – Mga Patakaran at Programa ni Pangulong Diosdado Macapagal
  • (Disyembre 30, 1961 – Disyembre 30, 1965)
  • Aralin 3 – Mga Patakaran at Programa ni Pangulong Ferdinand Marcos (Disyembre 30, 1965 – Pebrero 25, 1986)

Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito ay inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

  • Nasusuri ang mga patakaran at programa ng pamahalaan upang matugunan ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino.
  • Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng bawat pangulo na nakapagdulot ng kaunlaran sa lipunan at sa bansa.

Grade 6 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul: Mga Programang Ipinatupad ng Iba’t ibang Administrasyon mula 1946 hanggang 1972

AP6-Q3-MODYUL4

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment