Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Quarter 1 Module 3: Homogenous at Heterogenous na Wika

This is the self-learning module for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Communication and Research in Filipino Language and Culture), Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 3: “Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika)” (language concepts: homogeneous and heterogeneous language). It is a Senior High School module from DepEd Region 4A CALABARZON, first edition 2021, written by Ma. Corazon S. Dela Peña. After working through it, learners should be able to connect language concepts to communication situations they watch on television and explain how language is used in society.

What learners will learn

The module’s learning competency (Kasanayang Pampagkatuto) is:

  • Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon (connects language concepts to communication situations watched on television), with examples such as Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, and Word of the Lourd.

Its specific objectives are:

  1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika (uses knowledge of modern technology to understand language concepts).
  2. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (explains the communicative uses of language in society).

Homogenous and heterogenous language

The module explains that language has two natures.

Homogenous na wika (homogeneous language). The word comes from the Greek “homo” (same) and “genos” (kind or make). It refers to the sameness of words in a language. Even when words are the same, their meaning can change because of pronunciation and intonation. Language has shared features across its speakers.

Heterogenous na wika (heterogeneous language). This refers to the variety in the language used by groups of people because they differ in age, sex, place of residence, work, interests, education, and other factors. Since people and the groups they belong to are different, different forms of language develop. Heterogeneous language has two kinds of varieties:

KindVarietyWhat it is based on
Barayting permanente (permanent)Dayalekto (dialect)Place of origin, time, and a person’s status in life
Barayting permanente (permanent)Idyolek (idiolect)Each person’s own personal way of using language, including pronunciation, tone, and voice quality
Barayting pansamantala (temporary)RegisterThe situation and the field or discipline where the language is used
Barayting pansamantala (temporary)Istilo (style)The number and kind of listeners, and the speaker’s relationship with them
Barayting pansamantala (temporary)Midyum (medium)The way of communicating, spoken or written

The module uses familiar examples: the personal speaking styles of Mike Enriquez and Kris Aquino as idiolect, gay lingo such as “Push mo ‘yan! Char” as a language variety, and a funny sign, “Mas mabuti pang mahulog sa kanal kaysa sa mahulog sa taong hindi ka naman mahal” (better to fall into a canal than to fall for someone who does not love you), to identify language concepts in everyday texts.

Communication and the linguistic community

Language brings people together because they understand one another, and this forms a lingguwistikong komunidad (linguistic community). The module then reviews the basics of communication.

Mga Simulain ng Komunikasyon (principles of communication): communication starts with the self, needs other people, has content and relational dimensions, is complex, uses symbols, needs meaning, and is a process.

Mga Modelo ng Komunikasyon (models of communication):

  1. As action: a sender delivers a message to a receiver.
  2. As interaction: two people exchange information.
  3. As transaction: one or more people share meaning and understanding.

Antas ng Pormalidad (levels of formality):

  1. Oratorical or frozen style: public speaking before a large audience.
  2. Deliberative style: a set audience, often in classrooms or forums.
  3. Consultative style: formal, carefully chosen words, often in offices and meetings.
  4. Casual style: conversations among family or friends.
  5. Intimate style: between very close friends, family, or partners.

Uri ng Komunikasyon Ayon sa Konteksto (types of communication by context): intrapersonal (within one’s own mind), interpersonal (between two people), pampubliko (public, one speaker to many listeners), pangmasa (mass communication to a large unseen audience, such as television), and computer-mediated (through communication networks).

The module also quotes National Artist Bienvenido Lumbera: language is a sign of a nation’s identity and links the student to family, community, and the nation’s past.

How to use this module

The module follows the usual self-learning module parts: Alamin (objectives), Subukin (a 10-item pretest), Aralin 1 (the lesson with a viewing activity on the National Language Congress speech of former President Benigno S. Aquino III), Balikan (a Fact or Bluff review), Tuklasin (communication concepts), Suriin (questions on a Bienvenido Lumbera video), Pagyamanin (essay questions), Isaisip, Isagawa, Tayahin (a 15-item post-test), Karagdagang Gawain (an extra task on “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba,” unity amid diversity), and Susi sa Pagwawasto (answer key).

  • Learners: Take the pretest first, then go through each part in order. Do not write on the module; answer on a separate sheet of paper. Several activities ask you to watch television documentaries, interviews, and speeches, so plan for internet access. Check your answers honestly with the answer key and contact your teacher if a lesson is unclear.
  • Parents and guardians: Help your child read all the directions and parts carefully before starting, and encourage honest checking of answers.
  • Teachers: The teacher’s note asks you to make sure learners understand and follow the directions and to stress honesty in answering and checking. The essay tasks in Pagyamanin, Isagawa, and Karagdagang Gawain need your own review, since they have no fixed answers.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is a Senior High School module for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Unang Markahan (Quarter 1), Module 3.

What is the difference between homogenous and heterogenous language?

Homogenous language refers to the sameness of words in a language, from the Greek homo meaning same. Heterogenous language refers to the variety in language used by groups of people because of differences in age, sex, residence, work, education, and other factors.

What are the permanent and temporary varieties of language?

The permanent varieties are dayalekto (dialect) and idyolek (idiolect). The temporary varieties are register, istilo (style), and midyum (medium).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the lesson activity, Balikan, Suriin, Isaisip, and the post-test (Tayahin).

Do learners need the internet for this module?

Some activities ask learners to watch videos, such as I-Witness documentaries, the 2013 Pambansang Kongreso ng Wika speech, and a Bienvenido Lumbera video, so internet access helps.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 3: Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika)

Senior High School

[illustration: students and a teacher with books, a globe, a lamp, and a child writing near a tree; Alternative Delivery Mode logo below]

CO_Q1_KPWKP SHS Module 3

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 3: Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika)

Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Corazon S. Dela Peña

Editor: Fritz M. Bahilango

Tagasuri: Ernesto C. Caberte. Jr., Leilanie E. Vizarra, Ana Maria L. Josue, Benepie Atlas, Gian Carlo C. Villagracia

Tagaguhit: Ronie C. Suinan

Tagalapat: Jera Mae B. Cruzado, Shane Sheika P. Sigue

Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas Job S. Zape, Jr. Ramonito O. Elumbaring Reicon C. Condes Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Rommel C. Bautista Galileo L. Go, Randy D. Punzalan Elpidia B. Bergado Noel S. Ortega Maribeth C. Rieta Leonila L. Custodio Julie Anne V. Vertudes

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Unang Markahan – Modyul 3: Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika)

Senior High School

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: hand pressing a button inside a circle]

Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago at mababago pa ng panahon. Patuloy na umuunlad ang teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga pagbabagong nagaganap, maging ang wika natin ay nababago rin dala ng makabagong henerasyon. Bilang isang wikang buhay, patuloy na umuunlad ang wika dahil sa marami ang nadaragdag ng mga wikang banyaga na nakaiimpluwensiya sa ating mga natutuhan sa mga ninuno natin.

Sa kasalukuyan, marami sa atin ang malaki ang naiaambag sa paggamit ng wika. Tulad na lamang ng pagkakatuklas ng mga bagay-bagay sa tulong ng teknolohiya. Karamihan sa mga taong nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika ay lumalago at naglilinang ng makabagong konsepto ng wika. Kaalinsabay nito ang pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit, at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino.

Bunga ng pag-aaral, maraming konsepto ng wika ang nakapaloob sa aklat na ito. Layunin nitong malinang at mapayabong pa ang kaalaman ng mga estudyante gamit ang Wikang Filipino. Masuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan, at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Ang mga impormasyong nakapaloob sa aklat na ito ay napapanahon din. Sinadya ng mga may-akda na palalimin ang pagkaunawa ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagkilatis at pagsariwa ng mga konseptong pangwika.

Kung ang mga merito ng aklat na ito ay magagamit, sa tulong ng matatalino at/o masigasig na guro at partisipatib na mga estudyante, tinitiyak ng mga may-akda na matatamo ang mga sumusunod:

Kasanayang Pampagkatuto:

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon (Hal.Tonight with Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie, Word of the Lourd).

  1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.
  2. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.

Samakatuwid ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral ay mas mapalalim pa ang pagkaunawa nila sa Wikang Pambansa na mayroong malaking ugnayan sa konsepto ng wika. Inaaasahan na sila ang magiging instrumento ng karunungan at higit na kasapi sa pag-unlad ng wikang Filipino.

1 CO_Q1_KPWKP SHS Module 3

Subukin

[illustration: hand holding a pencil inside a circle]

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

  1. Itinuturing na magkakatulad ang isang linggwistikong komunidad dahil sa pagkakatulad sa wika, kaasalan, at pagpapahalagang panlipunan.
    a. Multilingguwalismo c. Heterogenous
    b. Bilingguwalismo d. Homogenous


  2. Anong social media platform ang pinakagamitin sa kasalukuyan sa pagbibigay ng opinyon ng kabataan na nagiging dahilan sa pagpapalawak ng wika?
    a. Facebook c. Instagram
    b. Twitter d. Pinterest


  3. Anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa pahayag sa isang karatulang Mas mabuti pang mahulog sa kanal kaysa sa mahulog sa taong hindi ka naman mahal?
    a. Barayti ng wika c. Wikang opisyal
    b. Kultura ng wika d. Unang wika


  4. Ang sariling paraan ng paggamit ng wika ng sikat na personalidad gaya ni Mike Enriquez at Kris Aquino ay maihahanay sa anong barayti ng wika?
    a. Idyolek c. Ekolek
    b. Sosyolek d. Dayalek


  5. Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao sa isang lugar.
    a. Heterogenous na wika c. Dayalek
    b. Homogenous na wika d. Pidgin


  6. Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na “homo” na nangangahulugang ______.
    a. pagkakaiba c. pareho
    b. pag-uulit d. pagkakaugnay


  7. Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika.
    a. Creole c. Jargon
    b. Register d. Dayalek


2 CO_Q1_KPWKP SHS Module 3

  1. Ito ang mga salitang natutuhan ng isang tao sa loob ng tahanan.
    a. Creole c. Jargon
    b. Register d. Ekolek


  2. “Push mo ‘yan! “Char.”
    a. wikang banyaga c. wikang teknikal
    b. rehistro ng wika d. pangalawang wika


  3. Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao.
    a. Creole c. Jargon
    b. Register d. Dayalek


3 CO_Q1_KPWKP SHS Module 3

Aralin 1: Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika)

Kahulugan ng Homogenous at Heterogenous na Wika

Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na “homo” na ang ibig sabihin ay pareho at salitang “genos” na ang ibig sabihin ay uri o yari. Ang homogenous na wika ay ang pagkakatulad ng mga salita. Bagaman magkakatulad, nag-iiba ang kahulugan dahil sa pagbigkas at intonasyon. Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito. Ang wika ay nahahati sa dalawa ang homogeneous na kalikasan nito at ang heterogenous na kalikasan nito.

Heterogenous na Katangian ng Wika
  1. Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao dahil sa pagkakaiba nila ng edad, kasarian, tirahan, gawain, at iba pang salik.
  2. Ito ay ang kalikasan ng wika ay ang pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng iba’t ibang indibidwal at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pang mga salik.
  3. Ayon sa mga dalubhasa, ang wika ay binubuo ng isang pangkat ng tao upang magamit at tumugon sa kanilang partikular na pangangailangan. Dahil magkakaiba ang mga tao at ang kinabibilangan ng bawat isa, iba’t ibang anyo rin ng wika ang umusbong.
  4. Sa heterogeneous na katangian ng wika ay may dalawang uri o barayti: Ito ay ang permanente at pansamantala.
Barayting Permanente

a. Dayalekto- Ito ang barayting batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao. b. Idyolek-Ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika.

Barayting Pansamantala

a. Register-Ito ang barayting bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika. b. Istilo-Ito ang barayting batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap c. Midyum-Ito ang barayting batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat.

Mga halimbawa ng heterogenous na katangian ng wika.

4 CO_Q1_KPWKP SHS Module 3

IDYOLEK – ito ang barayting kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika.

Bukod sa panlipunang salik, nakikilala rin ang pananalita ng isang indibiduwal batay sa kaniyang bigkas, tono, kalidad ng boses, at pisikal na katayuan.

HOMOGENEOUS NA KATANGIAN NG WIKA
  1. Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad.
  2. Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan.

Narito ang ilang halimbawa ng dokumentaryong palabas mula sa telebisyon. Mga panayam at talumpati ng kilalang tao sa bansa. May mga link na ibibigay sa iyo para mapanood mo ito.

I-Witness: “Tuyon,” dokumentaryo ni Kara David https://youtu.be/125swTQHpzQ

I-Witness: ‘Behind the Banquet,” dokumentaryo ni Mariz Umali https://youtu.be/CThqfMY2sfc

Nang panahong namumuno sa bansa ang Kgg. na Benigno S. Aquino III, Filipino ang kanyang ginagamit na wika sa mga palatuntunan sa harap ng maraming manonood tulad ng pagsasalita niya sa Pambansang Kongreso ng Wika bilang pagsusulong sa paggamit ng sariling wika.

Panoorin ang programang ipinalabas sa telebisyon noong Agosto 2013 na Pambansang Kongreso ng Wika. Kunin ito sa link ng https://www.youtube.com/watch?v=cANB8bMTuiM

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ano ang pinaiigting ng dating Pangulong Benigno Aquino sa kanyang pagsasalita sa palatuntunan?

a. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa d. Wikang Panlahat

_____2. Mapupunang nahahaluan ng wikang Ingles ang ibang dayalogo ng dating Pangulo, anong konseptong pangwika ang mamamalas dito?

a. bilingguwalismo b. multilingguwalismo c. homogenous d. heterogenous

_____3. Nang magkuwento ng isang kaganapan sa kongreso ang dating Pangulong Aquino, nabanggit niya ang pangyayaring nagkanyahan ang mga kinatawan ng bawat rehiyon sa pagsasalita ng kanilang sinusong wika, anong konseptong pangwika ang ipinakita sa bahaging ito?

a. barayti ng wika b. pangalawang wika c. wikang panturo d. wikang Pambansa

_____4. Ang nagaganap sa mga sitwasyong katulad ng napanood ay isang daan upang mabatid ng kinauukulan ang nais ihatid ng mensahe. Ano ang tawag sa ugnayang ito ng mga tao?

a. sitwasyon b. konseptong pangwika c. pangungusap d. komunikasyon

_____5. Naipahayag ng dating Pangulo ang mensaheng nais niyang iparating sa mga kinauukulan. Anong paraan ang ginamit niya upang maihatid ang mensahe?

a. pagkukuwento b. talumpati c. pagpapahayag ng sarili d. pag-aanunsyo

Balikan

Tukuyin kung FACT o BLUFF ang bawat pahayag.

  1. Ang wika ay heterogenous kung nakabatay ang paggamit nito sa edad, antas sa lipunan, pinagmulan at iba pa.
  2. Homogenous ang wika kung ang paggamit nito ay nakaugat sa iisang lipunang ginagalawan.
  3. Magkakatulad ang lahat ng tao sa paggamit ng iisang wika.
  4. Hindi ibinabatay ng taong nagsasalita ang wikang ginagamit batay sa taong kausap at sa sitwasyong kinasasangkutan nila.
  5. Ang gay lingo ay maihahanay sa sosyolek na barayti ng wika.
Mga Tala para sa Guro

Tandaan: Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito.

Tuklasin

Batid natin na ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang magkaroon ng ugnayan ang nbabwat isa. Napagbubuklod ng wika ang grupo ng tao dahil nagkakaintindihan sila at nagagampanan nila ang kani-kanilang tungkulin upang maging kapaki-pakinabang ito hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng panlipunang dimensiyon ang wika dahil napagsasama-sama nito ang mga tao upang makabuo ng isang komunidad tungo sa pagtupad ng tungkulin, pagkilos, at kolektibong ugnayan sa ikauunlad ng bawat isa. Kung sa ganitong tunguhin napupunta ang talastasan o pakikipag-usap ng mamamayan, masasabi nating lingguwistikong komunidad ang kanilang kinabibilangan at pinanggagalingan.

Mga Simulain ng Komunikasyon
  • Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili
  • Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao
  • Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensiyong pangnilalaman at relasyonal
  • Ang komunikasyon ay komplikado
  • Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo
  • Ang komunikasyon ay nangangailangan ng kahulugan
  • Ang komunikasyon ay isang proseso
Mga Modelo ng Komunikasyon
  1. Komunikasyon bilang aksyon – ang pinagmulan ng mensahe (sender) ay naghahatid ng mensahe tungo sa tagatanggap (receiver)
  2. Komunikasyon bilang interaksyon – nagkakaroon ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawang tao
  3. Komunikasyon bilang transaksyon – pagbabahaginan ng kahulugan at unawaan sa pagitan ng isa o higit pang tao
Antas ng Pormalidad sa Komunikasyon
  1. Oratorical o frozen style – ginagamit sa pagsasalita sa harap ng publiko na may malaking bilang ng manonood.


  2. Deliberative style – ang estilong ginagamit sa tiyak na bilang ng manoood na kadalasang ginagawa sa loob ng klasrum o mga forum


  3. Consultative style – tipikal na pakikipagtalastasan na nangangailangan ng pormal na pananalita sa pamamagitan ng pagpili ng mga salitang gagamitin. Kadalasang makikita sa opisina at mga pulong.


  4. Casual style – karaniwang makikita sa usapan ng makakapamilya o magkaibigan.


  5. Intimate style – nagaganap sa pagitan ng malalapit na kaibigan, kapamilya o karelasyon.


Uri ng Komunikasyon Ayon sa Konteksto
  • Komunikasyong intrapersonal. Ang mensahe at kahulugan ay nabubuo o nagaganap sa sariling isip o ideya lamang na makikita sa ekspresyon na nagsasalita
  • Komunikasyong interpersonal. Ginagamit ang mensahe upang makabuo ng kahulugan sa pagitan ng dalawang tao sa isang sitwasyon.
  • Komunikasyong pampubliko. Ang simpleng pinagmulan ng mensahe ay nagpapadala ng mensahe sa iba’t ibang bilang ng tagatanggap na maaaring sagot-tanong na pidbak.
  • Komunikasyong pangmasa. Ang paggamit ng mensahe sa pagbuo ng kahulugan sa isang namamagitan na sistema sa pagitan ng tagapagpa-dala patungo sa malaking bilang ng mga di nakikitang tagatanggap. Halimbawa ang telebisyon.
  • Komunikasyong computer mediated. Ang komunikasyong pantao at impormasyong ibinabahagi ng communication networks.
Suriin

“Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan… ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan.” Isa itong pahayag mula kay Bienvenido Lumbera, ang pambansang alagad ng sining sa panitikang Pilipino.

Panoorin ang kabuuan ng mga pahayag ni B. Lumbera. Sundan ang link sa https://www.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ Sulong Wikang Filipino. Unawain nang husto ang mga pahayag. Alalahanin ang mga natutunan sa konseptong pangwika at mga bagong nabatid sa talakayan ng komunikasyon.

Panuto: Pag-ugnayin ang napanood sa sitwasyong pangkomunikasyon.

  1. Anong komunikasyon ang inilalahad sa pagpahayag ni B. Lumbera ng kanyang mga ideya tungkol sa wika at edukasyon?

a. interpersonal b. intrapersonal c. computer mediated d. tangkang komunikasyon

  1. Ang pagpapadala ni B. Lumbera ng mensahe mula sa telebisyon ay makikitaan ng anong komunikasyon?

a. komunikasyong pampubliko b. interpersonal c. komunikasyong pangmasa d. intrapersonal

  1. Anong paraan ang ginamit sa pagpaparating ng mensahe sa mga tagapanoodng programa?

a. panayam b. talumpati c. panawagan sa radyo d. pahayagan

  1. Anong konseptong pangwika ang maiuugnay sa sitwasyong napanood?

a. wikang opisyal b. lingguwistikong komunidad c. rehistro ng wika d. unang wika

  1. Ano ang kaugnayan ng napanood sa situwasyong pangkomunikasyon?

a. malayang naipahahayag ang nais sa telebisyon b. maraming manonood ang makababatid ng mensahe c. nailalahad ang situwasyon dahil sa napanood sa telebisyon d. natutukoy ang konseptong pangwika gamit ang komunikasyon sa pamamagitan ng panayam

Pagyamanin

Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Ito ang susukat sa lawak ng iyong natutuhan mula sa araling ating tinalakay.

  1. Ipaliwanag bakit ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan.
  2. Magbigay ng napapanahong halimbawa o pagkakataon na nagkakaroon ng kaguluhan sa pakikipagkomunikasyon.
  3. Ano ang maaaring maging epekto sa sarili, pamilya, pamayanan at bansa ang malabong paghahatid ng mensahe?
  4. Bakit kailangang sipatin ang lugar at wikang ginagamit ng isang tao pagdating sa komunikasyon? Ano ang maidudulot nito sa proseso ng pakikipagtalastasan?
  5. Ipaliwanag kung bakit ang komunikasyon ay isang komplikadong gawain.
Isaisip

Panuto: Iugnay ang konseptong pangwika sa mga sitwasyong pangkomunikasyon. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

  1. Anong konseptong pangwika ang pinakamalapit na maasahang makikita sa programang PEP Talk?

a. barayti ng wika b. bilingguwalismo c. wikang panturo d. multilingguwalismo

  1. Anong komunikasyon ang kalimitang ginamit sa paghahatid ng mensahe sa mga palabas sa telebisyon?

a. computer mediated b. komunikasyong pampubliko c. komunikasyong pangmasa d. komunikasyong interpersonal

  1. Ano ang sitwasyong pamamaraan upang mailahad ang mensahe at matukoy ang konseptong pangwika?

a. debate b. panayam c. drama d. musical

  1. Ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ay isinasahimpapawid sa ABS CBN. Kung iuugnay ito sa konseptong pangwika, ilang konsepto ang posibleng makita sa dramang pantelebisyon?

a. tatlo b. lima c. pito d. lahat

  1. Anong daluyan ng sitwasyong pangkomunikasyon ang maiuugnay sa palabas?

a. telebisyon b. radyo c. internet d. sinema

Isagawa

Sagutan ang mga sumusunod sa inyong sagutan papel.

  1. Ano ang kaugnayan ng pagkakaiba-iba ng wika (heterogenous) sa sitwasyong pangkomunikasyon?
  2. Paano mo gagamitin ang iyong natutuhang gamit ng wika sa lipunan sa pakikipag-ugnayan sa mga taong makakasalamuha mo araw-araw?
Tayahin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

  1. Iisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit sa isang linggwistikong komunidad.

a. Heterogenous b. Homogenous c. Sosyolek d. Idyolek

  1. Magkakaiba ang anyo ng wika na ginagamit sa isang linggwistikong komunidad.

a. Multilingguwalismo b. Bilingguwalismo c. Heterogenous d. Homogenous

  1. Mas marami ang nagsasalita ng Ingles o gumagamit ng code switching, kolokyalismo, o balbal na pananalita sa isang linggwistikong komunidad.

a. Multilingguwalismo b. Bilingguwalismo c. Heterogenous d. Homogenous

  1. Salik na nakakaapekto sa lingguwistikong komunidad.

a. Hanapbuhay at edukasyon b. Pakikipag-ugnayan c. Pakikitungo d. Rasyonal

  1. Ito ay maaaring magsimula sa sarili.

a. Pakikipagmabutihan b. Pakikipagtalastasan c. Pakikipag-unawaan d. Pakikipagsapalaran

  1. Ito ay nagaganap sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao

a. Pakikipagkomunikasyon b. Pakikipagmabutihan c. Pakikipagkalakalan d. Pakikipagtuos

  1. Isang salik sa pagkakaiba ng anyo ng wika na tumutukoy sa pandarayuhan na nangangahulugang pagpapalipat-lipat ng lugar sa loob ng isang bansa.

a. Hanapbuhay b. Edukasyon c. Migrasyon d. Edad

  1. Anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa pahayag sa isang karatulang Mas mabuti pang mahulog sa kanal kaysa sa mahulog sa taong hindi ka naman mahal?

a. Barayti ng wika b. Kultura ng wika c. Wikang opisyal d. Unang wika

  1. Ang sariling paraan ng paggamit ng wika ng sikat na personalidad gaya ni Mike Enriquez at Kris Aquino ay maihahanay sa anong barayti ng wika?

a. Idyolek b. Sosyolek c. Ekolek d. Dayalek

  1. Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wikang ginagamit ng mga pangkat ng tao sa isang lugar.

a. Heterogenous na wika b. Homogenous na wika c. Dayalek d. Pidgin

  1. Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na “homo” na nangangahulugang ______.

a. pagkakaiba b. pag-uulit c. pareho d. pagkakaugnay

  1. Ano ang kaugnayan ng mga palabas sa telebisyon sa konseptong pangwika at sitwasyong pangkomunikasyon.

a. TV ang makapangyarihang media na mag-uugnay sa tao gamit ang wika b. Sa TV napapanood ng tao ang mga palabas at program na gusto nila c. Maraming palabas ang gumagamit ng iba’t ibang uri ng wika d. Nauunawaan ng mga manonood ang nakikitang palabas

  1. “Push mo ‘yan! “Char” ang pahayag na ito ay maihahanay sa ____.

a. Wikang banyaga b. Wikang teknikal c. Rehistro ng wika d. Pangalawang wika

  1. Saan konseptong pangwika maiuugnay ang pamagat ng artikulo na “Back to school zone speed reduction”?

a. Homogenous b. Wikang opisyal c. Bilingguwalismo d. Wikang panturo

  1. Anong konseptong pangwika ang nakapaloob sa pahayag sa isang karatulang “Mas mabuti pang mahulog sa kanal kaysa mahulog sa taong hindi ka naman mahal?”

a. Barayti ng wika b. Kultura ng wika c. Wikang opisyal d. Unang wika

Karagdagang Gawain

Sagutan ang mga sumusunod:

a. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pahayag na “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”. b. Paano mo maiuugnay ang naunang pahayag sa sitwasyon sa Pilipinas.

Susi sa Pagwawasto

Subukin at Suriin
No.SuriinSubukin
1.BB
2.CA
3.AA
4.BA
5.DA
6.C
7.B
8.D
9.A
10.D
Balikan
  • C 1.
  • A 2.
  • A 3.
  • D 4.
  • B 5.
Isaisip
  • C 1.
  • C 2.
  • B 3.
  • C 4.
  • A 5.
Aralin 1
  • C 1.
  • A 2.
  • A 3.
  • D 4.
  • B 5.
Tayahin
  • B 1.
  • C 2.
  • C 3.
  • A 4.
  • A 5.
  • A 6.
  • C 7.
  • D 8.
  • C 9.
  • B 10.
  • A 11.
  • B 12.
  • D 13.
  • B 14.
  • A 15.

Sanggunian

Cecilia S. Austrero and Lourdes S. Bascuna. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Rolando A. Bernales and Glecy C. Atienza. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Orlando T. Valverde and Zenaida C. Yero. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Internet/Google

  1. Brainly.ph – https://brainly.ph/question/668798#readmore
  2. Brainly.ph – https://brainly.ph/question/679230#readmore

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *