This is Module 6 for the first quarter (Unang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, a Senior High School self-learning module from DepEd Region 4A CALABARZON (first edition, 2021). Its title is “Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori)”, meaning the uses of language in society: the instrumental and regulatory functions. After the module, learners should be able to tell when language is used to get something done and when it is used to guide or control how people act.
What learners will learn
The learning competency printed in the module is:
- Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M.A.K. Halliday) (explains the communicative uses of language in society, based on M.A.K. Halliday) F11PT – Ic – 86
The module’s objectives (layunin) are for learners to:
- understand what the communicative uses of language in society mean;
- identify the use of language shown in a given sentence;
- describe the proper use of language in society as a tool for understanding.
Instrumental and regulatory language: the key ideas
The module draws on M.A.K. Halliday’s Explorations in the Functions of Language (1973), which groups the roles language plays in our lives into categories. These functions apply to both spoken and written language, and the module says they matter for effective communication. It also notes that one situation can call for a single function or for two or more at once.
Instrumental (instrumental)
Instrumental language is used to meet a need. Language is the main tool a person uses to get what he or she wants or needs. It often takes the form of a request, a question, or an order. The module’s examples:
- “Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.” (Please pass me the folder on the table.)
- “Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang proyektong ito?” (May I know how long this project will take to finish?)
- “Ano-anong departamento ang kailangan kong daanan bago makarating sa tanggapan ng gobernador?” (Which departments do I need to pass through to reach the governor’s office?)
Regulatori (regulatory)
Regulatory language controls or guides people’s behavior and conduct. Parents use it when they give advice to their children. The module asks learners to notice the warnings, signs, and orders often posted in public places. Its examples:
- “Bawal pumitas ng bulaklak.” (Picking flowers is not allowed.)
- “Huwag gumamit ng bolpen sa pagsagot, gumamit ng lapis.” (Do not answer in ballpen; use a pencil.)
- “Basahing mabuti ang pangungusap bago mangatuwiran.” (Read the sentence carefully before reasoning.)
- “Bawal manigarilyo.” (No smoking.)
A quick comparison
The module’s pretest sorts everyday situations this way:
| Instrumental | Regulatori |
|---|---|
| dealing with others (pakikitungo) | giving instructions (pagbibigay ng panuto) |
| trading or business (pangangalakal) | giving directions (pagbibigay ng direksiyon) |
| giving orders (pag-uutos) | reminders (paalaala) |
| making requests (pakikiusap) | guidance (paggabay) |
| writing a letter (paggawa ng liham) | control (pagkontrol) |
Other functions such as heuristiko, impormatibo, personal, imahinatibo, and interaksiyunal appear as answer choices in the tests, so learners should be ready to tell them apart from the two functions this module focuses on.
Parts of the module
- Alamin: the competency and objectives.
- Subukin: a pretest of 10 multiple-choice situations plus 5 items asking learners to explain the instrumental and regulatory uses in the table above.
- Balikan: five review questions, such as the clear difference between instrumental and regulatory language, and why these uses matter on social media.
- Tuklasin: the lesson discussion and examples.
- Suriin: five short statements (for example “Smoking Area” and “Slow Down School Zone”) to classify.
- Pagyamanin: ten situations, such as writing a recipe or a mother reminding her children to come home on time; learners choose three and apply what they learned.
- Isaisip: ten statements about language; learners choose three and explain them.
- Isagawa: a self-rating checklist (4 to 1) on habits like following signs and laws and saying please when asking someone to do something.
- Tayahin: a 10-item final test plus an explanation of how both functions help in daily life.
- Karagdagang Gawain: five situations where learners write a fitting statement, such as asking a classmate to hand over a bag or leading a barangay meeting.
- Susi sa Pagwawasto: the answer key.
How to use this module
- Learners: Start with Subukin, then work through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper; the module asks you not to write on or mark it so others can use it. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson. Use the answer key honestly, only to check your work.
- Parents and guardians: Help your child read every part and its instructions before starting. The items that ask for explanations (such as Subukin 11 to 15 and the second part of Tayahin) have no single correct answer.
- Teachers: The teacher’s note asks you to make sure learners understand and follow the instructions and to remind them to value honesty in answering and checking. Several answers in the printed key do not seem to match the items (for example, “Bawal umihi dito” in Suriin is keyed as C, Personal), so review the key before using it for grading.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for the first quarter (Unang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Its competency code, F11PT – Ic – 86, is a Grade 11 Filipino code.
What is the difference between instrumental and regulatory language?
Instrumental language is used to meet a need, such as asking someone to pass a folder or asking how long a project will take. Regulatory language controls or guides behavior, such as signs saying Bawal manigarilyo (no smoking) or a parent’s reminder to come home on time.
Whose theory does the module use?
It is based on M.A.K. Halliday, who categorized the functions of language in Explorations in the Functions of Language, published in 1973.
Does the module have an answer key?
Yes, the Susi sa Pagwawasto covers Subukin, Suriin, Pagyamanin, and Tayahin. Some keyed answers do not appear to match their items, so teachers should double-check them.
Where should learners write their answers?
On a separate sheet of paper. The module asks learners not to write on or mark any part of it so that others can use it later.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 6: Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori)
Senior High School
CO_Q1_KPWKP SHS Module 6
[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, a teacher at a desk, a child with a lantern and paper, and a globe; ADM logo and “Government Property Not for Sale” stamp]
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori) Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Christine C. Bobadilla Editor: Fritz M. Bahilango Tagasuri: Ernesto C. Caberte, Jr., Leilanie E. Vizarra, Yolanda B. Mojica, Mark P. Profeta, Leonila L. Custodio Tagaguhit: Ronie C. Suinan Tagalapat: Jera Mae B. Cruzado, Precious Mae B. Yaya Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Job S. Zape Jr., Ramonito O. Elumbaring, Reicon C. Condes, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Rommel C. Bautista, Galileo L. Go, Randy D. Punzalan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta, Leonila L. Custodio, Julie Anne V. Vertudes
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 6: Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori)
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: a hand pressing a button inside a circle]
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa Gamit ng Wika sa Lipunan. Ang saklaw ng modyul na ito ay magagamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.
Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon kay M.A.K. Halliday) F11PT – Ic – 86
Layunin:
- Nauunawaan ang kahulugan ng komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
- Natutukoy ang mga gamit ng wika sa lipunan na ginamit sa pangungusap
- Nailalarawan ang tamang gamit ng wika sa lipunan bilang instrumento sa pag-unawa
CO_Q1_KPWKP SHS Module 6 1
Subukin
[illustration: a hand holding a pencil inside a circle]
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong tungkulin at gamit ng wika ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
May ibinigay na takdang-aralin ang iyong guro. Para masagot ito, kailangan mong magsaliksik sa pamamagitan ng pagkonsulta sa iba’t ibang sanggunian tulad ng mga aklat at internet.
a. Heuristiko c. Instrumental
b. Impormatibo d. RegulatoriNagtanong ka sa iyong kaibigan kung saan ang mabilis at madaling daan para makarating sa inyong pagkakampingan sa Laguna. Itinuro niya sa iyo ang tama, mabilis, at ligtas na daan papunta roon.
a. Heuristiko c. Instrumental
b. Impormatibo d. RegulatoriGumagawa ka ng proyekto sa Filipino. Ito ay isang spoken word poetry. Nais mong ihandog sa iyong ina ang tulang ito sa kaniyang kaarawan.
a. Imahinatibo c. Personal
b. Interaksiyunal d. RepresentatiboNamamasyal ka sa isang parke. Maganda ang tanawin at maraming naggagandahang bulaklak. Gusto mo sanang pumitas para amuyin ang mabango nitong amoy, pero may nakita kang nakasulat sa isang paskil. Bawal pumitas ng mga bulaklak.
a. Imahinatibo c. Instrumental
b. Interaksiyunal d. RegulatoriMay matalik kang kaibigan na magdiriwang ng kaniyang kaarawan bukas, gusto mong mag-bake ng cake para sa kaniya. Binasa mong mabuti ang resipi at maingat na sinunod ang bawat hakbang sa pagluluto.
a. Heuristiko c. Personal
b. Instrumental d. RegulatoriMaagang pumasok si Tina upang magtungo sa silid-aklatan. Nagtungo siya sa custodian upang magtanong kung saang seksiyon makikita ang kaniyang hahanaping aklat.
a. Impormatibo c. Heuristiko
b. Instrumental d. Regulatori
CO_Q1_KPWKP SHS Module 6 2
Fiesta sa baryo Kayquit, abala ang lahat dahil may agarang lulutuin na dapat mailuto. Si Josie ang tagaluto sa bahay ni Aling Zeny. Nais niyang subukang iluto ang paborito niyang menudong Tagalog.
a. Heuristiko c. Personal
b. Instrumetal d. RegulatoriSi Mang Toni ay isang magaling na makata. Isa sa paborito niyang bigkasin ay tungkol sa “Pag-Ibig na Walang Maliw.”
a. Imahinasyon c. Personal
b. Instrumental d. RegulatoriSi Carlos ay mahusay na manlalaro ng basketbol. Dahil kilala siya sa kanilang eskuwelahan bilang varsity, marami ang humahanga sa kaniyang husay at galing sa paglalaro. Umuwi siya ng hating gabi na dahil sa pag-eensayo, napagsabihan siya ng kaniyang ama dahil delikado na ang panahon.
a. Imahinatibo c. Personal
b. Instrumental d. RegulatoriBalik-bayan si Gng. Rosie sa kanilang probinsiya. Marami sa kaniya ang bumibisita dahil sa tagal na hindi sila nagkita.
a. Imahinatibo c. Interaksyunal
b. Instrumental d. Regulatori
Sa pamamagitan ng talahanayan, tunghayan ang mga gamit ng wika sa lipunan gamit ang INSTRUMENTAL at REGULATORI. Ipaliwanag ang nasabing tungkulin ng wika sa epektibong pakikipagkomunikasyon.
| PANG-INSTRUMENTAL | PANREGULATORI |
|---|---|
| 11. pakikitungo | pagbibigay ng panuto |
| 12. pangangalakal | pagbibigay ng direksiyon |
| 13. pag-uutos | paalaala |
| 14. pakikiusap | paggabay |
| 15. paggawa ng liham | pagkontrol |
CO_Q1_KPWKP SHS Module 6 3
Aralin 1
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori)
Bawat indibiduwal ay may sapat na kakayahang magamit ang isang wika na kailangang pagtuunan ng pansin upang sanayin ang sarili sa bawat tungkulin. May mga pagkakataong kinakailangang gamitin ang isang tungkulin sa isang sitwasyon, at may pagkakataon din na kailangang gamitin ang dalawa o higit pang tungkuling pangwika sa isang sitwasyon.
Balikan
[illustration: a hand holding a puzzle piece inside a circle]
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- Ano ang malinaw na pagkakaiba ng instrumental at regulatori na gamit ng wika sa lipunan?
- Bakit mahalagang gamitin ang mga gampanin ng wika sa pang-araw-araw nating pamumuhay gamit ang social media?
- Ano-ano ang katangian ng gamit ng wika?
- Paano ginagamit ang mga gamit ng wika sa lipunan bilang pagbibigay-halimbawa?
- Bakit mahalagang gamitin ang mga gamit ng wika sa pagpapaliwanag at pagbibigay-halimbawa nito mula sa iba’t ibang social media at post?
[illustration: a sheet of paper being held up inside a circle]
Mga Tala para sa Guro
Tandaan: Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito.
CO_Q1_KPWKP SHS Module 6 4
Tuklasin
Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori)
Ayon kay Halliday sa kanyang Explorations in the Functions of Language na inilathala noong 1973, ang mga tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay ay kinakategorya. Ginagamit nang pasalita at pasulat ang nasabing tungkulin. Pasalita man o pasulat, may kani-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga ang nasabing mga tungkulin o gamit ng wika sa epektibong pakikipagkomunikasyon. Tunghayan ang mga gamit ng wika sa lipunan.
Ang instrumental na gamit ng wika ay ginagamit upang tumugon sa pangangailangan. Pangunahing instrumento ang wika upang makuha o matamo ng tao ang kaniyang mga lunggati o pangangailangan. Ang maayos at matalinong paggamit ng wika ay nagbubunga nang malawakang kaayusan sapagkat hindi lamang nito nagagawang magpaunawa kundi pumukaw ng damdamin at kaisipan.
Ang regulatori naman ay ang wikang kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng tao. Sa maayos at malumanay na gamit ng wika inilalahad ng mga magulang ang kanilang pangaral upang maging maayos ang kanilang mga anak. Obserbahan ang mga babala, karatula, o kautusan na malimit makitang nakapaskil sa mga pampublikong lugar.
Halimbawa:
Instrumental
- Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.
- Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang proyektong ito?
- Ano-anong departamento ang kailangan kong daanan bago makarating sa tanggapan ng gobernador?
Halimbawa:
Regulatori
- Bawal pumitas ng bulaklak.
- Huwag gumamit ng bolpen sa pagsagot, gumamit ng lapis.
- Basahing mabuti ang pangungusap bago mangatuwiran.
- Bawal manigarilyo.
Suriin
Panuto: Tukuyin kung anong gamit ng wika sa lipunan ang sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Bawal umihi dito.
a. Imahinatibo
b. Interaksiyunal
c. Personal
d. RegulatoriPakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.
a. Heuristiko
b. Instrumental
c. Personal
d. RegulatoriMaaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang proyektong ito?
a. Impormatibo
b. Instrumental
c. Heuristiko
d. PersonalSmoking Area.
a. Impormatibo
b. Heuristiko
c. Personal
d. RegulatoriSlow Down School Zone.
a. Impormatibo
b. Instrumental
c. Personal
d. Regulatori
Pagyamanin
Pag-unawa sa Gamit ng Wika sa Lipunan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Ilapat ang nauunawaang kahulugan ng gamit ng wika sa lipunan sa nasabing sitwasyon. Pumili lamang ng tatlo sa mga pamimilian. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Pakikisuyo sa kapatid na dalhin ang gamit niya sa kuwarto.
- Paggawa ng resipi ng ulam.
- Pagbabasa ng mga karatula sa daan.
- Paggawa ng liham na nagtatanong kung paano makakakuha ng iskolarsyip sa isang unibersidad.
- Paglalagay ng mga babala sa daan.
- Pakikiusap na matanggap sa trabaho.
- Paggawa ng cake sa kaarawan.
- Pagbibigay ng direksyon ng guro sa mga mag-aaral kung ano ang gagawin sa pagsusulit.
- Pagpapaalala ng ina sa mga anak na dapat makauwi ng tamang oras.
- Pagbibigay-kabatiran sa sitwasyon ng pandemya.
Isaisip
Panuto: Pumili ng tatlo sa mga kaban ng kaalaman. Ipaliwanag ang isinasaad na kabuluhan nito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
- Sa pamamagitan ng wika ay naipahahayag at nabibigyang-representasyon ng tao ang kaniyang sarili.
- Instrumento ang wika hindi lamang para maipaunawa ang sarili kundi upang mapakilos ang kapuwa.
- Nauukol ito sa mga bagay na nasa paligid o lugar na karaniwang pinangyayarihan ng pag-uusap. Nagsisilbing representasyon din ang lugar sa uri ng pagpapahalagang mayroon ang mga naninirahan dito.
- May kinalaman din ito sa tinatawag na konteksto ng sitwasyon.
- Nakatuon din ang gampanin ng wika sa tsanel o daluyan ng mensahe bilang behikulo o kasangkapan sa paghahatid ng mensahe.
- Katulad ng nailahad ni Buhler, naglalayon itong maimpluwensiyahan ang pagkilos ng kapuwa sa pamamagitan ng mga salitang mahihiwatigan ng pag-uutos o paghingi ng pabor.
- Ito ay tumutugon din sa pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap, pagtatanong at pag-uutos.
- Isa rin ito sa pagbibigay ng gabay, kumokontrol sa kilos o asal ng iba.
- Nakapagpapanatili at nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
- Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.
Isagawa
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang loob ng talahanayan kung ito ay iyong ginagawa. Tumutugon ito sa gamit ng wika sa lipunan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Pamantayan sa pagmamarka:
4- Lubos na Sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
2- Di-gaanong sumasang-ayon
1- Hindi sang-ayon
| Pahayag | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|
| 1. Pagsunod sa mga babala o panuto. | ||||
| 2. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng batas. | ||||
| 3. Paggamit ng pakiusap tuwing mag-uutos. | ||||
| 4. Pagtatanong sa magulang kung ano ang maaaring kuhaning trabaho kapag nakatapos na ng pag-aaral. | ||||
| 5. Pagsunod sa mga sign board na makikita sa paligid na ipinatutupad ng pamahalaan. |
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong tungkulin at gamit ng wika ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
Kalat mo, linis mo!
a. Instrumental
b. Interaksiyunal
c. Personal
d. RegulatoriPakikuha mo nga ako ng isang basong tubig.
a. Instrumental
b. Interaksiyunal
c. Personal
d. RegulatoriMaaari ko bang malaman kung gaano katagal matapos ang proyekto ng Sangguniang Kabataan?
a. Instrumental
b. Interaksiyunal
c. Personal
d. RegulatoriBawal magtapon ng basura sa daan.
a. Instrumental
b. Interaksiyunal
c. Personal
d. RegulatoriBawal pumitas ng mga bulaklak.
a. Instrumental
b. Interaksiyunal
c. Personal
d. RegulatoriPagsulat ng liham sa kaibigan.
a. Regulatori
b. Instrumental
c. Interaksiyunal
d. PersonalPagbibigay ng direksiyon sa pupuntahan.
a. Personal
b. Regulatori
c. Instrumental
d. InteraksiyunalPagpapaalaala ng ina sa anak sa oras ng pag-uwi.
a. Personal
b. Instrumental
c. Regulatori
d. InteraksiyunalPagbibigay ng panuto sa pagkuha ng pagsusulit.
a. Instrumental
b. Personal
c. Regulatori
d. InteraksiyunalPag-uutos sa kapatid sa paghahatid ng pagkain.
a. Interaksiyunal
b. Regulatori
c. Instrumental
d. Personal
Gamit ang tungkulin ng wika ang INSTRUMENTAL at REGULATORI, ipaliwanag kung saan at paano nakatutulong ang gamit ng wika sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.
INSTRUMENTAL
REGULATORI
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Suriin ang sitwasyon bago isulat ang angkop na pahayag. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- May dumating na panauhin sa inyong bahay. Paano mo siya kakausapin? Ano ang sasabihin mo sa kaniya?
- Hindi mo maabot ang iyong bag dahil masikip ang kinalalagyan mo. Daraan ang isa mong kaklase at makikisuyo kang abutin ito para sa iyo. Paano mo ito sasabihin?
- Naniniwala ka na malaki ang magagawa ng kabataang tulad mo sa pag-unlad ng ating bansa. Paano mo ito ipahahayag?
- Maraming bata ang nakita mo sa kalye na namamalimos. Paano mo sila matutulungan? Ano ang isang bagay na magagawa mo para sa kanila?
- May pagpupulong sa inyong barangay. Ikaw ang naatasan na manguna sa pagbabahagi ng mga problema sa inyong barangay. Paano mo ito sasabihin? Ano ang iyong agenda?
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the three answer boxes are printed upside down; they are transcribed below in their intended left-to-right order, Subukin, Suriin and Pagyamanin, then Tayahin]
Subukin
11-15 SARILING PAGPAPALIWANAG NG MAG-AARAL
- B
- C
- C
- C
- B
- B
- C
- D
- A
- B
Suriin
- C
- B
- B
- C
- D
Pagyamanin
- INSTRUMENTAL
- REGULATORI
- REGULATORI
- INSTRUMENTAL
- REGULATORI
- INSTRUMENTAL
- REGULATORI
- REGULATORI
- INSTRUMENTAL
- INSTRUMENTAL
Tayahin
11-15 SARILING PAGPAPALIWANAG NG MGA MAG-AARAL
- B
- B
- D
- A
- B
- B
- B
- C
- C
- C
Sanggunian
Aguilar, Canega, et.al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Jenher Publishing House.Inc.
Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.Vibal Group Inc.
Villanueva, Voltaire M. 2018. #ABKD (Ako Bibo Kase Dapat) : Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro sa Agham Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao at Filipino. VMV11483 Book Publishing House.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply