Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Q1 Module 2: Konseptong Pangwika

This is Module 2 for the first quarter (Unang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, a Senior High School Filipino subject. Its title is “Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, at Multilingguwalismo)”, which means concepts of language: the national language, the official language, the language of instruction, and multilingualism. It is a self-learning module (SLM) for home study. After it, learners should be able to connect these language concepts to real communication situations they hear or watch on radio, in speeches, in interviews, and on television.

The module was prepared by DepEd Region 4A CALABARZON as an Alternative Delivery Mode material (first edition, 2021). Its writer is Ma. Corazon S. Dela Peña.

What learners will learn

The module lists one most essential learning competency (Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto):

  • Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (relates language concepts to communication situations heard or watched on radio, in speeches, interviews, and television).

It breaks this down into two learning objectives (Kasanayang Pampagkatuto):

  1. Matukoy ang kaugnayan ng sitwasyong pangkomunikasyon sa napanood na panayam (identify how a communication situation relates to an interview that was watched).
  2. Magamit ang konseptong pangwika sa sitwasyong pangkomunikasyon sa talumpati at panayam (use language concepts in speeches and interviews).

Key language concepts in this module

The module has one lesson, Aralin 1, which explains the following terms.

Wikang Pambansa (national language)

The national language is the language used by the people of a country. The module gives the example of Nepal, whose national language is Nepali even though the country has 123 languages. The national language of the Philippines is Filipino, based on the 1987 Constitution.

The module adds that a national language must be a lingua franca (a common language people use across groups) and must be recognized by law. This is why Filipino is widely used across the country: many laws have upheld it. Filipino must also stay open to borrowing words from native and foreign languages so that it keeps growing. When the language is inclusive, different language communities and ethnic groups feel they are part of building the national language.

Wikang Opisyal (official language)

The official language is the language used in government and in important official work. The module notes that although Filipino is the national language, English has a strong influence and is also used in government work and meetings and promoted in schools. The test items describe English as remaining an official language together with Filipino.

Wikang Panturo (language of instruction)

The language of instruction is the language used in school: by teachers in the classroom and in books and other materials. Besides English and Filipino, teachers in the lower grades now also use the learners’ first language, following the Mother Tongue-based Multilingual Education (MTB-MLE) program under K to 12. The test items state that the mother tongue is used in teaching from Kinder to Grade 3.

Wika ng komunidad (community language)

A linguistic community (lingguwistikong komunidad) refers to the language used within a community, in both formal and informal situations, such as at home, in the market, and on the street.

Matching language to the situation

The module stresses that the language we choose should fit the situation so that the message comes across clearly. Its example is a president’s speech to the nation: people understand the message better when it uses the language most people understand, and because a speech is a formal event, formal language works best. The Isagawa part also asks learners whether the Philippines can be considered multilingual, and to prove their answer.

Parts and activities of the module

PartWhat learners do
AlaminRead the introduction and the learning competencies
SubukinAnswer a 15-item multiple-choice pretest
Aralin 1Read the lesson on the language concepts
BalikanFill in a diagram with key details and examples for Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal, Wika sa Komunidad, and Unang Wika (Mother Tongue)
TuklasinPicto-Suri 1 and 2: study a Radyo Inquirer radio news still and a GMA News TV interview with President Duterte, then answer questions about the topic and language used
SuriinDescribe the language used in six situations (a local official’s speech, local radio and TV interviews, social media chat, talking with friends, family conversation) and say whether it is formal or informal
PagyamaninComplete a summary paragraph using the words wika, binibigkas, isinusulat, kaisipan, and bansa
IsaisipAnswer five reflection questions about language concepts and communication
IsagawaGive ways to value the national language and explain whether the Philippines is multilingual
TayahinAnswer a 15-item multiple-choice post-test
Karagdagang GawainComplete three sentences about what was learned

How to use this module

  • Learners: Take the Subukin pretest first to see what you already know, then work through the parts in order. Do not write on the module; use a separate sheet of paper for all answers. The answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end covers the Subukin, Pagyamanin, Suriin, and Tayahin, and the module asks you to use it honestly. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: The module is designed for home study with a facilitator. Help your child read all parts and instructions carefully before answering, and encourage honest checking of answers.
  • Teachers: The teacher’s note asks you to make sure learners understand and follow the instructions, read every part before starting, and value honesty in answering and checking. Review the answer key before using it, since some Subukin and Tayahin answers for the same questions do not match.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is a Senior High School module for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2. The module itself does not print a specific grade level.

What is the national language of the Philippines according to the module?

The module states that Filipino is the national language of the Philippines, based on the 1987 Constitution.

What is the difference between wikang opisyal and wikang panturo?

Wikang opisyal is the language used in government and official work, while wikang panturo is the language used in school by teachers and in books and learning materials.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin pretest, Pagyamanin, Suriin, and Tayahin post-test.

Who is called the Ama ng Wikang Pambansa in this module?

Both the pretest and the post-test answer key give Manuel L. Quezon as the Ama ng Wikang Pambansa (Father of the National Language).

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 2: Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, at Multilingguwalismo)

Senior High School

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 2: Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, at Multilingguwalismo)

[illustration: a teacher and students in an outdoor and classroom setting, with a globe, a lantern, and a student writing on paper]

ALTERNATIVE DELIVERY MODE

GOVERNMENT PROPERTY NOT FOR SALE

CO_Q1_KPWKP SHS Module 2

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo, at Multilingguwalismo) Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Corazon S. Dela Peña

Editor: Fritz M. Bahilango

Tagasuri: Ernesto C. Caberte. Jr., Leilanie E. Vizarra, Ana Maria L. Josue, Benepie Atlas, Gian Carlo C. Villagracia

Tagaguhit: Ronie C. Suinan

Tagalapat: Jera Mae B. Cruzado, Shane Sheika P. Sigue

Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Job S. Zape, Jr., Ramonito O. Elumbaring, Reicon C. Condes, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Rommel C. Bautista, Galileo L. Go, Randy D. Punzalan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta, Leonila L. Custodio, Julie Anne V. Vertudes

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 2: Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, at Multilingguwalismo)

Senior High School

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: a hand pointing a finger, in a circle]

Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago at mababago pa ng panahon. Patuloy na umuunlad ang teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga pagbabagong nagaganap, maging ang wika natin ay nababago rin dala ng makabagong henerasyon. Bilang isang wikang buhay, patuloy na umuunlad ang wika dahil sa marami ang nadaragdag ng mga wikang banyaga na nakaiimpluwensiya sa ating mga natutuhan sa mga ninuno natin.

Sa kasalukuyan, marami sa atin ang malaki ang naiaambag sa paggamit ng wika. Tulad na lamang ng pagkakatuklas ng mga bagay-bagay sa tulong ng teknolohiya. Karamihan sa mga taong nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika ay lumalago at naglilinang ng makabagong konsepto ng wika. Kaalinsabay nito ang pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit, at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino.

Bunga ng pag-aaral, maraming konsepto ng wika ang nakapaloob sa aklat na ito. Layunin nitong malinang at mapayabong pa ang kaalaman ng mga mag-aaral gamit ang Wikang Filipino. Masuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan, at pinagdaraanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Ang mga impormasyong nakapaloob sa aklat na ito ay napapanahon din. Sinadya ng mga may-akda na palalimin ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkilatis at pagsariwa ng mga konseptong pangwika.

Kung ang mga merito ng aklat na ito ay magagamit, sa tulong ng matatalino at/o masigasig na guro at partisipatib na mga estudyante, tinitiyak ng mga may-akda na matatamo ang sumusunod:

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon.

Kasanayang Pampagkatuto:
  1. Matukoy ang kaugnayan ng sitwasyong pangkomunikasyon sa napanood na panayam.
  2. Magamit ang konseptong pangwika sa sitwasyong pangkomunikasyon sa talumpati at panayam.

Samakatuwid ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral ay mas mapalalim pa ang pagkaunawa nila sa Wikang Pambansa na mayroong malaking kaugnayan sa konsepto ng wika. Inaaasahan na sila ang magiging instrumento ng karunungan at higit na kasapi sa pag-unlad ng wikang Filipino.

Subukin

[illustration: a hand holding a pencil, in a circle]

Bago mo simulan ang pag-aaral sa modyul na ito, sagutin muna ang sumusunod upang malaman kung hanggang saan na ang iyong nalalaman sa paksang ito. Piliin ang letra ng tamang sagot.

  1. Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil

    • a. Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod
    • b. Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol na mga dayuhang salita
    • c. Karamihan sa mga hukom na nasa assembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa ay mga Tagalog
    • d. Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon
  2. Mas mabuting

    • a. Gamitin ang Filipino bilang tanging paraan ng pakikipag-usap sa buong bansa
    • b. Gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa pangangailangan
    • c. Gamitin ang Ingles lamang
    • d. Huwag gamitin ang Ingles o Filipino
  3. Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa?

    • a. Francisco Balagtas
    • b. Jose Rizal
    • c. Manuel L. Quezon
    • d. Jose Palma
  4. Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:

    • a. Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksiyon ng guro at mag-aaral
    • b. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
    • c. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
    • d. Lahat ng ito
  5. Ang iyong lokal na diyalekto ay ______________ Ingles at Filipino.

    • a. di-gaanong singhalaga ng
    • b. mas mahalaga kaysa
    • c. singhalaga ng
    • d. dapat mapalitan ng
  6. Ito ang ating kinikilalang wikang Pambansa ng Pilipinas.

    • a. Filipino
    • b. Pilipino
    • c. Tagalog
    • d. Dayalek
  7. Ipinagagamit sa pagtuturo mula kinder hanggang Baitang 3.

    • a. Pantulong na wika
    • b. Katutubong wika
    • c. Mother Tongue
    • d. Wikang Ingles
  8. Nakasaad sa Artikulo XIV, sek. 6 ng Saligang Batas ng Pilipinas na _____.

    • a. Ang wikang Filipino ang itinatalagang wikang Pambansa ng Pilipinas.
    • b. Pipili ang kongreso mula sa katutubong wika na pagbabatayan ng wikang Pambansa.
    • c. Wikang Tagalog ang napiling wikang Pambansa.
    • d. Wikang Filipino ang magiging opisyal na wikang panturo.
  9. Ito ay kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim sa pagkilala ng batas.

    • a. Pantulong na Wika
    • b. Wikang Pambansa
    • c. Wikang Opisyal
    • d. Wika
  10. Wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang nasasakop.

    • a. Wikang Pambansa
    • b. Wikang Panturo
    • c. Wikang Opisyal
    • d. Wika
  11. Ito ay nananatiling opisyal na wika kasama ang wikang Filipino.

    • a. Niponggo
    • b. Mandarin
    • c. French
    • d. Ingles
  12. Ito ang wikang Opisyal ng Pilipinas.

    • a. Pilipinas
    • b. Filipinas
    • c. Pilipino
    • d. Filipino
  13. Mga salita na nakapaloob sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, at Wikang Panturo.

    • a. Pampanitikan
    • b. Lalawiganin
    • c. Pormal
    • d. Balbal
  14. Ang paraan ng pagsasalita ni Boy Abunda bilang host ng “Tonight with Boy Abunda”, anong wika ang kanyang ginagamit?

    • a. Pantulong na wika
    • b. Wikang Pambansa
    • c. Wikang Opisyal
    • d. Wikang Panturo
  15. Wikang naisabatas o naitadhana ng batas na maging wikang opisyal ng komunikasyon, transaksyon, o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa pamahalaan sa pasalita at lalo na sa pasulat na paraan.

    • a. Wikang Pambansa
    • b. Wikang Panturo
    • c. Wikang Opisyal
    • d. Mother Tongue

Aralin 1

Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, at Multilingguwalismo)

[illustration: decorative block marking “Aralin 1”]

“Alam kong makatutulong ang araling ito upang magkaroon ka ng gabay at mapadali sa iyo ang daloy ng modyul na ito.”

Basahin ang sumusunod na pangungusap.

Ang ating wika ay pangunahing ginagamit para makatulong sa pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon sa kapwa. Pero sa realidad o aktuwal na praktika ay higit pa rito ang gamit ng wika. Nagiging simbolo rin ang wika sa iba’t ibang paraan at ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon.

Ang wikang pambansa ay tumutukoy sa wika na ginagamit ng mga tao sa isang bansa. Halimbawa, ang wikang pambansa ng mga taga-Nepal ay Nepali bagamat mayroon silang 123 na mga wika. Tulad ng Nepal, ang Pilipinas ay mayroon ding wikang pambansa at ito ang wikang Filipino batay na rin sa 1987 na Konstitusyon.

Tumutukoy naman ang wikang opisyal sa wikang ginagamit sa gobyerno at mahahalagang gawain ng isang lugar. Maaaring iisa lamang ang wikang opisyal at wikang pambansa kagaya ng wikang Ingles sa ating bansa. Bagamat mayroong Filipino bilang wikang pambansa, malakas ang impluwensiya ng wikang wikang Ingles at ito ay ginagamit bilang isa pang wika sa mga gawain at pagpupulong sa gobyerno at isinusulong sa mga paaralan.

Ang huli, ang wikang panturo ay tumatalakay sa wika na ginagamit sa loob ng paaralan. Ang wikang ito ang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan at ginagamit sa mga libro at iba pang materyales. Maliban pa sa Ingles at Filipino, ginagamit na rin ng mga guro ang unang wika ng mga mag-aaral sa mababang baitang lalo na sa mandato na ipatupad ang Mother Tongue-based Multilingual Education (MTB-MLE) sa ilalim ng K to 12.

Bagamat mayroong mga ganitong wika, hindi maiwawaksi ang wika ng komunidad. Ang isang lingguwistikong komunidad ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa loob ng komunidad, ito man ay sa mga sitwasyong pormal at di-pormal. Ang wika na ito ay maaaring ginagamit sa loob ng bahay, sa palengke, sa kalsada at iba pa.

Balikan

Gamit ang dayagram na nasa ibaba, ibigay ang mahahalagang detalye na iyong natutuhan mula sa konseptong tinalakay sa itaas. Mas makabubuti kung lalapatan ng halimbawa para sa katatasan ng iyong pag-unawa.

Wikang Pambansa
Wikang Panturo
Wikang Opisyal
Wika sa Komunidad
Unang Wika (Mother Tongue)

Mga Tala para sa Guro

Tandaan: Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito.

Tuklasin

Wika ang nagpapahintulot sa tao na ipaubaya sa kapwa ang kaniyang mga kaisipan sa pagpapasiya ng iba. Wika ang kaagapay ng tao sa lahat ng pagsisikap nito. Kung wala ang wika, titigil o mapaparalisa ang 99% na gawain ng tao (Pei, 1957).

Ang wikang pambansa ay kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim sa pagkilala ng batas. Ito ang dahilan kung bakit malawakang nagagamit saan mang panig bansa ang wikang Filipino dahil paulit-ulit itong itinanghal o binigyang halaga sa maraming batas. Kaugnay nito, kailangang maging bukas ang wikang Filipino sa panghihiram mula sa mga katutubong at iba pang banyagang wika upang patuloy itong umunlad.

Ang pagiging inklusibo ng wika ay magbubunga ng masiglang damdamin ng pakikiisa at pakikisangkot mula sa iba’t ibang komunidad wika o pangkat etniko sa bansa dahil maghahatid ito ng mensaheng sila’y kabahagi sa pagpapayabong ng wikang pambansa na siyang ibig mangyari ng batas.

Ang pag-uugnay sa konseptong pangwika sa mga sitwasyong pangkomunikasyon ay lubhang mahalaga. Kailangang isaalang-alang ang wikang gagamitin sa kinasasangkutang sitwasyon upang maipabatid ang mensahe sa mas mabisang paraan. Magkakaroon ng intelektuwal na gawain kung ang dalawang konseptong ito ay magagamit nang tama. Kaya sa anumang sitwasyon, mainam na bigyang-pansin ang paraan ng paghahatid nito upang lubos nating maiparating ang impormasyon sa mabilis at mas komprehensibong paraan. Isang halimbawa nito ang talumpati ng isang pangulo para sa bayan. Mas mauunawaan ng mga tao ang mensahe kung ang wikang gagamitin ay batay sa wikang mas nauunawaan ng nakararami. Dahil pormal ang gawaing ito, mas makabubuti kung pormal din ang wikang gagamitin upang hindi magkaroon ng hadlang sa pagpapabatid ng impormasyong kailangang malaman ng mga taong nakikinig.

Tingnan at suriin ang larawang nakapaloob. Tiyak akong may pagtataka ka sa iyong isipan ang mga tanong na nakasaad. Halika, suriin natin ito.

PICTO-SURI 1

[photo: news program still of a radio host at a microphone; on-screen graphic reads “RADYO INQUIRER”, “DZIQ990AM”, “05:16:45 PM”, “RADYO INQUIRER BALITA REYSIE AMADO”, with ticker text “3RD ALARM FIRE IN TEJERON STA. ANA WAS CONTROLLED THIS AFTERNOON BUT ANOTHER 2ND ALARM FIRE RAGES IN BGY HOLY SPIRIT QC”, “PESO-DOLLAR CLOSING RATE TODAY -P47.60 9FRIDAY- (P47.66)”, and “SCHOOL CHILDREN IN DAMASCUS AND HOM CITIES——EARLY MORNING ACCIDENT BETWEEN SUV AND”]

https://pbs.twimg.com/media/CbzuX0cUYAADg-5.jpg

Ano-ano ang maaaring nakapaloob na balita sa radio?



Paano ginamit ang bawat pangungusap sa pakikipagkomunikeyt ng isa DJ sa radyo?



Anong lengguwahe ang maaari niyang gamitin sa pakikipagkomunikeyt sa tao?



PICTO-SURI 2

[photo: television news still of a man in a striped shirt, hand to his face, seated before a wooden wall; on-screen graphic reads “DAVAO CITY”, “GMA NEWS TV”, “BALITA PILIPINAS”, “04:16”, “MGA TAXI DRIVER NA HINDI MAGBIBIGAY NG TAMANG SUKLI, MAAARING KASUHAN NG ESTAFA”, and “ANGALAN AT ADDRESS AT IPADALA SA 4637”]

GMA News https://www.youtube.com/watch?v=0JjuUsbb4p4

Ano ang paksang nakapaloob sa isinagawang panayam kay Pangulong Duterte?



Paano nakatulong ang panayam na ito sa maraming tao?



Paano ginamit ang bawat pangungusap sa pakikipanayam kay Pangulong Duterte?



Suriin

Suriin kung papaano ginagamit ang wika sa sumusunod na sitwasyon. Ilarawan ang istruktura at ang mga salitang ginamit at bigyan ng pagtutukoy kung ang ginamit na wika ay pormal o di-pormal.

MGA SITWASYONPAGLALARAWAN NG WIKA
1. Mga pampublikong talumpati ng lokal na opisyal o prominanteng tao sa inyong lugar.2
2. Panayam sa isang lokal na radyo.
3. Panayam sa isang lokal na telebisyon.
4. Chat sa isang social networking site.
5. Pakikipag-usap sa mga kaibigan.
6. Pag-uusap ng pamilya.
Pagyamanin

Bilang pagbubuod o paglalahat, dugtungan mo ang mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa kahon at ilagay sa patlang.

Natutuhan ko ang iba’t ibang kahulugan ng 1. ____________. Ito ay isang larawang 2. ___________at 3. _____________: isang hulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa. Isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakagalak dito. Sa madaling salita, ang wika ang 4. __________________ ng isang bansa kaya’t kailanman, ito’y tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Taglay nito ang mga haka-haka at katiyakan ng isang 5. ___________.

wika binibigkas kaisipan isinusulat bansa

Isaisip

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

  1. Ano ang malinaw na relasyon ng konseptong pangwika sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon?





  2. Bakit mahalagang isaalang-alang ang konseptong pangwika sa ibat ibang sitwasyong pangkomunikasyon?





  3. Ano-ano ang katangian ng wika batay sa sitwasyon?





  4. Kailan masasabing may panibagong wika mula sa dating iisang wika?





  5. Paano nakatutulong ang konseptong pangwika para sa mabisang paghahatid ng mensahe?





Isagawa

Tugunan ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang.

  1. Magbigay ng mga paraan kung paano mapahahalagahan ang wikang Pambansa.
  2. Maituturing bang multilinggwal ang Pilipinas? Patunayan.
Tayahin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

  1. Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa?
    a. Francisco Balagtas
    b. Jose Rizal
    c. Manuel L. Quezon
    d. Jose Palma


  2. Ang iyong lokal na diyalekto ay ______________ Ingles at Filipino.
    a. di-gaanong singhalaga ng
    b. mas mahalaga kaysa
    c. singhalaga ng
    d. dapat mapalitan ng


  3. Ito ay nananatiling opisyal na wika kasama ang wikang Filipino.
    a. Niponggo
    b. Mandarin
    c. French
    d. Ingles


  4. Ipinagagamit sa pagtuturo mula kinder hanggang Baitang 3.
    a. Pantulong na wika
    b. Katutubong wika
    c. Mother Tongue
    d. Wikang Ingles


  5. Mga salita na nakapaloob sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
    a. Pampanitikan
    b. Lalawiganin
    c. Pormal
    d. Balbal


  6. Mas mabuting
    a. gamitin ang Filipino bilang tanging paraan ng pakikipag-usap sa buong bansa
    b. gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa pangangailangan
    c. gamitin ang Ingles lamang
    d. Huwag gamitin ang Ingles o Filipino


  7. Wikang naisabatas o naitadhana ng batas na maging wikang opisyal ng komunikasyon, transaksyon, o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa pamahalaan sa pasalita at lalo na sa pasulat na paraan.
    a. Wikang Pambansa
    b. Wikang Panturo
    c. Wikang Opisyal
    d. Mother Tongue


  8. Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil
    a. Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod
    b. Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol na mga dayuhang salita
    c. Karamihan sa mga hukom na nasa assembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa ay mga Tagalog
    d. Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon


  9. Ito ang wikang Opisyal ng Pilipinas.
    a. Pilipinas
    b. Filipinas
    c. Pilipino
    d. Filipino


  10. “Ngayon, Bukas, at Magpakailanman” ito ang sikat na linyang binibitawan ni Mel Chiangco sa kanyang programang “Magpakailanman” sa telebisyon.
    a. Pantulong na wika
    b. Wikang Pambansa
    c. Wikang Opisyal
    d. Wikang Panturo


  11. Ang paraan ng pagsasalita ni Boy Abunda bilang host ng “Tonight with Boy Abunda”, anong wika ang kanyang ginagamit?
    a. Pantulong na wika
    b. Wikang Pambansa
    c. Wikang Opisyal
    d. Wikang Panturo


  12. Wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang nasasakop.
    a. Wikang Pambansa
    b. Wikang Panturo
    c. Wikang Opisyal
    d. Wika


  13. Ito ang ating kinikilalang wikang Pambansa sa Pilipinas.
    a. Filipino
    b. Pilipino
    c. Tagalog
    d. Dayalek


  14. Ito ay kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim sa pagkilala ng batas.
    a. Pantulong na Wika
    b. Wikang Pambansa
    c. Wikang Opisyal
    d. Wikang Panturo


  15. Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:
    a. Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon ng guro at mag-aaral
    b. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
    c. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
    d. Lahat ng ito


Karagdagang Gawain

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mataya ang iyong natutuhan sa naging aralin.

  1. Mahalaga ang konseptong pangwika dahil _________________________.
  2. Nalaman ko na ang konseptong pangwika ay _________________________.
  3. Natutuhan ko na ang konseptong pangwika na _________________________.

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the three boxes are transcribed in upright reading order, Subukin first]

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. C


  2. A


  3. C


  4. D


  5. C


  6. A


  7. C


  8. C


  9. B


  10. C


  11. D


  12. D


  13. C


  14. C


  15. C


Pagyamanin
  1. Wika


  2. Binibigkas


  3. Isinusulat


  4. Kaisipan


  5. Bansa


Suriin
  1. Lalawiganin


  2. Jejemon


  3. Dayalekto


  4. Register ng Wika


  5. Dayalekto


Tayahin
  1. C


  2. C


  3. D


  4. C


  5. C


  6. A


  7. A


  8. A


  9. D


  10. C


  11. C


  12. C


  13. A


  14. B


  15. D


Sanggunian

Aguilar, Jennifer L. and Jomar I. Canega. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Nuncio, Rhoderick V. and Elizabeth Morales Nuncio. Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Internet

  1. https://pbs.twimg.com/media/CbzuX0cUYAADg-5.jpg


  2. GMA News https://www.youtube.com/watch?v=0JjuUsbb4p4


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *