This is the Grade 2 Health self-learning module for Quarter 1, Module 2: “Kahalagahan ng Tama at Balanseng Pagkain” (the importance of eating right and balanced meals). It was prepared by DepEd Region III as part of the Alternative Delivery Mode (First Edition, 2020) so Grade 2 learners can study at home with help from a parent or guardian. After the module, learners can explain why balanced meals matter and what good food does for the body.
On this page 8 sections
What learners will learn
The module’s “Alamin” (what to know) section lists two goals:
- Discuss the importance of eating right and balanced meals (H2N-Ib-6)
- Discuss the benefits that food brings to the body (H2N-Icd-7)
Lesson in this module
The module has one lesson, Aralin 1: Mahalagang Tungkulin ng Balanseng Pagkain (the important role of balanced food). It explains that food has an important job in the body, so we must choose carefully, because some foods are not good for our health.
The three food groups: Go, Grow, and Glow
The lesson sorts the foods our body needs into three groups.
| Food group | What it does | Examples from the module |
|---|---|---|
| Go foods (carbohydrates), “tagapagbigay ng lakas” (energy givers) | The main source of the body’s energy | Rice, corn, bread, kakanin such as suman, biko, palitaw, and maha, and pansit such as miki, bihon, and canton |
| Grow foods (protein), “tagapagbuo ng katawan” (body builders) | Build and repair body tissue, help build the brain and other body parts, and strengthen resistance | Fish and other seafood, meat such as pork, chicken, and beef, eggs, and milk |
| Glow foods (vitamins and minerals), “tagapagsaayos ng takbo ng katawan” (body regulators) | Help the body work properly by helping it digest food and send it to different parts of the body | Green and yellow vegetables, and fruits |
Why eating right and balanced meals matters
The “Suriin” (examine) section lists the benefits of eating right and balanced meals. Good food:
- keeps the body lively and strong
- helps prevent sickness
- keeps our memory sharp
- makes our skin healthy
- helps us sleep better
The “Isaisip” (remember) part adds that food is the most important ingredient of life. It gives us the strength to do things and is the key to avoiding illness and having a healthy body.
The story “Mobile Lebin”
The “Tuklasin” (discover) part tells the story “Mobile Lebin” by May Bernadeth R. Cuzon. Lebin is a Grade 2 pupil who is a picky eater. He refuses vegetables, fish, and fruit and eats only fried hotdogs so he can rush back to his mobile games, day and night. One day, after skipping meals, he imagines the creatures from his game coming alive and wrecking his room. He promises to stop playing and to eat the healthy food his mother prepares. He realizes it was only his imagination, caused by going hungry. From then on, he eats everything his mother serves, based on the Filipino Food Pyramid he learned about in school.
Activities in the module
- Subukin (pretest): Draw the pictured foods and drinks in a notebook and color yellow the ones that make you healthy, such as pumpkin, bananas, eggs, chicken, milk, fish, and rice, rather than chocolate, coffee, soda, or fries.
- Balikan (review): Name three things to do to stay healthy.
- Tuklasin: Five questions about the Lebin story.
- Pagyamanin (enrichment): Match pictures to healthy snacks such as puso ng saging burger, malunggay pandesal, veggie kwek-kwek, kangkong chips, and tiyesa ice cream.
- Tayahin 1: Write “Opo” if a food is good for the body and “Hindi po” if not, for foods such as candies, fishball, softdrinks, carabao’s milk, rice, fish, eggs, and sapote.
- Tayahin 2: List five foods each under grains, fruits and vegetables, and fish and meat.
- Isaisip: Fill in a short paragraph with words from a box.
- Isagawa (apply): Mark statements about the benefits of food with a check or an X.
- Tayahin (assessment): Five multiple-choice questions on Go, Grow, and Glow foods.
- Karagdagang Gawain (extra activity): Write Tama or Mali for statements such as “Coffee is good for bones and teeth.”
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then read the lesson and do the activities in order. Write all answers in your notebook or on a separate sheet; do not write on the module, so others can use it later. Contact your teacher if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: The module is meant for home study with your guidance. Read the story with your child and talk about the foods you serve at home using the Go, Grow, and Glow groups.
- Teachers: The “Susi sa Pagwawasto” (answer key) at the end covers most activities. The Balikan and Tayahin 2 answers are marked for the teacher to check. The module asks learners to use the key honestly.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Health module for?
It is for Grade 2 Health, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2.
What are Go, Grow, and Glow foods?
Go foods are rich in carbohydrates and give energy, like rice, corn, and bread. Grow foods are rich in protein and build the body, like fish, meat, eggs, and milk. Glow foods are rich in vitamins and minerals and help the body work properly, like green and yellow vegetables and fruits.
What competencies does the module cover?
It covers discussing the importance of eating right and balanced meals (H2N-Ib-6) and discussing the benefits that food brings (H2N-Icd-7).
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for most activities, while the Balikan and Tayahin 2 answers are left for the teacher to check.
Is the module in English or Filipino?
The module is written in Filipino, with some English terms such as Go foods, Grow foods, and Glow foods.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Health – Unang Markahan – Modyul 2: Kahalagahan ng Tama at Balanseng Pagkain
2
[illustration: students reading and writing outdoors and in a classroom, a teacher at a desk, and a student holding a globe, with a lamp and a student writing on paper]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Health – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Kahalagahan ng Tama at Balanseng Pagkain Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | May Bernadeth R. Cuzon |
| Editor: | Amelia F. Bulaong |
| Tagasuri: | Jocelyn DR. Canlas, Neil Omar B. Gamos |
| Tagaguhit: | Mary Rose G. Ga |
| Tagalapat: | Melissa M. Santiago |
| Tagapamahala: | Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas Nestor P. Nuesca, Fatima M. Punongbayan, Arnelia R. Trajano Salvador B. Lozano |
Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telefax : (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Health
Unang Markahan – Modyul 2: Kahalagahan ng Tama at Balanseng Pagkain
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito ay naghanda ng mga gawaing makatutulong upang:
- Matalakay ang kahalagahan ng tama at balanseng pagkain. (H2N-Ib-6)
- Natatalakay ang kahalagahang naidudulot ng pagkain. (H2N-Icd-7)
Subukin
Panuto: Iguhit sa kuwaderno ang mga larawan pagkatapos ay kulayan ng dilaw ang pagkaing magpapalusog sa iyo.
[illustration: line drawings of food and drinks to copy and color, including pumpkin, bananas and eggs, a chocolate bar labeled “CHOCO”, a whole chicken, a glass and a bottle labeled “MILK”, a cup and a jar labeled “COFFEE”, a bottle and a can labeled “SODA”, a pack of fries, a fish, and a covered pot with rice]
Aralin 1: Mahalagang Tungkulin ng Balanseng Pagkain
Mahalaga ang tungkulin ng pagkain sa ating katawan. Kaya nararapat na maging maingat sa pagpili ng ating kakainin. May mga pagkaing hindi nakabubuti sa kalusugan.
Alamin natin ang kahalagahan ng balanseng pagkain na ating kakainin araw-araw. Narito ang mga halimbawa ng pangkat ng pagkain na kinakailangan ng ating katawan.
Pangkat ng Pakain na Kailangan ng Ating Katawan
A. Tagapagbigay ng Lakas (Carbohydrates) GO FOODS
Ang mga ito ang pangunahing pinagkukunan ng lakas ng ating katawan.
Mga Pagkaing mayaman sa Carbohydrates
Kanin, mais, tinapay, kakanin (suman, biko, palitaw, maha) Pansit (miki, bihon, kanton)
B. Tagapagbuo ng katawan (Protein) GROW FOODS
Ang protina ay kinakailangan sa pagbuo at pagkumpuni sa himaymay ng katawan pagbuo ng utak at iba pang bahagi ng katawan upang ang mga ito ay manatiling nasa mabuting kalagayan. Pinalalakas din nito ang resistensya.
Mga Pagkaing mayaman sa Protina
- Isda at iba pang lamang dagat.
- Karne tulad ng baboy, manok, at baka.
- Itlog at gatas
C. Tagapagsaayos ng takbo ng Katawan (Vitamins and Minerals) GLOW FOODS
Tinutulungan nito ang wastong galaw ng katawan sa pamamagitan ng pagsasaayos sa pagtunaw at pamamahagi ng pagkain sa iba’t ibang bahagi ng katawan
Mga Pagkaing mayaman sa Vitamina and Mineral
- Mga luntian at dilaw na gulay
- Prutas
Balikan
Panuto: Punan ang patlang ng tatlong bagay na dapat gawin upang makamit ang mabuting kalusugan. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
Ang kalusugan ay makakamit sa pamamagitan ng _____________, _____________ at _________________.
Tuklasin
Mobile Lebin
ni: May Bernadeth R. Cuzon
Si Lebin ay nasa ikalawang baitang ngunit hindi pa rin niya alam asikasuhin ang kanyang sarili at ang higit na nakababahala sa lahat ay ang pagiging mapili niya sa pagkain. Ayaw niya ng gulay, isda at prutas. Tanging pritong hotdog lamang ang nais niyang kainin dahil ito raw ay mabilis ubusin, lagi kasi siyang nagmamadali para makapaglaro na ng paborito niyang mobile games. Laro dito, laro doon. Maghapon, magdamag kahit siya man ay mapuyat.
[illustration: Lebin sitting at a table with food, while fairies (a tikbalang and a diwata) and a kapre look on from outside a window]
Mula sa bintana ng silid-tulugan ni Lebin, matatanaw ang malaking puno ng Katmon kung saan naninirahan ang isang grupo ng mga engkanto, na binging-bingi na sa pasaway na bata. Sila ay ang mag-asawang duwende, kapre, tikbalang at ang magandang diwata. “Anak, bakit mo itinapon ang ulam na gulay”? tanong ng Ina ni Lebin.“Ayoko nga kasi! Hindi masarap! Ayoko rin ng papaya! sigaw ni Lebin habang akmang ihahagis ang prutas sa bintana”. Sumusobra na ang batang iyan,” bulalas ni tikbalang.
“Oo nga, naawa na ako sa kanyang Ina,” malumanay na sagot ng diwata.
“Kailangan nating gumawa ng paraan para malaman niya ang kahalagahan ng pagkain,” suhestiyon ni kapre. Habang malalim na nag-iisip ang mag-asawang duwende, nagkasundo ang mga engkanto sa isang plano. Sila ay magpapakita kay Lebin upang turuan siya ng aral.
“Boom! Oh! Yan! Takbo! Paulit-ulit na sigaw ni Lebin habang mahigpit na hawak ang kanyang cellphone at gigil na gigil sa pagpindot. “Lebin, pumasok ka na mahuhuli ka na sa klase!,” mahinahong bigkas ng kanyang Ina habang si Lebin ay dumadabog na naglalakad papasok sa paaralan na hindi alintana ang inihandang mangga at suman na pabaon sa kanya. Pagkagaling sa klase sa halip na magpalit ng damit, agad niyang hinawakan ang kanyang cellphone at naglaro.
Boom! malakas na pagsabog ang kanyang nadinig at makapal na usok ang bumalot sa kanyang silid. Unti-unti niyang nakita ang mga nilalang mula sa nilalaro niyang mobile games.
Nagkaroon ito ng buhay na tulad ng mga karakter at gawain sa larong kanyang kinahuhumalingan. Takot na takot si Lebin. Nasisira na ang mga kagamitan sa loob ng kanyang
[illustration: Lebin jumping with arms outstretched while a chair, a pillow, and a box fly through the air around him amid smoke]
silid-tulugan dahil dito nag-aalala siya na marinig at malaman ng kanyang Ina ang nagaganap sa kanyang silid.
“Tumigil na kayo! Alis!, hindi siya pinansin ng mga nilalang kaya’t nagawa niyang sumigaw muli.
“Hindi ko na kayo lalaruin, susunod na ako kay Ina. Kakain na ako ng masusustansyang pagkain na pinaghirapang ihanda para sa akin. Sa nadinig, biglang huminto ang mga ito at nakangiting humarap sa kanya at sabay-sabay nilang sinabi, “Magaling, iyan ang tama
[illustration: a smiling boy eating a meal with a spoon and fork, with rice, vegetables, fish, and a glass of water on the table]
mong gawin. Mula ngayon ay huwag mo nang uulitin ang nakagawian mong maling gawain”. Dahil dito, namulat ang kanyang isipan na ang mga pangyayari pala ay bunga lamang ng kanyang kathang isip dala ng lipas gutom. Simula noon ay kinakain na niya ang lahat ng pagkaing inihahanda ng kanyang Ina batay sa Filipino Food Pyramid, na kanyang natutunan sa leksiyon sa paaralan.
Panuto: Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.
Sino ang pangunahing tauhan ng kuwento?
a. Debin b. Kebin c. LebinAno ang paborito niyang gawin?
a. mag bisikleta
b. maglaro ng luksong baka
c. maglaro ng mobile gamesAnong importanteng leksyon ang natutuhan ni Lebin?
a. huwag sigawan ang magulang
b. masarap maglaro maghapon at magdamag
c. unahin ang pagkain ng masustansiyang pagkainBakit mahalagang gamitin ang Food Pyramid?
a. nakapagpapatalas ng isipan
b. nakakatibay ng ngipin
c. nakatutulong sa pagpapalusog ng katawanPaano niya nalaman ang kahalagahang naidudulot ng wastong pagkain?
a. batay sa kanyang kathang isip
b. ipinaliwanag ng kanyang ina
c. sinabi ng kanyang kamag-aral
Suriin
Mahalagang kumain ng tama at balanseng pagkain sapagkat:
✓ Napapanatili nito ang sigla at lakas ng katawan. ✓ Nakatutulong upang maiwasan ang sakit. ✓ Napapanatili nito ang talas ng ating memorya. ✓ Napagaganda nito ang ating balat. ✓ Napapaganda nito ang ating tulog.
Pagyamanin
Panuto: Piliin sa hanay A ang letra ng tamang pangalan ng mga larawan sa hanay B. Sagutan ito sa iyong kuwaderno.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. Puso ng saging burger | A. [illustration: bowl of rice-like balls beside a folded leaf-wrapped food] |
| 2. Malunggay pandesal | B. [illustration: sliced bread on a plate with a sprig of malunggay leaves] |
| 3. Veggie kwek-kwek | C. [illustration: three round battered balls beside green leaves and seeds] |
| 4. Kangkong chips | D. [illustration: a burger beside a large leaf-wrapped food] |
| 5. Tiyesa ice cream | E. [illustration: skewered balls beside a sprig of leaves and a small bowl] |
Tayahin 1
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Opo kung maganda sa katawan ang mga pagkain at Hindi po kung hindi. Isulat ito sa kuwaderno.
_____1. mansanitas _____2. candies _____3. kalyos _____4. Gatas ng kalabaw _____5. kanin _____6. fishball _____7. Isda _____8. itlog _____9. softdrinks _____10. Sapote
Tayahin 2
Panuto: Kumpletuhin ang listahan ng mga pangalan ng pagkaing kabilang sa nakasaad na uri. Gawin ito sa kuwaderno.
| Mga Butil | Prutas at Gulay | Isda at Karne |
|---|---|---|
| 1. | 1. | 1. |
| 2. | 2. | 2. |
| 3. | 3. | 3. |
| 4. | 4. | 4. |
| 5. | 5. | 5. |
Isaisip
Panuto: Piliin sa kahon ang tamang salita sa patlang. Isulat ito sa kuwaderno.
malusog | sangkap | wastong pagkain buhay | makaya
Ang pagkain ang pinakaimportanteng (1) _____ ng ating (2) _____. Sa (3) _____ nanggagaling ang ating lakas upang (4) _____ng gumawa ng mga bagay. Ito rin ang susi para makaiwas sa pagkakasakit at para magkaroon ng (5) _____ na pangangatawan.
Isagawa
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang pangungusap ay naglalarawan ng kabutihang naidudulot ng pagkain. At ekis (x) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
- ◯ Ang pagkain ay nagbibigay ng sigla at lakas sa katawan.
- ◯ Ang pagkain ang pundasyon upang maging malusog.
- ◯ Nagpapatalas ng ating memorya.
- ◯ Pinapahina ang ating immune system.
- ◯ Napapanatili ang tamang timbang.
- ◯ Nagpapaganda ng ating kutis.
Tayahin
Panuto: Sa inyong kuwaderno, isulat ang letra ng tamang sagot.
Ang pangkat ng pagkaing ito at mayaman sa protina
A. Go foods B. Glow foods C. Grow foodsAng pangkat ng pagkain na ito ay mayaman sa carbohydrates na tumutulong upang magkaroon tayo ng sapat na lakas at sigla.
A. Go foods B. Glow foods C. Grow foodsAlin sa mga pagkaing nasa larawan ay mayaman sa protina ?
A. [illustration: pagkaing nasa larawan A] B. [illustration: pagkaing nasa larawan B] C. [illustration: pagkaing nasa larawan C]Alin ang dapat kainin ng isang batang tulad mo?
A. [illustration: pagkaing nasa larawan A] B. [illustration: pagkaing nasa larawan B] C. [illustration: pagkaing nasa larawan C]Ang sumusunod ay kahalagahan ng pagkain ng tamang nutrisyon maliban sa _____
A. nagiging malakas ang ating resistensya
B. nagiging malakas at masigla ang ating pangangatawan
C. nagiging matapang tayo at handa sa pakikipaglaban
Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay tamang gawin at isulat ang salitang Mali kung hindi nararapat gawin. Sagutan ito sa inyong kuwaderno.
_____ 1. Ang pagkain ng mais, kamote at gabi ay nakapagbibigay lakas.
_____ 2. Mainam sa buto at ngipin ang kape.
_____ 3. Walang bitamina ang prutas at gulay.
_____ 4. Mayaman sa protina ang monggo, taho at gatas.
_____ 5. Masarap kumain ng candy sa almusal.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this answer-key page is printed rotated 180 degrees; the sections are transcribed below in upright reading order, and the page title is printed upright at the top]
Subukin
[illustration: mga pagkaing nakalagay sa mga kahon at prutas]
Balikan
Guro ang magwawasto
Tuklasin
- C
- C
- C
- C
- B
Pagyamanin
- [illustration: TESA ICE CREAM]
- [illustration: KANGKONG CHIPS]
- [illustration: MALUNGGAY PANDESAL]
- [illustration: PUSO NG SAGING BURGER]
- [illustration: VEGGIE KWEK-KWEK]
Isagawa
- √
- √
- √
- X
- √
Isaisip
- Sangkap
- Buhay
- Wastong pagkain
- Makaya
- Malusog
Tayahin 1
- Opo
- Hindi po
- Opo
- Opo
- Opo
- Hindi po
- Opo
- Opo
- Hindi po
- Opo
Tayahin 2
Guro ang magwawasto
- C 4. B
- A 5. C
- B
Karagdagang Gawain
- Tama
- Mali
- Mali
- Tama
- Mali
Sanggunian
“Building a Better World for and with Children.” Save the Children. Accessed October 25, 2019. http://www.savethechildren.org.ph/.
“Convention on the Rights of the Child.” UNICEF. Accessed October 13, 2019. https://www.unicef.org/child-rights-convention.
Department of Education. “K To 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes”. Pasig City: Department of Education Central Office, 2020
“Home: GOVPH.” Official Gazette of the Republic of the Philippines. Accessed October 25, 2019. https://www.officialgazette.gov.ph/.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply