This is the Grade 5 Health self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 5: “Mga Pamamaraan Upang Mapabuti ang Pakikipag-ugnayan sa Kapwa” (ways to improve relationships with other people). It was prepared by DepEd Region VIII for learners studying at home, with guidance from a parent or teacher. After the module, learners should be able to discuss practical ways to improve how they relate to classmates, friends, neighbors, and family.
What learners will learn
The module states one learning competency:
- Discuss ways to improve relationships with others (H5PH-Id-14)
The module points out that every child has the right to relate with others. It also says that misunderstandings sometimes happen and can cause hurt and discomfort. Knowing how to improve a relationship helps a learner handle these moments.
Key ideas of the lesson
The module has one lesson, Aralin 5, with the same title as the module. It explains that good relationships reflect values important to Filipinos: being humane, accepting others, and treating them as equals.
A poor relationship can still be improved
If a learner notices unhealthy habits in how they relate to others, this does not mean the relationship must end. The module encourages learners to start changing those habits so their dealings with others become better.
Things a learner can do
- Set limits or boundaries. When you set limits, your friend knows there are only certain things they can do. Do not allow yourself to be disrespected.
- Say no politely. It can be hard to tell if a relationship is abusive. If a friend pushes you into an activity that makes you uncomfortable, say so using respectful words.
- Get help if you feel physically threatened. Go to someone who can help and whom you trust.
- Talk to someone and keep your distance when needed. Constant arguments, bullying, and insults can leave you very sad. Tell a trusted person about it. If the relationship causes deep sadness and hurt, distance yourself from that person. You need to protect yourself.
People who can help
The module lists these people as sources of help:
- siblings and parents
- a trusted friend
- teacher
- school principal
- guidance counselor
Why it matters for health
A person who is happy in daily life usually has good relationships with others. The module says this is important for staying healthy, because it helps a person develop a positive outlook on life.
Activities in the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Choose the best response to five situations, then answer five true-or-false items |
| Balikan (review) | Label five statements MABUTI (good) or DI-MABUTI (not good) as signs of a good relationship |
| Tuklasin (explore) | Answer five yes-or-no questions about their own habits, explaining any “no” answer |
| Suriin (discussion) | Read the lesson on ways to improve relationships |
| Pagyamanin (practice) | For five situations, write a way to improve the relationship and whom to share it with |
| Isaisip (remember) | Review the two main takeaways |
| Isagawa (apply) | Write a letter of advice to a friend in an unhealthy relationship |
| Tayahin (assessment) | Mark five actions with a check or an x, then give solutions to two situations |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | List two personal experiences that show a good relationship with others |
The situations are close to a learner’s daily life. Examples include a sibling who always blames you for things you did not do, a friend pressuring you to join activities you do not like, and a classmate eating alone because they have no food or money.
How to use this module
The module asks learners to keep the booklet clean. Do not write on it; use a separate sheet or notebook for all answers.
- Learners: Start with the pretest (Subukin) to see what you already know. Then work through each part in order, ending with Tayahin and the extra activity. Contact your teacher right away if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: The module includes notes for the person guiding the learner at home. Talk through the situations with your child. Remind them that a parent is one of the trusted people they can go to for help.
- Teachers: An answer key (Susi sa Pagwawasto) is included for the pretest, the review, and the first part of the assessment. The open-ended parts (Tuklasin, Pagyamanin, Isagawa, the second part of Tayahin, and Karagdagang Gawain) are marked “Iwawasto ng guro” (to be checked by the teacher). The module asks learners to be honest when using the key.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Health module for?
It is for Grade 5 Health, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 5.
What is the learning competency of this module?
Learners are expected to discuss ways to improve relationships with others, under competency code H5PH-Id-14.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, the review, and the first part of the assessment. The open-ended activities are checked by the teacher.
What are some ways to improve relationships with others according to the module?
Set limits or boundaries, politely say no to activities you are uncomfortable with, and ask a trusted person for help if you feel threatened. If a relationship causes deep sadness and hurt, keep your distance to protect yourself.
Who can learners ask for help with a difficult relationship?
The module lists siblings and parents, a trusted friend, the teacher, the school principal, and the guidance counselor.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Health
Unang Markahan – Modyul 5: Mga Pamamaraan Upang Mapabuti ang Pakikipag-ugnayan sa Kapwa
5
[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, with a teacher, a boy writing under a lamp, and students holding a globe]
CO_Q1_Health5_ Module5
Health – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Pamamaraan Upang Mapabuti ang Pakikipag-ugnayan sa Kapwa Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na nag handa ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ma. Jayvee A. Garapan Editor: Darna C. Robillon, Marlito P. Malinao Tagasuri: Eugenio Jr. C. Dialino, Joelma I. Dagami, Emeleen A. Con-ui Tagalapat: Ma. Jayvee A. Garapan Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Carmelino P. Bernadas Rey F. Bulawan Nicolas G. Baylan Neil G. Alas Imelda E. Gayda Abelardo G. Campani
5
Health
Unang Markahan – Modyul 5: Mga Pamamaraan Upang Mapabuti ang Pakikipag-ugnayan sa Kapwa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Bawat bata ay may karapatang makipag-ugnayan sa kapwa, maging ito man ay kaklase, kaibigan, kapitbahay o kapamilya. May mga pagkakataon na hindi maiiwasan ang di-pagkakaunawaan sa pagitan nila na nagiging sanhi ng higit na sakit at hindi pagiging komportable sa isa’t isa.
Pagkatapos basahin at sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang may kakayahang matalakay ang mga pamamaraan upang mapabuti ang pakikipag-ugnayan sa kapwa (H5PH-Id-14).
Subukin
A. Panuto: Piliin ang angkop na pamamaraan upang mapabuti ang pakikipag-ugnayan sa kapwa sa bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Nakararamdam ka ng matinding lungkot at pang-aapi kapag kasama mo ang mga kalaro mo.
a. Awayin mo sila.
b. Panatilihin ang pakikipag-ugnayan sa kanila.
c. Iwasan mo at humingi ng payo sa nakatatanda.
d. Gawin mo rin sa kanila ang ginawa nilang hindi maganda sa’yo.Si Lani ay naaabuso at hindi nirerespeto ng iba niyang kamag-aral, ano ang gagawin mo?
a. hayaang abusuhin nila ang kaibigan mo
b. sabihan si Lani na magbigay limitasyon sa pakikitungo sa kanila
c. payuhan ang mga kamag-aral sa kanilang di-magandang pakikitungo
d. b at cPinipilit ka ng iyong kaibigan na sumali sa mga gawaing hindi mo naman gusto. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin ko sa kanya ang pangtanggi ko sa magalang na pamamaraan.
b. Sasang-ayon ako sa kanya kasi kaibigan ko siya.
c. Hindi ko nalang siya papansinin.
d. Makikiusap ako sa kung sinong tao na ipapalit sakin.Napansin mo ang kuya mo na pinagsasabihan ng masasakit na salita ang inyong nakababatang kapatid, anong gagawin mo?
a. magpa-walang kibo
b. pagsabihan din ang iyong nakababatang kapatid
c. payuhan ang kuya na isa itong pang-aabusong emosyonal
d. humingi ng tulong sa barangayNapag-alaman mo na sinabihan ng iyong kamag-aral ang kaibigan mo na hindi ka pansinin at hindi na kaibiganin dahil sa iba ang paniniwala mo sa kanila. Ano ang nararapat mong gawin?
a. kausapin sila pareho nang masinsinan at payuhang hindi nababatay sa paniniwala ang pagkakaibigan
b. hahayaan mo ang kanilang desisyon at maghahanap ka ng bagong kaibigan
c. awayin mo sila pareho at isumbong mo sa guro
d. huwag mo na silang pansinin kahit kailan
B. Panuto: Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung ang sumusunod na pahayag ay tumatalakay ng pamamaraan upang mapabuti ang pakikipag-ugnayan sa kapwa at MALI naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____6. Marespeto at komportableng kasama si Bella kaya patuloy itong kinakaibigan ng kanyang mga kamag-aral.
_____7. Patuloy na nakikipag-ugnayan si Mika sa kanyang mga kalaro kahit siya ay binu-bully at iniinsulto ng mga ito.
_____8. Sinigawan ni Kiko ang nakikipagsagutan niyang kaibigan tungkol sa di-matapos nilang proyekto.
_____9. Iniiwasan lagi ni Lino ang mga taong walang respeto at mapang-abuso.
_____10. Ang kaibigan mo ay nakararanas ng di-mabuting pakikipag-ugnayan sa iba kaya pinayuhan mo ito.
Aralin 5: Mga Pamamaraan Upang Mapabuti ang Pakikipag-ugnayan sa Kapwa
Ang mabuting pakikipag-ugnayan ay nagpapahiwatig ng ideya, kahalagahan/pag-uugali (values) o paninindigan na siyang mahalaga sa mga Pilipino. Ito ay tumutukoy sa pagkamakatao, pagtanggap at pakikitungo sa ibang tao bilang kapantay o katulad. Ngunit ang pakikipag-ugnayan ay minsan nagdudulot ng sakit, lungkot at pagiging hindi komportable sa kapwa. Kaya ang kaalaman ng pamamaraan upang mabuti ang pakikipag-ugnayan ay mahalaga sa bawat tao at sa nais bahaginan nito.
Balikan
Panuto: Isulat ang salitang MABUTI kung ito ay palatandaan ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa at DI-MABUTI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_____________1. Hindi pinapangunahan ang desisyon ng isa’t isa.
_____________2. Walang tiwala sa isa’t isa.
_____________3. Nakakakilos ka ng walang pagkukunwari.
_____________4. Iginagalang ang opinyon ng bawat isa.
_____________5. May takot at walang tiwala sa sarili.
Tuklasin
Panuto: Basahin ang mga tanong. Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang kahong nakahanay sa Oo kung ginagawa mo ito, at kung hindi, ipaliwanag mo sa loob ng kahon na hanay sa Hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
| Mga Tanong | Oo | Hindi |
|---|---|---|
| 1. Sumasali ka ba sa mga gawaing hindi mo gusto? |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Mga Tanong | Oo | Hindi |
|---|---|---|
| 2. Nagtatakda ka ba ng limitasyon sa pakikitungo sa iyong kapwa? | ||
| 3. Sinisigawan mo ba ang iyong kapwa kapag mayroon kayong argumento? | ||
| 4. Pinipilit mo ba ang kapwa mo na sumang-ayon sa mga paniniwala mo? | ||
| 5. Humihingi ka ba ng payo o tulong sa nakatatanda sa’yo kung ika’y pinagbabantaan nang pisikal o inaapi? |
Suriin
Ang pakikipag-ugnayan sa kapwa tao ay mahalagang aspeto ng buhay sa lipunan. Ito ay mahalaga rin sa kapakanan ng isang tao lalo sa sa isang mag-aaral na gaya mo. Ngunit hindi lahat ng pakikipag-ugnayan ay perpekto. Minsan, ito’y nagiging sanhi ng lungkot, sakit at di pagiging komportable sa kapwa tao.
Kung alinman sa iyong mga pamamaraan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa ay natutukoy na di-mabuting katangian batay sa nakaraang aralin, hindi ito nangangahulugan ng pagtatapos ng pakikipag-ugnayan mo sa iba. Sa halip, simulan mong baguhin ang mga di-mabuting katangian sa pakikipag-ugnayan sa iba upang mapabuti at maging maayos ang iyong pakikitungo at ugnayan sa iyong kapwa.
Ang ilan sa mga bagay na magagawa mo ay:
Itakda ang mga limitasyon o hangganan. Kapag nagtatakda ka ng mga limitasyon o hangganan, alam ng iyong kaibigan na magagawa lamang niya ang ilang mga bagay. Huwag hayaan ang iyong sarili na hindi iginagalang.
Minsan mahirap sabihin kung ang relasyon ay mapang-abuso o hindi. Kung sa tingin mo ay hindi ka komportable tungkol sa isang gawain na pinipilit ka ng iyong kaibigan na sumali, sabihin ito sa magalang na pananalita.
Kung sa palagay mo na pinagbantaan ka nang pisikal, humingi ng tulong sa taong makatutulong at mapagkakatiwalaan.
Minsan, ang pakikipag-ugnayan sa kapwa ay nag-iiwan sa iyo ng labis na kalungkutan dahil sa palagiang mga argumento, pang-aapi, at pang-iinsulto. Sabihin sa isang taong makatutulong sa’yo at mapagkakatiwalaan mo ang tungkol dito; at kung ito’y nagdudulot ng matinding lungkot at sakit sa
pakiramdam, dumistansya sa pakikipag-ugnayan sa taong ito. Kailangan mong protektahan ang iyong sarili.
Ang mga taong makatutulong para mapabuti ang pakikipag-ugnayan mo sa kapwa ay ang mga sumusunod:
- kapatid at magulang
- mapagkakatiwalaang kaibigan
- guro
- punong-guro
- gabay tagapayo/guidance counselor
Kapag ang isang tao ay masaya sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay, ito ay isang magandang senyales na siya ay may mabuting pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.
Mahalaga ito sa pagpapanatili ng kalusugan dahil nalilinang nito ang kakayahan ng isang tao na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.
Pagyamanin
Panuto: Isulat sa Hanay B ang mga pamamaraan na maaari mong magawa upang mapabuti mo ang pakikipag-ugnayan sa kapwa na nasa Hanay A. Itala naman sa Hanay C kung kanino mo nais ibahagi ang iyong pamamaraan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
| Hanay A (Sitwasyon) | Hanay B (Pamamaraan) | Hanay C (Pangalan ng Nais Bahagian) |
|---|---|---|
| Palagi mong nararamdaman na kapag ikaw at ang iyong kaibigan ay magkasama, ikaw ay kahit papaano ay sinasamantala | ||
| Palaging sinisisi ka ng iyong kapatid sa mga bagay na hindi mo ginawa | ||
| Hindi ka palaging sumasang-ayon sa iyong ama, ngunit natatakot kang hindi sumang-ayon dahil karaniwang ito ay marahas ang reaksyon | ||
| Sinasagot mo ng pabalang ang iyong guro | ||
| Palagi mong iniiwasan ang iyong ina kapag napagsasabihan ka. |
Isaisip
- ❖ Kung nagdurusa ka sa isang di-mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa, iwasan ito at humingi ng payo sa isang mapagkakatiwalaang tao.
- ❖ Mahalaga ang kaalaman sa mga pamamaraan upang mapabuti ang pakikipag-ugnayan sa kapwa para sa pagpapanatili ng kalusugan dahil nalilinang nito ang kakayahan ng isang tao na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.
Isagawa
Panuto: Anong payo ang maibibigay mo sa isang kaibigan na nakararanas ng di-mabuting pakikipag-ugnayan sa iba? Ibahagi ito sa kanya sa pamamagitan ng isang sulat tungkol sa kung paano pangangasiwaan ang di-mabuting pakikipag-ugnayan niya sa ibang tao. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Tayahin
A. Panuto: Lagyan ng tsek (✓) sa patlang kung ang nakasaad ay makapagpapabuti ng pakikipag-ugnayan sa kapwa, ekis (x) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_____1. Nakikipaglaro ka sa iyong mga nakababatang kapatid. _____2. Nakita mong nangongopya ang iyong kaklase at sinabi mo ito sa iyong guro. _____3. Pinagsabihan mo ang kaklase mong nambu-bully. _____4. Pinaiiyak mo ang iyong kapatid para hindi sumali sa inyong laro. _____5. Nagpapaalam ka nang maayos sa iyong magulang kung mayroon kang gustong puntahan.
B. Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Magbigay ng isang solusyon sa bawat suliranin at isulat ito sa sagutang papel.
a. Nakita mo ang iyong kaklase na nag-iisa sa oras ng tanghalian. Hindi siya kumakain at nang kausapin mo siya, sinabi niyang wala siyang baong pera o pagkain. Ano ang gagawin mo?
Solusyon: _____
b. Pinaglalaruan ng iyong kapatid ang isang bola habang siya ay kumakain. Nakita mong pagulong-gulong ang bola sa putikan. Ano ang gagawin?
Solusyon: _____
Karagdagang Gawain
Panuto: Maglista ng dalawang (2) sitwasyon na iyong naranasan na nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan mo sa kapwa. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the sections are listed below in page order]
Subukin (pahina 1-2)
- c
- d
- a
- c
- a
- TAMA
- MALI
- MALI
- TAMA
- TAMA
Balikan (pahina 3)
- MABUTI
- DI-MABUTI
- MABUTI
- MABUTI
- DI-MABUTI
Tuklasin (pahina 3-4)
Iwawasto ng guro.
Pagyamanin (pahina 5)
Iwawasto ng guro.
Isagawa (pahina 6)
Iwawasto ng guro.
Tayahin (pahina 6-7)
- ✓
- ✓
- ✓
- x
- ✓
6-10. Iwawasto ng guro.
Karagdagang Gawain (pahina 7)
Iwawasto ng guro.
Sanggunian
Department of Education RO8. 2016, Kagamitan ng Mag-aaral Health, Yunit 1-Aralin 5 Mga Pamamaraan Upang Mapabuti ang Pakikipag-Ugnayan sa Kapwa, 1-3
DepEd Region8. 2016, Gabay sa Pagtuturo, Health 5 Yunit 1-Aralin 5 Mga Pamamaraan Upang Mapabuti ang Pakikipag-ugnayan sa Kapwa, 1-2
Department of Education. 2016, K to 12 Curriculum Guide in Health, 47
Ubalde, et.al. 2018, Living with Music, Art, Physical Education, and Health 5, 371-378
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply