This is the Filipino 8 self-learning module for Quarter 2, Module 4: “Pangangatuwiran at Pagpapakahulugan” (reasoning and giving meaning). It was prepared by DepEd Region CARAGA for Grade 8 learners studying at home. After working through it, learners should be able to defend their choice of a proposition or alternative solution to a problem in a text, and explain the meaning of difficult words in different ways.
On this page 7 sections
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Express their reasoning for a chosen alternative solution or proposition to a problem presented in the text they read (F8PB-IIe-f-25).
- Give the denotative and connotative meanings, synonyms, and antonyms of difficult words used in a literary work (F8PT-IIe-f-25).
The module has one lesson, Aralin 1: Pangangatuwiran at Pagpapakahulugan. Its readings come from a balagtasan (a poetic debate) titled “Sipag o Talino” (hard work or intelligence) and from excerpts of the play “Walang Sugat” (no wound), including the dialogue between Julia and her mother Juana and the poem “Dalit ni Julia” (Julia’s lament).
Pangangatuwiran: reasoning and argument
The module describes the art of reasoning as a way of speaking or writing that tests the strength of a person’s thinking and intelligence.
Proposisyon (proposition)
A proposition is a key part of good reasoning. It is a statement that people can either agree or disagree with, which is why it needs to be argued. The module’s example: Dapat bang pairalin nang mahigpit ang pagbabawal na lumabas ng bahay ngayong may pandemya? (Should the ban on leaving the house be strictly enforced during the pandemic?)
Alternatibong solusyon (alternative solution)
An alternative solution suggests taking one specific step in place of another. The module lists these phrases for giving one:
- makabubuti siguro… (it might be good to…)
- higit na mainam… (it is better to…)
- ganito ang dapat gawin… (this is what should be done…)
- kailangan… (it is necessary to…)
- una mong dapat gawin… (the first thing you should do…)
- makabubuting… (it would be good to…)
- makatutulong ng malaki… (it would help a lot…)
- dapat ay ganito… (it should be like this…)
For example: Higit na mainam kung magsuot ng mask (It is better to wear a mask).
Pagpapakahulugan: ways of giving meaning
The module teaches four ways to explain a difficult word.
| Term | Meaning | Module’s example |
|---|---|---|
| Denotatibo (denotative) | The literal, dictionary meaning of a word | Pusang itim: a black cat that scratches and meows |
| Konotatibo (connotative) | An extra, deeper meaning attached to a word depending on the speaker’s or writer’s intention | Pusang itim: a sign of bad luck or death |
| Kasingkahulugan (synonym) | Two different words with the same or similar meaning | maganda – marikit; mabango – masamyo, mahalimuyak |
| Kasalungat (antonym) | A word with the opposite meaning | maganda – pangit; mabango – mabaho, masangsang |
Another example: kamay na bakal (iron hand) literally means a hand made of iron, but its connotation is strictness or harsh control.
Parts of the module
- Subukin (pretest): read part of the balagtasan “Sipag o Talino,” choose the stronger proposition and defend it, then give meanings of words such as urong-sulong, kalayaan, nagbibigkis, and mahirap.
- Balikan (review): give opinions on a text about analog and digital communication using expressions of agreement and disagreement.
- Tuklasin (discover): read the Juana and Julia dialogue and answer questions about reasoning and difficult words.
- Suriin (discussion): the lesson on reasoning and meaning explained above.
- Pagyamanin (practice): react to Tenyong faking his wound so he could marry Julia, and give meanings of simbahan, kasal, binata, galit, and pumayag.
- Isaisip (generalization): fill in a summary of the lesson.
- Isagawa (application): listen to or watch news about a problem in education, write a three- to five-sentence opinion with reasons, and define two or three difficult words.
- Tayahin (assessment): read “Dalit ni Julia,” reason about her alternative solution, and define hapis, kandungan, and panaw.
- Karagdagang Gawain (additional activity): complete an opinion statement about “Walang Sugat” and give antonyms of five words, using them in sentences.
How to use this module
Learners: Start with the pretest to see whether you need the module. Then go through the parts in order. Do not write on the module; answer on a separate sheet of paper so others can use it. Check your answers honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
Parents and guardians: The module is meant to be studied at home with your guidance. Help your child read the passages and talk through their opinions, especially in the Isagawa activity, which needs a news report about an education issue.
Teachers: The module includes an answer key for the pretest, review, practice, generalization, and assessment, plus a rubric for spoken or written explanations. The rubric scores three criteria (presentation of the topic, style of expression, and suitability of ideas) on a scale from 5 (Napakahusay) to 1 (Mag-ensayo pa).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is the Filipino module for Grade 8, Quarter 2, Module 4. It was prepared by DepEd Region CARAGA.
What is the difference between denotatibo and konotatibo?
Denotatibo is the literal, dictionary meaning of a word. Konotatibo is an extra, deeper meaning that depends on the speaker’s or writer’s intention, for example a black cat (pusang itim) suggesting bad luck.
What is a proposisyon?
A proposition is a statement that people can either agree or disagree with, so it needs to be argued with reasons. The module’s example asks whether a ban on leaving the house should be strictly enforced during the pandemic.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, practice, generalization, and assessment, and there is also a rubric for explanations.
What texts does the module use?
It uses the balagtasan “Sipag o Talino” and excerpts from “Walang Sugat,” including a dialogue between Julia and Juana and the poem “Dalit ni Julia.”
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Ikalawang Markahan–Modyul 4: Pangangatuwiran at Pagpapakahulugan
[illustration: students reading under a tree, a teacher helping students at a desk, a student reading by a lamp, and students with a globe]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q2_Filipino 8_ Module 4
Filipino – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 6: Sanaysay Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jenelyn L. Jandoc, SST I Editor: Dores P. Claro, Maria Consuelo C. Jamera Tagasuri: Jessie C. Torreon, Jocelyn P. Abellano, Donna May D. Pinguit, Teresita Merlin, Japhet K. Salar, Christy Joyce E. Anino Tagalapat: Jenelyn L. Jandoc, SST I, Peter A. Alavanza Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obsenares, Gilda G. Berte, Antonieta O. Narra, Feldrid P. Suan, Jessie C. Torreon, Dores P. Claro, Victoria B. Pabia
Inilimbag sa Pilipinas ng: ____________________________
Department of Education – Region CARAGA Office Address: Learning Resource Management Section (LRMS) Teacher Development Center J.Rosales Avenue, Butuan City, Philippies, 8600 Telefax: (085)342-8207 /(085)342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
8
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pangangatuwiran at Pagpapakahulugan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Tungkol saan ang modyul na ito?
Ang modyul na ito tungkol sa Pangangatwiran at Pagkakahulugan ay may maramihang gamit. Una, matututuhan mo ang mga kakayahang nasasalamin sa mga kasanayang nabanggit sa ibaba. Pangalawa, mas mapalalawak at mapalalakas ang mga kaalaman na iyong natuklasan sa naunang baitang. Panghuli, matutulungan kang mas mapahalagahan ang kulturang Pilipino at mahalin ng mas higit pa ang iyong pagka-Pilipino.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw bilang mag-aaral ay inaasahang:
Naipahahayag ang pangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa suliraning inilahad sa tekstong binasa. F8PB-IIe-f-25
Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa akda. F8PT-IIe-f-25
Subukin
Sagutan ang panimulang pagsusulit. Layunin nito na alamin kung kailangan mo pa ang modyul na ito o tutuloy ka na sa susunod.
Panuto: Basahin ang bahagi ng balagtasan. Ipahayag ang iyong katuwiran sa proposisyong inilahad at bigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda.
SIPAG:
Kapag baya’y umunlad. Ang pagko’y pinupukol.
Sa gobyerno at mga tao, sama-sama’t tulong-tulong.
Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati’y ano ngayon?
Wala na ngang pagbabago. Kabuhaya’y urong-sulong.
Kasipaga’y puhunan nating lahat sa gawain,
Maliit man o malaki, mahirap man ang gampanin.
Kung ang ating kasipagan, itatabi’t magmamaliw.
Maunlad na Pilipinas, di natin masasalapi.
TALINO:
Akong aba’y inyong lingkod, isinilang na mahirap,
at ni walang kayamanan, maaaring mailantad.
Pamana ng magulang ko ay talinong hinahangad,
Pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad.
Sa gobyerno at lipunan, mga tao’y may puhunan
Na kanilang tataglayin, habang sila’y nabubuhay.
Ang talino’y nagbubuklod, sa pambansang kalayaan,
Nagbibigkis sa damdamin, makatao’t makabayan.
A. Para sa iyo, alin ang mas nakatitimbang na proposisyon? Pangatwiranan.
B. Mula sa akda, ibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan ng sumusunod na salita.
| Salita | Denotatibong kahulugan | Konotatibong kahulugan |
|---|---|---|
| Urong-sulong | ||
| Kalayaan |
C. Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salita.
| Salita | Kasingkahulugan | Kasalungat na kahulugan |
|---|---|---|
| Nagbibigkis | ||
| Mahirap |
Natukoy mo ba nang tama ang kung alin ang pangunahing kaisipan at ang mga pantulong na kaisipan sa talata? Bago ka magpatuloy sa araling ito, balikan mo ang naunang aralin at sagutin ang kasunod na gawain.
Aralin 1: Pangangatuwiran at Pagpapakahulugan
Balikan
Panuto: Basahin ang teksto at ipahayag ang iyong opinyon gamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat. Salungguhitan ang hudyat na ginamit sa bawat opinyon.
Ang pagbabago sa uri ng komunikasyon na gamit ngayon ay may pagkakaiba kung ikukumpara sa dati. Maihahambing natin ito sa analog noon at digital ngayon. Ang mga analog na kagamitan ay kadalasang pinalalakad ng orasang may kamay na nagtuturo para sa minuto, segundo at mga datos ay nirerepresenta ng mga numero para sa lakas o volyum at ang pag-ikot nito ay kailangang pagalawin pa ang isang bahagi ng kasangkapan o instrument bago makuha ang inaasahang epekto. Samantala, sa digital ay pinipindot lang ng daliri ang mga buton ng bagay na gustong pagalawin, iayos o itama. Ang mga numero, simbolo, instraksyon ay naipoproseso sa pamamagitan ng pagpindot gamit ang mga daliri. Ang pagiging computerized ng mga kasangkapan/kagamitang ito ngayon ang nagpapadali sa mga gawain ng tao.
Pagsang-ayon
Pagsalungat
Dahil nasagot mo nang tama ang gawaing ito. Sigurado akong mas madali na sa iyo ang kasunod na aralin dahil magagamit mo ang iyong natutuhan tungkol sa pagsang-ayon at pagsalungat. Halika at tuklasin mo kung ano ito
Tuklasin
Panuto: Pansinin ang pinag-usapan ni Juana at Julia.
Juana: (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga-anong puso-puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kanyang tibok ay siyang sinusunod, datapwat ngayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayon kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata itinutuloy rito.
Julia: (Hihipuin ang noo) Dito sa isip at dito sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na…..
- Paano pinangatwiranan ni Julia ang opinyon ng kanyang inang si Juana?
- May malalalim bang salita na ginamit sa usapan?
- Mabibigyan mo ba ito ng kahulugan?
Para masagot mo ang mga tanong na ito, halika’t basahin ang kasunod na talakayan.
Suriin
PANGANGATWIRAN AT PAGPAPAKAHULUGAN
Pangangatuwiran
Ang sining ng pangangatuwiran ay isang pagpapahayag na may layunin na masubukan ang katatagan at katayuan ng isipan o talinong taglay ng isang tao.
Isa sa mga sangkap ng mabisang pangangatuwiran ang proposisyon. Ito ay pahayag na maaaring sang-ayunan at maari ring tutulan kaya’t dapat talagang mangatwiran.
Narito ang isang halimbawa ng isang proposisyon:
Dapat bang pairalin nang mahigpit ang pagbabawal na lumabas ng bahay ngayong may pandemya?
Ginagamit din ang alternatibong solusyon sa pagbuo ng pangangatuwiran. Nagbibigay ito ng mungkahi o pahiwatig na gawin ang isang tiyak na hakbang kapalit ng isa pa.
Narito ang mga salita/ parirala na ginagamit sa pagbibigay ng alternatibong solusyon:
makabubuti siguro…
higit na mainam….
ganito ang dapat gawin…
kailangan….
una mong dapat gawin…
makabubuting…
makatutulong ng malaki…
dapat ay ganito…
Halimbawa:
Makabubuti siguro na manatili sa bahay sa panahon upang hindi mahawaan ng virus.
Una mong dapat gawin ay ugaliing maghugas ng kamay sa loob ng 15 minuto.
Higit na mainam kung magsuot ng mask.
Pagpapakahulugan
Maraming paraan ang pagpapakahulugan. Maaring gamitin ang denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan. Ang kahulugang denotatibo ay ang literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo. Habang ang konotatibo ay tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat. Ito ay may mas mataas at mas malalim na kahulugan ng salita.
Halimbawa:
Pusang itim
Denotasyon : uri ng hayop na nangangalmot, kulay itim at ngumingiyaw
Konotasyon : nagbabadya ng kamalasan o kamatayan
Kamay na bakal
Denotasyon : bakal ang kamay
Konotasyon : paghihigpit
Ginagamit din ang pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan upang mabigyan ng linaw ang malalalim na salita na ginamit sa teksto o akda. Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang salita na pareho o magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin.
Halimbawa:
maganda- marikit
mabango- masamyo, mahalimuyak
Ang kasalungat na kahulugan ay kabaliktaran ng isinasaad ng salita.
Halimbawa:
maganda- pangit
mabango- mabaho, maamoy, masangsang
Naunawaan mo ba ang talakayan? Sige nga, subukan mong sagutan ang mga kasunod na Gawain.
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang bahagi ng akda at ibigay ang hinihingi sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata-na sila ni Julia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel. Matapos ang kasal,bumangon si Tenyong.Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat!” Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.
A. Ilahad ang iyong katuwiran sa alternatibong solusyon o proposisyon na mababasa sa akda.
Suliranin: Hindi makasal si Tenyong kay Julia dahil ikakasal siya kay Miguel
- Sang-ayon ka ba sa ginawa ni Tenyong na dayain ang kanyang sugat,upang makasal kay Julia? Ipaliwanag ang sagot.
- Tama bang ikasal ng kura si Julia kay Tenong bilang huling hiling ng binata? Ipaliwanag ang sagot.
B. Ibigay ang konotatibo at denotatibong kahulugan ng mga salita.
Simbahan
Konotatibo: _____
Denotatibo: _____Kasal
Konotatibo: _____
Denotatibo: _____Binata
Konotatibo: _____
Denotatibo: _____
C. Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita.
Galit
Kasingkahulugan: _____
Kasalungat: _____Pumayag
Kasingkahulugan: _____
Kasalungat: _____
Isaisip
Sa araling ito, natutuhan ko na ang denotatibo ay _____ na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo habang ang _____ay tumutukoy sa _____ na ikinakabit sa isang salita depende sa intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat. Ito ay may mas mataas at mas malalim na kahulugan ng salita.
Ang _____ ay dalawang magkaibang salita na pareho o magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin. Ang kasalungat na kahulugan ay _____ ng isinasaad ng mahirap na salita.
Bilang kabuoan, mahalaga ang natutuhan ko dahil _____ _____.
Isagawa
Panuto: Makinig o manood ng balita tungkol sa suliraning pang-edukasyon. Ilahad ang iyong opinyon at pangangatuwiran tungkol dito sa tatlo hanggang limang pangungusap. Bigyang kahulugan ang mga salitang malalalim na magagamit sa iyong opinyon.
- Opinyon at pangangatuwiran tungkol sa suliraning pang-edukasyon
- Kahulugan ng salita (2-3 salita)
| Salita | Denotatibong Kahulugan | Konotatibong Kahulugan | Kasingkahulugan | Kasalungat na kahulugan |
|---|---|---|---|---|
Tayahin
Panuto: Basahin ang isang akda.
Dalit ni Julia
Oh Tenyong,niyaring dibdib
Diyata’ ako’y natiis
Na hindi mo na sinilip
Sa ganitong pagkahapis.
Ay! Magdumali ka’t daluhan
Tubusin sa kapanganiban,
Huwag mo akong bayaang
Mapasa sa ibang kandungan.
Halika, Tenyong,halika
At baka di na abutin
Si Julia’y humihinga pa….
Papanaw,walang pagsala!
At kung patay na abutin
Itong iyong nalimutan
Ang bangkay ay dalhin na lamang
Sa malapit na libingan.
Huling samo,oh Tenyong,
Kung iyo nang maibaon
Sa malungkot na pantiyon,
Dalawin minsan man isang taon.
A. Ipahayag ang iyong pangangatuwiran sa alternatibong solusyong naisip ni Julia nang siya ay hindi na dinalaw ni Tenyong.
B. Pagbibigay ng kahulugan
| Salita | Denotatibong Kahulugan | Konotatibong Kahulugan | Kasingkahulugan | Kasalungat na kahulugan |
|---|---|---|---|---|
| Hapis | ||||
| Kandungan | ||||
| Panaw |
Karagdagang Gawain
A. Panuto: Basahin ang akdang “Walang Sugat” at ipagpatuloy ang pahayag upang makabuo ng isang opinyon tungkol sa suliraning kinaharap ng mga tauhan.
Habang binabasa ko ang “Walang Sugat”, nakadama ako ng _____ dahil ako’y _____ kaya nais kong _____ upang _____.
B. Panuto: Ibigay ang kasalungat ng salita at isulat ang iyong sagot sa patlang, pagkatapos ay gamitin ang dalawang salita sa pangungusap.
- Hiyain-_____
Pangungusap:
- Kaalipustahan-_____
Pangungusap:
- Nilalik-_____
Pangungusap:
- Kalakip-_____
Pangungusap:
- Mabibighani-_____
Pangungusap:
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the sections below are listed in the order their titles read when the page is turned around]
TAYAHIN
| Salita | Denotatibo | Konotatibo | Kasingkahulugan | Kasalungat |
|---|---|---|---|---|
| Hapis | kalungkutan | suliranin | lumbay/lungkot | saya |
| Kandungan | sa piling ni Nanay | pag-aaruga/pagmamahal | sapupo /loob | labas |
| Panaw | pagkamatay | pagtanggap sa katotohanan | namatay | nabuhay |
[transcriber’s note: the column placement of the answers in this key is inferred from the rotated layout]
ISAISIP
literal, konotatibo, ekstrang kahulugan, kasingkahulugan, kabaliktaran
PAGYAMANIN B
| Salita | Denotatibo | Konotatibo |
|---|---|---|
| Simbahan | lugar nang mga nagsisimba | banal na tahanan ng Diyos |
| Kasal | seremonya | pangako/sagradong tipan |
| Binata | lalaking walang asawa | lakas |
PAGYAMANIN C
Galit
Kasingkahulugan: inis,muhi
Kasalungat: mahinahon
Pumayag
Kasingkahulugan: sumang-ayon
Kasalungat: tumanggi
BALIKAN
AYON – PAGSANG-AYON
HUDYAT NG PAGSANG-AYON: TALAGANG,TAMA ANG SINABI MO,TUNAY NA,OO,LUBOS AKONG NANANALIG
HUDYAT NG PAGSALUNGAT: AYAW KO ANG PAHAYAG,HINDI AKO NANINIWALA,HINDI TOTOONG,SUMASALUNGAT AKO
B. SUBUKIN
KALAYAAN
DENOTATIBO: KATANGIANG KILOS LOOB
KONOTATIBO: KASARINLAN /SARILI
SULONG – URONG
DENOTATIBO: ATRAS-ABANTE
KONOTATIBO: PANININDIGAN
MAHIRAP
KASINGKAHULUGAN: PULUBI
KASALUNGAT: MAYAMAN
NAGBIBIGKIS
KASINGKAHULUGAN: NAGBUBUKLOD
KASALUNGAT: NAGHIHIWALAY
Rubrik sa pagpapahayag/pagpapaliwanag
| Paman tayan | Napaka husay 5 | Mahusay 4 | Di-gaanong mahusay 3 | May malaking kakulangan 2 | Mag-ensayo pa 1 |
|---|---|---|---|---|---|
| Pagpapa hayag sa paksa | Lohikal, malinaw at organisado Ang mga nakikinig ay nakasusunod sa paksa. . | Maayos at organisado Ang ibang punto ay nakalilito | Hindi organisado Hindi naipaliwanag ng maayos. | Paulit- ulit ang punto ng nagsasalita Walang pagkakaisa ang mga punto na ginamit. | Ang sinasabi ay malayo sa paksa.Ang mga nakikinig ay hindi nagpapakita ng interes habang tinatalakay ang paksa |
| Estilo ng pagpapa hayag | Kitang kita ang kumpyansa sa sarili sa paraan ng pagsasalita. | Kinakitaan ng maayos na tindig kahit medyo kinakabahan. | Ang boses ay hindi sapat upang marinig at maayos na maipara ting ang nais puntuhin. Kitang kita ito sa kumpyansa nya sa sarili. | Paulit-ulit ang pagpapahayag Kapuna-puna na labis ng kabado. | Hindi naipaliwanag ng maayos. Matipid na salita lamang ang ginamit. Kulang sa paliwanag. |
| Kaang- kupan ng Ideyang ginamit. | Sapat, wasto, konkreto at makabuluhan ang impormasyon. Wasto ang mga salitang ginamit at angkop upang maipaliwanag ng maayos. | Sapat at wasto ang ginamit na impormasyon maliban sa kaunting kalituhan upang maipaliwanag ng maayos. | Angkop ang salitang ginamit ngunit hindi sapat ang impormasyong itinuro. | Ang inihandang mga impormasyon ay hindi sapat kulang para sa pagkaunawa ng mga nakikinig. | Hindi alam ang paksa at hindi makapagisip ng tamang salita sa pagpapahayag. |
Sanggunian
Mga Aklat:
Peralta Romulo N., Donabel C. Lajarca,Eric Cariño 2017. Panitikang Asyano 9
Miranda Lourdes L., Antoniettea D. Tapang,Pilipina A. Guerrero,2017. Punla 8 ( Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura)Rex Book Store,Inc.
INTERNET:
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifcaio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph* blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply