EsP 6 Quarter 3 Module 1: Ang Magaling at Matagumpay na mga Pilipino

Grade 6 EsP Quarter 3 Module 1 on skilled and successful Filipinos, the four keys to success, stories of Kesz Valdez and Socorro Ramos, and answer key.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) self-learning module for Grade 6, Quarter 3, Module 1: “Ang Magaling at Matagumpay na mga Pilipino” (the skilled and successful Filipinos). It was prepared for learning at home under DepEd’s Alternative Delivery Mode, and this copy was printed by DepEd Region VI as its first edition in 2020. It helps learners appreciate outstanding Filipinos by looking at what made them succeed, valuing their sacrifices for the country, and following their good traits.

On this page 6 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners should be able to show appreciation for skilled and successful Filipinos through:

  • 6.1 modeling their success (pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay);
  • 6.2 valuing the stories of their sacrifice and self-giving for the country (kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan); and
  • 6.3 following the good traits that were the key to their success (pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa pagtatagumpay).

Competency code: EsPPPP-IIIc-d-35

What the module teaches

The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. It explains that many Filipinos are known for their talent in different fields, such as the arts, sports, and academics. It also honors frontliners, soldiers, and Overseas Filipino Workers (OFWs), who are ready to risk their lives for the progress and safety of the country.

The four keys to success

The Suriin (analyze) part presents four traits as the “Susi sa Tagumpay” (keys to success):

TraitMeaning in the module
Kahusayan (skill)The ability to make or achieve something at high quality
Kasipagan (hard work)The effort to do or finish a task with quality
Lakas ng loob (courage)Being brave and strong when facing problems or trials in life
Dedikasyon (dedication)The effort to reach a goal or dream according to a standard

The module stresses that courage and dedication, and above all skill and hard work, are the keys to Filipino success.

  • Cris “Kesz” Valdez: grew up in a garbage dumpsite and earned a living by scavenging. After he was hurt falling into burning garbage, he was cared for by a teacher and later adopted. On his seventh birthday he chose to give to others through his “Hope Gifts” project, which gave street children hygiene items, slippers, and books. He became the first Southeast Asian to receive the International Children’s Peace Prize, in 2012.
  • Manny Pacquiao: left for Manila at 14 to find work, trained in boxing, and kept praying before every fight. Even after many wins, he took the High School Equivalency Exam so he could go to college.
  • Socorro Cantio Ramos (Nanay Coring): worked as a student, wrapping bubble gum and working in a cigarette factory. As a bookstore saleslady she was promoted to manager for her skill with customers. With her husband Jose Ramos, she opened a small store in Escolta in 1942 that became National Bookstore.

The module also mentions Lea Salonga, Hidilyn Diaz, Corazon Aquino, Efren “Bata” Reyes, Carlos Yulo, Margielyn Didal, Librada Avelino, Maria “Wang-od” Oggay, Josette Biyo, and Leonardo Sarao Sr., along with heroes such as Jose Rizal, Gregorio del Pilar, and Marcelo H. del Pilar.

Parts of the module

  1. Alamin: the module’s goals.
  2. Subukin: a 15-item pretest on famous Filipinos, their traits, and how to value their sacrifices.
  3. Balikan: a short family conversation about respect and the use of “po.”
  4. Tuklasin: the story “Tamis ng Tagumpay” (the sweetness of success) about Kesz Valdez, with five questions.
  5. Suriin: the four keys to success.
  6. Pagyamanin: Gawain 1 (write three to five sentences about how one featured Filipino succeeded) and Gawain 2 (a chart of Kesz Valdez’s traits and sacrifices, and how you can value them).
  7. Isaisip: five reflection questions.
  8. Isagawa: read the stories of Manny Pacquiao and Socorro Ramos and copy the traits you want to follow.
  9. Tayahin: a 10-item final test on Socorro Ramos and on valuing heroes’ sacrifices.
  10. Karagdagang Gawain: interview successful people in your community and record their traits, sacrifices, and achievements in a chart.
  11. Susi sa Pagwawasto: the answer key.

How to use this module

  • Learners: take the pretest first, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper or in your notebook, not on the module, so others can use it. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: help your child find someone in your community to interview for the additional activity, and talk together about the traits in the stories.
  • Teachers: use the pretest to see who needs more help. Many answers, such as those in Suriin and the reflection questions, can differ from learner to learner, so check them for understanding rather than one fixed answer.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 6 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 1.

What competency does the module cover?

It covers EsPPPP-IIIc-d-35: showing appreciation for skilled and successful Filipinos by modeling their success, valuing their sacrifices for the country, and following their good traits.

What are the keys to success taught in the module?

The module names four: kahusayan (skill), kasipagan (hard work), lakas ng loob (courage), and dedikasyon (dedication).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the pretest (Subukin), Balikan, and the final test (Tayahin). Suriin answers may vary.

Which Filipinos are featured in the module?

The main stories are about Kesz Valdez, Manny Pacquiao, and Socorro Ramos of National Bookstore. Others mentioned include Lea Salonga, Hidilyn Diaz, Corazon Aquino, and national heroes such as Jose Rizal.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q3_EsP 6_ Module 1

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 1 Ang Magaling at Matagumpay na mga Pilipino

[illustration: students and a teacher studying outdoors and indoors, with a globe, a lamp, and a student writing; ADM logo at bottom]

CO_Q3_EsP 6_ Module 1

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang

Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Magaling at Matagumpay na mga Pilipino Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI

Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:Jorelyn D. Masin, Johnny Fajardo, Elizabeth L. Maxino,
Editor:Ida Flor C. Ferraris, Baby Allea S. Mercado, Alpha Mae Guane, Marivir Flores
Tagasuri:Lani A. Palma, Annamor M. Eleccion, Miriam T. Lima
Tagaguhit:Anthony M. Cordilla
Tagalapat:Japeth N. Pagonzaga, Annamor M. Eleccion, , Vergel Junior C. Eusebio
Tagapamahala:Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Miriam T. Lima
Renato T. Ballesteros
Regie B. Sama
Ronie T. Tababa
Annamor M. Eleccion
Lani A. Palma

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 1 Ang Magaling at Matagumpay na mga Pilipino

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Sa modyul na ito ay matutuhan mo ang pagpapahalaga sa mga magagaling at matatagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan ng pagmomodelo ng kanilang tagumpay, pahalagahan ang kuwento ng kanilang sakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan at pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa pagtatagumpay ng mga Pilipino.

Maraming mga magagaling at matatagumpay na mga Pilipino ang kilala sa iba’t ibang larangan. Bawat isa sa kanila ay maituturing na modelo ng ating bansa dahil sa kanilang angking talento. Nagkaroon din sila ng maraming kwento ng pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan na dapat mong pahalagahan. Ilan sa kanila ay mahusay sa larangan ng sining, isports, at akademya. Ang mga frontliners, sundalo, at mga Overseas Filipino Workers (OFW) naman ay handang ibuwis ang buhay alang-alang sa kaunlaran at kaligtasan ng bayan.

Tunay na katangi-tangi ang maraming Pilipino at dapat lamang na sila ay hangaan at tularan dahil ang mga sakripisyo at mabubuting katangian na ito ang siyang susi sa pagtatagumpay.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na makapagpapakita ng pagpapahalaga sa mga magagaling at matatagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan nang:

6.1 pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay;

6.2 kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan; at

6.3 pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa Pagtatagumpay ng mga Pilipino. (EsPPPP-IIIc-d-35)

1 CO_Q3_EsP6 _ Module 1

Subukin

[illustration: pencil]

I. Panuto: Basahin at kilalanin ang mga Pilipinong tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papael ang titik ng iyong sagot.

  1. Sino ang kauna-unahang taga-Timog Silangang Asya na tumanggap ng International Children Peace Prize Award noong 2012?
    a. Kesz Valdez
    b. Sarah Geronimo
    c. Andrea Brillantes


  2. Sino ang itinanghal bilang kauna-unahang Pilipinang nagkamit ng Laurence Olivier Award dahil sa kanyang kahusayan sa pag-awit?
    a. Lea Salonga
    b. Sarah Geronimo
    c. Regine Velasquez


  3. Sino ang nagkamit ng 8 Division World Champion sa larangan ng boksing?
    a. Johnriel Casimero
    b. Manny Paquiao
    c. Nonito Donaire


  4. Sino ang kauna-unahang babaeng naging pangulo ng Pilipinas?
    a. Gloria Macapagal Arroyo
    b. Corazon Aquino
    c. Imelda Marcos


  5. Sino ang Pilipinong kinilala sa larangan ng billiards?
    a. Warren Kiamco
    b. Efren Bata Reyes
    c. Mark Pingris


2 CO_Q3_EsP6 _ Module 1

II. Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa ibaba. Tukuyin ang mga magagandang katangian na ipinapakita sa bawat teksto. Isulat sa sagutang papael ang titik ng iyong sagot.

  1. Araw-araw ang pag-eensayo ni Hidilyn Diaz sa weight lifting upang makamit ang gintong medalya sa Asian Games noong 2018.
    a. Masipag
    b. Matulungin
    c. Matiyaga


  2. Mula sa kanyang kabataan, tumutulong na si Ronald Callao sa kanyang mga magulang sa pagnenegosyo. Namulat siya sa pagnenegosyo sa karinderya ng kanyang ina. Naitatag niya ang negosyong Food cart na Kanin Boy na ngayon ay may 25 sangay na.
    a. Masipag
    b. Matulungin
    c. Matiyaga


  3. Maagang pumasok sa paaralang pampubliko si Librada. Nagpakita siya ng kasipagan sa pag-aaral. Pinagsumikapan niyang pag-aralan ang matematika, heyograpiya, wikang Espanyol, maging ang wikang Ingles. Noong 1889, ipinasa niya ang pagsusulit sa pagiging guro ng elementarya. Noong 1907, itinatag nila ng kanyang kaibigan na sina Carmen De Luna at Fernando Salas ang Centro Escolar de Señoritas na kilalang pioneer sa makabagong edukasyon para sa mga kababaihan. Kilala na ang paaralang ito ngayon bilang Centro Esscolar University.
    a. Magalang
    b. Matalino
    c. Responsible


  4. Patuloy ang pag-eensayo ni Manny Pacquiao sa pagboboksing kahit na siya ay isa nang senador. Maliban sa paglilingkod sa bayan gusto niya ring magbigay ng karangalan sa ating bansa sa larangan ng boksing.
    a. Makabayan
    b. Matapang
    c. Matulungin


  5. Mahirap ang buhay na kinalakihan ni Kesz kaya’t kahit bata pa ay namuhay na siya sa pamamagitan ng pangangalakal ng basura.
    a. Makabayan
    b. Magalang
    c. Masipag


3 CO_Q3_EsP6 _ Module 1

III. Panuto: Ang mga sumusunod ay mga sakripisyo at mabubuting katangian ng mga magagaling at matatagumpay na Pilipino. Paano mo pahahalagahan ang mga ito? Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

a. Sundin ang ipinatutupad na patakaran ng pamahalaan na manatili sa bahay kung walang mahalagang pupuntahan upang maging ligtas sa nakahahawang sakit.

b. Ipagmalaki sa mga kaibigan o kakilala na ang mga Pilipino ay may kakayahan na sumali sa kompetesiyon sa ibang lahi sa larangan ng gymnastics.

c. Tularan ang pagiging matiyaga ng mga atletang Pilipino. Dapat isaisip na hindi hadlang ang kahirapan o kawalan ng kagamitan upang makamit ang tagumpay.

d. Magkaisa sa layunin ng pamahalaan tungo sa kapayapaan at pagkakaisa. Mag-aral nang mabuti at maging magalang sa karapatan ng iba.

e. Igalang ang watawat ng Pilipinas dahil ito ang simbolo ng ating bansa. Ipagmalaki ang kasaysayan ng Pilipinas at ipagtanggol ang bansa laban sa mananakop gaya ng ginawa ng ating mga bayani.

  1. Nagsasanay araw-araw ang atletang si Yulo upang makuha ang gintong medalya sa larangan ng gymnastics.


  2. Ipinaglaban ng mga bayani ang Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop ng bansa.


  3. Matiyagang nagsasanay gamit ang mga improvised na kagamitan, sa mga parke at kalsada si Margielyn Didal dahil sa minimithing panalo sa larangan ng Roller Sports.


  4. Walang atubiling ginagampanan ng mga doktor ang kanilang tungkuling manggamot sa mga Pilipinong may sakit kahit maaring makahawa tulad ng Covid.


  5. Buwis-buhay na ipinaglalaban ng mga sundalo ang kapayapaan ng bansa.


4 CO_Q3_EsP6 _ Module 1

Aralin 1 Ang Magaling at Matagumpay na mga Pilipino

Maraming Pilipino ang nagtataglay ng mga katangi-tanging talento na hinangaan ng buong mundo. Ang angking kahusayan at kasipagan ang nagdala sa kanila sa tagumpay na nakapagbibigay ng inspirasyon sa ating lahat.

Halina’t ating tuklasin kung bakit dapat hangaan at tularan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino.

Balikan

[illustration: a family seated at a dinner table, with speech bubbles]

Speech bubbles, as printed:

  • “Sang-ayon po ako, masaya po iyon!”
  • “Salo-salo kasama ang iyong mga kaibigan gusto mo?”
  • “Bert anak, may naisip ka bang plano para sa darating mong kaarawan?”
  • “Wala pa po itay, may suhestiyon po ba kayo ni nanay?”
  • “Opo Inay, Sige po!”

Sagutin:

  1. Ano ang pinag-uusapan ng pamilya?
  2. Ano ang pinapahiwatig ng katagang “po” sa kanilang pag-uusap?
  3. Sa iyong palagay, ang pagiging magalang ba ay isang magandang katangian na dapat tularan ng isang batang katulad mo?
Tuklasin

Panuto: Basahin nang mabuti ang balita. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong na matatagpuan sa ilalim ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tamis ng Tagumpay

Ang buhay ay sadyang mahiwaga at puno ng sorpresa. Isang pagpapatunay ito sa pangyayari sa buhay ng kauna-unahang taga-Timog Silangang Asya na tumanggap ng International Children Peace Prize Award na si Cris “Kesz” Valdez.

Ipinanganak siya at lumaki sa tambakan ng basura o landfill. Mahirap ang kanilang buhay kaya bagaman bata ay namuhay sa pamamagitan ng pangangalakal ng basura. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral.

Isang gabi, nang malagay sa peligro ang kaniyang buhay matapos siyang mahulog sa nasusunog na basura sa dumpsite, humingi ng tulong ang kanyang ina sa isang guro, iniwan siya ng kanyang ina upang doon ay maalagaan. Kalaunan ay inampon na siya ni Harnim Manalaysay.

Sa kabila ng mga paghihirap hindi siya pinanghinaan ng loob, bagkus, nagsilbi itong inspirasiyon kay Kesz ang mga taong tumulong sa kanya. Nilayon niyang makatulong sa mga bata sa lansangan ng Cavite na dumanas din ng hirap. Tinulungan niya silang mangarap ng magandang buhay.

Nang sumapit ang kaniyang ika-pitong kaarawan, mas pinili niyang siya ang magbigay sa iba. Tinawag niya ang kaniyang proyekto na “Hope Gifts.” Ito ay mga regalong naglalaman ng mga gamit na panlinis sa katawan na makatulong sa pag-iwas sa mga sakit. Namigay din siya ng tsinelas at mga libro sa mga batang lansangan.

Dahil sa kaniyang “Hope Gifts” nakilala siya at naparangalan.

Mga Tanong:

  1. Sino si Kesz Valdez?




  2. Bakit siya pinarangalan noong 2012?




  3. Bakit siya naging kakaiba sa mga batang kasing-edad niya?




  4. Ano-ano ang mga katangian ni Kesz Valdez na naging dahilan upang siya’y maging matagumpay?




  5. Ano ang mga katangiang nais mong gayahin kay Kesz? Bakit?




Suriin

Bawat tao ay may potensiyal na malinang ang mga natatanging katangian na makatutulong sa kaniyang pag-unlad sa iba’t ibang larangan. Ang mga katangi-tanging angking galing at husay ay maaring ipamalas at magsisilbing inspirasiyon sa ibang tao. May mga katangi-tanging Pilipino na nararapat lamang na hangaan at gawing modelo dahil sa kanilang narating sa buhay. Sila ay naging matagumpay at kinilala sa kanilang napiling larangan.

Tunghayan ang ilang mga katangian nila na naging susi sa kanilang tagumpay.

[chart: four-quadrant diagram; Susi sa Tagumpay]

  • KAHUSAYAN: Ito ay isang kakayahan na makagawa o makabuo ng isang bagay o ninanais sa mataas na kalidad.
  • KASIPAGAN: Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
  • LAKAS NG LOOB: Ito ay pagiging matapang at matatag sa pagharap sa mga suliranin o pagsubok sa buhay.
  • DEDIKASYON: Ito ay ang pagsisikap na maabot ang isang bagay o pangarap na may pamantayan.
  • Center: Susi sa Tagumpay

Ang kahusayan, kasipagan, lakas ng loob, at dedikasyon ay susi sa tagumpay na magdudulot ng katuparan o kaganapan ng anomang plano, balak at layunin. Ito ay ang mga katangi-tanging katangian na nararapat taglayin upang makamtan ang mga mithiin at mga hangarin sa buhay.

Ang lakas ng loob at dedikasiyon lalo’t higit ang kahusayan at kasipagan ay ang mga katangi-tanging susi sa tagumpay ng mga Pilipino.

Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Kilalanin ang magaling at matagumpay na Pilipino. Pumili ng isa at sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap na maglalarawan kung paano sila naging matagumpay.

Leonardo S. Sarao Sr. Corazon C. Aquino Maria (Wang-od) Oggay Leah Salonga Josette T. Biyo Hidilyn F. Diaz Manny Pacquiao











Gawain 2

Panuto: Balikan ang kuwento ng buhay ni Kesv Valdez. Itala sa matrix ang mga katangian, sakripisyo, at maari mong magawa upang matularan siya. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Katangi-tanging PilipinoMabubuting KatangianMga SakripisyoPaano Mo Pahahalagahan ang mga Sakripisyo Niya
Cris “Kesv” Valdez
Isaisip

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano-ano ang mga katangian ng mga magaling at matagumpay na Pilipino?





  2. Paano nakamit ng mga magaling at matagumpay na mga Pilipino ang kanilang tagumpay?





  3. Nais mo bang maging matagumpay katulad nila? Bakit?





  4. Ano-ano sa palagay mo ang mga katangian na dapat taglayin ng isang batang katulad mo upang maging matagumpay?





  5. Paano mo maipapakita ang paghanga at pagmamalaki sa kanilang mga katangian at tagumpay?





Emmanuel “Manny” Pacquiao

Si Manny Pacquiao ay itinuturing na isa sa mga greatest boxers of all time sa buong mundo. Ang tagumpay ni Manny ay nagsimula sa mahirap na paraan. Sa edad na 14, lakas-loob siyang nakipagsapalaran sa Maynila upang maghanap ng trabaho. Nagsanay din siya sa paglalaro ng boksing at sumali sa mga laban. Hindi siya nakalimot na magdasal sa Maykapal bago magsimula ang kanyang laban sa boksing. Maraming beses na siyang nanalo at naging matagumpay na sa larangan ng boksing ngunit gusto pa rin niyang makatapos sa pag- aaral. Kumuha siya ng High School Equivalency Exam, isang kwalipikasiyon upang makapagkolehiyo. Talagang masipag at mapursige si Manny sa kanyang mga pangarap. Ngayon, si Manny Pacquiao ay isa na sa mga pinakamayaman at matagumpay na boksingero.

Socorro Cantio Ramos

Si Socorro Cantio Ramos, o mas kilala bilang nanay Coring sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak, ay isinilang noong 23-Setyembre 1923 sa Sta. Cruz Laguna.

Kahirapan sa buhay ang naging dahilan ni Socorro upang maging isang “working student” habang siya ay nag-aaral sa Arellano High School. Kung bakasyon kasama niya ang mga kapatid na babae na nagtrabaho sa pagawaan ng Bubble Gum bilang taga-balot. Nagtrabaho rin siya sa pagawaan ng sigarilyo.

Noong 1940 sa edad na 18, nagtrabaho si Ramos bilang tindera sa isang tindahan ng aklat ng kaniyang nakatatandang kapatid. Dahil sa kaniyang husay sa pag-iingganyo sa mga mamimili ginawa siyang tagapamahala ng tindahan kalaunan.

Nang mapangasawa niya si Jose Ramos nagkaroon siya ng lakas ng loob na simulan ang isang maliit na tindahan sa Escolta at nagbenta ng mga kalakal, nobela, at mga aklat. Simula noong 1942, pinangalanan nila ang kanilang munting tindahan na National Bookstore. Sa kasalukuyan, ito ay isa nang malaki, kinikilala at matagumpay na bookstore.

Isagawa

Panuto: Basahin ang kwento sa loob ng kahon at kopyahin sa sagutang papel ang mga katangian nais mong tularan upang magtagumpay sa buhay.

Tayahin

Panuto: Basahin ang teksto ng mabuti at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

Mga Tanong:

I. Ano ang mga katangian meron si Socorro Ramos ayon sa mga sumusunod na pahayag?

  1. “Tuwing bakasyon kasama ang mga kapatid na babae siya ay nagtatrabaho sa pagawaan ng Bubble Gum bilang taga balot…”
    A. Matiyaga
    B. Masipag
    C. Mapagkumbaba


  2. “Dahil sa kanyang husay sa pag-iingganyo sa mga mamimili ginawa siyang tagapamahala ng tindahan kalaunan.”
    A. Mahusay
    B. Masayahin
    C. Masipag


  3. “Kahirapan sa buhay ang naging dahilan ni Socorro upang maging isang ‘working student’“
    A. Matiyaga
    B. Maipag
    C. Mahusay


  4. Alin sa mga sumusunod ang sakripisyong nagawa ni Socorro Ramos upang maabot ang kanyang pangarap?
    A. Naging working student habang nag aaral sa Arellano High School
    B. Naging matagumpay sa negosyo
    C. Napangasawa niya si Jose Ramos


  5. Sa anong larangan kinilalang matagumpay na Pilipino si Socorro Ramos?
    A. Sa larangang ng Medisina
    B. Sa larangan ng Akademika
    C. Sa larangan ng Negosyo


II. Panuto: Ang nasa Hanay A ay ang kuwento ng pagsasakripisyo para sa bayan ng magagaling at matatagumpay na Pilipino. Paano mo ito pahahalagahan? Hanapin ang tamang sagot sa Hanay B at isulat sa sagutang papel ang titik lamang.

Hanay AHanay B
1. Araw- araw nagsasanay ang mga atletang Pinoy upang magbigay ng karangalan sa bayan at magtagumpay sa buhay.A. Tandaan ang kasabihang “Ang kabataan ang pag- asa ng bayan” kaya mag- aral ng mabuti.
2. Masipag mag- aral si Dr. Jose Rizal. Naging manggagamot at manunulat siya. Siya ay makabansa at nagbuwis ng buhay para sa bayan.B. Gumawa ng mga makabuluhang bagay na makabubuti at makatutulong sa sambayanang Pilipino.
3. Hinarang ni Heneral Gregorio del Pilar ang mga sundalong Amerikano na dadakip kay Pangulong Emilio Aguinaldo. Ito ang naging sanhi ng kanyang kamatayan.C. Maging matapat sa tungkuling protektahan ang pinuno kahit ang katapat nito ay kamatayan.
4. Tiniis ni Marcelo H. Del Pilar ang gutom upang may panggastos siya sa paglilimbag ng mga pahayagang tumutuligsa sa mga pagmamalupit ng mga Espanyol.D. Tularan ang pagiging isport ng iba. Gawing batayan ang kanilang mabubuting katangian tungo sa tagumpay.
5. Araw- araw pumapasok sa ospital si Dra. Palma upang magtrabaho sa kabila ng panganib na dulot ng virus.E. Mangarap na makapaglingkod sa sariling bayan sa pamamagitan ng pagsisilbi sa mga maysakit na kapwa.
Karagdagang Gawain

Panuto: Maraming magkakatulad na katangian ang mga Pilipino na naging susi sa kanilang pagtatagumpay. Maaring may mga tao sa inyong komunidad na nagpakita rin ng mabubuting katangian na maaring maging modelo ng kabataan. Magsagawa ng panayam at isulat sa kuwaderno ang tsart ng mga kinakailangang datos mula sa panayam.

Mga Pilipinong Naging Matagumpay sa Iba’t Ibang LaranganMga KatangianMga Sakripisyo nilaNakamit na Tagumpay

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text is transcribed in upright reading order]

TayahinSuriinBalikanSubukin
I
1. B
2. A
3. A
4. A
5. C
II
1. D
2. A
3. C
4. B
5. D
Maaring may magkakaibang sagot1. Plano para sa darating na kaarawan
2. Paggalang
3. Opo
I.
1. A
2. A
3. B
4. B
5. B
II.
6. C
7. A
8. B
9. A
10. C
III.
11. B
12. E
13. C
14. A
15. D

Sanggunian

Ylarde, Zenaida R and Peralta, Gloria A. 2016. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon. Edited by Gloria A. Peralta. Quezon City, Metro Manila: Vibal Group Inc.

Mga website:

2012 – Kesz Valdez (13), Philippines. (n.d.). KidsRights Foundation. https://kidsrights.org/advocacy/international-childrens-peace-prize/winners/kesz-valdez/?fbclid=IwAR0fr8b0vkXdIpIUn_cg2pphIJz0DmIhSriDUfnJTtxHRYHSgIbFZ_RdbHQ

Manny Pacquiao. (n.d.). champinon.info. https://champinon.info/boxing/manny-pacquiao/?fbclid=IwAR25eB3EqRs3vWsnfznM_1C9KsDdGWJGelHnq3XWjRRI0nrYje0rNPWFAE4#close

Socorro Cancio-Ramos. (n.d.). Arellano High School Inspiring Lifestories. https://arellanohighschoolalumni.weebly.com/socorroramos.html?fbclid=IwAR0wWtjx6JjRRTsi-1OKki60xjwoZxDtPA6AJrUC-J4_ser-Q-8fQfopBIk

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district