This is the self-learning module for Araling Panlipunan, Grade 6 (Ikaanim na Baitang), Quarter 4, Module 3: “Pagtatanggol at Pagpapanatili sa Karapatang Pantao at Demokratikong Pamamahala” (defending and upholding human rights and democratic governance). It was prepared for learning at home under DepEd’s Alternative Delivery Mode by the Schools Division of Sagay City, DepEd Region VI (Western Visayas). Learners study the human rights abuses Filipinos suffered under Martial Law, the peaceful People Power I revolution, and how democracy was restored after 1986.
What learners will learn
After the module, learners are expected to:
- Discuss the human rights violations that Filipinos experienced.
- Express their feelings about People Power I.
- Value the defense and upholding of human rights and democratic governance.
Parts of the module
The module has one lesson (Aralin 1), which shares the module’s title. It follows the usual DepEd self-learning module parts:
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Marks five statements about People Power I with a check (true) or x (false) |
| Balikan (review) | Writes TAMA (true) or MALI (false) for five statements, such as whether People Power I was bloody |
| Tuklasin (discover) | Sings “Bayan Ko” by Freddie Aguilar and reflects on its message and why a nation’s freedom matters |
| Suriin (discussion) | Reads about the restoration of democracy after EDSA |
| Pagyamanin (practice) | Reads a dialogue between Tatay Jose and his son Angelo and answers two questions |
| Isaisip (key points) | Reviews a summary of the lesson |
| Isagawa (application) | Completes a chart on human rights violations |
| Tayahin (assessment) | Writes an essay |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Writes a reflection journal |
Key ideas: People Power I and human rights
The People Power Revolution of 1986, also called the EDSA Revolution or EDSA I (Himagsikan ng Lakas ng Bayan), was a peaceful demonstration that lasted four days, from February 22 to February 25, 1986. It grew out of a series of protests against the dictatorship of Ferdinand Marcos. Civilians, soldiers, and church people took part. Other countries admired it because Filipinos showed that change can be won through unity and without violence. The module calls EDSA a symbol of unity for one goal: change for the good of the people.
The module says human rights violations were one reason the Marcos government fell. People who dared to oppose Marcos suffered abuses such as electrocution and being made to sit on blocks of ice. Other violations the module lists are:
- Suspension of the writ of habeas corpus, which allowed people to be jailed without trial
- Suppression of freedom of the press
- Rape
- Extrajudicial killings
Key ideas: Restoring democracy after EDSA
After People Power I, the new leaders worked to strengthen democracy and bring back the rule of law, justice, and democratic life. The module traces these steps under President Corazon Aquino:
- March 25, 1986: Proclamation No. 3 declared a national policy known as the Freedom Constitution. It aimed to carry out the reforms the people demanded, protect their basic rights, adopt a provisional constitution, and ensure an orderly transition to a government under a new constitution.
- Proclamation No. 9: created the Constitutional Commission (ConCom) to draft a new constitution to replace the 1973 Constitution. Aquino appointed 50 members, including former Chief Justice Roberto Concepcion, a Catholic bishop, and film director Lino Brocka. The commission elected Cecilia Muñoz-Palma as its president.
- Debates: hot issues included the form of government, abolishing the death penalty, keeping US military bases at Clark and Subic, and economic policies in the constitution.
- October 12 and 15, 1986: the ConCom finished its work and submitted the draft to President Aquino.
- February 2, 1987: a plebiscite was held. About 76.37% of voters (17,059,495) approved the constitution, and 22.65% (5,058,714) voted against it.
- February 11, 1987: the new constitution was proclaimed ratified, and government officials and the Armed Forces swore allegiance to it.
The new government also promoted human rights, launched campaigns against crime and rebellion, and worked on the long-neglected economy. Since 1986, programs on jobs, land reform, and industrialization have been priorities.
In the Pagyamanin dialogue, Tatay Jose compares the community quarantine during the pandemic with life under Martial Law, then explains that the spirit of EDSA lives on in the unity and bayanihan (community cooperation) Filipinos show when facing disasters and the pandemic.
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest, then work through each part in order. Write all answers on separate paper, not on the module, so others can use it. Contact your teacher if any part is hard to understand.
- Parents and guardians: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers Subukin and Balikan; Pagyamanin and Isagawa answers may vary. Encourage your child to answer honestly before checking.
- Teachers: The Tayahin essay is scored on content (45%), relevance to the theme (30%), and use of words (25%). The reflection journal on the good effects of Filipino unity uses a rubric for information, reactions or opinions, and illustrations or examples.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is Araling Panlipunan for Grade 6, Quarter 4, Module 3, first edition 2020, prepared by the Schools Division of Sagay City in DepEd Region VI.
What is People Power I according to the module?
It was a peaceful four-day demonstration from February 22 to 25, 1986, against the dictatorship of Ferdinand Marcos, joined by civilians, soldiers, and church people.
What human rights violations under Marcos does the module mention?
It lists torture such as electrocution and sitting on ice blocks, suspension of the writ of habeas corpus, suppression of press freedom, rape, and extrajudicial killings.
Does the module have an answer key?
Yes. It gives answers for the Subukin pretest and the Balikan review, and notes that answers to Pagyamanin and Isagawa may vary. The essay and reflection journal are scored with rubrics.
When was the 1987 Constitution ratified?
A plebiscite was held on February 2, 1987, with about 76.37% voting in favor, and the constitution was proclaimed ratified on February 11, 1987.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Pagtatanggol at Pagpapanatili sa Karapatang Pantao at Demokratikong Pamamahala
[illustration: students reading and writing outdoors and at a table, a teacher with a student, and a globe]
PAG-ARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q4_AP 6_ Module 3
Araling Panlipunan- Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Quarter 4 – Module 3: Pagtatanggol at Pagpapanatili sa Karapatang Pantao at Demokratikong Pamamahala First Edition, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Secretary: Leonor Magtolis Briones Undersecretary: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
| Tungkulin | Pangalan | Pangalan |
|---|---|---|
| Manunulat: | Jozel G. Monotilla | |
| Tagaguhit: | Jennelyn A. Magbanua | |
| Editor: | Ma. Analyn T. Villamor Joy B. Fernandez | Ryan C. Alvarez Rizza Mae E. Flores |
| Tagasuri: | Jordan T. Beleganio Bella P. Balandra | Mayo P. Villamor Analee B. ALingco |
| Tagalapat: | Mayo P. Villamor Cherry Ann R. Varon | Joeval P. Romelo |
| Tagapamahala: | Ramir B. Uytico Pedro T. Escobarte, Jr. Elena D. Gonzaga Donald T. Genine Celestino Dalumpines IV Mary Hazel Vivien Pineda | Arlene G. Bermejo Ruby Therese P. Almencion Nenita P. Gamao Jordan T. Beleganio Marlon C. Dublin |
Printed in the Philippines by _____
Department of Education – Region VI- Western Visayas Office Address: Schools Division of Sagay City, Quezon St., Brgy. Poblacion 1, Sagay City, Neg.Occ. 6122 Telefax: (034) 488-0415; 488-0416 E-mail Address: sagay.city001@deped.gov.ph
Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Pagtatanggol at Pagpapanatili sa Karapatang Pantao at Demokratikong Pamamahala
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target with an arrow]
Karapatang pantao, marahil narinig mo na ang salitang ito. Alam mo bang maraming paglabag sa karapatang pantao ang naranasan ng mga Pilipino sa panahong ng Martial Law.
Ano nga ba ang tinatawag na Karapatang pantao? Ano ang mga naging hakbang ng pamahalaan pagkatapos ng People Power I upang mapahalagahan at mapanatili ang karapatang pantao at demokratikong pamamahala?
Sa modyul na ito napahahalagahan ang pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala.
Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makakagawa ng mga sumusunod:
- Natatalakay ang mga nangyaring paglabag sa karapatang pantao ng mga Pilipino.
- Maipahayag ang iyong damdamin tungkol sa People Power I.
- Mabigyang halaga ang pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala.
Subukin
[illustration: pencil icon]
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang √ kung tama ang ipinahahayag na kaisipan at x naman kung ito ay mali.
_____1. Nagbigay daan sa People Power I ang mga paglabag sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino.
_____2. Naging marahas ang naganap na demonstrasyon laban sa pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Marcos.
_____3. Marami ang nakilahok sa People Power I o Rebolusyon sa EDSA.
_____4. Naging matagumpay ang mapayapang demonstrasyon sa pagkamit ng inaasam-asam na kalayaan.
_____5. Marami ang humanga sa ipinakitang pagkakaisa ng mga Pilipino.
Aralin 1
Pagtatanggol at Pagpapanatili sa Karapatang Pantao at Demokratikong Pamamahala
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan, na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 o “People Power I” ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang katapangan at pagkakaisa sa demokratikong pamamaraan upang makamit ang inaasam-asam na demokrasya at katarungan.
Balikan
[illustration: puzzle-piece icon]
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI naman kung kabaliktaran.
_____1. Isa sa mga nagpasimuno ng People Power I si Fidel V. Ramos.
_____2. Naging madugo ang People Power I.
_____3. Pagkakaisa ang susi ng tagumpay ng People Power I.
_____4. Malaki ang ambag ng simbahan sa tagumpay ng People Power I.
_____5. Isa sa mga pangyayaring nagtulak upang magkaroon ng People Power I ay ang pagpatay kay Ninoy Aquino.
Tuklasin
[illustration: leaf sprouting from soil icon]
Bayan Ko
Freddie Aguilar
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang ‘di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang ‘di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya…
Awitin ang kantang “Ang Bayan Ko”. Nagustuhan mo ba ang kanta? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kanta? Bakit mahalaga ang kalayaan ng isang bansa?
Suriin
Matapos ang People Power sa EDSA, hinarap naman ng mga sumunod na pangasiwaan ang pagpapatatag ng demokrasya sa bansa. Taglay ang aral mula sa dalawang dekada ng pamahalaang Marcos, tiniyak ng sumunod na mga pangulo na iiral muli ang batas, katarungan, at demokratikong pamumuhay sa Pilipinas.
Hindi naging madali sa simula ang panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino. Ang pagbagsak ng pamahalaang diktatoryal ay simula pa lamang ng mas masalimuot na proseso ng pagbangon at pagbabago sa bansa. Kasunod ng Himagsikang People Power I na nagpatalsik kay Ferdinand Marcos at kasunod ng kaniyang inagurasyon, si Pangulong Corazon Aquino ay nagpahayag ng Prokalamasyon Blg. 3 noong Marso 25, 1986 na nagdedeklara ng pambansang patakaran (Freedom Constitution) upang ipatupad ang mga repormang minandato ng mga tao, magprotetka ng kanilang mga pangunahing karapatan, pagtanggap ng isang pansamantalang saligang batas, at pagbibigay ng maayos na salin sa isang pamahalaang nasa ilalim ng bagong saligang batas. Kalaunan ay nag-isyu si Pangulong Corazon Aquino ng Proklamasyon Blg. 9 na lumilikha ng isang komisyong konstitusyonal (na pinaikling “ConCom”) upang ibalangkas ang isang bagong saligang batas na magpapalit sa Saligang Batas ng 1973 na ipinatupad noong panahon ng batas militar sa ilalim ni Marcos. Humirang si Aquino ng 50 kasapi sa komisyon. Ang mga kasaping ito ay hinugot mula sa iba’t ibang mga karanasan kabilang ang ilang mga dating kongresista, dating hepeng hustisya ng Korte Suprema ng Pilipinas na si Roberto Concepcion, isang obispong Katoliko at direktor ng pelikulang si Lino Brocka. Si Aquino ay sadyang humirang din ng 5 kasapi nito kabilang ang dating Ministro ng Empleyo na si Blas Ople na dating kaalyado ni Marcos hanggang sa pagpapatalsik dito. Pagkatapos magtipon ang komisyon, hinalal nitong pangulo si Cecilia Muñoz-Palma na umahon bilang pangunahing pigura sa oposisyong laban kay Marcos kasunod ng pagreretiro ni Muñoz-Palma bilang unang babaeng kasamang mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas.
Tinapos ng komisyon ang burador ng dokumento sa loob ng apat na buwan matapos itong magtipon. Ang ilan sa mga isyu ay mainit na pinagdebatehan sa mga sesyon kabilang ang anyo ng pamahalaan na kukunin, pagbuwag ng parusang kamatayan, ang patuloy na pagpapanatili
ng base militar ng Estados Unidos sa Clark at Subic, at ang integrasyon ng mga patakarang pang-ekonomika sa saligang batas. Nakumpleto ng ConCom ang trabaho nito noong 12 Oktubre 1986 at inihain ang burador ng Saligang Batas kay Pangulong Corazon Aquino noong 15 Oktubre 1986. Pagkatapos ng yugto ng pambansang pangangampanya ng impormasyon, ang isang plebisito para sa pagpapatibay nito ay isinagawa noong 2 Pebrero 1987. Higit sa 3/4 o 76.37% ng mga botante (17,059,495 botante) ang bumoto ng pabor dito at 22.65% (5,058,714 botante) ang bumoto ng laban sa pagpapatibay nito. Noong 11 Pebrero 1987, ang bagong konstitusyon ay prinoklamang napagtibay at pinatupad. Sa parehong araw, si Pangulong Corazon Aquino, ang mga iba pang opisyal ng pamahalaan at Pwersang Sandatahan ng Pilipinas ay sumumpa ng katapatan sa saligang batas.
Matatandaan na ang paglabag sa karapatan ang isang salik na nagpabagsak sa pamamahala ni Pangulong Marcos. Ang mga taong naghahamak bumangga kay Marcos noon ay dumanas ng karumal-dumal na pang-aabuso at pananakit, tulad ng pangunguryente, pagpapa-upo sa bloke ng yelo at iba pa. Ang pag suspinde ng Writ of habeas corpus o ang pagkulong sa tao na walang paglilitis, pagsupil sa malayang pamamahayag o freedom of press, panggagahasa at extra judicial killings ay iilan lamang sa mga nilabag na karapatang pantao noong panahon ni Pangulong Marcos.
Kabilang sa naging pangkalahatang patakaran ng bagong demokratikong pamahalaan ang pagsulong sa karapatang pantao ng mga Pilipino. Tiniyak din na magiging mapayapa ang bansa sa pamamagitan ng paglulunsad ng kampanya laban sa krimen at rebelyon. Hinarap din ang matagal na napabayaaang ekonomiya ng Pilipinas. Mula 1986 hanggang sa kasalukuyan, binigyang priyoridad ang pag- angat ng kabuhayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga trabaho, reporma sa lupa, industrialisasyon, at iba pang programang pangkabuhayan.
Makalipas ang ilang buwang pamamahala ni Pangulong Corazon Aquino ay sadyang masasabing nanumbalik ang demokrasya sa bansa. Sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng mga pangulo mula noong 1986, inaasahan ng mga Pilipino na hindi lamang aangat ang kanilang kabuhayan. Bagkus, umaasa ang marami na ang naturang mga programa ay makatutulong na mapanatili at mapagtibay ang demokrasya sa bansa.
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang seleksiyon/diyalogo at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa papel ang sagot.
[illustration: a woman wearing a face mask standing with a child who also wears a face mask, in a room with curtains, a window, and a vase of flowers on a table]
Tatay Jose: Saan ka pupunta anak? Bakit ka nakabihis?
Angelo: Pupunta po ako kina James itay.
Tatay Jose: Ano ang gagawin mo doon? Hindi mo ba alam na bawal lumabas ngayon ng bahay?
Angelo: Naku naman itay, nababagot na po ako dito. Gusto ko na pong lumabas.
Tatay Jose: Anak, nasa ilalim tayo ng community quarantine dahil sa pandemyang nararanasan natin ngayon. Bawal lumabas kung di naman gaanong importante ang iyong pupuntahan.
Angelo: Para naman po tayong bilanggo itay. Wala na po tayong kalayaan na gawin ang gusto nating gawin.
Tatay Jose: Para din sa ikabubuti natin ito anak, kaya yan ang ginagawa ng ating pamahalaan. Alam mo ba na naranasan ko din yan noon. Hindi lamang ako kundi ng iba ding mga Pilipino. Ang hindi mo magawa ang nais mong gawin. Walang kalayaan.
Angelo: Talaga po itay? Kailan po? Ano po ang nangyari?
Tatay Jose: Oo anak, nung panahon ng “Martial Law”. Maraming mga bagay ang ipinagbawal noon ng pamahalaan. Nagkaroon din ng curfew tulad ng nangyayari ngayon.
Angelo: May pandemya din po ba noong mga panahong iyon?
Tatay Jose: Wala anak, naging mahigpit lang ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos. Maraming Pilipino ang nakaranas ng pang aabuso na umabot na sa paglabag ng mga karapatang pantao nga mga Pilipino. Ito ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng People Power?
Angelo: People Power po? Ano po yun?
Tatay Jose: Ang People Power o EDSA I ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan.
Angelo: Di po ba kapag may mga demonstrasyon ito ay magulo, may mga karahasang nangyayari? Pero bakit po sabi niyo po ito ay mapayapa?
Tatay Jose: Tama yan anak. Ito ay mapayapang demonstrasyon. Kaya nga ang kaganapang ito sa ating bansa ay lubos na hinangaan ng ibang bansa. Dahil dito napatunayan na kapag may pagkakaisa sa mamamayan walang imposible at hindi lahat ay nadadaan sa dahas. Ipinakita natin sa buong mundo ang kakayahan ng mga Pilipinong magsagawa ng pagbabago sa mapayapang paraan. Ang EDSA ay simbolo ng pagkakaisa para sa iisang layunin at ito ay ang pagbabago para sa kabutihan ng sambayanan.
Angelo: Talaga po itay?
Tatay Jose: Oo anak, importante ang pagkakaisa. Dahil sa nangyaring People Power, naging malaya tayo sa diktaturyang pamamahala ni Marcos. Bumalik ang demokrasya at nabigyang halaga ang karapatang pantao ng bawat Pilipino.
Angelo: Sobra pa po pala ang naranasan ng mga Pilipino noon kaysa sa mga nangyayari sa atin ngayon itay.
Tatay Jose: Oo anak. Pero alam mo ba na hindi lang doon nagtatapos ang kasaysayan ng EDSA sa buhay nating mga Pilipino?
Angelo: Ano po ang ibig ninyong sabihin itay?
Tatay Jose: Ang nararanasan natin ngayong pandemya at kalamidad ay patunay lamang na buhay ang diwa ng EDSA I sa bawat Pilipino. Makikita ang pagkakaisa at bayanihan ng bawat Pilipino sa pagharap ng mga suliranin. Patuloy na pinakikinggan ng gobyerno ang mga hinaing lalo na ng mga mahihirap. Sinisikap din ng gobyerno na masolusyonan at matugonan ang mga pangagailangan ng mga mamamayan.
Angelo: Tulad po ng nangyari sa People Power I, dapat po tayong magkaisa para matagumpay nating malabanan ang pandemyang nararanasan natin ngayon. Ang pagtulong sa kapwa natin na apektado ng kalamidad na naranasan natin ay patunay lamang na tayo ay may malasakit sa ating kapwa. Lubos na kailangan ng ating pamahalaan ang ating tulong. At muli, patutunayan natin na kaya nating harapin ang problemang ito dahil tayo ay nagkakaisa.
Tatay Jose: Naku! Tama yan anak. Salamat at naiitindihan mo na.
Mga tanong:
Bakit tinaguriang mapayapang demonstrasyong ang EDSA People Power I? Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Batay sa nabasang diyalogo, ano-ano ang mga pangyayaring naganap sa EDSA I? Paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino ang mga pangyayaring ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Isaisip
Ang People Power o EDSA I ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon.
Ang mga taong nagha-hamak bumangga kay Marcos noon ay dumanas ng karumal-dumal na pang-aabuso at pananakit, tulad ng pangunguryente, pagpapa-upo sa bloke ng yelo at iba pa. Ang pag suspinde ng Writ of habeas corpus o ang pagkulong sa tao na walang paglilitis, pagsupil sa malayang pamamahayag o freedom of press, panggagahasa at extra judicial killings ay iilan lamang sa mga nilabag na karapatang pantao noong panahon ni Pangulong Marcos.
Ang EDSA ay simbolo ng pagkakaisa para sa iisang layunin at ito ay ang pagbabago para sa kabutihan ng sambayanan.
Matapos ang People Power sa EDSA, hinarap naman ng mga sumunod na pangasiwaan ang pagpapatatag ng demokrasya sa bansa. Taglay ang aral mula sa dalawang dekada ng pamahalaang Marcos, tiniyak ng sumunod na mga pangulo na iiral muli ang batas, katarungan, at demokratikong pamumuhay sa Pilipinas.
Mula 1986 hanggang sa kasalukuyan, binigyan ng priyoridad ang pag-angat ng kabuhayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga trabaho, reporma sa lupa, industrialisasyon, at iba pang programang pangkabuhayan.
Isagawa
Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa ibaba upang mabuo ang impormasyong hinahanap. Isulat ang sagot sa papel.
| Mga paglabag sa Karapatang Pantao | Epekto sa buhay ng mga Pilipino | Mga hakbang na dapat gawin upang maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao |
|---|---|---|
| Pang-aabuso at pananakit | ||
| Pagsupil sa malayang pamamahayag | ||
| Pagsuspinde ng Writ of Habeas Corpus | ||
| Extra Judicial Killing | ||
| Panggagahasa sa kababaihan |
Tayahin
- Panuto: Gumawa ng sanaysay na nagpapahayag ng iyong damdamin tungkol sa kahalagan ng pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
| KRAYTIRYA SA PAGSUSULAT NG SANAYSAY | |
|---|---|
| Nilalaman | 45% |
| Kaugnayan sa Tema | 30% |
| Paggamit ng Salita | 25% |
| Kabuuan | 100% |
Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng isang reflection journal sa iyong kwaderno tungkol sa magandang epekto ng pagkakaisa ng mga Pilipino. Gawing batayan ang rubriks sa ibaba.
| Pamantayan | Katangi-tangi 12-15 | Mahusay 11-8 | Kailangan pa ng Dagdag na Pagsasanay 5-7 | Nakuhang Puntos |
|---|---|---|---|---|
| Impormasyon | Tiyak at kompleto ang mga impormasyon | Tiyak ngunit may ilang kulang sa mga impormasyon | Hindi tiyak at maraming kulang sa mga impormasyon | |
| Paglalahad ng mga Reaksiyon o Opinyon | Malinaw at makatwiran ang lahat ng mga reaksiyon o opinyon | Malinaw ngunit hindi makatwiran ang ilang mga reaksiyon o opinyon | May kalabuan ang ibinigay na reaksiyon, opinion at katwiran | |
| Ilustrasyon o Halimbawa | Sapat, angkop, at maayos na naihanay ang mga ilustrasyon at halimbawa upang mabigyang diin ang mga punto | May ilang angkop, na ilustrasyon at halimbawa upang mabigyang diin ang mga punto | Hindi gumamit ng ilustrasyon at halimbawa |
Susi sa Pagwawasto
[illustration: key icon]
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down (rotated 180 degrees) across three columns. The text is transcribed below in reading order.]
Subukin
- /
- x
- /
- /
- /
Balikan
- Mali
- Mali
- Tama
- Tama
- Tama
Pagyamanin
Answers may vary
Isagawa
Answers may vary
Sanggunian
Teofista L.Vivar, PhD., et.al., Pilipinas: Kasaysayan at Pamahalaan, Batayang Aklat sa Unang Taon, (Edisyon 1997),pahina 203-2014
Florencia C. Domingo, PhD., et. al., Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan I (Binagong Edisyon 2010), pahina 233-241
Saligang Batas ng Pilipinas, https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply