How to Create a Safe and Inclusive Learning Environment for LGBTQIA+ Students

Grade 4 Musika Modyul: Pag-awit at Pagkilos sa Tempong Largo at Presto

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Magandang Araw sa iyo!

Ang mga awitin o tugtugin ay maaaring lagyan ng kilos o galaw ayon sa bilis o bagal ng awitin o tugtugin. Maaari ring ilarawan sa pamamagitan ng iba’t ibang kilos ng katawan na naaayon sa daloy ng awitin o tugtugin.

Sa modyul na ito ay malilinang ang iyong kaalaman sa pagunawa mo sa kilos o galaw ayon sa bilis o bagal ng musika.

Layunin ng modyul na ito ang mga sumusunod;

1. Nakatutugon sa tempo ng awitin sa pamamagitan ng naaayon na kilos o galaw.

2. Nakikilala ang mga tempong presto at largo sa isang awitin o tugtugin.

Grade 4 Musika Ikaapat na Markahan Modyul: Pag-awit at Pagkilos sa Tempong Largo at Presto

MUSIC4-Q4-MOD1

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment