This is the Health self-learning module for Grade 2, Quarter 1, Module 1: “Karapatan sa Tamang Nutrisyon” (the right to proper nutrition). It was made for learners studying at home, with help from a parent or guardian. After the module, learners should be able to explain that every child has a right to proper nutrition.
The module is written in Filipino. It was prepared by DepEd Region III as part of its Alternative Delivery Mode (ADM) materials, first edition, 2020.
On this page 6 sections
What learners will learn
- Explain that all children have the right to proper nutrition, based on Article 24 of the UN Convention on the Rights of the Child (H2N-Ia-5)
Key ideas in this module
Every child has a right to good food and health
The lesson starts from a simple idea: good health comes from food. The module notes that many meals served in Filipino homes are not enough, because many families do not know how food affects health.
It quotes a line from an Apo Hiking Society song, “Ang bawat bata sa ating mundo ay may pangalan, may karapatan” (every child in our world has a name, has rights). The point is that every child, even before birth, already has rights. These rights are protected by Philippine law and by the United Nations, and breaking them carries penalties. One of these rights is the right to enough and proper nutrition.
The laws learners should remember
The “Suriin” (examine) part lists the main sources of this right:
| Law | What it says, in simple words |
|---|---|
| UN Convention on the Rights of the Child | All children have the right to health and to proper care from the government. |
| UNCRC Article 24 | Children have the right to the best health services, clean water, nutritious food, and a clean environment so they can stay healthy. |
| Presidential Decree 603 (Child and Youth Welfare Code, 1974) | A Philippine law that shows how much the country values its young people. |
| PD 603, Article 3, Section 4 | Every child has the right to enough food, clothing, shelter, medical care, and all basic needs to live with dignity. |
The module adds that the government officials chosen by the people work to make sure no child is denied health services.
How children respect their right to nutrition
The activities show what respecting this right looks like in daily life:
- Avoid foods with artificial ingredients, such as candy, chips (“sitsirya”), and other foods that can harm a child’s health.
- Choose fruits, vegetables, fish, and meat for protein. Swap chocolate for fruit as dessert.
- Eat enough carbohydrates, protein, vitamins, and minerals. Proper food helps a child grow fast and strong.
- Eat the food your mother prepares, take only what you can finish, and do not secretly throw away vegetables.
- Teach younger siblings to eat healthy food and be a good example to classmates.
- Remember that the right to good nutrition belongs to every child, not only to the rich.
The module sums it up this way: following the right way of choosing healthy food is the key to enjoying the right to proper nutrition.
Parts and activities of the module
- Subukin (pretest): Check or cross six pictures, depending on whether they show healthy eating.
- Aralin 1 and Balikan: Read the lesson, then list five healthy foods a Grade 2 learner should eat.
- Tuklasin: Choose the picture that shows respect for the right to proper nutrition.
- Suriin: Review the laws on children’s right to health and food.
- Pagyamanin, Gawain 1 and 2: With a parent, draw a child who enjoys proper nutrition, then draw 12 foods, color the healthy ones red, and mark the ones to avoid with an X.
- Tayahin 1 and 2: Pick the right word to complete four sentences, then draw a smiling or sad face for five statements.
- Isaisip: Fill in a summary paragraph using the words in the box.
- Isagawa: Make a one-week meal plan, Monday to Friday, for proper nutrition.
- Tayahin (final test): Write “Wasto” (correct) or “Di-wasto” (incorrect) for ten eating habits.
- Karagdagang Gawain: Check or cross five statements about respecting the right to nutrition.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Write all answers in your notebook, not on the module, so other learners can use it too. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Some activities, like Gawain 1, ask for your help. Use the answer key at the end to check answers, and encourage your child to answer honestly before looking.
- Teachers: The answer key covers most activities. The Isagawa meal plan has no fixed answer and is checked by the teacher. The module also reminds teachers that teaching children about proper nutrition and their rights helps keep the community healthy.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Health module for?
It is for Grade 2 Health, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1. It was made by DepEd Region III, first edition, 2020.
What competency does the module cover?
It covers competency H2N-Ia-5: explaining that all children have the right to proper nutrition, based on Article 24 of the UN Convention on the Rights of the Child.
What is Article 24 of the UN Convention on the Rights of the Child?
According to the module, it says children have the right to the best health services, clean water, nutritious food, and a clean environment so they stay healthy.
What is PD 603?
Presidential Decree 603 is the 1974 Child and Youth Welfare Code of the Philippines. Its Article 3, Section 4 says every child has the right to enough food, clothing, shelter, medical care, and other basic needs.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for most activities, while the one-week meal plan in Isagawa is checked by the teacher.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Health Unang Markahan – Modyul 1: Karapatan sa Tamang Nutrisyon
[illustration: teacher and pupils studying outdoors and at a desk, with a globe and a lamp]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_Health 2_ Module 1
Health – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Karapatan sa Tamang Nutrisyon Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | May Bernadeth R. Cuzon |
| Editor: | Amelia F. Bulaong |
| Tagasuri: | Jocelyn DR. Canlas, Neil Omar B. Gamos |
| Tagaguhit: | Mary Rose G. Ga |
| Tagalapat: | Melissa M. Santiago |
| Tagapamahala: | Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas Nestor P. Nuesca, Fatima M. Punongbayan, Arnelia R. Trajano Salvador B. Lozano |
Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telefax : (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Health Unang Markahan – Modyul 1: Karapatan sa Tamang Nutrisyon
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang mailalahad na ang lahat ng bata ay may karapatan sa tamang nutrisyon (Right of the child to nutrition Article 24 of the UN Rights of the Child). (H2N-Ia-5)
Subukin
Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang larawan ay nagpapakita ng sitwasyon hinggil sa tamang pagkain at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
- [illustration: child eating food and holding a drink]
- [illustration: girl eating a snack with a fork]
- [illustration: girl frowning and gesturing “NO” in front of a plate and a glass]
- [illustration: adult and child with a basket of food]
- [illustration: two children eating together at a table]
- [illustration: boy eating from a bag labeled “CHIPS”]
Aralin 1
Karapatan sa Tamang Nutrisyon
Ang kalusugan ay makakamit sa pamamagitan ng pagkain. Gayunpaman, karamihan sa naihahandang pagkain ng mga Pilipino sa kanilang hapag-kainan ay hindi sapat dahil sa kakulangan ng kaalaman sa mga relasyon ng pagkain sa ating kalusugan. Kailangang maintindihan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakamit ng tamang nutrisyon na makakatulong upang makamit ang mabuting pangangatawan.
“Ang bawat bata sa ating mundo ay may pangalan, may karapatan….” Isang linya mula sa awit ng Apo Hiking Society na tumatalakay sa mga karapatan ng isang batang Pilipino. Nais ipaabot ng awitin na lahat ng bata kahit nasa sinapupunan pa lamang ay nagtataglay na ng karapatan at ito ay itinatadhana ng batas hindi lamang ng Pilipinas kundi maging batas mula sa Nagkakaisang Bansa (United Nations). Anumang paglabag ukol dito ay mayroong kaukulang kaparusahan. Isa sa karapatang nabanggit ay ang pagkakaroon ng sapat at tamang nutrisyon ayon nga sa Artikulo 24 ng UN Convention on the Rights of the Child
“Kinikilala ng mga Partido ng Estado ang karapatan ng bata sa kasiyahan ng pinakamataas na makakamit na pamantayan ng kalusugan at sa mga pasilidad para sa paggamot ng sakit at rehabilitasyon ng kalusugan na
nilalaman din ng Presidential Decree 603 na mas kilala bilang 1974 Child and Youth Welfare Code na nagsasaad sa pagpapahalaga ng ating bansa sa kabataan.
Ang mga inihalal ng mamamayan na namamahala sa Estado ay nagsisikap at tinitiyak na walang bata ang naaalisan ng kanyang karapatang makamit ang mga serbisyong pangkalusugan.
Balikan
Panuto: Magtala ng mga halimbawa ng mga masusustansiyang pagkaing nararapat kainin ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
Mga Tala para sa Guro
Ang kaalaman at karapatan sa tamang nutrisyon ay dapat ituro sa bata upang mapanatili ang malusog na komunidad.
Tuklasin
Panuto: Isulat sa kuwaderno ang letra ng larawan na nagpapakita ng paggalang sa karapatan sa tamang nutrisyon.
[illustration: woman offering an ice pop to a child who holds his chin and looks away] A
[illustration: girl offering a glass to a boy who declines a plate of food] B
[illustration: girl with arms crossed and an X sign, refusing candy, chocolate, and soda] A
[illustration: boy and girl sharing fries, with an apple and a lunch box on a table] B
CO_Q1_Health 2_ Module 1
Suriin
Tandaan:
UN Convention on the Rights of the Child – ang lahat ng bata ay may karapatan sa kalusugan at magkaroon ng sapat na kalinga mula sa pamahalaan sa aspeto ng kalusugan.
United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC) Artikulo 24 – May karapatan ang mga bata sa pinakamahusay na kalidad ng serbisyong pangkalusugan at sa malinis na tubig, masustansyang pagkain, at malinis na kapaligiran upang manatili malusog ang mga bata.
Presidential Decree 603 – Child Welfare Act ay mas kilala sa tawag na Child and Youth Welfare Code nang Pilipinas ay isang batas na nagsasaad sa pagpapahalaga ng ating bansa sa kabataan.
PD 603, Artikulo 3, Seksiyon 4 – ang bawat bata ay may karapatan magkaroon ng sapat na pagkain,damit, tirahan, serbisyong medikal at magkaroon ng lahat ng pangunahing pangangailangan upang mabuhay ng marangal.
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Sa tulong ng magulang, iguhit sa kuwaderno ang mga larawan. Lagyan ng tsek (√) ang larawan ng batang nakamit ang karapatan sa tamang nutrisyon.
[illustration: two children; the first, a smiling girl with raised fists and an upward arrow; the second, a boy hunched over holding his stomach, with a downward arrow]
- ________________ 2. ________________
Gawain 2
Panuto: Iguhit sa kuwaderno ang mga sumusunod na larawan. Kulayan ng pula ang larawan ng pagkain nararapat kainin lagyan ng ekis (X) ang mga pagkain dapat iwasan.
[illustration: twelve food drawings: bread and a slice; ice cream cone; pumpkin; cake slice; bottle labeled “GATAS NG KALABAW[?]“; carrot; eggs and bread rolls; fish on a plate; cheese wedge; peanuts; bowl of soup; oranges]
Tayahin 1
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong. Isulat sa iyong kuwaderno ang tamang sagot.
_____1. Makakamit ang wastong nutrisyon sa pamamagitan ng pagkain ng (cotton candy, matatabang pagkain, prutas) at gulay.
_____2. Iwasan ang pagkain ng (gulay, prutas, sitsirya) sapagkat hindi ito makabubuti sa ating kalusugan.
_____3. Ang tamang pagkain ay nakakatulong sa (mabagal, mabilis) na paglaki.
_____4. Ang wastong nutrisyon ay makakamit sa pagkain ng (kulang, sapat) na dami carbohydrates, protina, bitamina at minerals na kailangan ng ating katawan.
Tayahin 2
Panuto: Iguhit sa patlang ang ☺ kung ang pangungusap ay tumutukoy sa pagkamit ng karapatan sa tamang nutrisyon at ☹ kung hindi. Gawin ito sa inyong kuwaderno
_____1. Ang wastong nutrisyon ay napakahalagang elemento sa ating pang-araw-araw na gawain.
_____2. Sa masustansiyang pagkain nanggagaling ang wastong nutrisyon.
_____3. Sa mga organikong prutas at gulay lamang makakakuha ng wastong nutrisyon.
_____4. Ang susi nang pagtalino ay ang pagkakaroon ng wastong nutrisyon.
_____5. Nakatutulong ang pagkain ng sitsirya upang maging malusog ang ating katawan.
Isaisip
Panuto: Piliin sa kahon ang mga salitang dapat tandaan sa ating aralin. Gawin ito sa inyong kuwaderno
[word box: artipisyal, makasama, pagpili, pag- iwas, susi]
Maipakikita ang paggalang sa karapatan sa tamang nutrisyon sa pamamagitan ng (1.) ___________________ sa mga pagkaing nagtataglay ng (2.) ___________________ na sangkap tulad ng candy, sitsirya at ibang pang pagkaing maaaring (3.) ___________________ sa kalusugan ng isang bata. Ang pagsunod sa pamantayan ng tamang (4.) ____________________ ng wastong pagkain ang (5.) ________________ upang makamit ang karapatan sa tamang nutrisyon.
Isagawa
Panuto: Sa iyong kuwaderno. Gumawa ng isang linggong talatakdaan ng mga dapat kainin upang makamit ang tamang nutrisyon.
| Petsa | Lunes | Martes | Miyerkules | Huwebes | Biyernes |
|---|---|---|---|---|---|
Tayahin
Panuto: Isulat ang Wasto kung ito ay nagpapakita ng tamang paggamit ng iyong karapatan, Di-wasto kung mali at di makatwiran ang gawain. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
_____1. Kainin ang inihandang pagkain ng iyong ina.
_____2. Maging mapili at maselan sa prutas at gulay .
_____3. Kumuha lamang ng sapat na pagkain na kaya mong ubusin.
_____4. Itapon nang palihim ang mga gulay na ayaw mong kainin.
_____5. Turuan ang nakababatang kapatid na kumain ng masustansyang pagkain.
_____6. Maging modelo sa iyong mga kamag-aral patungkol sa pagkain ng tama.
_____7. Ugaliing kumain ng isda at mga gulay.
_____8. Para sa panghimagas, palitan ng prutas ang tsokolate.
_____9. Haluan ang iyong diyeta ng karne upang magkaroon ng protina.
_____10. Pasalamatan ang Poong Maykapal at ang iyong magulang sa kanilang inihahandang pagkain sa lamesa.
Karagdagang Gawain
Panuto: Sa iyong kuwaderno. Lagyan ng tsek (√) ang wastong pahayag na nagpapakita ng paggalang sa karapatan sa tamang nutrisyon at ekis (X) kung hindi.
_____ 1. Pag-iwas sa mga pagkaing nagtataglay ng artipisyal na sangkap.
_____ 2. Mga mayayaman lang ang may karapatan na makakuha ng sapat na nutrisyon mula sa pamahalaan.
_____ 3. Sumunod sa panuntunan sa tamang pagpili ng pagkain upang makaiwas sa sakit at impeksyon.
_____ 4. Respetuhin ang kagustuhan ng kamag-aral na tanging masustansyang pagkain lamang ang kainin sa oras ng recess.
_____ 5. Kumbinsihin ang iyong kamag-aral na saluhan ka sa pagkain ng cotton candy.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down. The boxes are transcribed in reading order.]
Subukin
- X
- X
- X
- √
- √
- X
Tuklasin
- B
- A
Pagyamanin
[illustration: a line drawing of a person in an upside-down pose, with a downward arrow]
Gawain 1
[transcriber’s note: Gawain 1 is printed as a label above the illustration in this answer key.]
Gawain 2
[illustration: food items, several of them crossed out with X marks]
Karagdagang Gawain
- √
- X
- √
- √
- X
Tayahin 1
- Prutas
- Sitsirya
- Mabilis
- Sapat
Tayahin 2
- ☹
- ☺
- ☹ [?]
- ☺
- ☹ [?]
Isaisip
- Pag-iwas
- Artipisyal
- Makasama
- Pagpili
- Susi
Isagawa
Guro ang magwawasto
Sanggunian
“Building a Better World for and with Children.” Save the Children. Accessed October 25, 2019. http://www.savethechildren.org.ph/.
“Convention on the Rights of the Child.” UNICEF. Accessed October 13, 2019. https://www.unicef.org/child-rights-convention.
Department of Education. “K To 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes”. Pasig City: Department of Education Central Office, 2020
“Home: GOVPH.” Official Gazette of the Republic of the Philippines. Accessed October 25, 2019. https://www.officialgazette.gov.ph/.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply