Filipino 2 Quarter 1 Module 5: Pagsunod sa Panuto (Following Directions)

Grade 2 Filipino Q1 Module 5 teaches learners to follow written directions with 1 to 4 steps, with the story Dapat Pala, activities, and answer key.

This is the Filipino 2 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 5: “Pagsunod sa Panuto” (following directions). It was prepared by DepEd Region III for Grade 2 learners studying at home through the Alternative Delivery Mode. After the lesson, learners should be able to follow written directions with one to two steps and with three to four steps.

The module has one lesson, Aralin 5: “Pagsunod sa Panutong may 1-4 na Hakbang” (following directions with 1 to 4 steps). It uses a short story, many drawing and writing tasks, and picture-ordering activities. An answer key is included at the end.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states one learning goal in the Alamin (what to learn) part:

  • Follow written directions (nakasulat na panuto) that have 1-2 steps and 3-4 steps.

Along the way, learners also review words that tell location, such as itaas (above), ilalim (under), and tabi (beside). They also learn why being obedient (masunurin) matters.

Key ideas in the module

What a direction is

The Isaisip (remember) part explains that a panuto is a direction or instruction that must be followed when doing a task. Location words make directions clearer. Examples are itaas (above), ibaba (below), tabi (beside), likod (behind), harap (in front), and gilid (side). The module gives two example sentences:

  • “Ilapag ang lapis sa ibabaw ng mesa.” (Put the pencil on top of the table.)
  • “Hintayin mo ako sa tapat ng aming bahay.” (Wait for me in front of our house.)

How to follow directions with 1 to 4 steps

The module asks learners to remember two things:

  1. Listen to or read the whole direction carefully, and understand it.
  2. To avoid confusion, do the first step before moving on to the next steps.

One activity also lists good habits. Read the direction carefully, understand it, and follow the steps in order. Do not start before you have read the whole direction, and do not follow only the first part.

The story “Dapat Pala”

The Tuklasin (discover) part has a story by Cristina T. Fangon called “Dapat Pala” (I should have). Nicole, a Grade 2 pupil, begs her mother, Aling Marta, to take her to the market. Her mother agrees on some conditions. Nicole must not touch anything and must stay beside her. She must not climb on chairs or crawl under tables. If she obeys, her mother will buy her a doll.

At the market, Nicole forgets her promise. She climbs, crawls, touches things, and runs around. On the way out, she reminds her mother about the doll. Her mother asks if Nicole remembers what she was told. Nicole realizes, “Dapat pala sumunod ako” (I should have obeyed).

The questions that follow ask learners to name the directions in the story and to find the location words in it. Learners also explain why following directions is important.

Activities in the module

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Follow five short directions, such as drawing a sun and coloring it yellow
Balikan (review)Mark which phrases tell a location
Tuklasin and SuriinRead “Dapat Pala” and answer seven questions
Pinatnubayang Pagsasanay and Pagtatasa 1 and 2 (guided practice and checks)Draw and write by following directions; mark statements as right or wrong
Malayang Pagsasanay and Pagtatasa 1 and 2 (independent practice and checks)Number pictures 1-4 to match steps, such as Aling Minda’s morning note to her child; pick the direction that fits a picture; trace your left hand and draw a happy face
Isaisip (remember)Fill in the missing words and finish the sentence “Mahalaga ang pagsunod sa panuto upang…” (following directions is important so that…)
Isagawa (apply)Follow five multi-step drawing and writing directions
Tayahin (assessment)Follow five directions, such as drawing a family and coloring the youngest red
Karagdagang Gawain (extra activity)Draw a blue cloud with “Filipino ako” inside and three birds below it

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin to see what you already know. Then go through the parts in order. Do all your work on a separate sheet of paper and do not write on the module. Read each direction completely before you start.
  • Parents and guardians: Many tasks ask your child to draw and color, so keep paper, a pencil, and crayons ready. Read the directions aloud if your child needs help. Check the answers honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto).
  • Teachers: The module’s teacher note asks you to guide learners in doing the guided practice and guided checks correctly. Learners should contact you if they have trouble understanding the lesson.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 2 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 5.

What will learners be able to do after this module?

They should be able to follow written directions with 1-2 steps and with 3-4 steps.

What does panuto mean?

A panuto is a direction or instruction that must be followed when doing a task. Location words like itaas, ibaba, and tabi help make directions clearer.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the activities and tests. Many drawing tasks are checked by looking at the learner’s work.

What story is used in the lesson?

The story is Dapat Pala by Cristina T. Fangon. In it, Nicole disobeys her mother at the market and misses out on the doll she was promised.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Unang Markahan – Modyul 5: Pagsunod sa Panuto

[illustration: children reading, studying and working outdoors and at a desk with a teacher, a globe, and a lantern]

CO_Q1_Filipino 2_Module 5

Copyright and Development Team

Filipino – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Pagsunod sa Panuto Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng ___________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 8 E-mail Address: region3@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
RoleName
Manunulat:Cristina T. Fangon
Editor:Elena V. Almario, Cita C. Merla, Marie Ann C. Ligsay
Tagasuri:Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy, Marie Ann C. Ligsay
Tagaguhit:Jeanette H. Payson, Lynzee Monta
Tagalapat:Cristina T. Fangon
Tagapamahala:Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Merlinda T. Tablan, Ellen C. Macaraeg, Elena V. Almario

Filipino Unang Markahan – Modyul 5: Pagsunod sa Panuto

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makasusunod sa nakasulat na panutong may 1-2 at 3-4 na hakbang.

Subukin

Panuto: Gawin ang panutong ibinigay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. Gumuhit ng araw. Kulayan ito ng dilaw. B. Isulat ang iyong pangalan gamit ang malalaking letra. C. Gumuhit ng dalawang magkatabing bituin. Kulayan ng pula ang unang bituin. Kulayan naman ang pangalawang bituin ng dilaw. D. Gumuhit ng isang sobre. Sa tabi nito, gumuhit ka ng isang lapis. E. Isulat ang salitang salamat. Guhitan ito ng isang beses.

1

CO_Q1_Filipino 2_Module 5

Aralin 5: Pagsunod sa Panutong may 1-4 na Hakbang

Tayong mga Pilipino ay kilala sa napakaraming magagandang katangian. Isa sa mga katangiang ito na talaga gusto ng lahat ay ang pagiging masunurin lalo na ng isang batang katulad mo.

May kabutihan bang dulot ang pagiging masunurin?

‘Yan ang ating tatalakayin ngayon sa ating aralin.

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang nagsasabi ng lokasyon at ekis (✗) kung hindi.

_____ 1. itaas ng puno _____ 2. ilalim ng mesa _____ 3. kama at upuan _____ 4. loob ng bahay _____ 5. mabangong bulaklak

2

CO_Q1_Filipino 2_Module 5

Tuklasin

Marunong ka bang sumunod sa ipinag-uutos sa iyo? Alam mo ba kung bakit dapat kang sumunod? Ano nga ba ang maaaring mangyari sa iyo kung hindi ka marunong sumunod sa ibinigay na panuto?

Tara, alamin natin ang mga kasagutan sa mga tanong na nasa ating kuwento.

Dapat Pala

Akda ni Cristina T. Fangon

[illustration: a girl with pigtails sitting at a table, thinking of herself in a daydream bubble]

Si Nicole ay nasa ikalawang baitang, katulad din siya ng ibang bata na medyo may kakulitan.

Minsan ay isinama ni Aling Marta si Nicole sa pamilihan dahil na rin sa pagpupumilit nito. “O sige, isasama kita subalit kailangan mong sumunod sa akin,” ang sabi ng ina. “Pangako po,” tugon niya.

3

CO_Q1_Filipino 2_Module 5

“Huwag na huwag kang hahawak ng kahit anong bagay sa palengke, dapat ay lagi kang nasa tabi ko at nakahawak sa akin. Huwag ka ring aakyat sa ibabaw ng mga upuan at susuot sa ilalim ng mga mesa, matapos nating mabili ang lahat ay ibibili kita ng manika,” mahabang paliwanag ng ina. “Talaga po Nay, sige po,” tugon ng bata.

Pagdating sa pamilihan ay nakalimutan na ni Nicole ang pangako sa ina. Akyat dito, akyat doon. Suot dito, suot doon. Hawak dito, hawak doon. Takbo dito, takbo doon ang kanyang ginawa. Napabuntong-hininga na lamang si Aling Marta.

Matapos mabili ang lahat ay tuloy-tuloy na lumabas ng pamilihan ang mag-ina. “Nay may nakalimutan po kayo, yung manika ko po,” paalala ni Nicole.

Tumingin sa kanya nang seryoso ang ina at sinabi “Hindi ako ang nakalimot, hindi mo ba naalala ang mga ibinilin ko sa iyo?” seryosong sagot nito.

Walang nagawa si Nicole kundi tumahimik dahil alam niyang galit ang ina. “Dapat pala sumunod ako,” bulong niya sa sarili.

4

CO_Q1_Filipino 2_Module 5

Suriin

Ang pakikinig at pagsunod sa sinasabi sa atin ay napakagandang pag-uugali na kayang-kaya mong gawin, hindi ba? Tara, balikan natin ang ating kuwento.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

  1. Sino ang bata sa ating kuwento?
  2. Ano ang katangian ni Nicole?
  3. Kung ikaw si Nicole, susundin mo ba si Nanay? Bakit?
  4. Ano kaya ang maaaring mangyari kay Nicole sa pagtakbo niya sa loob ng palengke?
  5. Ano-ano ang mga panuto o utos nabasa mo sa kuwento?
  6. Ano-ano ang mga salitang tumutukoy sa lokasyon?
  7. Bakit mahalagang sumunod sa panuto?
Mga Tala para sa Guro

Gabayan ang mag-aaral na masunod nang wasto ang mga Pinatnubayang Pagsasanay at Pagtatasa.

Pagyamanin

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Sundin ang panuto sa bawat bilang.

  1. Isulat ang × at ikahon ito.
  2. Isulat ang iyong buong pangalan.
  3. Gumuhit ng kalahating bilog na nakataob at kulayan ito ng itim.
  4. Gumuhit ng 2 arrow na nakaturo sa itaas.
  5. Isulat ang bilang na isa hanggang sampu, siguraduhing may pagitan ang bawat bilang.
Pinatnubayang Pagtatasa 1

Panuto: Sundin ang panuto sa bawat bilang.

  1. Gumuhit ng isang araw, sa ibaba ay gumuhit ng isang buwan na may kasamang bituin.
  2. Gumuhit ng isang bilog at tatsulok. Lagyan ito ng guhit sa ilalim.
  3. Gumuhit ng larawan ng isang babae at lalaki. Kulayan ito ng itim.
  4. Isulat ang salitang tama at gumuhit ng tsek ✓ sa tabi nito. Sa ibaba ay isulat ang salitang mali at sa tabi ay iguhit ang ekis ×
  5. Gumuhit ng isang bilog. Lagyan ito ng tuldok sa loob.
Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Isulat ang T kung tama o dapat ugaliin ang isinasaad sa bawat pangungusap at M kung mali.

  1. Ang pagsunod sa panuto ay may magandang maidudulot sa atin.
  2. Maraming matutuwa sa akin kung ako ay matututong sumunod.
  3. Susunod ako sa panuto nang may buong pang-unawa.
  4. Susunod lamang ako kung ako ay bibigyan ng pera.
  5. Hindi ko pakikinggan ang nagbibigay ng panuto.
Pinatnubayang Pagtatasa 2

Panuto: Lagyan ng tsek (✓ kung ito ay isa sa mga dapat gawin upang makasunod sa nakasulat o nabasang panuto at ekis (✖) kung hindi.

  1. Basahing mabuti ang panuto.
  2. Gawin ang panuto kahit hindi pa ito nababasa ng buo.
  3. Sundin lamang ang unahan ng panuto.
  4. Unawaing mabuti ang nabasang panuto.
  5. Sundin ang panuto ayon sa hakbang ng pagkakasunod-sunod nito.
Malayang Pagsasanay 1

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Lagyan ng bilang 1-4 ang larawan upang masunod ang mga panuto sa sitwasyon.

Sitwasyon:

Araw ng Sabado, maagang umalis si Aling Minda para magtinda sa palengke. Nag-iwan siya ng nakasulat na mensahe para sa kanyang anak. Nakalagay ito sa lamesita na nasa bandang ulunan ng tulugan ng bata. Nakasulat din dito na babalik agad ang ina. Narito ang nakasulat:

  1. Magdasal ka.
  2. Ligpitin mo ang iyong pinaghigaan.
  3. Kumain ka ng almusal na iniwan ko sa lamesa at iligpit ito pagkatapos.
  4. Maligo ka para maging mabango at malinis.

[illustration: a child pouring water over himself at a shelf, bathing] A. _____

[illustration: a child making up a bed with a pillow and blanket] B. _____

[illustration: a child with hands pressed together, praying with eyes closed] C. _____

[illustration: a child seated at a table eating from a plate with a glass beside it] D. _____

Malayang Pagtatasa 1

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Lagyan ng bilang 1-4 ang larawan upang masunod ang bawat hakbang ng panuto.

  1. Kumuha ng isang plorera at lagyan ito ng tubig.
  2. Pumitas ng 3 bulaklak na may tangkay.
  3. Ilagay ang mga bulaklak sa plorera.
  4. Ipatong ang plorera sa mesa.

[illustration: a girl holding a vase with flowers in it] A. _____

[illustration: a girl picking flowers with stems from a plant] B. _____

[illustration: a girl placing a vase of flowers on a table] C. _____

[illustration: a girl filling a vase with water at a sink] D. _____

Malayang Pagsasanay 2

Panuto: Pag-aralan ang larawan. Isulat ang letra ng wastong panuto ayon sa larawan.

  1. [illustration: a child with a backpack and a hat]
    A. Isuot ang bag at sombrero.
    B. Hawakan ang bag at sombrero.


  2. [illustration: a child kissing the hand of an elderly man]
    A. Magmano sa lola.
    B. Magmano sa lolo.


  3. [illustration: two children greeting each other with a handshake]
    A. Tawagin ang kaibigan at maglaro ng habulan
    B. Tawagin ang kaibigan at makipagkuwentuhan


  4. [illustration: a girl standing between two brick walls, raising one hand]
    A. Nakatayo at kumakaway
    B. Nakatayo at sumasayaw


  5. [illustration: a girl holding a wrapped gift]
    A. Buhatin ang manika.
    B. Buhatin ang regalo.


Malayang Pagtatasa 2

Panuto: Basahin at sundin ang panuto.

A. Sa itaas na bahagi ng sagutang papel ay isulat ang iyong buong pangalan.

B. Bakatin ang iyong kaliwang kamay.

C. Gumuhit ng masayang mukha sa bahagi ng palad.

D. Kulayan ng dilaw ang masayang mukha.

Isaisip

A. Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

sundin lokasyon panuto

Ang _____ ay ang pagbibigay ng direksyon at tagubilin na dapat _____ sa pagsasagawa ng mga gawain. Maaaring gumamit ng mga salitang nagsasaad ng _____ tulad ng itaas, ibaba, tabi, likod, harap at gillid upang higit na maging malinaw ang pagbibigay ng panuto.

Halimbawa:

Ilapag ang lapis sa ibabaw ng mesa. Hintayin mo ako sa tapat ng aming bahay.

Upang makasunod sa panutong may 1 hanggang 4 na hakbang dapat nating tandaan ang sumusunod:

  1. Pakinggan o basahin at intindihing mabuti ang buong panuto.
  2. Upang hindi malito, gawin muna ang unang hakbang ng panuto bago gawin ang susunod pang mga hakbang.

B. Panuto: Buoin ang kaisipan.

Mahalaga ang pagsunod sa panuto upang _____


Isagawa

Panuto: Gawin ang panuto sa iyong sagutang papel.

  1. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito ay gumuhit ng isang malaking bituin. Kulayan ng itim ang labas na bahagi ng bituin. Siguraduhing makukulayan ang lahat ng bahagi nasa labas ng bituin.
  2. Isulat ang bilang na 4 at bilugan ito.
  3. Isulat ang pangalan ng iyong matalik na kaibigan at guhitan ito.
  4. Gumuhit ng masaya at malungkot na mukha.
  5. Gumuhit ng bola sa ilalim ng mesa.

Pagsunod sa Panuto

Tayahin

Panuto: Gawin ang panuto sa iyong sagutang papel.

  1. Gumuhit ng larawan ng pamilya kasama sina nanay, tatay, kuya, ate at bunso. Kulayan ng pula si bunso.
  2. Gumuhit ng tatlong bulaklak at isang paruparo. Kulayan ng dilaw ang mga bulaklak.
  3. Gumuhit ng isang lobo, kulayan ito ng pula. Isulat sa loob ng lobo ang bilang na 1.
  4. Gumuhit ng isang kahon, isulat sa gitnang bahagi ang salitang saya. Iguhit ang masayang mukha pagkatapos nito.
  5. Gumuhit ng isang kotse. Kulayan ito ng ube o lila.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gawin ang panuto.

➢ Gumuhit ng ulap ➢ Kulayan ito ng bughaw. ➢ Isulat ang salitang Filipino ako sa loob ng ulap. ➢ Gumuhit ng 3 ibon na lumilipad sa ilalim ng ulap.

13 CO_Q1_Filipino 2_Module 5

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down. The answer key is laid out as a grid of columns; the items are listed below column by column. Several symbol answers could not be read with certainty and are marked.]

Subukin
  1. [illustration: circle symbol]
  2. JUAN (pangalan ng magaaral)
  3. [illustration: symbol]
  4. [illustration: symbol]
  5. salamat
Balikan
  1. ✓
  2. ✓
  3. ×
  4. ✓
  5. ×
Suriin
  1. Nicole
  2. makulit
  3. opo, para hindi po magalit si Nanay (at ibili ako ng manika)
  4. madadapa/madudulas
  5. Huwag hahawak ng kahit ano sa pamilihan, dapat nasa tabi lang at nakahawak sa nanay. Huwag aakyat sa ibabaw ng upuan at lulusot sa ilalim ng mesa.
  6. Tabi, ibabaw, ilalim
  7. Para po di mapagalitan at hindi mapahamak.
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
  1. [illustration: symbol]
  2. Juan Dela Cruz (pangalan ng mag-aaral)
  3. [illustration: symbol]
  4. [illustration: symbol]
  5. 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
Pinatnubayang Pagtatasa 1
  1. [illustration: symbol]
  2. [?]
  3. [?]
  4. ✓ tama
  5. mali
Pinatnubayang Pagsasanay 2
  1. T
  2. T
  3. T
  4. M
  5. M
Pinatnubayang Pagtatasa 2
  1. ✓
  2. [?]
  3. ✓
  4. ✓
  5. [?]
Pagsasanay Malayang 1

4 2 1 3

Malayang Pagtatasa 1

3 2 4 1

Malayang Pagsasanay 2
  1. A
  2. B
  3. B
  4. A
  5. B
Malayang Pagtatasa 2

Juan Dela Cruz (pangalan)

Isaisip

karanasan uugnay – pag maunawaan tanong teksto

Isagawa
  1. [?]
  2. [?]
  3. pangalan (Pedro ng matalik na kaibigan)
  4. ☺
  5. [?]
Karagdagang Gawain

[illustration: answer symbol]

Tayahin
  1. [illustration: answer drawing]
  2. [illustration: answer drawing]
  3. [illustration: answer drawing]
  4. [illustration: answer drawing]
  5. [illustration: answer drawing]

14 CO_Q1_Filipino 2_Module 5

Sanggunian

Garcia, Nilda S., Jackelyn F. Aligante, Melany B. Ola, Aida J. Cruz, Erlinda B. Castro, Virginia C. Cruz, Matilde N. Padalla, Galcoso C. Alburo, and Estrella C. Cruz. 2013. Ang Bagong Pinoy Filipino 2 Kagamitan Ng Mag-aaral. Pilipinas: Rex Book Store Inc.

Garcia, Nilda S., Jackelyn F. Aligante, Melany B. Ola, Aida J. Cruz, Erlinda B. Castro, Virginia C. Cruz, Matilde N. Padalla, Galcoso C. Alburo, and Estrella C. Cruz. 2013. Ang Bagong Pinoy Filipino 2 Patnubay ng Guro. Pilipinas: Rex Book Store Inc.

15 CO_Q1_Filipino 2_Module 5

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district