Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat na makakatulong sa lubos na pagkatuto. Makakatulong ito upang mabatid ang kaligirang kaalaman sa teknikal na mga sulatin. Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop sa iba’t ibang pamamaraang pampagkatuto. Ang mga aralin ay nilapatan ng angkop na talasalitaan na magagamit sa pag-unawa sa nilalaman ng bawat teksto. Ang mga aralin ay nakadisenyo batay sa sistematikong balangkas ng kurso.
Ang modyul ay may isang aralin:
- Aralin 2- Teknikal- Bokasyunal: Layunin at Gamit
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:
Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa layunin at gamit. (CS_FTV11/12PT-0a-c-93)
1. Nakabubuo ng sariling pangungusap mula sa mga salitang makikita sa bahagi ng nilalaman.
2. Nakikilala ang layunin, gamit at katangian ng teknikal bokasyunal na sulatin.
3. Nakapagsasagawa ng isang teknikal bokasyunal na sulatin na naglalaman ng layunin, gamit at katangian nito.
4. Naibabahagi ang mga nalaman at napatunayan hinggil sa layunin at gamit ng teknikal bokasyunal na sulatin.