Filipino 7 Quarter 1 Module 13: Makatotohanan at Mapanghikayat na Proyektong Panturismo

This is the Filipino Grade 7 self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 13: “Pagsagawa ng Isang Makatotohanan at Mapanghikayat na Proyektong Panturismo” (making a truthful and persuasive tourism project). It was prepared by DepEd Region XII as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020), written by Lilibeth Loreno Ablao. It is the last module of the quarter. By the end, learners should be able to plan and make a travel brochure about a place, using correct and fitting formal Filipino.

What learners will learn

The module targets one Most Essential Learning Competency (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pampagkatuto):

  • F7WG-Ij-6: Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsagawa ng isang makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo (uses Filipino correctly and appropriately in making a truthful and persuasive tourism project).

Along the way, learners also review what an advertisement (patalastas) is, learn what tourism and tourists are, and see how a travel brochure helps tourists.

The reading: Yamang Handog ng Rehiyon Dose

The lesson’s literature part is a sanaysay (essay), “Yamang Handog ng Rehiyon Dose” (the treasures offered by Region 12), by Lilibeth Loreno-Ablao. It encourages Filipinos to explore their own country before travelling abroad. Key facts from the essay:

  • Mindanao is the second-largest island in the Philippines and is called the “Land of Promise” (Lupang Pangako).
  • Region 12, or SOCCSKSARGEN, has four provinces (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, and Sarangani) and five cities (General Santos, Cotabato, Koronadal, Tacurong, and Kidapawan).
  • Tourist spots named include Lake Sebu (zipline, boat rides, tilapia dishes), Eden Farm in Tupi, Asik-asik Falls in North Cotabato, Kalonbarak in Malungon, white water tubing in Maitum, Gumasa beach in Glan, paragliding in Maasim, and Sanchez Peak, Olarte Cave, and Sarangani Highlands in General Santos.
  • General Santos is called the “Home of the Champions” (hometown of Manny Pacquiao and other celebrities) and the “Tuna Capital of the Philippines.”

After reading, learners answer ten questions about the places, local food, famous people, and the role of a travel brochure.

Key ideas: tourism and the travel brochure

The Suriin part defines the main terms:

  • Turismo (tourism): travelling or sightseeing inside or outside the country, alone or with family or friends, for education, business, or simple enjoyment.
  • Turista (tourist): anyone who wants to travel or visit different places.
  • Tourism helps the economy: it brings in money and gives local people jobs through services and products. This is why local governments spend on advertisements.
  • A brochure is a type of print advertisement that tourists use as a guide in finding places they want to visit.

Steps in making a travel brochure

The module lists nine points to remember when making a truthful and persuasive tourism project:

  1. Make an eye-catching cover page. Be creative and colorful so it grabs attention.
  2. Research the content carefully. Read and gather information so you have much to share about the place.
  3. Know your target tourists. Examples: friends or young people on a limited budget, students planning an educational field trip, families wanting to bond, and individuals or retirees.
  4. Choose good pictures. They should suit the target tourists, catch attention, and be of good quality. Highlight the location, places to eat and rest, and what the place is proud of.
  5. Include transportation and other costs. This helps tourists prepare their budget.
  6. Make a draft (burador). It serves as your template. Sketch where the pictures go and add folding instructions; brochures are usually folded in three.
  7. Make the actual brochure. Use clear, readable text, avoid tiny letters, use color or bold for the most important parts, and follow the plan for the front, middle, and back.
  8. Check spelling and punctuation. Use descriptive and persuasive words.
  9. Use correct, formal Filipino. Avoid slang (balbal), colloquial (kolokyal), and regional (lalawiganin) words.

Activities in the module

  • Subukin: a 15-item multiple-choice pretest.
  • Balikan: a table where learners write what they learned in the previous lesson and how they used it in real life.
  • Tuklasin: a map activity on Mindanao and Region 12, the essay, and a checklist for analyzing sample travel brochures.
  • Gawain 1: watch the music video “Kanta Pilipinas” by Lea Salonga, fill in a graphic organizer, and answer questions on how the song promotes tourism.
  • Gawain 2: watch the video “Discover Miasong” (Tupi, South Cotabato) and answer OO or HINDI (yes or no) to ten questions on whether the tourism project followed the steps, then write a comment.
  • Pagyamanin: create one persuasive piece inviting tourists to your place after the COVID-19 pandemic: a song, poem, slogan, poster, spoken word poetry, or flip top. It is scored with a 5-point rubric.
  • Isaisip: fill in a box on what to remember in making a brochure, why brochures matter, and how you can help tourism.
  • Isagawa: the main task. Acting as a tour guide for a travel company in Region 12, make a travel brochure about SOCCSKSARGEN. It is scored with a rubric worth up to 10 points per criterion (introduction, information, creativity, grammar and formality, following the steps).
  • Tayahin: a 15-item multiple-choice post-test.

How to use this module

For learners: Start with the Subukin pretest, then work through each part in order. Write your answers on a separate sheet; the module asks you not to write on it. Check your pretest and post-test with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and be honest when using it. Contact your teacher if a part is hard to understand.

For online learners: The Tagubilin (instructions) say you may make a travelogue or vlog, or present your travel brochure during your virtual class.

For parents: If your child is an offline or modular learner, help them submit their finished work, as the Tagubilin ask. The two video activities need internet access to watch.

For teachers: Use the two rubrics to score the Pagyamanin output and the Isagawa travel brochure. The pretest and post-test use the same questions in a different order, so you can compare scores to see progress.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 7 Filipino, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 13. It is the last module of the quarter.

What competency does the module cover?

It covers F7WG-Ij-6: using Filipino correctly and appropriately in making a truthful and persuasive tourism project (proyektong panturismo).

What is the final output of this module?

In the Isagawa part, learners act as a tour guide and make a travel brochure about Region 12 (SOCCSKSARGEN). Online learners may instead make a travelogue or vlog.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives the answers to the 15-item Subukin pretest and the 15-item Tayahin post-test.

What is a travel brochure, according to the module?

A brochure is a type of print advertisement. Tourists use it as a guide in finding the places they want to visit.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q1_Filipino7_Module13

FILIPINO

Unang Markahan – Modyul 13: PAGSAGAWA NG ISANG MAKATOTOHANAN AT MAPANGHIKAYAT NA PROYEKTONG PANTURISMO

7

[illustration: students and a teacher reading and studying outdoors and at a desk, with a globe and a lantern]

CO_Q1_Filipino7_Module13

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 13: Pagsagawa ng Isang Makatotohanan at Mapanghikayat na Proyektong Panturismo

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:LILIBETH LORENO ABLAO
Editor:VIRGILINA L. CABAYLO, MARICRIS TORRES- TOLIBAS
Tagasuri:MA. NILA D. FUENTEBELLA
Tagaguhit:IHRYN T. JARANILLA, SWELYN E. FORRO
Tagalapat:GUINEVIER T. ALLOSO
Tagapamahala:ALLAN G. FARNAZO
GILBERT B. BARRERA
ARTURO D. TINGSON JR.
PETER VAN C. ANG-UG
JULIET F. LASTIMOSA
SALLY A. PALOMO
GREGORIO O. RUALES

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XII

Office Address: Department of Education – Region XII Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email Address: depedroxii.org Email: region12@deped.gov.ph

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga magaaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

CO_Q1_Filipino7_Module13

Pagbati sa iyo kaibigan dahil narating mo na ang huling bahagi ng ating paglalakbay. Ako naman si Dodong. Kami ni Kokoy ang gagabay sa iyong paglalakbay.

Nakaranas ka na bang pumunta sa iba’t ibang lugar? Sige nga ating balikan ang iyong karanasan noong kayo’y nagbakasyon. Naamoy mo ba ngayon kung gaano kasarap ang mga pagkain sa lugar na iyon? Nanumbalik ba sa iyo ang magagandang tanawin at preskong hangin? Di ba ang sarap balik-balikan? At sigurado ako na ngayon pa lang ay gustong-gusto mo nang bumalik sa karanasang iyon.

Sa panahong kayo’y nagpaplano para mamasyal sa isang lugar, mayroon ba kayong mga paghahanda? Ano-ano ang mga ito? Paano ninyo pinaplano ang inyong biyahe? Saan-saan kayo kumukuha ng impormasyon tungkol sa lugar na inyong pupuntahan?

Sa pagkakataong ito, kayo ay tutulungan ng modyul kung paano makagagawa ng isang proyektong panturismo na makatotohanan at mapanghikayat na kung saan titingnan din natin kung paano gamitin ang wasto at angkop na wikang Filipino.

Magandang araw kaibigan. Kumusta ka? Muli, ako si Koko yang makakasama mo sa modyul na ito.

Alamin

[illustration: Koko, a cartoon boy holding a phone, beside speech bubbles]

[illustration: Dodong, a sketched boy in a sailor-style shirt, beside speech bubbles]

CO_Q1_Filipino7_Module13

CO_Q1_Filipino7_Module13

Kaibigan, bago mo lakbayin ang modyul na ito ay magkakaroon muna tayo na panimulang pagtataya.

Sikapin mong sagutin ang mga katanungan upang mataya kung ano ang mga dapat mo pang malaman sa mga susunod na pag-aaral.

Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel ayon sa sumusunod na pahayag.

  1. Kung ako ay isang turista at kulang ang kaalaman ko sa isang lugar, anong detalyadong printed material ang aking gagamitin?
    a. flyers
    b. leaflets
    c. pamphlets
    d. brochures


  2. Nalinang ang aking pagiging malikhain sa paggawa ng travel brochure.
    a. Mapatutunayan ko na mas magaling ako sa iba
    b. Maipagmamalaki ko ang magagandang tanawin sa aming lugar
    c. Mahihikayat ko ang sinomang makabasa na bisitahin ang aming lugar
    d. Mapauunlad ko ang sariling kakayahan


  3. Masusing pananaliksik ang kinakailangan upang makabuo ng travel brochure. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang kabaliktaran sa nasabing kaisipan? V
    a. Kinakailangan ang tumpak at wastong impormasyon
    b. Kasalanang mortal ang magbigay ng maling impormasyon
    c. Responsibilidad ng sinoman ang magbigay ng tamang kaalaman
    d. Kalituhan sa mamamayan ang kulang na impormasyon


  4. Mahalaga ang travel brochure sa sinomang nagbabalak mamasyal dahil magsisilbi itong __________.
    a. mapa
    b. gabay
    c. paalala
    d. souvenir


[illustration: Dodong and Koko with speech bubbles and a pencil icon beside the heading]

CO_Q1_Filipino7_Module13

  1. Isa sa malaking maitutulong ng turismo sa pag-unlad ng isang lugar ay ang ___________.
    a. makilala ito sa buong mundo
    b. mapaunlad ang sariling bayan
    c. maipagmalaki ang natatangi nitong katangian
    d. mabigyan ng kabuhayan ang sakop ng mamamayan


  2. “More Fun in the Philippines”. Katagang pang-akit ng Kagawaran ng Turismo upang bisitahin ng mga dayuhan ang ating bansa. Ano ang ibig sabihin nito?
    a. Nakatutuwa ang mga tao sa Pilipinas
    b. Masayahin ang mga tao sa Pilipinas
    c. Masarap maglakbay sa mga sikat na lugar sa Pilipinas
    d. Maligaya ang paglalakbay sa mga sikat na lugar sa Pilipinas


  3. Nararapat na lagi tayong handa sa anomang pangyayari kapag tayo ay nagpaplanong mamasyal sa isang lugar.
    a. Walang nakakilala sa atin
    b. Walang tutulong sa atin
    c. Walang papansin sa atin
    d. Walang nakakaalam sa sasapitin


  4. Bakit mahalagang mag-ipon muna ng mga impormasyon tungkol sa lugar na planong pasyalan?
    a. upang mapaghandaan ang lahat ng kakailanganin
    b. upang maipagmamalaki sa kasama na marami ka nang alam sa lugar na pupuntahan
    c. upang pangunahan ang iyong mga kasama
    d. upang ipaalam sa kanila kung anong mayroon sa nasabing lugar


  5. Mag-iimpake lang ako ng sapat at angkop na damit para sa ilang araw na pamamasyal upang magiging __________ ang pagdadala ng aking bagahe.
    a. magaan
    b. mabilis
    c. maayos
    d. madali


  6. Mahalagang maglalaman ang isang travel brochure ng mga sumusunod na impormasyon maliban sa isa.
    a. pangalan ng lugar at panuto kung paano ito puntahan
    b. paglalarawan ng mga sikat na tanawin
    c. halaga ng gastos na kakailanganin
    d. numerong maaaring tawagan


CO_Q1_Filipino7_Module13

  1. Mahalaga ang travel brochure sa mga turista, sa paanong paraan ito makatutulong sa kanila?
    a. maaaring lumakbay nang wala ito
    b. maaari itong makapagpalito sa mga turista
    c. maaring gamitin ito ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais puntahan
    d. lahat ay tama


  2. Makatutulong ito sa pagbuo ng travel brochure para maging huwaran o template ng iyong bubuoin.
    a. pagguhit
    b. pagbuo ng larawan
    c. pabuo ng borador
    d. lahat ay pwedeng sagot


  3. Marami ang maitutulong ng turismo sa pag-unlad ng isang lugar. Isa sa mga ito ay ang _____________________________.
    a. pagkakataong dadami ang populasyon
    b. pagkakaroon ng pagkakataong magkagulo
    c. pagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan ng isang lugar sa pamamagitan ng serbisyo
    d. lahat ay posibleng sagot


  4. Kung ikaw ay isang turista na mahilig maglakbay at mamasyal, alin sa mga sumusunod ang iyong kakailanganin upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais puntahan?
    a. traveling bag
    b. travel brochure
    c. travel company
    d. travel insurance


  5. Sa panahon ngayon kung saan humaharap ang bansa sa isang matinding krisis na dulot ng pandemic, may mga turistang naantala ang pagbabalik sa sariling lugar, paano nila pananatilihing ligtas ang kanilang sarili sa nasabing lugar?
    a. samantalahin ang pagkakataon na magpasyal sa mga lugar na nais puntahan
    b. sumunod sa mga batas na ipinapatupad ng local na pamahalaan kung saan sila naantala
    c. panatilihin ang paghuhugas ng kamay palagi, magsuot ng face mask, umiwas sa matataong lugar at isagawa ang social distancing
    d. b at c


CO_Q1_Filipino7_Module13

Magandang araw kaibigan! Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang Pinakamahalagang Kasanayan sa Pampagkatuto: F7WG-Ij-6 na ito:

Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsagawa ng isang makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo.

Aralin 13

Pagsagawa ng Isang Makatotohanan at Mapanghikayat na Proyektong Panturismo

A. PANITIKAN: Sanaysay

Anong alam mo?

Nasagot mo ba ang ating Subukin? Nahihirapan ka ba? Huwag kang mag-alala dahil matutuhan mo rin ang mga aralin sa mga susunod na araw.

Sa ngayon ay ating balikan ang iyong natutuhan sa nakaraan. Naalala mo pa ba ang patalastas na iyong ginawa? Halina’t muli nating balikan.

Alam mo ba na ang patalastas ay kalimitang napakikinggan sa mga radyo o telebisyon ngunit maaari ring sa pamamagitan ng leaflets o flyers. Ito ay nagmumungkahi ng isang produkto upang maakit ang konsyumer o umakit ng serbisyo. Ito ay isang paraan ng panghihikayat upang tangkilikin ng mga mamamayan ang produkto. Ipinapakita rito ang lahat ng positibong katangian at ang positibong epekto nito sa gagamit. Ngunit hindi lamang mga produkto ang maaaring makakaakit sa mga tao, maging ang lugar mismo kung saan nanggaling ang produktong ito.

Ang mga nagdaang aralin ay inaasahang nagpalalim sa iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa yaman at ganda ng Mindanao. Kitang-kita sa akda hindi lamang ang pisikal na kagandahan ng rehiyon kundi gayundin ang kanilang makulay at mayamang kultura at tradisyon.

Marami ka pang malalaman sa iba’t ibang lugar sa Mindanao at kung paanong manghikayat sa mga tao o mga turista na puntahan ang mga nasabing lugar gamit ang mga wasto at angkop na wikang Filipino sa pagtalakay natin ng aralin na ito.

[illustration: Koko with a phone in a speech-bubble cloud beside the lesson heading]

[illustration: Dodong in a sailor-style shirt beside the lesson text]

CO_Q1_Filipino7_Module13

Balikan

Bilang pagbabalik-tanaw sa kasanayan sa nakaraang modyul, inaasahang isasagawa mo ang gawain na ito. Kaya kung nakahanda ka na, simulan mo na.

Panuto: Sa loob ng kahon isulat ang importanteng kaisipan na iyong natutuhan sa nakaraang aralin at kung paano ito nagkaroon ng halaga sa iyong buhay.

ANG AKING MGA NATUTUHAN SA NAKARAANG ARALINPAANO KO ITO NAGAMIT SA TOTOONG BUHAY

Tuklasin

[chart: map; MAPA NG PILIPINAS; labels: Luzon, Visayas, Mindanao]

MAPA NG PILIPINAS

Ngayon naman ay ating tuklasin ang mayamang kultura at tradisyon ng Mindanao partikular sa Rehiyon Dose.

Alam mo ba kung saang bahagi ng mapa matatagpuan ang Mindanao? Saang parte naman ng Mindanao ang Rehiyon 12? Sige nga kaibigan pagaralan natin saglit ang mapa na ito.

Nahanap mo ba sa mapa ang Rehiyon 12? Ano-anong mga lugar ang sakop nito?

Wow ang galing mo kaibigan! Siguradong marami ka pang matutuklasang kakaiba sa nasabing lugar. Halina’t basahin ang akda tungkol sa Rehiyon 12.

[photo: waterfall] [photo: group of people posing by a rock wall] [photo: two people on a zipline]

Larawan: kuha ni Grace Calsis Larawan: kuha ni Lilibeth Loreno-Ablao

YAMANG HANDOG NG REHIYON DOSE

ni Lilibeth Loreno-Ablao

Marami sa ating mga Pilipino ang mahilig maglakbay at mamasyal. Ang iba’y nakarating na at naranasan nang magbakasyon sa ibang bansa. Hindi maipagkakaila na pangarap ito ng karamihan sa atin. Napakasaya nga naman ng pakiramdam na maabot mo at marating ang mga malalayong lugar na ito. Ngunit higit na mainam sa isang Pilipino na bago pa man mahumaling sa ibang bansa ay mahalin at tuklasin muna ang kagandahan ng sariling bayan. Kung ang mga dayuhan nga ay naakit dito, tayo kayang mga lokal na mamamayan ng ating bayan? Marahil alam mong ang Pilipinas ay patuloy sa pagsulong at sa pag-unlad maging ang mga lokal na pamahalaan o LGU. Marami nang natuklasang mga magagandang tanawin na kaysarap pasyalan sa bawat bayan. Kaya’t umuunlad na rin ang turismo sa mga lugar na ito. Alam mo bang may magagawa ka rin para lalo pang mapabuti ang turismo sa sarili mong bayan? Ang simpleng pamamasyal mo at pagtangkilik dito ay nakatutulong ng malaki. Batid kong hindi mo pa nakakalimutan ang araw na ikaw ay pumunta sa Mindanao partikular sa Rehiyon 12.

Ang Mindanao ay pangalawa sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Tinagurian itong “Land of Promise” o “Lupang Pangako” dahil sa pagkakaroon nito ng masaganang likas na yaman. Binubuo ito ng anim na Rehiyon kabilang ang Rehiyon 12 o ang SOCCSKSARGEN Region kung saan matatagpuan naman ang apat na probinsya, ang; South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani. Mayroon itong limang lungsod: Ang lungsod ng Heneral Santos, Cotabato, Koronadal, Tacurong, at Kidapawan.

Bawat lugar na ito sa Rehiyon 12 ay may kani-kaniyang magagandang tanawin, mayayamang kultura at tradisyon na maipagmamalaki.

Mapalad ako at naranasan kong tuklasin at pasyalan ang ilan sa mga sikat na pasyalan sa Rehiyon 12. Hindi ko malimot nang ako’y magtungo ng apat na beses sa Lake Sebu. Sinubukan kong mag zipline kung saan inilutang ako sa alapaap habang tumitingin sa luntiang kabundukan at kaakit-akit na mga talon. Sumakay sa bangka na bumalagtas sa malawak na lawa at humantong sa isang kainan at natikman ko ang iba’t ibang masasarap na putahe ng tilapia. Mayroong kinilaw, sitsaron, tinola, ginataan, inihaw at marami pang iba.

Naalala ko rin ang minsang pagtungo ko sa Eden Farm sa Tupi, South Cotabato. Sa daan ay bumili kami ng mga prutas na pawang masasarap at masustansiya. Humantong kami sa makukulay at mahahalimuyak na bango ng iba’t ibang klase ng bulaklak lalo na ang sunflower. Bagay talaga sa mga romantikong katulad natin ang lugar na iyon. Habang binabagtas ang malaparaisong pasyalan ay panay ang kuwentuhan namin ng aking kaibigan. Ibinahagi niya sa akin ang kaniyang masayang karanasan nang siya’y magbakasyon sa North Cotabato. Inilarawan niya ang mga lugar na kaniyang pinasyalan katulad ng Asik-asik Falls na tila kurtina ang tubig na dumadaloy dito. Binanggit niya rin ang Kalonbarak sa Malungon, Sarangani Province na umano’y napakapresko at may kagila-gilalas na mga burol at bundok. Nakailang ulit na rin niyang narating ang Maitum sa nasabi pa ring probinsya. Kapwa namin binalikan sa alaala ang karanasan sa White Water Tubing dahil ako man ay nakaranas na ring sumakay sa balsa sa gitna ng malalaking bato sa paligid ng ilog habang sumasabay sa mabilis na pagdaloy ng tubig. Napakasaya, ganoon kung ilalarawan ko ang karanasang iyon.

[illustration: paragliders in the sky over hills] [photo: person riding a white-water raft among rocks]

kuha ni Jinky Joy L. Escobillo Ilustrasyon ni Ihryn T. Jaranilla

Natatandaan ko rin ang bonding namin ng aking barkada kasama ang kani-kaniyang pamilya sa malapulbos at puting dalampasigan ng Gumasa sa Glan, Probinsya ng Sarangani pa rin. Waring umaawit ang aking puso sa mahihinang haplos ng sariwang hangin at hampas ng alon mula sa dagat ng Sarangani. Pakiramdam ko’y kapayapaan, malayo sa gulo at polusyon ng kabihasnan. Kumintal din sa aking isipan ang unang pagkakataong ako’y nakaranas ng paragliding sa Maasim sa kabila ng kaba na aking naramdaman.

Ngunit saan man ako mapadpad walang hihigit sa lugar na aking kinalakhan dahil ito man ay may natatanging ganda at yaman, ang Heneral Santos. Tinagurian itong “Home of the Champions“.

Bakit? Simple lang naman, ito ang lupang sinilangan ng tanyag sa buong mundo na boksingerong si Manny Pacquiao na ngayon ay Senador na ng Pilipinas. Dito rin ang tahanan ng Miss Universe 3rd Runner-up na si Shamcey Supsup. Sa nasabing lungsod din nakatayo ang bahay ng PBB winner na si Melisa “Melai” Cantiveros.

At syempre pa dito rin nagmula si Gerald Anderson, isang sikat na actor maging si Jelay Pilones at ang XB Gensan na pumapayagpag na ngayon sa larangan ng pagsasayaw. Bukod pa riyan, kilala rin ang Gensan bilang “Tuna Capital of the Philippines” dahil dito ka lamang makakakita ng malalaking tuna at makakatikim ng masasarap na iba’t ibang putahe nito.

[photo: hazy view of a town from a hilltop with a flag] [illustration: woman wearing a tiara] [photo: fish market with piles of tuna] [illustration: man with a beard]

kuha ni Cherryl Mae Escobillo Ilustrasyon ni Ihryn Jaranilla

Kuha ni Romy Juanico Ilustrasyon ni Ihryn Jaranilla

Sa totoo lang, ilan lamang iyan sa mga maipagmamalaki ko sa aking lungsod na Heneral Santos. Papawiin ang iyong pagod sa pag-akyat sa itaas ng Sanchez Peak dahil matatanaw mo ang malawak na plantasyon ng pinya, luntiang mga burol at bundok. Sa gabi naman ay matutunghayan mo ang animo’y mga bituing kumikislap na mga ilaw mula sa siyudad o ang tinatawag na “City Lights“. Mula sa itaas ng Sanchez Peak ay pwede kang mag side trip sa Balakayo sakop ng Barangay Olimpog na may maganda ring tanawin pababa sa Olarte Cave kung saan mamamangha ka sa kalikasang nasa iyong harapan. Kapag nais mo namang tunghayan ang bahagi ng Sarangani Bay, umakyat ka sa Sarangani Highlands upang ito’y iyong masilayan maliban sa ang lugar mismo ay sadyang kaakit-akit at madalas na ginagawang “pre-nup shoot” ng mga magsing-irog na nais nang magpakasal.

Tingnan mo nga naman, hindi na kailangang magpakalayo-layo pa tayo. Dito pa lamang sa atin ay mabubusog ka na sa magagandang tourist spots na mayroon ang ating Rehiyon. Kaydami na nating narating o napasyalang pook sa SOX. Ngunit iilan lamang ito, marami pa ang kailangan nating makita at matuklasan. Ito ang yamang handog ng Rehiyon Dose.

Naibigan mo ba ang akdang iyong binasa? Naunawaan mo ba ito?

Mahusay, binabati kita kaibigan! Upang lubos mo pang maintindihan ang akda na binasa, makatutulong sa iyo ang pagsagot sa mga mahahalagang katanungan. Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga sumusunod na katanungan dahil ikaw ay may malalim nang pang-unawa sa binasa.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa sagutang papel.

  1. Ano-ano ang sikat na pasyalan sa Rehiyon 12 na binanggit sa sanaysay?



  1. Pamilyar ba sa iyo ang mga lokal na pagkaing nabanggit? Oo o Hindi? Kung Oo ang iyong sagot ilarawan ang iyong naramdaman nang matikman mo ito sa unang pagkakataon.



➢ Kung HINDI naman ang sagot ilahad kung bakit mo ito gustong matikman.





  1. Sino-sino sa mga sikat na personalidad sa akda ang kilala mo? Ilarawan mo siya.



  1. May hinahangaan ka ba sa kanila? Sino? Bakit?



  1. Ano ang pagkapareho ng iyong rehiyon sa Rehiyon 12?



  1. Ano naman ang pagkakaiba nito?



  1. Sa pagpapakilala sa isang lugar, nararapat bang ibigay ang lahat ng mahahalagang impormasyon? Bakit?



  1. Batay sa mga impormasyong inilahad sa akda, ano ang magiging papel ng travel brochure sa isang turista na nagnanais pumunta sa isang lugar?




  1. Ano ang nararapat na taglayin ng isang travel brochure upang lubusang magamit ito ng isang turista?



10.Naniniwala ka bang maituturing na isang gabay ang travel brochure sa mga nagnanais pumasyal sa isang lugar?




Nasagot mo na ba ang lahat ng tanong? Kung oo, aba’y napakagaling mo. Ipagpatuloy mo lang ang ganyang gawain.

Kamusta kaibigan? Ngayong araw ay may inihanda akong Gawain para sa iyo. Basahin, unawain at sagutin mo ito nang mabuti.

Tara, umpisahan mo na.

Panuto: Suriin ang halimbawang travel brochure sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ito ay tumutugma sa katangian na nasa ibaba at ekis (X) naman kung hindi.

[illustration: travel brochure titled “GENSAN” with fish, boats and palm trees] [illustration: open two-page brochure with palm trees and paragliders] [illustration: tri-fold brochure with mountains and a sign reading “WELCOME TO SARANGANI”]

Ilustrasyon ni Ihryn T. Jaranilla

transcriber’s note: the checklist table has no printed header row

Nagbibigay impormasyon sa publiko tungkol sa isang lugar.
Ang nilalaman ay nakapang-aakit sa mga turista.
Nakapanghihikayat na puntahan ang nasabing lugar.
Hindi angkop ang mga larawan sa isang proyektong panturismo.
Nakapanghihinayang ang mga bagay na nakapaloob dito.
Isa itong advertisement na maaaring magpalakas ng turismo sa bansa.
Natutukoy rito ang mga magagandang lugar na maaring pasyalan.
Isang uri ng advertisement na naglalaman ng mga bagay-bagay tungkol sa isang lugar.
Maaaring gamitin ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais nilang puntahan.
Maaari itong makapagpapalito sa mga turista.
Isang paraan upang lumakas ang turismo ng isang bansa.

transcriber’s note: table continued from the previous page

Mga magagandang tanawin na masarap pasyalan at tiyak na mag-eenjoy ka.
Masasalamin ang kultura at tradisyon ng isang lugar sa pamamagitan ng mga itinampok na magagandang tanawin, produkto, uri ng pamumuhay, at marami pang iba.
Hindi na kailangan ang mga bagay na ito sapagkat madali lamang pumunta sa mga lugar na nais mo.

Suriin

Alam mo ba na ang pagpapalakas ng turismo sa ating bansa ay isa sa mga binibigyang halaga at tinututukan ngayon ng ating pamahalaan? Hindi lang iyan kasama rin ang nasa pribadong sektor. Layunin ng dalawang grupo na mapaunlad pa ang ekonomiya ng ating bansa sa tulong ng turismo.

Ang turismo ay isa sa mga gawaing pampamilya, pambarkada, o indibidwal sa pamaraang paglalakbay o pamamasyal sa loob at labas ng bansa. Ang naturang paglalakbay ay may layuning pang-edukasyon, pangkomersyo o simpleng pag-aaliw lamang.

Turista naman ang tawag sa sinomang indibidwal na nais maglakbay o mamasyal sa iba’t ibang lugar.

Mahalaga ang turismo sa ekonomiya ng isang bansa, ang mga lokal na pamahalaan (LGU) ng isang lugar ay gumagastos ng malaking halaga sa advertisement upang itaguyod ang industriya ng turismo sa isang lugar. Bukod kasi sa salaping ipinapasok ng mga turista, nagbibigay rin ito ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan sa pamamagitan ng serbisyo at produkto.

Ngayon, upang lubusan nating maunawaan ang mga konsepto sa itaas tingnan natin ang Gawain 1.

Gawain 1

Panuto: Suriin ang isang music video na makikita sa tulong ng link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=Nc3-5TBTfbA “Kanta Pilipinas” ni Lea Salonga. Pagkatapos ay punan ang impormasyong hinihingi ng graphic organizer. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo.

[chart: graphic organizer; unlabeled. Printed labels: oval “KANTA PILIPINAS” with “NI: LEA SALONGA”; box “PAAGIGING EPEKTIBO” (left, four blank lines); box “PAAGIGING EPEKTIBO” (right, four blank lines); box “PARAAN NG PANGHIHIKAYAT” (bottom, four blank lines). Arrows point from the two side boxes and the bottom box to the oval.]

Sagutin ang mga tanong, isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo.

  1. Ano ano ang nilalaman ng awitin? Ano ang masasabi mo ukol dito?


  2. Sa palagay mo ba nakatutulong ang awiting ito sa panturismong aspeto ng bansa? Paano?


  3. Paano ipinakita sa awitin ang tradisyon at kultura nating mga Pilipino?


  4. Sa iyong palagay, ano ang kaugnayan ng turismo sa advertisement?


Ating Alamin:

Ang advertisement ay nagpapalakas ng turismo sa bansa o ng partikular na lugar kaya napakahalaga at malaki ang gampanin nito. Dito napapasok ang mga brochure at flyers. Ang brochure ay isang uri ng print advertisement. Ginagamit ito ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais nilang puntahan. Sa pagsagawa nito, kailangang paglaanan ng panahon, eksakto at konkretong detalye at maingat na paglalagay ng iba’t ibang larawan at disenyo na angkop sa layunin at tema ng gawaing brochure.

PAGGAWA NG TRAVEL BROCHURE

Mga Hakbang na Dapat Tandaan o Isaalang-alang sa Pagsasagawa ng Makatotohanan at Mapanghikayat na Proyektong Panturismo

1. Ang pabalat o cover page ay nakapupukaw-pansin

➢ Unang makikita ng mga turista ang pabalat o cover page ng isang travel brochure kaya kailangang maganda ang disenyo nito. Maging malikhain at makulay sa paggawa nito upang matiyak na makakukuha agad ng atensiyon at interes ng mga taong titingin o babasa nito.

2. Dumaan sa masusing pananaliksik at pagsulat ang nilalaman ng iyong Travel Brochure.

➢ Ang nilalaman ng travel brochure ay mahalagang pagtuonan ng pansin kaya makabubuting magsaliksik at magbasa nang sa gayon ay maraming bagay ang maaaring maibabahagi tungkol sa lugar at madali maakit ang mga turista na puntahan o pasyalan ito.

3. Isaalang-alang kung anong uri ng turista ang target ng iyong travel brochure.

Mga turistang maaaring target ng travel brochure:

a. Magkakaibigan o grupo ng kabataang may limitadong badyet para mamasyal, b. Mga estudyanteng nagbabalak para sa kanilang educational field trip, c. Mag-anak o pamilyang nais mag-bonding at; d. Indibidwal o mga retiradong mamamayang nais sulitin ang panahon sa pamamasyal.

➢ Ang target na mga turista ang maging batayan upang mas maging kaakit-akit at kapani-paniwala ang serbisyong iaaalok ng iyong travel brochure.

4. Pagpili ng mga Larawan

➢ Magandang piliin ang mga larawang makapupukaw ng atensyon at makakaakit sa uri ng turistang target ng iyong brochure. Tandaan na ang larawang napili ay angkop sa kanila, makatatawag-pansin, at maganda ang kalidad.

➢ Bigyang-diin sa travel brochure ang lokasyon ng lugar, mga kainan at pahingahan, at ang maipagmamalaki sa pook pasyalan na siyang dahilan kung bakit dinadarayo ang lugar.

5. Isaalang-alang din ang halaga ng transportasyon at mga bilihin

➢ Makatutulong ito upang mapaghandaan ng isang turista ang maaaring gastusin.

6. Pagbuo ng Burador

➢ Ang pagbuo ng burador ay makatutulong para magsilbing huwaran o template ng iyong bubuoin. Maaaring iguhit lang muna kung saan ilalagay ang mga larawan. Huwag kalimutang bigyan ng panuto kung paano titiklupin ang travel brochure. Ito ay karaniwang tinitiklop sa tatlong bahagi.

7. Pagbuo ng Aktuwal na Travel Brochure

➢ Sa puntong ito ay magagamit mo na ang lahat ng impormasyong iyong nasaliksik pati na ang mga larawang pinili mo para rito. Tandaan ang mga sumusunod:

a. Malinaw ang mga teksto, hindi malabo, at nababasa nang husto b. Iwasan ang gumamit ng maliliit na titik upang hindi mahirapan ang babasa o titingin nito. c. Gamitan ng ibang kulay o gumamit ng diin o bold face bilang pagbibigay-diin sa pinakamahalagang bahagi. d. Tiyaking naaayon sa plano ang harap, gitna, at huling bahagi ng brochure gamit ang binuong borador.

8. Tamang baybay at bantas

➢ Gumamit ng mga salitang angkop sa paglalarawan at panghihikayat upang mas maging kaakit-akit ang travel brochure na gagawin. Isaalang-alang din tamang baybay at bantas na gagamitin.

9. Gumamit ng wasto at angkop na wikang Filipino.

➢ Ito ang isang uri ng sulating ginagamitan ng pormal na wika at hindi ng mga balbal, kolokyal, o lalawiganing salita.

Gawain 2

Batid kong marami kang nalaman tungkol sa ating aralin. Upang mailapat ang napag-aralan mo, isagawa mo na ang kasunod na gawain.

Panoorin ang video clip tungkol sa isang lugar sa Rehiyon Dose partikular sa Miasong, Tupi, South Cotabato sa tulong ng link na ito, https://www.youtube.com/watch?v=XiM-EqG2pKk “ Discover Miasong”. Pagkatapos gawin ang gawain sa ibaba.

Gawain 2: Panuto: Suriin ang mga ipinakitang video clip at halimbawa ng Travel brochure kung nasunod ba ang mga hakbang at panuntunan sa pagsagawa ng isang makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo sa pamamagitan ng pagsagot ng OO o HINDI sa mga sumusunod na tanong. Pagkatapos ay magbigay ka rin ng iyong sariling puna ukol sa nakita o napanood.

__________1. Naisa-isa ba ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik ng mahahalagang datos tungkol sa lugar? __________2. Napukaw ba agad ang iyong interes sa umpisa pa lamang ng iyong panonood o nakita? __________3. Nasuri ba ang ginamit o pinagkunan ng datos o impormasyon sa pananaliksik? __________4. Angkop o mapagkakatiwalaan ba ang pinagkunan ng mga datos o impormasyon? __________5. Masasalamin ba ang kultura at tradisyon sa lugar? __________6. Naglagay ba ng pagkilala o citation sa mga pinagkunan ng impormasyon? __________7. Naipaliwanag ba ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo tulad halimbawa ng mga acronym na ginamit? __________8. Naisa-isa ba ang tamang hakbang at panuntunan sa paggawa ng proyekto? __________9. Naipakita ba ang tourist spot ng nasabing lugar? __________10. Nagamit ba nang wasto at angkop ang pormal na wikang Filipino sa pagsasagawa ng proyektong panturismo?

Ang aking puna:










Pagyamanin

Gayong lubos mo nang natutuhan kung paano gumawa ng isang travel brochure, maaari mo nang gamitin ang iyong sariling kakayahan at talento upang makabuo ng sariling proyektong panturismo. Maaari kang pumili ng mga sumusunod na paraan sa ibaba ayon sa iyong interes at kakayahan.

Sa sitwasyong kinakaharap ngayon ng buong mundo, paano mo mahihikayat ang mga turista na pumunta sa iyong sariling lugar upang mamasyal pagkatapos ng COVID-19 Pandemic. Paano mo masisiguro ang kaligtasan nila sa panahon ng kanilang pagbabakasyon sa inyong lugar?

Bumuo ng isang panghihikayat na makapagpapanatag ng kanilang kalooban upang pasyalan ang sarili mong lugar sa pamamagitan ng mga sumusunod. Pumili lamang ng isa.

➢ Kanta ➢ Tula ➢ Islogan ➢ Poster ➢ Spoken Word Poetry ➢ Flip Top

Rubrik sa Pagmamarka:

MGA PAMANTAYAN54321
Wasto at tumpak ang nilalaman ayon sa kahilingan
Malinaw ang paglalahad ng detalye at mensahe
May kaugnayan ang paksa
Naipakita ang wastong gamit ng salita
Masining na paglalaro ng mga salita
KABUOANG PUNTOS

5 – Pinakamahusay 4 – Mahusay 3 – Katamtaman 2 – Di-mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay

Isaisip

Binabati kitang muli, mahal kong kaibigan sa lumalawak mong kaalaman at pag-unawa sa ating aralin! Magpatuloy ka lang. Gawin mo pa ang mga gawain para sa iyo.

Mga Dapat Kong Tandaan sa Paggawa ng Travel Brochure1.
2.
3.
Kahalagahan ng Travel Brochure1.
2.
Ang Aking Maitutulong upang Mapalakas ang Turismo sa Bansa1.
2.
3.

[transcriber’s note: the table has no printed header row; the blank header row above is added to satisfy the table format, and the right-hand cells contain only the printed item numbers]

Panuto: Punan ang hinihingi ng kahon

Isagawa

Pagbati kaibigan konting-konti nalang at makakamit mo na ang tagumpay ng iyong pagsisikap sa Unang Markahan. Pero bago iyan, handa ka na ba para sa huling dalawang gawain natin?

Kung gayon, simulan mo na. Narito ang sitwasyon.

Ikaw ay isang tour guide sa isang Travel and Tours Company na nakabase sa Mindanao partikular sa Rehiyon Dose. Nais mong ipakita ang kagandahan at

mayamang kultura ng Rehiyon. Bumuo ka ngayon ng travel brochure na makatawag-pansin makaakit sa mga turista na dalawin, puntahan at pasyalan ang iba’t ibang lugar sa Rehiyon o sa SOCCSKSARGEN. Tandaan, gamitin mo ang iyong mga natutuhan tungkol sa pagbuo ng proyektong panturismo. Gamitin ang mga impormasyong iyong nasaliksik upang makalahad ng makatotohanang travel brochure. Maging malikhain din kung paano mo isasaayos ang mga larawan at higit sa lahat gawing malinis ang iyong gawa upang lubusan itong mapahalagahan ng iyong target na customer. Huwag kalimutang isaisip ang katanungang ito kaibigan habang ginagawa ang travel brochure. “Paano ko makokombinse ang mga tao na pumunta sa amin gayong katatapos lang ng COVID-19?

Samantala, makikita sa ibaba ang pamantayan kung paano kayo bibigyang grado sa nasabing gawain. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.

MGA PAMANTAYAN10-98-76-54-32-1
Ang panimula ay nakapupukaw ng interes at nakapanghihikayat
Ang mga impormasyong nakapaloob ay mahusay at malinaw
Nakitaan ng pagiging malikhain sa pag-aayos ng mga larawan at disenyo
Wasto at angkop ang ginamit na gramatika at pormalidad ng mga salita
Nasunod ang tamang hakbang at panuntunan sa paggawa ng proyekto
KABUOANG PUNTOS

10-9 – Pinakamahusay 8-7 – Mahusay 6-5 – Katamtaman 4-3 – Di- mahusay 2-1 – Sadyang Di-mahusay

TAGUBILIN:

Sa mga online learners:

  1. Maaari kayong gumawa ng isang Travelogue o Vlog.
  2. Kung pipiliin mo naman ang travel brochure ipapakita mo ito sa panahon ng ating virtual class.

Sa mga offline/modular approach learners:

  1. Ipasa ang iyong gawa sa tulong ng iyong mga magulang
Tayahin

Binabati kita sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng gawain. Ngayon, upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan.

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

  1. Mahalaga ang travel brochure sa mga turista, sa paanong paraan ito makatutulong sa kanila?
    a. maaaring lumakbay nang wala ito
    b. maaari itong makapagpalito sa mga turista
    c. maaaring gamitin ito ng mga turista upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais puntahan
    d. lahat ay posibleng tama


  2. Marami ang maitutulong ng turismo sa pag-unlad ng isang lugar. Isa sa mga ito ay ang _____________________________.
    a. pagbibigay ng hanapbuhay sa mga lokal na mamamayan ng isang lugar sa pamamagitan ng serbisyo.
    b. pagkakaroon ng pagkakataong magkagulo
    c. pagkakataong dadami ang populasyon
    d. lahat ay posibleng sagot


  3. Ikaw ay isang turista na mahilig maglakbay at mamasyal, alin sa mga sumusunod ang iyong kakailanganin upang maging gabay sa paghahanap ng lugar na nais puntahan?
    a. traveling bag
    b. travel company
    c. travel brochure
    d. travel insurance


  4. Sa panahon ngayon kung saan humaharap ang bansa sa isang matinding krisis na dulot ng pandemic, may mga turistang naantala ang pagbabalik sa sariling lugar, paano nila panatilihing ligtas ang kanilang sarili sa nasabing lugar?
    a. samantalahin ang pagkakataon na magpasyal sa mga lugar na nais puntahan.
    b. sumunod sa mga batas na ipinapatupad ng local na pamahalaan kung saan sila naantala.
    c. panatilihin ang paghuhugas ng kamay palagi, magsuot ng face mask, umiwas sa matataong lugar, at isagawa ang social distancing.
    d. b at c


CO_Q1_Filipino7_Module13

  1. Kung ako ay isang turista at kulang ang kaalaman ko sa isang lugar, anong detalyadong printed material ang aking gagamitin?
    a. flyers
    b. leaflets
    c. pamphlets
    d. brochures


  2. Nalinang ang aking pagiging malikhain sa paggawa ng travel brochure.
    a. Mapatutunayan ko na mas magaling ako sa iba
    b. Maipagmamalaki ko ang magagandang tanawin sa aming lugar
    c. Mahihikayat ko ang sinomang makabasa na bisitahin ang aming lugar
    d. Mapaunlad ko ang sariling kakayahan


  3. Masusing pananaliksik ang kinakailangan upang makabuo ng travel brochure. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang kabaliktaran sa nasabing kaisipan
    a. Kinakailangan ang tumpak at wastong impormasyon
    b. Kasalanang mortal ang magbigay ng maling impormasyon
    c. Responsibilidad ng sinoman ang magbigay ng tamang kaalaman
    d. Kalituhan sa mamamayan ang kulang na impormasyon


  4. Mahalaga ang travel brochure sa sinomang nagbabalak mamasyal dahil magsisilbi itong _____.
    a. mapa
    b. gabay
    c. paalala
    d. souvenir


  5. Isa sa malaking maitutulong ng turismo sa pag-unlad ng isang lugar ay ang _____.
    a. makilala ito sa buong mundo
    b. mapaunlad ang sariling bayan
    c. maipagmalaki ang natatangi nitong katangian
    d. mabigyan ng kabuhayan ang sakop ng mamamayan


  6. Mag-iimpake lang ako ng sapat at angkop na damit para sa ilang araw na pamamasyal upang magiging _____ ang pagdadala ng aking bagahe.
    a. magaan
    b. mabilis
    c. maayos
    d. madali


  7. “More Fun in the Philippines”. Katagang pang-akit ng Kagawaran ng Turismoupang bisitahin ng mga dayuhan ang ating bansa. Ano ang ibig sabihin nito?
    a. Nakatutuwa ang mga tao sa Pilipinas
    b. Masayahin ang mga tao sa Pilipinas
    c. Masarap maglakbay sa mga sikat na lugar sa Pilipinas
    d. Maligaya ang paglalakbay sa mga sikat na lugar sa Pilipinas


  8. Nararapat na lagi tayong handa sa anomang pangyayari kapag tayo aynagpaplanong mamasyal sa isang lugar.
    a. Wala nakakilala sa atin
    b. Walang tutulong sa atin
    c. Walang papansin sa atin
    d. Walang nakakaalam sa sasapitin


  9. Mahalagang maglalaman ang isang travel brochure ng mga sumusunod na impormasyon maliban sa isa.
    a. pangalan ng lugar at panuto kung paano ito puntahan
    b. paglalarawan ng mga sikat na tanawin
    c. halaga ng gastos na kakailanganin
    d. numerong maaaring tawagan


  10. Bakit mahalagang mag-iipon muna ng mga impormasyon tungkol sa lugar na planong pasyalan?
    a. upang mapaghandaan ang lahat ng kakailanganin
    b. upang maipagmamalaki sa kasama na marami ka nang alam sa lugar na pupuntahan
    c. upang pangunahan ang iyong mga kasama
    d. upang ipaalam sa kanila kung anong mayroon sa nasabing lugar


  11. Makatutulong ito sa pagbuo ng travel brochure para maging huwaran o template ng iyong bubuoin.
    a. pagguhit
    b. pagbuo ng borador
    c. pagbuo ng larawan
    d. lahat ay pwedeng sagot


Karagdagang Gawain

[illustration: gears inside a circle above a hand, decorative icon beside the section title]

[illustration: a smiling character holding a phone, with a speech bubble]

Mahusay kaibigan! Matagumpay mong naisagawa at natapos ang mga gawain sa modyul na ito. Paalala lamang na gawin mo ang nasa bahaging Tagubilin sa pahina 24 ng modyul na ito.

[illustration: two characters, one holding a phone, each with thought bubbles]

Napakahusay mo kaibigan! Natapos at napagtagumpayan mo ang aralin. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin sa modyul na ito.

Nawa’y mapahalagahan mo ang mga magagandang tanawin dito sa ating bansa at maipagmalaki sa iba.

Naway nasiyahan ka sa iyong paglalakbay sa modyul na ito kasama kami.

Paalam kaibigan, hanggang sa muli.

Susi sa Pagwawasto

[illustration: key icon inside a circle above a hand, decorative icon beside the section title]

[transcriber’s note: the two answer boxes are printed rotated upside down; the values below are read from them]

TAYAHIN
ItemAnswer
1.C
2.A
3.C
4.D
5.D
6.C
7.D
8.B
9.D
10.A
11.C
12.D
13.C
14.A
15.B
SUBUKIN
ItemAnswer
1.D
2.C
3.D
4.B
5.D
6.C
7.D
8.A
9.A
10.C
11.C
12.C
13.C
14.B
15.D

Sanggunian

https://www.youtube.com/watch?v=Nc3-5TBTfbA https://www.youtube.com/watch?v=XiM-EqG2pKk

Pinagkunan ng mga larawan:

Calsis, Mary Grace B. Escobillo, Cherryl Mae L. Escobillo, Jinky Joy L. Juanico, Romy

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *