This is the Filipino 5 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 6: “Pagsasalaysay Muli sa Napakinggang Teksto Gamit ang Sariling Salita” (retelling a text you listened to in your own words). It was prepared by DepEd Region VIII for Grade 5 learners studying at home under the Alternative Delivery Mode. By the end, learners should be able to pick out the important details of a text read aloud to them and retell it clearly in their own words.
What learners will learn
The module states three learning objectives. Learners are expected to:
- identify important information from a text they listened to (natutukoy ang mahahalagang impormasyon mula sa napakinggang teksto);
- retell the text they listened to in their own words (naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita); and
- value retelling a text they listened to in their own words (nabibigyang-halaga ang pagsasalaysay muli gamit ang sariling salita).
The module has one lesson, Aralin 1, which shares the module’s title. A friendly guide character named Kokoy leads learners through it.
Key ideas: listening and retelling
The lesson explains that retelling what we hear lets us share knowledge from information we receive. That information can come from other people or from media such as radio, television, and newer gadgets.
Why listening matters
The module describes listening (pakikinig) as an active task. The listener’s mind processes the sounds and words and gives them meaning. Being able to retell a text is proof that a person gained new knowledge from listening. The module gives four reasons why developing listening skills is important:
- a person can succeed in any field of life;
- communication becomes effective in different situations;
- knowledge about many things grows; and
- you understand and respect others, so that others respect you too.
What retelling means
Retelling (pagsasalaysay muli) is the ability to express what you thought or felt about a text you heard, using your own words. To retell well, you first need to understand what you are listening to. The Isaisip (key takeaway) section adds that speaking or retelling means using words your listener understands and language that is appropriate for both the speaker and the listener.
Activities in this module
Every activity uses a short text that an adult reads aloud while the learner listens.
| Part | Text | What the learner does |
|---|---|---|
| Subukin (pretest) | A short essay about Gaile and her favorite toy, Chloe | Fills in a chart: the favorite toy, the important events, and proof it is her favorite |
| Balikan (review) | The poem “Kalikasan ating Pangalagaan” (let us care for nature) | Fills in a chart: title, God’s gifts, what we should do more of, and the author |
| Tuklasin (discover) | A story about friends Ana and Lina, who save two puppies from a canal with help from their P.E. teacher, G. Año | Answers five questions to retell the story |
| Pagyamanin (practice) | “Ang Padul-ong Festival,” a Borongan City celebration honoring the Virgin Mary | Retells the text using an outline and shares it with classmates by text message or Messenger |
| Isagawa (apply) | The story “Ang Tatlong Kuneho” (the three rabbits) about Emry and Elwyn’s pet rabbits | Retells the story in their own words, guided by five questions |
| Tayahin (assessment) | The poem “Panginoon” (Lord), about hope and gratitude | Answers five questions about the poem’s message |
The Pagyamanin outline asks learners to cover four points: the meaning of Padul-ong, what the celebration includes, where it takes place, and a description of the feast. The text explains that the name comes from the Waray-Waray word “dul-ong,” which means to bring or deliver. The festival is held every September 7, one day before the town fiesta.
The module also has a rubric for checking a retelling. It rates five things on a scale from 4 (Napakahusay, excellent) to 1 (Nangangailangan ng Pagpapabuti, needs improvement):
- uses their own words;
- retells clearly and in an organized way;
- answers the guide questions correctly;
- shows good speaking skill; and
- shows self-confidence while retelling.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then work through each part in order. Write your answers on a separate sheet of paper, not on the module, so others can use it later. Contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: The activities depend on listening, so read each text aloud to your child, then let your child answer or retell it. The answer key at the end lets you check the charts and questions together. Many answers are marked as open, so accept reasonable answers in your child’s own words.
- Teachers: The pretest shows whether a learner needs extra help. The Pagyamanin and Isagawa tasks ask learners to share their retellings with classmates by text or Messenger. You can use the rubric to score retellings. The module reminds everyone to use the answer key honestly.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 5 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 6.
What does pagsasalaysay muli mean?
It means retelling. In this module it is the ability to express what you thought or felt about a text you listened to, using your own words.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin, Balikan, Tuklasin, Isagawa, and Tayahin parts. Many items note that learners’ answers may vary.
Why does the module ask an adult to read the texts?
The lesson builds listening skills. An older family member reads each text aloud so the learner can listen and then retell it.
How are learners’ retellings checked?
The module includes a rubric that rates five criteria from 4 (excellent) to 1 (needs improvement). The criteria are using one’s own words, clear organization, correct answers to the guide questions, speaking skill, and self-confidence.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino
Unang Markahan – Modyul 6: Pagsasalaysay Muli sa Napakinggang Teksto Gamit ang Sariling Salita
[illustration: cover art of students reading, a teacher helping a student at a desk, a globe, and a child reading by lamplight]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_FILIPINO5_Modyul6
Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Pagsasalaysay Muli sa Napakinggang Teksto Gamit ang Sariling Salita Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gesille G. Gagni-Grande
Editor: Virginia C. Dulfo, Cresente A. Beato, Gina J. Galvez, Antonette S. Espora, Betsy U. Coching, Aiene M. Molina
Tagasuri: Lorie Emmanuel B. Arago, Aurora B. Amboy, Steven Santos
Tagalapat: Michael Q. Balan, Swelyn E. Forro
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Teodorico C. Peliño Jr. Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Dandy G. Acuin Bernardo A. Adina Gaudencio C. Aljibe Jr. Lea C. Aberia Virginia C. Dulfo Ma. Teresa B. Afable Shirley B. Bacal
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053-832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Filipino
Unang Markahan – Modyul 6: Pagsasalaysay Muli sa Napakinggang Teksto Gamit ang Sariling Salita
5
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: Kokoy, a boy character with a school bag]
Kumusta kaibigan! Naririto tayong muli upang maglakbay. Ako si Kokoy ang iyong kaibigan na nakahandang gumabay sa iyo sa ikaanim na paglalakbay. Tara! Samahan mo ako tungo sa bagong kasanayan.
Kinahiligan mo rin ba ang pagkukuwento? Alam mo ba, na ang pakikinig at pagsasalita ay ilan lamang sa mga kasanayan na dapat matutunan ng mga batang tulad mo? Sa paglinang ng kasanayang ito, ay malaya mong naibabahagi o naisasalaysay ang mahahalagang impormasyong iyong napakinggan. Malaki ang maitutulong ng paggamit mo ng sariling salita upang madali mo itong maunawaan at nang maging epektibo kang tagapagkuwento.
Sa pag-aaral mo ng modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan:
- natutukoy ang mahahalagang impormasyon mula sa napakinggang teksto;
- naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita; at
- nabibigyang-halaga ang pagsasalaysay muli gamit ang sariling salita sa napakinggang teksto.
Subukin
[illustration: Kokoy, a boy character with a school bag]
Handa ka na ba kaibigan? Pero bago ang lahat, may nakatatanda ka bang kasama ngayon sa bahay? Mabuti naman kung ganoon. Sa tulong niya, ipabasa mo ang nilalaman ng teksto upang matulungan kang malinang ang iyong kasanayan sa pakikinig.
Subukin
Pakinggan ang maikling sanaysay. Pagkatapos, punan ang tsart sa ibaba.
May paboritong laruan si Gaile. Dala niya ito kahit saan siya magpunta. Katabi rin niya ito sa pagtulog. Sa kaniyang pagkain, pinauupo din niya ito sa katabing upuan. Madalas niya itong bihisan ng makukulay na mga kasuotan. Ipinapatahi pa niya ito sa kaniyang Tita Marnie. Pinagawan pa niya ito ng sapatos kaparehas ng kanyang paborito. Minsan, isinasabay niya ito sa kaniyang pagligo. Maingat niyang susuklayan ito at lalagyan ang buhok ng kaparehas sa kaniyang pantali. Talaga namang mahal na mahal niya ito. Ang pangalan niya ay Chloe.
– Gesille G. Grande, Borongan City Division
Punan ang tsart ng hinihinging impormasyon.
| Paboritong laruan | |
|---|---|
| Mahahalagang pangyayari sa sanaysay | |
| Patunay ng pagiging paboritong laruan ng may ari |
[transcriber’s note: the right-hand cells are blank in the original for the reader to fill in]
Aralin 1
Pagsasalaysay Muli sa Napakinggang Teksto Gamit ang Sariling Salita
[illustration: Kokoy, a boy character with a school bag]
Tulad ng mga nakaraang kuwentuhan, ang pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto ay mahalaga upang maibahagi natin ang ating kaalaman batay sa mga impormasyong ating napakikinggan. Ito ay maaaring manggaling sa ibang tao, sa iba’t ibang midyum tulad ng radyo, telebisyon, at iba pang makabagong gadyet.
Balikan
Ipabasa ang tula at pakinggang mabuti ang mahahalagang impormasyon. Pagkatapos, punan ang tsart sa ibaba.
Kalikasan ating Pangalagaan
Kahit saang dako ibaling ang tingin Kasaganaan ng paligid ating mapapansin Mga biyayang kaloob ng Diyos sa atin. Nakalulungkot lang isipin, Hangad ng iilan ito ay sirain.
Ating kabuhayan nagmula sa kalikasan.
Ipinagkaloob ng Maykapal kaya’t ating alagaan. Tayo’y magkaisa’t ating pagyamanin, Ating alagaan biyayang kaloob sa atin.
Programa ng pamahalaan isulong, pagyamanin. Waste segregation pag-ibayuhin at paigtingin. Mga basura sa tahanan nawa’y limitahin, Reuse, reduce, recycle ating pag-ibayuhin.
– Mercia C. Gilbuena DepEd Borongan City
Punan ang tsart ng hinihinging impormasyon mula sa napakinggang tula.
| Pamagat ng tula | |
|---|---|
| Mga ipinagkaloob ng Maykapal | |
| Mga dapat pag-ibayuhin | |
| May akda ng tula |
[transcriber’s note: the right-hand cells are blank in the original for the reader to fill in]
Tuklasin
Nasagot mo ba nang tama? Magaling! Handa ka na sa bagong aralin. Sa tulong ng nakatatanda o miyembro ng inyong tahanan ipabasa mo ang teksto.
Pakinggang mabuti ang talata. Isalaysay ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa susunod na pahina.
Ang magkaibigang Ana at Lina ay tahimik na nagbabasa ng aklat sa loob ng silid-aklatan. Kailangan nilang tapusin ang ibinigay na takdang-aralin ng kanilang guro sa Filipino. Pagkatapos ng tatlumpong minuto ay dali-daling lumabas ang magkaibigan. Sa wakas, natapos din nila ang ipinapagawa ng kanilang guro. Nagpasya silang pumunta sa kantina upang bumili ng makakain. Habang naglalakad ay may narinig silang tila ungol ng aso. Dagli nilang hinanap ang pinanggalingan ng tunog. Sa dakong hardin ng paaralan, may nakita silang dalawang tuta na nahulog sa kanal. Mabilis na tumakbo si Ana upang humingi ng tulong.
Nakasalubong ni Ana ang kanilang guro sa P.E. na si G. Año. Sa kaniya siya humingi ng tulong. Sabay nilang pinuntahan ang kinaroroonan ng kaniyang kaibigang si Lina. Nasa kanal pa rin ang dalawang tuta. Tinulungan sila ni G. Año na mailigtas ang mga tuta. Tuwang-tuwa ang magkaibigan nang makuha mula sa kanal ang dalawang tuta.
- Gesille G. Grande
DepEd Borongan City Division
Mga tanong:
Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Ano-ano ang ginawa ng magkaibigan sa araw na iyon?
Ano ang narinig ng dalawang magkaibigan?
Sino ang tumulong kina Lina at Ana?
Kung ikaw ay isa sa magkaibigan, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit?
Suriin
Ang kakayahang makapagsalaysay muli ay isang patunay na may nakuhang bagong kaalaman ang isang indibidwal mula sa kanyang pakikinig. Ang pakikinig ay isang aktibong gawain na may nagaganap na pagpoproseso sa isip ng tagapakinig na kung saan nabibigyang kahulugan ang mga tunog at salita. Mahalaga ang pakikinig sa bawat gawaing isinasagawa na may kaugnayan sa paglinang nito sa kadahilanang:
a. nagiging matagumpay ang tao sa anumang larangan ng buhay;
b. magkakaroon ng kabisaan ang pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang sitwasyon;
c. napapalawak ang kaalaman sa iba’t ibang bagay; at
d. nauunawaan at naigagalang ang kapwa nang sa gayon ay igalang ka rin ng iba.
Ang pagsasalaysay muli ay ang kakayahang maihatid ang naisip o nadarama sa napakinggang teksto gamit ang sariling salita. Mahalagang maunawaan ang pinakikinggan nang sa gayon ay matututuhan mo ang nilalaman ng teksto.
Pagyamanin
Pakinggan ang teksto at isalaysay muli ang mahahalagang pangyayari sa iyong sariling salita. Gamiting gabay ang balangkas sa ibaba. Ibahagi ang sagot sa mga kaklase sa pamamagitan ng text message gamit ang cellphone o chat sa messenger.
A. Kahulugan ng Padul-ong B. Nakapaloob sa Selebrasyon C. Mga Pinangyayarihan ng Pagdiriwang D. Paglalarawan sa Selebrasyon ng kanilang Pista
Ang Padul-ong Festival
Gesille G. Grande
Ang Padul-ong Festival ay isang selebrasyon at tradisyon na ipinagdiriwang ng mga taga-Borongan bilang pagpupugay sa Mahal na Birheng Maria, ang patron ng siyudad ng Borongan. Ito ay ang kuwento ng misteryosong pagdating ng imahe ng Birheng Maria mula sa Portugal na sinasabing may pagkakaugnay sa babaeng nakaputi na madalas na nakikita sa Hamorawon Spring na pinaniniwalaang nagbibigay ng tubig na misteryosong nakagagamot sa mga residente dito noong unang panahon. Ipinagdriwang ang Padul-ong Festival tuwing ika-7 ng buwan ng Setyembre, isang araw bago ang piyesta ng lugar. Tinawag itong Padul-ong mula sa salitang Waray-Waray na dul-ong na ang ibig sabihin ay paghatid.
Ang Padul-ong Festival ay nagsisimula mula sa malayong barangay ng Punta Maria sa pamamagitan ng isang misa na dinadaluhan ng Hermana at mga deboto ng simbahan. Pagkatapos ng misa, inihahatid ang imahe ng Birhen sa pantalan ng Rawis na isinasakay sa isang malaking bangka. May mga Boronganon na nag-aabang sa pantalan sa pagdating ng Birhen. Dito na nagsisimula ang parada na sinasalihan ng iba’t ibang institusyon ng siyudad. Makikita sa paradang ito ang makukulay na mga kasuotan mula sa mga kalahok nito. Magarbo ang selebrasyon ng pagdiriwang nito. Inihahatid ang imahe sa simbahan ng Nativity of Our Lady na nasa sentro ng Borongan. Pagkatapos ng parada ay makikita ang iba’t ibang pagtatanghal na naglalarawan ng kuwento tungkol sa misteryosong pagdating ng Birheng Maria sa Siyudad ng Borongan.
Isaisip
Ang pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto ay isang gawain na nagpapatunay na may natutunan tayong kaalaman mula sa ating napakinggang impormasyon saan man ito nakuha. Ang pagsasalita o pagsasalaysay ay ang kakayahang maihatid sa pamamagitan ng mga salitang nauunawaan ng kausap at sa pamamagitan ng wika na karapat-dapat hindi lamang sa nagsasalita kundi maging sa kausap man.
Isagawa
Nasunod mo ba ang mga pagsasanay kaibigan? Nagamit mo ba ang iyong sariling salita sa pagsasalaysay? Ngayon, ating ipagpatuloy ang paglalakbay.
Makinig sa kuwentong ‘Ang Tatlong Kuneho’. Isalaysay muli ang kwento gamit ang sariling salita. Ibahagi ang sagot sa mga kaklase sa pamamagitan ng text message gamit ang cellphone o chat sa messenger. Gamiting gabay ang mga tanong sa ibaba.
Ang Tatlong Kuneho
Gesille G. Grande
Sina Emry at Elwyn ay may alagang tatlong kuneho. Mapuputi ang balahibo ng kanilang mga alaga. Pinangalanan nila itong sina Mandy, Jessie at King. Alagang-alaga nila ito. Rosas ang kulay ng ng kanilang bahay-kulungan. May sarili silang lalagyan ng kanilang pagkain at inuming tubig. Limang beses kung sila ay pakainin sa buong araw.
Sa umaga, pinalalabas nila sa kanilang bahay-kulungan ang mga kuneho. Hinahayaan nila itong maglibot sa loob ng kanilang tahanan. Mahilig maglaro ang mga kuneho. Minsan ay naghahabulan sila kasama sina Emry at Elwyn. Tuwang-tuwa ang dalawang bata kapag tumatalon ng mataas ang kanilang mga alaga.
Isang maaraw na hapon, biglang sumigaw si Emry. “Mama, Mama, nakalabas ng bahay si Mandy. Habulin po natin bago siya makalayo.” Patakbong lumabas ang kaniyang ina at hinabol si Mandy. Ngunit sadyang mabilis tumakbo ang kuneho at hindi niya ito naabutan. Laking pasasalamat nila nang maharang ito ng kanilang Yaya Maris. Kinarga ni Yaya Maris si Mandy it ibinalik sa loob ng bahay.
Isinama minsan sa parke sina Mandy, Jessie at King. Gusto ni Elwyn na kargahin si King ngunit hindi pumayag ang Papa nila. Pinagkaguluhan sa parke ang mga kuneho. Maraming bata ang gustong humawak sa mga ito. Binuksan nila ang pintuan na nasa bahaging itaas ng kulungan para makakilos ng maayos sa loob ang mga kuneho at mahawakan ito ng mga bata. Pagkatapos sa parke, dumaan ang pamilya nina Emry at Elwyn sa restoran. Binilhan nila ng gulay na kangkong ang kanilang mga alaga. Habang kumakain sila ng hapunan, sumasabay din ang mga kuneho sa kanila. Natutuwang nanonood sa kanila ang ibang parokyano ng restoran. Pagkatapos nilang kumain, napagpasyahan nilang umuwi na ng bahay para makapagpahinga silang lahat.
Mga Tanong:
- Sa iyong sariling salita, ilarawan ang tatlong kuneho.
- Isalaysay ang mahahalagang pangyayari sa tatlong kuneho.
- Bakit maraming bata ang gustong humawak sa mga kuneho? Patunayan ang iyong sagot.
- Magbigay ng patunay na mahal na mahal ng magkapatid na Emry at Elwyn ang kanilang mga alagang kuneho.
- Paano mo mabibigyang halaga ang pagkakaroon ng alagang hayop. Magbigay ng tatlong halimbawa.
Tayahin
Nasa Tayahin na tayo kaibigan, inaasam ko ang iyong kahusayan sa pagsagot. Maaasahan ko ba ito?
Ipabasa at pakinggang mabuti ang tula.
Panginoon
Buhay ko noon sadyang napakahirap
Halos lahat ng pagsubok aking hinaharap
Mga mata’y naging bulag
Dahil walang makitang liwanag.
Pagsubok sa buhay hindi makayanan
Kahapisan at kahirapan hindi maiiwasan
Pagod na katawan aking nararamdaman
Ang ilalim ng puno ginawang pahingahan.
Isang gabi, dumating ka sa aking panaginip
Dala mong pag-ibig ako’y napaisip
Panginoon, hindi ka ba nawawala sa inyong paroroonan?
Nagtatanong dahil hindi inaasahan.
Sadyang dumulog ka sa akin
Para ibigay ang pag-asa mandin
Pagtitiwala aking gagawin
Upang buong buhay ko’y iyong mamahalin.
Pagmamahal mo’y aking naramdaman
Aking puso’y puno ng kaligayahan
Maraming biyaya aking napansin
Lahat pala ay ibinigay mo na sa akin.
Ngayon ko lang naalintana
Buhay ko pala’y masagana
Pag-aalaga at pagmamahal iyong ipinadama
Sa akin na nawalan ng pag-asa.
Sa likod pala ng aking kahirapan
Totoong hindi mo ako iniwan
Kahirapan sa aking buhay ay pagsubok lamang
Kung hanggang saan ang aking tapang.
Maraming salamat Panginoon sa bigay mong pag-asa
Buhay ko ngayon iyo’y pinagpala
Pagpapatawad mo sa akin iyo’y ibinigay
Dahil ako’y mahal mong tunay.
- Celerina P. Balein
DepEd Borongan City Division
Bigyang-halaga at sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa napakinggang tula.
- Ano ang nais ipabatid ng tula?
- Bakit sinabi ng may-akda na ang mga mata niya’y naging bulag?
- Paano napagtanto ng may-akda na hindi siya pinabayaan ng Panginoon?
- Ano kaya ang ipinagpapasalamat ng may-akda sa huli nitong bahagi?
- Magbigay ng mga pagkakataon sa iyong buhay na nagpapakita ng pagmamahal ng Panginoon sa iyo.
Rubriks sa Pagsasalaysay ng Tekstong Napakinggan
Lagyan ng (/) ang kolum batay sa iyong pagsusuri sa gawain.
| Napakahusay 4 | Mahusay 3 | Katamtaman 2 | Nangangailangan ng Pagpapabuti 1 | Iskor | |
|---|---|---|---|---|---|
| Nakagagamit ng sariling salita sa pagsasalaysay | |||||
| Malinaw at organisado ang pagsasalaysay | |||||
| Nasagot nang tama ang gabay na mga tanong | |||||
| Kakikitaan nang kahusayan sa pagsasalita | |||||
| May kumpyansa sa sarili habang nagsasalaysay |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated; the sections are transcribed in the order they appear in the document]
Pagyamanin
(Maaaring magkakaiba ang ibibigay na balangkas ng mga mag-aaral.)
Isagawa
- Mapuputi ang mga kuneho, mahilig makipaglaro
- Pinakakain sila ng limang beses, inaalagaan ng maayos, isinasama sa paglabas ng bahay, itinuturing na kapamilya.
- Dahil sa kanilang nakawiwiling itsura magkakaiba ang ibigay na (maaaring sagot ng mga bata)
- Pinakakain nila ito ng maayos, nakikipaglaro sila rito, inaalagaan ng maayos, isinasama sa parke at sa pagkain sa labas. (maaaring magkakaiba ang ibibigay na sagot ng mga bata)
- [illegible] (maaaring magkakaiba ang ibibigay na sagot ng mga bata)
Tayahin
- Ang taimtim na pasasalamat sa Panginoon (maaaring magkakaiba ang ibigay na sagot ng mga bata)
- dahil problema ang kanyang palaging nakikita. (maaaring magkakaiba ang ibigay na sagot ng mga bata)
- dahil maraming biyaya ang dumating sa kanya na hindi niya napapansin noon. (maaaring magkakaiba ang ibigay na sagot ng mga bata)
- dahil sap ag-aalaga[?] at pagmamahal na ibinigay sa kaniya ng Panginoon (maaaring magkakaiba ang ibigay na sagot ng mga bata)
- (maaaring magkakaiba ang ibibigay na sagot ng mga bata)
Subukin
| Paboritong laruan | Chloe, isang manika |
|---|---|
| Mahahalagang pangyayari sa kuwento | May paboritong laruan, kasama niya ito kahit saan, binibihisan ng makukulay na damit, isinasabay sa pagligo (maaaring magkakaiba ang ibibigay na sagot ng mga bata) |
| Patunay ng pagiging paboritong laruan ng may ari | Inaalagaan niya ito ng maayos (maaaring isa ang pagbanggit ng mga patunay) |
Balikan
| Pamagat | Kalikasan Ating Pangalagaan |
|---|---|
| Mga ipinagkaloob ng Maykapal | Kabuhayan, kalikasan |
| Mga dapat ibayuhin | Reduce, Reuse, Recycle |
| May akda ng tula | Mercia C. Gilbuena |
Tuklasin
- Ana at Lina
- Nag-aral at tumulong sa tuta
- Ungol ng aso/tuta
- G. Año, guro sa PE
- (Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga bata)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply