EsP 8 Quarter 1 Module 16: Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya

Grade 8 EsP Quarter 1 Module 16 on the social and political role of the family, with key ideas, activities, and tips for learners and teachers.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 16: “Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya” (the social and political role of the family). It is an Alternative Delivery Mode module for Grade 8 learners studying at home, prepared by DepEd Caraga Region (first edition, 2020). After working through it, learners should be able to carry out actions that fit the family’s social and political roles in their community.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module develops one learning competency:

  • Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya (performs actions suited to the social and political role of the family). (ESP8PB-Ih-4.4)

The module has one lesson, Aralin 1, which shares the module’s title. It opens with the saying “Magsama-sama at lalakas, magwatak-watak at babagsak” (united we grow strong, divided we fall).

Key ideas: the family’s social and political roles

The module builds on Module 15, which covered the family’s duty to help build a caring community. Here, learners study the specific actions a family can take in society and in civic life.

Social role (papel na panlipunan)

The module names three parts of the family’s social role:

  • Pagiging bukas-palad (generosity): for example, a woman who feeds children who are not related to her.
  • Pagsusulong ng bayanihan (promoting community cooperation): joining barangay programs and helping clean the community’s canals.
  • Pangangalaga sa kapaligiran (caring for the environment): sorting garbage into the right bins, as required by the Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003).

Political role (papel na pampolitikal)

The family’s political role is pagbabantay sa mga batas at mga institusyong panlipunan (watching over laws and social institutions). The module’s examples include reporting a crime you witnessed, attending community meetings, volunteering for the Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRM) office, and leading community projects.

The family as a small society

The module cites Esteban (1989), who describes the family as a small society. At home, some members set rules and others follow them. For example, siblings each have chores, and they may be scolded or punished if they skip them. Besides being a father, mother, or child, each member also has roles in society: a responsible, humane, nature-loving, and God-fearing citizen. The module stresses that people must learn pakikipagkapuwa (relating well with others) and that this is first learned in the family. That is why the family should shape each member into a loving and responsible citizen.

Examples from the activities

  • During the COVID-19 Enhanced Community Quarantine: staying home during curfew, following government protocols, wearing a face mask and face shield, not spreading false news on social media, and respecting frontliners at checkpoints.
  • The story of Jay: Jay finds an empty lot with water-filled bottles during a dengue outbreak and reports it at the Barangay Hall. Neighbors, led by the barangay captain, clean it up. The story links to the Rural Health Unit’s 4S reminder: search and destroy, self-protection measures, seek early consultation, and say no to indiscriminate fogging.
  • John F. Kennedy’s quote, given in Filipino: think not of what the government does for you, but of what you can do for it.

Parts and activities of the module

PartWhat learners do
Subukin15-item multiple-choice pretest
BalikanGawain 1: Daan Ko, Sagot Ko! A road graphic organizer on community, traffic laws, nature, and government
TuklasinGawain 2: a 10-item survey on whether their family performs its social and political roles (7 to 10 is good; 1 to 6 means more effort is needed)
SuriinReading on the key ideas
PagyamaninGawain 3: Gawain Mo, Pusuan Mo! (15 ECQ situations); Gawain 4: Suri-Larawan! (a picture of a littered street); Gawain 5: Sitwasyon Ko, Magagawa Mo! (Jay’s dengue story)
IsaisipGawain 6: a journal reflection on the JFK quote (20 points)
IsagawaGawain 7: Isang Linggong Talaarawan, a one-week diary of social or political acts done for others
Tayahin15-item multiple-choice post-test
Karagdagang GawainGawain 8: Iguhit Mo! A poster and slogan on their family’s social and political role (30 points)

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it later. Check the rubrics before doing the written tasks. Use the answer key honestly, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: The diary and the survey are about your family’s real actions, so your help and honest answers matter. Follow health protocols when doing community tasks, as the module reminds.
  • Teachers: If the learner does well on the Balikan activity, let them move on. If not, have them go back to the previous module. Rubrics are provided for Gawain 4 to 8. The Susi sa Pagwawasto (answer key) is on the last pages.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 16.

What competency does Module 16 cover?

It covers ESP8PB-Ih-4.4: performing actions suited to the social and political role of the family.

What is the social role of the family in this module?

The module lists generosity (pagiging bukas-palad), promoting bayanihan, and caring for the environment as the family’s social role.

What is the political role of the family?

The family’s political role is watching over laws and social institutions. An example is reporting a crime you witnessed.

Does the module have an answer key?

Yes. A Susi sa Pagwawasto is printed near the end, with answers for the multiple-choice items and some activities.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 16: Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya

8

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 16: Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya

CO_Q1_EsP8_Module16

[illustration: students reading and studying under a large tree, a teacher with a student at a desk, a boy reading by a lamp, and two students with a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q1_EsP8_Module16

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 16: Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Judith E. Ecoben Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Megenila C. Guillen, Imelda A. Grumo, Michael C. Paso, Mark Lorenz C. Luib, John Rey C. Clarion, Jezzine F. Salar, Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo, John Rey C. Clarion Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph

8

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 16: Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito nga iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o stratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan nya ng ibayong tulong mula a tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahaan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamamit lang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong n gating mga tagapagdaloy. Umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: hand pressing a button in a circle, decorative icon]

Bawat indibidwal ay may ginagampanang papel sa buong pamilya na maipalaganap. Ang pamilya ay may tungkuling nararapat na magampanan sa lipunang ginagalawan, binibigyan ng suportang moral, material, praktikal, emosyonal at maging ang iba pang pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya. Pinapahalagahan ng bawat pamilya ang awtoridad ng politika at panlipunang seguridad.

Ang pagganap na ito ay may kaakibat na angkop na gawaing maaaring panlipunan at pampulitikal. Paano nga ba natin magagampanan ang gawaing panlipunan at pampolitikal? Kaibigan, sa modyul na ito masasagot mo ang mga katanungang ito.

Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:

a. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya. (ESP8PB-Ih-4.4)

Subukin

[illustration: hand holding a pencil in a circle, decorative icon]

Maraming Pagpipilian

Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Ano ang kailangang matutunan ng tao para sa mabisang pakikipag-ugnayan sa lipunan?

    • A. pagkikipag-usap
    • B. pag-aaruga ng tao
    • C. pagmamahal sa tao
    • D. pakikipagkapuwa tao
  2. Ano ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na unang nagturo sa kahalagahan sa pagganap ng mga responsibilidad ng isang mabuting mamamayan?

    • A. barangay
    • B. lungsod
    • C. organisasyon
    • D. pamilya
  3. Alin sa mga tungkulin ang kailangang gampanan ng isang pamilya bilang bahagi ng lipunan?

    • A. tungkuling bigyan ng kasiyahan ang bawat kasapi ng lipunan
    • B. tungkuling makiisa sa mga rally na isinasagawa laban sa gobyerno
    • C. tungkuling magbigay ng sampung porsyento (10%) sa kaniyang kinikita
    • D. tungkuling panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan
  4. Sa palagay mo, ano ang kailangang maranasan ng tao upang magkaroon ng isang pamilya?

    • A. magmahal, mahalin at iiwan
    • B. magmahal, mahalin at alagaan
    • C. magmahal, mahalin at pakasalan
    • D. magmahal, mahalin at pasasayahin
  5. Paano mo matulungan na uunlad ang buhay ng isang pamilya?

    • A. magtatrabaho sa lahat ng oras
    • B. magsikap para makamit ang mga pangarap
    • C. makipag-ugnayan sa gobyerno at humingi ng tulong
    • D. makipag-ugnayan sa ibang pamilya at ibang sektor ng lipunan
  6. Napagtapos ni Lea ang kaniyang sarili sa pag-aaral sa tulong ng scholarship program ng kanilang barangay at isa na siyang ganap na doktor. Anong papel ang dapat gampanan ni Lea sa lipunan?

    • A. tulungan ang mga kaibigan
    • B. tulungan ang mga kabarangay
    • C. tumulong lamang ang mga maykaya
    • D. ibalik ang tulong na nakuha niya sa pamamagitan ng kawang-gawa
  7. May kaalaman ka hingil sa wastong paggamit ng gadget para maka post ng mga mahahalagang impormasyon. Nalalaman mo mula sa iyong mga magulang na mayroong Oplan Paglilinis sa inyong lugar. Paano kayo makatulong na bawal pa kayong lumabas sa bahay?

    • A. ipopost ko ang impormasyon sa FB
    • B. maglinis ako sa paligid ng aming tahanan.
    • C. Ipopost ko sa FB ang plano ng barangay at tutulong ako sa paglilinis sa paligid ng aming bahay.
    • D. Ilalahad ko ang plano sa aking mga magulang at makikinig ako sa mga payo nila para magkasundo kami.
  8. Napansin mong marumi ang inyong bakuran at nalalapit na ang Barangay Clean and Green Program Evaluation. Ano ang nararapat mong gawin?

    • A. ipagkibit balikat mo na lamang ito
    • B. agad mo itong aasikasuhin nang bukal sa kalooban
    • C. tawagin ang nakababatang kapatid at utusan na linisin ito
    • D. hikayatin ang ibang kasapi ng pamilya na maglinis ng bakuran
  9. Pinili ka ng iyong pangkat na maging team leader nila sa inyong performance output na pangkalikasan sapagkat nakikitaan ka ng pagmamahal sa kalikasan at kakayahang manghikayat. Ano ang nararapat mong gawin?

    • A. Kusang loob kong tatanggapin ang pagkakataon na ibinigay sa akin.
    • B. Pag-isipan ko muna nang mabuti bago tatanggapin ang alok aking mga kaklase.
    • C. Hihingi muna ako ng pahintulot at payo sa aking mga magulang bago ako papayag.
    • D. Kakausapin ko ang aking matalik na kaibigan sa pamamagitan ng group chat kung tutulungan ba nila ako.
  10. May batang kumakatok sa inyong tahanan dahil maghihingi ng pagkain at napansin mo ito na walang bihis. Ano ang mabuti mong gawin?

    • A. Alamin ko muna kong taga saan ang bata.
    • B. Ipaaalam ko sa aking mga magulang na bigyan ko ang bata ng pagkain bago siya paaalisin.
    • C. Sasabihan ko ang aking mga magulang na may bata na naghihingi ng pagkain sa labas.
    • D. Ipaaalam ko sa aking mga magulang na bigyan ko ang bata ng pagkain bago siya paaalisin.

11.Laganap ang pagtotroso sa inyong pook. Bilang mag-aaral, ano ang nararapat mong gawin?

  • A. ipaalam sa kaukulang ahensiya
  • B. magtanim ng panibagong mga puno
  • C. gumawa ng programang pangkalikasan
  • D. kausapin ang mga nagtotroso hinggil sa kanilang ginawa

12.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging bukas-palad?

  • A. pagpahayag si Irman ng kanyang sariling saloobin
  • B. pamilyang namimigay ng pera sa panahon ng eleksiyon
  • C. batang nagtitinda ng mga bulaklak sa gilid ng simbahan
  • D. ginang na nagpapakain ng mga batang hindi niya kaano-ano

13.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gawaing pampolitikal?

  • A. paglilinis sa sariling tahanan
  • B. pag-akay sa matandang tumatawid
  • C. pagsumbong sa krimeng nasaksihan
  • D. tulung-tulong na paghahanda ng pagkain para sa kaarawan ni Aiza

14.Bakit kailangang maranasan ng tao ang magmahal at mahalin?

  • A. Upang maging ganap ang pagkatao
  • B. Upang maging ganap ang pagkalalaki
  • C. Upang maging ganap ang pagkababae
  • D. Upang ganap na maranasan ang pag-ibig

15.Ibinilin ng ina na bantayan ang bunsong kapatid, ngunit nalibang ka sa panonood ng telebisyon kaya hindi mo napansin na nalaglag ito sa hagdan. Ano ang nararapat mong gawin?

  • A. magtampo sa kapatid dahil napagalitan ka
  • B. ilihim sa ina ang nangyari upang hindi ka mapagalitan
  • C. ipagbigay-alam sa ina ang nangyari at humingi ng tawad
  • D. ipaghehele ang iyong kapatid upang tumigil na sa kaiiyak

Aralin 1 Ang Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya

“Magsama-sama at lalakas, magwatak-watak at babagsak”

-Anonymous

Balikan

Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto sa nakaraang aralin. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita.

Gawain 1: Daan Ko, Sagot Ko!

Gamit ang graphic organizer, isulat ang gampaning panlipunan at pampolitikal ng isang pamilya na batay sa kanilang madadaanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[illustration: winding road path with a tree, pedestrians crossing at a traffic light, a house, and a government building; labels as printed]

  1. Pamayanan
  2. Kalikasan 2. Batas trapiko
  3. Pamahalaan

Iginuhit ni: Mark Lorenz Luib, Alim Eviota

Mga Tala para sa Guro

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

Tuklasin

Gawain 2: Sarbey sa Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya

Panuto: Inihanda ang sarbey upang malaman mo kung nagampanan ng iyong pamilya ang panlipunan at pampolitikal na papel nito. Isulat ang (√) sa hanay na naisagawa o hindi naisagawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel at pagnilayan ang mga gabay na tanong.

Sarbey sa Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya

Pangalan: _________________ Edad: ______ Pang-ilang anak ng pamilya: _____

KatanunganNaisagawaHindi Naisagawa
1. Pumupunta sa mga pagpupulong hinggil sa usaping pangkomunidad.
2. Tumutulong sa paglilinis sa mga kanal ng sariling komunidad.
3. Paghiwa-hiwalay ng basura sa tamang lalagyan bilang pagsunod sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003).
4. Nagpaabot ng tulong sa taong nangangailangan kahit hindi kakilala.
5. Pagiging volunteer sa Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRM), pagtayong lider sa mga proyektong pangkomunidad.
6. Nananalangin ang bawat pamilya.
7. Napoprotektahan ang sarili/pamilya sa banta ng mapanirang droga, pornograpiya, bisyo at iba pa.
8. Nagsilbing modelo ang magulang sa pagpapalaki ng mga anak.
9. Ginagalang at inaalagaan ang matandang kasapi ng pamilya.
10.Sumasali sa mga programang pambarangay.
Kabuuang Puntos na Nakuha
Interpretasyon sa Puntos na Nakuha
PuntosMga Pansin
7-10Kung nakakuha ka ng 7 hanggang 10 sa hanay na naisagawa ay binabati kita dahil nagampanan ng iyong pamilya ang mga papel panlipunan at pampolitika.
1-6Kung nakakuha ka ng 1 hanggang 6 sa hanay na naisagawa ay hindi niyo gaanong nagamapanan ang mga papel na panlipunan at pampolitikal.

Gabay na Tanong:

  1. Batay sa sarbey, nagampanan ba ng iyong pamilya ang kanilanag papel na panlipunan at pampolitikal? Ipaliwanag ang implikasyon nito sa pamayanang inyong tinitirhan.


  2. Bakit mahalaga ang pagganap sa mga papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya?


  3. Batay sa resulta ng sarbey, ano-ano ang kakulangan ng iyong pamilya sa pagsagawa sa gampaning panlipunan at pampolitikal?


Suriin

Napatunayan natin sa modyul 15 ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay sa pamayanan at pagbabantay sa mga batas panlipunan. May mga salik na nakaaapekto sa gawi at kilos ng tao hinggil sa isyung panlipunan at pampolitikal. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang mga gawaing angkop sa lipunan at politikal na aspeto ng pamilya.

Kung babalikan ang bahaging Tuklasin ay natataya mo ang sariling pamilya kung naisasagawa ba o hindi ang mga gampaning panlipunan at pampolitikal. Kung 7 hanggang 10 puntos iyong nakuha sa hanay na naisagawa ay pagsikapang maipagpapatuloy pa ang pagganap sa mga papel na panlipunan at pampolitikal samantala, kung 1 hanggang 6 na puntos naman ay hikayatin ang pamilya na lalo pang magsumikap sa pagganap sa mga papel bilang mamamayan tulad nalang ng mga sitwasyon sa sarbey na hindi naisagawa ng pamilya. Tulungan ang bawat miyembro na makasusunod at magagampanan ang tungkuling panlipunan at pampolitikal. Alalahanin na bawat indibidwal ay may pagkakataong maitama ang kakulangan upang mas mapaayon ang pamumuhay sa lipunan.

Pinag-aralan natin ang mga tungkuling panlipunan at pampolitikal ng isang pamilya sa pamamagitan ng pagtupad sa papel sa lipunan (pagiging bukas-palad, pagsusulong ng bayanihan, at pangangalaga sa kaniyang kapaligiran) at papel pampulitikal – (ang pagbabantay sa mga batas at mga institusyong panlipunan).

Ayon pa kay Esteban (1989), ang isang pamilya ay isang munting lipunan. Sa loob ng bahay ay mayroong tagalikha ng batas na pamantayan at mayroon ding tagasunod ng naturang batas. Halimbawa na lang sa magkakapatid, bawat isa ay mayroong nakatakdang gawaing bahay na kung hindi nagawa ay maaaring mapagalitan o maparusahan. Bukod sa pagiging ama, ina, o anak, may iba ring tungkulin sa lipunan gaya ng pagiging responsableng mamayan, makatao, makakalisan at maka-Diyos na may mahalagang kontribusyon sa kapuwa at kaunlaran sa lipunan.

Nangangahulugang matagumpay na nagampanan ng pamilya ang kanyang responsibilidad tulad ng pagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa ibang tao sa komunidad upang makalilikha ng isang responsible at mapagmahal na pamayanan.

Gaya ng ibang bagay, kailangang matutunan ng tao ang pakikipagkapuwa. Maipakikita ang isang ugaling kanais-nais kung ito’y natutuhan sa loob ng iyong pamilya at pamayanan. Kung kaya, nararapat lamang na akuin ng pamilya ang paghubog sa isipan ng bawat kasapi na amging mapagmahal at responsableng mamamayan. Maliban sa paghubog ng pamilya, bawat indibidwal ay may kaniya-kaniyang paraan na maisagawa ang gampaning panlipunan at pampolitikal upang panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan.

Pagyamanin

Gawain 3: Gawain Mo, Pusuan Mo!

Panuto: Lagyan ng ♡ kung ang sitwasyon ay angkop na gawaing panlipunan at pampolitikal ng isang pamilya sa panahong ideneklara ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa bansang Pilipinas dahil sa COVID-19 Pandemic at ☺ kung hindi. Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the heart and smiley symbols are printed as icons in the Panuto line]

PahayagTugon
1. Hindi paglabas ng bahay sa oras ng curfew.
2. Pagdaraos ng kaarawan kasama ang mga kasapi ng pamilya.
3. Ipagbigay-alam sa awtoridad ang mga taong may travel history sa mga lugar na may kaso ng COVID-19.
4. Pagsunod sa mga protocol ng ating pamahalaan
5. Pagbigay ng tulong pinansyal o materyal sa kapitbahay o nangangailangan.
6. Pag-iiwas ng pagpapakalat ng mga maling balita sa social media.
7. Pagdarasal ng isang pamilya para sa kaligtasan ng mga frontliners at sa mga taong nagkasakit.
8. Pakikinig sa radyo sa mga sariwang balita hingil sa mga nangyari sa bansa.
9. Makinabang sa libreng gamot mula sa pamahalaan laban sa COVID 19.
10.Pagsusuot ng face mask at face shield kung sakali may importanteng puntahan sa labas ng bahay.
11.Pagsunod sa batas trapiko lalong lalo na kung tatawid ng daan
12.Pagsunod sa physical social distancing.
13.Pagdala ng Quarantine Pass kapag lalabas ng bahay para bumili ng pangangailangan.
14.Paggalang sa mga fronliners na nagbabantay sa mga checkpoint.
15.Pagpopost ng mga impormasyon sa social media tungkol sa pagsunod ng health protocols.

Kung nakakuha ka ng 15 puntos, sigurado kang protektado ang iyong pamilya sa banta ng COVID 19. Kung ang iyong mga napusuang mga gawain ay hindi nakaabot sa 15 puntos, pagsikapang maisagawa ang lahat ng nabanggit sa pang-araw-araw na gawain para mabigyan ng proteksyon ang iyong sariling pamilya at maisakatuparan ang iyong pananagutang panlipunan at pampolitikal.

Gawain 4: Suri-Larawan!

Suriin ang mga larawan. Ilahad at ipaliwanag kung ano ang iyong magagawa sa sitwasyong ipinapakita sa larawan ukol sa papel na panlipunan at pampolitikal. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[illustration: street scene with a high wall, overflowing trash bins and scattered litter on the sidewalk, a house on the right, and hills in the background]

Iginuhit ni: Jubell Cababat

RUBRIKS SA PAGSUSURI NG LARAWAN
PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (6 puntos)
Paglalahad at nakapagpapaliwanag sa magagawang kilos sa ipinakitang larawan ukol sa papel panlipunan at pampolitikal.Nakapaglalahad at nakapagpapaliwanag ng angkop na kilos na maaaring maisagawa sa ipinakitang larawan bilang pagganap sa papel panlipunan at pampolitikal.Nakapaglalahad ng angkop na kilos na maaaring maisagawa sa ipinakitang larawan bilang pagganap sa papel panlipunan at pampolitikal bagaman hindi masyadong naipapaliwanag.Nakapaglalahad at nakapagpapaliwanag ng hindi angkop na kilos na maaaring maisagawa sa ipinakitang larawan bilang pagganap sa papel panlipunan at pampolitikal.
Gawain 5: Sitwasyon Ko, Magagawa Mo!

Basahin at unawain ang sitwasyon sa kahon na nagpapakita ng isang gawaing angkop sa lipunan at pampolitikal na papel ng pamilya. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Nakababahala na ang pagdami ng nagkakalagnat sa barangay kung saan naninirahan ang pamilya nina Jay. Ang lalong nakatatakot ay may tatlo nang namatay sa mga ito. Napag-alamang dengue ang dahilan. Para sa kanya malinis naman ang kanilang barangay dahil nasunod naman ang paalala ng Rural Health Unit (RHU) na search and destroy, self-protection measures, seek early consultation at say no to indiscriminate fogging o (4S) ngunit may isang bakanteng lote na may mga basurang nakatiwangwang gaya ng bote na may lamang tubig ang kanyang natuklasan. Tumungo agad si Jay sa Barangay Hall para ibalita ang kanyang nakita. Agad namang tumugon ang mga kabarangay sa paglilinis na pinangunahan ng punong-barangay kaya napanatag na ang loob ni Jay.

  1. Ano ang masasabi mo sa agarang aksiyon na ginawa ng kabarangay ni Jay na pinangungunahan ng punong-barangay?


  2. Kung ikaw si Jay, ano ang maaari mong gawin para makatulong sa iyong komunidad para maiwasan ang pagkakasakit ng dengue? Pangatwiranan.


  3. Bakit mahalagang makiisa sa panawagan ng Rural Health Unit na magsagawa ng 4S? Pangatwiranan.


RUBRIKS SA PAGSAGOT NG MGA TANONG

PamantayanNapakahusay (15 puntos)Mahusay (10 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
Nilalaman ng SagotNabigyan ng angkop na sagot ang lahat ng tanong at malinaw na napangatwiranan.Nabigyan ng angkop na sagot ang lahat ng tanong bagaman hindi gaanong malinaw ang pangangatwiran.Hindi napupunan ng angkop na sagot ang lahat ng tanong. Hindi malinaw ang pangangatwiran.

Isaisip

Gawain 6: Dyornal !

Ibigay ang sariling repleksiyon sa mensaheng nakapaloob sa kasabihan ni John F. Kennedy. Gawing batayan ang pamantayan sa pagmamarka. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Huwag mong isipin kung ano ang nagagawa ng pamahalaan para sa iyo. Bagkus, isipin mo kung ano ang magagawa mo para sa pamahalaang kinabibilangan mo.”

RUBRIKS SA PAGSULAT NG DYORNAL

PamantayanHigit na inaasahan 10 puntosNakamit ang inaasahan 8 puntosBahagyang nakamit ang inaasahan 6 puntosHindi nakamit ang inaasahan 4 puntos
NilalamanKomprehensibo ang nilalaman ng teksto. Wasto ang lahat ng impormasyonKumpleto ang nilalaman ng teksto. Wasto ang lahat ng impormasyonMay ilang kakulangan sa nilalaman ng teksto. May ilang maling impormasyonMaraming kakulangan sa nilalaman ng teksto.
Organisasyon ng mga kaisipanOrganisado at may malinaw na kaisahan ang daloy ng paglalahad ng kaisipan sa teksto.Malinaw at maayos ang paglalahad ng kaisipan sa teksto.Hindi masyadong maayos at malinaw ang paglalahad ng kaisipan sa teksto.Hindi maayos ang pagkalahad ng kaisipan sa teksto.
Kabuuang Puntos 20

Isagawa

Gawain 7: Isang Linggong Talaarawan

Punan ng sagot ang grapikong isang linggong talaarawan at sundin ang halimbawa kung paano ito sagutan. Sundin ang health protocols sa pagganap ng mga papel sa lipunan para palaging ligtas laban sa nakamamatay na COVID-19. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isang Linggong Talaarawan

Petsa, Oras / ArawNaisagawang gawaing panlipunan/ pampolitikal sa kapwa taoSino / kaninong pamilya naisagawa ang angkop na kilos?Bakit isinagawa ang kilos?
Hal. Mayo 1, 2020 Lunes/3:00pmBinigyan ng pagkain ang matandaPulubiNakakaawa at kailangan niya ng tulong

RUBRIKS SA PAGGAWA NG TALAARAWAN

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (6 puntos)
Nilalaman ng TalaarawanNapupunan ng angkop na sagot ang lahat ng hanay sa talaarawan. Malinaw na napangatwiranan ang ikaapat na hanay.Napupunan ng angkop na sagot ang lahat ng hanay sa talaarawan bagaman hindi gaanong malinaw na napangatwiranan ang ikaapat na hanay.Hindi napupunan ng angkop na sagot ang lahat ng hanay sa talaarawan.

Tayahin

Maraming Pagpipilian

Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Laganap ang pagtotroso sa inyong pook. Bilang mag-aaral, ano ang nararapat mong gawin??
    a. ipaalam sa kaukulang ahensiya
    b. magtanim ng panibagong mga puno
    c. gumawa ng programang pangkalikasan
    d. kausapin ang mga nagtotroso hinggil sa kanilang ginawa


  2. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging bukas-palad?
    a. pagpahayag si Irman ng kanyang sariling saloobin
    b. pamilyang namimigay ng pera sa panahon ng eleksiyon
    c. batang nagtitinda ng mga bulaklak sa gilid ng simbahan
    d. ginang na nagpapakain ng mga batang hindi niya kaano-ano


  3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng gawaing pampolitikal?
    a. paglilinis sa sariling tahanan
    b. pag-akay sa matandang tumatawid
    c. pagsumbong sa krimeng nasaksihan
    d. tulung-tulong na paghahanda ng pagkain para sa kaarawan ni Aiza


  4. Bakit kailangang maranasan ng tao ang magmahal at mahalin?
    a. upang maging ganap ang pagkatao
    b. upang maging ganap ang pagkalalaki
    c. upang maging ganap ang pagkababae
    d. upang ganap na maranasan ang pag-ibig


  5. Ibinilin ng ina mo na bantayan ang bunsong kapatid, ngunit nalibang ka sa panonood ng telebisyon kaya hindi mo napansin na nalaglag ito sa higaan. Ano ang nararapat mong gawin?
    a. magtampo sa kapatid dahil napagalitan ka
    b. ilihim sa ina ang nangyari upang hindi ka mapagalitan
    c. ipagbigay-alam sa ina ang nangyari at humingi ng tawad
    d. ipaghehele ang iyong kapatid upang tumigil na sa kaiiyak


  6. Ano ang kailangang matutunan ng tao para sa mabisang pakikipag-ugnayan sa lipunan?
    a. pagkikipag-usap
    b. pag-aaruga ng tao
    c. pagmamahal sa tao
    d. pakikipagkapwa tao


  7. Ano ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na unang nagturo sa kahalagahan sa pagganap ng mga responsibilidad ng isang mabuting mamamayan.
    a. barangay
    b. lungsod
    c. organisasyon
    d. pamilya


  8. Alin sa mga tungkulin ang kailangang gampanan ng isang pamilya bilang bahagi ng lipunan?
    a. tungkuling bigyan ng kasiyahan ang bawat kasapi ng lipunan
    b. tungkuling makiisa sa mga rally na isinasagawa laban sa gobyerno
    c. tungkuling magbigay ng sampung porsyento (10%) sa kaniyang kinikita
    d. tungkuling panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan


  9. Sa palagay mo, ano ang kailangang maranasan ng tao upang magkaroon ng isang pamilya?
    a. magmahal, mahalin at iiwan
    b. magmahal, mahalin at alagaan
    c. magmahal, mahalin at pakasalan
    d. magmahal, mahalin at pasasayahin


  10. Paano mo matulungan na uunlad ang buhay ng isang pamilya?
    a. magtatrabaho sa lahat ng oras
    b. magsikap para makamit ang mga pangarap
    c. makipag-ugnayan sa gobyerno at humingi ng tulong
    d. makipag-ugnayan sa ibang pamilya at ibang sektor ng lipunan


  11. Napagtapos ni Lea ang kaniyang sarili sa pag-aaral sa tulong ng scholarship program ng kanilang barangay at isa na siyang ganap na doktor. Anong papel ang dapat gampanan ni Lea sa lipunan?
    a. tulungan ang mga kaibigan
    b. tulungan ang mga kabarangay
    c. tumulong lamang ang mga may kaya
    d. ibalik ang tulong na nakuha niya sa pamamagitan ng kawang-gawa


  12. May kaalaman ka hingil sa wastong paggamit ng gadget para maka post ng mga mahahalagang impormasyon. Nalalaman mo mula sa iyong mga magulang na mayroong Oplan Paglilinis sa inyong lugar. Paano kayo makatulong na bawal pa kayong lalabas sa bahay?
    a. ipopost ko ang impormasyon sa FB
    b. maglinis ako sa paligid ng aming tahanan.
    c. Ipopost ko sa FB ang plano ng barangay at tutulong ako sa paglilinis sa paligid ng aming bahay.
    d. Ilalahad ko ang plano sa aking mga magulang at makikinig ako sa mga payo nila para magkasundo kami.


  13. Napansin mong marumi ang inyong bakuran at nalalapit na ang Barangay Clean and Green Program Evaluation. Ano ang nararapat mong gawin?
    a. ipagkibit balikat mo na lamang ito
    b. agad mo itong aasikasuhin nang bukal sa kalooban
    c. tawagin ang nakababatang kapatid at utusan na linisin ito
    d. hikayatin ang ibang kasapi ng pamilya na maglinis ng bakuran


  14. Pinili ka ng iyong pangkat na maging team leader nila sa inyong performance output tungkol pangkalikasan sapagkat nakikitaan ka ng pagmamahal sa kalikasan at may kakayahang manghikayat. Ano ang nararapat mong gawin?
    a. Kusang loob kong tatanggapin ang pagkakataon na ibinigay sa akin.
    b. Pag-isipan ko muna nang mabuti bago tatanggapin ang alok aking mga kaklase.
    c. Hihingi muna ako ng pahintulot at payo sa aking mga magulang bago ako papayag.
    d. Kakausapin ko ang aking matalik na kaibigan sa pamamagitan ng group chat kung tutulungan ba nila ako.


  15. May batang kumatok sa inyong tahanan dahil maghihingi ng pagkain at napansin mo ito na walang bihis. Ano ang mabuti mong gawin?
    a. Alamin ko muna kong taga saan ang bata.
    b. Ipaaalam ko sa aking mga magulang na bigyan ko ang bata ng pagkain bago siya paalisin.
    c. Sasabihan ko ang aking mga magulang na may bata na naghihingi ng pagkain sa labas.
    d. Papayuhan ko ang bata na uuwi sa kanilang bahay dahil alam kong bawal lumabas ang mga batang kasing edad niya.


Karagdagang Gawain

Gawain 8: Iguhit Mo!

Gumawa ng poster at islogan na nagpapakita ng papel na panlipunan at pampolitikal ng iyong pamilya.

Mga kagamitan:

  • Long size bond paper
  • Lapis
  • Pentel pen
  • Krayola/pastel
  • Ruler

RUBRIKS SA PAGGAWA NG POSTER AT ISLOGAN

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
Kaangkupan ng nilalaman sa TemaNapakahusay at Angkop sa tema ang desinyo at isloganMahusay ngunit hindi masyadong angkop sa tema ang desinyo at isloganHindi angkop sa tema ang desinyo at islogan
Pagkamalikhain at orihinalidad sa pagguhit at isloganNapakamalikhain at 100 % orihinal ang iginuhit at isloganMalikhain at 75% na orihinal ang iginuhit at isloganHindi malikhain at 50% na orihinal ang iginuhit at islogan
Malinaw na naipahayag ang mensahe sa iginuhitNapakalinaw ang pagkalalahad ng mensahe sa iginuhitMalinaw ang pagkalahad ng mensahe sa iginuhitHindi malinaw ang pagkalahad ng mensahe sa iginuhit
Kabuoan 30 puntos

Susi sa Pagwawasto

transcriber’s note: on this page, the Balikan and Pagyamanin answer boxes are printed upside down, and the Pagyamanin key is partly unreadable. The unrotated answer list at the right is not labeled in the source.

Balikan

Gawain 1

  1. Pagtulong sa kapwabahay [?]
  2. Pagsunod sa batas trapiko [?]
  3. Pagliinis sa bakuran [?]
  4. Pagsunod sa batas trapiko [?]
  5. Pagsunod sa mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan [?]

Gawain 2

  1. D
  2. D
  3. D
  4. B
  5. B
  6. D
  7. A
  8. B
  9. A
  10. B
  11. A
  12. D
  13. C
  14. A
  15. C

transcriber’s note: the answers above are read from the rotated box and listed in numerical order.

Pagyamanin

Gawain 3

  1. puso
  2. [illegible]
  3. puso
  4. [illegible]
  5. puso
  6. [illegible]
  7. puso
  8. [illegible]
  9. [illegible]
  10. [illegible]
  11. puso
  12. puso
  13. puso
  14. puso
  15. [illegible]

[handwritten: pen stroke beside items 4 and 5, no legible text]

Answer list (unlabeled, upright)
  1. A
  2. D
  3. C
  4. A
  5. C
  6. D
  7. D
  8. D
  9. C
  10. B
  11. D
  12. C
  13. B
  14. A
  15. B

Sanggunian

Aklat

Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.

Hanguang Elektroniko

Peligrino, Ani. academia.edu. hhtp://www.academia.edu/34167705/Modyul_4_ANG_PAPEL_NA_PANLIPUNAN_A T (accessed May 25, 2020).

officialgazette.gov.ph. Januray 26, 2001. https://www.officialgazette.gov.ph/2001/01/26/republic-act-no-9003-s-2001/ (accessed May 29, 2020).

covid19.gov.ph. March 30, 2020. http://www.covid19.gov.ph/wp-content/uploads/2020/03/Resolution-No.-16-Additional-Guidelines-for-ECQ.pdf (accessed May 29, 2020).

jfklibrary.org. https://www.jfklibrary.org/sites/default/files/2018-06/Ask_not_what_your_country_can_do_for_you.pdf (accessed May 29, 2020).

Arora, Paavani. voicesofyouth.org. April 9, 2020. https://www.voicesofyouth.org/blog/covid-19-and-racism-united-we-stand-divided-we-fall (accessed May 30, 2020).

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district