EsP 8 Quarter 1 Module 12: Angkop na Kilos sa Maunlad na Komunikasyong Pampamilya

Grade 8 EsP Quarter 1 Module 12 on appropriate actions that build better family communication, with nine key actions, activities, and an answer key.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 12: “Angkop na Kilos sa Maunlad na Komunikasyong Pampamilya” (appropriate actions for better family communication). It is a First Edition, 2020 Alternative Delivery Mode module from DepEd Caraga Region, written in Filipino for Grade 8 learners studying at home. After it, learners should be able to carry out specific actions that build and improve communication in their own family.

The module builds on earlier lessons about why good communication matters, open and closed communication, and the types and levels of communication. This time the focus is on doing: turning that knowledge into everyday actions that create real understanding and unity at home.

On this page 8 sections

What learners will learn

The module develops one learning competency:

  • Naisasagawa mo ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya (you can carry out appropriate actions toward having and improving communication in the family). (EsP8PB-If-3.4)

Lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 1: Angkop na Kilos sa Maunlad na Komunikasyong Pampamilya. It opens with the saying that a beautiful home is seen not in a fine building or decorations but in how well the family inside it lives together. Learners then review levels of communication, read a poem, study nine appropriate actions, and practice them through situations and a journal.

Why the family matters in communication

The Suriin (discussion) part explains that the family is the basic institution of society. After a child is born, the family is the child’s main support while growing up and the first to shape a person’s character. The module calls the family the first teacher of young people, with teachers acting as second parents.

The module notes that families can be happy or sad depending on how members act toward each other. Based on the poem “Komunikasyong Pampamilya Paunlarin” (develop family communication), a family is happy when open communication shows in actions such as being thoughtful, respectful, honest, and loving. A family becomes sad when members do not care about one another. Every family has weaknesses, and the module says these are filled in by living out appropriate actions.

Nine appropriate actions for better family communication

The module lists these actions (angkop na kilos) that help family communication grow:

  1. Pagiging matapat sa salita at sa gawa (honesty in words and deeds): avoiding lies, cheating, and false accusations builds trust among family members.
  2. Paninindigan sa paniniwala (standing by one’s beliefs): keeping your word shows integrity, and you know when to agree or disagree with an action or situation.
  3. Pagbibigay ng pantay na pagtingin o hatol (fair and equal judgment): when a family member takes no sides, the whole family trusts the decision.
  4. Pagpapakita ng respeto (showing respect): valuing others’ ideas, listening, and being open to them prevents arguments and makes talks easier.
  5. Pag-ako ng responsibilidad (taking responsibility): owning the results of your actions, good or bad, avoids blaming and brings peace.
  6. Pagpapakita ng malikhaing pag-iisip (creative thinking): finding new ways to express ideas and feelings, such as giving flowers to say sorry.
  7. Pag-aalala at pagmamalasakit (care and concern): comforting someone with encouraging words, or giving advice while still letting them make the final decision.
  8. Malayang pagpapahayag o pagiging bukas (openness and free expression): being open about your feelings and accepting others’ opinions as help for self-improvement, not as insults or put-downs.
  9. Pagiging masaya sa kaligayahan ng iba (being happy for others): sincerely celebrating others’ success and avoiding envy.

Parts and activities of the module

PartWhat learners do
Subukin (pretest)15 multiple-choice questions
Balikan (review)Gawain 1: match examples to levels of communication; Gawain 2: explain in writing how knowing these levels helps (rubric, 20 points)
Tuklasin (explore)Gawain 3: read the poem and answer three guide questions
Suriin (discussion)Read about the nine appropriate actions
Pagyamanin (practice)Gawain 4: check or cross out actions; Gawain 5: mark situations with a happy or sad face and explain; Gawain 6: respond to two family situations (rubric, 10 points)
Isaisip (remember)Gawain 7: fill in an essay with words from a box
Isagawa (apply)Gawain 8: list appropriate actions and their results
Tayahin (assessment)15 multiple-choice questions
Karagdagang Gawain (extra activity)Gawain 9: write a journal of habits and actions that improve family communication (rubric, 20 points)

The two situations in Gawain 6 ask what you would do if your parents keep fighting in front of you since both became busy with work, and how you would encourage a sibling who skips classes because of friends to tell your mother the truth.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then work through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper, since the module asks you not to write on it so others can use it. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: The module is designed for learning at home, so guide your child through the activities. Many of them, like Gawain 6 and the journal, are good chances to talk together about how your family communicates.
  • Teachers: The module includes a note for teachers: if the learner does well in the Balikan activities, let them continue; if not, have them go back to the previous module. Rubrics are provided for the written tasks, and an answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end. Learners are asked to use it honestly.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 12.

What competency does this module cover?

It covers EsP8PB-If-3.4: carrying out appropriate actions toward having and improving communication in the family.

What are the appropriate actions for better family communication in this module?

The module lists nine: honesty in words and deeds, standing by one’s beliefs, fair judgment, showing respect, taking responsibility, creative thinking, care and concern, openness, and being happy for others’ success.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the final assessment, and most activities, with sample answers for Gawain 5 and Gawain 8.

Should learners write on the module?

No. The module asks learners to keep it clean so others can use it and to write their answers on a separate sheet of paper.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 12: Angkop na Kilos sa Maunlad na Komunikasyong Pampamilya

8

[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher with a student at a desk, and students with a globe and a lamp]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q1_EsP8_Module12

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 12: Angkop na Kilos sa Maunlad na Komunikasyong Pampamilya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Jezzine F. Salar, Judith Ecoben,
Editor:Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib
Tagasuri:Elizabeth M. Ysulan, Saturnino C. Mutia, Concorde Alber J. Deniega
Jean C. Caluyong, Linda T. Geraldino, Junny D. Ramirez
Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo, John Rey C. Clarion
Tagaguhit:Mark Lorenz C. Luib
Tagalapat:Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib
Tagapamahala:Francis Cesar B. Bringas
Isidro M. Biol Jr.
Maripaz F. Magno,
Josephine Chonie M. Obseñares
Lope C. Papeleras
Michael C. Paso
Juan Jr. L. Espina

Inilimbag sa:

Department of Education – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph

8

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 12: Angkop na Kilos sa Maunlad na Komunikasyong Pampamilya

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito nga iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o stratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan nya ng ibayong tulong mula a tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahaan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamamit lang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong n gating mga tagapagdaloy. Umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Matagumpay ang araw-araw na pakikibaka sa buhay kung sa bawat pagkakataon at karanasan ay may natutunan ang tao. Bagaman ang karanasang ito ay limitado lamang kung hindi magawang makipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapuwa o sa lipunan.

Ang pakikipag-ugnayang ito ay nagsisimula sa sariling pamilya o tahanan na kung saan ay unang nalilinang ang mga pagpapahalagang nakatutulong sa pagkakaroon ng kakayahang makisalamuha sa iba. Gayun pa man ang mga pagpapahalagang natutunan sa pakikisalamuha ay nakatutulong sa ikauunlad ng sarili at pamilya.

Sa ugnayang ito ay mahalagang matutunan ang tungkol sa kahalagahan ng maayos na komunikasyon, pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon at mga uri at antas ng komunikasyong umiiral sa pamilya at lipunan bilang pangkalahatan na nakapaloob sa mga naunang modyul. Datapuwa’t mas maganda kung ang mga kaalamang ito ay maisasakilos at maipapamalas upang makamit ang tunay o ganap na pagkakaunawaan at pagkakaisa na nagpapatibay sa ugnayan o relasyon sa pamilya at kapuwa.

Ngayon, ihanda ang sarili sa pagsasagawa ng mga angkop na kilos na makapagpapaunlad sa komunikasyong umiiral sa sariling pamilya.

Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:

  • a. Naisasagawa mo ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya. (EsP8PB-If-3.4)

Subukin

Maraming Pagpipilian

Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Ano ang mabisang paraan upang ang isang pamilya ay magkakaintindihan?

    • A. Ang bawat miyembro ay bukas palad.
    • B. Ang bawat miyembro ay bukas sa pagtulong.
    • C. Ang bawat miyembro ay bukas sa pagsisikap.
    • D. Ang bawat miyembro may bukas na komunikasyon.
  2. Ano ang nararapat gawin bilang isang ina kung napapansin mo na balisa ang iyong anak at tila ay may bumabagabag?

    • A. hayaan siyang magkwento
    • B. palilipasin muna ang kanyang nararamdaman
    • C. kakausapin siya at bigyan ng payo kung kinakailangan
    • D. tatanungin siya kung masama ba ang kaniyang pakiramdam
  3. Bilang isang mabuting magulang, paano mo maitataguyod ang pagkakaroon nang maayos na komunikasyon sa pamilya?

    • A. Maging mapagmatyag ka sa kilos ng bawat miyembro.
    • B. Hikayating maging bukas ka sa saloobin anumang oras.
    • C. Makinig ka lamang sa malapit na miyembro ng pamilya.
    • D. Wala kang pakikinggan kapag may hidwaang nagaganap.
  4. Paano masasabi na maunlad ang komunikasyon ng isang pamilya?

    • A. kapag pabalang na sumagot sa katanungan
    • B. kapag naninindigan kahit mali ang paniniwala
    • C. kapag sumagot nang walang pag-unawa sa sitwasyon
    • D. kapag malayang makapagbigay ng pansariling pananaw
  5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya?

    • A. pagkaiinggit sa natamo ng iba
    • B. paglilihim ng problema sa mga magulang
    • C. pagbibigay ng pantay na pagtingin o hatol
    • D. pagpapakita ng pagsang-ayon sa lahat ng oras
  6. Ano ang nararapat gawin kung napagalitan ka ng iyong ina dahil umalis ka nang walang paalam?

    • A. lalambingin ito at aaluin
    • B. hihingi ng dispensa o paumanhin
    • C. hahayaan na lamang na magagalit ito
    • D. iiyak nang malakas upang mapatawad
  7. Ano ang nararapat gawin kung nakita mong hindi sinasadyang nabasag ng iyong kapatid ang mamahaling plorera na koleksyon ng iyong ina?

    • A. tatakutin at isusumbong
    • B. sisigawan at pagagalitan
    • C. isusumbong agad sa magulang ng mapagalitan
    • D. pakalmahin at payuhang magtapat sa magulang
  8. Ano ang nararapat gawin kung napansin palaging pinapaburan ng iyong mga magulang ang iyong bunsong kapatid?

    • A. pagselosan mo ang bunsong kapatid
    • B. aawayin ito nang madalas hanggang sa mapansin
    • C. kakausapin ang magulang at ipagtapat ang napuna
    • D. Kakausapin ang magulang at sabihing ikaw ang mas magaling
  9. Ano ang nararapat gawin kung nagalit ang iyong ama dahil pinakialaman mo ang kanyang gamit na hindi nagpapaalam?

    • A. magalit din sa kanya
    • B. yayakapin ang ama at iiyak
    • C. magkunwaring walang alam
    • D. makinig sa pangaral at humingi ng paumanhin
  10. Paano mapauunlad ang komunikasyon sa pamilya?


  • A. Ipilit ang nais mangyari.
  • B. Pakinggan ang panig ng bawat isa.
  • C. Isaalang-alang ang pansariling desisyon.
  • D. Sabay-sabay na magsasalita ang pamilya.
  1. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng magulang sa pagtuturo ng angkop na kilos?
  • A. dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata
  • B. dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman
  • C. dahil sa kanila nakasalalay ang desisyon ng isang bata sa pagtamo ng kaalaman
  • D. dahil magulang ang unang tagapaghubog sa pagpapahalaga o buong pagkatao ng isang bata
  1. Ano ang ipinakikita sa paglalahad ng katuwiran sa pakikipagkomunikasyon sa pamilya?
  • A. kaangasan
  • B. kapangahasan
  • C. katapangan
  • D. paninindigan
  1. Alin sa sumusunod ang nagsisilbing tagapag-ugnay ng bawat tao?
  • A. komunikasyon
  • B. koneksyon
  • C. kumunidad
  • D. pagmamahal
  1. Anong pagpapahalaga ang lubos na maipapakita sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon?
  • A. pagiging makatao
  • B. pagiging magalang
  • C. pagiging matapang
  • D. pagiging maka-Diyos
  1. Kanino unang natutuhan ng bata ang mga pagpapahalaga bilang tao?
  • A. guro
  • B. pamilya
  • C. pari
  • D. prinsipal

Aralin 1 Angkop na Kilos sa Maunlad na Komunikasyong Pampamilya

“Ang magandang tahanan ay hindi nakikita sa magandang gusali at mga palamuti. Nakikita ito sa kagandahan ng pagsasama ng pamilyang nasa loob nito.”

-Anonymous

Ngayon, subukin sa Balikan ang natutuhan mo sa nakaraang modyul upang hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin.

Balikan

Gawain 1. Iugnay Mo!

Suriin ang mga konsepto sa Hanay A at iugnay ito sa mga antas ng komunikasyon sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay AHanay B
1. pakikinig sa sariliA. Organisasyonal
2. pagpupulong ng mga guroB. interpersonal
3. pakikipag-usap sa katabing kaklaseC. pampubliko
4. pagtatalumpati ng punong-barangay sa pista ng kanilang nayon.D. intrapersonal
5. paghahatid ng balita sa panahonE. pangmasa
F. pangkaunlaran
Gawain 2. Mangatuwiran Ka!

Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Makatutulong ba ang kaalaman sa antas ng komunikasyon sa pagsasagawa ng angkop na kilos sa pagkakaroon o pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya? Pangatuwiranan.

Rubriks sa Pagmamarka ng Pangangatuwiran

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (7 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
Malinaw na naipahayag ang mensahe at kaisipanMalinaw na nakapaglahad ng ideya at sapat na pangatuwiran ang katanungan hinggil sa kahalagahan ng antas ng komunikasyonDi- gaanong malinaw na nakapaglahad ng ideya at napangatuwiranan ang katanungan hinggil sa kahalagahan ng antas ng komunikasyonHindi malinaw ang pagkalahad ng ideya at hindi napangatuwiranan ang sagot
Organisasyon ng IdeyaNapakaayos ang pagkakasunod-sunod ng ideya sa talataMaayos ang pagkakasunod-sunod ng ideya sa talataHindi maayos ang pagkakasunod-sunod ng ideya sa talata
Kabuoang puntos 20
Mga Tala para sa Guro

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

Tuklasin

Gawain 3. Ipapahiwatig Ko! Kahulugan Nito!

Basahin at unawain ang tula. Sagutan ang kasunod na mga katanungan pagkatapos. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Komunikasyong Pampamilya Paunlarin nina R. Dador, M. Lillo, R. Lepaopao, J. Salar, J. Clarion at J. Ecoben

Pamilyang kinalakihan
‘Di pinili, sadyang kinamulatan
Panlabas at panloob na katangian
Hinubog, inagapay

Mabuting gawi, tayo’y sinanay
Mga asal na dapat taglayin sa buhay
Maalalahanin, mapagmahal at mapagbigay
Itinuro nang walang humpay

Sa pamilya ay masasalamin
Pag-aaruga’y dapat gawin
Pangungumusta, paggalang palaganapin
Pagiging tapat ipamalas din

Pampamilya usaping
Sa tahana’y panatilihin
Hidwaa’y alisin, respeto’y pairalin
Nang solusiyo’y mamalasin natin

Upang sarili sa lungkot ‘di makulong
Paunlarin bukás na komunikasyon
Pagkamalikhain taglayin, maging sa simpleng gawain
Kung may tampuhan, masarap na pagkain ay ihahain

O di kaya’y maghunos-dili
Ilagay muna sa kondisyon ang sarili
Angkop na asal at kilos, taglaying lubos
Kaunlaran ng komunikasyong pampamilya, tiyak maaabot!

Gabay na Tanong:
  1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng may-akda?
  2. Paano mapaunlad ang komunikasyong pampamilya?
  3. Para sa iyo, ano ang taglay mong angkop na kilos na magpapaunlad sa inyong komunikasyong pampamilya?

Suriin

Sinasabing ang pamilya ay pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki na nauuwi sa isang simple o magarbong kasalan upang maging legal sa batas, mata ng tao at may panalangin sa Diyos.

Matapos maisilang ang isang sanggol, ang pamilya ang tanging sandigan hanggang sa paglaki nito. Ito ang unang humubog sa pagkatao ng mga Pilipino. Samakatuwid pamilya ang unang guro ng mga kabataan samantalang tumatayong pangalawang magulang naman ang mga guro.

Maraming mukha ang pamilya, may masaya o malungkot na siyang sumasalamin kung papaano pinapahalagahan ng mga kasapi ng isang pamilya sa pagsasagawa ng kilos. Batay sa tula na nabasa, magiging masaya kung may bukas na komunikasyon na maipakikita sa mga kilos tulad ng pagiging maalalahanin, magalang, tapat, pagrespeto at pagmamahal. Samantala magiging malungkot ang isang pamilya kung walang pakialam sa bawat miyembro nito.

Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng pamilya, alin ang iyong pipiliin? Hindi ba’t ninanais ng lahat ang mapabilang sa masayang pamilya? Ngunit sa reyalidad bawat pamilya ay may kahinaan na kinakailangang punan at payabungin sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng angkop na kilos.

Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga angkop na kilos na kailangang taglayin upang mapaunlad ang komunikasyong pampamilya:

a. Pagiging matapat sa salita at sa gawa

Isa sa mga birtud na taglay ng isang tao ay maging tapat sa lahat ng panahon. Kung maiiwasan ang pagsisinungaling, pandaraya at pagsisiwalat ng maling akusasyon sa kapuwa, mas magkaroon ng pagtitiwala ang mga kasapi ng pamilya. Sa madaling salita, ang taong hindi nagsisinungaling ay mas umaani ng tiwala sapagkat hindi makaduda-duda ang kilos o gawi.

b. Paninindigan sa paniniwala

Natatangi sa isang pamilya na may paninindigan sa binibitiwang pahayag sapagkat nasusukat nito ang integridad ng tao. Ibig sabihin, masasalamin sa pananalita at kilos ang prinsipyo bilang tao. Batid nito kung

kailan magbibigay ng kanyang pagsang-ayon o pagtutol sa isang kilos, pangyayari o situwasyon.

c. Pagbibigay ng pantay na pagtingin o hatol

Napansin mo ba na kung ang miyembro ng pamilya ay nagpamalas ng pantay na pagtingin o walang kinikilingang panig ay mas kampanti ang buong pamilya na tama ang paghatol. Nangangahulugan lamang ito na natamo ang tiwala sa ipinakitang kilos.

d. Pagpapakita ng respeto

Ang pagsasaalang-alang ng pagbibigay halaga sa ideya ay isang paraan ng pagpapakita ng respeto sa pamilya. Maiiwasan din ang pagtatalo sa pagitan ng dalawang magkaibang panig. Higit sa lahat mas mapapadali ang usapan kung ang bawat panig ay marunong makinig at bukas sa pagtanggap ng ideya.

e. Pag-ako ng responsibilidad

Kahanga-hanga ang taong may paninindigan sa kanyang gawi. Ibig sabihin, positibo o negatibo man ang resulta ng kaniyang kilos ay may pananagutan siya rito. Ito ay magdadala ng katiwasayan sa isang pamilya sapagkat maiiwasan ang sisihan kung sino ang talagang may sala sa isang problema.

f. Pagpapakita ng malikhaing pag-iisip

Nag-iisip ang isang tao ng ibang kaparaanan sa paglalahad ng ideya at nararamdaman. Halimbawa, ang pagbibigay ng bulaklak bilang paraan ng paghingi ng tawad sa nakagalitan.

g. Pag-aalala at pagmamalasakit

Ipinakikita ang nararapat na kilos sa isang sitwasyon. Halimbawa, pakikiramay sa pinagdadaanan ng isang tao sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga salitang magpapalakas sa kanya. Pagbibigay ng payo upang mas makapag-isip hinggil sa kaniyang desisyon na gagawin ngunit pagbibigay pa rin ng kalayaang magpasiya sa bandang huli.

h. Malayang pagpapahayag o pagiging bukas

Ang pagiging bukas sa kaniyang sariling saloobin ay nagpapakita ng matapang na pagtanggap sa opinyon at mungkahi ng ibang tao batay sa kanyang iniisip o isinagawang kilos. Ito ay hudyat ng pagiging totoo sa sarili at sa iba. Hindi dapat isipin ng kasapi na ang opinyon o reaksyon ng ibang miyembro ng pamilya sa kaniyang kilos ay isang paninirang puri o paghila sa kaniya pababa at pagdidikta bagkus ito ay positibong titingnan na mas mapaunlad ang sarili.

i. Pagiging masaya sa kaligayahan ng iba

Ang kilos na ito ay magbibigay ng katiwasayan sa pamilya sa pamamagitan ng pagpapakita ng wagas na kaligayahan sa natamong tagumpay. Maiiwasan ang pagiging mainggitin at pagiging kontrabida sa natamong tagumpay ng iba.

Pagyamanin

Gawain 4. Kilalanin Mo!

Isulat ang tsek (✓) sa sagutang papel kung ang pangyayari ay nagpapakita ng angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya at ekis (✗) naman kung hindi.

  1. tumutulong sa mga gawaing-bahay
  2. ipinagluto ng pagkain ang kaniyang lolo at lola
  3. pagtanggap sa pagkakamaling nagawa
  4. may pagkukusa sa mga gawain
  5. nakikibahagi sa mga usaping pampamilya kung kinakailangan
  6. naging tapat sa lahat ng sasabihin
  7. marunong tumupad sa pinag-usapan
  8. laging wala sa bahay dahil kasa-kasama ang mga barkada
  9. pantay na paghatol
    10.marunong makinig sa kausap
Gawain 5: Saloobin Mo, Pangatuwiranan Mo!

Basahin at unawain ang mga pangyayari na nasa talahanayan. Lagyan ng masayang mukha (☺) kung ang mga pangyayari ay nagpapakita ng angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya at malungkot na mukha (☹) naman kung hindi. Pangatuwiranan at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga PangyayariSagot
1. pabalang na sinasagot ang magulang
2. itago ang sukli
3. paglalahad ng opinyon sa isang isyu
4. pagrespeto sa desisyon ng magulang
5. hinahanapan ng mali ang sinasabi ng kausap
6. hindi nakikinig sa kausap
7. pagsaalang-alang sa ideya
8. pinag-iisipan ang sinasabi
9. humingi ng payo sa pamilya
10. magpahayag ng saloobin
Gawain 6: Tugon sa Sitwasyon!

Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang sumunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sitwasyon : Nag-aaway ang inyong magulang sa inyong harapan at muntik nang magkasakitan dahil sa isang problema. Ito ang iyong palaging nasaksihan simula ng pareho silang abala sa trabaho. Paano mo maisasagawa ang angkop na kilos upang mapaunlad ang komunikasyon ng inyong pamilya?

Sagot :

Sitwasyon : Parating lumiliban ang iyong kapatid sa kanilang klase dahil sa impluwensiya ng barkada. Nalaman ito ng iyong ina kung kaya ay tinanong niya ito upang makumperma bagaman pinabulaanan ito ng iyong kapatid. Ikaw, bilang kapatid na alam ang buong katotohanan, papaano mo hihikayatin ang iyong kapatid na magsabi ng totoo bilang pagsasagawa sa angkop na kilos sa pagpapaunlad ng komunikasyon sa inyong pamilya?

Sagot :

Rubriks sa Pagmamarka

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
Malinaw na naipahayag ang mensahe at kaisipanNapakalinaw ang pagkalalahad ng mensahe at sariling kaisipan hinggil sa sa sitwasyonMalinaw ang pagkalahad ng mensahe at kaisipan hinggil sa sitwasyonHindi malinaw ang pagkalahad ng mensahe at kaisipan hinggil sa sitwasyon
Kabuoang punto 10

Isaisip

Gawain 7. Punan Mo ng Mabuo!

Piliin sa loob ng kahon ang salitang angkop na ilagay sa patlang upang mabuo ang sanaysay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

a. gabay b. maalalahanin c. mapamaraan d. pagmamalasakit e. damdamin f. pamilya g. pinaniniwalaan h. kilos i. asal j. buhay

Malaki ang papel na ginagampanan ng ating (1) _____ sa ating buhay. Sila ang ating naging (2) _____ dito sa mundong ibabaw. Tinuruan nila tayo kung paano, magsalita, lumakad, at manindigan sa ating (3) _____. Malaki ang impluwensiya nila sa ating (4) _____ at gawi. Mahalagang matutunan natin ang mga angkop na (5) _____ na nakapagpapaunlad ng ating relasyon at pakikipagkomunikasyon sa ating pamilya. Ang mga gawi’t kilos tulad ng pagiging (6) _____ ay nagpapakita ng (7) _____ at pagmamahal. Matutong humingi ng paumanhin kung nakasakit ka ng (8) _____. Magpasensiya kung kinakailangan lalo na sa mga nakababata at nakatatanda. Maging malikhain din at (9) _____ sa mga panahong kailangan mong manuyo. Ang pagkakaroon ng matatag na relasyon sa pamilya ay nagbibigay ligaya sa (10) _____.

Isagawa

Gawain 8. Kilos at Bunga

Punan ng hinihingi ang talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

ANGKOP NA KILOSBUNGA/ RESULTA
Hal. Pagsasabi ng totoo sa aking magulangHal. Mas pagkakatiwalaan ako ng aking magulang
1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin

Maraming Pagpipilian

Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng magulang sa pagtuturo ng angkop na kilos?
    A. dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata
    B. dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman
    C. dahil sa kanila nakasalalay ang desisyonng isang bata sa pagtamo ng kaalaman
    D. dahil magulang ang unang tagapaghubog sa pagpapahalaga o buong pagkatao ng isang bata


  2. Ano ang ipinakikita sa paglalahad ng katuwiran sa pakikipagkomunikasyon sa pamilya?
    A. kaangasan
    B. kapangahasan
    C. katapangan
    D. paninindigan


  3. Alin sa sumusunod ang nagsisilbing tagapag-ugnay ng bawat tao?
    A. komunikasyon
    B. kumunidad
    C. kuneksyon
    D. pagmamahal


  4. Anong pagpapahalaga ang lubos na maipapakita sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon?
    A. pagiging makatao
    B. pagiging magalang
    C. pagiging matapang
    D. pagiging maka-Diyos


  5. Kanino unang natutuhan ng bata ang mga pagpapahalaga bilang tao?
    A. guro
    B. pamilya
    C. pari
    D. prinsipal


  6. Paano masasabi na maunlad ang komunikasyon ng isang pamilya?
    A. kapag pabalang na sumagot sa katanungan
    B. kapag naninindigan kahit mali ang paniniwala
    C. kapag sumagot nang walang pag-unawa sa sitwasyon
    D. kapag malayang makapagbigay ng pansariling pananaw


  7. Ano ang mabisang paraan upang ang isang pamilya ay magkakaintindihan?
    A. Ang bawat miyembro ay bukas palad.
    B. Ang bawat miyembro ay bukas sa pagtulong.
    C. Ang bawat miyembro ay bukas sa pagsisikap.
    D. Ang bawat miyembro may bukas na komunikasyon.


  8. Ano ang nararapat gawin bilang isang ina kung napapansin mo na balisa ang iyong anak at tila ay may bumabagabag?
    A. Hayaan siyang magkuwento.
    B. Palilipasin muna ang kanyang nararamdaman.
    C. Kakausapin siya at bigyan ng payo kung kinakailangan.
    D. Tatanungin siya kung masama ba ang kaniyang pakiramdam.


  9. Bilang isang mabuting magulang, paano mo maitataguyod ang pagkakaroon nang maayos na komunikasyon sa pamilya?
    A. Maging mapagmatyag ka sa kilos ng bawat miyembro.
    B. Hikayating maging bukas ka sa saloobin anumang oras.
    C. Makinig ka lamang sa malapit na miyembro ng pamilya.
    D. Wala kang pakikinggan kapag may hidwaang nagaganap.


  10. Alin sa mga sumusunod ay nagpapakita ng angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya?
    A. pagkaiinggit sa natamo ng iba
    B. paglilihim ng problema sa mga magulang
    C. pagbibigay ng pantay na pagtingin o hatol
    D. pagpapakita ng pagsang-ayon sa lahat ng oras


  11. Ano ang nararapat gawin kung napagalitan ka ng iyong ina dahil umalis ka nang walang paalam?
    A. lalambingin ito at aaluin
    B. hihingi ng dispensa o paumanhin
    C. hahayaan na lamang na magagalit ito
    D. iiyak nang malakas upang mapatawad


  12. Ano ang nararapat gawin kung nakita mong hindi sinasadyang nabasag ng iyong kapatid ang mamahaling plorera na koleksyon ng iyong ina?
    A. Tatakutin at isusumbong
    B. Sisigawan at pagagalitan
    C. isusumbong agad sa magulang ng mapagalitan
    D. pakalmahin at payuhang magtapat sa magulang


  13. Ano ang nararapat gawin kung napansin palaging pinapaburan ng iyong mga magulang ang iyong bunsong kapatid?
    A. pagselosan mo ang bunsong kapatid
    B. aawayin ito nang madalas hanggang sa mapansin
    C. kakausapin ang magulang at ipagtapat ang napuna
    D. Kakausapin ang magulang at sabihing ikaw ang mas magaling


  14. Ano ang nararapat gawin kung nagalit ang iyong ama dahil pinakialaman mo ang kanyang gamit na hindi nagpapaalam?
    A. magalit din sa kanya
    B. yayakapin ang ama at iiyak
    C. magkunwaring walang alam
    D. makinig sa pangaral at humingi ng paumanhin


  15. Paano mapauunlad ang komunikasyon sa pamilya?
    A. Ipilit ang nais mangyari.
    B. Pakinggan ang panig ng bawat isa.
    C. Isaalang-alang ang pansariling desisyon.
    D. Sabay-sabay na magsasalita ang pamilya.


Karagdagang Gawain

Gawain 9. Gawi Ko! Isusulat Ko

Gumawa ng journal na naglalaman ng mga magiging gawi at angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya.

[illustration: blank scroll-shaped sheet for writing the journal]

Rubriks sa Pagmamarka

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
NilalamanKomprehensibo ang nilalaman ng journal. May sapat na impormasyon.May ilang kakulangan sa nilalaman ng journal.Kulang sa nilalaman ang journal.
Organisasyon ng mga kaisipanOrganisado at may malinaw na kaisahan ang daloy ng paglalahad ng kaisipan sa journalMalinaw at maayos ang pagkalahad ng kaisipan sa journalWalang kaayusan ang pagkalahad ng kaisipan ng Journal.
Kabuoan puntos (20)

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; it has been transcribed after rotating it to read normally. The answer blocks are arranged in the order Balikan, Pagyamanin, Isaisip, Subukin, Tayahin, Isagawa.]

BALIKAN
Gawain 1
  1. D
  2. A
  3. B
  4. C
  5. E
PAGYAMANIN
Gawain 4
  1. /
  2. /
  3. /
  4. x
  5. /
  6. /
  7. /
  8. x
  9. /
  10. /
Gawain 5
  1. Ang magulang ay dapat na nererespeto at hindi sinasagot ng sasagot at huwag pabalang. Ugaliing maging mahinahon kapag kalimutang gumamit ng po at opo bilang tanda ng paggalang.
  2. Dapat isauli ang sukli kung ito ay hindi sa iyo. Huwag isipin na ang sukli ay kapalit nang iyong ipinakita o pagtupad sa utos sapagkat ang pagtulong ay dapat na bukal sa loob.
  3. Mas mainam na makapagbahagi ng opinyong hinggil sa isyu upang masagot ang mga agam-agam.
  4. Kailangan nating irespeto ang desisyon ng ating mga magulang dahil alam nila na ito ay para sa ating ikabubuti.
  5. Huwag ipukos ang atensyon sa mali nang iba, sa halip bigyang tuon ang diwa ng impormasyon.
  6. Ang pakikinig ay isang paraan upang mapaunlad ang komunikasyon, kinakailangan na makinig upang malaman ang uusapan ng sa gayon ay maintindihan ng mabuti ang isyung pinag-uusapan, sa gayon ay maunawaan ang hinaing o sinasabi ng isang tao.
  7. Isa sa palatandaan na napaunlad ang pakikipagkomunikasyon ay ang pag-respeto sa opinyon o ideya ng isang tao, maaring miyembro ng iyong pamilya o mga kaibigan.
  8. Maigi pag-isipan ng makailang beses ang sasabihin upang makabuo ng isang maayos na ideya o desisyon na hindi pagsisisihan sa bandang huli.
  9. Isa sa mga paraan upang mapanatili ang ugnayan sa pamilya ay ang pag-uusap. Kapag ikaw ay may mabigat na suliranin marapat lamang na ikaw ay sumangguni at humingi ng payo sa magulang sapagkat alam nila kung ano ang makabubuti sa iyo. Magulang ang siyang gagabay sa anak upang hindi malihis sa tamang daan.
  10. Magpahayag ng damdamin kung kinakailangan nang sa gayon ay maiwasan ang labis na kalungkutan.
ISAISIP
Gawain 7
  1. F. pamilya
  2. A. gabay
  3. G. pinaniniwalaan
  4. I. asal
  5. H. kilos
  6. B. maalalahanin
  7. D. pagmamalasakit
  8. E. damdamin
  9. C. mapamaraan
  10. J. buhay
SUBUKIN
  1. D
  2. C
  3. B
  4. D
  5. C
  6. B
  7. D
  8. C
  9. D
  10. B
  11. D
  12. C
  13. A
  14. A
  15. B
TAYAHIN
  1. D
  2. C
  3. A
  4. A
  5. B
  6. D
  7. C
  8. B
  9. D
  10. C
  11. B
  12. D
  13. C
  14. D
  15. B
ISAGAWA
Gawain 8
ANGKOP NA KILOSBUNGA/ RESULTA
1. Pagrespeto sa opinyon ng ibang tao1. Napatatatag ang relasyon sa kapwa
2. Maging maingat sa sasabihin2. Naiiwasan ang pagtatalo
3. Pagpapahayag ng sariling damdamin3. Naiiwasan ang labis na kalungkutan

Sanggunian

Aklatan:

Bognot Regina Mignon C., et. al., 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao. Quezon City: Vibal Publishing House Inc.

Hanguang Elektroniko

Rick Peterson. et.al., 2009. “Families First-Keys to Successful Family Functioning: Communication.” Publications and Educational Resources, Virginia State University.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district