EsP 7 Quarter 3 Module 10: Pagsasagawa ng Plano Para sa Minimithing Kurso o Karera

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 7 self-learning module for Quarter 3, Module 10: “Pagsasagawa ng Plano Para sa Minimithing Kurso o Karera” (carrying out your plan for your dream course or career). Prepared by DepEd MIMAROPA Region under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020), it is for Grade 7 learners studying at home or in class. After it, learners will be able to put their personal career plan into action using a Goal Setting and Action Planning Chart.

The module builds on the previous one. There, learners matched their personal factors with the requirements of the course, track, or career they want, and made their first goal setting and action plan.

What learners will learn

The module lists one Most Essential Learning Competency (MELC):

  • Apply a personal plan for reaching a dream academic or technical-vocational course, business, or job, following the standards for building a Career Plan with the Goal Setting and Action Planning Chart (EsP7PB-IVg-16.1).

Parts of the module

The module has one lesson, Aralin 10, “Pagsasagawa ng Pansariling Plano sa Pagtupad ng mga Minimithing Kurso o Track at Karera Batay sa Pamantayan sa Pagbuo ng Career Plan” (carrying out a personal plan for your dream course, track, and career based on the standards for building a career plan). It follows the usual SLM parts:

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Answer 5 multiple-choice questions
Balikan (review)Gawain 1: study a sample goal setting and action plan chart, then reflect
Tuklasin (explore)Gawain 2: look at pictures of a teacher, an artist, and a doctor and answer questions about how they succeeded
Suriin (analyze)Gawain 3: read about the steps in career planning
Pagyamanin (deepen)Gawain 4: answer three questions about your dream career and your plan
Isaisip (remember)Gawain 5: complete a sentence on why a personal plan matters
Isagawa (apply)Gawain 6: fill in the Goal Setting and Action Planning Chart
Tayahin (assessment)Answer 6 multiple-choice questions
Karagdagang Gawain (extra activity)Gawain 7: take an online career test and write a reflection

Key ideas: the steps in career planning

The lesson explains four steps in the career planning process (Mga Hakbang sa Proseso sa Pagpaplano ng Career):

  1. Pagtatasa sa Sarili (self-assessment): carefully knowing and examining your strengths, weaknesses, likes, interests, and work style.
  2. Pananaliksik (research): learning about current conditions, job options, and other important facts and data.
  3. Eksperimento (experimenting): gaining real experience, for example through on-the-job training (OJT) or part-time work, so you can see the “real world” of the workplace.
  4. Paggawa ng Desisyon (decision-making): weighing the strengths and weaknesses of the career options you researched, and deciding on issues such as location, cost, and ability.

The module stresses that knowing your own skills, interests, values, and goals helps you prepare, focus, and work hard toward your dream career or business.

It also lists values usually found in people who succeed in their career, business, or job: hard work, initiative, teamwork, doing work with excellence, orderliness, patriotism, nationalism, and self-reliance.

The module reminds learners that they can ask parents, teachers, professionals, successful people, and older friends for guidance, and can also look in newspapers and on the internet.

The Goal Setting and Action Planning Chart

In Gawain 1, the sample chart shows two dreams:

  • Becoming a teacher: the learner likes teaching classmates, plans to study hard (March 2021 to April 2026), and hopes to help the family.
  • Owning a bakery: the learner often helps Nanay cook and sell kakanin, plans to save money for capital (April 2021 to April 2027), and hopes to have a business that helps the family.

In Gawain 6, learners make their own chart. The module says a young person’s plan should be balanced, so the chart asks for a goal and three action steps in four areas of life:

  1. Sa Minimithing Karera o Negosyo (dream career or business)
  2. Sa Pag-aaral (studies)
  3. Sa Pamilya (family)
  4. Sa Sarili (personal)

Learners also note the time frame, the difficulties they may face, and alternative steps they can take.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest, then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet or in your notebook; do not write on the module. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and guardians: Help your child think about their dream career and family situation for Gawain 1, 2, and 6, and encourage honest use of the answer key.
  • Teachers: Gawain 4, 5, and 6 are open-ended and show how well each learner can apply the steps of career planning.

The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the Subukin and Tayahin. Note that the Tayahin has six questions but the key lists only five, and some keyed answers do not seem to match the questions. For example, Tayahin item 1 describes self-assessment, which is choice D, while the key gives A. Teachers should check the Tayahin answers against the lesson before using the key.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 7 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 10.

What are the steps in career planning in this module?

The module gives four steps: self-assessment (Pagtatasa sa Sarili), research (Pananaliksik), experimenting such as OJT or part-time work (Eksperimento), and decision-making (Paggawa ng Desisyon).

What is the Goal Setting and Action Planning Chart?

It is a chart where learners write a goal and three action steps for four areas of life: dream career or business, studies, family, and personal life. They also note the time frame, possible obstacles, and alternative steps.

Does the module have an answer key?

Yes, it has a key for the Subukin pretest and the Tayahin assessment. However, the Tayahin key lists only five answers for six questions, and some answers seem not to match, so teachers should check it.

What competency does this module cover?

It covers applying a personal plan for a dream academic or technical-vocational course, business, or job using the Goal Setting and Action Planning Chart, coded EsP7PB-IVg-16.1.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q3_ESP 7_Module 10

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 10: Pagsasagawa ng Plano Para Sa Minimithing Kurso o Karera

[illustration: students studying and reading outdoors and at home, a teacher, a girl and boy with a globe, and a boy studying by lamp light]

Pag-aari ng Pamahalaan | Hindi Ipinagbibili

CO_Q3_ESP 7_Module 10

Edukasyon sa Pagpapakatao- 7

Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan- Modyul 10: Pagsasagawa ng Plano Para Sa Minimithing Kurso o Karera Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Ave., cor. St. Paul Road, Pasig, City Telefax: 02-8631-4070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Thelma M. Salvacion Language Editor: Florenil M. Malabayabas Tagasuri: Annabelle M. Marmol, Mariam B. Rivamonte, Nestor T. Rualo Tagaguhit: Gerardo G. Lacdao, Amador M. Leaño Jr. Tagalapat: Thelma M. Salvacion, Jefferson R. Repizo Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Freddie Rey R. Ramirez, Danilo C. Padilla, Annabelle M. Marmol, Lany M. Semilla, Mariam B. Rivamonte, Nestor T. Rualo

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 10: Pagsasagawa ng Plano Para Sa Minimithing Kuso o Karera

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Sa nakaraang modyul at mga gawain ay naipaliwanag mo ang kahalagahan ng pagtutugma sa mga personal na salik at mga kakailanganin (requirements) sa kurso/track o karera na nais mong tunguhin sa hinaharap. Matagumpay mo ring naisagawa ang pagtatakda ng iyong mga mithiin o Goal Setting at Action Plan para sa mga ito. Binabati kita!

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

(Most Essential Learning Competencies- MELC)

  1. Naisasagawa ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng mga minimithing kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay batay sa pamantayan sa pagbuo ng Career Plan gamit ang Goal Setting at Action Planning Chart (Curriculum Guide– Learning Competencies)
    Code: EsP7PB-IVg-16.1)

1 CO_Q3_ESP 7_Module 10

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng salita, mga salita o pahayag na tinutukoy sa mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

  1. Mahalaga ring maitakda natin ang ating mga layunin sa pagkamit ng ating mga mithiin o pangarap na nakatuon sa nais nating maabot. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang layunin upang ito ay makamit
    a. Ang pagkakaroon ng makabuluhang buhay.
    b. Tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa
    c. Magiging bahagi at magbibigay ambag sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa
    d. Lahat ng nabanggit


  2. Ano ang katotohanang ipinapahayag ng kasabihang “Ang edukasyon ay kayamanang taglay na hindi mananakaw ng sinoman”?
    a. Ang edukasyon bilang isa sa pangunahing pangangailangan ng tao ay mahalaga at kinakailangang matamo ng bawat isa na magagamit sa pagkamit ng mithiin sa buhay.
    b. Ang bawat tao na may kakayahang linangin ang kanilang talento at interes sa pamamagitan ng edukasyon
    c. Maaaring umunlad ang isang tao sa pamamagitan ng edukasyon na kaniyang nakamit sa pamamagitan ng pag-aaral
    d. Makakamit lamang ng isang tao ang kaniyang mga mithiin sa buhay sa pamamagitan ng edukasyon at kayamanan.


  3. Ang labis na kahirapan at kawalan ng suporta ng pamilya ang pangunahing hadlang upang hindi makamit ang inaasam na edukasyon at minimithing pangarap ng isang indibiduwal. Ang pahayag ay ______________________.
    a. Tama, dahil ang kahirapan at kawalan ng suporta mula sa pamilya ang dahilan upang mabawasan ang interes at tiwala sa sarili ng isang indibiduwal.
    b. Tama, dahil sa kahirapan ay hindi naibibigay ng mga magulang ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mga anak
    c. Mali, dahil ang kahirapan ay hindi dapat hadlang sa tagumpay ng isang indibiduwal
    d. Mali, dahil lahat ng tao anoman ang kalagayan sa buhay ay nangangarap magkaroon ng edukasyon at makaahon sa kahirapan.


2 CO_Q3_ESP 7_Module 10

  1. Ang sumusunod ay mga hakbang sa proseso sa pagpaplano ng career MALIBAN sa _____________________.
    a. Pananaliksik
    b. Eksperimento
    c. Paggawa at Pagsasabuhay
    d. Pagtatasa sa saliri at pananaliksik


  2. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI tumutukoy sa pagsasagawa ng pansariling plano para sa minimithing kurso at track o karera.
    a. Pagtatasa sa sarili at masusing pagkilala ng mga sariling kahinaan at kalakasan.
    b. Pananaliksik upang magbigay kaalaman sa mga kinakailangang datos at impormasyon.
    c. Paggawa ng desisyon at malalimang pagsusuri sa mga kahinaan at kalakasan.
    d. Pagsasagawa ng mga plano base sa impluwensiya ng mga kapamilya.


3 CO_Q3_ESP 7_Module 10

Aralin 10

Pagsasagawa ng Pansariling Plano sa Pagtupad ng mga Minimithing Kurso o Track at Karera Batay sa Pamantayan sa Pagbuo ng Career Plan

Bakit nga ba tayo nag-aaral? Para saan? Para kanino? Naitanong mo rin ba iyan sa iyong sarili bilang mag-aaral? Marahil oo rin ang sagot mo. Mahalaga ang bawat binhi ng kaalaman na dapat nating taglayin kung kaya’t nararapat na higit nating maisagawa ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng mga minimithing kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay batay sa pamantayan sa pagbuo ng Career Plan gamit ang Goal Setting at Action Planning Chart.

Balikan

[illustration: hand holding a puzzle piece]

GAWAIN 1: BALIK-TANAW

Panuto: Upang makamit ang ating mga mithiin ay kinakailangan ding mabigyang-tuon ang iba pang aspekto sa iyong buhay. Basahin at suriin ang chart sa ibaba na naglalaman ng mga datos ng nabuong mithiin o Goal Setting at Action Plan. Pagkatapos ay sagutin ang tanong na nasa ibaba sa iyong sagutang-papel.

Pangarap (Mga minimithing Track/Karera, Negosyo o Trabaho)Mga Pansariling salik na tugma at kailangang paunlarin para sa minimithing Karera, Negosyo o TrabahoGawain/ hakbangin upang makamit ang pangarapTime o Inaasahang petsa kung kailan mo ito maisasagawa /makakamitInaasahang kahihinatnan ng iyong buhay matapos mo itong makamit.
Maging GuroInteres: Mahilig magturo sa mga kaklaseMag-aaral nang mabuti.March 2021–April 2026Makakatulong sa aking pamilya.

4 CO_Q3_ESP 7_Module 10

Tuklasin

Magkaroon ng negosyo (bakery)Madalas tumutulong sa pagluluto at pagtitinda ng kakanin sa aking Nanay.Mag-iimpok ng pera upang makalikom ng sapat na halaga na magagamit bilang puhunan.April 2021
April 2027
Magkakaroon ng sariling negosyo at makatutulong sa aking nanay at pamilya

[transcriber’s note: the table has no printed header row; the header cells are left empty]

Tanong:

  1. Naging madali ba para sa iyo ang pagtukoy ng mga paraan upang maisakatupan mo ang iyong mga mithiin? Bakit?





[illustration: a hand holding a sprouting plant inside a circle, decorative icon beside the part title]

GAWAIN 2: BALIK-TANAW

Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga pamprosesong tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang-papel.

Pamprosesong Tanong

  1. Ano-ano ang iyong nakikita sa larawan?



  2. Paano kaya nila nakamtan ang tagumpay?



  3. Maaari rin ba itong mangyari sa iyong sarili?



  4. Sa papaanong paraan mo ito maaaring makamit?



[illustration: a teacher pointing to an alphabet chalkboard (Aa Bb Cc Dd Ee), a student drawing on an easel, and a doctor with a stethoscope examining a boy]

  1. Buoin ang pangungusap

Ako si__________________________________ na may anking talento at kakayahan sa _________________________ na maari kung magamit upang maging isang matagumpay na ____________________.

Suriin

[illustration: a magnifying glass held in a hand inside a circle, decorative icon beside the part title]

GAWAIN 3: BASAHIN, UNAWAIIN!
Pagsasagawa ng pansariling plano sa pagtupad ng mga minimithing Kurso o Track at Karera

May mga pagkakataon din bang tinatanong mo ang iyong sarili kung ano ang silbi o halaga ng pagsasagawa ng mga pansariling plano para sa pagtupad ng iyong mga pangarap? Ating palawakin ang angking kaalaman tungkol sa mga hakbang sa pagsasagawa ng pansariling para sa minimithing kurso o track at karera.

Mga hakbang sa Proseso sa Pagpaplano ng Career
  1. Pagtatasa sa Sarili (Self-Assessment)

    • Ang maingat na pagkilala at pagsusuri ng iyong mga kalakasan, kahinaan mga kagustuhan, hilig, at estilo ng trabaho ay isang mahalagang hakbang sa pagpaplano ng iyong potensiyal na landas sa karera.
  2. Pananaliksik

    • Ang yugto na ito ay nagbubukas sa iyo ng pinto ng kaalaman sa mga kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran, mga opsiyon na trabaho at iba pang mahahalagang katotohanang impormasyon at datos.
  3. Eksperimento

    • Ang mga on-the-job-training (OJT) at part-time na trabaho ay ilan sa mga paraan para sa paghahabi ng mga karanasan. Nagbibigay ito ng oportunidad at pagkakataon na maranasan ang tungkulin sa trabaho, obserbahan ang ibang manggagawa, masuri at mauunawaan ang “totoong mundo” ng lugar ng trabaho.
  4. Paggawa ng Desisyon

    • Ang malalimang pagsusuri at pagtimbang sa mga kahinaan at kalakasan ng opsiyon sa karera na iyong pinili o sinaliksik ay mahalaga sa yugtong ito. Sa prosesong ito ng pagpaplano ng iyong karera ay kinakailangan mong gumawa ng desisyon tungkol sa iba’t ibang isyu na dapat mong isaalang-alang katulad ng lugar, gastos, kakayahan at iba pa.

Sa pagsasagawa ng paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng mga minimithing kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, mahalaga ang pagkilala sa sariling kakayahan, interes o hilig, pagpapahalaga at mithiin. Ang pagkakaroon ng malinaw na pagkilala at ang pagsasaalang-alang ng mga ito ay nakatutulong upang magkaroon ng sapat na paghahanda o pagpaplano, tuon at pagsusumikap upang maabot ang minimithing karera o negosyo balang araw.

Ang taong nagtatagumpay sa kanyang karera, negosyo o hanapbuhay ay karaniwang nagtataglay ng sumusunod na pagpapahalaga: kasipagan, pagkukusa, pakikiisa sa sama-samang paggawa o “teamwork”, paggawa ng may kahusayan, pagkamaayos, patriotismo, nasyonalismo, at self-reliance. Ang pansariling salik kaugnay ng paggawa ay nararapat linangin upang mapaunlad ang sarili at makapaglingkod tungo sa produktibong pamayanan at bansa.

TANDAAN

Maaari kayong magtanong, o humingi ng gabay sa iyong mga magulang, guro, mga propesyonal, mga taong nagtagumpay sa iba’t ibang larangan at mga kaibigang nakatatanda. Maaari ring tumingin sa diyaryo at internet.

Pagyamanin

[illustration: a hand stacking blocks, decorative icon beside the part title]

GAWAIN 4. SAGUTIN MO

Batay sa iyong nabasa sa naunang bahagi ng araling ito, ang mithiin sa buhay ay matutupad sa pamamagitan ng pagbuo ng pansariling plano. Plano na naglalaman ng mga hakbang na gagawin at kasama na rito ang pagpili ng tamang kursong pang-akademiko o teknikal-bokasyunal. Sagutin ang sumusunod na tanong upang mas lalong mapalalim ang pagkakaunawa ukol

sa pagkakaroon ng plano sa karera o career plan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.

  1. Anong uri ng karera ang iyong pinapangarap? Bakit?




  2. Mahalaga ba ang mga hakbang sa proseso ng pagpaplano ng karera? Ipaliwanag ang iyong sagot.




  3. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsasagawa pansariling plano sa pagtupad ng mga minimithing kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay?




Isaisip

[illustration: a hand holding a light bulb inside a circle, decorative icon beside the part title]

GAWAIN 5: ITULOY MO

Panuto: Punan ang patlang ng mga salita o pangungusap upang makabuo ng pahayag. Gawin ito sa iyong sagutang-papel.

Mahalaga ang pagsasagawa ng pansariling plano para sa minimithi kong kurso, track o karera dahil






Isagawa

[illustration: a hand holding a flower stem with crossed fingers inside a circle, decorative icon beside the part title]

GAWAIN 6: PAGPAPLANO NG KARERA O NEGOSYO

Sa pagpaplano ng karera o negosyo ay dapat ding isinaalang-alang ang iba pang bahagi o aspekto ng buhay ng isang kabataan. Nararapat na balanse ang pagbibigay ng tuon sa pagpapaunlad ng iba pang aspekto ng kanyang buhay.

“GOAL SETTING AND ACTION PLANNING CHART”

Panuto: Hindi isang bahagi lamang ng buhay ang dapat isaalang-alang sa pagtatakda ng mga mithiin at pagbabalangkas ng plano sa pagtatamo ng pangarap sa buhay. Lahat ng aspeto ng buhay ay nararapat na mabigyang tuon. Gamit ang Goal Setting Action Planning Chart ay isulat ang iyong itinakdang mithiin para sa pagbubuo ng karera o negosyo. Katapat nito ay itala ang mga hakbangin na isasagawa upang makamit ang mithiin. Gayundin ang panahong itatakda, mga kahirapan o balakid na maaring kaharapin sa pagtamo ng mithiin at ang mga gagawing alternatibong hakbang pamalit dito. Gawin ito sa iyong sagutang-papel.

Mithiin (Goal)Balangkas ng Mga Hakbangin (Action Plan)
1. Sa Minimithing Karera o Negosyo _______________________ _______________________a._______________________
b._______________________
c._______________________
2. Sa Pag-aaral _______________________ _______________________a. _______________________
b. _______________________
c. _______________________
3. Sa Pamilya _______________________ _______________________a. _______________________
b. _______________________
c. _______________________
4. Sa Sarili (Personal) _______________________ _______________________a. _______________________
b. _______________________
c. _______________________

Tayahin

[illustration: a hand writing with a pencil inside a circle, decorative icon beside the part title]

Panuto: Piliin ang titik ng salita, mga salita o pahayag na tinutukoy sa mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

  1. Ang ___________________na tumutukoy sa maingat na pagkilala at pagsusuri ng iyong mga kalakasan, kahinaan mga kagustuhan, mga hilig, at mga estilo ng trabaho ay isang mahalagang hakbang sa pagpaplano ng iyong potensyal na landas sa karera.

    • A. Pananaliksik
    • B. Pag-ekspiremento
    • C. Pagsasagawa o pagsasabuhay
    • D. Pagtasa sa sarili (self-assessment)
  2. Ano ang katotohanang ipinapahayag ng kasabihang “Ang edukasyon ay kayamanang taglay na hindi mananakaw ng sinoman”

    • A. Ang edukasyon bilang isa sa pangunahing pangangailangan ng tao ay mahalaga at kinakailangang matamo ng bawat isa na magagamit sa pagkamit ng mithiin sa buhay.
    • A. Ang bawat tao na may kakayahang linangin ang kanilang talento at interes sa pamamagitan ng edukasyon.
    • B. Maaaring umunlad ang isang tao sa pamamagitan ng edukasyon na kanyang nakamit sa pamamgitan ng pag-aaral.
    • C. Makakamit lamang ng isang tao ang kaniyang mga mithiin sa buhay sa pamamagitan ng edukasyon at kayamanan.
  3. Ang labis na kahirapan at kawalan ng suporta ng pamilya ang nagiging hadlang upang hindi makamit ang inaasam na edukasyon at minimithing pangarap ng isang indibiduwal. Ang pahayag ay _____________.

    • A. Tama, dahil ang kahirapan at kawalan ng suporta mula sa pamilya ang ilan sa mga dahilan upang mabawasan ang interes at tiwala sa sarili ng isang indibiduwal.
    • B. Tama, dahil sa kahirapan ay hindi naibibigay ng mga magulang ang mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mga anak.
    • C. Mali, dahil ang karangyaan ay hindi sukatan ng tagumpay ng isang indibiduwal.
    • D. Mali, dahil lahat ng tao anoman ang kalagayan sa buhay ay nangangarap magkaroon ng edukasyon at makaahon sa kahirapan.
  4. Ang sumusunod na mga hakbang ay proseso sa pagpaplano ng career MALIBAN sa ____________________________.

    • A. Pananaliksik
    • B. Eksperimento
    • C. Paggawa at pagsasabuhay
    • D. Pagtatasa sa saliri at pananaliksik
  5. Mahalaga ring maitakda natin ang ating mga layunin sa pagkamit ng ating mga mithiin o pangarap na nakatuon sa nais nating maabot. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang layunin upang ito ay makamit?

    • A. Ang pagkakaroon ng makabuluhang buhay.
    • B. Tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa.
    • C. Magiging bahagi at magbibigay ambag sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.
    • D. Lahat ng nabanggit.
  6. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI tumutukoy sa pagsasagawa ng pansariling plano para sa minimithing kurso at track o karera.

    • A. Pagtatasa sa sarili at masusing pagkilala ng mga sariling kahinaan at kalakasan.
    • B. Pananaliksik upang magbigay kaalaman sa mga kinakailangang datos at impormasyon
    • C. Paggawa ng desisyon at malalimang pagsusuri sa mga kahinaan at kalakasan.
    • D. Pagsasagawa ng mga plano batay sa impluwensiya ng mga kapamilya.

Karagdagang Gawain

[illustration: a hand holding gears inside a circle, decorative icon beside the part title]

GAWAIN 7: MAGSALIKSIK TAYO

Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga gawain na maaring makatulong sa iyo upang higit na madiskobre at mataya ang iyong mga kakayahan, hilig, at talento sa pamamagitan ng link sa ibaba. Isulat ang iyong repleksyon ukol sa gawain sa iyong sagutang-papel.

(https://www.yourfreecareertest.com/)

Susi sa Pagwawasto

[illustration: a key held in a hand inside a circle, decorative icon beside the part title]

SubukinTayahin
1. D
2. A
3. A
4. C
5. D
1. A
2. A
3. A
4. D
5. D

[transcriber’s note: the answer key is printed upside down in the source; the entries above are read from the rotated image]

Sanggunian

  • Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum, Lungsod ng Pasig, Pilipinas, 2016, pp. 103-104
  • Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao, Lungsod ng Pasig, Pilipinas, 2012, pp. 140-144
  • Proseso sa Pagpaplano ng Career-Mga Hakbang sa Pagpili ng Career 2020

Mga mungkahing maaaring puntahang website: https://tl.routestofinance.com

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *