Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Industrial Arts Modyul 2: Mga Kagamitan at Kasangkapang Pang-industriya

This is a self-learning module (SLM) for Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 (EPP 5), Industrial Arts, Modyul 2: “Mga Kagamitan at Kasangkapang Pang-industriya” (industrial tools and equipment). It is written in Filipino for Grade 5 learners studying at home and was prepared by DepEd Region VIII under the Alternative Delivery Mode. After the module, learners should be able to name the tools used in woodwork, metalwork, bamboo craft, and similar work, and say what each tool is for.

What learners will learn

The module explains that knowing your tools helps you make a good product. It also saves time and effort, because you know right away which tool fits the job. Its stated objective is:

  • Natutukoy ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing-kahoy, metal, kawayan, at iba pa (identifies the kinds of tools and equipment used in woodwork, metalwork, bamboo work, and other crafts). Code printed: EPP5IA-Oa-2. 2.1.1

Lessons in this module

The module has one lesson, Aralin 1: Mga Kagamitan at Kasangkapang Pang-Industriya. It groups common hand and power tools by what they do, such as pounding, measuring, or cutting. It also stresses that choosing the right tool, and knowing how to use it, keeps you safe and makes the project easier.

Tools covered in the module

The Suriin (study) part sorts the tools into eight groups. Here they are, with the module’s Filipino names and a short English explanation of each use.

A. Pamukpok (pounding tools)

  • Martilyo (hammer): drives nails and chisels, and pounds metal.
  • Maso/malyete (sledgehammer or mallet): pounds iron, wood, or rubber.

B. Pampakinis (smoothing tool)

  • Katam (wood plane): smooths the surface of a board.

C. Panukat (measuring tools)

  • Ruler: measures objects, usually in centimeters and inches.
  • Eskuwala (try square): measures width and height, and checks whether a piece of wood is square.
  • Zigzag rule (folding rule): measures the height, width, and thickness of a material.

D. Pambutas/Pang-ukit (drilling and carving tools)

  • Barena/electric drill: makes holes in hard materials such as steel and cement.
  • Paet/chisel/tigib: carves, and makes holes for joints.
  • Brace: a hand-operated drill fitted with a bit.

E. Panghasa (sharpening tools)

  • Oil stone: sharpens straight-edged cutting tools such as the itak (bolo) and knife.
  • Kikil (file): sharpens the teeth of a saw.

F. Pamutol (cutting tools)

  • Rip saw: cuts wood along the grain.
  • Keyhole saw: cuts round holes.
  • Coping saw: cuts curves in wood.
  • Back saw: a smaller saw with fine teeth, used for corners and joints.

The quizzes also mention the cross-cut saw, which cuts across the grain of the wood.

G. Pang-ipit (clamping tools)

  • C-clamp: holds the material still so it does not move while it is being cut.
  • Gato (vise): holds wood and metal in place.

H. Iba pang kasangkapan (other tools)

  • Gunting (scissors): cuts thread, fiber, tin, cloth, and paper.
  • Liyabe (pipe wrench): loosens or tightens metal pipe joints, for example when removing a faucet.
  • Destornilyador (screwdriver): tightens or loosens screws.
  • Plais (pliers): cuts wire, and also grips, straightens, and pulls out nails and screws.

How to use this module

The module follows the usual SLM order:

  1. Alamin: read the objective.
  2. Subukin: take the pretest. It has two parts, a matching set and a multiple-choice set.
  3. Balikan: name the material used in each pictured object, such as bamboo, metal, ceramic, rattan, or abaca.
  4. Tuklasin: look at a toolbox picture and think about what each tool does.
  5. Suriin: study the tool table.
  6. Pagyamanin: do three activities, each with an assessment:
    • Draw and label one tool from each group.
    • Name the tools in a pictured tool kit.
    • List the tools under each group.
  7. Isaisip: complete the summary sentence.
  8. Isagawa: find tools at home and explain how each is used.
  9. Tayahin: answer the 10-item final test.
  10. Karagdagang Gawain: interview someone skilled in industrial work about how they care for their tools so the tools last.

Learners: Write all answers in your notebook or on separate paper, not in the module, so others can use it later. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) honestly, after you answer.

Parents: You can help by finding real tools at home for the Isagawa activity. You can also help your child find a local carpenter or craftsperson for the interview.

Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The answer key covers every part except Pagtatasa 3, which asks for the learner’s own opinion on why the right tool matters.

Frequently asked questions

What grade is this EPP Industrial Arts Modyul 2 for?

It is for Grade 5 (Ikalimang Baitang) learners taking Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Industrial Arts.

What is the learning competency of this module?

Learners identify the types of tools and equipment used in woodwork, metalwork, bamboo work, and other crafts. The printed code is EPP5IA-Oa-2. 2.1.1.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto covers the pretest, Balikan, the Pagyamanin assessments, Isaisip, and the 10-item Tayahin. Pagtatasa 3 is an open-ended opinion question, so it has no fixed answer.

What is the difference between a rip saw and a cross-cut saw?

According to the module, a rip saw cuts wood along the grain, while a cross-cut saw cuts across the grain.

Which tools are used for sharpening?

The module names two sharpening tools. The oil stone sharpens straight-edged tools like the bolo and knife, and the kikil (file) sharpens the teeth of a saw.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Industrial Arts-Modyul 2: Mga Kagamitan at Kasangkapang Pang-industriya

5

[illustration: a tree with students reading outdoors, a mother helping children at a table, a child reading by lamplight, and a globe on a table]

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Industrial Arts – Modyul 2: Mga Kagamitan at Kasangkapang Pang-industriya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Malvin L. Moriles Editor: Jemmar J. De Asis, Rey B. Brozas Tagasuri: Gloria A. Gasal, Gary B. Mosquito, Jenita D. Guinoo Tagaguhit: Julio A. Cañega Tagalapat: Julio A. Cañega Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Lani H. Cervantes Alejandro S. Almendras Maria Pia B. Chu Allan O. Celedonio Imelda A. Amodia

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – SDO – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 832 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Industrial Arts – Modyul 2: Mga Kagamitan at Kasangkapang Pang-industriya

5

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Mahalaga ang pagkilala sa mga kasangkapan at kagamitang gagamitin sa mga gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pa. Ito ay isa sa mga magiging batayan upang magampanan mo nang buong husay ang gagawing produkto. Bukod pa rito, makatitipid ka rin sa oras at lakas sa pangangalap kung ano ba ang angkop na kasangkapan sa isang gawain.

Kaya pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:

Natutukoy ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing-kahoy, metal, kawayan, at iba pa. (EPP5IA-Oa-2. 2.1.1)

Subukin

Gawain 1

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig nito. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

zigzag rule | rip saw | eskuwala | martilyo | coping saw | katam

_____ 1. Mainam na kagamitan para malaman kung eskwalado ang bahagi ng isang kahoy.

_____ 2. Ang kagamitang ito ay ginagamit bilang pampakinis sa ibabaw ng tabla o kahoy.

_____ 3. Isang uri ng lagari na ginagamit na pamputol ng kahoy ayon sa hilatsa nito.

_____ 4. Gagamitin ang lagaring ito kung gugustuhin mong pakurba ang hugis ng kahoy na iyong puputulin.

_____ 5. Kung gusto mong sukatin ang taas, lapad, at kapal ng materyales, gamitin ang panukat na ito.

Gawain 2

Panuto: Basahin ang sitwasyon o katanungan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.

  1. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang ginagamit bilang panghasa ng kasangkapan?


    a. lagari
    b. katam
    c. kikil
    d. zigzag rule


  2. Ang mga sumusunod ay mga kagamitang pambutas, alin ang hindi?


    a. cross cut saw
    b. barena
    c. brace
    d. paet


  3. Hirap na hirap si Mang Kanor na putulin ang kawayan na gagawin niyang hagdan dahil sa mapurol na ang mga ngipin ng lagaring kaniyang ginagamit.


Nagmamadali pa naman din siya dahil malapit na ang kanilang pista. Paano mo matutulungan si Mang Kanor?

a. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang bato. b. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang kikil. c. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang oil stone. d. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang buhangin.

  1. Gusto mong higpitan o luwagan ang turnilyo, alin sa sumusunod na kagamitan ang iyong gagamitin?


    a. martilyo
    b. maso
    c. bato
    d. destornilyador


  2. Sa anong paraan ka nakalalamang kung kabisado mo lahat ang mga kagamitang pang-industriya?


    a. ikaw ay makatitipid sa oras at lakas
    b. maging maayos sa pagplaplano upang maging mas madali ang paggawa ng mga gawain
    c. tama ang mga pahayag sa a at b
    d. wala sa nabanggit ang sagot


Aralin 1 Mga Kagamitan at Kasangkapang Pang-Industriya

Sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-industriya, nararapat na tukuyin at alamin ang mga kagamitan at kasangkapang gagamitin.

Ang araling ito ay makatutulong sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman at kasanayan ukol sa pagkilala ng iba’t ibang kagamitan at kasangkapan sa mga gawaing-kahoy, metal, kawayan at iba pa.

Balikan

Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Sagutin kung anong uri ng materyales ang ginamit sa bawat larawan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

  1. [illustration: wooden stool and chair made of poles]
  2. [illustration: toy-like jeep vehicle]
  3. [illustration: mug]
  4. [illustration: woven baskets]
  5. [illustration: coiled rope]

Tuklasin

Panuto: Suriin ang nasa larawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa iyong kwaderno

[illustration: toolbox with hand tools, saw, wrench, and pliers, with a tape measure at right; printed label: TOOL BOX]

Ano -ano ang mga nakita mo sa larawan? Alam mo ba kung saan at paano ito ginagamit? Ito ba ay nakatutulong sa pagbuo ng iba’t ibang produkto sa gawaing pang-industriya? Ngayon, tuklasin mo at kilalanin ang iba’t ibang kasangkapan o kagamitang makatutulong sa pagbuo ng isang proyekto. Simulan na ang pag-aaral sa modyul na ito.

Suriin

Para magtagumpay sa pagbuo ng isang proyekto, kinakailangan natin ang angkop na mga kagamitan. Kailangan din natin ang kasanayan sa paggamit sa bawat uri ng kagamitan para sa ating kaligtasan at maging maginhawa at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto.

Narito ang iba’t ibang kagamitan at kasangkapang ginagamit sa paggawa ng proyektong kahoy, metal at kawayan.

LarawanPangalan ng KasangkapanGamit
A. Mga Pamukpok
[illustration: claw hammer]MartilyoGinagamit na pambaon sa paet at pako. Gamit din itong pamukpok ng metal.
[illustration: sledge hammer]Maso/malyetePamukpok sa bakal, kahoy o goma.
B. Pampakinis
[illustration: wood plane]katamPampakinis sa ibabaw ng tabla.
C. Mga Panukat
[illustration: ruler]rulerPanukat sa isang bagay. Karaniwang sukat nito ay nasa sentimetro at pulgada.
[illustration: try square]eskuwalaGinagamit sa pagsukat ng lapad, taas at ginagamit din upang malaman kung eskwalado ang bahagi ng kahoy.
[illustration: zigzag rule]Zigzag ruleGinagamit sa pagsukat ng taas, lapad, at kapal ng materyal.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

LarawanPangalan ng KasangkapanGamit
D. Pambutas/Pang-ukit
[illustration: electric drill]Barena/electric drillGinagamit na pambutas sa matitigas na bagay tulad ng bakal at semento.
[illustration: chisel]Paet/chisel/tigibginagamit na pang-ukit at sa paggawa ng mga butas sa hugpungan
[illustration: brace]braceUri ng de-manong pambutas na kinakabitan ng bit o talim.
E. Mga Panghasa
[illustration: oil stone]Oil stonePanghasa sa tuwid na kasangkapang pamuto tulad ng itak at kutsiyo.
[illustration: file]KikilPanghasa sa mga ngipin ng lagari.
F. Mga Pamutol
[illustration: rip saw]Rip sawLagari na pamutol ayon sa hilatsa ng kahoy.
[illustration: keyhole saw]Keyhole sawUri ng lagari na ginagamit na pambutas nang pabilog.
[illustration: coping saw]Coping sawGinagamit sa pagputol ng kahoy na pakurba.
[illustration: back saw]Back sawAng lagaring ito ay mas maliit kaysa ibang lagari na may maliliit na ngipin at ginagamit ito sa mga kanto at sa pagdudugtong.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

LarawanPangalan ng KasangkapanGamit
G. Mga Pang-ipit
[illustration: C-clamp]C-clampIsang uri ng pang-ipit na mainam gamitin.
[illustration: vise (gato)]GatoPang-ipit sa kahoy at bakal.
H. Iba Pang Kasangkapan
[illustration: scissors]guntingGinagamit sa paggupit ng mga materyales tulad ng sinulid, himaymay, lata, tela, papel ayon sa uri nito.
[illustration: pipe wrench]liyabeGinagamit na pampaluwag o panghigpit sa mga dugtungang yari sa bakal.
[illustration: screwdrivers]destornilyadorGinagamit na pampahigpit o pampaluwag sa turnilyo.
[illustration: pliers]plaisPamputol ng alambre o kawad. Ginagamit ding panghawak, pantuwid, pambunot ng pako at turnilyo.

Pagyamanin

Gawain 1

Mga Hakbang sa Gawain

a. Kumuha ng isang kapiraso at malinis na bond paper, lapis at pangkulay. b. Gumuhit ng mga kagamitan o kasangkapang pang industriyang kahoy, metal at kawayan. c. Gumuhit lamang ng tig-iisang halimbawa sa bawat katangian. Halimbawa: sa pamukpok; isang kagamitan lang ang iyong iguhit at lagyan ito ng pangalan. d. Kulayan ang iyong ginawa upang maging maganda itong tingnan.

Pagtatasa 1

Panuto: Kilalanin kung saang kagamitan nabibilang ang bawat kasangkapan sa ibaba. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon.

pamukpok panghasa pamputol pang-ukit panukat pangkinis pang-ipit

  1. [illustration: saw] _____
  2. [illustration: plane (katam)] _____
  3. [illustration: oil stone] _____
  4. [illustration: zigzag rule] _____
  5. [illustration: vise (gato)] _____

Gawain 2

Panuto: Basahin at sundin ang sumusunod na mga hakbang.

[illustration: tool kit (plastic box) filled with saws, chisels, a square, scissors, and other hand tools]

  1. Tingnan ang larawan ng tool kit sa itaas.
  2. Alamin ang mga kagamitang nasa loob nito at ang gamit ng bawat isa. Tingnan natin kung ilang kagamitan ang iyong nalalaman.
  3. Kung hindi ka pamilyar sa kagamitang iyong nakikita maaari kang bumalik sa suriin o magtanong sa mga eksperto sa inyong lugar kung ano ang pangalan at gamit ng kasangkapang ito.
  4. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
Pagtatasa 2

Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang angkop na sagot sa loob ng kahon.

martilyo zigzag rule plais lagari paet

  1. Si Anton ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang. Sa kanilang klase mayroon silang pangkatang proyekto sa paggawa ng lampshade. Naatasan siyang magdala ng pamputol sa wire. Alin kaya sa itaas ang kaniyang dadalhin?
  2. Natapos na ni Mang Jose ang kaniyang nagawang kabinet. Gusto pa niya itong pagandahin sa pamamagitan ng paglilok ng disenyo. Tulungan mo si Mang Jose sa pagpili ng kanyang kasangkapang gagamitin. Ano-anong mga gamit ang iyong pipiliin?
  3. Isa si Eric sa pinakatanyag na tagagawa ng mesang kainan. Gusto niyang makuha nang wasto ang lapad at taas nito. Sa palagay mo, anong kagamitan kaya ang dapat niyang gamitin?
  4. Gumawa ng silya si Andoy at natapos na ito, pero napansin niyang masyadong mataas ang paa nito. Kaya kinuha niya ang _____ para putulin ang sobrang bahagi nito.
  5. Mainam na gagamitin ang _____ bilang pamukpok at pambaon sa pako at paet.
Gawain 3

Panuto: Alamin ang mga kagamitan at kasangkapang ginagamit sa gawaing pang-industriya.

PamukpokPanghasaPamutolPanukat
1.1.1.1.
2.2.2.2.
3.3.3.3.
Pagatatasa 3

Panuto: Sagutin ang mga tanong. (Ang mga mag-aaral ay malayang magbigay ng kanilang sagot o opinyon.)

Batay sa ating aralin, bakit kailangan nating piliin ang mga kagamitan at kasangkapang angkop sa anumang gagawing proyekto?

Isaisip

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang bawat kaisipan sa araling ito.

Sa pagsasagawa ng proyektong (1) _____, nararapat na pag-aralan ang mga (2) _____ at (3) _____. Ang kaalaman sa paggamit ng mga kagamitan ay lubos na makatutulong upang mapadali ang mga gawain.

Isagawa

Alamin ang iba’t ibang gamit sa inyong tahanan na may kinalaman sa paggawa ng mga produktong kahoy, kawayan o metal. Isa-isahin kung saan o paano ito ginagamit.

Tayahin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat sitwasyon o katanungan sa ibaba. Alamin kung ano ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

  1. Anong uri ng kagamitan ang ginagamit bilang pamutol ng pahalang sa hilatsa ng kahoy?
    a. Paet c. Katam
    b. Cross-cut Saw d. Plais


  2. Si Mang Juan ay may pakikinising kahoy, ano ang gagamitin niyang kagamitan?
    a. Hasaan c. Katam
    b. Liyabe d. Lagari


  3. May napansin si Kuya na may nakausling pako sa upuan, anong kagamitan ang kailangan niya para maayos ito?
    a. Lagari c. Paet
    b. Martilyo d. Barena


  4. Ang kikil at Oil Stone ay kagamitang _____.
    a. Panghasa c. Panukat
    b. Pamutol d. Pampakinis


  5. Anong kagamitan ang gagamitin kung may luluwagan o hihigpitan na turnilyo?
    a. Liyabe c. Martilyo
    b. Destornilyador d. Hasaan


  6. Si Maria ay may gugupitin na manila paper sa kanyang aralin, ano ang dapat niyang gamitin?
    a. Lagari c. Kikil
    b. Plais d. Gunting


  7. Ito ay ginagamit na pang-ukit at sa paggawa ng mga butas at hugpungan sa kahoy.
    a. Gunting c. Paet
    b. Lagari d. Destornilyador


  8. May tatanggalin si Eddie na gripo, anong kagamitan ang dapat niyang gamitin?
    a. Plais c. Liyabe
    b. Katam d. Maso


  9. Anong kagamitan ang gagamitin sa pagputol ng pakurba sa gawaing-kahoy?
    a. Zigzag Rule c. Brace
    b. Gunting d. Coping Saw


  10. Uri ng pang-ipit upang maiwasang gumalaw ang materyales na puputulin.
    a. C-Clamp c. Kikil
    b. Destornilyador d. Hasaan


Karagdagang Gawain

Panuto: Sumangguni sa isang tao na may kaalaman sa paggawa ng gawaing pang-industriya at tanungin kung paano nila pinahahalagahan ang mga kagamitan upang ito ay umabot nang pangmatagalan.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key on this page is printed rotated, with each box turned upside down relative to the heading; the boxes are transcribed below in the order they appear on the page]

Subukin
A
  1. eskwala
  2. katam
  3. rip saw
  4. coping saw
  5. zigzag rule
B
  1. c
  2. a
  3. b
  4. d
  5. c
Balikan
  1. Kawayan
  2. Metal
  3. Seramika
  4. Rattan
  5. Abaka
Isaisip
  1. Pang-industriya
  2. Kagamitan
  3. Kasangkapan
Tayahin
  1. b
  2. c
  3. b
  4. a
  5. b
  6. d
  7. c
  8. c
  9. d
  10. a
Pagyamanin
Pagtatasa 1
  1. pamputol
  2. pangkinis
  3. pangbhasa [?]
  4. panukat
  5. pang-ipit
Pagtatasa 2
  1. plais
  2. martilyo at paet
  3. zigzag rule
  4. lagari
  5. martilyo
Pagtatasa 3

Ang mga mag-aaral ay malayang magbigay ng kanilang sagot o opinyon.

Sanggunian

Curriculum Guide, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5, EPP5IA-Oa-2.1.1

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *