May mga iba’t ibang paraan sa pangangalaga ng kasuotan. Ang bawat paraan ay ginagawa upang mapanatili ang kagandahan at kapakinabangan ng damit sa loob ng mahabang panahon. Sa pagkatuto ng iba’t ibang paraan sa pangangalaga ng kasuotan, maaari kang lumaki na sanay sa mga gawain at makakatulong ka rin sa inyong mga magulang upang mapanatiling maayos ang inyong kasuotan.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Naiisa-isa ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang kasuotan
• Nakikilala ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang kasuotan tulad ng paglalaba, pamamalantsa, pagsusulsi, pagtatagpi, pag-aalis ng mantsa at pagtutupi.
• Natutukoy ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang kasuotan tulad ng paglalaba, pamamalantsa, pagsusulsi, pagtatagpi, pag-aalis ng mantsa at pagtutupi.
• Napapahalagahan ang pangangalaga sa sariling kasuotan.EPP5HE-0c-6
EPP5_HE_mod1_PangangalagaSaSarilingKasuotan_v2