Matagumpay ang araw-araw na pakikibaka sa buhay kung sa bawat pagkakataon at karanasan ay may natutunan ang tao. Bagaman ang karanasang ito ay limitado lamang kung hindi magawang makipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapuwa o sa lipunan.
Ang pakikipag-ugnayang ito ay nagsisimula sa sariling pamilya o tahanan na kung saan ay unang nalilinang ang mga pagpapahalagang nakatutulong sa pagkakaroon ng kakayahang makisalamuha sa iba. Gayun pa man ang mga pagpapahalagang natutunan sa pakikisalamuha ay nakatutulong sa ikauunlad ng sarili at pamilya.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Naisasagawa mo ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya. (EsP8PB-If-3.4)
esp8_q1_mod12_Angkop-na-Kilos-sa-Maunlad-na-Komunikasyong-Pampamilya_v2