Edukasyon sa 10 Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Isip (Intellect) at Kilosloob (Will)

Napag-aralan mo sa nakaraang modyul na ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestra. Ito ay nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay ng Diyos.

Sa modyul na ito, mauunawaan mo na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/ pagmamahal. Inaasahan din na ikaw ay makagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:

1. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. (EsP10MP-Ib1.3).

2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP -Ib-1.4)

EsP10-Q1-M2-Ang-Kapangyarihang-Ipinagkaloob-sa-Tao-Isip-Intellect-at-Kilos-loob-Will-Final-Copy-1

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment