Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa mga batang nasa ikatlong baitang. Ito ay magbibigay tulong sa iyo para madaling matutunan ang paglinang sa tekstura ng larawan gamit ang linya, tuldok at kulay.
Sa modyul na ito, ika’y mapapatnubayan sa pamamagitan ng mga angkop na mga gawain upang epektibong maipamalas ang likhang sining gamit ang mga kasanayan sa paggamit ng linya, tuldok at kulay.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
- natatalakay ang tekstura ng larawan gamit ang mga elementong linya, tuldok at kulay ;
- nakaguguhit ng mga larawan gamit ang mga kasanayan sa paglinang sa tekstura ng larawan ; at
- napahahalagahan ang mga kasanayan sa paggamit ng linya, tuldok at kulay sa paggawa ng larawan (A3PL-Ic).