Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang mga mahahalagang datos tungkol sa impluwensiya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon. Ang kaalaman mo sa kaisipang lumaganap ay mabisang hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang mga naging impluwensiya sa Gitnang Panahon.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.
May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panahon na nahahati sa sumusunod na paksa:
- Paksa 1- Pag-usbong ng Sibilisasyon sa Gitnang Panahon
- Paksa 2- Ang Simbahang Katoliko sa Gitnang Panahon
- Paksa 3- Ang Holy Roman Empire
- Paksa 4- Ang Koronasyon ni Pope Leo III kay Charlemagne
- Paksa 5- Epekto ng Krusada
- Paksa 6- Ang Piyudalismo
- Paksa 7- Ang Sistemang Manoryalismo
- Paksa 8- Paglago ng Bayan at Lungsod
Pamantayang Pangnilalaman
- Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
Pamantayan sa Pagganap
- Ang mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
- Natataya ang impluwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
- nakapagtatalakay sa mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon;
- nakapagtataya ng impluwensiya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon; at
- nakapaghahambing sa iba’t ibang impluwensiya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon.