Matutuklasan sa modyul na ito ang mga konsepto ng paghahating heograpiko ng Asya. Ating suriin ang mga katangi-tanging bagay tungkol sa heograpiya at kultura ng mga taong naninirahan dito.
Mga Aralin at Saklaw ng Yunit
Aralin 1 – Konsepto ng paghahating heograpiko ng Asya
Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Heograpiya;
2. Naitatala ang mga saklaw ng pag-aaral ng Heograpiya;
3. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, at Hilagang Asya; at
4. Naiisa-isa ang mga bansang kabilang sa bawat rehiyon sa Asya.
Pamantayang Pangnilalaman
- Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagganap
- Ang mag-aaral ay malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.
“Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto”
- Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating – heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya (AP7HAS-Ia-1.1)