This is the self-learning module for Araling Panlipunan 5, Quarter 1, Module 1: “Kaugnayan ng Lokasyon sa Paghubog ng Kasaysayan” (how location is connected to the shaping of history). It is for Grade 5 learners studying at home or in class, and for the parents and teachers who guide them. After the module, learners should be able to explain how the location of the Philippines helped shape its history.
What learners will learn
The module builds on Grade 4, where learners studied national identity and each region’s contribution to Filipino culture and national progress. In Grade 5, learners see why geography matters when studying history. Location affects many parts of a country’s past and future: its culture, government, religion, arts, and economy.
By the end of the module, learners are expected to:
- Explain the connection between location and the shaping of history (“makapagpapaliwanag sa kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng kasaysayan”)
Where the Philippines is
The lesson’s “Suriin” (analyze) section describes the country’s location:
- Region: The Philippines is in Southeast Asia (Timog-Silangang Asya).
- Absolute location: It lies between latitudes 4°23′ and 21°25′ North and between longitudes 116°00′ and 127°00′ East.
- Archipelago (arkipelago): It is made up of large and small islands surrounded by water. It has more than 7,641 islands, grouped into three main island groups: Luzon, Visayas, and Mindanao.
- Surrounding waters: The Philippine Sea and Pacific Ocean to the east, the Celebes Sea to the south, the South China Sea (also called the West Philippine Sea) to the west, and the Bashi Channel in the Luzon Strait to the north.
How location shaped Philippine history
The module calls the country’s location strategic (estratehiko). It explains its effects one period at a time.
| Topic | What the module says |
|---|---|
| Early migration | Being near mainland Asia made it easy for early peoples such as the Negritos, Indones, and Malay to migrate to the islands. |
| Trade | The location helped trade grow with neighbors such as China, India, Japan, and Saudi Arabia. Ships from many parts of the world passed by, so the country became a center for distributing goods from Southeast Asia. |
| The Spanish | The Philippines is near the Spice Islands, or Moluccas, which Europeans were searching for spices. This led to the arrival of the Spanish. Spain colonized the country and introduced Christianity, especially the Catholic faith, which replaced earlier pagan beliefs. |
| The Americans | The Americans colonized the country and built military bases (base militar) for defense against attacks from the east. They used the bases for training and for storing war equipment (arsenal). The Philippines supplied raw materials to America in exchange for protection as an ally. |
| The Japanese | The Japanese occupied the country because its strategic location would help them build an empire (imperyo) in Asia and beyond. |
| Transport and culture | The country became a center of communication, transportation, and livelihood, where ships and planes stopped before going on to other parts of Asia and to Australia. It is also described as a meeting place of Western and Eastern cultures. |
Parts of the module
- Subukin (pretest): 10 multiple-choice questions on location and its effects on history.
- Balikan (review): 5 true-or-false items on the Philippines as a nation.
- Tuklasin (explore): Gawain A uses a map and compass to find the direction of the Philippine Sea, Luzon Strait, Celebes Sea, South China Sea, and Moluccas from the Philippines. Gawain B has 5 true-or-false statements.
- Suriin: the main reading on location and history.
- Pagyamanin (enrichment): a “Loop a Word” word-search puzzle.
- Isaisip (remember): a fill-in-the-blanks summary using a word box.
- Isagawa (apply): 5 true-or-false statements.
- Tayahin (assessment): Gawain A matches causes and effects (sanhi at bunga). Gawain B asks learners to mark statements with a check or an x.
- Karagdagang Gawain (additional activity): a short paragraph answering “How did the strategic location of the Philippines help shape our history?” It is graded with a rubric on content, presentation, and organization.
- Susi sa Pagwawasto: the answer key for all activities, with a sample answer for the paragraph.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest to see what you already know. Then go through the parts in order. Do not write on the module; answer on a separate sheet or in your notebook. Check your work with the answer key only after you answer, and be honest when you use it. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: The module is designed for home study. Help your child follow the directions of each activity, and help with the map in Tuklasin, where a compass and the direction legend are needed.
- Teachers: Use the pretest results to see which learners need extra help. The rubric in Karagdagang Gawain gives a ready guide for scoring the written output.
This first edition (2020) was developed by DepEd Region VIII under the Alternative Delivery Mode.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?
It is for Grade 5 (Ikalimang Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1.
What is the absolute location of the Philippines according to the module?
The Philippines lies between latitudes 4°23′ and 21°25′ North and longitudes 116°00′ and 127°00′ East, in Southeast Asia.
Why is the Philippines called an archipelago?
It is made up of large and small islands surrounded by water. The module says it has more than 7,641 islands, grouped into Luzon, Visayas, and Mindanao.
How did location lead to the arrival of the Spanish?
The Philippines is near the Spice Islands, or Moluccas, which Europeans were searching for spices. This search led the Spanish to the country.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto has answers for every activity and a sample answer for the paragraph in Karagdagang Gawain.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Kaugnayan ng Lokasyon sa Paghubog ng Kasaysayan
5
[illustration: students reading, studying, and holding a globe, with a lamp and a child writing]
CO_Q1_AP5_Modyul1
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Kaugnayan ng Lokasyon sa Paghubog ng Kasaysayan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Edmund I. Tupas
Editor: Edna C. Malasaga, Ronald Llaneta, Ramil P. Bingco, at Rosemarie M. Guino
Tagasuri: Engelyn P. Achacoso, Marisa G. Martillo, Arlene S. De Paz, at Rosemarie M. Guino
Tagalapat: Richie C. Blasabas
Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Genis S. Murallos Francis Angelo S. Gelera Rosemary S. Achacoso Mario R. Orais Roel C. Tugas Regel C. Mullet Wilberto M. Peligro
Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________
Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Kaugnayan ng Lokasyon sa Paghubog ng Kasaysayan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikalimang Baitang!
Noong nasa Ika-apat na Baitang ka napag-aralan mo ang pagpapahalaga sa pambansang pagkakakilanlan at ang mga kontribusyon ng bawat rehiyon sa paghubog ng kulturang Pilipino at pambansang pag-unlad gamit ang mga kasanayan sa heograpiya, pag-unawa sa kultura at kabuhayan, pakikilahok sa pamamahala at pagpapahalaga sa mga mithiin ng bansang Pilipinas.
Sa modyul na ito ay mauunawaan mo ang kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan sapagkat may kinalaman ito sa paghubog ng kasaysayan at kabihasnan sa iba’t ibang aspeto ng kultura, pamahalaan, relihiyon, sining, ekonomiya, at maging ang hinaharap ng mga tao at bansa sa daigdig.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagpapaliwanag sa kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng kasaysayan.
Subukin
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.
Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?
A. Silangang Asya
B. Hilagang Asya
C. Kanlurang Asya
D. Timog Silangang AsyaAlin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?
A. 4°23′ at 21°25′ hilagang latitud at 116°00 at 127°00 silangang longhitud
B. 2°43′ at 25°31′ hilagang latitud at 161°00 at 172°12 silangang longhitud
C. 1°32′ at 15°21′ hilagang latitud at 131°00 at 151°10 silangang longhitud
D. 3°23′ at 20°29′ hilagang latitud at 121°14 at 148°25silangang longhitudBakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?
A. Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
B. Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.
C. Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.
D. Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng tubig o dagat.Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?
A. Karagatang Indian
B. Karagatang Atlantiko
C. Karagatang Pasipiko
D. Karagatang ArktikoAng mga sumusunod ay mga bansang nakipagkalakalan sa bansa MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. India
B. Indonesia
C. Saudi Arabia
D. TsinaAnong isla ang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan ang Pilipinas?
A. Kiribati
B. Micronesia
C. Moluccas
D. PalauMga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila.
A. base militar
B. opisina
C. paaralan
D. palaruanBilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang iniwan sa Pilipinas?
A. edukasyon
B. ekonomiya
C. relihiyon
D. sandatahang lakasAng mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng kasaysayan MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa
B. napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutubo
C. naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na mga karatig bansa nito.
D. nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong lugar ng PilipinasBakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?
A. para maging sikat ang isang bansa
B. para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
C. para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa
D. para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura, ekonomiya, pamahalaan at relihiyon ng isang bansa.
Aralin 1 Kaugnayan ng Lokasyon sa Paghubog ng Kasaysayan
Napakahalagang malaman natin ang lokasyon ng isang bansa o lugar para maunawaan kung paano nahubog ang nakaraan o kasaysayan at mas lalo pa nating mapahalagahan ang kasalukuyan.
Balikan
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ang Pilipinas ay isang bansa.
- Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.
- Ang Asya ang pinakamalaking kalupaan o lupalop sa buong daigdig.
- Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para maging isang ganap na bansa.
- Ang Pilipinas ay tinatawag na Perlas ng Silangan.
Tuklasin
Gawain A.
Panuto: Gamit ang compass at mapa sa ibaba, hanapin at bilugan ang isla at mga dagat o karagatang matatagpuan sa iba’t ibang direksyon ng Pilipinas. Isulat kung saang direksyon mula sa Pilipinas ito matatagpuan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
[chart: map with compass rose; Gawain A. map of Southeast Asia and surrounding waters]
Labels printed on the map include: CHINA, JAPAN, Taiwan, INDIA, BURMA, THAILAND, LAOS, VIETNAM, CAMBODIA, MALAYSIA, BRUNEI, INDONESIA, AUSTRALIA, PHILIPPINES, Manila, Luzon, Mindanao, Palau, Taiwan, Philippine Sea, South China Sea, Celebes Sea, Java Sea, Indian Ocean, Pacific Ocean, Arafura Sea, Banda Sea, Timor Sea, EAST TIMOR, Moluccas, Paracel Islands, Spratly Islands, Bonin Islands, Volcano Islands, Fed. States of Micronesia, Gulf of Carpentaria. transcriber’s note: not every small map label is transcribed; only the labels legible at this resolution are listed.
Source: “Southeast Asia. 2003. – PICRYL Public Domain Search”. PICRYL. https://picryl.com/media/southeast-asia-2.
Legend: H- Hilaga HS- Hilagang Silangan S-Silangan TS- Timog Silangan T- Timog TK- Timog Kanluran K- Kanluran HK- Hilagang Kanluran
| Isla/Dagat o Karagatan | Direksyon mula sa Pilipinas |
|---|---|
| Halimbawa: Taiwan | Hilaga |
| 1. Dagat Pilipinas o Philippine Sea | |
| 2. Kipot ng Luzon o Luzon Strait | |
| 3. Dagat Celebes o Celebes Sea | |
| 4. Dagat Timog Tsina o South China Sea | |
| 5. Moluccas |
Gawain B.
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang bawat pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI naman kung hindi nagsasaad ng katotohanan.
_______________ 1. Dahil sa estratehikong lokasyon ng Pilipinas, malaki ang naitulong nito sa paghubog ng kasaysayan ng Pilipinas maging ng buong mundo.
_______________ 2. Naging madali ang migrasyon ng mga katutubo dahil malapit lang ang Pilipinas sa kalupaang Asya.
_______________ 3. Dahil sa Spice Island o Moluccas na hinahanap ng mga Europeo, natuklasan nila ang ating bansa.
_______________ 4. Natuklasan ng mga Amerikano ang magandang lokasyon ng bansa kaya sinakop tayo at nagtayo ng mga base militar dito.
_______________ 5. Ginamit ng Hapones ang magandang lugar ng Pilipinas para paghandaan ang kanilang pagtatayo ng imperyo sa Asya maging sa buong mundo.
Suriin
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Ito ay nasa pagitan ng mga latitud 4°23’ at 21°25’ sa Hilaga at sa pagitan ng mga longhitud 116°00’ at 127°00’ sa Silangan. Tinatawag itong arkipelago dahil ito’y binubuo ng mga malalaki at maliliit na pulo at napapalibutan ng tubig o karagatan. Makikita sa silangang bahagi ang Philippine Sea at Karagatang Pasipiko, Dagat Celebes sa timog, Timog Dagat Tsina o tinatawag ding Kanlurang Dagat ng Pilipinas sa kanluran at ang Bashi Channel sa Kipot ng Luzon sa Hilaga. Tinatayang may mahigit sa 7,641 mga pulo ang Pilipinas at nahahati ito sa tatlong pangunahing mga pulo ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
Napakahalaga ang lokasyon ng Pilipinas bilang isang bansa. Ang estratehikong lokasyon nito ay may malaking kinalaman sa paghubog ng kasaysayan. Malapit ang Pilipinas sa kalupaang Asya kaya napadali ang migrasyon ng mga katutubong Negritos, Indones at Malay at iba pang pinaniniwalaang mga unang taong nanirahan sa bansa. Ang lokasyon ng Pilipinas ay naging bentahe sa mabilis na pag-unlad ng kalakalan sa mga kalapit-bansa nito gaya ng China, India, Japan, at Saudi Arabia. Ang Pilipinas ang naging sentro ng pamamahagi ng iba’t ibang produkto mula sa Timog-Silangang Asya dahil daanan ito ng mga sasakyang pandagat buhat sa maraming panig ng mundo. Bunga nito, umunlad din ang ekonomiya ng bansa pati na rin ang kultura nito. Malapit ang Pilipinas sa islang tinatawag na Spice Islands o Moluccas na hinahanap ng mga Europeo para kumuha ng mga rekado o pampalasa. Ito ay nagbigay-daan sa pagdating ng mga Espanyol sa bansa. Dahil dito, nagka interes ang mga Europeo lalo na ang Espanya sa pagsakop ng Pilipinas at nabago ang ating paniniwala mula sa pagiging pagano ay ipinakilala ang relihiyong Kristiyanismo partikular ang paniniwalang Katoliko.
Hindi lang Espanya ang nakinabang sa magandang lokasyon ng ating bansa. Maging ang bansang Amerika ay may malaki ring ambag sa paghubog ng ating kasaysayan dahil sa ating lokasyon sa mapa. Sinakop tayo ng mga Amerikano at nagtayo sila ng mga pangkaligtasang base militar laban sa pagsalakay ng mga bansa sa silangan. Ginamit ng mga Amerikano ang mga base militar bilang arsenal o imbakan ng mga kagamitang pandigma at dito rin ay nagsasanay sila. Ang Pilipinas ay naging taga tustos o ang suplayer ng mga hilaw na materyal ng bansang Amerika kapalit ang proteksyon o pagiging alyado natin sa kanila.
Naging malaki rin ang impluwensya ng lokasyon ng Pilipinas noong panahon ng mga Hapones. Dahil sa estratehikong lugar ng Pilipinas ay sinakop din nila tayo para mapadali ang kanilang pagtatag ng emperyo sa buong Asya o saan mang bahagi ng daigdig. Ang estratehikong lokasyon ng Pilipinas ay naging batayan para maging sentro ng komunikasyon at transportasyon at mga gawaing pangkabuhayan ang Pilipinas. May mga barko at eroplano ang tumitigil muna sa Pilipinas bago magpatuloy sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Asya maging sa Australya.
Sa aspektong kultural ay sinasabing ang Pilipinas ay sentro ng pinaghalong kultura ng mga bansang kanluran at silangan. Nakasalamuha ng ating mga ninuno ang iba’t ibang bansa sa Asya at ibang mga kontinente dala ang mayamang kaugalian, industriya, edukasyon at iba pa. Malaki ang papel na ginampanan ng lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng ating kasaysayan at ang patuloy na pag-usbong ng lahing Pilipino.
Pagyamanin
Panuto: Maglaro ng Loop a Word: Bilugan sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.
| W | E | R | T | Y | U | I | O | P | A | S |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| J | K | L | Q | W | S | E | R | T | Y | U |
| F | G | H | K | A | T | O | L | I | K | O |
| Z | X | C | V | B | R | N | M | A | S | D |
| R | W | E | R | T | A | Y | U | I | O | P |
| H | S | D | F | G | T | H | J | K | L | Q |
| A | R | K | I | P | E | L | A | G | O | Y |
| P | W | Q | O | J | H | D | M | E | R | S |
| O | D | E | P | K | I | F | E | R | S | Y |
| N | S | W | A | L | K | G | R | T | T | U |
| S | G | R | S | Z | O | H | I | Y | Y | I |
| F | T | T | D | X | N | J | K | R | U | O |
| G | Y | Y | F | C | M | K | A | A | I | U |
| H | U | U | G | V | Q | L | A | S | O | W |
| J | I | I | H | B | W | N | S | T | E | V |
- Anyong lupa na binubuo ng mga malalaki at maliliit na pulo at napapalibutan ng tubig.
- Ang islang hinahanap ng mga Europeo na naging daan sa pagkakatuklas sa ating bansa.
- Tawag sa magandang lokasyon ng Pilipinas kaya naging tagpuan ito ng kulturang Kanluranin at Silangan.
- Bansang nagtatag ng mga base militar sa Pilipinas
- Ang bansa ang nagbalak magtayo ng imperyo sa Asya kaya sinakop nito ang Pilipinas.
Isaisip
Panuto: Punan ng salita ang bawat patlang para mabuo ang kaisipan ng araling ito. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot.
kultural estratehikong kalakalan imperyo
Hapon base militar Amerika Kristiyanismo
Espanyol Spice Islands o Moluccas sentro
Ang (1) _______________ lokasyon nito ay may malaking kinalaman sa paghubog ng kasaysayan. Malapit ang Pilipinas sa kalupaang Asya kaya napadali ang migrasyon ng mga katutubong Negritos, Indones at Malay at iba pang pinaniniwalaang mga unang taong nanirahan sa bansa. Madaling naitatag ang (2) _______________sa mga kalapit bansa tulad ng Tsina, Indian, Hapones, at Arabe. Malaki ang naging pakinabang sa pag-unlad ng ekonomiya at kultura ng mga Pilipino.
Naging (3) _______________ ito ng pamamahagi ng iba’t ibang produkto mula sa Timog-Silangang Asya at ng mundo dahil daanan ang Pilipinas ng mga sasakyang pandagat ng iba’t ibang bansa. Malapit ang Pilipinas islang tinatawag na (4) _______________ na hinahanap ng mga Europeo para kumuha ng mga rekado o pampalasa, ito ay nagbigay-daan sa pagdating ng mga (5) _______________ sa bansa. Dahil dito, nagka interes ang mga Europeo lalo na ang Espanya sa pagsakop ng Pilipinas at nabago ang ating paniniwala mula sa pagiging pagano ay ipinakilala ang relihiyong (6) _______________ partikular ang paniniwalang Katoliko.
Hindi lang Espanya ang nakinabang sa magandang lokasyon ng ating bansa. Maging ang bansang Amerika ay may malaki ring ambag sa paghubog ng ating kasaysayan dahil sa ating lokasyon sa mapa. Sinakop tayo ng (7) _______________ at nagtayo sila ng mga pangkaligtasang base militar laban sa pagsalakay ng mga bansa sa silangan. Ginamit ng mga Amerikano ang mga (8) _______________ bilang arsenal o imbakan ng mga kagamitang pandigma at dito rin ay nagsasanay sila. Ang Pilipinas ay naging taga tustos o ang suplayer ng mga hilaw na materyal ng bansang Amerika kapalit ang proteksyon o pagiging alyado natin sa kanila.
Naging malaki rin ang impluwensya ng lokasyon ng Pilipinas noong panahon ng mga Hapones. Dahil sa estratehikong lugar ng Pilipinas ay sinakop din nila tayo para mapadali ang kanilang pagtatag ng (9)_____________ sa buong Asya o saan mang parti ng lupalop sa daigdig. Ang estratehikong lokasyon ng Pilipinas ay naging batayan para maging sentro ng komunikasyon at transportasyon at mga gawaing pangkabuhayan ang Pilipinas. May mga barko at eroplano ang tumitigil muna sa Pilipinas bago magpatuloy sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Asya maging sa Australya.
Sa aspektong (10) _______________ ay sinasabing ang Pilipinas ay sentro ng pinaghalong kultura ng mga bansang kanluran at silangan. Nakasalamuha ng ating mga ninuno ang iba’t ibang bansa sa Asya at ibang mga kontinente dala ang mayamang kaugalian, industriya, edukasyon at iba pa. Malaki ang papel na ginampanan ng lokasyon ng Pilipinas
Isagawa
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ito’y nagpapaliwanag sa lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan at MALI kung hindi ito nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Kabilang ang bansang Pilipinas sa rehiyon ng Silangang Asya.
Nasa 4°23’ at 21°25’ hilagang latitud at 116°00 at 127°00 silangang ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa.
Tinatawag na arkipelago ang Pilipinas dahil ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng kabundukan.
Maraming mga karatig bansa ang nakipagkalakalan sa Pilipinas noong unang panahon.
Ang islang Spice Islands o Moluccas ang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan ang Pilipinas.
Tayahin
Gawain A.
Panuto: Sanhi at Bunga: Pagparisin ang mga magkakaugnay na mga pahayag para maipaliwanag kung paano ang lokasyon ng bansa ay may kinalaman sa paghubog ng ating kasaysayan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong kuwaderno.
| SANHI | BUNGA |
|---|---|
| 1. Estratehikong lokasyon ng Pilipinas | A. Naging malaya ang Pilipinas sa mga dayuhan |
| 2. Paghahanap ng Isla ng Moluccas | B. Naging sentro at tagpuan ang Pilipinas ng kultura, ekonomiya at iba pa ng mga bansang Kanluranin |
| 3. Pananakop ng mga Espanyol | C. Napalitan ang paniniwalang pagano patungong Kristiyano o Katoliko |
| 4. Pananakop ng mga Amerikano | D. Nagtatag ng mga base militar at naging suplayer ang Pilipinas ng mga hilaw na materyal |
| 5. Pananakop ng mga Hapones | E. Pinaghahandaan nila ang pagtatag ng imperyo sa Asya at sa buong mundo |
| F. Nadiskubre ang Pilipinas ng mga Europeo |
Gawain B.
Panuto: Lagyan ng (✓) kung itoy nagpapaliwanag sa lokasyon ng Pilipinas at paghubog ng ating kasaysayan ang pahayag at (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Nagtayo ng mga istrukturang base militar ang mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila.
Ang edukasyon ang naging pinakamalaking pamana ng Espanya sa Pilipinas.
Bukod sa kultura, naging sentro din ang Pilipinas sa komunikasyon, transportasyon, at kalakalan sa Asya.
Naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na mga karatig bansa nito dahil sa estratehikong lokasyon nito sa Asya.
Mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura, ekonomiya, at pamahalaan.
Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. Gawing gabay ang rubrik sa pagsagot para makakuha ng mataas na marka.
Paano nakatulong ang estratehikong lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng ating kasaysayan?
Rubrik sa Pagsulat ng Talata
| Kraytirya | Napakahusay (4) | Mahusay (3) | Nalilinang (2) | Nagsisimula (1) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Kumpleto at komprehensibo ang nilalaman at wasto ang lahat ng impormasyon | Kumpleto ang nilalaman at wasto ang lahat ng impormasyon | May ilang kulang sa nilalaman at may ilang mali sa impormasyon | Maraming kulang at mali sa nilalaman at impormasyon |
| Presentasyon | Malikhaing nailahad ang nilalaman at maayos ang daloy | Maayos na nailahad at naunawaan ang nilalaman | Hindi gaanong maayos na nailahad ang impormasyon | Hindi maayos na nailahad at hindi naunawaan ang nilalaman |
| Organisasyon | Organisado at malinaw ang nilalaman ng ideya | Organisado at malinaw, ang nilalaman ng ideya | Organisado na ideya pero may bahaging di gaanong malinaw | Hindi organisado ang ideya at marami ang bahagi na hindi malinaw ang paglalahad |
| Kabuuan |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the sections are transcribed in the order of the module’s answer key]
Subukin
- D
- A
- D
- C
- B
- C
- A
- C
- C
- D
Balikan
- T
- M
- T
- M
- T
Tuklasin
A
- Silangan
- Hilaga
- Timog
- Kanluran
- Timog
B
- Tama
- Tama
- Tama
- Tama
- Tama
Isagawa
- Mali
- Tama
- Mali
- Tama
- Tama
Tayahin
A
- B
- F
- C
- D
- E
B
- √
- X
- √
- X
- √
Pagyamanin
- Arkipelago
- Moluccas
- estratehiko
- Amerika
- Hapones
Isaisip
- estratehiko
- kalakalan
- sentro
- Moluccas
- Espanyol
- Kristiyanismo
- Amerika
- base militar
- imperyo
- kultural
Karagdagang Gawain
Malaki ang naitulong ng estratehikong lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng ating kasaysayan. Dahil sa lokasyon natin, naging madali ang paglipat ng mga sinaunang tao papuntang Pilipinas. Naging sentro ito ng kalakalan at negosyo na naging daan sa pagkakaroon ng [?] Europeo diskubre ng mga [?] naging kontribusyon ng bawat mananakop ng bansa. Sinakop tayo at malaki ang [?] Ang mga Espanyol ay ipinakilala ang paniniwalang Katoliko samantalang ang Amerika ay nagtayo ng mga base militar para sa kanilang paghahanda sa pananakop sa silangan. Ang mga Hapones ay nakaisip ding gamitin ang Pilipinas para sa kanilang paghahanda ng pagpapalawak ng imperyo sa Asya o ng daigdig.
Sanggunian
Asia., Southeast. 2003. “Southeast Asia. – PICRYL Public Domain Search”. PICRYL. https://picryl.com/media/southeast-asia-2.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply